Craye
Weekend, nakita ko si Kuya Nico na nakaupo sa sofa namin habang nakain ng Ramen at nanonood ng TV.
"Craye, gusto mo nang ramen? Meron pa dun, medyo napadami ang gawa ko." Alok sakin ni Kuya habang pababa ako ng hagdan
"Sige kuya, thanks."
Dumarecho ako sa kusina at kumuha nang ramen, after kumuha ay tumabi ako kay Kuya.
"Lately parang ang tamlay mo, bakit? Nag break kayo nang jowa mo no?" Biro sakin ni Kuya tyaka nya binunggo yung balikat nya sa balikat ko, muntik pang matapon yung ramen na kinuha ko mabuti na lang inagapan ko kaagad
"Luhhh! Wala akong jowa kuya." Sabi ko na lang
"Ehh bakit ganyan ka? Wala kang kagana gana jan ehh." Tanong sakin ni Kuya tyaka nya pinatong sa mesa yung bowl na wala nang laman, tapos na syang kumain.
"Kuya, may question ako."
Napatingin sakin si Kuya kasi seryoso ako. Pinatong ko muna yung hawak kong ramen sa mesa.
"Diba kuya nireject kana nang taong sobra mong minahal?" Tanong ko sa kanya, hindi ko sure kung tama ba yung timing ko nang pagtatanong sa kanya, masyado itong sensitibo pagdating sa kanya kaya kinakabahan ako
Ngumiti sya nang mapait
Sabi ko na mali ako ng timing.
"Aaminin ko na masakit yon kahit hindi naging kami ni Ciara, kasi binigay ko sa kanya ang lahat. Alam mo naman yun diba Craye?" Sagot nya sakin
"Yes kuya kasi kasama mo ko nun nung pinagdadaanan mo yun." Pag-ayon ko sa kanya
"Bakit Craye, may nagugustuhan kaba tapos feeling mo irereject ka din?" Tanong nya sakin
"Hindi kuya wala, wala naman bigla ko lang naalala." Ayoko nang ituloy yung conversation namin ni Kuya
"Next time wag mo nang ipapaalala, kaya Ikaw ha sinasabi ko sayo. Alam mo naman kung gaano kasakit ang nangyari sakin, lahat binigay ko, sobra yung effort ko, sya yung naging priority ko. Alam mo yun pumayag syang ligawan ko sya pero binalikan nya lang pala yung ex nya, oo Craye naka move on na ko, ang sakin lang ayoko nang mayroon akong tao na baka matulad sakin, walang closure basta na lang nabalitaan ko sila na ulit nang ex nya." Mahabang sabi ni Kuya sa akin "gabi gabi iniisip ko kung anung kulang sakin, kung anong mali, kung hindi ba ako kamahal mahal." Dagdag nya pa tyaka sya umakbay sakin
"Yes kuya, paulit ulit ka naman ehh. Ilang beses mo nang kwento sakin yan." Sabi ko na lang para mag light yung mood tyaka ko ulit kinuha yung ramen ko para kainin
"Ehh syempre, hindi ko na yun malilimutan." Sabi nya. "Aiii oo nga pala Craye, dumaan dito si Kylie kaso sabi ko tulog kapa ayaw ka naman ipagising sakin kaya umalis na lang sya."
"Sige kuya, itetext ko na lang sya."
"Pero may binigay sya, eto ohhh." Sabi ni Kuya tyaka nya inabot sakin yung paper bag
Binuklat ko ito at nakita ko na mga delicacies ito from Baguio. May strawberry jam, ube jam, fresh strawberries, peanut brittle at strawberry keychain na may name ko.
"Pahingi ako nang strawberry ha." Sabi ni Kuya tyaka sya kumuha ng isang piraso at kinain
"Tsk!" Tinapik ko ang kamay nya
"Pinagdadamot yung bigay ni Kylie, bakit importante sayo lahat yan? alam ko ganon yun pag special yung taong yun sayo." Tukso sakin ni Kuya
Hindi ko alam kung bakit ginawa ko yun, yun lang yung naging initial reaction ko nung biglang kumuha si Kuya ng strawberry.
"Hindi, pwede namang humingi ng ayos ehh." Dipensa ko
"Nako Craye! Baka hindi mo pa alam inlove kana." Sagot ni Kuya
"Ewan ko sayo." Tumayo na ko para ilagay sa ref yung mga binigay ni Kylie
"Yung keychain baka makita ko pa yan na palawit sa susi ng sasakyan mo ha." Patuloy na panunukso sakin ni Kuya
Hindi ko na sya sinagot, bahala sya.
------------------
Nagtext si Angel na magkita kita kami ngayon sa Mall, may Gift check daw sya sa SM dept store. Galing sa Dad nya kaya mukang manlilibre sya at mukang madami syang gift check, minsan kasi yun ang nakukuha ng Dad nya sa isang company pag sya guess speaker. Big-time na businessman kasi ang Dad ni Angel.
Sa Old spaghetti house ang kitaan namin, napansin ko na andun na si Mon at Justine. Hindi ko alam kung magkasama sila or nauna lang talaga sila, Ewan ko kung asan si Maice, maaga pa ako ng 20 minutes sa usapan.
Naalala ko yung panyo, yung may Dane. Isasauli ko sa kanya ngayon total dala ko naman sya at malinis na, actually lagi ko namang dala para once na magkita kami ay maisauli ko naman at way ko na din yun para makausap sya.
Pagpasok ko ay nakita agad ako nung dalawa, umupo ako sa tabi ni Mon. Hindi ko kayang tingnan si Justine nang harapan.
"Antagal nila." Basag ni Mon, awkward kasi
Inilabas ko ang panyo sa bag kong dala at pinatong ko sa table.
Nakita ko na tumingin doon si Justine at Mon, huminga muna ako bago ko isauli iyon sa kanya.
"Ano yan Craye?" Tanong ni Mon sakin
"Isasauli ko lang sana kay Justine" sagot ko
"Sakin?" Gulat na tanong ni Justine
"Yeah! Pumasok kasi ako ng cr one time tapos may nag abot sakin, may nakaburda kasing Dane. Alam ko na sayo to, diba ganon ka naman nagawa ka lagi ng paraan para sa akin." Lakas loob na paliwanag ko tyaka ko inabot yung panyo
Natawa sya pero light lang
"Craye, hindi sa lahat nang oras ay tungkol sayo. Wag ka nang masanay na gagawin ko yan. Craye, ngayon hindi sa lahat nang oras Ikaw ang Mundo ko. Sorry pero hindi sakin yan, hanapin mo na lang ulit yung taong nagbigay sayo at baka Dane din ang name nya." Sagot sakin ni Justine
F*ck! Ang sakit, sobrang sakit nang mga sinabi nya. Pakiramdam ko napahiya ako, kahit best friend ko si Mon ay nahihiya ako.
"Sorry." Yan lang ang nasabi ko
Hindi ko alam pero ang sakit sakit na nanggaling yon kay Justine, nasabi nya sakin ang bagay na yon.
Ansakit and nakakatakot at the same time.
"Itago mo na yan Craye, hindi daw yan kay Justine." Singit ni Mon sa usapan
Kinuha ko ang panyo sa table at tinago ko na lang ulit.
Bakit nga ba ako nag expect na sa kanya galing yon? Nasanay ba ko o dahil sinabi nya sakin ang mga ginawa nya before kaya pati yung nangyari sa cr ay naisip ko na sya ang may pakana.
"Ohh ayan na pala sila ehh." Rinig kong sabi ni Justine in a jolly tone
Hindi ako umimik, nakakahiya pa din ang ginawa ko.
"Craye, tara na para kang Tanga." Bulong sakin ni Mon tyaka nya ko hinigit papalabas
"80k tong gift check ko, last week pa kasi ito nung tiningnan ko hanggang ngayong araw na lang yung validity." Explain ni Angel habang naglalakad kami papasok sa Dept store.
Nakita kong kasabay ni Justine maglakad si Sally, nakahawak pa si Sally sa kamay ni Justine.
Napangisi ako, parang nung nakaraan lang ako ang nakahawak sa kamay na yon.
"Doon na muna tayo sa shoes, parang gusto kong bumili ng sneakers." Singit ni Sandy
"Kaso gusto kong bumili ng stiletto." Reklamo ni Sally
"Alam nyo, mag hiwa-hiwalay na lang tayo. Kita kita na lang tayo sa cashier 6 later." Suggestion ni Justine
"Okay sige, sasama ako sayo Justine. Doon tayo sa dress, alam kong gusto mo bumili non." Sabi naman ni Angel
"Asan na ba si Maice?" Tanong ni Mon
"Nagtext na sakin, otw na daw." Si Justine
"Tara na! So kita kita na lang later." Paalam ni Gianne
"Wala naman akong choice ehh." Sabi sakin ni Mon "best friend kita kaya sakin ka." Dagdag nya pa
"Thanks Mon, you the best." Sagot ko
"Next time ha, iclear mo muna bago ko umaksyon. Ayan tuloy nangyari sayo, nabara ka ni Justine." -Mon
"Nasanay ako ehh, tsk! Nakakahiya, napaka assuming ko." Sabi ko na lang
"Wag kanang masanay Craye, alam mo na Ang sagot at hindi ko na kailangan pang mag explain sayo." Sabi ni Mon sakin tyaka sya naglakad papunta sa bag section
Wala akong nagawa kaya sumunod na lang ako.
Naninibago ako sa Justine ngayon, ibang iba sa Justine kung paano nya ko nakasama noon, sa kung paano nya ako alagaan, kung sa paano sya kasweet sakin at kung sa paano sya manlambing.
Ang cold, daig nya pa ang yelo sa Iceland. Hindi ko kinakaya ang pagbabago nya, hindi ko inexpect.
Bawat salita na lumabas sa bibig nya kanina ay parang patalim sa akin, ang sakit. Sobra!
Deserve ko to, deserve na deserve ko. Ang ganitong sakit ay nakakabigla. What's more yung sakit na araw-araw na dala-dala ni Justine nang dahil sakin.
Ngayon, wala akong karapatan mag reklamo ang tanging gagawin ko lang ay tanggapin nang tanggapin ang masasakit na maririnig ko pa galing sa kanya.
Ilang araw? Buwan at hanggang sa masasabi ko na lang sa sarili ko na durog na ko, wasak na ko.
Lahat yun ay tatanggapin ko.
---------------------
Awwts for Craye. 😭😭
Vote and Follow. Thanks!
xoxo