AMADEO'S PROPERTY (IMPERO TIG...

By DeamSolis18

76.8K 2K 187

|| ONGOING || BOOK 2 || Amadeo Callahan Ricci, a half Italian Business Tycoon. Kasalungat ng kanyang pangalan... More

Disclaimer
Simula
Property 2
Property 3
Property 4
Property 5
Property 6
Property 7
Property 8
Property 9
Property 10
Property 11
Property 12
Bb. Araw Notes♚
Property 13
Property 14
Property 15
Property 16
Property 17
Property 18
Property 19
Property 20
Property 21
Deam
Property 22
Property 23

Property 1

4.4K 110 1
By DeamSolis18

[ Expect grammatical errors and typos]


PROPERTY 1: CALLER

MAUREEN

Maaga akong nagising kahit wala akong pasok sa trabaho ngayon dahil kinakailangan ko pang pakainin si Inay. Ayokong malipasan ito ng gutom lalo na at may sakit ito...mabigat man sa dibdib na may taning na ang kanyang buhay ay pinagpatuloy ko parin ang pagbili ng mga gamot nito ng sa gayon ay maagapan ito ng konti at mapapatagal ang buhay niya.

Ayaw ni Inay na palagi kaming nagpupunta ng Hospital para magpa chemotherapy dahil malaki ang gastos and I tried to convince her na magpa opera na lang siya pero ayaw niya. She has a breast cancer at ang sabi ng doctor kapag hindi ito maagapan ay maaaring kumalat ang bacteria sa katawan niya. Kaya ko namang mag doble kayod e para sa kanila ng kapatid ko kaya nga ako huminto sa pagaaral para matustusan ko ang pangangailan namin. Pero masyadong matigas ang ulo ni Inay mas gustuhing daw niyang makasamang muli si Papa kaysa maging pabigat siya sa amin...hindi ganun yun e. Paano kami ni Alvin? Kailangan namin ng Ina.


" Ate, okay ka lang?" mabilis akong nagpahid ng luha at humarap dito.

" Ahmm, okay lang ako...paki sagib pala ng tubig yung dalawang drum sa banyo natin Alvin dahil wala na tayong magagamit na tubig," utos ko dito. Kita ko sa mukha nito ang pagalinlangan parang may gusto itong sabihin pero nauwi iyon sa mahinang tango.

" Sige ate," aniya.

Sinundan ko ito ng tingin...hindi naman malayo ang puso dito sa bahay namin sa katunayan ay nasa tapat lang. Maliit ang bahay namin na nakatayo dito sa squatter area kung tawagin nila. Maingay at dikit dikit ang bahay at maraming marites ang nakatambay. Umaga pa lang rinig na rinig ko na ang mga bibig ng kapitbahay namin...mababait naman sila pero minsan nagkakagulo din.

"Nay, gising na ho...nagluto kog paborito nimong utan," (nagluto ako ng paborito mong sinabawang gulay)


Napangiti ako ng agad itong napabangon at nagkusot ng mata. Sa totoo lang ay hindi pa naman gaano ka tanda si Inay forty-five pa nga lang ito.


" Kaya pala ay sa panaginip ko nangangamoy ulam nah," natatawang saad nito. "Teka wala ka bang pasok ngayon?" umiling ako at inalalayan itong tumayo.


" Wala po Nay, linggo ho ngayon kaya day off ko...gusto niyo po bang mag simba ngayon?" tanong ko habang pinagsadukan ko ito ng pagkain sa hapag kainan.

" Kung wala kang gagawin ngayo ay okay lang anak...matagal na rin ng huli akong naka simba, namiss ko tuloy ang Papa niyo..." dama ko ang pait sa boses nito. Kahit taon na ang lumipas palaging bukang bibig ni Inay si Papa at alam kong darating ang panahon na muli silang magsama pero...hindi pa ako handa ang dami ko pang pangarap para sa pamilyang 'to. Pinangako ko kay Papa noon na magpapatayo ako ng sariling bahay naim.

I'm sorry Inay I need to be selfish, I want her to live longer. We need her. Siya na lang ang natira sa kanila at mawawala pa.

Napatigil ako at kinapa ang aking bulsa ng tumunog iyon. Napatingin muli ako kay Inay na, kita kong nagsimula na itong kumain. Kaya naman ay binuksan ko ang selpon at binasa ang mensahe. Napakunot ang noo ko... unregistered ang number.


Unknown:

Good morning Mia signora!
I hope your doing well. I am looking forward on seeing you again...be ready Mia signora!


Napakamot ako saking ulo. Sino naman 'to? Another secret admirer? Sanay naman ako na may bigla bigla na lang mag t-text sakin at niyaya akong magdate at hindi ko alam kung saan nila nakukuha ang numero ko kaya minsan ay naiinis na ako.


Pero iba ang mensahe na ito. May pakiramdam akong....yun nga! Kaya pala familiar kasi parehong number ito noong nakaraang linggo. Naalala ko napilitan akong sumakay sa sasakyang iyon dahil sa mensahe niya at naawa naman ako sa driver baka ay mawalan pa siya ng trabaho. Pero hindi ko inaakalang muli itong mag text. At hindi ko alam kung bakit niya ako kilala at kung bakit niya alam ang pinagtatrabahuan ko.

Mangangamba na ba ako? May stalker ba ako na dapat kong ikatakot?

" Ate!"

" Ay! Palakang buntis—bakit?" gulat kong aniya sa kapatid ko. Natatawa naman itong nakatingin sakin. Sinimangutan ko ito.

" Haha kanina pa kita tinatawag nakatulala ka naman ate," natatawang saad nito.

" Bakit nga?"

" Tapos na ho akong mag igib ng tubig, puno na iyong dalawang drum sa banyo," napatango ako dito at ininguso ang pagkain sa lamesa.


" Wow sarap nito, paborito ko ang gulay at toyo!" galak nitong aniya.


" Hep! Maghuhas ka muna ng kamay Alvin bago ka kumain," sita ni Inay sa kanya nang akmang magsasandok ito. Napailing ako ng magkamot noo ito at nagmartsa patungo sa lababo.


" Alvin! Bilisan mo naman diyan malalate na tayo sa misa!" tawag ko dito dahil kanina pa kami naka handa ni Inay. Ang taga nitong makakilos parang babae.


" Andyan na ate!" napaikot ako ng mata. Natawa naman si Inay sa gilid ko. Maayos pa namang nakakatayo si Inay pero kailangan parin na may kaagapay siya dahil mahina na ang katawan nito. Natatakot nga ako sa tuwing aalis ako papuntang trabaho dahil maiiwan ko ito at may pasok din naman si Alvin sa paaralan nito.

" Tara na!" linataya nito nang makalabas ito sa bahay at lumapit sa amin. Napailing ako at tumabi kay Inay para sabayan ito sa paglakad.


" O, 'san ang punta niyo Maureen?" tanong ni Aling Sita nang makasalubong namin ito.

" Sa simabahan po Aling Sita," magalang kong aniya na ikinatango nito.

Pagdating namin sa simabahan ay sakto naman ang pagsisimula ng Misa. Agad na kaming humanap ng pwesto sa harap dahil mas makakapukos ako sa mga sinasabe ng pari.

I always prayed about my mother's health. Umaasa parin ako na magiging maayos ang kalagayan ni Inay. May tiwala ako sa diyos...naniniwala ako sa himala nito.

Hapon na ng  matapos ang misa. Nakaramdam na rin ako ng gutom at alam kung ganun din sina Inay. Bago umuwi ay dumaan muna kami sa karinderya upang bumili ng ulam.

" Nay, ano pong gusto niyo? kayo napo ang pumili basta yung hindi bawal sayo," aniya ko. Tinuro naman nito ang pansit at gulay.


" Ate, ito sakin," napalingon naman ako kay Alvin ng ituro nito ang putaheng baboy. Bago pa man ako makapag react ay nailagay agad iyon ng ali sa plastic kaya hinayaan ko na lang. Mabubutas ang bulsa ko nito. Nagsalubong ang kilay ko nang mapansing parang may nakatitig sa direksyon ko. Napalingon ako sa bawat sulok ng lugar lalo na sa daan pero wala naman akong kahinahinalang napansin. Ang mga taong dumadaan ay may kanya kanyang mundo naman. Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon, siguro ay pagod lang ako.



Gabi na pero hindi pa ako dinadalaw ng antok. Gusto kong pumikit at matulog dahil maaga pa ang pasok ko bukas at ayokong mahuli sa trabaho. Tanging iyon lang ang pinagkakakitaan ko kaya doble ingat ako para hindi matangal.


Napabuntong hininga ako at bumangon. Isang manipis lang na kutson ang nakasuporta sa katawan ko sa lantay kong higaan. Gawa pa ni Papa ang higaan na ito mula sa bamboo tree noong nabubuhay pa siya. Nakakamiss ang panahon na iyon.


Ipinalibot ko ang tingin sa silid. Si Papa din ang may gawa nito. Kahit maliit ang bahay namin ay nakuha pa niyang lagyan ito ng tatlong maliliit na kwarto. Kumabaga dikit dikit ang silid naming tatlo, katabi ng silid ko ang kay Mama tas sunod ang kay Alvin.


Napaigtad ako ng biglang tumunog ang aking selpon. Sino naman ang tatawag sa ganitong oras? Mabilis Kong dinampot ito at sinagot ang tawag nang hindi tinitignan ang caller.


" Hello?" anas ko. Pero nanatiling tahimik ang kabilang linya.


" H-hello sino ho ito?" muli ay tanong ko. Napakunot ang noo ko. Rinig ko ang malalim na paghinga sa kabilang linya pero bakit hindi ito nagsasalita. May nang t-trip ba sa 'kin?



" Hello, kung sino ka man ay mas mabuti pang ibaba ko na lang itong tawag dahil wala akong oras sakong ano man ang trip—"


" Mia signora,"


Kilabot ang naramdaman ko nang marinig ko ang boses nito. Tumayo ang balahibo ko sa batok at lumakas ang pagtahip ng dibdib ko. His voice.


Mabilis kong tinignan ang caller. Nanlaki ang mata ko nang makilala ko ang numero nito. Hindi.


Dahil sa kaba ay agad kong naibaba ang tawag. Napahawak ako saking dibdib. Hindi ko siya kilala pero bakit ang lakas ng impact ng boses nito sakin. Sa kadahilanan siguro na isa siya sa may alam sakin. Sana ay tinanggihan ko na lang ang offer nitong free ride para tigilan na ako nito pero nagkamali ako.


Muling tumunog ang selpon ko pero binabayaan ko iyon at ini-off. Ayokong sagutin, nakaka kaba siyang kausap.


Pakiramdam ko ay may kakaiba dito. Kakaiba sa lahat ng mga di kilalang tumatawag sakin.



I hope hindi na siya tatawag pang muli.



to be continued...

04-30-22

Continue Reading

You'll Also Like

258K 8.8K 24
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
208K 3.1K 17
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
3M 77.2K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
1.3M 18.9K 41
Dice and Madisson