Once in a lifetime

By supersaira

71.6K 1.8K 645

JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun g... More

Characters
PROLOGUE
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Epilogue
Bonus Chapter
New Story

Kabanata XXXVI

1.1K 35 20
By supersaira

Dedicated to Micro13


Justine

Kahapon din ay sinuyo na ko ni Craye habang nag lalunch kami, hindi ko naman na sya matitiis pa kaya sumuko na din ako. Miss ko na din kasi yung hugs and kisses nya, yung panlalambing nya sa akin.

Ngayon andito kaming lahat sa Lab room para pagplanuhan kung anu bang magandang gawin namin para kay Kylie, hindi naman kami ganon kasama para na lang sabihin nang hindi maayos sa kanya dahil naging mabuting kaibigan din naman sya sa amin, kahit sa akin.

Eto yung oras na kailangan na namin ipaalam sa kanya para maging okay na din kami ni Craye, at masabi na din lahat nang katotohanan kay Kylie.

"Guy's, ako na lang unang magsasalita in a good way kay Kylie." Volunteer ni Angel habang nangangain ito nang baon nyang yogurt.

"Kinakabahan ako kasi baka ang dating natin is tinolerate natin yung dalawa porke kaibigan natin." Sabat naman ni Mon

"Yun na talaga yung magiging dating non sa kanya." Sagot ni Sally

"Pero mahal naman talaga namin ni Justine ang isa't isa." Sabi ni Craye tyaka ito tumayo at lumapit sakin

"Lahat nang negative na sasabihin nya ay tatanggapin na lang natin, lalo kana Justine. Isa ka sa nag push sa kanya na mapalapit sya kay Craye pero ikaw yung naging dahilan nang lahat nang ito." Bilin sakin ni Mon na halatang bothered din sa mangyayari.

"Tsk! Kayo yung may pakana nito pero yung best friend ko na naman yung argabyado." Naiinis na sabat ni Maice sa kanila

"Maice, it's okay. Para maayos na natin to." Sabi ko kay Maice

"Maice, relax ka lang. Hindi naman natin hahayaan na ganon na lang si Justine." Assurance naman ni Angel kay Maice

"Ako naman talaga dapat ang mag explain nang lahat pero nadadamay pa kayo." Sabi ni Craye, medyo nahihiya sya sa mangyayari

"Isa din naman tayo sa nag push kay Kylie para kay Craye, but beyond the story nasasaktan na pala natin yung mga kaibigan natin na ayaw aminin ang feelings sa isa't isa kaya tayo umabot dito." Komento ni Gianne habang nakaupo sa floor katabi si Sandy

"Guy's, sa gagawin natin ay ang sakit nito para kay Kylie." Sabi ni Sandy na halata mong kabado din

Narinig namin ang pag-click nang pinto, lahat kami ay hindi namin inaasahan na mangyayari ito. Pumasok si Kylie habang pumapalakpak pero kitang kita sa mga mata nito yung sakit na nararamdaman nya, kahit ako'y ramdam kong gusto nya nang umiyak ngunit nakangiti lang ito na may halong ngisi.

Lahat kami ay hindi preperado sa eksena. Lahat kami ay tahimik lang, isang malakas na pagtawa ni Kylie ang tanging narinig namin, si Gianne at Sandy ay napatayo sa pwesto nila, si Angel ay naibagsak pa ang spoon na hawak nya.

Si Craye ay nanatiling kalmado pero nung hawakan ko ang kamay nya, malamig ito at ako, hindi ko alam. Naramdaman kong lumapit si Maice sa akin.

"Magaling! Magkakaibigan nga kayo." Sabi ni Kylie habang tinitingnan kami isa isa. "Kaya nyong itolerate ang mali nang bawat isa. Wow! Hindi ko kayo tinuring na iba, ginawa ko lahat para makisama sa inyo kasi kaibigan kayo nang taong mahal ko." Dagdag nya pa tyaka nya pinunasan yung mga luha na pumatak sa mga mata nya.

"Kylie." Mahinahon na pagtawag ko sa kanya.

"Manahimik ka Justine!" Matalim na tingin ang pinukaw nya sakin "ang kapal nang mukha mo, tinuring kitang malapit na kaibigan pero ganito ang igaganti mo sakin? Sayo ko sinabi lahat kung gaano ko kagusto yung kaibigan mo na mahal mo din pala. Gago ka! Bakit mo pa ko pinush sa kanya? Bakit mo pa ko nireto sa kanya? Bakit mo ko binigyan nang pag-asa? Tapos kukunin mo din pala?" Sigaw sakin ni Kylie habang umiiyak at nasasaktan.

Wala akong masabi sa sinabi nya patungkol sa akin dahil ang lahat naman nang yon ay totoo.

"Nung nakita ko sa basurahan yung cinnamon roll na bigay ko sayo, sabi ko sa sarili ko may iba nang nangyayari kaya sinundan ko kayo. Justine bakit? Nalaman ko pa doon na humingi ka nang favor kay Craye na kunin yung notebook ni Maice sa lib para ano? Maiwasan ako ni Craye, para hindi kami magkatagpo? Nung nagtagpo kami, hinintay mo pang matapos usapan namin kahit urgent yung ssc meeting natin? Alam mo kung anong mas nakakatawa pa? Gagawin mo talaga ang lahat wag nya lang akong makasama pero malas ka, nakasama pa din ako sa lunch na yon na hinanda mo kasi wala si Gianne. Pero ang sakit din palang malaman na yung tinuring kong kaibigan, tinuring akong kalaban." Mahabang litanya ni Kylie, sobrang sakit sa akin nang mga sinasabi nya.

"Justine, wala akong kasalanan sayo ang kasalanan ko lang ay mahalin din yung taong mahal mo na hindi ko naman alam, lahat kasi akala mo kaya mong paikutin, pero magaling ka dahil napaikot mo kaming lahat. Ginamit mo pa si Lance para pagselosin si Craye, akala ko lahat nang kabaitan na ginawa mo sakin totoo pero may purpose pala. Napaka selfish mo, hindi ka marunong lumaban nang patas. Kaya nung mga oras na ako na yung nagwawagi dahil sa mga kaibigan mo." Tumingin pa si Kylie sa kanila bago ibinalik ang tingin sakin "Sila mismo ay boto sakin para kay Craye, pero dahil ipit kana sa sitwasyon at alam mong matatalo na kita tyaka ka nagmakaawa kay Craye, tyaka ka umamin na mahal mo sya. Putang*na Justine, para kang asong ulol na naghahabol sa kanya. Pati pride mo binaba mo na, Pero nung nagigisa kana sa sarili mong mantika yun lang yung nakita mong way, Ikaw ang pumulot nang bato na ipupukpok sa ulo mo. Nakakatakot ka mag mahal, hindi mo alam obsessed ka na!"

Hindi ko kinaya ang mga salita galing sa kanya, kaya tumulo na lang ang luha ko. Pero hindi ehh sobrang sakit nya magsalita at andito na din naman kami magkaharap.

"Anong alam mo sa pagmamahal ko para kwestyonin yon? Kylie wala kang alam." Sabat ko sa kanya tyaka ko pinunasan ang luha ko

"Kylie tama na." Narinig kong sabi ni Craye sa tabi ko

"Manahimik ka Craye, bakit Justine pinaikot mo lang naman talaga si Craye diba? Lahat naman nang nangyayari puro pakana mo, akala mo destiny pero ano? Planado mo, plinano mo. Maswerte ka dahil nagkataon na mahal ka din ni Craye, pero kung hindi nakawawa ka. Muka kang asong ulol na habol nang habol sa kanya, bigyan mo naman nang kahit konting pride yung sarili mo." Patuloy na litanya ni Kylie pero nanatili pa rin syang matatag.

"Kylie, please pagusapan naman natin to nang maayos hindi yung ganito." Singit ni Angel

"At kayong lahat! Bakit nyo pa ko dinamay? Kasi ang sakit sakit sakin na akala ko boto kayo sakin pero dinadaya nyo lang pala ako." Sabi ni Kylie habang naiyak, medyo huminahon sya kaya yinakap sya ni Angel.

"Kylie, sorry kung nasasaktan kita. Sorry kung hindi ko kayang tumbasan yung pagmamahal mo." Sabi ni Craye kay Kylie pero halata mong malungkot ito

Nakita ko na nagbago yung expression ni Kylie at bigla itong naging malamig.

"Kayong lahat, sobrang sakit nang ginawa nyo sakin kasi ginawa nyo kong tanga. At Ikaw Justine, tandaan mo! Hindi pa tayo tapos." Pagkasabi non ni Kylie ay umalis na ito.

"Justine." Narinig kong tawag ni Craye sakin

"No Craye! Hindi deserve nang best friend ko ang lahat nang sinabi nang putang*nang yon! Sino sya para sabihan nang ganon si Justine? Wala syang karapatan." Sabi ni Maice kay Craye, humarap ito sa akin tyaka pinunasan yung mga luha na pumapatak sa mga mata ko. "Tara na, ilalayo na muna kita dito. Hindi ko kayang panoorin ka na binabastos lang nang babaing yun sa harapan ko." Sabi ni Maice at naiyak na din ito dahil sa nangyari samin kaya hinigit nya na ko palabas. Pero bago sya lumabas may sinabi pa sya

"Kung kaya ni Craye na ginagago ka ni Kylie sa harapan nya, pwes ako hindi ko kaya. Hindi ka manlang nya naipagtanggol, yun lang yung iniintay ko kanina na ipagtanggol ka nya but I'm very disappointed." Sabi ni Maice tyaka kami tuluyang lumabas.

Tumigil kami ni Maice sa harap nang kotse nya tyaka nya ko pinapasok sa loob.

Nasa loob na kami pero walang nagsasalita sa amin kaya ako na ang nauna.

"Maice, thank you always. Palagi ka na lang anjan para sa akin." Sabi ko kay Maice, hindi ko mapigilan ang pag iyak ko kasi sobra ko syang naa-appriciate.

"Bullsh*t! Wala manlang ginawa ang Craye na yon para sayo?" Galit na Maice ang sumalubong sa akin habang naiyak

"Maice, tama na." Sabi ko sa kanya habang patuloy na pinupunasan ko ang mga luha nya, ganyan sya sa akin pag sobra akong nasasaktan

"At yung Kylie na yon? Ang kapal nang mukha nyang hayop sya. Oo andun na yung mali ka pero yung salita na lumabas sa bibig nya. Napakababa naman nang pagkatao ang tingin nya sayo. Wala naman syang alam." Naiinis pa rin si Maice

"Shiiiii, Maice thank you that I have you. Wag kanang magalit kasi ako, galit na galit na din ako sa sarili ko kasi lahat naman nang sinabi nya tungkol sakin ay totoo." Masakit pero kailangan kong tanggapin "ako ang humanap nang bato na ipupukpok sa ulo ko at sya yon dahil pinush ko sya sa sitwasyon na ako din pala ang magiging katapat nya, lahat naman nang ginawa ko may purpose. Akala ko kasi kaya kong ako lang mag-isa kaya lahat plinano ko, lahat naman talaga diba? Alam mo yan, kasi ganon ko kamahal si Craye na kahit Ikaw ayaw mo na pero matigas ang ulo ko."

Tumawa nang pagak si Maice

"Napaka swerte naman ni Craye, pero sya hindi ka manlang nya naipagtanggol kanina. Nakakainis sya, wala syang kwenta." Sabi nya tyaka nya pinunasan ang luha sa mata nya at sa mata ko

Hindi ko alam kung paano ko mala-light ang sitwasyon pero isa lang ang naisip ko. Yung palagi naming ginagawa pag stress na kami, pag ganito ang sitwasyon, pag nasasaktan ako o pag nasasaktan sya.

Ang kumain nang ice cream.

"Let's go! Pampakalma." Yaya ko sa kanya to lighten up the mood

"Tara!" Sabi ni Maice tyaka nya pina-start yung makina nang sasakyan tyaka nya pinaandar ito.




----------------
Naiyak ako habang sinusulat ko to, lalo yung part ni Maice. 🤧🤧🤧

Magpapaiyak for tudeys bidyow! 😂😂

Vote, follow and feel free to comment. 🤗🤗🤗


Continue Reading

You'll Also Like

79.6K 1.7K 44
(MIKHAIAH) an 18+ STORY
383K 5.5K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...
3.3K 404 26
A 19 year old girl Adeline grew up in her non biological mother when she gone missing when she was 2 years old. She was a adopted by one of the famou...
15.2K 779 64
"Kapag ba hindi tayo nagkita ulit, hahayaan mo ba ako na hanapin ka?"