Beautiful Mistake (Mafia Seri...

By Clovertell

7.6M 200K 126K

She's an ordinary college girl, both of her parents were dead and she's an only child. She lived in her Mothe... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Author's note
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Please Read!
THAIRON STORY!
Basahin niyoooo
I miss y'all:(

Kabanata 28

182K 4.2K 3.3K
By Clovertell

Nagising ako ng marinig kong sumarado ang pinto.

"Ma'am, mabuti po at gising na kayo" sabi ni Manang Elsa. Meron siyang dalang tray at pagkain.

Napangiwi ako ng maramdaman ko ang sakit ng aking katawan. Sumandal ako sa headboard at mariing pumikit. Nilapag naman muna ni Manang Elsa ang pagkain at tray sa mesa at lumapit sa akin.

"okay lang po kayo Ma'am?" nag-aalalang wika niya at tiningnan ang katawan kong may nakabalot na kumot.

Dumilat ako at tumango.

"S-Sigurado po kayo? uh... sige po" lumapit siya sa mesa para kunin ang tray pero pinigilan ko siya.

"Diyan niyo nalang po muna ilagay. Salamat po" wika ko at binalik niya iyon sa lamesa. Panay ang sulyap niya sa akin, bakas ang pag-aalala at nararamdaman kong parang ang dami niyang gustong itanong sa akin. Siguro ay nahihiya lang siya.

Nang lumabas na siya ng kwarto ay bumangon ako at pumasok sa banyo.

Hindi ko alam kung ilang oras ako nanatili sa banyo. Pagkatapos kong maligo ay hindi agad ako lumabas. Lumabas lang ako ng makarinig ako ng takot galing sa pinto.

"Ma'am, nandito po si Ma'am Sandra. Naghihintay po sa baba" Mommy siya ni Axel.

Tumayo ako at agad na sinuot ang bathrobe. Pinunasan ko ang aking luha at binuksan ang pinto.

"Sige po, susunod ako" sabi hindi makatingin ng diretso sa kasambahay kasi alam kung namumugto ang mata ko sa kakaiyak.

Nanatili ang titig niya sa aking mukha ng ilang segundo bago marahang tumango at umalis.

Bumaba ako pagkatapos kong magbihis. Naabutan ko si Tita Sandra na nakaupo sa sala. Naka floral dress siya at may dalang shoulder bag. Agad siyang ngumiti sa akin ng makita niya akong pababa ng hagdan.

Axel's Mom is simple and kind si Tito Bryan naman na Ama niya ay mukha itong suplado at strikto. Natakot nga ako noong una kong kita ko sa kanya, medyo mataba ito at may bigote, ni hindi ko 'yon nakitang ngumiti.

Pajama ang sinuot ko baka kasi makita niya ang pasa ko sa bandang hita ko.

"Kakagising mo lang, hija?" wika niya at linapitan ako. Napakabanayad ng kanyang boses at ang hinhin niya gumalaw. Siguro ay nasa 40s na siya pero ang bata niya tingnan.

"Hindi po, kakatapos ko lang maligo" sabi ko at umupo sa sofa. Tumabi siya sa akin.

"Pupunta ka ba sa kompanya ng anak ko ngayun?"

Tumango ako. " Opo, dadalhan ko po siya ng lunch" nakangiti kong wika. I saw how her eyes twinkled and a smile gradually formed on her lips.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Alam mo ba, hija. Mahal na mahal ka ng anak ko. Ikaw ang palagi niyang bukang bibig magmula pa noong nag-aaral siya" she smiled. The wrinkles in the corner of her eyes appeared. "And I'm happy that you two were finally together. He's an only child, mabuti nga at nandiyan ang pinsan niyang si Markus, napaka close nila simula pa pagkabata. Para na silang magkapatid" tumingin siya sa malayo, tila ba inaalala niya ang masasaya nilang araw noon.

"Lahat binibigay namin sa kanya para sa ikakasaya niya at napakasaya ko kasi nakuha niya rin ang babaeng gusto niya..." she said while looking at me. I forced a smile.

She sigh and removed her hand from my hand. " Sabay na tayong pumunta sa kompanya niya"

"S-Sige po. Anong oras na po ba?" tiningnan niya ang kanyang silver wrist watch.

"11: 30 na" medyo nagulat naman ako sinabi niya. Magtatahali na pala.

"Sige po, magbibihis lang po ako" wika ko at tumayo. Tumango siya at nginitian ako.

Pagkadating namin ay katulad ng palagi kong nakikita ay abala ang mga construction workers sa pagtatrabaho. Dalawang payong ang hawak ng tauhan na kasama namin. Isa ay sa akin ang isa ay kay Tita Sandra. Binati kami ng ilang nagtatrabaho doon ng makita nila kami. Agad namang tumayo ng maayos ang isang bading na engineer na nakahawak sa braso ng lalakeng katabi niya. Ngumiti siya sa amin.

Naabutan namin si Axel na may kausap na babae. Agad itong napabaling sa amin ng pumasok namin. Sa suot ng babae ay sa tingin ko ay nagtatrabaho din siya dito.

"Sige po, Sir." paalam niya kay Axel at magalang na bumati kay Tita Sandra. Ngumiti naman siya sa akin bago lumabas.

Axel wasn't surprised that I'm with her Mom. Tumayo ito at nakipagbeso sa kanyang Ina habang malamig na nakatingin sa akin. Alam kong galit parin siya dahil sa nangyare kagabe.

"Eris, hija. Halika rito" tawag sa akin ng kanyang Ina.

Umupo ang kanyang Ina sa harap ng table niya. Nilapag ko naman ang lunch niya sa ibabaw ng kanyang mesa. Abala siya sa kanyang laptop.

"Eto na ang lunch mo" malamig kong wika. He nodded without looking at me.

Tahimik kaming pinagmamasdan ng kanyang ina.

"Are you two... okay?" Her mom asked. Sinulyapan ko si Axel. Magkasalubong ang dalawa niyang kilay habang nakakatitig sa kanyang laptop.

"Yes, we're okay" he answered after a few seconds at binuksan ang dala kong lunch.

Tita Sandra cleared her throat and glance at me. Maybe she noticed the heavy atmosphere between us. Naglakad naman ako patungo sa sofa.

"kumain na kayo?" Axel asked her Mom.

They were talking for almost 30 minutes already and my butt is getting numb. I'm getting bored at naiihi ako.

Tumayo ako at tahimik na naglakad patungo sa pinto.

"San ka pupunta?" napatigil ako ng magsalita si Axel.

"Mag c-cr" hindi pa kasi tapos ang banyo dito sa loob ng opsina niya.

"Excuse me, Mom" mahina niyang sabi sa kanyang Ina at nilapitan ako.

Walang emosyon ko siyang tiningnan kahit nakita ko ang galit sa mga mata niya.

"Sigurado kang mag c-cr ka?" mahina niyang sabi. Tila bulong lang iyon para hindi marinig ng Ina niya.

"Mukha ba akong nagsisinungaling?" hinawakan ko ang doorknob at lalabas na sana ng hawakan niya ang braso ko. Agad ko siyang tinulak.

"Huwag mo akong hahawakan" galit kong sabi. Ang mata ko'y unti unting nanubig.

Gumalaw ang kanyang panga at matalim akong tinitigan. "Sasamahan kita" hinila niya ang braso ko.

"Mag c-cr lang ako Axel!" lumakas ang boses ko sa inis. Iniisip niya sigurong baka tatakas ako. Ganyan naman palagi ang iniisip niya.

Napatingin ako sa likod niya ng makita kong tumayo si Tita Sandra.

"Anong problema?" mahinahong wika ng kanyang Ina. Agad ko namang pinunasan ang ang aking luha. Pumikit ng mariin si Axel bago niya ako binitawan.

"Mag-c-cr lang po ako" kalmado kong sabi sa kanyang Ina at agad na lumabas.

Mabuti at nandoon si Tita Sandra. Kung wala ay baka sinaktan na naman niya ako.

Mabilis ang lakad ko palabas. Agad na sumunod sa akin ang dalawa niyang tauhan. Inalis ko ang mga luha ko bago lumiko patungo sa restroom.

"Pwede bang dito lang kayo? Mag-ccr lang naman ako" seryoso kong wika. Nagkatinginan sila bago tumango.

Binati ako ng ilang construction workers ng makasalubong nila ako pero dahil wala ako sa mood ay hindi ko sila pinansin. Wala pang pintura ang dingding dito at mula sa mulayo ay nakita ko hindi pa natatapos na dingding ng gusali, mga bakal palang ang nandoon. Siguro ay nasa sampung lalake ang nagtutulungan para tapusin 'yon.

Pagkatapos kong umihi ay hindi agad ako lumabas. Pinakalma ko muna ang aking sarili.

Pagkalabas ko ng cubicle ay laking gulat ko ng may makita akong tatlong construction workers. Wala pang damit pang itaas ang isa.

Siguro ay makiki cr? Pero for women to ah.

Nakatitig silang tatlo sa akin at ngumiti ang isa. Parang may sasabihin ito pero umiwas ako ng tingin at mabilis na naglakad. Baka ano pang gawin nila sa akin.

Napatigil ako ng may humawak sa akin. Agad akong kinabahan ng balingan ang isang construction worker na hawak ang kamay ko. Lumapit din ang dalawa niyang kasama.

Hinila ko ang kamay ko pero mahigpit ang pagkakahawak niya doon.

"B-Bitiwan mo ako" parang maiiyak na ako sa sobrang takot.

"hey-"

"Bitiwan mo ako, sabi!"

Nagtaka ako ng mahina siyang tumawa habang seryoso naman ang dalawa niyang kasama.

"Ako to" sabi niya at nginitian ako. My brow wrinkled at tiningnang mabuti ang kanyang mukha. Napansin ko ang kulay asul niyang mata.

"D-Dion?..."

Lumawak ang ngiti niya. "Yes, ako to Mrs. Villamor"

Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ng mabuti ang kanyang boses.

Si Dion nga!

Siguro ay sa sobrang tuwa ay napayakap ako sa kanya, naestatwa siya sa ginawa ko. Tiningnan ko ang dalawang lalake sa likod niya at ngumisi ang isa. Pamilyar sila.

"t-teka...madumi ako" wika ni Dion

Inalis ko ang braso ko sa leeg niya at tiningnan siya ng mabuti.

"Ba't... parang umitim ka?... at paano kayo napunta dito? Nagtatrabaho ba kayo rito?"

"Syempre nag disguise kami" wika ni Dion at binalingan ang dalawa niyang kasama.

"Sino sila?"tanong ko

"Si Peter at si Sam 'yan"

Tiningnan ko ng mabuti ang mukha nilang dalawa at doon ko napagtanto na sila nga 'yon!

"Hi" sabi ni Sam at ngumiti naman si Peter.

Hindi ko makapaniwala na nandito sila. Hindi ko sila nakilala dahil sa suot nila at naging moreno kasi sila at medyo madungis sila tingnan. Puro sila nakasuot ng jeans at boots. Medyo madumi ang suot nilang damit, siguro ay nagtrabaho talaga sila. Except kay Sam na walang suot pang itaas!

Ba't ba walang suot ang isang to? naka gloves at silver hard hats siya. Si Dion ay naka denim jacket na naka bukas ang lahat ng kanyang butones habang naka grey tank top naman si Peter at orange na hard hats.

"Nagpapanggap pala kayong construction workers para makapunta dito?" sabi ko at tiningnan silang tatlo.

"Yeah," simpleng sagot ni Sam at inayos ang hard hats niya. "Ililigtas ka namin sa stalker mo"

"Slash drug addict" dugtong ni Peter

"p-paano niyo-"

Sabay kaming napabaling ng biglang bumukas ang pinto.

Nakita kong pumasok si Enzo at sunod ay si Thaigo. Pareho din ang suot nila kina Dion. Jeans, boots, gloves. Itim na tank top kay Enzo habang puti naman kay Thaigo. Hindi ko maiwasang hindi mapansin ang maganda nitong katawan. Malapad ang kanyang dibdib at malalaki ang muscles and his tattoos makes him more even hotter.

"Ayan na pala sila" sabi ni Dion kaya napaiwas ako ng tingin kay Thaigo.

"Eris, Ano? Sasama ka ba sa amin?" sabi ni Enzo ng lumapit sa akin. Nasa tabi niya si Thaigo na walang ekspresyon ang mukha. Sa kabila naman ay sina Dion, Peter at sam. Pinapalibutan nila akong lima.

"Ba't mo pa tinatanong 'yan? Syempre sasama siya sa atin" sabi ni Dion

"Mabuti ng makasigurado tayo. Malay niyo mahal niya talaga si Axel" nakangising wika ni Sam. Enzo scoffed while Thaigo averted his gaze.

"Stalker niya si Axel dati and he's obviously obsessed to Eris so there's a possibility na baka pinilit niya lang si Eris or..." binalingan ako ni Peter " maybe he threatened her. Mag-asawa na sila ni Thaigo at may anak na at... sabi naman ni Dion mukhang..." umiwas ng tingin si Peter sa akin. Parang nahihiya. " Mahal naman nila ang isa't isa," nakita kong nagpipigil ng ngiti si Dion pero napansin iyon ni Thaigo kaya agad din siyang sumeryoso.

"Kaya parang kaduda duda na basta nalang umalis si Eris at sumama kay Axel gayung... mahal niya si Thaigo at anak nila"

Sumulyap ako kay Thaigo pero agad din akong umiwas ng tingin ng makita ko siyang nakatitig sa akin.

"Eris, pinilit ka lang ba talaga niya?" tanong ni Enzo.

Tiningnan ko silang lima at huminga ako ng malalim bago marahang tumango. Sabay pa silang tumingin kay Thaigo pagkatapos kong tumango. Nanatiling seryoso ang kanyang mukha. Hindi ko alam kung naniniwala siya sa akin.

Magsasalita pa sana si Enzo ng pumagitna si Thaigo.

Nasa harap ko na siya.

"Just to make it short. Sasama ka sa amin o hindi?" he coldly said.

"S-Sasama..."

Biglang pumalakpak si Dion.

"Bravo!" lahat kami ay napatingin sa kanya. " Tara na, umalis na tayo dito" sabi niya at nauna ng maglakad palabas ng cr.

"Teka, may mga tauhan si Axel baka makita nila tayo"

Napahinto sila sa paglalakad. Si Thaigo ay nasa likod ko.

"Ay, gago meron nga" mabilis na lumakad pabalik si Sam. Nagsisiksikan kami ngayun sa pinto ng banyo.

Binuksan ko ng konti ang pinto at sumilip. Sa tabi ko si Dion at Enzo sa kabila naman ang dalawa, sa likod ko si Thaigo.

"Wala ba kayong dalang mga tauhan?" tanong ko

"Meron, sa labas. Hindi namin pwedeng dalhin dito lahat baka masyado silang makahalata"

"Ako na mauuna" napabaling ako kay Sam.

"Ako nalang, titingnan ko muna ang dalawang nagbabantay sa akin. Baka pumunta 'yon dito kasi kanina pa ako nandito" sabi ko.

"Delikado Eris baka hindi ka na nila pabalikin. Ako nalang muna" sabi ni Sam.

"Tumigil ka nga Sam, baka pumalpak ka pa" medyo nagulat ako ng magsalita si Peter.

"Huy, matalino kaya ako. Makakaasa kayo sa akin. Akong bahala" at bubuksan na sana niya ang pinto ng pigilan siya ni Peter. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Thaigo mula sa aking likod. Napailing naman si Enzo.

"Gago ka ba? Hindi mo man lang itatago 'yang baril mo?" sabi ni Peter. Napatingin ako sa kamay ni Sam. May baril na pala siyang hawak.

"Ang bobo" mahinang sabi ni Peter. Binalik naman ni Sam ang kanyang baril sa bulsa niya.

"Baka ikaw ang bobo" sabat ni Sam. " Hinaluan mo ng lupa yung ginagawa nilang semento kanina. Napagalitan ka tuloy" tumawa si Sam at napatahimik naman si Peter.

"hay naku. Pwede naman tayong lumabas na lima. Hindi tayo makikilala, naka disguise nga tayo, 'di ba?" Dion boredly said.

Wala sali salitang lumabas si Thaigo. Nagulat kaming lima at agad siyang sinundan.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Axel at ang dalawang tauhan na nasa magkabilang gilid niya.

"Here he comes" Sam cooly said. Binalingan ko sila. Nasa likod ko ang apat habang nasa tabi ko naman si Thaigo. Madilim ang mukha niya habang nakatitig kay Axel.

Papalit palit ang tingin ni Axel sa mga kasama ko. Hahawakan na sana ako ni Thaigo pero naunahan siya ni Axel.

"Ba't ang tagal tagal mo!? " galit na wika niya at tiningnan ang limang lalake sa likod ko. " At sino sila? Ba't magkasama kayo galing sa banyo!?"

Hinila niya ng malakas ang braso ko. Muntik akong matumba dahil doon. I heard Thaigo cursed kaya napabaling ako sa kanya. Nakita kong nilabas niya ang kanyang baril galing sa likod niya. Pati ang apat ay may hawak naring baril.

Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Axel ng makita niyang may mga hawak silang baril. Naalarma ang dalawa niyang tauhan at kinuha din ang kanilang mga armas. Napatingin ako kay Dion ng sinensyasan niya akong lumapit sa kanila.

Naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni Axel, at parang may kinukuha siya sa kanyang bulsa kaya mabilis akong humakbang papunta kina Thaigo pero nahila niya ulit ang buhok ko. Napaupo ako sa sahig habang hawak hawak niya ang dulo ng aking buhok.

Nakita kong paano gumalaw ang panga ni Thaigo at kinasa ang kanyang baril.

"Tawagin niyo ang ibang tauhan!" sigaw ni Axel. Tumango ang isa at akmang kukunin ang kanyang walkie talkie ng makarinig ako ng dalawang putok. Nagulat ang isa niyang kasama at tiningnan ang kasama niyang nabaril. Ikakasa niya palang ang kanyang baril ng naunahan siya. Naestatwa si Axel at binalingan ang mga walang buhay niya ng mga tauhan.

I saw Sam smirked at hinipan ang dulo ng kanyang baril at binalingan si Peter na kakababa lang din ng kanyang armas. Sobrang bilis ng pangyayari. Ni hindi ko napansin ang paggalaw ng kamay nila.

Nagsitakbuhan naman ang ilang construction workers na nagtatrabaho.

Napamura si Axel at kinaldkad ako patayo habang nakatutok ang baril sa leeg ko.

"Sino kayo ha!?" sigaw ni Axel. Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya.

"Let her go" Thaigo fevently said. Glaring at Axel.

"Ibaba niyo ang baril niyo kung hindi papatayin ko si Eris!" pagbabanta niya.

Hinahampas ko naman ang kanyang kamay na nakahawak sa aking buhok pero hinigpitan niya ang hawak doon. Napasigaw ako sa sakit.


"fuck!" sigaw ni Thaigo at humakbang palapit sa amin. Narinig ko ang pagkasa niya ng kaniyang baril.

"Huwag kang lalapit!" wika ni Axel.

Napatigil si Thaigo at napansin kong gumalaw ang paa ni Enzo. Para siyang may sinesenyas until I saw Thaigo mouthed the word 'kick him' habang nakatutok ang baril kay Axel.

Pinakiramdaman ko muna siya at nakita kong parang may dinudukot siya sa kanyang bulsa. I glanced at Thaigo once again, he nodded and I kicked the thing between his legs and ran. Tumama ako sa dibdib ni Thaigo at nakita kong tinutok sa akin ni Axel ang baril. Pumikit ako at hinintay na tumama ang bala sa akin pero napaigtad ako ng makarinig ng malakas ng putok galing kay Thaigo.

Natulala ako ng makita si Axel na nakahiga na sa sahig at may dugo sa kanyang tiyan. Umangat ako ng tingin kay Thaigo at nakaangat parin ang kamay niyang may baril at nakatutok ito kay Axel.

Axel is still moving. He was coughing blood. Parang gusto niyang bumangon.

"E-Eris..." mahinang wika ni Axel. Habang hawak hawak ang kanyang tiyan. Gustong bumangon. Ang baril niya ay sa bandang ulo na niya.

Hinawakan ni Thaigo ang ulo ko at pinaharap ako sa kanyang dibdib ng makarinig ulit ako ng dalawang putok. Napahawak ako sa aking tenga.

Nanginginig ako sa takot. Ngayun lang ako nakakita ng patayan. Umangat ako ng tingin at walang reaksyon ang mukha ni Thaigo. Tila ba normal lang ang pag patay sa kanya. Tahimik naman ang apat sa likod, na parang wala lang nangyare, walang bakas ng gulat o ng kung anong takot sa mga mukha nila. Sanay na sila sa ganitong gawain.

Tiningnan ko si Axel na meron ng tatlong tama ng baril. Dalawa sa tiyan at isa sa dibdib. Hindi na ito gumagalaw at pikit na ang mata.

"We need to go. Baka papunta na dito ang ibang tauhan niya" sabi ni Enzo sa likod.

Sam whistled. "They're actually here" napabaling kami ni Thaigo sa harap at nakita namin ang mga nasa sampung lalake na tumatakbo patungo sa direksyon namin at may mga hawak na baril.

"Go" sabi ni Thaigo at pinauna ako.

"Let's go, Eris" sabi ni Peter sa likod ko.

Parang napako naman ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko maalis ang mata ko kay Axel na wala ng buhay. Hindi ako makapaniwalang pinatay siya ni Thaigo.

Thaigo, Enzo, at Dion ay nasa harap namin.

"Umalis na kayo. We will cover you" sabi ni Thaigo at hinanda ang kanyang baril.

Biglang nagpaputok ang mga kalaban kaya hinila na ako ni Peter paalis, kasunod ko si Sam na tumulong kina Thaigo sa pagbaril sa mga kalaban.

Habang tumatakbo kami ay kina Thaigo ang atensyon ako. Mabilis silang umaatras habang nagpaputok ng kanilang baril sa mga kalaban.

Hawak hawak ni Peter ang kamay ko habang pababa kami ng hagdanan. Nasa bandang likod na kami ng building. Habang pababa ay nakita ko ang isang itim na 4x4 at tatlong itim na SUV. May mga nagkalat na mga tauhan ni Thaigo.

Dumiretso kami sa 4x4 na sasakyan at agad akong pinapasok ni Peter.

"Teka, sina Thaigo?"

"Susunod sila" wika niya at tinawag ang isang tauhan. Nasa loob na ako habang nakabukas ang pinto.

"Pumasok na dun ang ibang tauhan?" tanong ni Peter.

"Opo, tumulong na kina Sir Thaigo" sabi no'ng tauhan.

Nakahinga naman ako ng malalim na may tumulong kina Thaigo pero dinig ko parin ang mga palitan ng putok ng baril mula sa loob ng gusali.

Natanaw ko ang sa tingin ko ay tauhan nina Thaigo na pababa ng hagdanan sunod ay si Sam, Enzo, Dion at huli ay si Thaigo. May mga iba pang tauhan sa likod nila na patuloy sa pagpapaputok.

Dalawang putok ang huli kong narinig bago tumahimik ang paligid.Napangiti ako ng makita silang ligtas at walang kahit isang sugat.

Tumakbo sila patungo sa amin habang ang ibang mga tauhan ay nagsipasok narin sa SUV. Umikot si Peter at umupo sa tabi ko. Si Dion ay umupo sa driver's seat at sa tabi niya ay si Enzo. Si Thaigo naman ay umupo sa tabi ko, napapagitnaan nila ako ni Peter habang si Sam naman ay dumaan sa likod. Hinihingal pa siya at puno ng pawis ang kanyang katawan. Ba't kasi wala siyang damit.

Tumingin ako sa labas at may nakita akong dalawang lalake na pababa ng hagdan na may hawak na rifle at pinaputok 'yon sa sinasakyan namin. Yumuko ako at nagtakip ng tenga pero wala namang pumasok na bala? Hindi rin nag panick ang mga kasama ko.

Umupo ako ng maayos at tiningnan si Thaigo, kunot noo niya akong tinitingnan, nagtaka siguro kung ba't ako biglang yumuko. Binalingan ko si Peter at nakangisi siya sa akin.

awkward akong ngumiti. "Akala ko kasi..."

"This is bulletproof" sabi ni Peter

"Ah..." marahan akong tumango at tumingin nalang sa harap kahit ramdam ko ang paninitig sa akin ni Thaigo.

Unang umalis ang isang SUV at sunod ay kami, sa likod namin ay ang dalawa pang SUV. Tahimik lang kami hanggang sa makarating na kami sa highway.

___

Malapit na itong mataposಥ‿ಥ

Eto yung 4x4 ni Thaigo na sinakyan nila.

Sam, hubadero

Just imagine, he has tattoos

I MADE AN FB ACCOUNT NA PO.

https://www.facebook.com/profile.php?id=100080384116320

ADD ME SO YOU CAN JOIN OUR GC!

Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 135K 75
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| ROMANCE #3 08|18|19 Last year na ni Clay sa isang sikat na University sa Maynila. Napagaral at napagtapos nya ang kanyang...
514K 19.1K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
931K 34.1K 49
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paa...