The Case of Belinda Sto. Domi...

By ReiReiZ

43K 1.3K 59

3RD CASE of "THE CASE" SERIES May habilin si Lola Belinda para sa kanyang mga apo. Ano kaya ang gusto niyang... More

Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
THE FINAL CHAPTER- PART 1
THE FINAL CHAPTER-PART 2

Chapter VI

2.7K 93 1
By ReiReiZ


                "Alis muna ako huh, punta lang akong bayan para asikasuhin naman 'yung business ko. Baka kasi kung anu-ano na ang ginagawa noong assistant ko.Baka mali ang mga address sa pagpapadala ng mga products. I'll come back this afternoon." pagpapaalami ni Diana bago sumakayng kotse niya.

                "Sige Ate Diana, ingat ka." Nakangiting sabi ni Gail.

                "Hindi ko pa nagagala itong vicinity ng hacienda, gumala naman tayo. Sulitin natin ang bakasyon dito." Wika ni Jameson.

                "Gusto ko 'yan Kuya, saka para may ideya na tayo kung gaano kalaki ang sakop nitong Sto. Domingo." Pagsang-ayon naman ni Sarah.

                "Teka, nasaan nga pala 'yung titulo? Have you asked the attorney about that?" tanong ni Mikee.

                "Oh dear, we're so focused on dividing our inheritance equally that we forgot to ask Mr. Hidalgo where is the title." Sagot ni Jameson.

                "Wala namang problema 'yun, pwede naman natin siyang puntahan na lang sa bayan, baka hawak na niya." Sabi ni Gail.

                "Kung sa bagay. Ano tara na? Libutin natin itong lugar!" pagyaya ni Jameson.

                "No, thanks. I'll just stay here. May tatapusin pa akong reports eh." Pagtanggi ni Mikee.

                Umalis na sina Jameson, Sarah at Gail samantalang dumiretso si Mikee sa kwarto nito. Habang naglalakad ang tatlo ay nag-usap-usap sila.

                "Gail Smith, kumusta na nga pala kayo noong boyfriend mong Kano?"

                "Huh? Kuya Jame naman, hindi naman kami ikinasal noong Kano kaya Sandejas pa rin apelyido ko, matagal na kaming wala nun noh."

                "Ah ganun ba, di ba plano n'yo ng magpakasal diba?"

                "Yeah. Pero wala, I realized that I'm still not ready. Ayun, bumalik siya ng America. Haha. Eh ikaw Mr. Pelaez, may balita ka pa ba sa asawa mo? Este dating asawa pala. Hahaha."

                "Ang alam ko kasi may iba na 'yun, hayaan mo na."

                "Hindi mo pa ba nabibbisita ang mga anak mo?"

                "Hindi pa simula noong umuwi ako dito sa Pilipinas."

                "That's sad. Pero ito kasing si Ate Sarah, kapag may nanliligaw, basted agad. Yung totoo, may plano kang  maging matandang dalaga o gusto mong magmadre? Hahaha."

                "Tse! Lahat ng lalaking nanliligaw sakin, nakikita ko ang tatay ko sa kanila."

                "Ooohhh Pooh, natrauma ka pala sa ginawa ni tito kay tita."

                "Parang——"

                Napahinto siya sa pagsasalita nang may mapansin sa gilid ng daan, sa likod ng mga puno ng bayabas.

                "What's that?" tanong niya at nilapitan ang napansin.

                "Balon! May balon!" sigaw ni Gail.

                "Bakit may balon?" Tiningnan nila ang loob at madilim iyon, tila malalim. Nagulat sila nang may tumawag sa kanila."Sir! Ma'am!" Muntik nang magslide ang paa ni Gail sa balon, mabuti na lamang at nakahawak siya kay Jameson.

                Lumingon sila at nakita ang gwardyang si Mang Esteban.

                "Manong naman, nakakagulat kayo. Muntik na akong mahulog sa hukay." Sabi ni Gail.

                "Naku, pasensya na po."

                "Manong, para saan ba itong balon na ito?"

                "Huh? Hindi ko po alam 'yang balon na 'yan, ngayon ko nga lang nakita yan."

                "Ngayon? Imposible, sa tagal n'yo na dito, ngayon n'yo lang nakita ito o baka ngayon lang kayo nakaisip magronda dahil patamad-tamad kayo sa trabaho." Wang kagatul-gatol na sinabi ni Sarah.

                Hindi nakaimik ang matanda, napakamot na lamang ito ng ulo.

                "Let's go na nga, sa ibang lugar naman tayo pumunta. Doon sa taniman ng mangga." Akit ni Gail.

                "No, ayoko na, balik na tayo sa mansyon, nawala na ako sa mood." Masungit na sabi ni Sarah at naglakad na papasok sa taniman ng niyog sa kabila ng daan.

                "Oh madam, saan ka po pupunta?" tanong ni Esteban.

                "Manong, kasasabi ko lang diba? Babalik ng mansyon, tanaw mula dito ang mansyon, I'd rather take the shortcut. Siguro naman doon din ang punta diba?" naiinis na tanong ni Sarah.

                Hindi na naman nakapagsalita ang gwardya. Sinundan siya ng dalawang pinsan.

                "Bakit ang mga taong nagtratrabaho dito ay napakastupid?"

                "Pooh, dahan-dahan ka naman sa sinasabi mo." Pagpigil ni Jameson sa kanya.

                "Well, sinasabi ko lang kung ano ang napapansin ko."

                "Kahit pa, you don't need to be rude Ate." Sabat naman ni Gail.

                Ilang minuto na rin silang naglalakad subalit parang napakalayo pa ring abutin ng mansyon.

                "I'm getting tired. Akala ko ba shortcut 'to?" reklamo ni Gail.

                "Yeah, I thought so. Naloko ako ng vision ko, iba ang actual measurement ng distance sa perspective ko." Paliwanag ni Sarah.

                Nagulat sila nang sumulpot sa gilid nila si Elias.

                "Oh my!" napasigaw si Sarah.

                "Naku sorry po kung nagulat ko kayo." Paghingi ng paumanhin ng binata.

                "Anu ba 'yan! Kung saan-saan ka kasi lumulusot!"

                "Pasensya na po talaga."

                "Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?" tanong ni Jameson.

                "Sabi po ni Mang Esteban, sundan ko kayo dito."

                "Eh bakit pa?" tanong ni Gail.

                "Delikado po kasi dito. Maraming ahas."

                Sa pagsabing iyon ni Elias ay napadikit sina Sarah at Gail kay Jameson.

                "A-ahas?"

                "Opo, may ilang trabahador na po kasi ang nakagat, ang ilan sa kanila ay di na umabot pa sa ospital."

                Nakaramdam ng takot si Sarah pero hindi niya pinahalata. Agad niyang hinila si Gail at Jameson. "Saan ba ang dapat na daan?"

                "Dito po madam." Sagot ni Elias at nauna sa daan patungo sa masukal na prutasan.

                Ilang minuto rin silang naglakad at kalauna'y narating na nila ang gilid ng mansyon. May napansin si Sarah ilang metro ang layo mula sa dinaanan nila, sa gilid rin ng mansyon, sa kanan ng malaking pillar o pundasyon malapit na sa likod ng malaking bahay.

                "What's that?" bigla niyang tanong at lumapit sa nakita.

                Nagulat siya nang makita ang tatlong mababaw na balon. "Ano 'to? Bakit may ganito dito?" tanong niya kay Elias.

                "Ah, hindi ko rin po alam 'yan eh. Ngayon ko lang din nakita ang mga 'yan."

                "Anong ngayon? Imposible! Napakatagal mo na dito! Huwag mong sabihin na never mo pa napuntahan ang lugar na ito!"

                "Eh ka——"

                "Huwag ka nang magpaliwanag pa. Pinasasahod kayo dito para mapanatili ang kaayusan ng hacienda! Pero ano? Bakit 'yan ang rason mo sa amin? Puro hindi alam! Puro walang alam! Kung nagpapakatamad lang kayo, eh di mas mabuti pang tanggalin na kayo sa trabaho! Napakairesponsable ninyo porke stroke ang lola!" mahabang sermon ni Sarah.

                Nakatingin lang sa kanya sina Jameson at Gail, ganoon din ang binatang guard na hindi man lamang maipagtanggol ang sarili sa sinabing iyon ni Sarah. Tinitigan muli nila Gail ang mga balon, fresh pa ang pagkabungkal sa lupa, kaya ibig sabihin ay maaaring may ilang araw pa lamang itong hinukay.

                "Ate, hindi na ito matagal na hukay, bagong gawa pa lamang ang mga balon na ito."

                "Hmmmm, sino naman kaya ang gaagawa niyan? At bakit niya gagawin ang mga 'yan?" natanong din ni Jameson.

                "Huwag ninyo ng isipin 'yan, kailangan ko lang makausap sina Mang Kanor at Manag Yolly at may sasabihin akong mahalagang bagay sa kanila." Wika ni Sarah sabay tingin ng masama kay Elias pagkatapos ay umalis na.

                "Hayaan mo na 'yun si Madam Sarah mo, may galet lang 'yun sa mga lalake, bitter kasi. Hahaha." Pagbibiro ni Jameson.

                Ngumiti na lang kahit pilit si Elias, pero sa loob-loob niya ay nasaktan siya sa mga paratang na ibinato sa kanya ng madam niya. Nang umalis na ang dalawang magpinsan ay sinuring mabuti ng gwardiya ang mga balon na may limang metro ang laki bawat balon at may walong metro ang lalim. Napakamot siya ng ulo, iniisip kung sino ang may gawa ng mga balon na iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

La Promesa By Judyann Lungsod

Historical Fiction

15.9K 648 33
Lunar Trilogy: Ikalawang Serye "La Promesa" (The Promise) Axyll Espedido and her friends are fans of the story titled 'Sa Panaginip' written by Maria...
33.4K 1.3K 34
=Ang ilan dito ay mapapakinggan sa youtube under Hilakbot TV= Masyadong malikot ang aking isipan.. At mahilig tuklasin ang mga kakaibang bagay. Sino...
91.9K 3.4K 47
"Not every story is meant to be closed." Kasabay ng misteryong nilulutas ng grupo nila Vonjo ay may isa pang kababalaghan na nagaganap. Ngunit hindi...
21.6M 752K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...