Once in a lifetime

By supersaira

71.6K 1.8K 645

JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun g... More

Characters
PROLOGUE
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXX
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Epilogue
Bonus Chapter
New Story

Kabanata XXXI

1.2K 48 12
By supersaira

Craye

Gabi na nang maisipan namin na pumunta sa beach club, napagkasunduan kasi namin na ngayon gabi din kami mag bar kasi bukas ay susulitin naman namin ang view dito sa thunderbird. Gaya nung gustong puntahan ni Sandy na light something at maganda din dito yung 11,000 roses na sa gabi din naman maganda.

Humanap na nang place si Sally kaya sumunod na lang kaming seven sa kanya, pero syempre hawak ko ang kamay ngayon ni Justine. Sakin na muna sya kasi kanina ang kulit talaga ni Sandy, sila na lang yung magkasama kahit nung nag lunch sila yung magkatabi at nung swimming nang hapon sila din magka kwentuhan. Siguro ay gustong malaman ni Sandy ang kwento naming dalawa ni Justine kaya wala na din akong nagawa.

"Babe, bored ka kanina no?" Tanong sakin ni Justine bago kami naupo.

"Hindi naman, para lang may kulang. Syempre gusto ko kasama ka lagi pero enjoy naman dahil kasama ko sila." Pagtukoy ko kina Angel.

"Hayaan mo na at si Sandy ang nakakita satin kaya ganon na lang nya gusto malaman ang lahat, gusto nya mag sink-in sa utak nya yung mga nakita nya. Sa ginagawa natin kanina kahit naman sino diba? Sabi ko nga kanina kay Sandy sa susunod na makakita sya nang ganon lumabas na lang sya, istorbo ehh. Hahaha. Ang awkward tuloy tapos nakakahiya pa." Kwento sakin ni Justine

Natawa ako sa kwento nya, kanina Todo asaran may agenda naman palang chika si Sandy.

Lumapit pa ko kay Justine at nilagay ko sa likod ni Justine ang kaliwang kamay ko para hawakan sya sa waist nya.

"Pwede naman nating ituloy later." Bulong ko sa kanya

Tumingin sakin ng masama si Justine

"Bakit? Ayaw mo ba?"

"Hindi kapa nakakainom yung utak mo Babe, green na." Reklamo sakin ni Justine

"So ayaw mo nga ituloy natin mamaya after natin dito?" Tanong ko

"Craye! Nakakainis ka. Sige mamaya promise pagkauwi natin." Nakangiting sagot ni Justine sakin

"Tapos na kayo magharutan? Pwede na tayong umorder?" Basag ni Mon saming dalawa

"Kasi kanina pa kami nakatingin sa inyong dalawa." Sabat naman ni Gianne at inabutan kami ng menu

"Kasi rinig din namin yung sinasabi nyo." Si Sandy

"Mag rent kayo nang ibang villa kung maghaharutan kayo pagkatapos natin dito." Reklamo ni Sally

Napa face-palm ako sa mga sinasabi nila, nakakahiya. Pagtingin ko kay Justine nakangiti na naman ito sa kanilang lahat

Wth! Paano nya nakakaya yung ganong pang-aasar?

"Mag rerent talaga kami, mainggit kayo." Banat ni Justine sa kanila

"Aba matapang at isusuko nya na ata ang bataan." -Sandy

"Huii Maice, pagsabihan mo nga tong best friend mo at iba-iba na ang sinasabi." Sumbong naman ni Angel kay Maice

"Hindi naman namin yun gagawin, mag cucuddle lang kami." Ako na yung sumabat at baka kung ano pa sabihin ni Justine

"Ayan na naman kayo sa cuddle na yan, hindi Craye katabi kita matutulog mamaya." Pagpigil samin ni Mon

"Ikaw din Justine, baka mamaya makita ko na naman na nakapato-"

Nakita kong pinigilan ni Justine si Maice sa pagsasalita

Si Gianne ay hindi na nakatiis at sya na Ang umorder para samin dahil walang mangyayari kung lahat kami mag aasaran lang dito.

"Anong nakapato?" Natatawang tanong ni Sandy

Tawang tawa si Justine sa reaksyon ni Maice at Sandy

"Nahuli ko si Craye." Sabi ni Maice

Nagulat ako sa sinabi ni Maice, ako nahuli nya? Saan? Anung ginagawa ko? Hindi ko talaga alam kaya itatanong ko na.

"Saan mo ko nahuli?" Kinakabahan na tanong ko

Potek! Yung kaba sa dibdib ko sobrang lakas, tumingin ako kay Justine at para bang nakatingin lang to nang masama kay Maice.

Wait lang, Wala akong ginagawang masama!

Tumingin ako kay Mon at ganon na lang ang talim ng tingin nya sakin.

"Sabihin mo na kasi Maice, pabitin ka ehh." Reklamo ni Sally

"Nahuli ko nga si Craye na nakapatong."

Potek! Ano ako figurine? Saan ako nakapatong?

Tumingin ako kay Justine at nakita ko na nakataklob na yung palad nya sa mukha nya.

"Hoy! Anong nakapatong? Bakit ganon yung term? Hindi ba pwedeng nahuli mong nakatayo? Kutob ko parang iba ehh." Si Mon naman yung nagtanong

Tawang tawa na si Maice sa mga nangyayari pero si Justine, parang gusto nang manakit kay Maice.

"Seryoso Craye hindi mo talaga alam kung saan ka nakapatong?" Tanong ni Maice sakin

Ehh hindi ko nga alam kasi

"Ginawa mo naman akong figurine." Sagot ko na lang

Natawa ang lahat sa sagot ko, kahit si Justine ay natawa na din.

"Si Justine yung pinatungan mo." Sa sinabing yun ni Maice ay nagulat ang lahat, kahit ako ay nagulat din. "Ewan ko ba hindi naman sya drawer or tukador para patungan mo" dagdag pa ni Maice habang tumatawa, si Justine naman hindi na maintindihan kung sasapakin ba si Maice o matatawa.

"Hoy! Gagi yang bibig mo Maice." Reklamo ni Angel sa kanya

Feeling ko lahat kami dito ay green minded na. Potek na yan!

"Linawin mo nga kasi yung kwento." Reklamo ni Sally

"Nung kinaon ko si Justine sa Ayala, nakita ko yang si Craye na nakapatong kay Justine." Pagkasabing Pagkasabi non ni Maice ay syang paghampas ni Justine ng menu sa balikat ni Maice

Wth! Nakapatong ba ko? I mean, sh*t kasi sa term ehh. Pero kasi cuddle yun, hindi nakapatong.

Yung apat na halos ngayon lang nalaman ang lahat ay nanlilisik ang mata saming dalawa ni Justine

"Justine?" Nagtatanong na sabat ni Gianne

So dahil wala na naman kaming choice ay kinuwento na namin ang lahat sa nangyari samin si Justine sa Ayala. Wala naman kasi kaming ginawang masama, si Maice lang ang green minded talaga.

Wala din naman akong alam noon na nakita kami ni Maice, ang buong akala ko kasi ay pag punta ni Maice dun ay hindi na sya pumasok pa sa loob kasi diba sabi ni Justine baka magkagulo lang kami ni Maice kung magkita kami.

Dumating na yung mga inorder ni Gianne, napakarami nito para sa aming walo lang.

3 bucket beer, 2 sisig, 3 nachos, 2 grilled pork, 2 buffalo wings, 3 bbq flavored fries at 2 buttered shrimp at 1 bottle tequila.

"At dahil nakapatong ka Craye, Ikaw ang taya ngayong gabi." Sabat ni Gianne

"Ano kayang feeling nang pumatong?" Si Sandy naman ang nang asar

"Oo na, ako na magbabayad. Please, tama na sa pumatong?" Pagpayag ko kasi ang awkward talaga nung pumatong

"Hummmmm! Ang cute mo babe." Sabi ni Justine tyaka nya ko pinisil sa cheek

Nanggigigil na naman sya sakin.

"Sa susunod Justine wag kang pumayag na tukador ka lang, maging figurine ka din." Natatawang sabat ni Mon tyaka nya inabutan nang beer si Justine

"Monnnnnnn naman ihhh! Hindi naman kasi ganon yun, kahit tanong mo pa sa best friend mo." Sagot ni Justine kay Mon tyaka sya sumandal sa akin at nag lean sa shoulder ko

"Akina nga yang tequila nang mainom na, hindi ko na talaga kinakaya ang kaharutan nang dalawang to." Singit naman ni Sandy

"Ikaw naman Maice, pwede wag mo nang gagamitin yang "pumatong" na term na yan. Nanggigigil ako sayo ehh." Reklamo naman ni Sally

Tumawa muna si Maice tyaka sya kumuha ng nachos.

"Ang kulit nyo, ako nakakita at nakita kong nakapatong si Craye." Paguumpisa na naman ni Maice habang nakangiti

"Maice, anu bang gusto mo? Dali na at bibilhin ko tumigil ka lang jan." Sabi ni Justine sa best friend nya

"Baka naman kasi sino, diba Kerubin?" Panunukso ni Mon

Hayssss! Nalipat din kay Angel at Maice ang hot seat.

"Ohh bakit ako na naman ang nakita nyo?" Patay malisyang tanong ni Angel

"Kunwari ka pa, sabihin mo nang maaga kung bet mo si Maice." -Gianne

Napatingin ako kay Maice at parang natahimik talaga sya.

"Hindi ko yan bet, bakit ko naman yan magugustuhan?" Tanong ni Angel kay Mon

And ouch for Maice

"Talaga, bakit maganda ba yang si Angel? Hindi naman din kagusto gusto yan." Banat naman ni Maice

"Uiii tulak ng bibig, kabig ng dibdib." Natatawang sagot ni Sandy

"Never!" Sagot ni Angel tyaka nya ininom ang beer na hawak nya

"Yes! Kahit sa panaginip." Sagot ni Maice tyaka sya shumat nang tequila pero nakalimutan nya atang mag lemon at salt

Natawa ko sa inaksyon ni Maice kaya ako na nag abot ng lemon and salt sa kanya kahit late na yung salt para gamitin.

"Relax Maice and Angel, andito tayo para mag enjoy. Wag kayong hot jan." Singit naman ni Justine

"Ohhh mag pulutan kayo at baka hindi nyo ramdam na mapait yang iniinom nyo." Alok naman ni Sally tyaka nya inabutan si Maice at Angel

Nakita ko na inirapan lang ni Angel si Maice at si Maice naman ay parang nagtatampong nakatingin kay Angel.

Tsk! Ayan kasi parang mga ewan tapos pag nagkasakitan parang mga sira.

Wow! Coming from you Craye? -inner self

"Alam mo babe, kumanta na lang kayo dun ni Mon." Turo ni Justine sa open mic na kung sino ang gustong kumanta

"Babe?" Reklamo ko kasi ayoko, nakakahiya at marami ding tao ngayon.

"Mabuti pa nga Craye! Tara para naman kumalma tong si Angel at Maice." Yaya ni Mon sa akin

Wala na akong nagawa kaya tumayo na ko. Si Mon na yung nagsabi sa organizer doon para sa kakantahin namin, alam na namin yun ni Mon dahil minsan yun talaga ang ginagawa naming dalawa pag free time namin.



---------------

Vote po kayo at follow na din. Thanks! Feel free to comment. 😍😍










Continue Reading

You'll Also Like

439K 10.2K 41
"You were red and you liked me because I was blue You touched me and suddenly I was a lilac sky And you decided purple just wasn't for you" This is a...
79.7K 1.7K 44
(MIKHAIAH) an 18+ STORY
49K 2.3K 36
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...