The CEO's Temporary Bride

By AnjSmykynyze

242K 10.3K 1.5K

When Tamara Jacinto was dared to comment on one of the posts of one of her father's Facebook friends, she has... More

Chapter 1 : The Perfect Dare
Chapter 2: Wrong Turn
Chapter 3: She's Crushed
Chapter 4 - Securing Permit
Chapter 5 - First Day
Chapter 6 - Gift Giving Spree
Chapter 7 - Making Amendments
Chapter 8 - Erochlophobia
Chapter 9 - Rules of Engagement
Chapter 10 - The Unfolding
Chapter 11 - Dark and Twisty
Chapter 12 - Officially His
Chapter 13 - Say You Won't Let Go
Chapter 14 - Supply and Demand
Chapter 15 - What are the Odds?
Chapter 16 - Put on a Happy Face
Chapter 17 - One Sunny Day
Chapter 18 - History Repeats Itself
Chapter 19 - Hot Stuff
Chapter 20 - Butterfly Kisses
Chapter 22 - Dark Desires
Chapter 23 - University Ball
Chapter 24 - The Payment
Chapter 25 - Drown the Lie
Chapter 26 - Pop the Question
Chapter 27 - The Time Has Come
Chapter 28 - Sealed Fate
Chapter 29 - The Hard Bargain
Chapter 30 - Do I?
Chapter 31 - Losing Something That Can't Be Replaced
Chapter 32 - Unlucky Fate
Chapter 33 - Ready? Game!
Chapter 34 - Breathe. Aim. Fire!
Chapter 35 - His Bed Warmer
Chapter 36 - Her Vow
Chapter 37 - His Hatred
Chapter 38 - Broken Inside
Chapter 39 - Holding On
Chapter 40 - London Lovelorn
***
Chapter 41 - Clashes and Concealment

Chapter 21- A Needed Distraction

4.2K 175 2
By AnjSmykynyze


Ang buong akala ni Tamara ay sadyang magaling lang talagang pumili ng mga damit na pinapasuot sa kanya si Evo, pero pagkatapos ngpag-uusap nila ni Elle, naging malinaw ang lahat. Evo is clearly still in-love with Shawn.

'Of course, he is still in-love with Shawn,' sa isip ni Tamara, 'kaya nga ako nagpapanggap bilang soon-to-be bride niya upang tumigil na ang kanyang mga magulang sa pagseset-up ng date para sa kanya.'

Bumuntong hininga si Tamara habang pinaparada ng kanyang ama ang sasakyan sa tapat ng entrance ng university. Naiinis siya sa sarili dahil kahit alam niyang lahat ay pawang pagpapanggap lang, hindi pa rin niya maiaalis sa kanyang isipan ang mga pinagsaluhan nilang halik ni Evo. They felt so real na kahit ilang araw na ang lumipas mula noong huli silang nagkasama ay tila may batid pa rin niya bakas ng halik ni Evo sa kanyang labi.

"Thanks dad," saad niya pagkatapos halikan ang kanyang ama sa pisngi at saka bumaba ng sasakyan.

'I need a distraction,' sa isip ni Tamara pero agad na nahagip ng kanyang paningin ang guwapong imahe ni Zack na ngayon ay masayang nakikipagkwentuhan sa mga kasamang team mates nito sa basketball varsity team, 'that's it! Zack is the answer.'

Huminga siya ng malalim na para bang nag-ipon siya ng lakas ng loob upang lapitan si Zack. Siniguro niya muna na maayos ang kanyang buhok bago humakbang patungo sa kinaroroonan ni Zack ngunit bago niya ito malapitan ay biglang may kumanta na isang grupo ng mga kalalakihan. May dalang isang bouquet of flowers ang nasa gitna habang itinaas naman ng mga kasamahan nito ang isang cartolina na may nakasulat na, "will you be my date?"

Agad namang nagsi-tilian ang mga babae nang lumuhod ang lalaki habang inaabot ang bulaklak sa nais nitong maka-date.

'Oo nga pala, bukas na pala ang university ball,' sa isip ni Tamara.

Isa ang University Ball sa pinakahihintay na event ng mga estudyante. Katumbas nito ang prom sa high school, ang kaibahan lang ay sa University Ball, lahat ng estudyante mula sa iba't ibang kurso at antas ay makakasali. Talamak ang University Ball proposals na katumbas sa "Promposal" kung saan nag-eeffort ang mga lalaki upang yayain ang kanilang napupusuang babae bilang ka-date sa University Ball.

Agad niyang naalala ang ilang beses na pagtatangka ni Zack na pag-usapan ang tungkol sa university ball.

'Well, I guess it was better na hind niya ako niyaya maging date via text message o phone call,' napangiting naisip ni Tamara, 'maybe he'll set-up a romantic u-ball proposal.' Importante sa isang babae ang magkaroon ng public proposal. Ito din kasi ang naging batayan ng kasikatan sa university. Besides, hindi basta-basta kung si Zack ang gagawa ng proposal. A varsity team captain like Zack would surely make her the most popular lady in the university.

"Tamara!" lumapit sina Rain kasama ang ibang miyembro ng cheerleading team.

"Hi," malapad na ngiti ang iginawad niya sa kanyang mga ka-team members pero napakunot ang kanyang noo nang mapansing nakasimangot si Rain.

"Anong nangyari?" tanong ni Tamara.

"Hindi mo pa alam ang balita?" tanong ni Rain.

"Na si Charina na ang bagong cheer captain natin!" pagsisiwalat ni Rain.

Tulad niya, ayaw din ni Rain na si Charina ang papalit kay Shaye. Mas gusto nilang si Dianne ang papalit kay Shaye.

"Ano? Eh paano nangyari 'yun?" tanong ni Tamara.

"Apparently, natalo ni Charina si Dianne ng isang boto," sagot ni Rain.

"What? Kailan nangyari ang botohan?" tanong ni Tamara.

"Noong isang linggo, sayang nga eh dahil kung nandito ka sana, possibleng si Dianne ang mananalo. Kaso, nasa out of town ka raw nang tawagan ka namin," saad ni Rain.

"Eh nagpaalam naman ako na wala ako noong weekend na 'yun. Sana hindi itinuloy ang botohan dahil kulang ang mga cheerleaders," reklamo ni Tamara.

"Technically, the voting is valid dahil nakaabot sa quorum ang bilang ng mga cheerleaders na present," malungkot na saad ni Rain.

"Paano na 'to? Ayaw pa naman ni Charina sa akin," saad ni Tamara.

"Hindi ka naman niya matatanggal dahil nadeclare ka nang official member ng squad bago umalis si Shaye. Pero ihanda mo na lang ang iyong sarili dahil paniguradong ilalagay ka niya sa likuran tuwing may mga presentations tayo," saad ni Rain.

Bumuntong hininga si Tamara dahil alam niyang magiging kawawa siya ngayon na si Charina na ang cheer captain ng squad pero napakunot ang noo niya sa dinagdag na sinabi ni Rain, "May unang anunsyo ang cheer captain. Basahin mo sa group chat," may halong inis na saad ni Rain habang may binabasa sa kanyang cellphone.

"H-huh?" saad niya saka agad na kinuha ang kanyang cellphone sa kanyang bag.

Agad niyang nakita ang mensahe ni Charina sa groupchat: "All squad members must have a date during the university ball. Kung sinuman ang walang date ay hindi makakasali sa UAAP Cheerdance Competition."

"Seriously?" mahinang bulong ni Tamara pero narinig ito ni Rain at ni Dianne na kararating lang.

"Ano ang kinalaman ng pagkakaroon ng date sa University Ball sa pagiging parte ng cheerdance team?" dagdag ni Tamara.

"Everything!" narinig niyang sumabat si Charina na ngayon ay nakatayo na sa kanyang likuran kaya hinarap niya ito.

"Having no date during the University ball means you are not that desirable," paliwanag ni Charina. She was raising her right brow while saying it pero napalitan ito ng matamis na ngiti nang sabihin niyang, "don't tell me, wala kang date kaya hindi mo nagustohan ang ginawa kong basehan sa pagpili kung sino sa squad members ang makakasama naming magtanghal sa UAAP Cheerdance competition."

Taas noong sumagot si Tamara, "may date ako sa University Ball."

"Really?" nakangiti pa rin si Charina pero halata sa kanyang tinig na hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Tamara.

"Really," lakas-loob na saad ni Tamara.

"I hope it is not just random guys in the university," malumanay pero halatang pang-iinis na saad ni Charina.

"Don't worry, Cap," saad ni Tamara, "hindi mapapahiya ang squad dahil sa date ko."

"That's good!" malimit na saad ni Charina, "but till then, consider your spot in the competition as uncertain."

Hindi na nakasagot si Tamara dahil agad na pumihit si Charina upang maglakad papalayo sa kanila.

"Bakit ba kumukulo ang dugo ni Charina sa akin?" tanong ni Tamara.

"Sa lahat naman siya ganyan, maliban lang sa kanyang mga alipores," sagot ni Rain sa kanya.

"Pakiramdam ko kasi na sinasadya niyang gawing batayan ang pagkakaroon ng date sa University ball dahil inisip niya na wala akong makaka-date," reklamo ni Tamara.

"Ba't mo naman naisip na ikaw ang pinupunterya ni Charina?" si Dianne naman ang nagtanong.

"Siyempre, sa ating lahat, ako ang matagal-tagal na nawala sa university dahil sa OJT ko. Habang busy ako sa OJT, sinasamantala naman ni Charina ang pag-oorganisa ng mga pagtitipon na hindi ako iniimbitahan," paliwanag ni Tamara.

"Sabagay, maraming beses nga palang nagtitipon-tipon ang mga squad members kasama ang mga varsity team," pag-sang-ayon ni Dianne.

"Oo nga," sumang-ayon si Rain pero agad niyang pinalitan ang paksa, "pero na-curious ako sa sinasabi mong date. Buti ka pa, kahit matagal-tagal kang nawala dito sa university, agad kang may ka-date. Samantalang ako na nandito lang sa university, wala pang date."

"Palibhasa, ayaw mo sa mga lalaki," agad na sabat ni Dianne.

"Eh hindi ko naman talaga talo 'yang mga lalaking 'yan," padabog na saad ni Rain saka dinagdag, "mas gugustohin ko pang hindi makasali sa cheerdance competition kaysa pilitin ang aking sarili na makipag-date ng lalaki."

"Sinabi ba na dapat lalaki ang ka-date mo?" tanong ni Tamara.

Agad na lumiwanag ang mukha ni Rain sabay sabing, "oo nga noh?"

"Ang tanong, sino ang papayag na magiging ka-date mo?" tanong ni Dianne, "alam mo namang hindi pa masyadong open-minded ang mga tao dito sa university tungkol sa ganyang mga relasyon."

"Ako na ang bahala diyan," malakas na loob na saad ni Rain saka ibinaling kay Tamara ang tingin nito saka nagtanong, "sino nga pala ang sinasabi mong ka-date mo?"

Kagat labing tumingin si Tamara sa kinaroroonan ni Zack ngunit agad siyang nakaramdam ng dismaya dahil wala na si Zack doon.

"Don't tell me, isa sa mga varsity teams ang makakadate mo!" na-eexcite na saad ni Dianne.

"Secret na lang muna," ningitian ni Tamara si Dianne.

Hindi pa siya natanong ni Zack tungkol sa university ball pero base sa mga nagdaan nilang pag-uusap, ramdam niyang malapit na siyang yayain ni Zack kaya malaki ang kumpyansa niyang hindi siya mapapahiya sa sinabi niya kay Charina.

"Ang galing ah," saad ni Rain, "pa-mysterious effect."

Ngiti lang ang iginawad ni Tamara sa mga kaibigan saka nilibot ang paningin sa paligid dahil hinahanap niya si Zack pero isa na namang proposal ang nahagilap niya sa hindi kalayuan.

'Siguro, nag-iisip pa si Zack ng magandang proposal. Siyempre, team captain siya. Hindi pwedeng mas maganda ang nagawang pakulo ng members niya kaysa kanya,' pangatwiran ni Tamara sa sarili.

Naging epektibo ang paggamit niya kay Zack bilang distraction. Dahil sa mga magkabilang proposals na nanghyayari sa buong unibersidad, nagmistulang valentine's day ang buong araw. Pabonggahan ang mga kalalakihan sa mga ginagawa nilang proposals kaya lalong umasa si Tamara na lalapitan siya ni Zack. Ngunit malapit nang magsi-uwian ang lahat pero wala pa rin siyang natanggap na proposal mula kay Zack.

'Bukas ng gabi pa naman ang university ball. Baka bukas pa ng umaga magpropropose si Zack,' konswelo niya sa sarili habang naglakad siya patungong gym dahil may practice ang mga squad members para sa dance presentation nila sa University ball.

Patungo na sana siya sa locker room nang magtagbo sila ni Zack sa hallway.

"H-hi," una niyang binati si Zack.

"Tamara," malapad na ngiting binati siya ni Zack saka agad na sinabing, "punta ka sa University Ball bukas?"

'OMG! Ito na ba? Is he going to propose?' agad na bumilis ang tibok ng puso ni Tamara saka sinagot ang tanong ni Zack, "siyempre, aattend ako sa University ball."

"Cool! Then will you dance with me?" tanong ni Zack.

It was not that romantic pero parang himatayin si Tamara sa narinig niya kaya pinilit niyang pakalmahin ang sarili saka sinabing, "Of course."

"That's great," lumapit si Zack at nang halos isang pulgada na ang pagitan nila, muli itong nagsalita, "Then, I'll see you tomorrow."

His voice was husky but it was not just the voice that melted her heart away. Mas lumapit pa si Zack at hinalikan siya sa pisngi.

'Zack's kiss will definitely be hotter than Evo's kiss,' saad niya sa sarili saka dinagdag, 'pisngi pa nga lang ang hinalikan ni Zack, halos matunaw na ako. Ano na lang kaya kung sa mismong labi ko na siya humalik.'

Huminga ng malalim si Tamara saka dumirecho sa kanyang locker.

'I need to focus on Zack. Zack will keep on track,' paalala ni Tamara sa sarili habang nilalagay niya ang kanyang kagamitan sa locker saka kinuha ang pampalit niyang damit para sa dance practice.

Ngayong si Charina na ang bagong cheer captain, she cannot have any false move. Alam niyang naiinis sa kanya si Charina kahit wala siyang ginagawa nito. Pero hindi siya magpapatalo. Ngayong miyembro na siya ng squad, mahihirapan si Charina na tanggalin siya. Alam niyang sinadyang gawin ni Charina na batayan sa pagsama sa cheerdance competition ang pagkakaroon ng date sa university ball dahil ang akala ni Charina, wala siyang koneksyon sa mga varsity team members. Ilang beses na nag-organisa si Charina na pagtitipon upang magkaroon ng pagkakataon ang mga squad members na makasalamuha ang mga varsity team members. Hindi siya naimbitahan sa lahat na pagtitipon na ito dahil ang katwiran ni Charina ay nasa OJT siya at hindi siya dapat istorbuhin. Ang hindi alam ni Charina, mismong si Zack ang nakaka-chat niya.

___________________________

*Flashback*

It was the second night of the reunion at muntik nang may mangyari sa kanila ni Tamara. Galing si Tamara sa pakikipag-usap sa lolo niya. She first brought up about his childhood pero hindi nila naiwasan ang mapag-usapan tungkol sa pag-iwan ni Shawn. Tamara tickled his pride so he decided to punish her. Akala niya magagawa na niya ang matagal na niyang binalak, pero mas malakas ang self-control ni Tamara. Kahit ramdam niya ang pananabik ng dalaga, nakakayanan pa rin ni Tamara ang tutulan siya.

Tahimik na tinungga ni Evo ang alak na nilagay ni Mago sa kanyang baso saka muling nag-order ng isa pang shot.

"Mukhang mabigat ang problema mo," saad ni Mago habang nagsalin ulit ng alak sa baso ni Evo, "si Tamara ba 'yan o si Shawn?"

"Matagal nang wala si Shawn at pinakilala ko na sa inyo si Tamara, bakit mo nasabing si Shawn ang pinoproblema ko?" tanong ni Evo.

"Come on, Evo. We all saw what is happening," sagot ni Mago habang inabot ang baso ng alak sa pinsan saka nagpatuloy, "we saw how similar Tamara to Shawn is. She even wore exactly the same dress that Shawn wore when you proposed to her before."

"You noticed?" matabang na tanong ni Evo.

"Of course, we do!" pagkumpirma ni Mago, "nang dumating kayo sa welcome ball kagabi, 'yun kaagad ang napansin ng marami. Everyone thought that you came with Shawn pero nang makalapit na kayo, that's the time we realized that she is not Shawn."

Hindi na nagsalita si Evo dahil mas pinili niyang uminom ng alak.

"So, tell me, are you still drinking for Shawn or is it Tamara this time?" tanong ni Mago.

"I don't know," mahinang sagot ni Evo.

Bumuntong hininga si Mago saka nagsalita, "Tamara seemed nice and Shawn left you. Bakit hindi mo bigyan ng pagkakataon ang sarili mong magmahal ulit?"

"It is complicated, Mago. Si Tamara ang dahilan kung bakit umalis si Shawn," saad ni Evo.

"What? You mean you cheated first kaya ka iniwan ni Shawn?" nagulat si Mago.

"No, no! I did not cheat on Shawn. I've never met Tamara when Shawn left," agad na paliwanag ni Evo.

"Oh? Eh bakit mo nasabing si Tamara ang dahilan ng pag-alis ni Shawn?" nagugulohang tanong ni Mago.

Ipinaliwanag ni Evo kay Mago kung paano naging involve si Tamara sa kagulohang nangyari noong ikakasal sana sila ni Shawn. Surprisingly, he didn't seem upset while sharing the incident to Mago.

"I see, so ang kasunduan niyo ni Tamara ay magpanggap siyang fiancé mo habang hinahanap mo pa si Shawn. Hindi ba lalong lalayo si Shawn kapag malaman niyang magkasama kayo ni Tamara. It will only prove that she was right about you cheating with Tamara all along," saad ni Mago.

Natahimik si Evo.

"Let me guess, you started to like Tamara," saad ni Mago.

"I can't like Tamara," may inis sa boses ni Evo, "she caused all the misery I have now. She will pay for the mistake she has done to me."

"Mahirap 'yan, Evo. Trust me, Baka pagsisihan mo ang gagawin mong paghihiganti kay Tamara. She was naïve back then saka kung mahal ka talaga ni Shawn, dapat binigyan ka niya ng pagkakataong magpaliwanag," sambit ni Mago.

"I caused her accident and killed our first baby noong first time na ikakasal sana kami. I promised her that I will never give her another reason to run away from me," paliwanag ni Evo.

"Pero nasabi mo rin sa akin na naging cold na si Shawn sa'yo. You even said that she seemed to have obligatory sex with you," sinabi ni Mago habang nagsalin ulit ng alak para kay Evo saka sinabing, "maybe she waited for you to make a mistake para guiltless siyang iiwan ka?"

Tahimik na tinanggap ni Evo ang baso ng alak mula kay Mago saka ininom ito. Maaaring tama si Mago pero hindi ibig sabihin na walang kasalanan si Tamara. She still contributed to the incident. If Tamara did not make that prank comment, he would have been married to Shawn now.

"So ano ang balak mo?" tanong ni Mago.

"I will make Tamara fall for me and then I will dump her," malamig na sagot ni Evo saka nagpatuloy, "ipapalasap ko sa kanya ang sakit na dinulot niya nang iwan ako ni Shawn."

"Paano kung mahulog ka rin sa kanya?" tanong ni Mago.

Hindi nagsalita si Evo dahil naalala niya ang halik na pinagsaluhan nila kanina. It was an intense passionate kiss that was supposed to be harsh dahil gusto niyang iparamdam kay Tamara ang galit niya. Pero nang lumalalim ang kanilang halikan, napalitan ng init ang dating malamig niyang intensyon kay Tamara. Hindi niya alam kung sadyang tigang lang siya o totoong may kakaiba siyang nararamdaman kay Tamara.

"Pag-isipan mo ng mabuti ang mga balak mo. Galing ako diyan and I tell you, hindi napapawi ang sakit at galit na nararamdaman mo sa pamamagitan ng paghihiganti. Kahit anong parusang gagawin mo kay Tamara, it will never bring back Shawn," payo ni Mago kay Evo.

Muling uminom ng alak si Evo. Hindi siya pwedeng maging attached kay Tamara. She is just one of the girls who will fill the gap of his longingness while Shawn is still not here. Si Shawn pa rin ang magiging asawa niya; Tamara is just his temporary bride.

"Tama na 'yan Evo," saad ni Mago, "nakarami ka na."

"I had to," saad ni Evo, "I almost had sex with Tamara pero pinigilan niya ako. She is not yet ready and I don't want to push myself to her. I'd rather be drunk and be helpless when I return to our room dahil kung hindi, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko."

Ngumiti si Mago saka sinabing, "ito ang sinasabi ko. You clearly cared for her, you must have felt something special for her."

"Nangako ako sa kanya na hindi ko ipipilit ang sarili ko sa kanya. So I will do whatever I can so she will be the one who will intentionally throw herself to me," saad ni Evo.

"Mag-ingat ka lang, Evo. Traydor ang pag-ibig, baka hindi mo mamalayang nakapasok na pala ito at binago ka na nito" saad ni Mago.

*end of flashback*

Muling tinungga ni Evo ang alak mula sa boteng hawak habang inalala ang pag-uusap nila ni Mago. Bago ang nangyaring photoshoot, buo ang loob ni Evo, Tamara is just his temporary bride and that he will seduce her so he can have his revenge. Pero tila hindi ito ang nangyari nang halikan niya si Tamara sa harap ng marami.

'Hindi ako pwedeng mahulog sa kanya,' sa isip niya habang umiinom ng alak.

'Si Shawn lang ang para sa akin. Tamara is just someone who fills my longing,' pangungumbinsi ni Evo sa sarili pero hindi niya maiwaksi sa isip ang huling halikan nila ni Tamara.

It was very passionate to the point that he forgot about everything. It was something that he needed to have enough strength to let the kiss end.

'Tigang lang ako. Maybe I just need to get laid,' sa isip ni Evo saka tumango at sinabi sa sarili na, "Yeah, I just need to get laid tonight."

Continue Reading

You'll Also Like

4.6K 137 12
Sunod-sunod ng kinakasal ang mga kaibigan ni Coffee at siya ni boyfriend ay wala. Bente-otso na siya pero hanggang ngayon NBSB pa rin. As in zilch, z...
38K 323 62
Akala ko, siya na 'yong taong para sa akin pero isa na naman palang maling akala. All Right Reserved ...
756K 59.2K 62
Nicomaine Mendoza is a struggling student in need of additional income to finance her studies. She lands a job in Faulkerson Consulting as Girl Frida...
357K 9.9K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...