The CEO's Temporary Bride

By AnjSmykynyze

280K 11.3K 1.7K

When Tamara Jacinto was dared to comment on one of the posts of one of her father's Facebook friends, she has... More

Chapter 1 : The Perfect Dare
Chapter 2: Wrong Turn
Chapter 3: She's Crushed
Chapter 4 - Securing Permit
Chapter 5 - First Day
Chapter 6 - Gift Giving Spree
Chapter 7 - Making Amendments
Chapter 8 - Erochlophobia
Chapter 9 - Rules of Engagement
Chapter 10 - The Unfolding
Chapter 11 - Dark and Twisty
Chapter 12 - Officially His
Chapter 13 - Say You Won't Let Go
Chapter 14 - Supply and Demand
Chapter 15 - What are the Odds?
Chapter 16 - Put on a Happy Face
Chapter 17 - One Sunny Day
Chapter 18 - History Repeats Itself
Chapter 19 - Hot Stuff
Chapter 20 - Butterfly Kisses
Chapter 21- A Needed Distraction
Chapter 22 - Dark Desires
Chapter 23 - University Ball
Chapter 24 - The Payment
Chapter 25 - Drown the Lie
Chapter 27 - The Time Has Come
Chapter 28 - Sealed Fate
Chapter 29 - The Hard Bargain
Chapter 30 - Do I?
Chapter 31 - Losing Something That Can't Be Replaced
Chapter 32 - Unlucky Fate
Chapter 33 - Ready? Game!
Chapter 34 - Breathe. Aim. Fire!
Chapter 35 - His Bed Warmer
Chapter 36 - Her Vow
Chapter 37 - His Hatred
Chapter 38 - Broken Inside
Chapter 39 - Holding On
Chapter 40 - London Lovelorn
***
Chapter 41 - Clashes and Concealment
Chapter 42: Office Politics
Chapter 43: Schemes and Suspicion
CHAPTER 44: Secrets and Consequences
Chapter 45: Unwarranted Suspicions

Chapter 26 - Pop the Question

5.1K 234 10
By AnjSmykynyze

'Give yourself to Evo at magpabuntis ka,' naalala niyang suhestiyon ni Ellena.

Gusto niyang mahalin siya ni Evo pero ayaw niyang pilitin si Evo na pakasalan siya dahil lang sa nagpabuntis siya. Hindi siya pumayag sa suhestiyon ni Ellena. If she is going to give herself to Evo, ito ay dahil mahal siya ni Evo at 'yun ay kung naikasal na sila.

"You are zoning out again, Tamara," reklamo ni Reem, ang dati niyang co-worker noong nag-OJT pa siya sa kompanya ni Evo.

Niyaya siya nitong mag-karaoke dahil nagdidiriwang ito ng kaarawan. Pumayag siyang sumama dahil kailangan niya ng ganitong distraction upang pansamantalang makalimutan ang alok ng lola ni Evo, ang hindi pa niya mapangalanang nararamdaman kay Evo, at ang inis na nararamdaman sa tuwing tinatawag siyang gold digger ng mga netizens na nagkokomento sa balita tungkol sa relasyon nila ni Evo.

"Iniisip mo pa rin ba ang mga komento tungkol sa relasyon niyo ni Sir Evo na nasa social media?" tanong ni Reem.

Tango lang ang isinagot ni Tamara kaya napabuntong hininga si Reem saka nagsalita, "eh kahit sinong babae namang malilink kay Sir Evo, tatawagin naman talaga nilang gold digger."

"Oo nga," pagsang-ayon ni Jessa, "saka baka nakalimutan mo, isa sa top ten richest family in the world ang mga McTavish, kaya kahit sinong malilink sa kanya, pag-iisipan talaga ng masama."

"Sa sinasabi niyo, parang impossibleng mahalin si Evo," padabog na saad ni Tamara saka nagpatuloy, "maliban sa gwapo, mayaman at matipuno ang katawan. Evo is a gentleman. He is every woman's dream."

"Exactly! Kaya huwag mo nang isipin 'yang mga comments sa social media. Inggit lang ang mga 'yan sa'yo dahil wala silang gwapo, mayaman, matipuno ang katawan, at gentleman na boyfriend," saad ni Reem.

"Oy teka! Ba't mo nasabing matipuno ang katawan ni Sir Evo?" sabat ni Jessa, "nakita mo na ang katawan niya?" excited itong nagtanong.

"OMG! Nahawakan mo na ba ang malulutong niyang abs?" Napasinghap na tanong ni Reem.

Kagat labing napangiti si Tamara.

"Ay alam ko ang ngiting 'yan," saad ni Reem sabay turo kay Tamara, "naku magkwento ka!"

"Oo nga, i-share mo kung ano ang pakiramdam," saad ni Jessa.

"Well,"napatingin si Tamara sa itaas habang naiisip ang mga sandaling nakukulong siya sa mga bisig ni Evo.

"He has six packs abs," panimula ni Tamra na naging sanhi naman ng tilian ng mga dalaga.

"Nahawakan mo ba?" tanong ni Jessa.

Napangiti si Tamara dahil naalala niya noong gabing lasing na hinatid si Evo sa kwarto nila. Dahil tulog si Evo, pilya niyang hinawakan ang abs nito habang binibihisan.

"Matitigas ba?" muling tanong ni Jessa.

Sinagot sila ni Tamara ng tango saka sinabing, "parang inukit na bato."

"OMG! Eh ano ang pakiramdam kapag napadampi ang katawan mo sa kanya?" tanong ni Reem.

"Nakakahina ng tuhod. 'Yung tipong parang hinihigop niya ang lakas ko sa simpleng pagpulupot lang ng kanyang mga kamay sa akin," panimula ni Tamara.

Halatang kinilig sina Reem, Shane at Jessa, at napa-dreamy like na rin ang mga ito, kaya nagpatuloy sa pagsasalita si Tamara.

"At tinititigan niya ako habang nakakulong ako sa bisig niya. Whenever he does that, I instantly get lost in his eyes and it felt like all my senses are focused to him," saad ni Tamara.

"Ano ang pakiramdam kapag naghalikan na kayo?" tanong ni Reem.

Napakagat ng labi si Tamara saka sinabing, "ang sarap na para bang ayokong matigil 'yun."

Hindi napigilang mapatili ang mga babae sa sinabi ni Tamara pero agad na nagtanong si Shane, "naisuko mo na ba ang Bataan kay sir Evo?"

"Oi Shane, masyadong personal na 'yan," saad ni Jessa.

"Nagtatanong lang kasi 'di naman nating maipagkakailang may pagka-playboy si Sir Evo kaya siguradong marami na siyang karanasan. Na-curious lang ako kung paano niya i-handle si Tamara," paliwanag ni Shane.

"Hay naku, hindi mo kailangang sagutin ang tanong ni Shane," saad ni Reem kay Tamara, "magkantahan na nga lang tayo. Ang swerte natin dahil konti lang tao dito sa Karaoke bar."

"Oo nga, solo natin ang Karaoke," pagsang-ayun ni Shane saka dinagdag, "hindi nakakahiyang kumanta."

"Oh sige, simulan na natin!" saad ni Reem, "sino ang mauuna?"

"Si Tamara!" sabay na nagsalita si Jessa at Shane.

"Ba't ako?" gulat na tanong ni Tamara.

"Ang tagal na kaya nating hindi nagkita, na-miss ka namin kaya ikaw na ang mauna," pangungumbinsi ni Shane kay Tamara.

"Na-miss niyo ba talaga ako o sadyang pinagkakaisahan niyo ako?" tanong ni Tamara.

"Totoo, Tamara. Na-miss ka talaga namin," saad ni Reem.

"Sige na nga!" nakangiting tumayo si Tamara saka sinabing, "kakanta ako dahil birthday mo."

"Teka, teka!" pahabol ni Reem, "gusto kong kantahin mo ang isang kanta na dedicated para kay boss Evo."

"Bakit? Wala naman siya dito," saad ni Tamara.

"Isipin mo na lang na nandito siya," saad ni Reem.

"Okay" kibit-balikat na saad ni Tamara saka namili ng kanta mula sa songlist.

Nagpunta si Tamara sa mini-stage saka pinindot ang numerong nakatalaga para sa kantang napili niya. Agad na naghiyawan ang mga kasama niya nang makitang "Sweet Love" by Anita Baker ang napili niyang kantahin.

"Go girl!" sigaw ng mga kasama niya.

Pumikit si Tamara upang damhin ang musika. She imagined that Evo is watching her as she started to sing, "With all my heart, I love you baby... Stay with me and you will see my arms will hold you, baby... Never leave, 'cause I believe I'm in love..."

Lingid sa kaalaman ni Tamara, Evo was there, taimtim na nakatitig sa kanya habang damang-dama niya ang pagkanta, "Sweet love, hear me callin' out your name... I feel no shame, I'm in love... Sweet love, don't you ever go away...It'll always be this way."

Halatang kinikilig ang mga nanonood kay Tamara habang pinipigilan naman ni Evo ang sariling lapitan siya. The way she closed her eyes, sway with the music, and gave all her heart in every beat; made him want to claim what she promised in the song she is singing.

Tinapos ni Tamara ang kanyang kanta saka bumaba ng entablado. Si Jessa ang sumunod sa kanya at kinanta ang "Love Story" ni Taylor Swift. Pero nagulat si Tamara nang sabay-sabay na kumanta sina Reem, Shane at Jessa habang nakaharap sa kanyang sa bandang, "Marry me, Juliet ...You'll never have to be alone .... I love you and that's all I really know ... I talked to your dad, go pick out a white dress... It's a love story, baby, just say, YES."

Kunwaring natatawa si Tamara pero ramdam niya ang pagkailang sa tuwing kinakanta ng kanyang mga kasamahan ang chorus na nakaharap sa kanya, lalo na kapag dinidiin nila ang salitang, 'YES'.

'Ano bang meron? Parang sinasabi nilang magpakasal na ako,' sa isip ni Tamara.

Pansamantalang tumigil sila sa pagkanta dahil dumating ang inorder nilang pagkain kaya nabaling ang atensyon ng mga babae sa pagkaing nilapag sa mesa ng waiter. Masayang nag-usap ang magkakaibigan nang biglang tumugtog ang kantang "Iris" by Goo goo dolls at pagkatapos ay narinig nila ang hiyawan nang mapagtanto ng lahat na si Khalid Jacobs, ang sikat na singer, ang siyang kumakanta sa kanilang harap.

"And I'd give up forever to touch you... 'Cause I know that you feel me somehow... You're the closest to heaven that I'll ever be... And I don't want to go home right now," panimula ni Khalid sa kanta.

Naninindig ang mga balahibo ng mga babaeng nanonood dahil sa signature coarse voice ni Khalid, pero napalingon sila nang biglang may kumanta mula sa kanilang likod, "And I don't want the world to see me... 'Cause I don't think that they'd understand... When everything's made to be broken... I just want you to know who I am."

Kinakabahang pinanood ni Tamara si Evo habang papalapit ito sa kanya dala ang isang bouquet of roses. He was singing as if his heart is in to it. Kung hindi niya alam ang balak ni Evo na magpropose sa kanya, iisipin niya talagang galing sa puso ang pagkanta ni Evo.

Tinapos muna ni Evo ang kanta bago siya lumuhod sa harap ni Tamara saka sinabing, "Tamara, I am not good at this but there is one thing I know I am good at and that is loving you."

Parang nahihilo si Tamara dahil sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Inasahan niyang gagawin ni Evo ang surpresa anumang oras pero hindi niya ito napaghandaan. Inakala niyang simpleng proposal lang ang gagawin ni Evo pero hindi niya alam na iimbitahan pa nito ang isang sikat na singer upang tumulong sa gagawing fake wedding proposal.

Dahil sa sobrang kaba, hindi niya lubos na naiintindihan ang mga sinasabi ni Evo. Nagulat na lang siya nang makitang nakapaligid na sa kanila ang mga magulang ni Evo, ang kanyang mga magulang, ang mga pinsan ni Evo at mga dating co-workers sa OJT. Lahat sila ay nakangiting nakatingin sa kanya habang excited na hinihintay ang kanyang sagot na "Yes" sa tanong ni Evo.

'This is all for a show, Tamara,' lihim na pinaalalahanan ni Tamara ang sarili pero hindi niya sinasadyang mapaluha nang sambitin niya ang salitang, "Oo."

It was a fake "Yes" for a fake wedding proposal pero hindi maipaliwanag ni Evo ang sayang naramdaman nang marinig niya ang sagot ni Tamara. Agad siyang tumayo at siniil ng madamdaming halik ang mga labi ni Tamara. Agad namang tumugon si Tamara sa halik niya kaya hinayaan niyang laliman ito. He can't explain why he could not contain the joy he felt, as if he had been waiting for her to say "Yes."

"Binalak niya lahat," pag-amin ni Reem.

"So hindi mo tunay na birthday?" tanong ni Tamara.

Umiling si Reem saka sinabing, "kailangan ko lang gumawa ng dahilan upang sumama ka sa amin."

Tumingin si Tamara kay Evo saka napaisip, 'narinig kaya niya ang mga sinabi ko kanina?'

Agad siyang napasinghap at napatabon sa kanyang mga labi nang maalala ang pinag-usapan nila kanina. She was literally giving herself away when she said that Evo is not only handsome, hot and sexy but also gentleman!

Paniguradong lalaki ang ulo ng hambog na si Evo dahil halata sa ngiti nito ang tagumpay. Pero kahit ganoon, hindi niya maipagkailang namimiss niya si Evo.

'If only this is true,' sa isip ni Tamara, 'ako na siguro ang magiging pinakamasayang bride to be.'

'If only you did not cause my broken heart before,' sa isip ni Evo, 'magiging mas masaya siguro ang tagpong ito. If I only met you in a different way.'

"He made sure that everyone is here," masayang sambit ni Eva, "best wishes, Tamara, I am very happy to welcome you in this family."

Everyone hugged and congratulated her.

"So when will be the big day?" tanong ni William.

"Tamara just said 'yes', dad. We will still be talking about the details after tonight," sagot ni Evo sa kanyang ama.

"But there should be an engagement party, right?" sabat ni Eva.

"Of course," agad na sagot ni Evo habang hinapit si Tamara sa baywang.

"That's great! Then I will have to prepare for that," excited na sagot ni Eva.

"But that should be after we talked about the details," saad ni Evo.

"Huwag kang mag-alala, anak. Whatever you decide as a couple, doon ako magbabase ng mga plans para sa engagement party," maligayang saad ni Eva.

"Bakit hindi na lang ngayon kaagad pag-usapan ang tungkol diyan?" sabat ni Ellena na kararating lang.

"Abuela," agad na sinalubong ni Evo ang lola, "I thought you were still recuperating in the hospital."

"I cannot miss this event, Nieto. Nang malaman ko ang balak mong magpropose, nagpa-discharge kaagad ako sa ospital dahil I have to be here to see it in person."

"Too bad, Tamara already gave her yes," saad ni William.

"Hindi 'yan ang mahalaga. What mattered is that my nieto is finally getting married. At dahil nandito rin naman ang lahat, pag-usapan na natin ang tungkol sa kasal," saad ni Ellena.

"Shouldn't we enjoy first?" sabat ni Evo. "I mean, I just got a yes. I think we deserved to celebrate."

"Evo is right, let's burden with the details later on," pagsang-ayon ni William.

"Two months," malimit na saad ni Ellena kaya lahat ay lumingon sa kanya.

Dahil nakuha na niya ang atensyon ng lahat, minabuti ni Ellena na ipagpatuloy ang kanyang nasabi.

"The wedding should be within two months," suhestiyon niya.

"Two months? 'Di ba masyadong minadali?" tanong ni Tina.

"Don't worry, that can be done basta't kumpleto ang committees at mga resources natin," saad ni Eva.

Hindi na nakasagot si Tina pero halata ang pag-alalang tingin nito kay Tamara.

'Huwag kang mag-alala. Hindi naman matutuloy ang kasal,' ito ang nasa isip ni Tamara na nais niyang sabihin sa kanyang ina.  

Continue Reading

You'll Also Like

135K 2K 32
FRIENDS WITH BENEFITS. normal pakinggan..... tanggap ng lahat pero do ENEMIES WITH BENEFITS could also exist?
77.4K 914 5
Madalas laman ng ilang international concert tours si Vina Lynn. Taon-taon ay iyon ang isa sa pinag-iipunan niya. Pero bukod doon ay ultimate fan gir...
4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
67.1K 1.6K 38
"People change, memories remain." -anakngchardawn "Stab the body and it heals, but injure the heart and the wounds last a lifetime." -Mineko Iwasaki