A Hidden Gem (Fate Series#3)

De omyerika

8.8K 645 2.4K

Princess Naomi Mikayla Madriaga is the demure and gullible Interior Designer student of University of Santo T... Mais

Author's NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Author's NOTE

Chapter 24

110 6 16
De omyerika

"Huwag mong masyadong babaan dyan sa part na yan. Try mo ulit."


Kinanta ko ulit yung part na sinabi niya pero sa ibang pitch.


Nandito na ako ngayon sa condo ni Gino, sa secret room niya to be specific, para praktisin yung kakantahin ko sa talent portion. Naiinis nga siya kung bakit daw yun pa yung gusto kong kantahin, dapat daw iba nalang, pero sinusunod pa rin niya yung gusto ko hahaha.


"Better. Now from the top," sabi niya kaya umulit kami simula sa umpisa.


Kitang kita naman na sobrang seryoso niya sa bagay na ito, para bang kinakareer niya talaga. And seeing how passionate he is, makes my heart flutter even more for him.


"Iniinvite ka pala ni mama ng dinner sa bahay bago raw kayo umalis," sabi ko sakanya nung break na namin.


Uuwi raw kasi sila muna ng papa niya sa U.S. at doon muna magpapasko eh. Nakakalungkot nga eh, kasi unang pasko namin na magkasintahan tapos hindi man lang kami magkasama pero okay lang, mahaba pa naman byahe, marami pang pasko ang iseselebrate namin sa susunod na taon hehe.


"Sige lang," sabi niya habang may inaayos sa lyrics.


Tumango nalang ako at hindi na nagsalita para hindi siya maistorbo. Inayos ko na nang konti yung salamin ko tsaka nilibot yung paningin ko dito sa kwarto kung nasaan yung mga vintage na gamit ni Gino. May nakita naman akong lumang compass dun sa table.


"Sayo ito?" Pinakita ko sakanya yung compass.


Saglit siyang tumingin saakin bago bumalik yung tingin sa ginagawa niya. "Yeah, my mom gave it to me when I was around 5 years old during my boyscout days. Lagi kasi akong naliligaw at nawawala kaya binigay niya yan."


Natawa naman ako sa sinabi niya. "Makulit ka nga siguro nung bata kaya ka laging nawawala."


"Tss, behave lang kaya ako."


"Oo nalang," nakangisi pa ring sabi ko. Pinagmasdan ko yung compass at dahan dahang hinawakwakan ko ito, baka biglang masira eh. "Kung pwede lang sana na gamitin yung compass para makita yung tamang daan na tatahakin natin sa buhay noh. Kaso yung compass natin sa buhay, hindi natin namamalayang yun pala yung nagbibigay direksyon sa buhay natin. Ikaw ba? May tinuturing ka bang compass sa buhay mo?"


Hindi siya sumagot, mukhang hindi niya ako narinig kaya binitiwan ko na yung compass niya at nilagay na ulit yun sa table kung nasaan yun kanina.


Lumapit ako doon sa lumang piano at binuksan iyon. Since hindi ko alam kung paano tumugtog ng piano ay papindot pindot lang ang ginawa ko dun hanggang sa bigla niya akong tinabihan.


"You're really good at getting my attention." He chuckled then suddenly sat beside me.


"Ay sorry, naistorbo ba kita?"


"It's fine. Tapos na rin naman. Well, sana," sabi niya at nagstart nang tumugtog sa piano. "This was one of my mom's favorite piece."


Familiar yung piece hanggang sa narealize kong 'River flows in you' yun, a comforting song.


Natapos siyang tumugtog at pasimpleng nagpunas ng mata niya.


"Do you miss her?"


"Everyday," sabi niya at napatingin doon sa portrait ng mom niya.


Halata naman kung gaano niya kamahal yung nanay niya. Sayang nga lang at napagkaitan sila ng panahon at agad kinuha yung mom niya. Sigurado ako kung buhay pa yung mom ni Gino, things would have been different and better for this man.


"Andito lang siya." Napatingin naman siya saakin. Nilapat ko yung kamay ko sa chest niya at ngumiti sakanya. "Dahil andito siya. Hinding hindi siya mawawala sa tabi mo."


Ilang segundo kaming nagkatitigan bago ako ngumiti at tinanggal yung kamay ko dibdib niya tsaka bumalik na yung tingin sa piano. Inayos ko yung salamin ko bago ko hawakan yung keys.


"Pwede mo ba akong turuan magpiano?" Hinawakwakan ko yung keys ng piano at napangiti. "Alam mo ba, noong bata ako, gustong gusto kong matuto ng piano kaso sabi ni mama wala raw kaming pera eh tsaka  pang mayaman lang daw yun."


First time kong makakita ng taong nagpiapiano nung gradeschool ako, sa isang event ng school namin. Habang yung ibang estudyante ay nagdadaldalan o natutulog, ako ay tahimik lang nakikinig dun sa nagpiapiano. Sa sobrang mangha ko nun, napa-sign up ako sa music club ng wala sa oras kahit guitar lang ang alam kong tugtugin haha. Hindi rin naman ako natutong magpiano doon, hays.


"What?" He chuckled. "Hindi naman. Anyone can learn how to play the piano."


"Mayaman ka kasi, kaya nasasabi mo yan. Hmp." Pabiro at mahina ko pa siyang binangga nang patagilid.


"Ay sorry, yaman ko kasi eh." Hindi talaga matatanggal yung pagkahangin nitong lalaking ito noh? Haha, kainis.


He suddenly started to play again but this time, it's another piece. Intro palang, napangiti na agad ako dahil nakuha ko agad kung ano yung title. It's the 'Beauty and the Beast' song.


"Tale as old as time..." Napatingin siya saakin habang hindi humihinto sa pagtugtog tsaka napangiti kaya natawa at nahiya na ako ng konti pero pinapatuloy ko pa rin yung pagkanta.


"Just a little change..." Syempre hindi siya nagpatalo at kumanta na rin haha.


"Beauty and the Beast," sabay naming kanta. Hindi ko namang expect na memorize niya yung buong kanta, akala ko yung ilang parts lang pero hindi eh.


"Bakit mo pala memorize yan?" Natatawang tanong ko.


"Let's just say it's one of my favorite," he said with a small smile in his face.


Lumiwanag naman yung mukha ko tsaka inalog alog yung braso niya, "Yiee, talaga? Favorite ko rin yun eh! Favorite ko kasi si Princess Belle noon pa, ganda niya eh tapos ang bait at matalino pa kaya nga nainlove sakanya yung beast eh."


He chuckled. "Well, Belle does remind me of someone."


"Talaga? Sino?" Excited na tanong ko.


"Yung babaeng dahilan kung bakit naging isa sa mga favorite ko yung kantang yun. She sang it beautifully under the rain that's why I couldn't forget that song." Casual na sinabi niya na parang hindi niya girlfriend yung nasa kausap niya ngayon, "And I also couldn't forget her."


Nawala naman yung ngiti sa mukha ko sa narinig ko at napalitan ito ng kunot ng noo habang siya ay may pangiti ngiti pang nalalaman.


"Tss. Edi doon ka na!" Inis na sabi ko sabay tayo pero bigla niya akong hinila pabalik kaya napaupo ulit ako.


"Hindi mo man lang tatanungin kung sino?"


Mas nainis naman ako sa tinanong niya. Pilit kong tinanggal yung pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko. "Tsk, sino ba?!"


He smirked at tinanggal na yung pagkakahawak sa palapulsuhan ko tsaka nilagay yung kamay niya sa upuan sa likod ko kaya tuluyan na niya akong nakulong sa bisig niya. Lumapit pa siya ng konti kaya tuluyan ng nanlaki yung mga mata ko.


"Bakit mo naman pinagseselosan yung sarili mo, babe?" Tanong niya kaya napakunot ulit yung noo ko sa pagtataka.


"H-huh?"


Unti unti naman siyang lumapit sa tenga ko at may binulong, "Ingat."


Para naman may kung ano dumapo saakin at biglang nagflashback yung time na nasa waiting shed ako dahil umuulan at kumanta ako ng 'Beauty and the Beast' dahil akala ko walang tao pero mali ako dahil may taong nakakarinig pala ng pagkanta ko doon. At yung taong 'yun ay nasa harapan ko na.


"I-ikaw yun?" Hindi makapaniwalang tanong ko.


Nginitian niya lang ako habang ganun pa rin yung pwesto namin. Medyo malapit kami sa isa't isa pero may space pa rin naman siyang tinira. Pinagkatitigan ko siya at inalala yung itsura nung lalaki sa waiting shed. Siya nga yun, yung taong kauna-unahang nakarinig ng boses ko habang kumakanta.


To my surprise, my lips suddenly go to his and my heart automatically beat faster than ever.


Agad rin akong lumayo at napayuko dahil sa hiya. Ano bang iniisip mo Naomi at bigla bigla mo nalang siyang hinalikan?! Nababaliw ka na ata! Masayado ka atang naoverwhelmed huhu.


"S-sorry." Tumayo na ako at umalis na doon, tutal nakababa na yung kamay niyang nakaharang sa gilid ko kaso bago pa man ako makalayo sakanya at bigla niya akong hinila pabalik pero this time ay napaupo ako sa lap niya. 


Walang pasabing bigla nalang niya akong hinalikan.


My eyes widen but enventually slowly closed, I fixed myself on his lap without breaking the kiss. He guided my hands around his neck and his hand around my waist while the other was on my jaw. I can already feel the butterflies in my stomach and the sensation all over my body.


Tumigil siya sa paghalik sa labi ko at pumunta sa tenga ko para halikan 'yun. Naramdaman ko rin na bumaba na yung isang kamay niya sa beywang ko pababa sa gilid ng hita ko at medyo pinisil yun.


Para naman akong nakaramdam ng kaba at excitement sa nangyayari at sa naiisip kong mangyayari.


Ready na ba ako?


Bigla ko naman siyang narinig na ngumisi sa tapat ng tenga ko, "Don't worry, hanggang dito na lang muna tayo."


Inilayo niya ako nang konti sakanya para titigan niya. Ngumiti siya saakin habang ako ay hindi mawari yung itsura dahil sa halo halong emosyon ko ngayon.


"Is it comfy sitting here, Princess?" Tanong niya na may halong pang-aasar kaya natuhan na ako at narealize na nakaupo pa pala ako sa lap niya, what the?!


Agad akong napatayo at muntik muntikan pang matalisod sa pagmamadali kong makalayo sakanya. Para namang wala lang sakanya yung nangyari. Psh, dami na kasi atang experience samantalang ako, zero experience talaga.


Nabaling yung pansin namin nang biglang tumunog yung doorbell. Tumayo na siya at lumabas para pagbuksan yun. Agad akong napasandal sa pader at napahawak sa puso ko kanina pang nagwawala nung umalis siya. Takteng yan! Para akong mauubusan na ng hininga kanina.


Pero ano yung nangyari? Napatakip ako ng buong mukha dahil sa kahihiyan na ginawa ko.


Kahihiyan ba talaga yun, Naomi? Enjoy na enjoy ka nga sa pagkain--este sa paghalik.


Aish! Dinadagdagan pa nitong utak ko yung kahihiyan kanina! Huhu. Bakit ko ba kasi siya hinalikan? Pero sa totoo lang, kinilig ako. Sino ba naman hindi? Para ngang gusto ko pa eh.


What?! Argh! Stop, Naomi! Stop!


"Bro! Why didn't you come last night? It was a blast!"


Nakarinig naman ako ng ingay galing sa labas, mga kaibigan niya siguro yun, mukhang may gagawin pa ata sila. Makauwi na nga at magpalamon na sa lupa. Huhu, kahiya talaga.


Niligpit ko na yung mga gamit ko at lumabas na doon sa room na yun. Nakita ko naman sila Carlos, James, at Axel na nasa sala. Mukhang hindi nila ako pansin dahil nakatuon sila kay Gino na nasa kabilang side ng room.


"Some of the girls there even asked where the hell are you. I think one of them used to hook up with you," kwento ni Axel.


Kumunot yung noo ko sa narinig ko, hook up?


"Dude, there are three of them," pagkokorek ni James at lahat sila natawa, including Gino na may pailing iling pang kasama.


Napahalukipkip naman ako at tinignan lang si Gino hanggang sa nakaramdam na siya at nakita na niya na ako. Nanlaki yung mga mata niya at agad napaupo nang maayos.


"W-what? I didn't hook up with anyone before haha. What are you guys saying?!" Sabi niya sa mga kaibigan niya at paminsan minsang lumilingon saakin.


"Dude, you hook up with different girls every time we go to a party," kwento ni Carlos.


My mouth slightly opened. Kaya pala mukhang sanay nga siya, iba ibang babae pala ang kasama tuwing may party.


Siguro kaya hindi niya tinuloy, kasi beginner palang ako samantalang lahat ng nakahalikan niya, marami ng experience katulad niya.


"Ang exaggerated mo talaga noh? Tumigil ka na." Nangigil na sabi ni Gino at hinagisan si Carlos ng unan.


"Oh com'on dude. You know that I don't lie--" Napahinto si Carlos ng sinasabi nung nakita niya ako dahil kinuha niya yung unan sa lapag at napatingin siya sa direksyon ko. Napansin kong namutla siya at napalunok, "U-until now... Yeah, I'm lying right now."


Tumahimik ang lahat na para bang may biglang dumating na teacher sa maingay na classroom at caught in the act sila. Well, parang ganun na nga yung case, tss.


"Mauna na ako, mukhang may pagkakaabalahan ka pa." Walang emosyon na sabi ko tsaka umalis na agad sa condo unit niya.


"Naomi!" Narinig kong pagtawag niya saakin pero hindi ko siya pinansin. Bahala siya dyan, doon siya sa mga nakahook-up niya. Nasa labas na kami ng building pero sinusundan niya pa rin ako, "Babe!"


Dahil doon halos lahat ng tao ay napatingin saamin. Napapikit ako nang mairin at tinignan siya nang masama dahil baka akalain ng mga tao, nag-aaway kami, magcause pa kami ng scene.


"Ano ba yun?" Inis na sabi ko nung nakalapit na siya sa tabi ko.


"Bakit ka galit?" Nakangiti pang tanong niya.


"Wala lang! Hindi naman ako galit eh," sabi ko at tumingin sa kalsada.


"Tara na, hatid na kita." Kukunin na sana niya yung kamay ko pero inilayo ko ito.


"Hindi na, magjejeep nalang ako o taxi." Humarap na ako sa kalsada at tinignan yunv mga dumadaang kotse habang siya ay nakatayo pa rin sa gilid ko at nararamdaman kong nakatingin pa rin siya saakin ngayon. "Sige na. Bumalik ka na doon."


"Hmm. Nahihiya ka ba o nagseselos?" Biglang tanong niya kaya napatingin ako sakanya.


"Huh? Haha," tumawa pa ako ng peke. "Bakit naman ako mahihiya? At kanino naman ako magseselos? Hook up lang sila noh!"


Umiwas na ako ng tingin sakanya dahil namdaman ko ng namumula yung buong mukha ko sa inis tapos narinig ko pa siyang tumawa! Sige, dagdagan mo pa inis ko, makikita mo nalang sarili mo sa gitna ng kalsada, amp.


"Babe,"


"Oh--" Napatigil ako sa pagsasalita nang pagkaharap ko sakanya ay bigla niya akong hinalikan nang mabilis, hindi man lang ako nakapagreact o tumugon dahil humiwalay agad siya. 


"I love you," nginitian niya ako tsaka naglahad ng kamay, "Tara na."


Napabuntong hininga naman ako bago hawakan yung kamay niya dahil mukhang hindi rin naman niya ako papakawalan pag humindi ako.


"Andoon pa sila Carlos sa condo mo? Balikan mo na muna sila, nakakahiya naman."


Umiling siya, "Hatid na muna kita."


Kinuha na niya yung susi niya at binuksan na yung sasakyan. Pumasok na kami doon at nagsimula na siyang magdrive para ihatid ako pauwi.


"Paano mo pala nalaman na ako yun?" Mahinang tanong ko pero enough na para marinig niya.


"Na ano?"


"Yung babaeng nakita mo noon sa waiting shed."


Kung ako nga nakalimutan ko na yung itsura niya, siya pa kayang ang dami ng nakasalamuhang babae at nagbago pa yung itsura ko. So nakakapagtaka talagang narecognize niya ako.


"Ahh, it's not that difficult to recognize that voice." He glanced at me before looking back at the road.


"Ahh kaya pala," nasabi ko nalang at pinaglaruan na yung mga daliri sa kamay ko. "Pagpapalit mo ba ako?"


Ano ba naman itong mga tanong na ito? Sigurado akong naweweirduhan na saakin si Gino ngayon, baka nga akalain niyang tinotoyo na ako eh.


"What? Haha, what kind of question is that?"


"Hindi kasi, you hooked up with many girls. Na parang every time na tapos niyo ng gawin yun, maghahanap ka ng iba. So ibigsabihin pag ginawa natin yun, edi may chance ipagpapalit mo rin ako. Tsaka, parang sinasabi mo na ang nagustuhan mo saakin ay yung boses at syempre yung mukha ko, so paano kung mawalan ako ng boses? O tumanda na ako at kumulubot yung balat ko? Edi ipagpapalit mo na ako? Aish! Ayoko na ngang magsalita!" inis na sabi ko at tahimik nalang na tumingin sa bintana dahil naka kung ano pang masabi ko kasi naiinis ako ngayon.


Bigla naman niyang ginilid yung kotse  at hininto muna doon. "You know, you made it sound like I'm a jerk with that statement."


"S-sorry--"


"And I'm sorry that I make you feel that way." Napatingin ako sakanya kaya tumingin din siya saakin, "Maybe, I took interest in you because of  your talent in singing but I know that I fell because of a different and deeper reason. And because of that, I don't think I could ever replace or let you go. Kahit pa mawalan ka ng boses o kahit kumulubot yang balat mo, I know that my feelings for you will never change. I love you."


Halos maiyak ako sa sinabi niya. Bakit ba ang galing nito sa pagsasalita? Nadadala ako. Pinunasan ko yung mga nagbabadyang mga luha sa mga mata ko tsaka nginitian siya.


"I love you too." Lumapit ako sakanya tsaka siya hinalikan, tumugon naman kaagad siya pero saglit lang iyon at bumalik na ulit kami sa daan.


Pagkarating sa bahay ay hindi ko pa rin maiwasang hindi ngumiti habang hinawak hawakan yung labi ko.Hanggang ngayon kasi kinikilig pa rin ako sa nangyari saamin ni Gino, though halik lang yun, malaking bagay na yun saakin noh.


"Naomi, akin na yung susi ng kotse." Napatingin naman ako kay papa habang nakangiti pa rin. Magkasama kami ngayon dito sa sala habang  nanonood ng T.V.


"Po?"


"Susi ng kotse, akin na." Utos ni papa kaya binigay ko naman na sakanya, "Simula ngayon, akin na ulit ito. Binalik ko na kasi yung company car dahil nalaman kong si Gino pala yung dahilan kung bakit ako pinahiram ng kotse ng kumpanya. Sabihin mo sa boyfriend mo, hindi niya ako madadaan sa ganun ganun lang ah, tss."


Pagkatapos sabihin yun ni papa ay naglakad na siya paalis ng bahay dahil papasok na siya ng trabaho. Bigla tuloy ako nawalan ng mood, ano kayang pwedeng gawin para naman kahit papaano matanggap na ni papa si Gino?


"Oh, nagkasabay pa hahaha. Hi, Nami! Hi, Gino!"


Kinawayan kami ni Mackey nung nakita niya kami dito sa parking lot ng UST. Nakita ko naman na hinatid din siya ni Adriell, boyfriend niya.


Makaraan ang ilang linggo ay bumalik na ulit kami sa realidad, may klase nanaman huhu.Makaraan ang ilang linggo ay bumalik na ulit kami sa realidad, may klase nanaman huhu.Makaraan ang ilang linggo ay bumalik na ulit kami sa realidad, may klase nanaman huhu.


"Kahit kailan talaga ang hyperactive ni Mackey, umagang umaga hahaha." Sabi ni Gino sabay tawa.


"Hayaan mo na, cute nga eh. Hindi nawawalan ng energy hahaha." Totoo naman eh, parang laging nakakakain ng chocolates sa sobrang hyper.


Buti nga hindi napapagod si Adriell sakanya eh, like literal na napapagod. Pag kasi kasama mo si Mackey, para ka na ring may kasamang bata na ubod ng kulit hahaha.


"Sure kang ayaw mo munang magstay dito at kumain ng breakfast?" Tanong ni Gino sabay abot saakin nung tinakeout naming Breakfast Mcsavers dahil nalate kasi ako nang gising kanina kaya hindi na ako nakapagbreakfast sa bahay, dinaig pa ako nitong si Gino na nakakain ng hinanda ni mama, hays.


"Hindi na, sa classroom ko nalang ito kakainin. Tsaka kailangan mo na rin pumasok diba kasi may reporting ka pa."


"Oo nga pala. Hays, wag nalang kaya ako pumasok? Kaya na nila yun."


"Pumasok ka na. Malalagot ka sakanila nyan, sige ka."


"Psh, as if namang matatakot ako sakanila-- ah!" Hindi naman niya natapos yung sasabihin niya nang bigla ko siyang hinampas.


"Pumasok ka." Pinandilatan ko pa siya ng mata.


Bumuntong hininga naman siya at umiwas nang tingin, "Opo."


Kinuha ko na iyon sakanya at hinalikan na siya sa cheeks, "Bye. Good luck, love you."


"Tamis naman nyan." Biglang singit ni Mackey na nasa gilid na pala namin kasama si Adriell. Napatingin naman siya sa hawak hawak ko, "Oh! Sana all may Mcdo."


"Didn't you just eat?" Tanong ni Adriell.


"Kanina pa yun eh!" Mackey pouted, "30 minutes ago."


We all chuckled and Adriell just shook his head while smiling at his girlfriend's behavior then kissed the side of her head.


"Pumasok ka na para hindi ka na magutom."


"Huh? Mas lalo akong magugutom nun at aantukin pa. Aish. Tara na nga, Naomi at iwan na natin itong mga 'toh." Sabi ni Mackey sabay hatak na sa braso ko at aalis na sana kami doon nang bigla akong napabalik sa pwesto ko kanina dahil nakahawak pala si Gino sa bag ko, muntikan na tuloy akong ma-out of balance buti nasalo niya agad ako.


"Aray ah, ano ba yun?" Tanong ko at inayos na yung tayo ko.


"Hug ko?" Inispread niya yung dalawang kamay niya at handa nang magpayakap.


Natawa naman ako doon tsaka siya niyakap. Naamoy ko nanaman tuloy yung pabango niyang hindi nakakasawang amoyin. Parang gusto ko nalang matulog dito habang yakap yakap ko siya. Hays.


After nun ay umalis na rin kami ni Mackey at pumasok na nang tuluyan sa Beato building pero kapansin pansin na halos lahat ng estudyante ay parang nakatingin saamin at nagbubulungan.


"Anong meron?" Nakakaramdam na ako ng kaba sa mga tingin nila.


Hindi lang basta tingin eh, tinging nanghuhusga pa.


"Hindi ko nga rin alam eh. Wala naman tayong scandal na tinatago tapos kumalat para tignan nila tayo ng ganyan."


"Gaga, gutom ka na nga hahaha kung ano anong pinag-iisip mo." Medyo natatawang sabi ko pero hindi pa rin mawala yung kaba. Masama yung pakiramdam ko dito eh.


"Sabi sayo eh, fake lang siya." Rinig kong sabi nung isang babae sa kasama niya nung nakadaanan namin sila.


Doon ako napatiggil sa paglalakad at dahan dahang binalik yung tingin sakanila. Umiwas naman sila nang tingin at naglakad na papaalis. Hindi kaya yung dahilan kung bakit nila kami, ako, pinagtitinginan dahil alam na nila na retokada lang ako?


"Mackey! Tignan mo ito, hindi ba si Naomi 'yan--" naputol yung sinasabi ni Mika, kablockmate ni Mackey, noong nakita niya ako. Itatago na sana niya yung phone niya nang mabilis pa sa alas-otso ko ito kinuha.


Parang tumigil yung oras nung nakita ko yung title ng article sa phone ni Mika. Nanlumo ako sa nakikita ko ngayon at habang patagal na patagal kong pinabasa yung article ay sunod sunod nang nagsisibagsakan yung luha ko.


'Transformation of a beast to a princess with the help of plastic surgery.'


May mga nakaattached pang pictures nung gradeschool at highschool ako kung gaano katindi yung itsura ko ngayon at pinagcocompare yun sa itsura ko ngayon. Bago ko pa tignan yung comments ay agad nang hinablot ni Mackey yung phone.


Tumingin ako sa paligid at lahat ng tao ay nakatingin na saakin, tingin na nanghuhusga. Yung mga tingin na mas malala pa sa natatanggap ko noon.


Pero ang pinakamasakit doon ay nakita ko rin si Tyne at Gabby na nakatingin lang saakin pero agad ding umiwas nang tingin at umalis na para bang wala silang nakita.


Wala akong ibang narinig kundi yung mga boses ng mga taong nasa paligid ko at yung mga boses ng mga dating nambubully saakin na para bang sinakop na nang mga panghuhusgang mga salita yung utak ko at hindi na ako makahinga sa sobrang sakit na nararamdaman ko.


"Naomi!" Rinig kong sigaw ni Mackey nung bigla nalang akong tumakbo palayo habang umiiyak at pinagtitingnan ng madla. Patuloy lang ako sa pagtakbo ng hindi ko man lang alam kung saan ako pupunta. Gusto ko lang yung tahimik, yung walang makakakita saakin.



-----------------</3-----------------

Continue lendo

Você também vai gostar

2.6K 142 53
CAMBRIDGE ACADEMY SERIES #2 - Kylalaine Gomez Kylalaine Gomez dated different guys to forget Jake Santiago - the first guy who broke her heart. Jake...
August and Apple De Reynald

Ficção Adolescente

1.1M 25.4K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
6K 171 35
Maxzille Heydie Peralta can't get over her ex boyfriend even though she's still young. She believes that she's madly in love with him and no one can...
FEIGHT (Famous Eight) De Mac

Ficção Adolescente

641K 40K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...