The Case of Belinda Sto. Domi...

By ReiReiZ

43K 1.3K 59

3RD CASE of "THE CASE" SERIES May habilin si Lola Belinda para sa kanyang mga apo. Ano kaya ang gusto niyang... More

Chapter I
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
THE FINAL CHAPTER- PART 1
THE FINAL CHAPTER-PART 2

Chapter II

3.9K 117 7
By ReiReiZ


                Tinitigan ni Sarah ang nakapintang larawan ng ina. Sa tatlong magkakapatid, siya lang ang kamukha ng ina, ang dalawang nakababatang kapatid na pawang mga babae rin ay kamukha naman ng kanyang ama. Hindi niya alam kung mapapangiti siya o maiinis. Tulad ng inang si Mrs. Amparo Lorilla, matapang din ito at palaban kahit saang mga bagay, lagi ring masungit. Hindi na siya nagulat na lagi itong may kaaway, pero alam niyang nasa tama naman ang ina. Kapareho niyang ipaglalaban ang kung ano ang dapat, kung ano ang tama. Subalit biglang nangilid ang mga luha niya nang maalala ang ginawa ng amang iniwan sila pagkatapos ay sumama sa kabit nitong may-ari ng isang malaking negosyo. Dahil doon ay lalong naging mas matapang ang kanyang ina. Malinaw na rason kaya sila iniwan ng ama ay ang dahilan ng kakapusan sa buhay. Nagtataka lang siya dahil sa kabila ng yamanng ina nitong si Lola Belinda ay hindi niya ito narinig na humingi ng tulong mula sa matanda. Pero naisip ni Sarah na marahil ay gusto ng ina na tumayo sa sariling buhay kasama ang sila simula noong mag-asawa ito.

Alam niyang gustong makatikim ng masaganang pamumuhay ang ama kaya pumatol agad ito sa mayaman. Kaya simula noon ay nahubog siya sa katapangan,marahil ay isang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa siyang asawa, dahil nakikita niya sa bawat lalaking magkagusto sa kanya ang larawan ng ama.  Nagsikap siya sa pag-aaral, nagtapos at nagtagumpay sa buhay, ngayon ay may malaki na rin siyang negosyo, isang first class restaurant sa kanilang bayan. Bagaman gusto niyang ipamukha sa ama ang kanyang tagumpay at pagsisihan ang mga ginawa nito ay nakakalungkot na hindi na nito naabutan ang kaginhawaan sa buhay na naranasan nilang mag-iina, nabalitaan na lamang niyang pumanaw na sa cancer ang ama nito. Ngunit wala lang sa kanila ang dumalaw saburol o libing ng ama. Nagingibabaw pa rin ang galit sa puso niya at ng kanyang ina. Namatay na lamang ito ng hindi pa nakakakuha ng pagpapatawad.

Nawala siya sapagbabalik tanaw sa nakaraan nang makarinig siya ng pagtawag mula sa likuran.

"Pooh!"

Nilingon ni Sarah ang tumawag . Sa una ay hindi agad niya ito nakilala pero nang tawagin siya ulit nito ay kaagad na siyang napangiti.

"Kuya Jameson!" sigaw niya at agad na niyakap ang pinsan.

"Pooh! Long time no see ah." Sagot ng lalake.

"Oo nga eh, namiss kita." Sabi naman ni Sarah. Tinitigan niya ang pinsan mula ulo hanggang paa. "Woah, you've changed a lot." Dugtong pa niya.

"Well, ganyan talaga."

Two years ago nang huling magkita ang dalawa sa airport. Paalis si Jameson patungong Saudi para magtrabaho as an engineer. May kalakihan pa ito noon at bilugan ang pangangatawan.

"Sobrang payat mu na, demanding ba ang trabaho mo?"

"Well, medyo. Oh nasaan nga pala ang lola?"

Itinuro ni Sarah ang matanda na tahimik lang sa kanto na parang rebulto. Agad na nilapitan ito ni jameson at nagmano. Hinawakan niya ang kamay.

"Lola, nabalitaan ko ang nangyari sa'yo kaya umuwi kami agad. It's me your grandson, Jameson."

Walang sagot ang matanda.

"Pooh, nasaan na 'yung ibang apo ni lola? Sila Mikee, Diana?"

"Hay naku Kuya, ewan ko nga ba, ako nga ang nauna dito eh. And please, why are you still calling me Pooh? Matatanda na tayo para d'yan. Ayaw ko nang tinatawag sa ganoong nickname."

"Eh dun ako nasanay eh Pooh, pagbigyan mon a ako. Hahaha."

"Hmmp, sige na nga, kung hindi lang ikaw ang paborito kong pinsan, inis na agad ako sa'yo."

"Hahaha, well ganyan talaga."

Maya-maya pa ay nakarinig sila ng busina ng sasakyan sa labas. Nagkatinginan ang dalawa at agad na lumabas. Bumaba mula sa isang itim na kotse ang kanilang mga pinsang sina Gail at Diana.

"Hi cousins!" bati ng dalawa at nagbeso-beso sila.

"Sorryguys,we're late. Heto kasing si Gail, nagpasundo pa.Kasi sira daw ang sasakyan. Hahaha." wika ni Diana.

"Eh totoo naman eh. Hmp." Sagot ni Gail.

Nakita ng mga bagong dating si Lola Belinda na nakawheelchair habang itinutulak ni Ditas.

"Oh, my poor little grandma." Nalulungkot na sabi ni Gail at hinalikan sa pisngi ang matanda.

"Well, si Mikee na lang ang kulang sa ating magpipinsan." Sambit ni Sarah.

"Lagi naman 'yun late noon pa. Wag na tayong magulat kung bukas pa darating 'yon." Sabi ni Jameson at sabay-sabay silang nagtawanan.

Pumasok na sila sa loob ng malaking bahay at naupo sa sala. Lahat ay nakatitig sa malaking canvass sa dingding. Ang mag-asawang Belinda at Jaime ay may limang anak. Ang panganay na si Severino na ang panganay na anak ay si Diana, ang sumunod ay si Linda na ang anak ay si Jameson, si Emmanuel ang pangatlo at ang anak ay si Mikee, ang ika-apat ay si Amparo na ang anak naman ay si Sarah at ang huli ay si Miranda na ang anak sa grupo ay si Gail.

"Teenager pa lang tayo simula nang huli tayong makapunta dito." Pahayag ni Jameson. Sumang-ayon naman ang iba.

"Pero itong si Gail ay nasa elementary pa lang." sabi ni Sarah.

                "Pero hindi ba kayo nagtataka kung bakit mga panganay lang na apo ang pinapunta dito sa hacienda?" tanong ni Diana.

                "Tinanong ko na ang attorney tungkol dyan, ang sabi, yun daw ang kahilingan ni Lola Belinda."

                "Ahh, ganun ba."

                Nagpakilala si Ditas sa kanila at iniabot kay Jameson ang isang papel. Binasa  niya ito.

**********

Para sa mga panganay kong apo,

                Nais ko kayong makita kahit sa huling pagkakataon man lang. Kung maaari ay magtungo kayo dito sa Hacienda ko sa lalong madaling panahon. Napakalaki ng pinagdadaanan ko ngayon simula ng mawala ang lolo Jaime ninyo. Sobra akong nalungkot kaya hinihiling ko na makita kayong muli. Gusto ko nakaong makita muli para gumaan na rin ang pakiramdam ko. May gusto akong sabihin sa inyo, ang ibang detalye ay si Attorney Hidalgo na ang magpapaliwanag subalit may isa pa akong sasabihin sa inyo,

*************

                "So that's it?" tanong ni Sarah.

                "Oo, putol na,hindi ko na rin mabasa 'yung iba."

                "Natagpuan po naming ang sulat na 'yan noong gabing nakita naming si Lola na walang malay. Simula po noon, hindi na nakapagsalita si lola, nastroke na po siya." Paliwanag ni Ditas. "Pe-pero bago po siya hindi na makapagsalita ng tuluyan, may binabanggit siyang mga pangalan." Dugtong pa ng dalaga.

                Tahimik ang mga apo, inaabangan ang susunod na sasabihin ni Ditas.

                "Anton at Richard..........."

                Nagkatinginan ang magpipinsan.

                "I heard those names circulating around our family before." Sabi ni Gail.

                "Are those——-?" tanong ni Diana.

                "Yeah."

                "Wait,I need to know,sino ba sila?" naguguluhang tanong ni Gail.

                "Based on what I heard kay daddy, Anton was supposed to be the first ever child of lolo and lola and Richard was his son."

                "So there were supposed to be six siblings????" gulat na tanong ni Gail.

                "Surely yes."

                "So nasaan na sila ngayon at bakit hindi sila kasama sa portrait na yan?" tanong ni Sarah.

                "Nobody knows. Nawala na lang daw sila na parang bula."

                "Huh? Did our grandparents even care?"

                "I don't know much of the details. Saka hindi naman naabutan ni daddy 'yung kuya n'ya. My daddy was not even born yet when it happened." paliwanag ni Diana.

                Tiningnan nila ng sabay-sabay si Lola Belinda, walang pinagbago ang ekspresyon nito. Hindi nila alam kung naririnig sila nito, gusto nilang malaman ang nasa isip ng lola nila.

                "Hey guys!" pagbasag ng katahimikan.

                "Kuya Mikee!" sigaw ni Gail at dali-daling niyakap ang pinsan.

                "Sorry guys, am I late?"

                Biglang tumawa ang lahat, lumiko ang seryosong usapan sa pagdating ni Mikee.

                "Hindi ba obvious? Ikaw na lang ang wala." Sambit naman ni Sarah.

                Lahat sila ay nag-ipun-ipon sa sala, hinihintay ang pagdating ng attorney. Siya namang pagdating ng caretaker na si Mang Kanor at ang asawa nitong tagalinis na si Manang Yolly.

                "Naku, pasensya na kung nadatnan ninyo kaming wala dito. Nagpasundo pa ako dito kay Kanor sa bayan para dalhin ang mga pinamili ko sa palengke na kakainin ninyo." Paliwanag ng may edad ng matandang babae.

                "It's okay Manang, it's great to see you again." Wika ni gail.

                "Malalaki na nga kayo eh, dati noon ay mga iyakin pa kayo, kasama pa ninyo ang mga magulang ninyo." Sabi ni Mang Kanor.

                Agad na nagtungo si Yolly sa kusina samantalang nagpaalam na si Kanor na tatapusin ang linisin sa magiging kwarto nila sa taas.

                "Wala pa ring pinagbago ang bahay na ito. Elegante pa rin." Pansin ni Mikee.

                "Oo nga, magkano kaya kung ibebenta ang mga antigong gamit dito?" natanong ni Sarah habang hawak ang mamahaling vase na nakapatong sa isang stand.

                "Ehemmm."

                "What? I'm just being realistic."

                "Yes you are Sarah, yes you are." Wika ni Diana.

****************

                "Sigurado kang tama ang daan natin?" tanong ni Jake sa girlfriend habang minamaneho ang kanyang sasakyan.

                "Maybe. Basta dito lang 'yun. Just drive." Sagot naman ni Hannah.

                "Babe, I don't want us to be lost."

                "Me too, saka we can ask someone we pass by. Kilala naman ang Hacienda Sto. Domingo eh, gusto ko lang mapuntahan ang mansyon ni Lola."

                "Mapapagalitan ka ng ate mo kapag nakita ka niyang sumunod tayo. Pati ako gagalitan no'n, alam naman natin na masungit ang ate mo, baka pagbawalan na niya akong makipagkita sa'yo."

                "Mr. Jake Roy Lopez, huwag kang mag-alala and don't be such a paranoid. Bumabalik na naman ang ugali mong ganoon. Akala ko ba nakaget over ka na sa pangyayari sa inyong magbabarkada?"

                "Hmmm, well, a little bit."

                "See? Kahit sa simpleng bagay paranoid ka agad sa posibleng mangyari. Ang nega mo. I wonder nga kung bakit kita sinagot after the issues you've been through. Malay ko ba na baka kasabwat ka nung dalawa mong barkada sa pagpatay dun sa isa ninyo pang barkada."

                Tiningnan si Hannah ng lalake. "Okay, I'm just kidding, ito naman hindi na mabiro."

                "What did I tell you babe?"

                "Oo na, sorry. I will never bring that issue back again sa usapan natin." Wika ni Hannah at hinalikan sa pisngi si Jake.

                Napansin nila sa gilid ng highway ang isang karatula, "This way to Hacienda Sto. Domingo."

                "Oh, we're on the right track pala eh." Sambit ni Hannah.

                "Buti naman, akala ko maliligaw na tayo eh."

                "See? Kulang ka lang sa trust eh. Haha."

                Nagpatuloy ang pag-andar ng sasakyan patungo sa daan sa hacienda. Wala silang kaalam-alam sa nakaambang panganib na darating sa kanila.

Continue Reading

You'll Also Like

82.6M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
1.1K 103 27
They're both authors who accidentally meet at a book signing. Rivalry between their book, followers, fans, reads and votes arises as the days pass by...
La Promesa By Judyann Lungsod

Historical Fiction

15.9K 648 33
Lunar Trilogy: Ikalawang Serye "La Promesa" (The Promise) Axyll Espedido and her friends are fans of the story titled 'Sa Panaginip' written by Maria...
91.9K 3.4K 47
"Not every story is meant to be closed." Kasabay ng misteryong nilulutas ng grupo nila Vonjo ay may isa pang kababalaghan na nagaganap. Ngunit hindi...