Flee from Sorrows (Affliction...

By adihiraya

53.7K 1K 109

Published under Paperink Publishing. They say running away from the things that hurt you could be the answer... More

Affliction Series
Flee from Sorrows
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Epilogue
Author's Note
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Chapter Twenty-three

1.3K 31 2
By adihiraya

I can see in Khaos that he's excited, not because it's his birthday but because we're going to see his family. Kahit tahimik siya, kita ko naman sa itsura at galaw niya na sabik siyang makita ang pamilya niya.

Masaya siya kahit na makikita niya lamang sila sa malayuan. Alam niya rin kasi sa sarili niyang mahihirapan siyang lapitan ang mga 'to dahil sila mismo ang nagpaalis sa kaniya.

Pero hindi kaya gusto rin nilang bumalik si Khaos at hinihintay lang siya? Pamilya sila at alam kong hindi rin nila matitiis na mawala ang isa sa kanila at tuluyang lumayo ang loob.

Sana lang talaga magkalakas siya ng loob lumapit. Baka sakaling siya na lang talaga ang hinihintay. Sana magkaayos sila dahil deserve niya 'yon. Birthday niya ngayon. Napakabait niya ring tao kaya alam ko, deserve niya rin ang magagandang bagay sa mundo katulad nang sinabi niya sa akin noon.

Kung tutuusin, para talaga kaming magkasangga. Naiintindihan namin ang pinagdadaanan ng isa't isa. Alam namin kung ano ang nararamdaman namin dahil parehas kami ng naranasan.

Makailang beses nang hinampas ni Khaos ang dibdib niya habang nakasakay kami sa bus. Malalalim ang kaniyang hininga at sa oras na 'to, alam kong kinakabahan siya.

Inulit na naman niya iyon at sa pagkakataon na 'to, kinuha ko ang nanlalamig niyang kamay at pinisil.

"H'wag kang kabahan," sabi ko. "Relax ka lang."

He smiled a bit and heaved another deep sigh again. "I just can't stop thinking, what if they'll see me? Baka magalit sila sa akin kasi nagkapakita pa ako."

Kumunot ang noo ko. "So, you mean, you don't have plans showing to them? Tatanawin mo lang talaga sila sa malayo?"

Mabagal siyang tumango at kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. "Makukuntento na lang ako na tanawin sila sa malayo. Ayos na sa akin 'yon, basta makita ko lang sila ulit."

"Khaos, what if they want to—"

He shook his head to stop me from talking. "I don't want to settle in what ifs, Ahms. What if lang, walang kasiguraduhan. Mahirap umasa, masasaktan lang ako."

I smiled weakly and nodded. "Okay. I'll be just by your side. Hmm?"

"Thank you . . ." he uttered and looked away.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal inabot sa biyahe bago tuluyang huminto sa isang terminal. Nagtawag siya ng tricycle nang makababa kami saka sinabi kung saan ang tungo namin.

Hindi ko maiwasang iligid ang paningin ko dahil sa bagong lugar na napuntahan. Mapuno rito at tila sariwa ang hangin na malalanghap. Hindi gaanong matao sa labas at malinis. Mukhang dispilinado ang mga tao rito, hindi katulad sa siyudad. Marami ang hangin dahil sa polusyon at puro basura ang labas.

"Malapit na ba tayo?" tanong ko kay Khaos dahil may parte rin sa akin na excited makita ang pamilya niya.

"Medyo," sagot niya.

Balisa siya kung kaya't tipid siya magsalita. Naiintindihan ko siya sa parte na iyan. Kung ako siguro, makakaharap ko ang tunay kong ama, baka ganiyang din ang pakiramdam ko o baka mas malala pa. Pero never mangyayari 'yon, ayaw ko siyang makilala.

Hindi ko gugustuhing kilalanin ang taong pinabayaan ako, ipinamigay, at kinalimutan. Bahala na siya sa buhay niya. H'wag na h'wag siyang babalik at magpapakita dahil hindi ko sigurado kung kaya ko ba siyang tanggapin.

Maya-maya pa ay huminto na kami matapos pumara ni Khaos pero napansin kong wala namang bahay sa paligid.

"Nasaan tayo? Wala namang bahay rito, e."

Nagpalinga-linga ako at ang nakita kong bahay ay may kalayuan pa.

"Bumaba tayo sa malayo kasi mahahalata nila kapag doon tayo huminto sa malapit," sagot niya. "Napansin mo naman sigurong walang masyadong bahay sa paligid."

"Kung sabagay . . . edi maglalakad pa tayo?"

"Bakit? Gusto mo bang buhatin kita?" pilosopo niyang tanong kaya naman hinampas ko siya.

"Ang layo kasi!"

"Sabihin mo na lang kung gusto mong magpabuhat." Tumawa siya. "Bubuhatin naman kita kaya h'wag ka nang mahiya."

Sinamaan ko na lang siya ng tingin at nauna nang maglakad. Tirik ang araw kung kaya't naiharang ko na lang ang kamay ko sa itaas ng aking mata upang hindi masilaw. Samantala, sinasadya naman niyang maglakad nang mabagal.

"Bilisan mo!" utos ko.

"Saglit lang! Kinakabahan pa ako," sabi niya.

"Nandito na tayo, malapit na." Kinuha ko ang kamay niya at hinila siya. "This is now or never, Khaos."

"Ang kulit!" napapakamot sa kilay niya na lang na sabi.

Nang malapit na kami ay bumagal kami sa paglalakad. Pumunta siya sa likod ng isang puno at sumilip. May ingay kaming naririnig na parang galing sa bakuran. Mga batang naglalaro.

"They're probably my siblings," he said. "Madalas kasi silang maglaro d'yan."

Pinilit pa niyang sumilip kaya naman gumaya na ako. Pumunta ako sa likuran niya. Doon ko nakita ang isang babae at lalaki. Mukhang nasa edad dose ang babae habang walo naman ang lalaki.

Naghahabulan sila habang hawak ang kanilang mga laruan. Nagtatawanan sila. Nang tingnan ko si Khaos, nag-uumpisa nang maluha ang kaniyang mga mata.

Suminghap ako. Nalulungkot din sa nasasaksihan.

"Happy birthday, Khaos . . ." mahina kong sabi.

Hindi siya nagsalita pero alam kong narinig niya ang bati ko. Pinanonood niya lang ang mga kapatid niya habang may maliit na ngiti sa kaniyang labi.

I don't know what got into my mind when I hugged him from the back. Saglit lang iyon, para lang maramdaman niya na nandito ako para sa kaniya.

"Miss mo sila nang sobra, 'no?"

"Sobra."

Sabay kaming napatago sa puno ng may mag-asawang lumabas mula sa loob ng bahay. Nagkatinginan pa kami bago dahan-dahang sumilip ulit.

"They're my parents," he said.

Pinagmasdan ko ang kaniyang mga magulang. Mukha silang yayamanin. Mukha rin naman silang mabait. Hindi naman halata sa itsura nila na istrikto sila katulad no'ng sinabi niya sa akin.

"Mukha naman silang mabait, ah . . ." komento ko.

"They're good at pretending," he replied. "They just want the people to see that we are a perfect family. Para sa kanila, dapat kaming kainggitan."

Napailing na lang ako saka muling nilingon ang masayang pamilya. Mas lalo akong nalungkot para kay Khaos dahil mukhang ayos at masayang-masaya sila kahit wala siya.

Kita ko sa mukha ni Khaos ang pananabik pero pinipigilan niya lang ang sarili niya na lumapit.

"Ayaw mo ba talagang lumapit?" tanong ko.

Humarap siya sa akin saka ngumiti nang pilit. "Hindi na. Okay na 'ko. At least nakita ko na rin sila pagkatapos ng ilang buwan."

Tiningnan ko ulit ang pamilya niya. Ganiyan din ang pamilya na gusto ko pero ipinagkait din sa akin. Siguro may mga tao lang talaga na minalas sa pamilya.

"Uwi na tayo . . ." aya niya matapos bumuntonghininga.

"Anong uuwi?" kunot noo kong tanong. "Magce-celebrate pa tayo ng birthday mo."

Tumango siya't muling nilingon ang pamilya niya. Matagal siyang tumitigil sa kanila bago tuluyang inalis ang mga mata niya roon at nag-umpisang maglakad.

"Tara na."

I heaved a deep sigh before following him. I don't know how to make him happy like he always does to me. Kapag may problema ako, nandiyan siya para damayan at patawanin ako pero ako, hindi ko 'yon magawa. Nasanay ako na palaging ako ang tinutulungan.

"Amusement park tayo?" tanong ko.

"Mag-e-enjoy ba ako ro'n?"

"Pasasayahin kita kaya halika na!" nakangiti kong sabi.

Hinawakan ko ang gilid ng labi niya at itinaas iyon para pilitin siyang ngumiti katulad nang palagi niyang ginagawa sa akin.

"Smile ka na!" I even smiled widely so he will, too. When his smile showed up, I said, "Better."

Hawak kamay kaming naglakad at tumawag ng sasakyan bago tuluyang tumulak ulit paalis. Nagtapon pa siya ng huling tingin sa bahay nila.

Inabot ulit kami ng oras sa biyahe kung kaya't medyo dumidilim na ng makarating kami sa amusement park sa bayan namin. Bumili agad ako ng ride all you can na ticket para aming dalawa saka siya masayang hinila papasok sa loob.

"Ako ba talaga ang mag-e-enjoy rito o ikaw?" natatawa niyang tanong.

"Dalawa tayo! Let's be happy together!" I shouted happily then held his hand and ran.

There's something that kept on running in my mind for a very long time now. I want to confess to him already. Mahihirapan lang kasi ako kung patuloy kong itatago sa sarili ko 'to.

Lalalim ang nararamdaman ko at ako lamang ang guguluhin nito. Mas mabuti nang maaga masabi upang mawala ang araw-araw na bumabagabag sa dibdib ko. Gusto kong makawala ito upang guminhawa ang pakiramdam ko.

Kung saan-saan kaming rides sumakay kahit na natatakot ako. Gusto kong libangin muna ang sarili ko at pansamantalang mawala ang kabang nararamdaman ko.

Inabot na kami ng gabi. Katatapos lang namin kumain at nagpapahinga kami ngayon sa isa sa mga bench sa gilid.

"Last na nating sasakyan 'yong ferris wheel tapos uuwi na tayo, ha? Gumagabi na masyado, e," aniya.

Tumango ako. "Sige!"

Hinintay ko lang siya hanggang sa ayain niya akong tumayo. Nilulukob ng kaba ang sistema ko. Parang gustong kumawala ng puso ko sa dibdib ko. Nanginginig na ako habang pasakay sa ferris wheel at napansin niya iyon.

Tumatawa siya habang inaalalayan ako paupo. "H'wag mong sabihin na ngayon ka pa kinakabahan pagkatapos nating sumakay sa maraming rides kanina?"

Ngumuso ako. "Ang taas kaya nito!" sigaw ko kahit na ang nararamdaman ko namang kaba ay para sa gagawin ko mamaya.

"Nandito naman ako. H'wag kang matakot."

Nag-umpisa sumigaw ang mga tao nang umandar ang makina. Pumikit ako. Ramdam ko ang unti-unti naming pagtaas at hindi ko alam kung bakit parang umaangat ang kaluluwa ko.

Natatawa niyang hinawakan ang kamay ko nang mahigpit. Sa loob ko'y nagdadasal ako. Bumibilis ang ikot at maya-maya ay huminto kami sa tuktok.

Minulat ko ang mga mata ko pero imbis ba tingnan siya, tiningnan ko ang makukulay na kabahayan sa baba dahil sa malilit na ilaw sa dilim. Tunay na maganda sa paningin pero ang lalaki sa tabi ko'y mas maganda pagmasdan.

Nilingon ko siya saka ko nakitang nakatitig siya sa akin.

Sabay kaming nagsalita. Tinawag namin ang pangalan ng isa't isa.

"Bakit?" sabay ulit naming sabi.

"Wala lang," sagot ko.

"May gusto lang akong sabihin," aniya.

Nagsalubong ang kilay ko. Nag-aabang sa kung ano ang gusto niyang sabihin. May kung ano sa puso ko na mas lalong kinabahan.

"Ano?"

He then sighed and stared at me. Hinawakan niya ang mga takas kong buhok na tumatakip sa aking mukha at inilagay sa likod ng aking tainga.

"I always look forward to seeing you . . ." he said. "Because your angelic face is my favorite to stare at. It's like reminding me that there's good in the bad just by seeing you because you are the perfect example of an angel sent from above. Kahit gaano man kapangit ang paligid, kaya mong pagandahin basta't nandiyan ka."

Tinatangay na naman ako ng matatalinhaga niyang salita. Mas lalo akong nahuhulog dahil parang alam niya kung paano niya ako kukuhanin.

"I … I like you, Ahms," he confessed.

Shocked, I stared at him unbelievably. While they were shouting, my heart was beating so fast because of the guy in front of me.

I was the one who was supposed to confess. Never did I expect that he feels the same way as mine and he's the one who'll say it first.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 48.1K 152
Pa-like po ng status, miss maam. An epistolary.
28.1M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
623K 40.8K 162
Hi, bebi! An epistolary.
2M 76.6K 164
Sml? An epistolary.