Hart with Lav and Valentine

By pandan05

1.2K 87 94

Hart and Lav with Valentine. These guys are perfect if your goal is to ruin your life like how their lives ar... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31

Chapter 21

23 1 0
By pandan05

TUSUKAN

Yuto's POV

I told her to meet me at the Talisay Tree, at exactly 5:30. Why changing plans? sino sya para umasta ng ganito.

Damn.

And here I am. Naglalakad papunta sa likod ng school. Sa dinami dami ng lugar na pwedeng pagkakitaan namin, sa abandonadong building pa talaga. Ang ipinagtataka ko lang, bakit alam nya ang mga ganitong lugar dito? may pinagtataguan ba sya?

Nakakainis din yung estudyanteng inutusan nya na gumising sakin. Tsk. You'll pay for this later, Lia.

The truth is, I won in the bet the game. Talo si Valen. He's supposed to accompany Lia to buy her stuffs for tomorrow. But last night, we received a message from Mr. Wu na dapat isa samin kailangang magbigay ng bouquet kay Jiji (lolo) mula sa flower shop ni Thyme. Syempre ayoko ng bumalik dun. Mamaya makita ko na naman syang muli.

So to avoid that situation, ako na mismo ang nagsabi kay Valen na ako nalang ang sasama kay Lia at sya nalang ang pumunta kay Thyme.

Siguro mas mabuti ng mas mainis ako kay Lia habang kasama sya kesa naman makita kong muli si Maicey.

And this Moana girl is really something. She's really different from all the girls. She's one of a kind. An out of this world human being.

It's funny to say but honestly, ako mismo yung naghalungkat ng mga gamit nya kagabi.


Flashback

I turned off my PC and turned on my laptop. I took a glance on the wall and it's 10 in the evening. Alam kong tulog na sya sa mga ganitong oras.

Inubos ko nalang muna ang Cream O ko saka uminom ng tubig bago tumayo para lumabas ng kwarto. And I'm right. She's already sleeping while her legs are far apart from each other. Damn. She's really terrible when she's unconscious.

Naglakad ako papalapit sa kanya saka umupo sa sahig at kinuha ang kumot sa kanyang tabi para ikumot ito sa buong pagkatao nya. I starred at her.

Ang pangit nya.

Tumingin ako sa mga nakakalat na gamit. Pasalamat sya't hindi pa nakakapunta sila Mr. Wu at Jiji dito dahil kapag nangyari iyon, yari sya. Sino ba namang tao ang mag-aapply na katulong na sya pa pala yung nangangailangan nito.

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. I let out a small smile when I noticed some ink on her cheeks. I can tell, she's not smart but somehow diligent.

"Stop starring at her. You're not like that." mabilis akong napatingala at tumayo.

"Stop being nosy. You're always like that."

Mula sa pagkakasandal sa kanyang pintuan ay bumaba ito at lumapit sa akin. "What's with you and kuya Valen? you know, he's also weird these days."

"What do you mean?"

"Syempre ba't ko naman sasabihin sayo? malaman palang nun, kaltok yung aabutin ko sa kanya." saka nya ako binelatan at nilagpasan.

I don't get him. He's the one who's weird.

Hinanap ko nalang yung ginawa ni Lia para sa report namin. And I found the papers on her bag. I took it out and brought it to my room. Pagkatapos ay agad ko itong ibinalik sa loob ng kanyang bag.

End of Falashback


Pinagtugma ko yung mga ginawa nya at inumpisahan kong mga ideas. Buti naman at napagsama ko. Magaling din naman pala sya sa reporting. Yun nga lang mejo maiikli yung mga ginawa nya.

"Yuto!" napalingon ako sa likod at nakita syang hingal na hingal. Tumigil ito sa harap ko at naghabol muna ng hininga. "Anong ginagawa mo dito?"

Nagtagpo ang mga kilay ko. "You told me to come on this area"

Lumunok muna ito bago tumingala sa akin. "Anong ibig mong sabihin?"

"I'm the one who should be asking this. Why do you want to come here?"

Kumumpas kumpas naman ito. "Wala akong sinabing ganun."

Pinagloloko ba ako nito?

"Then why are you here?"

"Kasi nakita kitang naglalakad. Nagtaka nga ako kasi sabi mo 5:30 pero ang aga mo naman." sagot na naman nya sa akin. "Baka maging dinosaur ka pa kung late ako sa usapan natin." bulong nya pero rinig ko naman. "Ano ba yung sasabihin mo? ba't di mo nalang sinabi sakin kanina sa classroom? buong araw kaya tayong magkatabi"

Tsk. Masyado kang mabunganga kaya ayokong mabroadcast mo sa lahat. "About tomorrow. We---"

"Eh anong ginagawa mo dito?" muling tanong nya sa akin. "Napakalayo naman ng lugar na to. Nakakatakot na nga yung mga nilalagpasan kong building eh. Bumalik nalang kaya tayo sa Talisay Tree? total doon naman talaga tayo dapat magkikita diba?"

Saglit akong napaisip.

I think she's telling the truth. Then who the hell planned this?

"Pareng Yuto!" sabay kaming napalingon ni Lia sa likod.

Damn. This Hex Devil is still alive.


Lia's POV

Sino naman iyang lalaking iyan? hindi ko ata gusto ang aura nya. Mukha syang villain sa mga drama na napapanood ko sa TV nila Yayeng. Isama mo pa yung mga lalaking kasama nya na puro may mga dalang kahoy o di kaya mga bakal na handa ng makipag-away ano mang ora---

Napatingla ako kay Yuto.

Di kaya kami yung susugudin nila? wag naman sana. Hindi ako marunong makipag-away. Saka anong laban namin. Dalawa lang kami ni Yuto.

"Such a pity you're still alive." bati din ni Yuto dun sa lalaki

Napasmirk naman ito. "Did you miss me?"

"No, I totally forgot about you." diretsong sagot ng kasama ko sa kanya.

Nagsimulang maglakad yung lalaki papalapit sa amin at nagsisunod naman yung mga kasama nya sa kanya. "But I won't forget you. Lalo na yung ginawa nyo."

"Kasalanan ko bang duwag ka? alam mo namang duwag ka, nakipag-away ka pa samin. Anong napala mo?" kalmadong sabat ni Yuto

Huminto ang lalaki at ang mga kasamahan nya sa harap namin. "Kaya nga babawi ako sa inyo." saka ito ngumiti ng nakakaloko at dumura sa tabi nya kaya napa-atras naman ako.

Yak. Ang ew kasi.

Nahalata ata nya kaya lumipat ang kanyang tingin sakin. "Hi Miss. Malas mo lang at nadamay ka rito" ngisi nya at inilahad ang kanyang kamay sa harap ko. "Hex nga pala. Pride ng Section C."

Bakit hindi friendly yung dating nya? more on mambubully? saka batchmate pala namin sya?

Nagtatalo pa yung isip ko kung makikipagkamay din ba ako sa kanya o hindi. Parang ayoko talaga eh. Kaya lang bago pa ako makapagdesisyon ay hinila na ako ni Yuto kaya napunta ako sa likuran nya.

"Leave her alone" seryosong sabi nito

Muling dumura yung lalaki at inilipat ang tingin sa kanya. "Pati ba naman sa pakikipagkilala ko magkakaproblema pa tayo? hindi pa nga nag-uumpisa ang laban, pinapainit mo na ang dugo ko. Kung makatago ka sa kanya akala mo naman..." maya maya ay ngumiti ito. "Bakit girlfriend mo ba yan? aba! kung ganun nakachamba pala kami haha!" pagkatawa nyang iyon ay nagsitawa naman yung iba. I swear nakakatakot talaga sya.

Yung iba kapag tumatawa gumagwapo, pero bakit sya hindi?

"You think I'll let you?" nakakatakot nga itong si Hex pero nakakaramdam na rin ako ng takot kay Yuto kahit boses lang nya ang naririnig ko.

"At bakit naman hindi?" nawala yung tawa nung lalaki at muling naging seryoso ang kanyang mukha. "Wala yung Valentine at Axel dito. Pati na din yung feeling gwapo at nerd. So sa tingin mo may pag-asa ka sa amin? lalo na't may kasama ka pang chicks na ayaw mong ipahawak sa amin? haha! mas lalo mo lang akong pinapanaganahan eh hahaha!"

Kilala din nya sila gagong oppa?

Napasmirk din si Yuto. "It's been three years Hex. Baka nakakalimutan mo"

"Alam mo ba kung gaano ako kasaya nung nalaman kong bumalik kayo dito?"

"Ikaw lang yung masaya, ako hindi"

"Talagang hindi ka talaga sasaya sa mga gagawin namin. Bonus na yang chicks." matapos ng sinabi nya ay muling lumipat ang kanyang tingin sa akin kaya mas nagtago ako sa likod ni Yuto.

Si Yuto lang pala may kasalanan sa kanila, bakit pati ako isasali? wala naman silang makukuha sa akin? panira lang ako ng away nila dito eh.

"Ikaw ba yung transferee?" baling na naman nito sakin. "Panigurado mas magiging masaya ito. Saka mukhang wala ka pa atang alam tungkol sa school na to. Well, let me tell you. This school is hell. This is not an ordinary school. Ang paaralang ito ay puno ng misteryo. Lalong lalo na mga sekreto ng kasama mo." pag-eexplain nya bago tumingin sa kasama ko. "Diba Yuto? sinabi mo na ba sa kanya kung ano yung mga katarantaduhan nyong ginawa dati? pati na rin sa pamilya ko?"

"Ikaw mismo ang sumira sa pamilya mo. Wag mong isisi samin."

"Kung hindi dahil kay Valentine buhay pa sana ang kapatid ko!" kita ko sa mga mata nya ang pangingilid ng luha nito.

May ginawang masama si gagong oppa?

Tumingala ako kay Yuto at seryoso lang ang kanyang mukha.

"Hinding hindi ko titigilan ang grupo nyo. Lahat kayo uubusin ko! makuha lang ang hustiya ng kapatid ko." seryoso nitong sabi. "Siguraduhin nyong durog ang buong pagkatao ng lalaking iyan!" biglang sigaw nya na syang ikinagulat ko kaya napahawak ako sa damit ni Yuto.

Agad nyang hinagis ang kanyang bag saka mabilis akong hinawakan sa kamay at sabay kaming tumakbo sa likod ko. Diretso lang kaming tumakbo sa malapit na pader ng gusali habang hinahabol kami nung mga lalaki.

Isinandal nya ako sa pader at yumuko sa akin. "Kung mabitawan ko ang kamay mo, kumapit ka lang sa damit ko. That way alam kong safe ka." hindi pa man ako nakakapagreact sa sinabi nya ay humarap na sya sa mga lalaking papalapit sa amin.

Bakit.. feeling ko nawala yung takot ko sa sinabi nya.

Maya maya pa ay nagsilapitan na nga ang mga lalaki at nag-umpisang makipag-away. Bumilis ang tibok ng puso ko. This time bumalik yung takot ko. Hindi ko ata keri na makakita ng nag-aaway sa malapitan. Pakiramdam ko kasi ano mang oras matatamaan ako ng mga kahoy at bakal nilang hawak. Pero hindi naman iyon hinahayaan ni Yuto. Yung mga lalaking lumalapit sa akin ang inuuna nya.

Hindi ko din maiwasang mabilib sa kanya. Kaya nyang makipag-away gamit ang iisang kamay lang. Ako nga siguro kahit gamitin ko pa mga paa ko, talo ako sa isang suntok lang ng mga to.

Ilang sandali pa ang nakalipas at ganun pa rin kami. Hindi ata nauubos ang mga nakikipag-away sa amin. Napakarami ata nila. At nakatago pa rin ako sa likod nya at sya naman ay nakikipag-away habang hawak pa rin ako sa kamay. Gusto ko na sana syang tulungan dahil ramdam ko na mejo pagod na sya.

Inilibot ko ang paningin ko pero wala akong ibang makita kundi ang mga lalaking nagkukumpol na palapit ng palapit sa amin. Nababahala na rin ako kay Yuto. Halata naman kasi na kaya nyang patumbahin ang lahat ng mga ito kung sya lang mag-isa. Kaya lang nandito ako kaya hindi sya makalaban ng patas.

Pagsipa nya sa isang lalaking ay natumba ito at nakakita ako ng stick ng kahoy. Hindi ito malaki, sa katunayan literal na stick lang sya pero pwede na ring pantusok sa mga ilong nga mga gunggong na'to. Madilim na rin kaya kailangan ko na itong makita bago pa ito maglaho o di kaya maapakan at mabali ng iba.

Ayoko mang gawin ito dahil alam kong mapapagalitan ako ni Yuto ay binitawan ko pa rin ang kamay nya. Bahagya syang lumingon sa akin na mejo gulat pero agad akong nagsalita. "Ako nalang ang hahawak sayo." Doon ko lang napansin na puno na ng pawis ang kanyang mukha.

"Baka warugaki. (Stupid Brat) Nani ka atta to omotta (I thought something happened to you)"

Hinid ko naintindihan ang sinabi nya pero sige lang. "Thank you, ikaw din" sabi ko. Kahit nakatalikod sya, ay mejo nakita ko pa rin ang kanyang pagngiti. Mali ba yung sinabi ko? hindi ba Mag-ingat ka yung sinabi nya?

Ilang sandali akong nakahawak sa uniform nya at nung maramdaman kong nakaconcentrate na ulit sya ay hinay hinay kong binitawan ang kanyang damit at gumapang para makuha yung stick. Ilang beses ko itong kinapa dahil madilim na. Buti nalang at nakuha ko.

Mabilis akong tumayo at bumalik sa likod nya. Hindi ko alam pero saglit akong naging proud sa sarili ko habang hawak hawak ko yung patpating kahoy. Hinawakan ko ito ng mahigpit at handa ng itusok sa kung sino man ang lalapit sa gawi ko. Pero dahil mabilis itong si Yuto nauunahan nya ako. Kada may lumapit sa akin inaambahan na nya ng suntok o di kaya sinisipa. Mas mabilis na sya ngayon dahil hindi na sya nakahawak sa akin.

Kaya ang ending ay napunta ako sa gilid nya. Hanggang sa nagkapalit na kami ng pwesto. "Lia?" pagtawag nito sa akin.

"Oo buhay pa ako at andito lang ako sa likod mo kaya kalma kalang. Tutulungan kita." proud kong sabi.

"Don't. Mapapahamak ka lang." sabat naman nito at saglit na lumingon sa akin kaya ang ginawa ko.. sa unang pagkatataon ay tinusok ko nga sa ilong yung lalaking papalapit sa akin.

"Oh di ba?" masaya kong sabi.

Sinong may sabi na hindi ako pwedeng makisali dito?

Hindi nga ako marunong makipagsuntukan, pero kaya ko namang makipagtusukan.

"Just stay behind me. Don't move. That way you'll be safe." saka nya ako muling hinila papunta na naman sa likuran nya na syang mejo ikinadismaya ko.

Nakakainis lang kasi. Kaya ko naman syang tulungan pero bakit ayaw nya? di ba nga dapat matuwa pa sya?

Sarap tusukin nitong strawberry anime na to.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 3.6K 72
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
35.2K 1.8K 26
Two best friends, a blue jay named Mordecai and a brown raccoon named Rigby, work as groundskeepers at a park, along side their vampire/demon best fr...
75.5K 3.2K 40
(under major editing) bl (boys love)
4.4M 95.1K 62
•[COMPLETED]• Book-1 of Costello series. Valentina is a free spirited bubbly girl who can sometimes be very annoyingly kind and sometimes just.. anno...