Conrad Series 1: The Servant

By SaviorKitty

4.5M 160K 205K

Conrad Series 1: THE SERVANT ☽❃☾ Ebony Lavelle's royal family hired a thirty-five-year-old retire... More

Conrad Series 1: The Servant
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35

WAKAS

214K 7.1K 26.9K
By SaviorKitty


This will be the end of the first installment of Conrad Series, The Servant. Thank you so much for reading!

AUTHOR'S NOTE: Please CAREFULLY read all the words and lines. I have put all the details you just need to know. Kung hindi ko po i-mention dito (Character's names or Conrad Related) Ibig sabihin connected sa susunod na stories kaya hindi ko ibinigay. Please, don't ask me to change my writing style. There are lot of stories here in this app; choose your cup of tea.

I want to write in peace. I will start muting disrespectful readers. Thank you! 





WAKAS:

Blood started dripping down my hand as I held my black katana tightly. I could feel the blood on my body from the people I killed. Hundreds. I wandered my eyes around the dark room before I turned to see the old Chinese man kneeling in front of me, pleading for his life. And I know he'll be one of the nightmares that will haunt me.

"W-Who are you?! D-Don't kill me! I-I can give you money! How much?! P-Please! Maawa ka!"

Halos lumuhod siya at halikan ang aking sapatos habang nanginginig pa, hindi alam kung hahawakan ako o tatakbo palayo.

Whatever he chooses to do, he'll end up in one situation. Dead.

I glanced at him without remorse.

This piece of shit. Maawa?

Why should I feel sorry for them if they are involved in human trafficking in some regions of Visaya? Mga menor de edad ang dinudukot at ibinebenta nila sa ibang bansa habang ang iba ay pinagmamalupitan pa na parang hayop.

Hindi ko kayang ibigay ang awa sa kanila.

"Hush." I softly slapped his fatty face using the back of my bloody hand. "I am not that bad. I will kill you fast. Don't worry," I whispered.

I didn't wait anymore for his stupid words; I took my handgun from my waist and pulled the trigger through his throat.

Napakunot ang aking noo nang tumilansik ang kaniyang dugo sa aking kanan pisngi. Binitawan ko ang walang buhay niyang katawan, kaagad kumalat ang kaniyang dugo sa malamig na sahig ng basement kung nasaan kami. I didn't feel anything as I looked at the bodies that I had killed with my own hands.

Maybe this is what will happen if you work in this kind of job for more than ten years.

I'm not even afraid to die.

Kaagad akong inabutan ng towel na kulay puti ng aking kanan-kamay nang masiguradong ubos na sila.

"All are secured and cleaned. Most of the rescued are minors. They're under monitoring, Pluto," imporma ni V habang palabas na kami.

Maraming nagkalat na bangkay sa aming dinadaan. Hindi ko na maalala kung paano ko winakasan ang kanilang buhay. Halos kalahating oras siguro ang tinagal namin.

I just realized I made a bloody mess. Good luck to the cleaning team, huh?

"Are you sure that this is your last mission? Are you retiring now? You're still young; you're just thirty one, Pluto," mababa ang kaniyang boses, animong nagdadalawang-isip pang magtanong pagkatapos ng mahabang katahimikan.

Hindi ko siya nilingon, walang hirap na inakyat namin ang mataas na bakod. Muli kong nilingon ang abandonadong gusali.

"You sound like an upset girlfriend, V. I will retire so I can still use and appreciate all the money I made in this job. Ayoko naman umalis ng hindi na ako nakakakita at lakad," bagot na sabi ko, tuluyan kaming nakatalon sa kabila ng mataas na bakod.

"Is it okay if I ask about personal? Uh, are you planning to get marry? You know, like, starting a family?"

V is my right-hand man, and he's still young, perhaps in his mid-twenties.

Hindi ko na rin matandaan ang mga ginawa ko sa buhay noong ganyan ang edad ko, masiyado akong naging abala sa grupo o mas iyon ang gusto kong paniwalaan, na-busy ako.

Hindi ko siya sinagot, nilagpasan ko siya at sumakay sa van na naghihintay sa amin sa labas ng site. Kaagad akong inabutan ng sigarilyo ng isang tauhan ko, sumalampak ako sa gilid bago humithit.

Goodness, I want to have a long sleep after this.

"Boss, may hinandang mga babae si Bogart. Alam mo na, pampawala raw ng stress," ani ng isa kong tauhan habang pabalik na kami sa building.

Nagtawanan sila, humithit akong muli sa aking sigarilyo bago sa ilong ibinuga. Isinandal ko ang aking ulo habang nararamdaman ko pa ang malagkit na dugo sa katawan.

"Age?"

"Twenty hanggang twenty five, boss! Nako, ang sexy no'ng isa parang dancer sa tv, napaka laki ng suso. Nakita ko sa sinend na picture ni Bogart. Ano? Sabihin ko ba na papunta ka na?" Parang mas excited pa siya, nag-agawan sila sa likod sa telepono niyang ipapakita sa akin.

I sighed. I hate kids.

"I don't like kids," sagot ko na lang bago tumingin sa labas ng van.

Narinig ko pa ang daing nila ngunit hindi na ako nagsalita pa.

Nang makarating kami sa head quarters ay kaagad akong umakyat sa aking kwarto roon para makapaglinis ng katawan. Members have suits here in building C, but I usually stay here even though I have a penthouse near Conrad Manila.

I closed my eyes tightly while under the shower. I could feel the cold water flowing down through my body, the water turning red because of the blood. Malakas akong napabuntonghininga, nakalapat ang aking isang palad sa malamig na tiles habang hinahayaan mabasa ang buo kong katawan at mabura ang dugo ng lahat ng aking pinaslang ngayon gabi.

I'm tired of this work. Emotionally and physically.

I feel like I am losing my mind. I am turning into a different person. I am tired of pretending, tired of being selfless.

Habang dinadama ang malamig na tubig na dumadaloy sa aking katawan ay hindi ko maiwasan mapait na mapangiti habang inaalala ko kung paano lahat ng ito nagsimula. Kung paano ako nakapasok sa ganitong trabaho at kung bakit pinili kong umalis na ngayon.


☽❃☾

"Kambal, maligo na kayo! Anak ng tupa! Ano na naman 'yan kinakalkal niyo riyan! Aso ba kayo? Ipakain ko 'yan sa inyo!" Napaigtad ako mula sa pagkakasalampak sa putik dahil sa malakas na sigaw ni Mama.

Nilingon ko siya't naabutan na may dalang mahabang tuyong sanga ng kahoy at nakapameywang sa amin.

Hindi pa man ako nakakabawi sa gulat ay nauna ng nagtatakbo si Gabrel, palayo para hindi siya mapalo, natatawa pa siyang kumaway sa akin at dumila.

Iniwan niya ako sa pinaglalaruan namin na putik na ginagawang castle sa gilid ng balon.

Ang daya mo, panget ka!

"Aray! Mama, tatapusin ko lang po! Ayoko pa ngang maligo," reklamo ko nang pingutin niya ako sa aking tainga para tumayo.

"Hindi ba't sabi ko ay aalis tayo? Pupunta tayong Batangas, hahapunin tayo niyan e!"

Nakangusong sumunod ako papasok sa bahay, hinihimas ang masakit na tainga.

Ayoko naman kayang sumama roon. Bakit ba isasama pa kami? Dahil ba nandoon si Tiya Mersita? Ni hindi ko nga 'yon nakikita at tanging sa kwento lang ni Mama ko siya nakilala. May isa pang kapatid si Mama pero hindi ko rin nakikita.

"Maligo ka na roon habang wala pa ang Itay niyo. Nako! Kapag talaga nagka-girlfriend ka na ay sisiraan kita, sasabihin kong hindi ka naliligo," sermon pa niya habang papasok kami sa bahay.

Mas napanguso ako. Asawa kaagad? OA talaga ni Mama. Wala pa iyon sa isip ko no, sampo pa lang kaya ako!

Iyon ang unang araw na nakapunta ako sa hacienda Lavelle para sa inalok nilang scholarship sa amin ni Gabrel hanggang sa college dahil dating nagtatrabaho rito si Mama. Hindi naman kami gano'n kakapos ngunit malaking tulong din iyon.

Hindi namin nakita ang mismong may-ari dahil nasa ibang bansa ata ang mga ito.

Manghang-mangha ako sa laki ng bahay nila pero wala atang anak, ang tahimik doon hindi gaya sa amin na maingay lalo na sa sermon ni Mama.

Nakilala namin si Tiya Mersita mukha ngang hindi pa siya masaya nang makitang dinala kami roon ni Mama. Akala ata niya ay si Mama lang ang pupunta.

Ilang beses pang nasundan ang pagpunta namin doon dahil sa scholarship. Madalas ay hindi namin kasama si Tatay, dahil sa kaniyang trabaho.

Private driver daw si Tatay sa Manila at minsan isang beses lang sa isang linggo kung umuwi. Minsan naman ay buwan siyang manatili sa bahay, hindi pare-pareho kaya laging si Mama lang ang kasama namin ni Kambal.

Bakasyon ng taon na iyon ay umuwi ako galing sa simbahan na naabutan kong pinapagalitan si Gabrel sa sala. Base sa aking narinig sa labas ay nawawala ang pera ni Mama na dapat ay pamalengke namin ngayon linggo.

Kaagad akong pumasok sa takot.

"Ako ang kumuha!"

Nanlaki ang mata ni Gabrel na lumingon sa akin habang umiiyak, galit na galit naman si Mama, may hawak na sinturon si Tatay.

"Anong sinasabi mo Gavril?!"

"A-Ako po ang kumuha, huwag niyo na paluin si Gabrel. K-Kailangan po namin sa school, s-sorry Mama. Hindi ako nakapagpaalam! Ako may kasalanan!" pagsisinungaling ko, kaagad humarang.

Inako ko lahat ng sermon nang gabi na iyon habang nagkulong si Gabrel sa kwarto namin. Nang pumasok ako ay naabutan ko siyang nakatingin sa bintana.

"Kakain na tayo, baba ka na," aya ko sa kaniya sa mababang boses.

Nilingon niya ako. "Bakit mo inako? A-Ako naman talaga kumuha."

Umupo ako sa gilid ng papag.

"Bakit mo ba kinuha? Hindi mo ba alam, mahirap maghanap ng pera, hindi ba sabi nila Tatay masama ang magnakaw."

Ngumuso siya. "S-Sorry, lagi kang napapagalitan dahil sa akin." Bumaba ang tingin niya sa kamay ko na may palo ni Tatay, namumula iyon. "N-Napalo ka?"

Ngumisi ako. "Hindi naman masakit."

Masakit, gusto ko rin umiyak kaso baka umiyak ulit siya.

"Lagi mo na lang ako pinagtatanggol at pinagtatakpan."

Ginulo ko ang buhok niya. "Siyempre, pangako ko 'yan, Gabrel. Kahit ano mangyari, poprotektahan kita, kambal tayo!"

"T-Talaga? Pangako mo 'yan ah?!"

"Pangako!"

Tumango ako, nag-pinky promise kami ni Gabrel bago siya ngumuso at hindi na nakasagot, inilabas niya sa kaniyang bag ang laruan na robot na binili niya ata galing sa pera. Napailing na lang ako, pero sa huli ay ngumisi rin.

"Gavril! Teka lang!"

Napalingon ako sa babaeng tumawag sa akin isang hapon na pauwi na kami ni Gabrel galing sa isang University rito sa Pampanga kung saan kami nag-aaral. Military Engineering ang kinuha kong kurso habang sa pag-aabogasya naman ang sa kapatid ko.

Kaagad akong siniko ni Gabrel, malaki ang ngisi ng loko-loko.

Basta babae talaga ay ganado siya!

Madalas kaming pagkamalan na iisang tao kung titingnan at tanging buhok lang ang pinagkaiba, malinis ang gupit ng sa akin habang bahagyang mahaba naman ang sa kaniya.

Nang tumigil ang maliit na babae sa harapan namin ni Gabrel ay parang nahiya pa siyang lumilinga-linga. Namukhaan ko ang babae, parang nakasama ko sa isang program sa isang subject ko last sem.

I stopped and tried to remember her name. I think it's Ashera or something.

"Uh, pwede ba tayong mag-usap?"

"Oo raw, siyempre!" ani Gabrel, palihim ko siyang sinamaan ng tingin.

Gagong 'to, uwing-uwi na kaya ako.

"Tayong dalawa lang sana." Mas namula ang mukha niya.

Mabilis tumalikod si Gabrel at iniwan ako, humalo siya sa mga ibang estudyante na kumakain ng street food sa gilid.

Napabuntonghininga na lang ako, bahagya kaming lumayo sa madaming tao. Blanko ang aking mukha na tiningnan ang babae sa harapan.

She's beautiful, but then... I am not attracted.

"Bakit?"

"A-Ano, ano kasi patapos na 'tong school year, ga-graduate na tayo... at sa acquaintance party wala pa akong partner. B-Baka lang... ano, pwede ka bang maging kapartner?" Pahina nang pahina ang boses niya. "Alam ko, nakakahiya pero nilakasan ko na loob ko kasi, last year naman na baka wala na akong pagkakataon e. Sabi naman ng mga kaklase mo ay wala ka raw girlfriend, t-tapos kumpara sa kapatid mo ay hindi ka rin malapit sa mga babae k-kaya ano... n-nagustuhan kita, crush kita, Gavril!"

Mariin siyang pumikit, nang dumilat siya ay tipid ko siyang nginitian.

This is not the first time that someone confessed her feelings for me. I honestly appreciate their efforts and courage, but I really can't see myself in a relationship, now. Para kasi sa akin, kung ayaw mong pakasalan ang isang babae, huwag mo na lang ligawan at sayangin ang oras. Simple as that.

Hindi ba't iyon naman talaga ang rason ng pakikipagrelasyon? Kung laro lang, ayokong mag-aksaya ng panahon.

And I knew if I accepted her invitation, she might just hope and expect something from me.

"Salamat sa imbitasyon mo..." Mabilis kong binasa ang pangalan niya sa kaniyang ID. "Asnairah, na-appreciate ko pero baka hindi rin kasi ako um-attend ng acquaintance party lalo't magsisimula na ang part-time job ko." Sandali akong tumigil binasa ko ang aking labi habang hinahagilap ang tamang salita. "Hindi ko rin masusuklian ang nararamdaman mo, pasensiya ka na."

Bumagsak ang balikat niya ngunit sa huli ay ngumiti.

I feel so bad.

"A-Ahaha, ayos lang. Inamin ko lang Gavril. Okay lang naman kahit walang kapalit. S-Sige! Sorry sa abala!" Nagmamadali siyang umalis, nakita kong sinalubong pa siya ng mga kaibigan niya na nakaabang sa malayo nagtulakan sila palayo.

Kaagad akong sinapak ni Gabrel sa braso nang maiwan na ako roon, nilagpasan ko siya.

"Dude, ganda no'n!"

"Edi ligawan mo."

"Are you a gay ba?"

"Tss."

"Lapitin ka ng babae no? Paano mo nagagawa 'yon, dude? Ang boring mo kaya, lagi ka pang seryoso. Ewan ko ba't gusto ka nila eh higit na mas gwapo ako."

Hindi ko siya pinansin.

Inakbayan ako ni Gabrel habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng tricycle.

"Sabihin mo lang, tatanggapin ka naman namin kung bakla ka. Ano, ireto na kita sa kaklase ko. Ano ang tipo mo, dude? Si Mateo? Mark? Luke? John?" asar niya, inis na itinulak ko siya palayo sa akin.

"I don't swing that way."

He groaned. "Pa-graduate na tayo sa college, hindi pa kita nakikitang nagka-girlfriend. May mga kaibigan pero walang ipinapakilalang kasintahan. Oh, baka naman ikaw 'yong tipong malihim sa love life, bro?"

Umiling ako sa mga salitaan niya.

"Hindi ako katulad mong linggo-linggo nagpapalit, Gabrel. Mas madalas ka pang magpalit ng babae kaysa sa brief mo, huwag mong hintayin bumalik 'yan lahat sa'yo," I fired back.

At kung makahanap ako ng babaeng mamahalin ko, ipagsisigawan ko't paglilingkuran ko panigurado. Sasabihin ko sana iyon ngunit hindi ko na dinagdag pa.

"Huy, may makarinig sa'yo akalain totoo. Pero seryoso, tatanda ka niyan binata, Gavril," pangangaral pa niya saka humalakhak.

Umiling lang ako at hindi na sumagot pa.

Hindi ko naman na kailangan magpaliwanag tungkol doon, hindi ko lang siguro priority ang bagay na iyon sa ngayon lalo't iniisip kong pinapaaral lang kami, ayokong sayangin ito.

"Oh, tagay mo!" Napatitig ako sa baso ng alak na inilapag ni Gabrel sa lamesa sa aking harapan.

Kasalukuyan kaming nasa isang birthday-an ng kaibigan niya. Ayoko sanang sumama ngunit ibinilin ni Mama si Gabrel, hindi kasi 'to nagtitira pang-uwi kaya sinasamahan ko na lang para hindi rin mag-alala sila Tatay, saka hindi rin siya papayagan kapag hindi ako kasama.

"Tama na dalawa sa akin," bilin ko sa kaniya, hindi naman kasi ako mahilig uminom.

Nakakainom na ako pero hindi lasingan talaga katulad ng ginagawa niya, no'ng nag-eighteen kami ay si Tatay ang unang nagpainom sa akin, tapos birthday namin ni Gabrel ang sunod.

May 31.

"Mabuti at nakasama ka, Gavril! Ano sama ka ba sa summer? Mag-hiking kami," aya ng isang kaibigan namin.

"Pag-iisipan ko pa."

"Huy, sumama ka. Baka hindi ako niyan payagan kapag hindi ka sumama, sayang madami tayong kasamang babae galing kabilang University," reklamo ni kambal.

Nagtawanan sila, mas umingay pa nang mapunta sa mga babae ang usapan. Kumunot ang noo ko nang hindi ko na nagugustuhan ang mga salita nila, hindi dahilan na lasing na sila kaya gano'n na ang asta.

"Edi syempre ginamitan ko ng mga salita-salita gano'n, ayon bumigay naman. Naknampucha, ganda ng katawan pare! Mas maganda roon sa isang ex kong pinakita sa inyo, arte rin no'n itim naman ng kili-kili," kwento ng isa.

What's wrong with that? That's natural.

He's talking about his and his girlfriend's privacy. Dahan-dahan kong ibinaba ang baso na aking hawak, inilibot ang tingin sa lamesa, parang wala ni isa sa kanilang hindi sang-ayon, parang normal lang na ikwento sa iba ang ipinagkatiwala sa kanila ng babae.

"May sinend nga sa akin kagabi e, ayaw nga no'ng una, sabi ko na lang birthday gift niya. Oh tingnan niyo, scroll pakanan." May ipinakita siya sa kaniyang telepono na pinagpasa-pasahan nila, naikuyom ko ang aking kamao.

Nang makaabot sa akin ang cellphone ay hindi ko tiningnan ang picture, ibinalibag ko 'yon sa batuhan dahilan para mabasag at maghiwa-hiwalay.

"Anong problema mo?! Gago kabibili lang ni Daddy no'n!" sigaw ng lalaki, susugod sa akin.

Humarang kaagad si Gabrel kaya siya ang nasapak, kaagad siyang napamura.

"Shit, kalma bro! Kapatid ko 'yan! Badtrip naman oh."

"Pagsabihan mo 'yang kapatid mo, Gabrel!"

Kalmado akong tumayo, pinagpagan ang shirt ko. "Imagine you have a sister or a daughter. How would you feel if that happened to her, huh?"

"Ano naman sa'yo ha? Hindi ko naman pinilit! Sila ang kusang nagbigay!"

Ngumisi ako, hinihila na ako ni Gabrel paalis. "You're sex offender."

Tuluyan kaming nakaalis ni Gabrel doon, kakamot-kamot siya sa batok habang naglalakad na kami pauwi. I am pissed. Damn.

"Huwag ka ngang sumasama sa mga gano'n."

"Dude, mababait naman mga 'yon, kaklase ko sila sa—"

Inis na nilingon ko siya. "Pumili ka ng mga kaibigan na sa ikakabuti mo ikaw dadalhin. Hindi ganyan. Tss. Did you hear him? He didn't force that woman? Or maybe he just didn't take no for an answer?"

Bilisan ko ang aking lakad, naramdaman kong sumunod siya habang sapo ang panga.

Summer nang taon na iyon ay isinama akong muli ni Mama sa mansyon ng Lavelle upang kausapin ang sekretarya ng pamilya, tungkol sa pag-graduate ko at pagpasok sa military. Naka-monitor din kasi ang mga grades ng scholar ng pamilya Lavelle at may mga pinapasang dokumento pa.

Dapat si Gabrel talaga ang isasama ngunit tumakas siya, nakipag-date ata.

"Ouch!"

My forehead furrowed when I heard the little voice. Inutusan ako ni Tiya Mersita na ilagay sa kusina ang tasa habang magkausap sila ni Mama, naabutan ko roon ang isang batang babae na nakaakyat sa ibabaw ng upuan at inaabot ang mataas na estante sa tapat.

Luminga-linga ako at walang katulong doon.

I pouted when I saw her in a pink princess dress and boots, I pouted even more when I saw her little crown in her curly hair.

"Anong ginagawa mo?"

Napalingon siya sa akin, gulat na gulat na nanlalaki pa ang mata. Gusto kong matawa dahil hindi siya kaagad gumalaw akala mong magiging invisible siya kung gagawin niya iyon.

Inilapag ko ang tasa sa marmol na lamesa, pinasadahan ko ng tingin ang matabang batang babae. She's lovely. I focused my attention on her big cheeks. Maybe because I don't have a sister, seeing a small girl makes me happy, and I want to talk to her. I wish I could pinch her cheek, though.

Mula sa gulat ay napalitan ng pagsusungit ang mukha niya, tinaasan niya ako ng kilay at pinasadahan pa ng tingin.

"Who are you? Why are you here in our house?"

Napangiwi ako. Oh, a Lavelle?

Pananalita pa lang wala ng galang ang batang 'to. Tsk, mayaman nga naman.

"Anong ginagawa mo?" tanong kong muli, humalukipkip ako roon.

Umirap naman siya. Batang 'to, attitude ha.

"Why are you asking? Are you blind? Can't you see? Duh!"

Lumapit ako't binuksan ang inaabot niyang estante, nakita ko roon ang mga garapon ng tsokolate.

Bumaba ang tingin ko sa bata, mas malapitan ay nakita ko ang mahaba niyang pilik-mata at mapulang labi, kutis mayaman talaga.

Kung magkakaanak ako sa future, gusto ko ganyan itsura.

"Gusto mo 'to?"

Nagliwanag ang mata niya, inilahad ang kamay sa akin habang nagsusungit pa, nagdududa pa ang tingin.

"Yes, give me!"

"Say, please po Kuya."

Umasim ang mukha niya. "No. Give me!"

"Sige, ibabalik ko na lang 'to." Umakma akong itatago iyon.

"Please!"

Hinila niya ang dulo ng aking tshirt, bumaba ang tingin ko roon bago bumalik sa mukha niya.

Ngumisi ako nang makitang humaba ang kaniyang nguso. "Please, what?"

"Give me chocolates, please. I want! Mommy won't allow me to eat sweets!"

Napanguso akong inabot ang isang garapon saka binuksan. Nilagyan ko siya ng tatlong piraso sa kaniyang kamay, sinubo ko naman ang isa sa bibig niya, ngiting-ngiti siya roon.

"Baba ka na, mahulog ka riyan," mahinahon sabi ko dahil nasa ibabaw pa rin siya ng upuan.

Ngumuso siya. "I can't go down. Put me down, now!" utos niya.

Nakakaakyat tapos hindi marunong bumaba? Edi kung hindi ko siya nakita ay mahuhulog siya riyan? Tsk.

Mabuti at ako ang isinama ni Mama rito, kung si Gabrel, hindi siya no'n tutulungan, aasarin pa siya.

Hinawakan ko siya sa beywang at mabilis ibinaba, lumayo kaagad ako at inayos ang upuan na ginamit niya bago ibalik ang garapon.

"Ew!" sabi niya saka pinagpagan ang dress niya na nahawakan ko, nanlaki ang mata ko roon.

"I am just helping you."

"Whatever!" she rolled her eyes while chewing the chocolates.

"Bakit ka nagtataray? Tinulungan lang naman kita kasi nagpapababa ka, eh saan mo 'ko gustong humawak? And you should use po and opo, I'm older than you, you're still a kid," pangangaral ko.

"I'm eight na kaya!"

"Bata pa rin, I'm thirteen years older than you, kid."

"Shut up, old man!"

Nakatingala siya sa akin, tinaasan ko siya ng kilay dahil lumubo ang pisngi niya namumula sa inis ata, pikon ang bata. She stuck out her tongue and unexpectedly kicked me in my crotch. I almost fell on the floor as I gasped for air. I saw angels in heaven as she rushed out of the kitchen, giggling.

Namilipit ako sa sahig habang sapo ang ibaba ko.

Fuck, kid! Lagot ka sa akin!

"Manloloko ka!"

Mariin akong napapikit nang sampalin ako ng isang babae na hindi ko kakilala, isang umaga habang bibili lang sana ako ng pandesal sa kanto. Hindi makapaniwalang tinitigan ko ang babaeng umiiyak na hindi ko man nga kakilala, unti-unti kong naisip kung ano ang nangyayari.

Damn it, Gabrel!

"M-Manloloko ka! Sabi mo, ako lang! Pati best friend ko pinopormahan mo pala! Tapos sabi no'ng nasa kabilang department, may girlfriend ka rin doon! Ka-textmate mo! Pina-load-an kita tapos iba pala ite-text mo! Walang hiya ka!" iyak niya.

"Miss-"

"Ano? Sasabihin mo na naman miss mo ako? Nasabi mo na 'yan noon! Alam mo kasi ang kahinaan ko, Gabrel! Alam na alam mong bibigay ako sa kaunting salita mo, sa kaunting lambing, pero hindi ngayon! Natuto na ako! Break na tayo!" sigaw niya, hinampas pa ako ng bag sa mukha saka nagtatakbo paalis.

What the heck?

Hindi lang iyon natatapos doon, ilang beses pa iyon nangyari. Madalas ay sa akin nabubunton ang galit ng mga atraso niya, minsan ay nagso-sorry na lang ako. May pagkakataon pang nasuntok ako galing sa kabilang University dahil inagaw ko raw ang girlfriend niya.

I noticed that, despite our similar appearances, we had totally different perspectives. Gabrel has a larger circle of friends than I do. He is more engaged in socializing and does what he wants rather than what is right. That's why our parents always scold him for being irresponsible with his actions.

Noong una ay maliliit lang na bagay hanggang lumaki na.

Lagi akong umaayos ng gulo niya, lalo na noong pumasok na ako sa pagsusundalo. Hindi ko lang talaga mapabayaan ang kapatid ko, magkasing-edad kami pero parang ako ang mas matanda sa amin, pakiramdam ko ba'y responsibilidad ko siya, ayoko ng dagdagan ang problema nila Tatay at Mama.

Umuwi ako isang araw na pinapagalitan siya ni Mama at Tatay sa sala, ilang linggo siyang hindi umuwi at nang bumalik ay puro siya tattoo na sa katawan, mahaba ang buhok medyo pumayat din siya.

"Anong nangyayari?" tanong ko kaagad.

Nakita ko ang galit sa mukha ni Tatay, minsan lang siya magalit ng ganito, halos hindi ko na maalala.

Masiyado rin talaga siyang tahimik, si Mama ang maingay kaya kapag ganitong galit siya ay nababahala ako.

"Itong kapatid mo ay may ginawang kalokohan na naman!" ani Tatay sabay duro kay Gabrel na prenteng nakaupo sa kahoy na upuan namin.

Tahimik si Mama sa gilid, seryoso ang mukha naman ni Gabrel.

"Ayoko na ngang mag-abogado, ayoko ng ituloy, okay? Anong magagawa ko, hindi ko nga matapos-tapos!"

Naguguluhan ko silang tinitigan. Nameywang si Tatay saka umiling.

"Hindi mo kasi sineseryoso, nagsasayang ka ng pera. Puro sakit ng ulo ang ibinibigay mo, imbes pumasok ay nasa bilyaran ka! Hindi ko alam kung anong pumapasok sa kokote mo. Puro ka kasi barkada. Hindi mo gayahin ang kapatid mo-"

"Oo na nga e! Hindi ako kasing bait, hindi ako kasing tino ni Gavril! Oo na, ako na masamang anak! Ano pa?!" sigaw ni Gabrel pabalik.

Nagpantig ang tainga ko sa pagsigaw niya kay Tatay, hinila ko siya sa kwelyo patayo, napasigaw si Mama habang gulat ang mukha ng aking kapatid na hindi inaasahan ang biglaan galaw ko.

"Gavril, anak!" awat ni Mama sa akin, hinawakan niya ang pulso ng kamay kong nakahawak kay Gabrel.

Nanginginig ang kamay ko.

"Isa pang taas ng boses mo kila Tatay," banta ko saka siya pabalibag na binitawan, napaupo siyang muli.

Suminghap ako saka hinarap si Mama na naiiyak na. Hinimas ko ang kaniyang braso habang pilit kong kinakalma ang sarili.

Fuck!

"Sorry, Ma. I didn't mean to scare you. Aakyat at magbibihis muna ako, may dala akong ulam kumain na tayo," kalmadong sabi ko na.

Nilingon ko si Tatay, umiling siya sa akin na parang sinasabing huwag ko ng patulan si Gabrel, aakyat na sana ako nang muling magsalita si Gabrel.

"I already know about your real work, Tay. Alam ko na. Noong nakaraan buwan pa, narinig ko kayong nag-uusap tungkol sa grupong ito. Hindi ba tama ako? Agent ka sa isang grupo, hindi ka private driver, at alam din ni Mama ang tungkol doon, tama ba?" madiin sabi ni Gabrel.

I didn't immediately understand what he said. I turned to Mama, who was already crying. Tatay was thinking deeply while his jaw moving.

Natahimik sila, parang ako lang ang walang alam sa bagay na iyon. Alam nilang lahat, base sa naging reaksyon nila Tatay at Mama ay alam nila ang tinutukoy ng aking kakambal.

"Anong grupo? Gabrel?"

"A-Anong ginawa mo, anak?" ani Mama.

Mariin pumikit ang aking kakambal.

"Y-Yon ang pinagkakaabalahan ko, ilang linggo akong nag-research at humanap ng koneksyon. I j-joined the organization."

Halos mabitawan ko ang bag na dala ko nang tumilapon si Gabrel sa suntok ni Tatay. Kaagad akong pumagitna, dinaluhan ni Mama si Gabrel na nakasalampak sa sahig.

"Gustavo! Anak mo 'to, ano ba!"

"Ano bang gusto mong patunayan ha, Gabrel?! Kulang pa ba ang mga binibigay namin?! Paalis na ako sa grupo sapat na ang ipon ko para sainyo, tapos pumasok ka, hindi ka muna nagtanong! Nilalagay mo sa peligro ang pamilyang 'to!"

"Bakit sasagutin niyo ba? Hindi naman 'di ba? Kaya nga ako sumali para protektahan ang pamilya 'to, palibhasa ay hindi niyo nakikita ang mga ginagawa ko, puro Gavril! Si Gavril! Dapat si Gavril! Tangina, anak niyo rin naman ako ha!"

Natigilan ako roon, sapo-sapo na ni kambal ang mukha niya habang umiiyak sa bisig ni Mama, nanghihinang napaupo rin si Tatay.

Walang nakapagsalita sa amin.

Parang nasaktan ako para sa kapatid ko, hindi ko inaasahan na ganito ang nasa isip niya, pantay ang trato sa amin ng aming magulang kaya hindi ko maintindihan bakit ganito pala ang dating sa kaniya. Hindi ko maintindihan kung saan ito nagmumula.

"M-Mahal namin kayo pareho, anak..." ani Mama.

"Mahal, Mama? Kung pantay bakit no'ng bata kami lagi ako ang pinapalo at si Gavril ay hindi? Bakit tuwing graduation ay si Gavril ang may bagong sapatos tapos ako wala, kasi ba hindi naman ako aakyat ng stage? Kasi wala akong medal? Kapag birthday namin, bakit laging pangalan ni Gavril ang inuuna niyong isulat sa cake? Lagi ako ang huli! B-Bakit kapag aalis, si Gavril lagi ang pinagkakatiwalaan niyo sa bahay, hindi kayo nagsasabi sa akin! Kapag may sakit kaming dalawa, 'yong gusto niyang pagkain ang niluluto niyo! Edi sana si Gavril na lang binuhay niyo! Edi sana siya na lang!" sigaw niya.

Tumayo siya at nagkatinginan kami, umawang ang labi ko nang makita ko ang galit doon, binunggo niya ang aking balikat bago tuluyan umalis sa bahay.

Hindi na muling bumalik si Gabrel pagkatapos ng gabing iyon, lumipas ang linggo hanggang umabot ng tatlong buwan, hindi siya nagparamdam sa amin, nakibalita ako sa mga kaibigan niya ngunit wala rin naman silang maibigay na impormasyon tungkol sa kaniya.

Kita ko ang sakit sa mukha ni Mama tuwing tinitingnan ako, gano'n din kay Tatay.

Pakiramdam ko ay kasalanan ko lahat. Sa akin ang sisi ng lahat, hindi ba? Ako ang may kasalanan, katulad ng sabi ni Gabrel, laging ako.

Hindi ako nakatiis at kinausap ko si Tatay isang gabi, na kung aalis na siya sa grupong sinasabi ni Gabrel ay ipasok niya ako roon. I want to know the life my twin is living now, and I want to ensure that he is doing well.

Noong una ay ayaw talaga ni Tatay, halos hindi niya ako pansinin ngunit naging matigas ako, sa huli ay pumayag na rin siya. I couldn't be comfortable with Gabrel's involvement in that organization, mainly because I had no idea about the world he was in or Dad's work before.

Pumasok ako sa pinaka mababang pwesto, utusan at alalay ng mga nasa itaas habang nanatili ako sa pagsusundalo. May kapalit ang pagpasok kong iyon, hindi pera ang hiningi sa akin kung hindi kailangan kong umalis sa pagsusundalo, at ibigay ang mga taon ko sa grupo.

Hindi ko sigurado noong una kung tama ba ang ginawa ko. Tama ba ang pinasok ko? Pinaghirapan ko ang pagsusundalo, ngunit ito lang din ang kaya kong ialok ngayon sa grupo.

I can't say whether our group is good or bad. I'm aware that our mission causes some harm and damage. Typically, our work is paid for by the elite or the government. So if we need to kill, we do. There are different groups in and out of the country, depending on the mission given to us.

I was twenty-two when I first went on a field mission.

Akala ko nga magkakasama kami ni Gabrel, ngunit sa ibang team siya napunta o talagang nagpalipat siya para lang hindi ako makita at makasama, hindi ko alam. Mas nasa field ako habang nasa office naman sila. Noong una ay hindi ko kinakaya ang trabaho talaga, pero malaki ang sahod at isa pa, unti-unti kong natutunan mahalin ang grupo, unti-unti kong minahal ang ginagawa namin.

I feel alive when I finish a mission. I feel satisfied every time I complete the task given to me. I realized that this job really woke my soul but exhausted my body.

When I found out that Gabrel was coming home again to Pampanga, I thought that maybe he hadn't come home before because I was there and we would meet. Now that I am no longer there, he came back, and I know Mama is happy especially Tatay left the group, so he is at home often with Mama, and I am at peace because I have the power to protect our family now.

Minsan tinatawagan ako ni Mama para umuwi lalo na kapag may okasyon pero naiisip kong baka umalis muli si Gabrel, baka magkagulo sa bahay dahil sa akin kaya nagdadahilan na lang ako.

I want to protect my twin, even in silence. I don't want to hurt him, kung mas kampante siyang wala ako roon, na hindi ako nakikita... papanuorin ko na lang siya sa malayo, susuportahan ko siya sa malayo, kagaya ng pangako namin noon bata kami... na ako na lang ata ang nakakaalala.

"Hindi ka ba makakauwi, anak? Sa pasko maski bagong taon? Kahit isang araw?" nahihimigan ko ang pagtatampo sa boses ni Mama.

Nakatanaw ako sa malawak na siyudad ng Manila habang nasa aking penthouse, binili ko noong 22nd birthday ko, regalo para sa sarili.

Gusto ko rin bilhan sila Tatay at Mama pero ayaw nila, talagang pinili nilang manatili sa bahay namin sa Pampanga kahit may sapat na kaming pera. Mas pinili lang talaga nila ang simpleng pamumuhay roon.

"May trabaho kasi ako, Ma."

Malakas siyang bumuntonghininga.

"Pero nakauwi si Gabrel, anak. Bakit mo naman tinanggap ang trabaho alam mo naman magkakaruon ng salo-salo, hindi ba? Ilang taon ka ng hindi nakakauwi."

Nasaktan ako roon, pero sa huli ay tumawa lang ako.

"Bawi ako next year, Ma. Busy lang talaga."

Gano'n lagi ang dahilan ko, babawi ako ngunit sa huli ay ako mismo ang lalayo.

I distanced myself so that my brother could be closer to them. He deserved all the attention of the family and I knew he was happy there, so I was fine.

Alone.

Unti-unting tumaas ang posisyon ko naman sa organization ng mga sumunod na buwan, bumibigat na rin ang mga misyon na ibinibigay sa akin, tumataas din ang sahod. Nagkaruon na rin ako ng ilang kakilala, bigatin ang iba galing sa marangyang pamilya, isa sa naging kakilala kong agent si Rover.

Una ko siyang nakilala sa organization bago ko nalaman na katulad ko ay sundalo rin siya.

"Sama ka sa amin, Gavril?"

Nilingon ko si Rover nang sumalampak siya sa mat, nasa practice area kami sa headquarters. I trained the new agents in hand-to-hand combat.

Tinungga ko ang tubig sa aking mineral water saka siya tinaasan ng kilay.

"Bar. Clark. Girls." Kumindat siya, para bang alam ko na ang sinasabi niya.

Kumunot ang noo ko.

"May babasahin akong report mamaya."

"Oh, come one! Dude, can we chill? Kahit ata day off mo ay organisasyon pa rin ang nasa isip mo. Dali na, sama ka sa amin basbasan natin ang mga bago at isa pa kaarawan no'ng isang agent." Tumawa pa siya.

Hindi na ako nagsalita.

Ang daldal ng isang 'to, pati kapatid niyang babae na teacher ata ay nirereto sa akin, matagal na niya 'yon sinasabi sa akin pero wala akong panahon para roon.

Sa delikado ng trabaho ko, ayoko ng magsama ng iba sa akin. Hindi ko na naiisip iyon.

Iniikot ko ang aking baso ng alak habang nasa private bar kami sa Clark.

Okay, I'll try.

Tama si Rover, nandoon ang iba namin kakilala. Halo ang babae at lalaki, malakas ng musika at amoy ang alak sa paligid. Nakakaisang baso pa lang ako nang may babaeng umupo sa aking hita.

I took a glance at the girl. She actually smelled nice. I'd be lying if I said she wasn't attracted. Her boobs almost peeked out from her tube dress. She also has long, gorgeous legs.

But that's the end of it. I appreciate their beauty, yet I can't even touch a woman. It doesn't feel quite right.

"Can I sit here? Do you want us to leave? Hmm? Do you have a place?" she whispered on me, she almost grind her lower part.

Pinasadahan ko ng tingin ang katawan niya, gumalaw ang aking panga nang maramdaman umiindayog siya sa hita ko, kinakaskas ang pang-upo malapit sa hindi dapat.

I sighed because I couldn't feel anything.

I want to leave. Just me.

Hahalikan na dapat ng babae ang aking leeg nang hawakan ko ang kaniyang balikat upang matigil siya, naguguluhan niya akong tinitigan animong nainis pa sa ginawa ko.

I tapped the couch.

"You can sit here, Miss."

Tinulak ko siya paalis sa aking hita, pinagpagan ko ang suot na leather jacket. Narinig ko ang daing ng aking mga kasama lalo na si Rover nang makitang aalis na ako.

And that's my life for years. I spent most of my time on the mission. If I have free time, I choose to travel. Hindi rin maaaring lumayo dahil madalas ay may biglaan misyon.

Mas naging abala pa ako nang sumunod na mga buwan.

The higher-up appointed me as one of the ten bosses in Asia. I still can't believe it. I am still a rookie than other agents with a more excellent experience. I've only been in this position for almost two years. I believe it would be unfair to them. I only entered this group because my father was a former spy agent.

Swerte na ngang naging agent ako, mula sa simpleng miyembro, assistant sa misyon o kaya lookout. Kaya hindi ko kaagad natanggap na ilalagay ako sa posisyon ito.

At the age of twenty-two, I became one of Conrad's bosses in Asia. One of the founders chose me personally.

Hindi ko alam kung bakit?

I feel the pressure, especially since I am the one in charge. I hold the agents who used to be just with me. Alam ko ang iba ay galit sa akin, kinukwestyon ang posisyon ko. Bakit nga naman ako napunta sa posisyin na ito? Baguhan lang ako. Akala ko nga ay nasa team ko si Gabrel ngunit sa ibang boss siya napunta o sadyang nagpalipat siya, gano'n nga siguro siya kagalit sa akin.

Minsan nagkita kami sa headquarters nang may maganap na meeting.

The members and agents bowed as I entered the hall. My face was blank while scanning the area. I saw my twin with his team. He bowed his head while his jaw was clenched.

Are you not happy, dude? Am I not deserving of this?

"What will be the punishment for those caught?" tanong ng isang boss galing Europe.

We have an urgent meeting. The news came to us that some members of the organization were interacting with our opponents, an unnamed organization. Masiyadong naging maluwag ang grupo namin at sinamantala ng mga huwad na miyembro. Mga nasilaw sa pera na o mas may malalim na dahilan pa.

"The higher gave a signal that we need to tighten our security," ani ng isa.

Gumalaw ang aking panga.

"If it is necessary to kill the violators, then kill," I suggested.

"How?"

Nagkibit-balikat ako. "We have high technology, we can tract and tap the lines to each member from clients to the top. Backround check the new clients and members."

Sandaling natahimik. "I will ask the team. American teams have good inventors, right?"

Masiyadong advance ang grupo lalo na ang gadgets, hindi malabong ma-tract lalo na kung sa phone, makikita rin sa CCTV pero paano kung sa personal sabihin, o nakatago sila?

But then... nothing is impossible.

I am one of those who created the new rules.

No information from the organization will be leaked. I am so confident that I won't violate those rules. Of course, since I am a trained agent too, we are trained to keep a secret, to be the shadow.

I am the one assigned to torture or kill the violators, depending on their warning code. Either lashes or punches, sometimes drowning until they pass out.

Hindi ako pwedeng maawa, hindi ako pwedeng magpakita ng simpatya, hindi ako pwedeng maging mahina.

Ito ang trabahong pinili ko, hindi ako pinilit dito, ito na ang buhay ko, ito ang nasa kontrata ko.

I trained for it, to lie, to be numb, to be cruel when necessary.

After all, I am Conrad's torturer, Pluto. The mortality and riches, the god of death and the underworld.

"Anong nangyayari sa'yo, anak ha?" blanko ang aking mukha habang nakatingin kay Mama at Papa.

I sighed, I woke up one morning that they were already outside my penthouse.

"May problema ba, Gavril?" ani Papa, he lost his eyesight last year, medyo malabo na lang ang nakikita niya.

"Nothing. I'm just busy. Hindi ko alam na pupunta kayo rito," blanko ang aking boses, nag-iwas ako ng tingin.

"H-Hindi ka kasi umuuwi na sa bahay anak. Uh, plano sana namin ni Tatay mo na maghanda, sa twenty-nine birthday niyo ng kapatid mo, baka pwede kang umuwi?" ani Mama.

Natatakot akong gamitin sila laban sa akin, hanggat maaari ay ayoko na silang madamay rito lalo't nasa tahimik na sila ni Papa. Ngayon naiintindihan ko na bakit hindi madalas umuwi si Itay noon.

"Hindi ako uuwi."

"Bakit?"

"Busy ho ako."

Narinig kong malakas na buntonghininga ni Mama, nagdududa ang tingin sa akin.

"Lagi kang busy, ilang taon na? O sadyang nakalimutan mo na kami ng Itay mo dahil sa trabaho na iyan, dahil nagkakapera ka na nang malaki? Anak, masiyado ka na bang nasilaw sa pera? Mabuti pa ang kapatid mo, hindi nakakalimot umuwi," naiiyak na sabi niya.

Walang buhay akong tumingin sa aking ina kahit parang punyal ang sinabi niya na sumasaksak sa aking puso.

Pera? Hindi lang para sa pera ang lahat ng ito. I should be happy for my twin. This is for my family. I want to protect them, even if it means they will hate me.

"Totoo bang tinanggap mo ang posisyon na iyon?" mahinang tanong ni Tatay. Sa lumipas na taon ay ngayon lang nila nalaman o ngayon lang sila naglakas-loob na itanong sa akin, ngayon lang din nila ako naabutan dito. "Alam mo kung gaano kadelikado iyan, Gavril!"

Pagak tumawa, marahas na umiling si Tatay, alam kong alam niya kung gaano kadelikado ito, he was an agent after all.

"I have more power now, I have money too! I don't care."

"Iyan lang ba ang importante sa'yo?"

"Yes." Walang buhay ko silang tiningnan bago tumayo na.

I almost cursed as I stared at my brother's name on the list, one morning in torture room. He broke some rules, again.

Three hundred lashes!

Tumungo si V, ang aking tauhan.

"He failed to complete and show up for his mission last week. He didn't say anything to his team, he didn't update. Their mission failed, and the targets discovered it and now hiding."

Mariin akong pumikit sa sinabi niya, hindi ko alam kung anong pinaggagawa ni Gabrel nitong mga nagdaan buwan. Hindi ito ang unang beses na pumalya siya, ano bang nangyayari?

Today is our 29 birthday, I don't want our parents to worry about him.

I sighed as I pulled my shirt off. "Give me his lashes."

"You can't do that, Pluto! You already got lashes from his last violation!"

I clenched my jaw. They would know about this for sure. Inabot ko sa kaniya ang latigo na madalas kong gamitin. Ako mismo ang nagtali sa kanan kamay ko ng posas saka lumuhod ako sa gitna ng malawak na torture room, tanda na handa na ako sa parusa.

"Do it faster, V. I still have a mission in Cebu."

"B-But..."

"That's an order from your master."

I lost track of how many whips I received. I developed a high pain tolerance during the time I have been working here in the organization. I need to be physically and also emotionally stable. Maybe with the amount I've been through, I've learned to hide my true feelings. I also have nothing to say about my feelings. I don't want them to worry.

Nakasuot ako ng maskarang itim habang humahalo sa mga tao sa isang elite party sa Cebu, may kailangan akong matiyagan na kilalang business man na inaasahan namin na nakikipag-usap sa terorista.

Lumiko ako sa hallway para sundan ang lalaki na siyang misyon ko sa gabing ito. Napatigil ako sa pagsunod nang may makabunggan ako na batang babae na nakasuot ng pulang gown, papaliko rin sana siya.

Kaagad kong hinawakan ang babae sa balikat upang ilayo siya sa dibdib ko, tinanaw ko ang sinusundan ko at tuluyan ng nawala ang puta.

Damn it! That's lucky mother fucker.

"Opps! Sorry po, Tito!" The little girl giggled.

Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin ko sa kaniya, nagtama ang aming mata. Bilugan ang kaniyang mata, matingkad na itim iyon, manipis ang mga labi na kulay pula at may katamtaman naman na tangos ang ilong niya.

Hindi ako kaagad nakagalaw, hindi rin huminga, tumunganga ako sa ganda niya.

I just stared at her. Lost. Enthralled. Drowning.

What the fucking hell, Gavril? Move, padaanin mo ang bata!

I've been with women as part of my job. I have female agents too, and I clearly didn't act like this in front of them.

Kumunot ang noo ko dahil hindi naman ako ganito.

I let a small gasp escape my mouth when the little cute girl hugged me. She tapped my back and I could smell strawberries and liquor on her.

Bata pa lasenggera na!

"Sorry, I spilled wine on you, don't be mad," she sobbed.

I couldn't move even a little. I was so amazed at how strange I felt. My heart was beating fast. I trained to be always present in mind, think fast, be active, and focus, but now... I am blank.

When she withdrew from the hug, she cried even more. My eyes widened, I saw her little hands were full of blood from behind me. I did not realize that my wound was bleeding again.

Fuck, lashes.

"Oh no... blood. Oh no! I don't want you to die." She cried, really drunk.

Nasaan ba ang magulang ng batang 'to?

Tumikhim muna ako saka bahagyang umatras sa kaniya nagbabakasakaling makahinga na ako nang maayos. Pinunas niya ng kamay sa mukha para punasan sana ang luha niya pero kumalat lang doon ang dugo.

Shit.

"Hindi ako mamamatay, huwag kang umiyak." I said it so softly. For the first time, I was calm for the other person. I am fucking concerned.

What the heck, Valdemar?

"B-Blood, see?"

Itinapat niya sa mukha ko ang kaniyang kamay, mas napaatras ako para lang hindi niya mahawakan. Tuluyan ko ng nakalimutan ang misyon ko sa gabing ito. Bakit nga ba ako nandito?

Suminghap ako't hinila siya sa pinaka malapit na restroom, itinapat ko ang kamay niya sa lababo upang mawala ang dugo roon.

Nakapikit siya at nakasandal sa pader habang ginagawa ko iyon, gumahagikgik pa siya animong may nakakatawa.

I got a chance to study her face.

"Nasaan magulang mo?" tanong ko nang makabawi, ang isang kamay naman niya ang itinapat ko sa gripo, inabot ko ang tissue sa gilid. "I will wipe the blood on your face," imporma ko.

Ngumisi siya, marahan kong pinunasan ang pisngi niya habang iniiwasan dumaplis ang balat ko sa kaniya.

Damn, I'm bleeding but I can't feel it. Good thing I'm dressed in a black suit.

"Wala kang kasama?"

"Ikaw po." She giggled again.

Dumilat siya at nagtama ang mata namin muli, nginitian niya ako. Just a simple smile, but my heart is slowly melting.

Nawala ang ngiti niya saka parang nag-aalalang tumingin sa akin. Hindi ko sigurado kung imahenasyon ko lang ba iyon, dahil hindi ko na alam ang uunahin ko.

"Bakit ka po malungkot?"

Umawang ang aking labi nang tumingkayad siya at sinapo ang magkabilang pisngi ko gamit ang maliliit niyang palad, dahil basa iyon ay nabasa na ang mukha ko. Nanindig ang balahibo ko kaagad.

"Don't be s-sad! I'm gonna cry na rin," naiiyak na naman siya.

Damn, kid!

Hindi ako gumalaw, tinitigan ko siya habang blanko ang aking mukha. Iniwas ko ang tingin ko ngunit iniharap niya iyon muli sa kaniya.

"Hindi ako malungkot, huwag ka na umiyak baka akalain ng mga makakakita sa atin inaaway kita. Bakit ka ba umiinom? Ang bata mo pa ah," mahinahon kong sabi, bahagyang hinawi ang kamay niya.

Ngumuso siya.

"Are you tired na po?"

Lasing na rin ata ako, hindi naman madami ang ininom ko pero hindi ako makagalaw sa hawak niya, dapat itulak ko siya pero hindi ko magawa.

Mas nagsalubong ang kilay ko.

Ngumuso siya't may dinukot sa pouch na dala, inabot niya sa akin ang isang panyo na kulay pink.

"H-Here, madami akong ganyan, don't worry po. Cry if you want, rest if you're tired po."

Tumikhim ako.

This is the first time someone has asked me that, that someone is really worried about me. I don't know, but I feel relieved, even though I know maybe she's just really drunk. I appreciated her.

"W-What's your name?" I asked.

"A-" Hindi niya natuloy ang sasabihin nang bigla siyang nasuka, hindi ako nakaatras kaya tumama iyon sa slacks ko.

Hindi pa ako nakakabawi ay may pumasok na binatilyo, mukhang kasing edad lang niya. Sumusuray rin ito na natatawang hinawakan ang babae sa braso.

Gumalaw ang panga ko roon, handa ng suntukin ang patpatin na bata pero mukhang magkakilala sila.

"Babe! You're here! Let's go. Omg, what happened?"

"Hala, dirty na ikaw! I-Ikaw kasi!" sisi niya sa akin.

Gamit ang panyong ibibigay niya dapat kanina ay pinunasan niya ang gitna ng aking hita, halos mapamura ako at naestatwa.

Nagtawanan silang dalawa, hinila siya ng kasama niyang lalaki palabas ng banyo. Lasing na sumisigaw-sigaw pa siya at kumakaway sa akin.

"A-di-el! Dirty! Elias! Ouch wait!"

"Adiel?" I whispered, looking at the handkerchief she dropped.

Pinakawalan ko ang malakas na buntonghininga habang nakadukmo sa coffee counter.

"Are you fine? Boss?" V asked.

Pumalumbaba ako saka bumuntonghininga ulit, nakatitig sa panyo sa harapan ko.

"V, sa tingin ko kailangan ko ng Doctor."

Tumigil siya sa kaniyang ginagawa at nag-aalalang nilingon ako. "Why, boss? Are your wounds bleeding again?"

Umiling ako, sana nga iyon lang ang problema ko.

"Hindi, may pag-aaral bang nakakonekta ang mga ugat sa likod sa puso?"

"Huh?"

Sumubsob ulit ako sa counter, wala na akong pag-asa talaga. "I think when you punished me last week it affected my heart and my mind," I whispered to myself. Iyon lang naman ang naiisip kong dahilan.

I groaned in frustration when her face flashed on my mind again.

"Bata pa yon, gago ka!" I hissed, reminding my inner me.

V looked at me like he was afraid, like I am crazy. Inilayo ni V sa akin ang tinidor sa harapan ko animong sasaksakin ko siya no'n anuman oras.

Umiling ako saka dumukmo na lang muli. Ngiti na naman niya ang nakita ko, napangiwi ako.

Kadari Gavril, bata 'yon!

Sinubukan kong ilunod ang sarili sa trabaho para layuan ang kasalanan sa iyon sa bata.

Fucking hell, sixteen pa lang siya, at ako ay mag-thirty na.

Alam ko, iba ang iisipin ng ibang tao kahit malinis ang hangarin ko dahil sa edad. Kahit ako nandidiri sa tuwing iniisip kong sa maling tao tumibok ang puso ko.

Mali ito kahit anong ipaliwanag ko, alam kong mali at hindi ko hahayaan maging mali pa.

“May gusto ka bang ipag-utos, boss?” ani V.

Umiling kaagad ako.

“Wala, wala akong gagawin.” Ako ang mas nakakapag-isip na, ako ang matanda kaya dapat umarte ako sa tamang edad ko.

Hindi kami bagay, malayong-malayo ang agwat ng aming pamumuhay, ibang-iba ang mundong ginagalawan namin at ayoko siyang ipasok sa mundo ko at isa pa, hindi naman ako magugustuhan no'n, pati ako kinikilabutan sa sarili kong naiisip. Age doesn't matter, but that's for both legal age. I can't do this to her, and yes I like her but I don't want to corrupt her years, she's still young, I want her to explore the life.

Damn it. I am not going to do that. I am not like that. I won't force a woman.

Hindi ko gagawin sa kaniya iyon. Iba ang mundo namin at hindi ako gagawa ng paraan para magtagpo iyon.

Minsan na nga lang magkagusto, sa hindi pa pwede. Tangina lang.

Lavelle 'yon.

Well, I did my own investigation. I am hoping that I will stop this stupid delusion if I find something about her. I'm hoping that this is just a simple attraction. Of course, she's pretty, and maybe I just appreciate her beauty, that's all.

Nagawa ko naman, naiwasan ko, nakalayo ako sa kasalanan na alam kong pagsisisihan ko pero may hangganan pala ang pagpipigil ko dahil nang mabalitaan kong ipapakasal siya oras na tumuntong siya ng labing-walo, sa kaniyang tamang edad, nabuwag ang plano ko.

I changed plans just like that, naisip ko pa noon na baka mababaw lang 'to.

Matanda na rin ako, halos hindi ko nga napansin na trentay uno na ako. Alam kong walang kasiguraduhan pero gusto kong subukan.

Naisipan kong umalis sa organisasyon, hahanap ng trabaho na maaari kong iharap sa mga magulang niya. I can go back to the military. I also have businesses but I don't want to use my wealth so she would like me.

Daanin ko kaya sa dahas? Pero ayoko naman pilitin siya no.

Malinis ang hangarin ko sa kaniya, kaya gusto kong sa malinis na paraan ko rin siya makuha.

"Gabrel..." I whispered, I stopped punching the training bag when I looked up at Gabrel.

Nagkikita naman kami ngunit ngayon pa lang ata siya lalapit ng ganito lalo na rito sa HQ. Ako mismo ang umiiwas noon dahil ayaw kong mag-away kami. Gusto ko siyang intindihin, gusto kong malaman niya na hindi ako ang kaaway niya rito, na hindi ako kakompentensya rito dahil bukod sa lahat, siya ang inuuna ko. Palaging sila, kapakanan nila dahil sila ang pamilya ko.

Blanko ang mukha na inabot niya sa akin ang isang kulay itim na card, naguguluhan na kinuha ko iyon.

I noticed his man bun. His right hand is full of tattoos too. I have tats on my shoulder as a sign of being a member of the organization.

"Wedding?"

Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kaniya, mukhang napipilitan pa siyang lumapit sa akin. Ramdam ko ang tingin ng ilang nandoon sa amin.

Gabrel & Adilyn Wedding

Kumunot ang noo ko at napagtanto na ang dami kong hindi na alam tungkol sa aking kapatid. Maaari ko naman alamin iyon ngunit alam kong magagalit siya kapag ginawa kong paimbestigahan siya.

"Magpapakasal na ako..." Tumigil siya sandali, he looked away. "Magtatampo ako kapag wala ka roon... Kuya."

Hindi ko alam bakit natawa ako pagkaraan ng ilang segundong pagtanga sa harapan niya, natawa ako kasi kahit hindi niya sabihin ay pupunta ako.

Ngumisi siya sa akin animong natatawa sa naging reaksyon ko, naiiling na naglahad ako ng kamay, sandali pa niya iyon tiningnan bago tanggapin.

I pulled my brother into a man's hug. I tapped his back.

"Masaya akong nakita mo na ang babaeng para sa'yo, Rel," I whispered to him.

Adilyn has been a bridge to bring our family closer together, even if little by little. Gabrel told me he wanted to leave the organization for their family. Adilyn is kind and young. She's too soft. She's perfect for Gabrel because I could see my twins' changes because of her.

Nalaman kong nagkakilala sila dahil iniligtas siya ni Adilyn isang gabi na wala siyang malay sa kalsada, inalagaan. The reason why he's been busy these past few months.

Gusto siya ng buong pamilya, lalo na si Mama dahil wala silang anak na babae. Masaya rin si Tatay dahil mukhang nag-matured bigla ang kapatid ko, masaya na rin ako roon, panatag na ako dahil alam kong nasa tamang relasyon na siya, nasa tamang babae siya.

Kinasal nga sila ng sumunod na taon, hindi ako nakaalis sa organization dahil ayokong magsabay kami ni Gabrel at dahil na rin sa hiling niya nang magkausap kami isang hapon.

"Pwede ba kitang makausap, Gavril?" tanong ni Gabrel, nakatanaw ako sa malawak na bukid sa likod ng bahay namin, umuuwi na ako kada linggo, gano'n din sila ng kaniyang asawa, may bahay silang bukod dito sa Pampanga.

"Are you going to ask for money?" I teased him.

He scoffed. "I am still rich, thank you!"

"So what's your problem? Relationship advice?"

"Parang meron ka ah, alam kong wala kang kwenta riyan."

Humalakhak ako, tumabi siya sa akin ng tayo, parehas namin tinanaw ang bukirin na dati namin pinaglalaruan.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy. Ma-aprubahan ang request kong pagtiwalag sa grupo ngayon buwan. Hihilingin kong huwag kang umalis, Gavril."

Napalingon ako sa kaniya na nagtataka, ngayon lang kami mag-uusap tungkol sa organisasyon. Nasa iisang grupo kami pero magkaiba ang ginagalawan namin kaya nagulat akong sabihin niya ito.

Gabrel sighed. "Ngayon paalis na ako, wala na rin si Tatay roon. Hindi natin alam kung anong maaaring mangyari," makahulugan sabi niya.

Kahit hindi niya diretsyohin ay alam ko na, ayaw niya akong umalis dahil masiyadong delikado para sa amin na walang matitirang proteksyon galing sa grupo. Marami na rin kaming kaaway, kaalitan kaya alam ko ang kaniyang pinupunto, nang pumasok kami rito ay alam na namin na ganito.

Hindi ako nakapagsalita.

I am thinking about my personal plans. I am nearly thirty-two. I want to settle down with the woman I admire. I want a simple and secure life with her. But then, in the end, I choose Valdemars. I won't leave Conrad because of them.

I will protect and defend our family. As I always promised.

"Ikaw wala ka bang espesyal na babae sa buhay mo?" Nagulat ako sa tanong niya pagkalipas ng ilang minuto.

Tumanaw ako sa malawak na bukidin. "Meron, kaso hindi pwede."

"Huh, bakit?"

Kinagat ko ang aking ibabang labi, ayoko sanang sabihin sa iba ngunit kapatid ko naman siya. Gusto ko ulit maging malapit kami, gusto kong bumawi. I trust my twin, I told him about the heiress of Lavelle. About the woman I admired.

"Mukhang masarap 'yan ah," Adilyn commented while I was cooking our breakfast, one Sunday morning.

Nagulat ako nang yakapin niya ako mula sa aking likuran, kaagad akong lumayo sa kaniya at binigyan distansya ang aming katawan habang salubong ang kilay.

"I'm Gavril," pakilala ko kaagad dahil baka hindi niya nahalata iyon.

Nakita kong kumunot ang noo niya, bago napalitan ng nagulat. "Hala, Sorry Kuya Gav! Akala ko ikaw ang asawa ko! Akala ko po si Gabrel."

Tumango na lang ako sa sinabi niya bago bumalik sa pagluluto.

Hindi ba niya nakitang wala akong tattoo? Maikli rin ang buhok ko? O baka nasanay kasi siya na wala ako rito kaya ang nasa isip niya ay si Gabrel ang nasa kusina, pero hindi naman nagluluto si Gabrel, hindi siya marunong.

Tumulong siya sa paghahain, nasa kalagitnaan ako ng pagsandok sa fried rice nang makarinig ako ng pagbasag, kaagad akong lumingon at naabutan kong nagpupulot ng basag na tasa si Adilyn.

Kaagad akong lumapit, pinigilan ko ang kamay niya, napatingin siya sa akin.

"A-Ah, sorry. Dumulas kasi sa kamay ko."

Gumalaw ang aking panga nang makitang dumudugo ang daliri niya.

Hinila ko siya patayo at pinaupo na lang, umalis ako para kunin ang panglinis ng sugat niya. Hindi ako nagsalita habang ginagawa ko iyon, nang matapos ay ang bubog naman ang nilinis ko.

"Huwag ka ng tumulong sa susunod, kaya ko na, maupo ka na lang," mahinahong wika ko, baka maubusan sila Mama ng tasa.

"G-Gusto ko lang sana tumulong."

Tumango ako. "Ilan taon ka na kasi, Adilyn?"

"Nineteen p-po."

Adilyn is young, gusto kong sabihan si Gabrel tungkol sa bagay na ito ngunit kita ko naman na mahal niya ang babae. Nakikita ko rin ang pagbabago sa kaniya kaya panatag ako.

Tumango akong muli, hindi ko namalayan na ngingiti na ako dahil naalala ko ang batang Lavelle. She's finally legal, it's possible now but it's hard to reach. Hirap pa rin abutin, hirap mahabol.

Tsk, paniguradong hindi iyon marunong sa gawain bahay. Ayos lang naman, ako na lang gagawa lahat.

Damn, Gavril. Patay na patay, huh? Ni hindi ka nga kilala no'n.

"Anong nakakatawa? Pinagtatawanan mo ako?" himutok ni Adilyn, nangingiti siya.

Kaagad akong nag-iwas tingin. Nandyan pa pala siya. Hindi ko napansin.

"Wala," sabi ko bago tumalikod na lang.



☽❃☾

Mabilis lumipas ang taon, nasa Batangas ako para sa isang misyon. Dapat ay sa iba ito ibibigay pero kinuha ko nang malaman dadalo siya at ang kaniyang pamilya.

Mula sa snipper na aking hawak ay tinanaw ko siya sa gitna ng maraming tao. Zinoom ko pa iyon para mas makita ang mukha niya.

Napanguso ako nang makita ang malaking pinagbago niya. She's twenty-one now, and even after years of admiring and appreciating her beauty from afar, she still has an impact on me.

Akala ko noon mababaw lang, maling-mali dahil kung mababaw bakit hanggang ngayon ay lunod na lunod ako. Hindi makaahon, ni hindi ko magawang kumapit sa iba, kung hindi siya ang mag-aahon sa akin, mas gugustuhin kong lunod na lang sa kaniya.

"No boys for you, baby," I pleaded.

Mukhang pinapakilala siya sa mga tao na nandoon. Mas lalo ko ng natanto ang pinagkaiba namin, ibang-iba ang buhay na aming ginagalawan.

Inayos ko ang snipper ko para mas makita ang kaniyang mukha.

Even with thin make-up, her beauty stands out from the rest. Umaalon ang buhok niyang hanggang beywang, makapal at bahagyang kulot iyon sa dulo. Maputi ang kaniyang balat, pantay na pantay ang kulay, habang natural na mataray ang kaniyang mga mata.

I was not sure about my preference. I hate younger women because I think I can't handle their immaturity. I am not really good at expressing my feelings.

"Happy birthday, baby." I greeted her from afar, wishing she would hear and see me.

Someday.

"What the fuck?" My friend cursed and pointed a gun at me after I told him my plans. Naiintindihan ko ang ginawa niya lalo't katulad ko ay pantay kami ng katungkulan.

Labag ang gagawin kong ito.

"Sabihin mong nagbibiro ka, Gavril!"

Umiling ako, inilapag ang folder sa lamesa.

"Hindi ko gagawin ang misyon na iyan," matigas kong sabi.

"Fuck, Gavril! Babae? Will you turn your back on Conrad because of that woman?! Ilang taon ka na sa trabahong ito! Kung ayaw mo ay ako ang gagawa ng misyon na 'yan!" His voice reflects his frustration.

I clenched my jaw. I didn't think twice. I pointed a gun at him too.

"Try, this trigger always ready." I warned him too.

Sandali niya akong tinitigan bago niya nanghihinang binitawan ang baril. Naihilamos niya ang palad sa kaniyang mukha.

"Anong gagawin mo? Ang umalis sa grupo para sa babaeng iyan? Walang sapat na dahilan para tanggihan mo ang misyon."

"At anong gusto mong gawin ko? Patayin siya dahil iyon ang ibinigay na misyon sa akin? Dahil iyon ang pinag-utos ng kung sino, what I am trying to say is that there's a traitor inside Conrad. Ni walang matibay na dahilan kung bakit, dahil tigapagmana siya ng Lavelle? I told you, I won't do that!"

"You will break the rules! You will fake everything? At ano, tingin mo hindi malalaman ng nasa itaas?"

"That's why I am asking you this favor."

Mariin siyang pumikit, nang dumilat siya ay seryoso na ang mata, umiling siya.

"Fine!"

This is not just because she's a Lavelle. I know their family because I was once their scholar. I am also very grateful to them for that. They have power, but they also have enemies. Conrad will accept this mission if it affects many people and causes harm. I don't see any reason. I feel like this is part of the test for me. It was really planned against me because they knew I couldn't. They knew I would refuse.

Pero sino ang maaaring makaalam no'n? Maingat ako pagdating sa gano'n bagay.

She was my mission. I didn't do what they asked me to. They gave me a chance, but I left the group instead at the age of thirty-four. I threw everything away. I forgot what I promised to my twin for her.

I regret that. I regret choosing her.

I failed my family. I lost my father. Mama and Adilyn were missing. My brother got hurt. I didn't protect them. I was disappointed in myself.

"This is all your fault! You're fucking selfish!" sigaw ni Gabrel.

Malakas na tumama ang kaniyang kamao sa aking mukha, at hindi ako lumaban. Tulala ako habang nasa ospital kaming dalawa, galit na galit siya habang nakatingin sa akin. Lumuluha ang kaniyang mata at puno iyon ng puot at paninisi.

Sobra akong namanhid dahil tama siya, kasalanan ko 'to.

Kung hindi ako umalis sa organisation sana hindi mawawala ang proteksyon sa amin. Naging kampante ako, masiyado akong naging maluwag nitong nakaraan linggo. Nangako akong poprotektahan ko sila pero bigo ako.

Kuyom ko ang aking kamao habang inaalala ang lahat ng nangyari.

We were eating dinner that night when I felt dizzy. I was still able to stand when armed men entered the house. We fought, we tried. Gabrel lost consciousness. Tatay tried to fight too, but he couldn't see properly. He ended up getting shot. I saw it. I saw how they hurt my family. I wanted to fight, but my body was numb. I don't know why. They took us. I was tortured for several days. They injected drugs into me.

Kinuyom ko ang aking kamao nang maalala ang sinabi ni Gabrel.

May sinabi sa kaniya si Tatay bago mawalan ng malay, ang babaeng nasa mga Lavelle ang dahilan ng ito. Narinig ko rin iyon noon bago ako mawalan ng malay at bago kami maghiwa-hiwalay.

We are a Lavelle too, fuck!

Naihilamos ko ang aking palad habang inaalala ang mga nangyari. Naging pabaya ako, naging kampante.

"Igaganti ko ang ating pamilya, Gabrel!"

"I don't believe you anymore! You're a liar! Duwag ka! Mahina!" Pinag-aalis niya ang mga nakakabait sa kaniyang katawan, umalis sa kama.

"Saan ka pupunta?!"

Tinapunan niya ako ng masamang tingin. "Hahanapin ko ang asawa ko at si Mama. Ako na ang gagawa dahil wala ka pa rin kwenta!"

"Pupunta ako sa mga Lavelle! Gagawa ako ng paraan. Igaganti ko sila at..." Hindi niya tinapos ang sinasabi ko, tumalikod na siya, malakas na isinara ang pintuan, nasapo ko ang aking ulo.

"Magiging ayos din ang lahat, Gavril," sabi ni Tay Tunying sa gilid, sabi niya ay siya ang naghatid sa amin dito sa ospital, siya ang nakakita sa amin.

Mariin akong pumikit.

Kung alam ko lang na ganito, sana ay sinulit ko ang mga panahon na kasama ko pa sila Mama at Papa, sana umuwi ako sa mga panahon na pinapauwi nila ako, sana nasabi ko sa kanila kung gaano ko sila kamahal. Na kahit hindi ko sila tunay na magulang ay para sa akin ay sila pa rin ang magulang ko.

I hate her. I hate Alora Ebony Lavelle! She's the reason of this, the reason why our family suffered and hurt.

Dahil sa kaniya kaya nangyari ang lahat ng ito, dahil sa kaniya!

Gumalaw ang aking panga habang papasok na ako sa mansyon ng mga Lavelle. Hindi naman ako nahirapan makapasok lalo't nandito si Tiya Mersita, sinabi ko ang nangyari kay Mama at Tatay ngunit hindi ko sinabi ang totoong dahilan kung bakit ako nandito. Ang sinabi ko ay kailangan ko ng pera, na wala akong trabaho.

Hindi ko pa muling nakita ang mag-asawang Lavelle dahil nasa ibang bansa sila. I got their trust since they know our family and they know that I am a former military.

Para sa batang Lavelle na 'yon. Oh, wait. She's not a Lavelle, her real family is the reason why I lost my family. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman ang lahat, hindi ako nakakaganti.

Nakatanaw ako sa kanilang pool habang iniisip ang aking plano. Nang maramdaman kong nasa likod na sila ay unti-unti akong humarap.

I expected to feel hatred. I expected to feel disgust when I saw her in front of me. That's how I should feel, but when our eyes met, I almost forgot why I was here and what my plan was.

"Gavril Valdemar, I'm your new servant, my lady." I can't stop studying her face.

Lagot ka sa akin, bata ka!

Mas lalo akong nainis nang malaman ang ugali niya, napaka matapobre, maarte, walang galang pala.

"Please, I'll be good. Kahit isang oras lang. Gusto ko lang masubukan. Hindi naman kailangan malaman ni Papá e, dalawang linggo na akong hindi nakakalabas, mamamatay ako, please," maarteng sabi niya.

Sandali ko siyang tinitigan. I know, she's just acting, being dramatic.

Hindi sa akin gagana iyan, bata.

"Tsk, you're not cute," I mumbled to myself, hindi naman niya siguro narinig. I exhaled loudly. "Fine, just don't... don't do that again in front of me, especially to other guards."

Dumilim ang mukha ko, nang maisip na gumagano'n siya sa iba.

Pumunta kaming Divisoria, inosente pala ang batang ito. Pero hindi ako pwedeng maniwala kaagad, baka nagpapanggap lang siya.

Nang makababa kami sa helicopter sa rooftop ay parang galit na naman siya. Nauuna siyang maglakad sa amin, tumaas ang kilay ko dahil parang inis na inis siya.

"Sir, tampo po ata girlfriend niyo," sabi ng isang sa staff.

Tumango ako, libangan niya talaga ang mainis, mas magugulat ata ako kapag kalmado ang babaeng 'yan.

"Red days." Natawa silang dalawa, sinungitan pa sila ng batang kasama ko.

Gusto ko siyang pagsabihan ngunit ayoko siyang ipahiya sa harap ng ibang tao, hinintay kong kami na lang dalawa ang nasa lift bago ko siya pagsabihan.

"What you did is too harsh, that is not nice."

Umismid siya. "I know, I don't care. Hinihingi ko ba opinyon mo? Sinabi ko bang magsalita ka?" Damn, her. "You have no power over me."

I smirked. "Are you sure about that?"

Kid, dapat sa'yo pinuputulan ng sungay. Hindi uubra sa akin 'yang kamalditahan mo. Kapag ako ang asawa mo, titino ka sa akin.

Natigilan ako sa naisip ko, kaagad ko iyon iwinaksi.

"Everything's clear, Sir," sabi ni V.

"Thanks, we will back before seventeen hundred." Hinintay ko munang makapasok si Ebony sa loob ng kotse bago humarap kay V. Wala na ako sa grupo ngunit tinutulungan pa rin niya ako. Binigay niya ang susi ng isa sa kotse ko. "Nasabi mo ba sa kaniya ang bilin ko?"

"I already informed him. He's on mission now in some churches in Pampanga, Sir."

Naging mabilis ang biyahe namin na iyon, pababa na kami nang makaparada ako nang may napansin ako. Nag-iwas kaagad ako ng tingin.

"Omg, I lost my nipple tape!"

A fucking what?

Sinabi niya sa akin kung ano iyon at hindi pa ako nakakakita noon kaya hindi ko alam.

Huminga ako nang malalim.

I have scotch tape here, packing tape here. Ayos na ba 'yon? Meron din ata akong band-aid sa compartment. Is that, okay?

I'm fucking stress the whole day lalo na't halatang hindi siya sanay sa ganitong lugar. Masiyadong bantay-sarado ako sa paligid lalo na sa tuwing binubuggo siya.

Mga gagong 'to, sasaktan pa 'yong bata.

Nang makauwi kami ay kita ko ang kaniyang pagod, bumili na rin kami ng bra niya pauwi, mukhang maliit pa nga dahil iritang-irita sya buong biyahe. I know her waist measurement, I touched it. I don't know about her breasts though. How would I know? I didn't touch it.

But that night, I saw it with my two widened eyes. I saw her beautiful mountains. I already named them in my mind: righty and lefty.

Awang ang aking labi, natulos ako sa aking kinakatayuan habang nakatingin sa kaniya. Don't look down, Gavril don't!

Nakapikit siya't inakalang ako si Tiya Mersita, pigil ko ang aking hininga habang tinatanggal ang kaniyang bra.

Hindi ko man gustong makita, hindi ko rin ginustong iwasan iyon nang humarap siya. Nakakita na ako no'n sa mga videos na napapanuod ko, sa uri ng trabaho ko ay may mga pagkakataon din na may mga nakakasalamuha akong babae.

I am not innocent of course!

But this is the first time I've seen it in person. They're absolutely perfect. She's fucking hot. Medyo tumaba siya, pero ewan ko ba, mas gumanda siya sa akin.

I gulped and brushed my hair when I was finally alone in my room. Napahilamos ako sa aking mukha dahil may kakaiba akong naramdaman at ayaw ko iyon. Hindi ko dapat maramdaman iyon.

Mabilis kon g hinubad ang aking damit para mag push up. I need some sweat to calm.

"Ah, fuck. Uhm, oh!" I pushed up quickly, trying to divert my attention.

Kinabukasan ay gulong-gulo ako sa aking ginawa. Okay, I am just a man! That's right, Gavril. You don't like her anymore. Maybe she's still attractive, but you don't love her. Okay? You hate her! Focus!

Mas lalo akong naguluhan nang may bumisita sa kaniyang lalaki nang araw na iyon.

"Elias? Lalaki, your highnesss?"

Suminghap ako at gusto ko siyang sigawan. Lalaki? Hoy, bata ka pa! Bawal kang manlalaki! Pumasok ka na lang sa kwarto mo!

I kept calm while looking at them whispering to each other. What, best friend? She doesn't need you, boy! I will be her new best friend. Maglalaro kami buong araw hanggang hindi ka na niya maalala!

Tumingala ako upang kumalma, bumuga ako ng hangin.

I gritted my teeth. I looked at the sky. "Lord, magpaulan ka nga para pumasok na 'yong bata sa loob."

Ang tagal nilang mag-usap, hanggang pumasok sa mansyon ay nagbubulungan sila at gusto ko rin marinig iyon. Naningkit ang aking mata nang makitang naghahampasan pa sila sa braso.

She can do that to me, hampasin niya ako. Hindi naman ako gaganti, tsk.

"Gusto kong mangabayo."

I was surprised when she said that. I didn't know she was so vulgar. I don't mind, but I didn't like the idea of her being open like this to another man.

Kung sa akin ay ayos lang, I am very open-minded man! Sa iba, huwag. Hindi pwede!

"N-Ngayon hapon?"

Pwede bang maligo muna? Fuck.

"Now, of course! You will guide me!" halatang iritadong sabi niya.

I am not innocent, but I am a freaking virgin.

Hindi ko naman kinakahiya iyon ngunit hindi ko rin naman pinagmamayabang. Wala naman dahilan para ipagsabi ko ang tungkol sa bagay na 'yon.

Suminghap ako at pinakatitigan ko siya. Mukhang desididong-desidido siya sa bagay na ito.

"Before we start, I want you to know that I like it rough. I prefer BDSM," I informed her.

Wala man akong karanasan ngunit kilala ko ang sarili ko. I can't easily feel hurt or pleasure. Siguro dahil na rin sa trabaho ko. I can almost imagine her moaning on me, damn it! I am so turned on.

Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o matatawa sa sarili ko nang malaman iba ang tinutukoy namin dalawa. What the fuck? Literal na kabayo pala, akala ko naman...

"Alam na ba ni... Elias?"

Nanginginig ang aking kamay, palihim ko iyon itinago upang hindi niya makita. Nalaman kong nagpatawag siya ng gynecologist at hindi ako tanga para hindi malaman kung para saan iyon.

Hindi ko alam bakit nagagalit ako. Ano naman sa akin kung buntis siya? Kung may mahal na siyang iba, wala dapat akong pakielam doon.

"Tang, mayroon ba kayo no'ng nasa loob ng niyog? 'Yong buwa? Ubod ng niyog?" Malakas na ang ulan at naghahanap pa ako no'n pinaglilihihan niya. Nalibot ko na ata ang buong Batangas kakahanap no'n.

I will fucking kill that, Elias.

Babasagin ko ang mukha ng gagong 'yon. Wait, baka magalit si Ebony naman, napailing ako sa naisip ko.

"Ah, meron! Gabing-gabi ka naman, Toy."

Tipid akong ngumiti. "Eh, si Misis po."

Natuwa naman siya nang dumating ako, nakalabas na ako sa kaniyang kwarto nang marinig kong kausap niya ang Elias na 'yon. Hindi sana ako makikinig at tuluyan ko na sanang isasara ang bahagya pang nakabukas na pintuan pero dahil narinig ko ang kausap niya ay natigilan ako.

Sasabihin ba niyang buntis siya? Para saan? Huwag na niyang sabihin!

"Magpadala ka rito sa bahay ng secret camera," she whispered. Camera?

What are you planning, my little devil?

Inunahan ko na siya, nagpabili ako kaagad no'n kay V. Personal ko naman binili ang isa pang regalo ko sa kaniya.

I pouted while trying to write on the small card. Damn, I hate my handwriting.

Nakadapa ako sa aking kama habang nagsusulat, may ilang papel na akong nalukot dahil hindi ako kuntento sa sulat ko.

Nanginginig pa ang kamay ko habang nagsusulat, pinilit kong pagandahin iyon, baril lang kasi ang madalas kong hawak. Dugo ang dumudumi sa kamay ko at hindi tinta.

"For my Adiel. Wear this tonight, my chubby baby," I chuckled reading my notes.

Everything is going as planned, and I was right. She installed the spy pen on the shelves in my room, but I pretended not to notice.

Want to play, baby?

"Are you traumatized?" I whispered, she's sleeping and still has a fever.

Hindi ko alam bakit siya nilagnat, dahil ba roon? Bigla tuloy akong nakunsensya.

Mahigpit ang hawak ko sa manibela habang papunta kaming Pampanga nang umayos na ang lagay niya at nakatanggap ako ng tawag sa isa sa kaibigan ko.

Nakita raw si Adilyn sa Pampanga!

Kaagad kong kinontak si Gabrel tungkol sa bagay na iyon, sinulyapan ko si Ebony sa aking tabi habang nasa biyahe kami. Sa mga lumipas na araw ay nawawala na ako sa plano at ni hindi ko nga alam sa sarili ko kung iyon pa rin ba ang nasa isip ko, ang plano pa rin bang pagganti? I don't want to disappoint them again. I want revenge, but Ebony is innocent. She didn't even know that she wasn't a real Lavelle. I want to tell her about that. I am still working to find out about her real family.

Mabilis kaming nakapunta sa Pampanga, mabigat ang aking dibdib dahil bigla kong naalala si Tatay at Mama sa bahay na 'yon, parang biglang nabuhay ang galit sa aking puso, para sa mga taong gumawa no'n at sa sarili ko na rin.

Bigla kong naalala ang mga ipinaglalaban namin kaya ko ito ginagawa.

"Nandito siya, Gavril."

Iniwan ko si Ebony sa bahay namin, pumunta kami sa likod ng simbahan kung nasaan daw nila dinala si Adilyn. Parang may kumurot sa puso ko nang makita ang kalagayan ni Adilyn, mas pumayat siya, tulala pa siya pero nang makilala ako ay mahigpit niya akong niyakap habang umiiyak.

"This is Gavril, papunta pa lang ang asawa mo," I said because I looked the same as Gabrel.

Ginaya ko ang kaniyang buhok, tattoo para sa kaligtasan niya noong makalabas kami ng ospital. Kung may hahanap man kay Gabrel ay ako ang makukuha at hindi siya.

Tanging pinagkaiba na lang namin ngayon ay ang peklat na natamo ko dahil sa pag-torture nila sa akin ng ilang araw. Hiniwa nila ang mukha ko at ilang parte ng katawaan ko noon, habang wala akong malay, kung hindi nila ako tinurukan ng gamot ay baka nakalaban ako.

Mahigpit ang yakap niya sa akin, I know her trauma. Siguro kami nila Gabrel, Tatay at Mama ay sanay na sa gano'n, alam kong sanay na siyang makakita ng baril dahil kay Tatay ngunit si Adilyn ay hindi, inosente siya.

Iniwan kami ng aking kaibigan sa kwarto, pinunasan ko ang kaniyang luha.

She's like my younger sister; she's my brother's wife, so I am really worried about her.

"Are you okay? Saan ka galing? H-Hindi mo kasama si Mama? Mabuti at ayos ka lang, hinahanap ka ni Gabrel," imporma ko sa kaniya, nag-aalala na rin ako kay Mama.

"N-Natakas ako K-Kuya Gav, hindi ko alam kung nasaan si Mama, I am sorry, sorry, kasalanan ko, sorry," iyak niya, lumuluha ang kaniyang mata.

"Hush, walang may kasalanan. I will do everything for our justice, okay? Hindi kami titigil hanggang hindi nalalaman ang totoo," madiin sabi ko.

Hinawakan ni Adilyn ang aking kamay.

"B-Bago nawala si Tatay ay narinig ko ang sinabi niya Kuya, Cervantes... iyon ang may kagagawan ng lahat, p-pakiramdam ko ay sila rin ang may hawak kay Mama, natatakot ako. A-Ang mga taong iyon ang dahilan kung bakit nawala si Tatay, p-paniguradong pinapahirapan nila si Mama ngayon!" histerikal na sabi niya, kaagad ko siyang inalo.

Hinimas ko ang kaniyang likod, sobrang higpit ng kaniyang yakap sa akin.

Gumalaw ang aking panga, unti-unting nabuhay ang galit sa puso ko.

Tama siya, tama sila.

Fuck!

"Noong gabi na 'yon, sinong nagluto?" mahinahong tanong ko nang kumalma siya.

Hilam ang mata niya. "S-Si Mama po, wala kami ni Gabrel no'n hapon k-kasi pumunta kaming bayan no'n," mahinang sabi niya. "I-I will help, Gav. G-Gusto kong iganti sila Mama at Tatay, please! M-May naisip akong plano."

Umigting ang aking panga habang pinapakinggan ko iyon.

Kaagad din akong umuwi at iniwan siya roon nang kumalma na siya dahil naalala ko si Ebony, hindi pa 'yon kumakain.

Sinabi ko kay Father na i-text ako oras na dumating si Gabrel at kunin ang asawa niya.

Nang makarating ako sa bahay ay nakausap ko ang Papá niya dahil ako ang nakasagot ng tawag. I gave them a hint. I told them about Adilyn, according on her plans. And that she is their daughter. Adilyn said to me that we can't tell them the truth now. We won't tell them we're alive; we are their lost heirs since Ebony is still there. She will pretend until we find the one who hurt Tatay and took Mama.

I don't know if it's even right. I don't want to ignore Tatay's death, but I don't want to hurt Ebony.

Especially when she confesses how she feels to me.

Nakunsensya ako dahil ginagawan at pinag-iisapan ko siya nang masama, na nagustuhan niya ako sa kabila ng pagkakaiba ng pagkatao namin. I would be lying if I said I wasn't happy when she said she liked me, and I was scared because of what I felt because I know I have no right to be satisfied and happy.

Wala akong karapatan lalo't may mga ipinahamak akong tao. Kasalanan ko.

Pinakalma ko ang aking sarili habang nag-uulit sa aking tainga ang sinabi niya.

She likes me! Gusto niya rin ako! Fuck! I was her stalker, her admirer. I can't believe she finally saw me. She likes me!

That happiness slowly disappeared when I remembered I could hurt her. Maybe she's just using me, that what she's saying isn't true.

Malalim ang iniisip ko habang nagsisigarilyo sa labas ng bahay nang mag-aya siya sa peryaan. Ayokong mailang siya sa akin, ayoko rin iwasan niya ako.

Tangina, hindi ko na alam ang gagawin ko.

May ilan kakilala akong nakasalubong namin, nanatili ang aking kamay sa likuran niya. Tinanong pa ng isa kong kakilala kung asawa ko siya, ang sagot ko ay tango at ngisi lamang.

I got pissed when she met a boy from our place. Gio is it.

Tsk, halatang tipo niya si Ebony, akala naman niya magugustuhan siya ng mataray na ito? Huli na siya dahil gustong-gusto ako ni Ebony, ako ang gusto niya noh.

She won't be satisfied with you because she likes big... like me.

Nang makababa kami sa ferris wheel ay hinila ko si Gio sa gilid, nakita ko kaagad ang takot sa kaniyang mata.

"Uwi ka na, Gio."

"B-Bakit po, Kuya Gav?"

"Uuwi na kami, umalis ka na, sa susunod na lang." Nagdadalawang-isip pa siyang umalis, kung hindi niya iyon ginawa, sinapak ko na siya.

I was so jealous and I felt like I had ripped all the ropes of my patience that I had made. I know it's wrong. I don't want her to feel like I'm taking advantage of how she feels about me, but I lose.

I made love to her that night. We made love.

I opened my mouth while pounding inside her tightness, I can feel her around my manhood. I can feel that I am her first too. I know, but it doesn't matter anyway, kahit hindi man ako ay wala man halaga sa akin iyon, hindi ako naniniwala sa gano'n.

"Ebony," I moaned.

Ramdam ko ang kuko niya sa aking likuran habang mabilis ang aking galaw, hinimas ko ang hita niyang nakayakap sa baywang ko. I studied her face that was full of pleasure. That's the clue that I was doing her right.

I poured all the frustration and love I have inside her. Yes, I love this woman so much.

Mahal ko siya, at natatakot akong handa kong iwan ang pamilya at kalimutan ang pangako ko para sa kaniya, ulit.

Kinabahan pa ako pagkatapos ng aming pagtatalik dahil nawalan siya ng malay, akala ko napatay ko siya, akala ko ay hindi ko nakontrol ang sarili ko, baka naging marahas ako.

I already cleaned her body when my friend came to give her meds. Napanguso ako nang makitang madaming dugo sa sapin, kinailangan ko pa siyang buhatin upang mapalitan iyon ng malinis na kaparehang sapin.

Alam kong masamang makielam pero mabilis kong inabot ang bag niya at kinuha ang kaniyang cellphone.

I deleted Gio's fucking number.

"I love you," I whispered to her while she was peacefully sleeping. Napagod ko ata talaga, wawa naman baby ko.

Marahan ko siyang niyakap, hinalikan sa noo, pumikit ako pero nangingiti ako. I couldn't fall asleep. I spent the entire night just staring at her, mesmerized by our time together.

Hindi ako makapaniwalang mayayakap ko siya ng ganito, parang noon ay stalker niya lang ako. Kung malalaman niyang patay na patay ako sa kaniya dati pa, ang edad at aming estado lang ang pumipigil sa akin noon ay paniguradong magmamayabang na naman siya.

Mayabang pa naman 'to.

"I am so glad, I found you, Ebony."

Napangiti akong muli, hinimas ko ang pisngi niya, bahagya pa siyang humihilik. Hinila ko siya papalapit sa akin upang mayakap pa lalo.

Umigting aking panga habang nakatingin kay Ebony at Donavan, I know him because he's part of an organization, a member, but he doesn't know my face for sure.

Isang maling hawak niya lang, handa akong tanggalin ang kamay niya sa kaniyang katawan.

Nang matapos sila sa usapan ay dinaanan niya ako, pinilit kong kumalma dahil ayaw kong isipin ni Ebony na pinapangunahan ko siya.

"Do you like my future, wife? Tsk, you're just a servant," he mocked me.

I want to punch him straight in the face, but still, I think about Ebony. Hindi siya matutuwa kapag ginawa ko iyon.

Sinabi ko sa kaniyang gusto ko siyang pakasalanan, inaya ko siyang umalis kami at katulad ng inaasahan ko ay hindi siya pumayag. Alam kong mabilis iyon para sa kaniya, ngunit sa akin ay hindi dahil ang tagal ko na rin naghintay sa kaniya ngunit ayokong pangunahan ang damdamin niya dahil lang sa gusto ko na at handa ako.

This is not how the relationship works. I need to respect her opinion.

Hindi ko na alam ang gagawin ko lalo't naiipit ako sa sitwasyon, sa kaniya at sa kapatid ko, sa pamilya Valdemar na siyang nagpalaki sa akin.

Nilagok ko ang alak deretsyo sa bote, nakasalampak ako sa aking kwarto habang inaalala ang nagawa ko sa labas.

I pushed her. I didn't listen to her. I managed to save other people, to save my conscience... I hurt Ebony. I broke the woman I promised to love and protect. I disappointed her and myself. I don't think I can still forgive myself anymore.

I believed Adilyn words, hindi ako naniwala kay Ebony dahil sarado ang isip ko, sobrang gulo at nagkapatong-patong na. Adilyn is suffering from depression and I feel because of me. Gabrel is missing. He didn't come for his wife that day. I take all the blame for what happened to us. Pakiramdam ko ba ay pasan ko lahat, na responsibilidad ko si Adilyn, pero hindi tama, ayokong saktan si Ebony, pero paano sila Tatay? Sila Mama? Ang mga Lavelle na totoo namin pamilya.

Babalewalain ko na lang ba 'yon?

"Kuya Gav, thank you sa pagligtas mo sa akin kanina," boses ni Adilyn.

Nilagok ko ang alak at hindi siya nilingon. Gusto kong sabihin, ayaw ko na. Tapos na ako.

"Take care of yourself, especially now that you're pregnant. I tried to contact Gabrel again," blankong sabi ko.

Nakita ko silang dalawang nahulog ni Ebony sa pool kanina, ngunit una kong iniligtas si Adilyn hindi lang dahil alam kong marunong lumangoy si Ebony at siya ay hindi. Nagdadalang tao raw siya, sabi niya sa akin iyon noong umaga. May anak na sila ng kakambal ko at pakiramdam ko ay nadagdagan na naman ang responsibilidad na nakaatang sa akin. Hindi ko pwedeng pabayaan ang asawa at anak ni Gabrel, pamilya ko sila. Paniguradong ganito rin ang gagawin ni Tatay at Mama, pamilya ang una.

"Thank you sa paniniwala mo sa akin, Gavril." Lumapit pa siya sa akin, hindi ko siya nilingon.

Gumalaw ang aking panga nang maalala ang sinabi ko kay Ebony kaninang umaga. Mali ang nagawa ko, nang makita ko silang nag-aaway ni Adilyn ay naisip ko kaagad na siya ang may kasalanan dahil nakita ko na rin siyang pagmalupitan ang ilang katulong maski ako at hindi malabong gawin niya iyon kay Adilyn.

Naihilamos ko ang palad sa aking mukha dahil naalala kong napalakas ang bato ko ng mga shorts at natamaan siya, hindi ko sinasadya iyon. Mag-so-sorry sana ako kay Ebony kanina ngunit pinigilan at kinausap nga ako ni Adilyn na buntis siya, na may mga masasamang sinasabi si Ebony sa kaniya.

"Huwag mo ulit pagsasalitaan nang masama si Ebony lalo sa harap ko."

"Huh?" Nilingon ko siya, binaba ko ang bote ng alak.

"Kilala ko si Ebony, Adilyn. Baka nagkakamali tayo, hindi siya masama at wala siyang tinatago, wala siyang kinalaman sa nangyari sa atin. Hindi siya nakikipagtulungan sa kung sino, I know... she's innocent."

Pagak siyang tumawa. "Naniniwala ka sa kaniya? Edi napaikot ka na nga niya sa mga salita niya! Kung talagang mahalaga kami sa'yo, kung gusto mong bumawi ay gagawin mo ito! Plano natin ito hindi ba?! Ngayon ka pa susuko kung kailan malapit na natin malaman kung sino ang may kagagawan nito sa pamilya natin, pipiliin mo siya?!"

Tipid akong ngumiti at napatitig na lang sa alak sa harapan ko, dahil oo ang sagot ko. Dahil alam kong sa huli, si Ebony ang pipiliin ko.

Pagod na pagod na akong akuin ang lahat.

Nakaupo ako sa kaniyang kama nang lumabas siya sa kaniyang kwarto, sa dalawang araw na lumipas simula noon nangyari sa pool ay ngayon lang talaga kami magkikita. Natakot kasi akong humarap, natakot ako sa mga masasabi niya, ngayon lang ako nagkalakas ng loob.

I slowly hugged her from behind, burying my face in her neck. I love this woman so much.

"I miss you," I whispered.

Mariin akong pumikit, sumisikip ang dibdib ko, dahil alam ko naman ganito talaga ang mangyayari. Gusto kong magsumbong sa kaniya, gusto kong humingi ng tawad, gusto kong sabihin mahal na mahal ko siya, hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

"Kaya ka nandito ngayon dahil libog ka, sabagay ilang araw kang walang sex," madiin sabi niya, nanlamig ako dahil doon.

"That's not a reason why I am here," I voice almost cracked.

Hindi iyon ang ipinunta ko rito, sinabi ng mga Lavelle na itutuloy nila ang pagpapakasal kay Ebony. Binalot ako ng takot ng kumawala siya sa aking yakap iika-ikang naglakad papuntang kama, parang may dumakot sa dibdib ko dahil doon.

"Sobra na bang masakit, Ebony?" Please, let's fight baby.

"Umalis ka na, Gavril."

"I-I''m sorry."

"Ano pa bang gusto mo?! Ano bang gusto mo ha, Gavril? Putangina naman, iwan mo na lang ako."

"Huwag kang magpakasal sa iba!"

Tangina, parang pinupunit ang puso ko. Hindi naman ako ganito dati, hindi ako madaling masaktan at maapektuhan pero pagdating sa kaniya, ang hina ko. Iwan ko na lang siya? Parang gano'n lang kadali iyon.

"I'm your boyfriend, Ebony." I tried to kiss her, desperate to make her feel my love for her. To let her know how much I treasured us. 

Halos mabingi na ako, naisip ko na lang na ayaw ko siya mawala sa akin, hindi ko kakayanin. It was too late when I realized that I was hurting her, forcing her, and traumatizing her because I had let my feelings lead me into this monster.

I am the one who's obsessed. I am weak. I am a sinner. I don't deserve her.

"Punish me, V. Give me lashes," I whispered, my chest tightened.

Nakipagkita ako sa kaniya dahil may ipapagawa ako. Hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan ang mukha ni Ebony nang gabi na 'yon, nasaktan ko siya, muntik ko na siyang pilitin.

Sabi ko hindi ko iyon gagawin, tangina mo Gavril! Mahal na mahal mo siya, bakit mo nagawa iyon?

Mariin akong pumikit habang inaalala kung gaano siya katakot sa akin, takot na takot akong mawala siya, alam kong kahit anong paliwanag ko ay walang kapantay iyon. Nilamon ako ng takot at pagmamahal, akala ko... akala ko hindi ko siya nasasaktan. Akala ko magaan pa ang mga hawak ko, akala ko tama pa ang ginagawa ko.

My mind was clouded by the fact that I would lose her, but in the end, I was the one who pushed her to leave me.

I hurt her. Damn it.

V gave me five hundred lashes. He asked me why, but I kept my mouth shut, hoping that every whip on my back would remove Ebony's pain.

I punished myself for hurting my woman.

"I'm sorry, s-sorry," I cried silently, thinking how much this love was ruining me.

I don't care anymore. Itatakas ko si Ebony, wala na akong pakielam, magalit si Gabrel, sisihin ako ni Adilyn, o ni Mama, itakwil ako ng totoo namin pamilya, ng mga Lavelle, wala na akong pakielam.

I won't turn my back on Ebony. I will go back to Conrad if I need to. I will beg to the founder to give me a chance.

"Anong ginawa mo?!" malakas na sigaw ko pagbalik ng mansyon.

Kadadating ko pa lang sa mansyon pagkatapos namin mag-usap ng kaibigan ko sa Pampanga, at ibinalita sa akin ni Tiya Mersita na umalis na si Ebony, binaril ni Gabrel si Anna dahil sa mga sumbong ng asawa niya.

Sa likod sila dumaan, tumakas sila.

Fuck!

Malakas silang napasigaw nang sugurin ko siya upang suntukin, hindi siya lumaban, napasalampak siya at umakma pa akong susuntukin siyang muli sa sobrang galit ko. Napahiyaw si Adilyn at humawak sa aking braso, sinamaan ko siya ng tingin kaagad.

I want to hurt her too, damn it! You're fucking delusional.

Naalala ko ang pag-uusap namin, shit! Nababaliw na talaga siya, mas umapaw ang galit ko nang maalala ang binalita ni Father sa akin.

"Gavril p-please..."

"Hindi ka nahihiya? Nandito asawa mo oh! Putangina naman! H-Huwag mo akong hawakan!" I hissed.

Sawang-sawa na ako sa pagda-drama mo! Ewan ko ba't kita pinaniwalaan e, gusto kong iduktong iyon ngunit hindi ko na ginawa, nanginginig ako sa galit.

Ano man oras ay sasabog na ako, tangina!

"Gavril..." tawag sa akin ng mga Lavelle, ni hindi ko sila matawag na magulang ko, nasusuklam ako.

Si Mama at Tatay lang ang magulang ko, sila... nagpapasalamat ako sa mga Lavelle dahil sa kanila ay nandito kami ni Gabrel sa mundo ngunit hanggang doon lang iyon.

Mukhang alam na nila ang totoo, sinabi na ni Gabrel habang wala ako.

"You hurt, Ebony! You fucking hurt her?!" nanginginig ako sa galit, gusto kong sugurin ang ama ko ngunit pinipigilan ko, naisip ko si Ebony.

Hindi ko maatim kung anong sakit ang dinanas ni Ebony habang wala ako, ilang oras lang. My hands are shaking, there's something in my throat, I can't even look at them.

"Magulang natin sila, Gavril!" ani Gabrel.

Pagak akong natawa habang naiiling, isa-isa ko silang tiningnan.

Kapag may nangyaring hindi maganda sa babaeng mahal ko, baka makalimutan kong pamilya ko nga sila.

Ako mismo ang papatay sa kanila, sigurado ako roon.

Nilibot ko ang buong gubat ng gabi na iyon, hindi tumulong ang mga tauhan dahil natatakot sila sa Lavelle. Hindi ako sumuko, hinanap ko sila sa madilim na kagubatan pero humalik na ang haring-araw ay hindi ko sila nakita.

Nanghihinang napaupo ako sa masukal na talahiban, pinunasan ko ang luha na sunod-sunod na kumawala sa aking mata.

"S-Sorry, mahal..." I sobbed, thinking how much I had caused her pain.

I smiled bitterly because I know that Pluto is coming back in my blood. I want to kill someone.

"Gavril, mag-usap tayo." Narinig kong boses ng kakambal ko sa aking likod.

I looked at him with so much rage. Hindi ako kailan man nakaramdam ng galit sa kapatid ko noon, ang dami kong sinakripisyo para sa kaniya buong buhay ko, hindi ako nanunumbat dahil desisyon ko naman iyon pero punong-puno na ako.

"What will you say, Gabrel? Blaming me again? Ni minsan ba sinisi mo ang sarili mo sa lahat ng nangyari?" Hinayaan kong makita niya ang aking luha. "Ayokong manumbat, pero nakakasawa kang ipagtanggol palagi, nakakasawang magpaubaya lagi, umako ng pagkakamali. Minsan ba natanong mo kung kumusta ako? Kung nasasaktan din ba ako? Tangina, you're so selfish! Simula bata hanggang ngayon, ako lagi, ako iintindi? Paano ako, nawalan din ako! I am fucking tired too!"

"Sorry Gav..."

Umiling ako saka siya akmang lalagpasan nang magsalita siyang muli.

"I know my mistakes. I am one of the selfish motherfuckers. Nakita kita bilang kakompentensya, naiinggit ako sa'yo, nakukuha mo ang gusto mo, sa school, sa bahay at organization." Mariin siyang pumikit. "Nang mawala si Tatay ay naisip ko lahat ng mali, babawi ako, itatama ko lahat. I need your trust this time, Gavril."

I smirked, too late. I won't trust anyone now.

"Nakita ko na si Mama, pinadala ko siya sa mga Cervantes upang maging ligtas siya. Alam kong hindi nila pababayaan si Mama roon lalo't kapatid siya ni Tita Madelin. Ako rin ang nagpadala ng mensahe sa kanila kung nasaan ang totoong anak nila, si Alora Ebony." Hindi ko kaagad naproseso ang sinabi niya, mapait siyang ngumiti sa akin. "My w-wife betrayed us. Ako ang nagsabi sa kaniya ng lahat noon tungkol sa Conrad, tungkol sa'yo, sa pamilya natin. I found out that she put drugs in our dinner. They planned everything."

Suminghap ako.

"M-Mahal na mahal ko si Adilyn, kahit alam kong hindi naman ako ang tunay na mahal niya. Alam ko na ang totoo..."

Gumalaw ang aking panga at tinuloy ang sasabihin niya dahil alam ko na rin ang totoo. "I saved Adilyn before on one mission. She lost her mother that time. She was just a kid. I almost forgot about her."

Mapait siyang ngumiti bago nag-iwas tingin.

"Mahal ka ng asawa ko."

Umiling ako. I fucking don't care. Isang babae lang mahal ko, at mamahalin ko.

"Mahal ko si Ebony... at kung talagang mahal mo ang asawa mo, alam mo ang gagawin upang itama ang lahat. Kasi, kung hindi, ako mismo ang gagawa."

Noong una mahirap, alam ko naman kung nasaan siya ngunit pinigilan ko ang sarili kong puntahan siya, natakot ako. Dahil alam kong kahit gawin ko iyon ay hindi pa iyon ang tamang panahon, hindi pa tapos ang lahat at ayaw kong ilagay siya sa kapahamakan.

I worked at the Conrad again, but in the lowest position. Hindi ako makakabalik sa itaas hanggang hindi ko natatapos ang huling misyon ko, ang tungkol kay Ebony.

I promised to obey the rules this time in order to protect Ebony, and since I know, my money can't bring out the truth, mainly since someone is covering the fact. I became Lavelle's heir, and I found out what Ebony had done to those properties named after her, and I didn't touch them, hinayaan ko sa kaniya at hindi pinaalam sa totoo kong pamilya.

May traidor sa Conrad, hindi kami basta-basta pwedeng gumalaw ng gano'n lang.

Nagpanggap akong ayos na ang lahat, nagpanggap kaming dalawa ni Gabrel, magaling si Adilyn dahil ginagamit niya ang bata sa na kaniyang dinadala.

Adelina, their daughter.

"Daddy, where's my Papa?" tanong ni Adelina.

"May work si Papa ngayon araw, Adel, kaya rito ka muna, okay?" malumanay kong sabi sa aking pamangkin, hinimas ko ang kaniyang buhok.

Masiyado siyang maliit sa kaniyang edad, apat na taon na't maglilima pero parang three years old pa rin.

Ayoko ng magkamali kaya naman nang makauwi si Ebony, parang susuko na ako, gusto ko ng sabihin sa kaniya lahat, gusto kong magsumbong. I can't help but blame myself for what happened to our son.

I know what happened to our baby, sinabi ni Tiya Mersita, at sabi niya ay kung talagang mahal ko si Ebony, hahayaan ko si Ebony namuhay nang tahimik kasama ang pamilya niya.

Pero paano naman ako? Siya ang buhay ko, siya na ang pamilya ko, siya lang ang mayroon ako.

I made a small garden beside the well at our house in Pampanga. There was no body buried there. I did not get the blood of our lost angel, but whenever I felt weak I would visit there, sit on the swing and talk on our baby's grave surrounded by flowers.

"Dumating na si Mommy, anak, umuwi na si Mommy," I whispered, when I found that my Ebony was finally back.

I like her, I want her, I still love her but does she also like me in her life?

Alam ko naman kinamumuhian na niya ako, makasarili nga dahil sa oras na papasukin niya ako sa buhay niya, hindi na ako lalabas pa.

If she wanted me to suffer, crawl in pain, cry blood then I would for her forgiveness.

I smiled watching her ruining me, the company, the business. I am loving her while she's ruining everything.

That's my evil baby.

Baliw na nga ata ako dahil sa kabila ng ginagawa niya ay mas minamahal ko siya, mas nahuhulog ako.

"May pera ka bakit hindi mo gamitin? Tinanggalan ka ng karapatan ng Lavelle, hindi mo naman kailangan iyon hindi ba itinago natin ang mga ari-arian mo." Father told me, ito ang hiniling ko sa kaniya noon.

"Wala akong pakielam sa pera ng Lavelle. I am still on the list of richest Conrad members."

"Paano ang mga Lavelle? Hindi ba't totoong magulang mo pa rin sila? Pamilya mo pa rin sila."

I gritted my teeth. "The only family I have is Ebony. I don't care about the other people, kamag-anak ko man, ka-dugo ko man, wala akong pakielam."

"Damn, dude. You're scary. Why would I forget you're the notorious Conrad Punisher, huh?" Humalakhak siya, napailing ako.

Ginagawa ko lahat ito para sa kaniya, sa hustisya na ipinagkait sa kaniya. Kung kasama ako sa dapat magdusa, tatanggapin ko.

"Get out!" Gael shouted when he saw me following him in his room inside the airplane.

I feel suffocated. His words stab at my heart. My own son is killing me inside. I can't even explain it anymore. Galit siya sa akin, sinisisi niya rin ako. Akala ko na wala ng mas isasakit pa, mayroon pa pala. Akala ko noon, walang makakasakit sa akin, na matibay ako ngunit mali iyon.

Akala nila malakas ako, pero sa totoo lang, mahina ako. Mahina ako pagdating sa kanilang dalawa ng kaniyang ina. Sila lang.

"S-Son," my voice cracked.

Sinubukan kong umupo sa gilid ng kaniyang kama, kita ko ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata, para akong nananalamin.

"I-I hate you!"

I gasped. "I know, baby."

"You hurt Mommy!"

"I know, my s-son. Daddy is sorry... I-I am weak, sorry, anak." Pinipigilan kong maiyak sa harap ng bata ngunit hindi ko na napigilan.

Sunod-sunod na tumulo ang aking luha nang mahigpit ko siyang yakapin, nanginginig ako.

I am not a good person. I am a sinner, and I know there is no forgiveness for all my sins, but if I am given a chance to wish, it will be for them. To let them know that they are my life, that without them I would be nothing.

Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit ngunit natatakot akong masaktan siya.

We cried while I was hugging him, enough for him to know that I missed him, that I loved him, that he's my son and I am happy to have him, they completed me.

"I love you and your Mommy, mahal ko kayong dalawa. Papa loves you, hmm, anak ko," I whispered.

Hinimas ko ang kaniyang likuran, God. Parang may kumurot sa puso ko dahil kamukang-kamuka ko siya.

"Y-You will leave us too, iiwan mo ulit kami e! A-Ayaw ko na iiyak Mommy ko!" iyak niya.

Sinapo ko ang mukha niya, umiling ako.

Ang gwapo-gwapo ng anak ko, may anak ako, may anak kami ng babaeng mahal ko.

"Hindi ko kayo iiwan, Gael. Hindi ako papayag magkahiwalay tayo, hindi ko hahayaan mawalay kayo ni Mama mo sa akin, kayo ang pamilya ko."

Nanginginig ang ibabang labi niya, pinaka titigan ako animong naninigurado.

"Promise?"

Ngumiti ako habang umiiyak pa rin, mahigpit kong niyakap ang anak ko.

"Pangako, hindi ko kayo iiwan. Hindi ko kayo kakalimutan."

And as they say, a promise is meant to be broken.

Akala ko ay ayos na lahat, nasa plano na namin lahat. Nahuli na si Tunying, pinaghahanap na ang ilang kasama nila na rebelde at terorista. Nalaman ko rin na ang grupo nila ang kumuha sa batang Ebony, nakipaglaban si Tatay dati sa kanilang grupo dahil sa misyon niya at nakuha niya ang bata na dapat hostage ng mga ito, dinala niya iyon sa Batangas kung nasaan si Tiya Mersita dahil hindi siya nakauwi pa noon sa amin, hindi na niya muling nabawi ang bata. Tatay kept his mouth shut but I knew he was thinking that for many years. Nagkamali siya sa misyon na iyon, iyon ang bilin niya bago siya mamatay, ang maibalik si Ebony sa totoong pamilya at hindi ang pamilya nila Ebony ang may kasalanan. Fuck!

Sinabi sa akin iyon ni Gabrel, ang tagal namin itong plinano lalo't gusto namin mahuli ang traydor sa Conrad, hindi kami basta-basta gumalaw.

Ang mga Lavelle, naaawa ako kay Mommy... pero hanggang doon lang 'yon dahil naging malupit din sila kay Ebony.

Nagising ako isang umaga na wala si Ebony sa aking tabi, napangisi pa ako nang maalala ang ginawa namin sa labas kagabi. We did it thrice. Sa pool, sa kwarto ko, at banyo.

"Baby?"

Kumunot ang noo ko dahil ang tahimik ang mansyon, bigla akong naalerto, mabilis bumaba sa kama, maingat akong lumabas ng kwarto pababa sa sala.

Halos magdilim ang paligid sa akin nang makita ang isang lalaki na naghuhubad ng pantalon, nasa sahig ang walang malay na si Ebony na puro dugo ang bandang ulo.

All I could think that time is to kill, I will kill them. I want blood.

Mabilis kong hinila ang lalaki at ibinalibag sa counter, hindi siya nakaiwas. Nanginginig ako sa galit, kaagad ko siyang nakilala. Napamura siya ngunit hindi ako tumigil, hinawakan ko ang kaniyang braso't walang awang binali iyon na kaniyang ikinasigaw. Namilipit siya sa sahig.

Hindi ako kontento, gusto kong pumatay kahit nangako akong hindi ko na gagawin iyon, nangako ako kagabi kay Ebony na mamumuhay kaming tahimik.

Babaliin ko pa sana ang kaliwang paa niya ngunit nakarinig ako ng pagputok ng baril.

Napahawak ako sa aking tagiliran dahil sa bala na tumagos doon. Awang ang aking labi nang makita kung sino ang bumaril sa akin.

"Adilyn..."

Nanginginig ang kaniyang kamay, umiiyak siya habang nakatutok ang baril sa akin. Mas lalong kumalat ang galit sa puso ko dahil hindi pa rin siya nagbabago, ngumisi ako hinilot ko ang aking batok, balewala ang tama ng baril.

"H-Hindi ako papayag na maging masaya kayo! Nasa tabi mo ako simula noon pero sa huli ay siya pa rin! Binigyan na kita ng anak! Parehas lang kayong tanga ni Gabrel!" sigaw niya, pulang-pula ang mukha.

Tumaas ang sulok ng aking labi.

"Shoot me while you still have a chance, because if I get that gun, you will eat those bullets," I mumbled.

Sa gilid ng aking mata ay pilit tumatayo ang lalaki, gumagapang siya, inabot ko ang tubo na nasa sahig at hinampas siya sa likod, napaubo siya ng dugo at kumalat sa sahig.

Walang awa na sinipa ko siya. I won't kill you, hindi muna.

Tinanggal ko ang tali ng aking buhok saka lumapit kay Adilyn.

"H-Huwag kang lalapit! B-Babarilin kita, Gavril!"

I have no fear anymore.

I heard a gunshot. She shot me in the shoulder this time. My blood dripped down on my arms. I felt numb. It hurts, but my anger already ripped me inside. I can't think properly anymore.

Wala pa rin malay si Ebony, ayokong pahabain pa ito.

"H-Huwag kang lumapit!"

"Haven't you even thought about how we welcomed you into our family? I hurt the woman I love because of you! Tatay died because of you! You're so fucking manipulative, like your father, huh?" Umigting ang aking panga. "Hindi ko pa rin makuha kung bakit ka galit na galit, gayong wala kaming ipinakita sa'yo kung hindi kabaitan!"

Marahas siyang umiling, nanginginig ang kamay. Ramdam ko ang pagdaloy ng aking mga dugo.

"M-My Mom died because of your organization! Tama si Tatay e, kayo ang sumisira sa amin!" Pagak siyang tumawa habang umiiyak. "D-Dating miyembro si Mama ko! P-Pero binalewala lang siya ni Gustavo! They are partners! Ayaw sabihin ng ama mo kung nasaan niya dinala ang Ebony na 'yan kaya ang Mama ko ang sumalo ng lahat ng parusa! Kaya siya napatalsik sa grupo! Kaya siya napasama sa mga rebelde! Kayo ang masama!"

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya.

Alam na namin ang tungkol sa ama niya, ngunit hindi ito.

"K-Kung hindi kami sasaya ay mas mabuting hindi rin kayo sumaya! Papatayin ko na lang din kayo para sama-sama tayo! Pare-parehas kayong tanga! Akala niyo ba papayag akong ganito lang? Napatay ko na si Adiel, ang anak n-namin, p-paniguradong sa'yo isisisi ni Gabrel iyon!" sigaw niya.

Bago pa ako makapagsalita ay nakarinig na ako ng putok ng baril galing kung kanino.

My eyes widened when I saw Adilyn get shot on her shoulder. I turned to the door and I saw my brother pointing a gun at his wife while crying.

"A-Anong ginawa mo sa anak natin, Adilyn?! Anong ginawa mo!"

Nagpaputok ulit siya, tinamaan si Adilyn sa hita. Kaagad siyang nilapitan ni Gabrel at binabawi ang baril sa kaniya.

Tumalikod ako para puntahan na si Ebony pero nakarinig muli ako ng putok ng baril, kasunod noon ay pagsakit ng ulo ko, awang ang aking labi na lumingon sa kanila.

Parehas nilang hawak ang baril na kanilang pinag-aagawan. Sinapo ko ang gilid ng aking sentido sa pagdaplis ng bala.

"K-Kuya!"

Everything went black. The last thing I remember is that I proposed to her before I lost consciousness.

I promised that if I didn't survive, I'd find and marry her in my life.




☽❃☾

"Gabo!"

"Gabo gising!"

Napabalikwas ako nang bangon dahil sa tawag na iyon sa akin ng isang mahinahon at nag-aalalang boses, hinihingal na inilibot ko ang aking tingin sa kwarto, nanatiling malakas ang kabog ng puso ko habang nakatitig sa maliit pader ng aming kubo.

Nilingon ko ang aking asawa na mukhang nagising na naman sa ingay ko, bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala.

Lumingon ako sa labas, umaga na pala.

"Ayos ka lang ba? Nanaginip ka na naman ba?" mahinahong tanong niya.

Pinasadahan ko ng daliri ang aking ulo na walang buhok, may maninipis na patubo pa lang. Pawis na pawis ako at hinihingal pa.

Kagaya ng mga nakaraan araw na lumipas ay tumango ako at tahimik na umalis sa aming papag upang maghilamos. Naramdaman kong sinundan niya ako ng tingin.

Pilit kong inaalala ang panaginip ko ngunit katulad ng ibang panaginip nitong mga nakaraan araw ay hindi ko rin matandaan katulad ng aking mga ala-ala na parang naglaho lang, ni isa ay wala akong maalala.

Ako si Gabo, kwarenta taon gulang, asawa ko si Adi. Nakatira kami sa isang maliit na bahay na kahoy sa tabing-dagat sa probinsya ng Batangas.

Iyon lang ang alam ko.

Nagkakape ako sa labas ng aming bahay at nakatanaw sa papasikat ng araw nang lumabas. Handa na sa pag-alis, katulad noon, aalis siya sa umaga at babalik bago magtanghalian.

"Aalis muna ako, Gabo."

Nilingon ko siya, maamo ang kaniyang mukha, katamtaman payat ang katawan, morena ang kulay at hanggang balikat lang ang buhok.

Ibinalik ko sa dagat ang aking tingin, sandali pa siyang tumayo roon bago tuluyan umalis.

Tatlong buwan na simula nang magising ako sa ospital mula sa aking pagkakaratay. Ang sabi ni Adi ay napaaway ako at may natamong head injury dahilan para mawalan ako ng malay ng halos limang buwan. Noong unang mga araw na magising ako ay halos hindi ko na maalala, tulala lang ako at hindi nakakapagsalita. Sa pangalawang buwan ay lumabas na kami ng ospital at sa bahay na ito dumiretsyo, noong una ay higa lang at upo ang nagagawa ko pero ngayon ay nakakalakad na rin at salita, iyon nga lang ay wala pa rin akong maalala.

Kahit gustuhin ko man ay sumasakit lang ang ulo ko kapag pinipilit kong may maalala.

Sabi ni Adi ay huwag ko ng pilitin, huwag muna.

Katulad ng mga nagdaan araw ay inubos ko roon ang oras ko, may ilan kakilala na rin ako rito na mangingisda na tinuturuan ako sa laot.

Iniisip ko tuloy kung anong trabaho ko noon?

"Kain na tayo," sabi ni Adi pag-uwi niya, may dala na siyang ulam palagi at kung minsan naman ay siya ang nagluluto.

Tahimik kaming kumain.

Ganito lagi, hanggat maaari ay hindi ko na siya kinakausap dahil madalas ko siyang nasisigawan, mabilis uminit ang ulo ko lalo na kapag sumasakit.

Ayoko naman siyang sigawan, kaya umiiwas na lang ako.

Nang matapos kumain ay kaagad ko iyon niligpit upang hugasan pero pinigilan niya ako.

"Ako na, Gabo."

"Ako na, kaya ko."

"Hindi na, manuod ka na lang ng tv o kaya naman magpahinga ka na sa kwarto," mahinahon sabi niya.

Gumalaw ang aking panga. "Bakit? Kaya ko naman 'yan ah."

"Alam ko, Gabo. Pero..."

"Pero ano, wala kang tiwala? Wala na nga akong ginagawa rito sa bahay, ikaw na nagtatrabaho tapos ikaw pa gagawa, anong ibig sabihin mo roon? Wala akong silbi?!" Padabog kong binitawan ang plato.

Napangiwi siya pero nanatiling kalmado, laging ganyan kaya mas lalo akong naiinis.

Bakit hindi siya magalit sa akin? Sigawan niya rin ako? Bakit niya ako iniintindi ng ganito.

"Hindi sa gano'n, ayaw ko lang na mapagod ka."

Sinubukan niyang hawakan ako sa braso pero tinabig ko iyon, inis na lumabas ako sa aming bahay papunta sa dalampasigan para magpakalma.

Hindi ko alam kung dahil ba sa aksidente pero mabilis uminit ang ulo ko. At isa pa, sinasabi niyang asawa ko siya pero wala akong maramdaman sa kaniya, kung asawa ko siya bakit wala akong maramdaman? Dapat ay magaan ang loob ko pero naiilang ako sa kaniya.

Dahil sa inis ko ay napalayo ang aking paglakad at nakarating sa resort malapit din sa bahay namin, babalik na sana ako nang makarinig ako nang tunog ng bote, kaagad naningkit ang aking mata.

Doon ko nakita ang isang babae, matabang babae na nakasalampak sa buhangin habang tumutungga ng alak, may dalawa na rin sa tabi niya na sa tingin ko'y ubos na rin ang laman.

Lumapit ako nang makitang siyang umiiyak, kumunot ang aking noo.

"Miss, ang suot mo," sabi ko nang makita na lumilihis ang dress niya.

"Oh! S-Sorry!" Lasing na nag-angat siya ng tingin sa akin, nakita ko pang natigilan siya bago natawa, ngunit tumutulo ang luha. "Nababaliw na ata ako."

Pinulot ko ang mga bote. "May kasama ka ba? Bakit ka nandito? Lasing ka na," paalala ko.

Natawang tinuro niya ang hotel sa resort, malapit lang 'yon, limang minuto lang na lakad. "D-Doon, I'm alone though. Can you drink with me? I feel suffocated."

Umiling ako, inabot niya sa akin ang bote niya, humagikgik pa siya, napatitig ako sa pagtawa niyang iyon.

Imbes kunin ang inaabot niya ay naupo ako sa kaniyang tabi ngunit malayo. Hindi ko alam pero hindi ko nagustuhan ang pag-inom niya, pakiramdam ko ay naramdaman ko na ito noon. May ayaw akong painumin? Na nainis ako dahil lasing? Sino? Ang asawa ko ba?

Parehas kaming tumanaw sa payapang dagat, tanging paghampas ng alon ang naririnig.

"Anong pangalan mo?" Nilingon niya ako.

Hindi ko dapat sasagutin ngunit naalala ko ang sinabi ng asawa ko, dapat sinasanay ko ang sarili ko na kumausap ng ibang tao, baka makatulong daw iyon.

"Gabo."

Tumango siya bago ibalik ang tingin sa dagat. "Ako si ay secret pala. Ma'am na lang," lasing na sabi niya saka malakas bumuntonghininga. "Parang ang sarap makalimot no, 'yong hindi mo na maaalala ang sakit. 'Yong makakalimutan mo lahat isang araw. Like, boom! Sino ako?"

Natigilan ako sa sinabi niya, napatitig naman ako sa kaniya, mukhang bata pa siya, mestisa ang kulay, mahaba ang buhok pero malungkot ang mga mata. Malayo ang itsura sa aking asawa, napanguso ako nang maalala kung gaano ka-simple si Adi, simple pero maganda.

Natawa siya nang makitang nakatingin ako, nag-iwas tingin ako. Parang pamilyar siya, hindi ko matandaan kung sino. Kaibigan ba namin ni Adi? Pero mahirap lang kami, itong babae mayaman.

"Sana gano'n kadali lang kalimutan lahat no. Hays, ano ba 'yan. Nandito ako para makalimot tapos nagdadrama naman ako sa taong kakakilala ko lang. Sorry ha?"

"Ayos lang."

Tumabingi ang ulo niya, tipid niya akong nginitian. "Gwapo ka ah, pero old man," sabi niya.

Hindi ko alam pero natawa ako, pakiramdam ko ay narinig ko na iyon noon. Old man? Gumaan ang loob ko roon, parang tagal kong hinihintay iyon.

Naubos ang oras sa gabi na 'yon kasama ang babae na lasing, pakiramdam ko ay may malaki siyang problema. Hindi naman kami na nag-usap, uminom siya roon habang ako ay nakatanaw sa dagat at iniisip ang mga nangyari nitong nakaraan buwan.

Nang maubos niya ang alak ay pinanuod ko siyang maglakad pabalik sa hotel niya, umalis lang ako roon nang tuluyan siyang makapasok. Tsk, buti asawa ko hindi umiinom, wala akong problema.

Nang tuluyan akong makapasok sa bahay, patay na ang ilaw kaya dumiretsyo na ako sa kwarto.

Naabutan ko roon si Adi, natutulog na at nakatalikod. Hinubad ko ang aking damit at nahiga sa aking pwesto, nilingon ko ang likod ng aking asawa.

Hindi ko pa siya nakikitang tumawa. Hindi kami nagbibiruan, hindi kami madalas mag-usap talaga. Naiilang kasi ako sa kaniya, hindi ko gusto iyon.

Napailing ako saka tumalikod na lang sa kaniya upang matulog.

Kinabukasan ay sabay kaming nag-almusal, tahimik kami habang bukas ang telebisyon. Action movie ang palabas, tutok na tutok siya roon lalo na bidang nakikipagbarilan. Napailing ako.

"Gusto mo sa mga lalaki 'yong mga ganyan?" Pati ako ay nagulat sa tanong ko, tumikhim ako.

Kumunot ang noo niya. "Ganyan?"

"Yong nakikipaglaban?"

Sandali niya akong tinitigan bago natawa. Anong nakakatawa? "Hindi, gamer ang gusto ko."

Hindi ko na siya sinagot, hanggang umalis ulit siya, nagpaalam siya muli sa akin, nang tumalikod siya ay roon lang ako lumingon, napailing ako sa suot siyang bulaklakin na daster. Minsan kaya ay sumama ako sa kaniya? Sabi niya nagpupunta siya sa bayan, doon ang trabaho niya.

Inabala ko ang sarili sa pagtingin sa mga alon, habang nasa kubo ako sa ilalim ng mga niyog ay may nagsalita sa aking likuran na pamilyar na boses.

"Hi!"

Napalingon ako sa nagsalita, tumaas ang aking kilay nang makita ang babaeng lasinggera kagabi. Pinasadahan ko ang suot niyang puting dress, maganda iyon kumpara sa daster na luma ni Adi, napabuga ako ng hangin, kung sana ay medyo maayos ang lagay ko ay mabibili ko siya nang mga damit.

"Hi, Gabo! Sabi ko na e, ikaw 'yan! See nakilala kita kahit nakatalikod."

Magaan ang kaniyang awra, may ngiti rin ang labi. Hindi ko sinuklian iyon.

"Hindi ka na lasing?" masungit na tanong ko.

Humalakhak siya saka pumasok sa kubo. "Hindi na no, huy sorry talaga kagabi. Nga pala, mag-island hopping ako sana kaso wala akong kasama. Gusto mong sumama, siguradong kabisado mo rito, hindi ba tiga rito ka?"

"Hindi na..." Lumingon ako sa dinaan ni Adi.

Bakit ba ako kinakabahan? Nakikipag-usap lang naman ako.

"Tara na! Libre kita ng lunch!" Natatawang hinila niya ako palabas ng kubo, sa huli ay napasama ako sa kaniya sa kulit niya lalo nang makita kong puro lalaki ang kasama sa bangka, kahit siguro sino gano'n ang gagawin.

May isang bangka siyang inarkila, pumalaot kami kasama ng isang bangkero. Madaldal siya sa biyahe, minsan natatawa ako. Kumunot ang noo ko nang nalalaglag ang lace ng dress niya.

"Damit mo."

"Huh?"

Tinuro ko iyon gamit ang mata ko, kaagad niyang inayos. Napabuntonghininga ako, naisip ko ang asawa ko. Sana naman kapag ganito, inaayos niya ang damit niya no?

Nakarating nga kami sa isang island na madalas binibisita ng katulad niyang bakasyonista. Naglakad-lakad kami habang naiwan sa bangka ang bangkero, may ilan din kaming nakita na nandoon.

"Pa-picture, please!" sabi niya.

Inabot niya sa akin ang isang camera at nag-pose kaagad, kinagat ko ang aking ibabang labi habang kinukuhanan siya. May picture rin kaming dalawa dahil hinila niya ako.

Hindi ko rin namalayan kung ilang oras kami roon, alas-kwatro na ata ng hapon kami nakauwi. Abala ako sa aking cellphone na mumurahin na bigay ni Adi sa akin para natatawagan niya ako kapag nasa bayan siya. Kinakalikot ko iyon para maghanap ng games.

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Ma'am.

"Games."

"Naghahanap ka ng laro?"

"Oo, anong maganda? Uh..." Nahiya ako bigla, wala man akong alam sa mga ganito.

Inagaw niya ang telepono ko, napangiwi ako nang makita niya ang wallper ko. "Anak mo?"

"Asawa ko 'yan!" inis na sabi ko.

Humalakhak siya, may ginagalaw sa phone ko. Sumilip ako, may dino-download siyang isang laro.

"Candy Crush Saga, maganda 'yan." Inabot niyang muli pagkatapos. "Thank you talaga sa pagsama ha!"

"Walang-anuman. Pasok ka na sa loob." Tumango siya saka kumaway sa akin.

Pinanuod ko ulit siyang pumasok sa kaniyang hotel bago ako umuwi, napatigil ako sa pagpasok sa bahay nang makita si Adi sa harap ng maliit namin lamesa. Nakahain ang pagkain at nakatakip ang iba, mukhang hinintay niya ako.

Napabuntonghininga ako, anong oras na? Hindi pa siya kumain, wala naman sa akin ang pinggan.

"Nandyan ka na pala, ayos ka lang? Kumain na tayo, iinitin ko ang ulam," sabi niya nang magtama ang mata namin.

Umiling ako. Kumain na kami ni Ma'am sa kabilang isla kaya busog na ako.

"Hindi ako gutom, Adi. Kumain ka na lang."

Nakita kong kumunot ang noo niya.

"Saan ka galing? Uh, favorite mo ang ulam, magugustuhan mo ito."

Ngumisi ako. "Magugustuhan? Paano ako makakasigurado? Ni hindi ko nga maalala ang mga paborito ko. Kumain ka na, maliligo ako."

Hindi ko na siya hinintay sumagot, mabilis akong naligo. Habang nasa loob ng banyo ay naririnig kong kumakain na siya. Hindi ko alam kung gaano ako katagal naligo, nang makalabas ako at pasok sa kwarto ay naabutan ko siyang nakaupo sa gilid ng papag.

Kaagad akong napatingin sa phone ko na chinarge ko sa gilid, nandoon pa naman. Akala ko ginalaw niya. Oh, ayos lang din naman kung tingnan niya, hindi lang ako sanay kasi pakiramdam ko nga napipilitan lang din siya na kasama ako, na maging mabait sa akin.

Kinuha ko ang phone ko at umupo sa upuan kahoy sa gilid habang nagpapatuyo ng buhok, napanguso ako nang magsimulang maglaro.

Gusto niya ng gamer hindi ba?

Mas nilakasan ko ang tugtog ng laro, madali lang naman 'yon laruin. Sa gilid ng aking mata ay pinapanuod ko siya, nakita kong lilingon-lingon siya. Proud na naglaro ako. Hah!

"Ano 'yan?"

Nagkibit-balikat ako. "Wala, games lang."

Palihim akong napalunok nang tumayo siya't lumapit sa akin, hindi ko alam bakit sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Tumingala ako sa kaniya nang huminto siya sa aking harapan. Nanlaki ang aking mata nang yumuko siya upang halikan ako, sa gulat ko ay bahagya ko siyang tinulak palayo sa akin.

"Ano ba?!" gulat na sabi ko.

Pinunasan ko ang labi ko, nagsisi ako kaagad nang makitang nasaktan siya sa ginawa ko.

"Asawa mo naman ako ha, b-bakit?" paos ang boses niya.

Suminghap ako. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko, malambot ang labi niya, pero ayokong halikan siya, ayokong gawin iyon habang wala akong naaalala. Hindi ko kaya.

Alam kong hindi ko mapipigilan ang sarili ko, ayoko. Hanggat hindi ako nakakaalala, ayoko. Parang ang unfair no'n sa kaniya. Suminghap ako sa umiling na lang.

"Masakit ang ulo ko," pagsisinungaling ko pero ang totoo ay ayaw ko siyang halikan.

Sandali niya akong tinitigan bago marahan tumango.

"Sige, pahinga ka na. Magtiklop muna ako ng damit sa sala." Mabilis siyang lumabas ng aming kwarto, sinapo ko ang aking ulo.

Gano'n ang mga nangyari sa sumunod pang mga araw, mas naging malamig ang pakikitungo ko sa kaniya, ewan ko ba bakit mabigat ang loob ko sa kaniya. Ako ang umiiwas, pakiramdam ko ba ay may malaki akong kasalanan? 'Yong pakiramdam na delikado siya kapag kasama ako, gano'n. Hindi ko alam kung dahil ba sa aksidenteng nangyari walong buwan na ang nakakaraan, baka may kinalaman sa pagkawala ng ala-ala ko.

Tatlong araw ang lumipas at palaging gano'n.

Siguro ganito ang nangyayari talaga kapag muntikan ka ng mamatay, ewan, pakiramdam ko nagha-hallucinate ako palagi. Kabado? Galit? Hindi ko na alam.

Linggo, nang gabi na ako nakauwi dahil napalayo kami ni Ma'am, may binisita kaming farm malapit sa resort pero natagalan kami roon lalo't umulan. Nakausap ko rin kasi ang may ari ng farm, nangangailangan sila ng tauhan, naisip kong magandang makuha ko ang posisyon na iyon para makatulong ako sa asawa ko, siya kasi ang gumagastos sa lahat, ayokong maging pabigat, wala na nga akong maalala tapos palamunin pa ako.

Sa tagal namin magkausap ng may-ari ng farm ay ginabi na ako. 

Pagkapasok ko sa kwarto ay nakahiga na si Adi sa papag, nakatalikod at nakaharap sa pader. Mabilis akong naligo, tanging cotton short ang aking suot nang lumabas sa banyo.

Nang mahiga ako ay naramdaman ko kaagad ang mainit na braso niya, kahit may distansya ang katawan namin ay ramdam ko.

Kumunot ang noo ko.

"Nilalagnat ka?" tanong ko, may inis ang tono. Bakit hindi siya uminom ng gamot?

"H-Hmm, itutulog ko lang 'to," mahinang sabi niya, nanatiling nakatalikod.

"Okay," sabi ko.

Sandali kong tinitigan ang likod niya, gusto ko sana siyang pilitin pero baka magkasagutan na naman kami. Ayoko 'yon. Hindi ko alam pero hindi ako makatulog ng gabing iyon palingon-lingon ako kay Adi, hanggang tumunog ang aking telepono dahil sa isang text.

Unknown:
Gabo, can you come here in my cabin? I think I have a fever, please. Ang sakit ng tiyan ko at ulo, wala akong kakilala rito. I'm outside my room, I'm scared.

Nilingon ko si Adi sa aking tabi na mabigat na ang paghinga, maingat akong umalis sa higaan namin. Hindi ko alam kung pupunta ba ako, pero bigla akong nakunsensya dahil ako ang kasama niya buong araw, baka dahil sa kinain namin prutas sa farm?

Naisip kong lumabas, puntahan ko sandali si Ma'am saka ako bibili ng gamot ni Adi.

Mabilis akong nagsuot ng tshirt at lumabas ng bahay, malalaki ang hakbang ko papunta sa resort para makauwi kaagad. Alam ko kung anong number ng cabin ni Ma'am dahil nabanggit niya sa akin kanina.

Kumunot ang noo ko nang maabutan siya sa labas ng cabin niya at nakayuko roon.

"Hey!"

Lumuhod ako kaagad upang magpantay kami, mainit nga siya, aalalayan ko sana siya para pumasok na sa kwarto niya nang ilapit niya ang mukha sa akin.

Nanlaki ang aking mata nang lumapat ang kaniyang labi sa akin, hinawakan niya ang aking batok, kaya natigilan ako. Hindi ko siya tinulak sa gulat, malakas ang kabog ng dibdib ko roon hindi ko alam kung bakit.

"Gabo..."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papasok sa loob ng kaniyang cabin.

Kalahating oras.

Ganoon ako katagal na nandoon bago umuwi, tulala ako habang iniisip ang nangyari. Hindi ko alam bakit ko iyon ginawa pero wala akong pagsisisi naramdaman. Masaya ako, sa katunayan ay magaan ang loob ko ngayon.

Papasok sana ako sa bahay nang natulos ako sa aking paghakbang nang makitang nakaupo si Adi sa upuan kahoy, sa labas ng bahay habang pinaglalaruan ang singsing sa kaniyang daliri.

Madaling araw na, nagising siya?

Hindi ko alam kung lalapit ba ako, hindi ko rin alam bakit kinabahan ako lalo na nang mag-angat siya ng tingin sa akin, tipid akong nginitian, pagod ang nakita ko roon.

Umawang ang aking labi nang makitang umiiyak siya, bakas ang luha sa kaniyang pisngi.

"M-Mataas ba ang lagnat mo? Kukuha kitang gamot. Bakit ba lumabas ka pa?" Papasok sana ako sa bahay nang magsalita siya.

"Saan ka galing?"

Natigilan ako sa paghakbang sa tanong niya. Nang lingunin ko siya ay kita ko ang sakit sa kanyang mukha.

"Masarap ba, Gav?" mahina ang kaniyang boses pero ramdam ko ang sakit doon. "H-Huwag mo na itanggi, sinundan kita, kasi nag-aalala ako... k-kaya kahit masama ang pakiramsam ko ay lumabas ako. Sa hotel, hindi ba? Trenta minutos niyong ginawa? K-Kaya ba hindi mo akong mahalikan dahil..."

Napayuko siya, parang may dumukot sa puso ko.

"Akala ko kahit makalimot ang utak ay hinding-hindi makakalimot ang puso, pero mukhang mali ako."

Nakatayo lang ako roon, tulala sa pag-iyak niya. Sa ilang buwan namin magkasama ay ngayon ko lang siya narinig na nagtaas ng boses, makitang lumuha sa aking harapan. Kahit sigawan ko siya noon, kahit hindi pansinin ay lagi lang siyang kalmado.

Tumayo siya, lumunok ako nang magkatapat kami. Parang may isang harang sa harapan namin na anuman oras ay magsasara. Tumama ang liwanag ng buwan sa kaniyang mukha, kita ko ang pagtulo ng kaniyang luha, puno ng puot.

"Hindi na ba ako naaalala nito?" Tinuro niya ang dibdib ko, katapat ng puso.

Gumalaw ang aking panga, nag-iwas ako ng tingin.

"Akala ko ba mahal mo 'ko? Akala ko ba hindi mo ako makakalimutan, I thought we will fight together."

Blanko ang mukhang tinitigan ko siya, nagbabakasaling makita ko ang sinasabi niyang pagmamahal. Baka maramdaman ko iyon sinasabi niya ngunit wala.

"Hindi ko m-maalala, Adi. Kahit sabihin mo, kahit paulit-ulit mong sabihin na minahal kita, na pinakasalan kita. Wala akong maalala!" Lumakas ang boses ko.

Mapait siyang napangiti, dahan-dahan binaba ang kamay animong nanghina siya sa sagot ko.

Mariin siyang pumikit sandali.

Hindi ko alam kung lalapit ba ako, hindi ko rin alam bakit kinabahan ako lalo na nang mag-angat siya ng tingin sa akin, tipid akong nginitian, pagod ang nakita ko roon.

"K-Kahit respeto lang sana dahil ako ang kasama mo, h-hindi na kita makilala Gavril. N-Napapagod din ako, ayaw kitang sukuan pero sobra naman 'to, maaatim ko pang sigawan mo ako, sungitan mo ako araw-araw pero ito... you c-cheated... you slept with her, right? Masarap ba?!" lumuluhang sabi niya, mabigat ang dibdib ko na hindi nakasagot roon.

"Sa loob ng hotel? N-Naisip mo man lang ba ako habang ginagawa niyo? Habang nagtatalik kayo?"

"P-Pumunta ako roon dahil may sakit siya, n-nakunsensya ako at-"

"Talaga? Bakit, may sakit din naman ha? Bakit sa akin hindi ka nag-aalala?!" Marahas siyang umiling. "Sabagay, ibang tao ka na nga kasi alam mo... k-kung ikaw pa rin 'yong Gavril na minahal ko, h-hinding-hindi 'yon mambabae, hindi 'yon titingin sa iba, hindi ako no'n lolokohin ng ganito. T-Takot lang no'n sa akin. H-Hindi ako no'n sasaktan ng ganito!"

Humikbi siyang muli, gusto ko siyang hawakan pero hindi ako makagalaw.

Dahan-dahan tinanggal ni Adi ang manipis na singsing sa kaniyang kamay, niligay niya iyon sa aking palad. Umawang ang aking labi.

"Adi..."

"Naiintindihan ko, Gavril. Ayaw naman kitang ikulong sa akin, alam ko, gusto mo na ang babaeng iyon, na mas mahalaga na siya kaysa sa akin, m-masakit pero sige... papakawalan na kita. I will accept that I am just your past, and she's your future."

Nanlamig ako nang halikan niya ang kamay ko habang lumuluha.

"S-Salamat sa pagligtas sa akin noon, Gav. Sorry kung hindi ko na kaya huh? H-Huwag mong isipin na sumuko ako, dahil alam ng Diyos kung gaano kita gustong ilaban pero... hindi naman na kita napapasaya, hindi ka masaya sa akin alam ko. A-At ang sakit-sakit no'n, m-mahal na mahal kita e. Pero, hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko kasi wala naman tayong relasyon talaga, h-hindi mo ako asawa, ni hindi mo ako girlfriend." Parang may bumara sa lalamunan ko, sabi ko hindi ko siya mahal pero bakit ako nasasaktan, gusto ko siyang yakapin, ngunit natulala na ako sa sinabi niya.

Hindi ko siya asawa? Ba't parang ang sakit. Ayoko, asawa ko siya!

"A-Alam mo ba, ito 'yong gusto mong buhay noon. Simple lang, magkasama tayo. I left everything for you, Gavril. I abandoned the life I used to have just for you." Tumigil siya sandali, unti-unting umatras.

Sandali niya akong tinitigan, parang pinupunit ang dibdib ko, sumasakit din ang aking ulo.

"Let's continue our lives without each other, Gav. I will marry someone else. I will continue my life without you. And you will find your woman who will make you happy again. I want you to be happy and build a family with her."

"Adiel..."

Sinubukan kong humakbang pero nanghihina ang tuhod ko.

"Pagpakasal ka sa iba, bumuo ng pamilya at gano'n din ako... I want you to be happy and healthy with your new version of Gavril, so if someday, if fate lets us cross again, we will say that we're finally happy."

Umiling ako. Ayoko siyang umalis, ayokong iwan niya ako, natakot ako bigla.

"Alora Ebony Cervantes... that's my real name, I-I am your little evil baby, I am Gavril's highness." Mariin akong napapikit, tumulo ang luha ko nang tumingkayad siya upang halikan ako sa labi, para akong nakuryente roon.

Sumisirit ang sakit sa ulo ko.

"Iiwan mo na ako?"

Iyon na lang ang nasabi ko, sa dami kong naramdaman simula ng magising ako kasama siya, ito ang pinaka masakit. Natatakot ako, dahil kahit sabihin man naiilang ako sa kaniya, siya pa rin ang pinagkakatiwalaan ko.

Hindi siya nagsalita, dahan-dahan siyang tumalikod, gusto ko siyang sundan pero nanlalabo ang paningin ko. Unti-unting lumakas ang ulan, unti-unti rin tumulo ang luha ko.

Hindi ko maalalang mahal ko siya, pero n irerespeto ko siya, hindi ako sumiping sa ibang babae, oo nagtagal ako roon dahil pinagsabihan ko siya at hinintay dumating ang asawa niya, sinabihan ko rin siyang hindi na ako makikipagkita pa.

"E-Ebony," bulong ko habang sapo ang noo, dahan-dahan akong mapaluhod sa buhanginan.

Araw, linggo at buwan akong naghintay ngunit hindi na siya bumalik. Hintay ako nang hintay sa gilid ng dagat, ngunit ni anino niya ay walang nagpakita sa akin.

Iniwan na niya ako.

Wala pa rin akong maalala, ngunit madalas akong nananaginip. Minsan naiisip kong baka tama si Adiel o Ebony... baka wala na nga akong pag-asang makaalala, at natatakot ako.

Natatakot akong kapag bumalik ang ala-ala ko ay wala na sila sa akin.

Pinagsisisihan ko iyon, nagsisisi akong nakipagkaibigan ako sa babaeng hindi ko kakilala. Walang nangyari sa amin ngunit pakiramdam ko ay nagtaksil pa rin ako? Gusto kong maramdaman ang sinasabi niya na mahal na mahal ko siya.

Sinabi ko kay Ma'am na hindi na ako makikipagkita pa kahit kailan sa kaniya dahil hindi ko kaya, na may asawa ako at paniguradong masasaktan ko, na ayokong saktan ang babae na iyon. Sorry rin siya nang sorry dahil hinalikan niya ako. Dumating ang asawa niya noon kaya natagalan din ako, parang pamilyar din sa akin ang lalaki ngunit hindi ko maalala.

Hindi ko maiwasan maalala ang tagpong ng gabi na iyon.

Nang hinila niya ako papasok sa kwarto ay kaagad ko siyang tinulak palayo sa akin. Unti-unti akong nakabawi sa gulat.

"Ma'am! Please lang, may asawa ho ako, tinutulungan ko kayo kasi naging mabait kayo at inihanap niyo ako ng trabaho sa farm, utang na loob ko na lang pero kung ganito... hindi ko na lang ho tatanggapin ang trabaho, hindi na po ako makikipagkita," mabilis kong sabi.

Marahas siyang umiling habang umiiyak, akala ko ay hahalikan niya ulit ako pero tinuro niya ang sahig, doon ko lang nakita ang mga dugo.

"A-Anong nangyari?" takot na tanong ko, sinipat ko siya dahil baka sinaktan niya ang sarili niya.

Mas lumakas ang iyak niya saka napaupo sa kaniyang kama.

"S-Sorry hinalikan kita! S-Sorry, ewan ko na, jusko, nababaliw na ako." 

Hindi ako sumagot, umigting ang aking panga.

"A-Ang sama-sama kong babae, Gabo. H-Hindi ko alam kung mapapatawad pa ako ng asawa ko. N-Nag-away kami kaya ako nandito, nagpakalayo-layo ako, a-ayaw ko sa baby namin. H-Hindi ako handa e, natakot ako, p-pero naisip ko naman nitong mga nakaraan na kasama kita, n-na pinapangaralan mo ako tungkol sa relasyon namin ng asawa ko, n-na ikaw... gusto mo rin ng anak, n-nakonsensya ako." Kumunot ang noo ko, oo, alam ko ang tungkol doon sa pag-aaway nila ng asawa niya pero hindi ko alam na buntis siya?

Pero uminom siya ng alak! Nakukunsensya ako. 

Sinapo niya ang mukha niya.

"W-Wala na 'yong baby ko! B-Baka isipin niya, pinalaglag niya 'yong baby namin. K-Kamuhian niya ako! H-Hindi ko naman gustong duguin!" 

Napamura ako. "Tatawag ako ng Doctor, tawagan mo rin ang asawa mo! M-Mag-usap kayo, kapag nag-aaway kami ng asawa ko, nag-uusap kami pagkatapos! Siguradong maiintindihan niya kung anong dahilan mo, Ma'am!"

Kaya masaya ako nang gabi na iyon nang umuwi ako, dahil alam kong tama ang desisyon ko. Na tulungan siya, na unahin din ang asawa ko. Na hindi nagpatukso.

Halos sampong buwan pa ang lumipas simula ng gabi na iyon, na umalis si Ebony, pwede ko naman sa kaniyang sabihin ang totoong nangyari pero naduwag ako, pakiramdam ko ba'y pabigat na lang ako at mas sasaya siya kung aalis sa akin, kung iiwan niya ako.

Bumalik ang ala-ala ko isang gabi na napaginipan ko lahat, simula noon una namin pagkikita hanggang madaplisan ako ng bala, dahilan ng traumatic injury ko sa ulo, malinaw na malinaw na sa akin ang lahat.

Umiiyak na napabalikwas ako ng upo, sinapo ko ang aking mukha. Pilit kong kinakalma ang aking sarili.

"F-Fuck!"

Naiintindihan ko na bakit dito kaming dalawa ni Ebony nakatira, simple lang at malayo sa mga bagay na makakapag-trigger ng ala-ala ko lalo't hindi ako maaaring mabigla, kung sa mansyon kami mag-stay, baka pilitin ko lang ang ala-ala ko. Naiintindihan ko na bakit Adi, iyon ang tinatawag ko sa kaniya noon pa man, Adiel. Wala pa man si Adilyn ay iyon na ang tawag ko sa kaniya habang stalker niya ako. Kaya ba siya pumupunta ng bayan dahil nandoon ang pamilya namin? Nandoon ang mga bata? Shit!

Nanginginig ang kamay na dinampot ko ang aking telepono para tawagan ang isang kakilala ko upang ipaalam na bumalik na ang ala-ala ko, tanda ko pa ang kaniyang numero.

"Hello?"

Bumuga ako ng hangin. "V, this is Pluto."

"Finally, Master," he said, like he was waiting for this.

Sinundo ako ni V nang araw na iyon, balisa ako habang nasa biyahe at kinukwento niya sa akin ang mga nangyari. Limang buwan akong coma dahil sa head injury na natamo ko. Tatlong buwan kaming magkasama ni Ebony habang wala akong maalala. Sampong buwan akong nanatili roon mag-isa pagkatapos niyang umalis bago tuluyan bumalik ang aking ala-ala. Halos isang taon at kalahati rin ang nawala sa amin.

Hindi ko alam kung bakit hindi kami pinagtatagpo, talaga bang ayaw sa amin ng tadhana? Dahil nang makaalala ako, ay may pamilya na si Ebony, kinasal na siya sa iba at may anak na.

Nakatanaw ako mula sa malayo, hawak niya ang isang sanggol habang nakikipagtawanan kay Raim na kaniyang asawa. Hindi ko maiwasan mapait na mapangiti nang makita si Gael at mga kapatid niya, naglalakad sila papasok sa isang restaurant.

I watched Ebony from afar like before, but this time... not just a stalker. I am here to make sure that she's okay now with her own family.

Gusto kong magalit, hindi mo ako hinintay, mahal? You're unfair, baby. Bakit naman ang dali mo ako ng bitawan?

Sampong buwan pa lang simula nang iwan niya ako, may pamilya na siya? Masaya na siya kaagad sa piling ng iba. Gusto kong manumbat.

Pero sa huli, sa lahat ng sakit at sumbat na naiisip ko, imbes na galit ay mas nanaig ang saya ko sa nalaman, dahil sa wakas may masaya na siyang pamilya na matatawag niyang sa kaniya. May asawa siyang magpapasaya sa kaniya, may mga anak na makakasama niya.

Hindi man sa akin, hindi man ako ang kasama niya, kampante na akong makita siyang masaya kahit sa huli, kung sakaling mawala man ako, kampante ako.

Naisip ko ang sinabi niya noong huli kaming nagkausap, na bumuo ng pamilya sa iba? Kaya ko ba? Parang mas gugustuhin ko atang tumandang mag-isa kung hindi siya.

"Pipilitin ko rin maging masaya, Ebony katulad ng 'yong gusto, pipilitin ko kahit hindi ikaw ang kasama ko," I whispered.

Kaya ko ba? Sa huling pagkakataon ay nilingon ko siya.




☽❃☾

"Lolo!"

"Lolo!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin, nagising ako sa malalim na pag-iisip, tumaas ang sulok ng aking mga labi nang makita ang aking apo.

Maamo ang kaniyang mukha, namana sa kaniyang ina. Sinenyasan kong lumapit ang limang taon kong apo.

"Halika, apo!" I called her.

"Lolo, bakit po kayo nandito sa dalampasigan?" takang tanong niya.

"May hinihintay lang."

Mas sumimangot siya, hinihila ang kamay ko. "Lolo, m-may tanong po ako, huwag kang magagalit po ah?"

Ginulo ko ang kaniyang buhok. "Ano ba 'yon?"

She protruded her lips. "Sabi kasi ng mga kalaro ko po, hindi mo naman daw love si Lola! Sabi nila, sabi raw ng Mama nila, iba raw girlfriend mo no'n tapos pinakasalan mo lang po si Lola kasi nakapag-asawa na 'yong totoo mong love. Hindi naman 'yon totoo hindi ba? Love mo kaya kami!" Himutok niya.

Bahagya akong natigilan pero sa huli ay ngumiti lang. Hindi ko siya sinagot.

Nagpahila ako sa kaniya papasok sa aming resthouse, reklamo pa rin siya nang reklamo. Natigil lang ng kunin siya ng kaniyang ama para pakainin.

Dumiretsyo naman ako sa may pool area, tanaw ang mapayapang dagat doon. Naabutan ko roon ang aking asawa na kumakain ng buwa ng niyog, ngingisi-ngising lumapit akong kaagad hinimas ang tiyan niya na malaki na.

"Mahal, dumating na ba ang pinabili ko? I want dried fish, please! Hindi ako bumiyahe papunta rito para hindi makatikim no'n." My pregnant wife pouted.

Dati pang ayaw tapos ngayon, iyon ang mga hinahanap niya.

Nanggigil na kinurot ko ang pisngi niyang matambok.

"Hinihintay ko nga sa labas 'yong nagtitinda, mahal. Kaso 'yong apo mo nagsusumbong inaaway ata ng mga bata sa katabi kaya pumasok ako."

Tumigil si Ebony sa pagnguya saka kunot-noo na nilingon ako.

"Eh, anong sabi ni Gideon? Nako, ayaw pa naman no'n may umaaway sa anak niya."

Apo namin ang bata kay Gideon, isa sa mga inampon ni Ebony noon, may pamilya na siya kaya may apo na kaagad kami, kung sa bagay, halos pitong taon lang naman ang tanda ni Ebony sa kaniya. Ipinakilala ako ni Ebony sa kanila noon, Giana at Gavin. Kaagad ko rin naman nakuha ang kanilang loob, kay Gael lang talaga nahirapan.

Nagkibit-balikat lang ako dahil away bata lang naman 'yon. "Sabi ata no'ng kalaro niya ay hindi raw kita mahal, iba raw ang mahal ko," sumbong ko para hindi ako ang pag-initan ng buntis na 'to habang pinaglalaruan ang singsing sa daliri niya.

Sa edad na kwareta'y sais ay may apo na ako. Sabay tuloy lalaki ang apo at anak ko, nakakatuwa rin, ang daming bata sa bahay.

Umismid ang aking asawa.

"Sino nagsabi? Pupuntahan ko't isasampal ko 'tong tiyan ko sa kaniya. Nako, kung alam lang nila kung gaano ka kapatay sa akin noon, may pa-please Ebony comeback ka pa nga e, akala mo pa nagpakasal ako sa iba kaya iyak ka nang iyak tapos anak ko 'yong anak ni Gideon," nang-aasar na sabi niya.

Ngumuwi ako dahil ang yabang niya.

Kahit kailan talaga ay ang yabang.

Hindi ko maiwasan mapatitig sa kaniya. Mas gumaganda pala kapag buntis? I sighed because my heart was beating so fast. Until now, I still have a crush on my wife. I love her so much, and still, I am always fascinated when I look at her. Kinikilig pa rin ako sa tuwing tinitingnan ko siya, hindi pa rin ako makapaniwalang nabawi ko siya.

"Sorry talaga, noong hindi kita maalala, sorry mahal ko l-lalo na 'yong nagselos ka," nahihiyang sabi ko.

Ngumisi siya. "Hoy, tanda. Hindi ako nagselos, ako magseselos? Alora Ebony ako, Gavril. At halos limang taon mo na iyan pinapaulit-ulit sa akin, at paulit-ulit ko rin sasabihin na tapos na iyon. Saka tungkol sa halik, don't worry hindi na ako gano'n kababaw na magpapabagsak ng kompaniya kapag nagseselos. Ako nga nakipag-kiss kay Raim dati e, same lang," mayabang na aniya, bahagyang hinimas ang pisngi ko.

Inirapan ko siya nang maalalang nakita ko siyang hinalikan ang bansot na 'yon dati sa hotel, tsk. Oh well, hindi naman na importante iyon sa akin, mag-asawa na kami ngayon pero naiinis lang ako kapag naaalala ko pa.

"And another thing, Gavril. I have a lot of trust in you. I know you won't do that. The doctor also told me what things can change your mood and how you will interact with me because of your medication. Kaya naman naiintindihan ko ang pagiging masungit mo noon sa akin." Umirap siya kaya mas nahiya ako. "Nasaktan ako no'n friendly ka sa ibang babae, pero alam ko naman walang nangyari noh, nagpa-imbestiga ako siyempre. I am not stupid, duh. Edi pinutulan kita ng sawa mo kung meron!"

Humalakhak ako, hinalikan ko siya sa kaniyang kamay kung nasaan ang singsing namin.

"Malaki rin ang tiwala ko sa'yo, Ebony. I don't overthink things anymore." Siguro kung may nagbago man sa amin ay iyon 'yon.

Aminin ko man o hindi, kinasusuklaman ko ang aking sarili dahil sa nangyari dati, dahil nakalimutan ko siya. Tangina, patay na patay ako kay Ebony pero no'ng nagka-amnesia ako, bagot ako sa lahat ng bagay. Hindi ko siya gustong makalimutan, alam ng Diyos iyon.

Naisip ko siguro, naiilang ako sa kaniya noon... pagkailang na hindi inis e, nailang dahil kahit hindi ko maalala ay siya pa rin ang kilala ng puso ko, ayaw ko lang aminin noon. Lumalaban ang isip ko, natatakot aminin na kahit wala akong maalala ay sa kaniya pa rin ako, siya pa rin ang gusto ko.

Na tama siya, mahal ko siya kahit nakalimot ako, na takot lang ako dahil sa lagay ko noon, takot na takot hanggang dumating sa punto na pati ako ay nagsisinungaling na sa sarili ko.

Oo na, hindi ko kinaya!

Noong gabi na nakita ko sila sa restaurant, na kasama niya si Raim ay balak ko lang sana sumunod sa kanila pero nakita ako ni Gael, tinawag niya ako at alam din nila Ebony na nakasunod ako.

Tsk, trinaydor ako ni V, gagong 'yon, nagsumbong pala kay Ebony na nakaalala na ako, sinandya talaga nila iyon nakita ko dahil alam nilang pupunta ako.

Fuck!

Doon ko nalaman lahat, umalis lang si Ebony sa tabi ko, sa bahay ngunit hindi naman niya ako iniwan. Nandoon pa rin sila, hindi lang nagpapakita. Bakit ko nga ba nakalimutan? She's Alora Ebony.

Binabantayan pa rin niya ako noon sa malayo, kaya pala hindi ako pinagbabayad sa ospital dahil sa kaniya.

Malungkot man malaman ang lahat, ang daming nangyari habang wala ako noon maaala at nagpapagaling, inilayo ako sa gulo dahil na rin sa lagay ko.

Nakakulong si Tunying sa organisasyon kasama si Adilyn. Si Mando ay habang-buhay rin na magbabayad sa batas. Nalaman kong nabaril ako noong nag-agawan sila ng baril, si Gabrel mismo ang nagsuko sa kaniyang asawa sa organisasyon, siya rin ang naghatid sa akin sa ospital kaya hindi gano'n kapinsala ang nangyari, mabuti ay daplis lang. Pasalamat na lang din at hindi tuluyan nawala ang anak niya na pinagtangkaan din ni Adilyn, nailigtas ito ni Tiya Mersita, siya ang namatay sa trahedya.

Napabuntonghininga ako nang maalala ang huli namin pagkikita ni Adilyn bago sila dalhin sa bulwagan, bago sila hatulan.

"You need to pay for everything, Adilyn."

Mapait siyang ngumiti, pagod ang mukha, mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Ebony na siyang kasama ko.

"Nakaalala ka na pala, Kuya Gav," mahinahong sabi niya saka bumuntonghininga. Kitang-kita ko ang pagtulo ng kaniyang luha, wala na akong maramdaman awa. "Gusto ko lang bigyan hustisya ang Mama ko, gusto kong tulungan si Tatay Tunying dahil siya na lang ang nag-iisang kamag-anak ko."

"Pero nakasakit ka ng ibang tao, Adilyn." Gumalaw ang aking panga. "Muntik ng magahasa si Ebony, hindi ba't ikaw ang nagpapasok kay Mando nang umagang iyon? You shot me too, I lost my memories! I never hurt you even I already know you're a traitor because of Gabrel. Mahal na mahal ka ng kapatid ko!" Tumaas ang aking boses.

Pagak na tumawa si Adilyn, hindi na pinagtanggol ang sarili bago siya kunin ng bantay ay nilingon niya si Ebony. "Madami na rin sinakripisyo si Gabrel para sa pamilya niyo, lalo na sa'yo. Alam ko, saksi ako. Walang siyang kinalaman sa lahat ng ito, ako lahat. O-Oo, ginamit ko siya, sinamantala ko ang pagmamahal na 'yon. Sinasabi niya sa akin ang impormasyon at sinasabi ko sa grupo namin at tama rin kayo, may tauhan nakapasok sa Conrad, nakaplano lahat ng ito."

Nilingon niya ako. "I am not regretting anything. This is what I promised to my mother."

Mariin akong pumikit, nagising lang ang diwa ko nang maramdaman hinihimas ng aking asawa ang aking pisngi.

"Ayos ka lang?"

I smiled. "Yes, naalala ko lang 'yon huling bisita natin at kausap kila Adilyn at sa ama niya."

Tumango siya, hinalikan ko ang kamay niya na nasa aking pisngi. "It's okay to remember them, Gav. Ang mahalaga ay ayos na ngayon." Sandali siyang tumigil. "Hindi mo ba bibisitahin ang Mama at Papa mo?"

Binasa ko ang aking labi. "Dadaanan ko si Mama."

Ang totoo ko naman magulang, ang mga Lavelle ay inalisan ni Gabrel ng karapatan sa mga pera, siya na ang humahawak ng mga iyon na sinurender niya sa gobyerno ang mga ari-arian. Habang si Mama Gabriela naman ay kasama namin.

Sabihin man pagiging matigas ngunit hindi ko sila kayang ituring na magulang ko, hindi ko magawang mahalin sila katulad ng pagmamahal ko sa mga nagpalaki sa amin. Utang na loob siguro ay may natitira pa ako, iyon na lang dahil kung hindi naman dahil sa kanila ay hindi lalaking ganito ang asawa ko, kung wala rin naman sila ay wala si Ebony sa akin, iyon na lang ang iniisip ko. Iyon na lang ang utang na loob na ibinibigay ko sa kanila.

Sa ngayon ay nakabalik ako sa Conrad. Nahuli na ang mga traydor sa grupo, nagbunga na rin ang mga pinaghirapan namin. Nabawi ko ang aking posisyon.

Ang mga tinago kong pera noon na hindi ko ginamit ay siyang pinansimula namin ni Ebony lalo't ayaw namin galawin ang sa Lavelle at Cervantes.

Naalala ko pa kung paano kami kinasal, under water pool wedding ang ginawa namin. I want to change her bad memories of the pool, kaya nga dami kong ginagawang memory namin sa pool, doon kami kinasal, doon din nagawa ang pinagbubuntis niya ngayon.

"Nga pala, Gav. Nag-text si Ma'am, 'yong pinapasabi niya raw no'ng nakaraan, kung nagawa mo na." 

Tumaas ang aking kilay sa sinabi niya. "Ah, oo. Ipapa-ayos ko na lang kay V ang bagay na 'yan."

Ngumisi ang aking asawa, natakot ako sa ngising iyon. "Gagawin kong mag-bestfriend ang anak namin."

Napailing ako sa sinabi niya, paano ko naman nakalimutan na naging magkaibigan sila. Naaalala ko na kung sino si Ma'am at ang asawa niya, kaya pala pamilyar sila. Hindi nga rin ako makapaniwala. Oh, well, labas naman na kami tungkol sa bagay na iyon.

"Si Gabrel ba hindi makakabisita? Miss ko na rin  si Adielina." 

"I will contact him, baby. Okay? Ang dami mo naman hinahanap, friendly ka na ngayon ah," asar ko, umismid lang siya.

Palihim akong napangiti nang maalala ang aking kakambal. He's being friendly with Elias, my wife's bestfriend. Hindi ko alam ba't mukhang close sila ngayon.

"Hello." Napalingon ako kay Ebony nang sagutin niya ang tawag. "Yes, this is Alora Ebony Cervantes," mahinahon sabi niya.

Napanguso ako nang marinig ang pangalan niya. Pumalumbaba ako habang pinapanuod siya, bahagyang hinihimas ang baby fats niya.

Mabuti na lang at nagkakalaman na ulit siya, pumayat din kasi siya noong nawalan ako noon ng alaala, siguro dahil sa stress na binigay ko. At dahil sa tabing-dagat kami noon ay naging morena rin ang kulay ng balat niya.

Pero ewan, kahit ano naman atang itsura niya ay patay na patay pa rin ako. Siya pa rin ang Adi ko.

Hehe, cute ng buntis ko na 'yan. Ang ganda-ganda, mas lalo siyang gumaganda sa araw-araw na magkasama kami, ewan ko ba kung anong gayuma ang ibinigay niya.

I can't help but to smile.

I remember our children. Gideon, Giana, Gavin, Gael and now our baby girl. Of course our angel in heaven. I won't forget her.

Pst, anong hindi na pwedeng magkaanak? Magaling ang mga sperms ko, walang hindi pwede sa akin.

I still can't believe it, I can't fully imagine that she is mine now.

"Yes, thank you!" masayang sabi niya bago ibaba ang tawag.

Tumaas ang aking kilay. Hindi ko na tinanong kung sino ba 'yon dahil alam ko naman sasabihin niya sa akin kung pwede, kapag hindi ay ayos lang.

"Sa organisasyon 'yon! Tapos na 'yong pinagawa nila sa akin." Napangiti na rin ako, noong sumali siya ay may hininging kapalit, ngayon lang natapos.

"So proud of you, my highness." I gently caressed her cheek, for a sweet kiss.

Kaagad siyang pumikit, sabik sa halik ko. Nangingiting tinugunan ko ang pangangailangan niya.

They said, I am selfless, but know... this is for myself. Sarili ko muna.

I don't even remember how we got to our room. I kissed her on her lips passionately. I removed her dress carefully while trying to kiss her jaw. Mapupungay ang kaniyang mata nang magkatitigan kami, kinagat niya ang kaniyang labi nang tuluyan malaglag ang damit sa sahig at lumuhod ako sa gilid ng kama.

"Open legs, My preggy highness," I mumbled, kissing her thighs.

I didn't remove my gaze from her while I started pleasuring her with my tongue. My right hand caressed her five-month tummy while my left hand reached for her hardened nipple to play.

My heart almost burst with happiness as I watched my wife's satisfied face after her first released. Damn. 

"G-Gav, ah!"

"Hm?" Gumapang ako sa ibabaw niya, sapat upang hindi siya mabigatan, dinampian ko ng halik ang kaniyang tiyan bago umakyat sa kaniyang leeg. "Tired?"

Ngumisi siya habang hingal pa. "Lay down."

Hindi pa man ako nakakabawi ay tinulak na niya ako pahiga, tinulungan ko siyang hubarin ang mga natitira kong saplot. I watched her go to our walk-in closet. I felt more heated when she came back with familiar things.

"W-What..."

"Hush, let me handle this." She giggled.

I almost dropped my head back when she put a cock ring on me. I opened my lips, breathless, as I watched her. Mas lalo akong nabaliw nang makitang may nilabas siyang lubid at latigo, fuck!

"E-Ebony... you don't to... fuck ah!"

She sat on my top, stopping me from moving. She tied my hand tightly to the headboard of our bed. I can't stop moaning loudly because of too much pleasure. Awang ang labi ko nang maramdaman hinahalikan niya ako sa leeg pababa sa aking dibdib, I have almost sat up in bed if she wasn't on top of me when she sucked my nipple.

"P-Please."

"Please what hmm? What's my favorite servant want?" She teased.

"Fuck me harder, please... your highness." I begged.

I cursed when she slowly sat on my cock. I could feel her wetness around me. Damn, that's right baby. Ride me.

Kinabukasan ay nagising ako sa katok, kaagad akong lumingon kay Ebony na humihilik pa, napangiti ako sa mabilis siyang hinalikan sa labi. I remember what we did last night. Damn, pregnant woman.

Bumangon ako't nagsuot ng roba, inayos ko ang kumot sa katawan niya. Mas lumawak ang ngiti ko nang makitang shirt ko na suot niya. Maingat kong binuksan ang pintuan, lumawak ang ngisi ko nang makita si Gael.

"Hey, buddy. Tulog pa si Mommy."

Napakamot siya ng batok, nahihiyang inabot sa akin ang isang papel. "I know, Papa. I just want to give you this."

Sinenyasan ko siyang pumasok sa kwarto, umupo kami sa kama, dahan-dahan kong binuksan ang card na ibinigay niya.

Happy 46th Birthday, Papa. You are the best! Thank you for taking care of us. Please live longer for us. I want you to see me succeed. I love you.

-Gael

I couldn't help but hug my son tightly after reading his letter. I don't know if I deserve them to accept me again. I love them so much.

"I will, my son. I will make sure I am healthy for you, for your siblings and for Mama." I whispered, kissing his head. "I love you." Hinimas ko ang likod niya.

"I love you too, Papa!"

"Ay madaya ang mag-ama ko. Paano naman si Mommy?" Napalingon ako kay Ebony na ngayon ay nakaupo na sa kama, nangingiti nakatingin sa amin.

Niyakap ko silang dalawa sa bisig ko, natawa pa kami nang halikan ni Gael ang tiyan ni Ebony at may binulong-bulong doon. Nagtama ang aming tingin ng aking asawa, dinampian ko siya ng halik sa noo habang malakas ang kabog ng dibdib ko.

"Happy birthday, Gavril.  What gift do you want, hm?" she teased me.

"You are my only treasure that I want just for myself. Walang ano man kayamanan ang nanaisin ko bukod sa'yo," bulong ko.

I am married to a woman who makes me feel everything I can't imagine.

I am Gavril Damond Lavelle, Conrad's torturer, the Pluto. The mortality and riches, The god of death and the underworld.

I came for her crown, I am staying with her heart.

Until I am breathing, I will serve my life for her. She's the only treasure I have, the crown I want, because wherever she is, I am her servant.






»❀«
T H E E N D

Thank you so much for reading the first instalment of Conrad Series, The Servant. Thank you for the support, comments, votes and promotions. Thank you for joining Tito Gabo and Senyorita Ebony.

Thank you for inspiring me. Keep safe everyone! Be kind and gloom with grace. I love you!

- SaviorKitty

Continue Reading

You'll Also Like

24.1M 707K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
1.3M 46.4K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
746K 31.5K 15
SEVEN DEADLY SINS SERIES 3: 𝐄𝐍𝐕𝐘 Reagan is a cold-hearted womanizer. Iyon na ata ang karugtong lagi kapag binabanggit ang pangalan niya. He alway...
2.2M 58.7K 16
SEVEN DEADLY SINS SERIES 2: 𝐋𝐔𝐒𝐓 Dr. Kaden Dark is one of the best gynecologist. The doctor who specialize in women's health, with a focus on the...