Once in a lifetime

By supersaira

71.6K 1.8K 645

JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun g... More

Characters
PROLOGUE
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Epilogue
Bonus Chapter
New Story

Kabanata XXII

1K 33 4
By supersaira

Justine

1 week na din ang lumipas simula nung iniwasan ko si Craye.

Baka nga kasi tama si Maice, tama na iwasan ko na, tama na layuan ko na, tama na tigilan ko na at tama na din yung pagpapakatanga ko.

Mahal ko naman, sobrang mahal ko pa pero ang sabihin sakin ni Maice ang lahat, napaisip ako.

Kung mahal nya ko sana hindi nya na pinatagal, kung mahal nya ko sana ipinaglaban nya, kung mahal nya ko nireject nya na at kung mahal nya ko hindi nya hahayaan na umabot pa ko na ako yung nag mamakaawa sa kanya.

Ang sakit lang din kasing makita na lagi na lang si Kylie ang kasama nya, tapos ako magkakasya na lang sa kung anong ibibigay nya. Ang totoo ay ayoko din naman ng sitwasyon ko, pero pinili ko pinilit ko kasi mahal ko.

Kasi madalas halos mabaliw na ko kakaisip kung anong ginagawa nila ni Kylie pag sila ang magkasama, ang isiping ginagawa nila ang ginagawa namin ni Craye ang hindi ko kayang tanggapin.

Ang unfair din sakin na ako yung lumalabas na pangalawa na kahit hindi naman. Nakakainggit lang si Kylie na kaya nyang gawin yung mga gusto nya nang lantaran, kaya nyang gawin ang lahat para kay Craye nang walang iniisip. Kasi hindi nya naman alam na mahal ko din yung taong mahal nya.

Lagi lang sinasabi ni Craye na mahal nya ko pero hindi nya naman kayang ilantad. Ewan ko, siguro nga oras na para unti unti ko na syang bitawan.

"Hi Justine, can we talk." Nagulat ako sa pagsulpot ni Mon sa SSC office pero tumango lang ako para papasukin sya

"About what?" Alam ko na ang pag uusapan namin pero tinanong ko pa din

"Pwede ba tayong mag usap sa music room?" Tanong nya

"Sure." Sagot ko tyaka ako tumayo sa inuupuan ko

------------------

Music room

"Justine, about Craye? Wala na bang chance?" Tanong sakin ni Mon

"Ilang chance pa ba Mon?" Sagot ko naman

"Justine, sobrang mahal na mahal ka ng best friend ko. Sana naman bigyan mo pa sya nang pagkakataon." Sabi ni Mon tyaka sya umupo sa bass at umupo ako sa sofa na nandoon.

"Tama na Mon, ilang beses ko na bang narinig yan sa kanya? Lagi nya lang sinasabi pero hindi naman nya ginagawa. Pakiramdam ko nga dahil alam nyang sobrang mahal ko sya kaya ganyan sya, kasi feeling nya hindi ko sya kayang Iwan." Paliwanag ko

"Hindi ko din naman kasi alam kay Craye kung bakit sya naghohold, kung bakit hindi nya magawang i-reject si Kylie." -Mon

"Baka nga kasi mahal nya na, ayaw nya lang aminin sa sarili nya. Kasi kung mahal talaga nya ko, una pa lang nagawa nya na kaso sobrang tagal na." Sagot ko kay Mon "tyaka Mon, kaibigan mo din naman ako sana naiintindihan mo ko." Dagdag ko

"Kasi nung magkasama kayo alam ko kung gaano kayo kasayang dalawa kaya humihingi pa ko nang chance sayo, alam mo yan dahil wala man ako dun pero pinararamdam nyo sakin." -Mon

Naalala ko na naman ang mga araw na yon, kung saan ayoko nang matapos pa. Sa mundong kami lang ang nakakaalam, sa mundong masaya lang.

"Kaso Mon, hindi naman ganitong sitwasyon ang gusto ko. Si Kylie lantaran nyang hinahawakan, lantaran nyang pwedeng makasama. Mon tama si Maice ehhh, hindi pwedeng ganito lang ako, hindi pwedeng mag intay na lang ako lagi nang mga kaya nya lang ibigay." Sincere kong sabi kay Mon, pero nakita kong tumayo sya tyaka sya tumabi sa akin

"Kung ganon, anong balak mo?" Tanong nya tyaka ako hinawakan ni Mon sa kamay ko

"Sabi nga ni Maice, babalik na lang daw sya sa dati nyang university at isasama nya na ko para daw hindi na ko masaktan sa araw-araw, kasi kahit sya nasasaktan na sa nangyayari sa akin." Paliwanag ko

"Wag naman Justine, alam ko na masakit yung ngayon pero wag naman sanang umabot pa sa ganon." -Mon

"Alam mo ba Mon, hindi ko na nga alam ang salitang pride gawa nya. Hindi ko na din inisip ang sarili ko, hindi ko na din inisip lahat kasi ang alam ko lang ilalaban ko sya kasi ayoko syang mapunta sa iba." Pagbahagi ko ng pwento kay Mon "tyaka baka tama lang na mahalin ko muna ang sarili ko bago ang iba, kita mo naman Mon, ibinigay ko ang lahat sa kanya."

"Alam ko naman, nabanggit sakin yun ni Craye." -Mon

"Nakakatawa no? Yung kaibigan mo na matalino naman pero pagdating kay Craye na bobobo na." Sabi ko kay Mon at biglang tumulo ang luha ko at natawa ako nang light dahil sa sinabi ko. "Scholar, dean's lister pero nagpakababa dahil lang sa pag-ibig."

"Justine naman ehh." Natawa din si Mon pero niyakap nya ko, nakita ko din sa mga mata nya yung awa nya sakin

"Alam mo ba Mon, andami kong sacrifices na ginawa kay Craye dahil lang sa sobrang mahal ko sya. Isipin mo pinagpalit ko ang defense ko para lang makasama ko sya at ilayo sya kay Kylie, mabuti na lang umabot pa ko." Pinunasan ko ang luha ko na tumulo "Nagpakulong ako sa jail booth kahit na exempted ako kasi nakita ko sya doon at gusto ko syang makasama kahit saglit lang."

"Justine? Seryoso?" Nagtatakang tanong ni Mon sakin tyaka nya ko tiningnan sa mga mata

"Yeah! Nagpakasal ako kay Lance kahit ayoko, kasi gusto kong makita kung masasaktan ba si Craye kung ikinasal ako sa lalaking yun." Dagdag kwento ko "isa pa alam mo ba na lagi kong tinatakas yang si Craye para lang makasama ko sya, Mon sya ang source of energy ko kaya hindi ko alam kung masu-survive ko to. Ang sobrang Tanga no?"

"Grabe ka Justine, bakit ginagawa mo yun?" -Mon

"Kasi nga mahal ko, tanda mo ba yung pack lunch na binigay ko sayo para sa kanya. Aba kahit sobrang sakit makita si Craye na kasama si Kylie ay binilhan ko pa din sya, hindi ko kasi sila nakitang nag lunch that day." Natatawa ko pa ding kwento habang naiyak

"Gusto kong batukan si Craye dahil sa mga kwento mo." Nakangiting sabi ni Mon

"Inalam ko din lahat ng favorites nya, kahit nga kung saan sya allergy alam ko din. Ang haba nang buhok nang best friend mo, ganon ako natatanga sa kanya." -Meee

"Hayaan mo, ipakita mo sa kanya na kayang kaya mo na wala sya. Mahirap pero kakayanin mo Justine." Paglalakas loob ni Mon sakin

"Nako ha, sakin kana nakampi." Pang aasar ko kay Mon

"Gagi ka." Nakita ko na nilabas ni Mon yung panyo nya at pinunasan nya ang mga luha ko "kaibigan din naman kita, at least Ikaw naintindihan ko kung bakit mo gagawin yan, hindi para kay Craye kundi para sa sarili mo. Ang tanong, kaya mo bang hindi kalandian si Craye? Kaya mo bang hindi kayakap? Kaya mo bang hindi ikiss?" Pang aasar ni Mon sakin

"Nakakainis ka!" Hinampas ko sya sa balikat pero light lang "Wag mong sabihin yan kasi ora mismo baka hanapin ko si Craye paglabas dito at itakas ko na naman."

"I'm just asking, Bibe. Aii Babe ba? Baby? or Mahal?" Nakatawang pang aasar sakin ni Mon

"She called me Babe, pero Mon tama na kasi baka bumigay ako. Sayang yung ilang araw na tiniis ko." Reklamo ko kay Mon

"Joke lang naman, Ikaw kung asarin mo ko. Bawal ba bumawi?" -Mon

"Bawal pag tungkol sa kanya, talo na nga ako ihh." -Meeee

"Don't worry, alam ko na may taong mas deserve sayo. Baka nga hindi yung best friend ko diba?" -Mon

"Sana kaya kong kalimutan yung gorgeous mong best friend nang ganon lang kadali, potek na yan bakit kasi pinakilala mo pa yan sakin ehh. Natatanga tuloy ako, alam na alam ng best friend mo ang kahinaan ko." Sabi ko kay Mon

"Tama na Justine, mamaya ipilit ko sya sayo tapos ayan kana naman papakatanga tapos sa susunod sakin na mababad trip si Maice." Natatawang pahayag ni Mon

"Pagnatatanga na naman ako sa best friend mo ipaalala mo sakin na dapat hindi na ha." Hingi ko nang pabor sa kanya

"Aba matinde ka! Hahaha. Pag need mo nang kaibigan andito ako. Pero matanong ko lang, wala kang balak sabihin to sa Barkada?" Nagulat ako sa tanong ni Mon, oo nga pala

"Sa susunod na lang pag medyo hindi na masakit, hahayaan ko na lang silang tuksuhin si Craye at Kylie para naman maimmune ako sa sakit hanggang sa sana isang umaga maout of love na ko tapos okay na sakin lahat. Someday! Sinasabi ko sayo, iko-congratulate mo ko kasi nagawa ko, naka survive ako." Pagmamalaki ko kay Mon kahit pa alam ko naman sa sarili ko na hindi ko alam kung saan ko ito sisimulan.

"Well, I'll congratulates you. Hahaha. Kaya mo yan, at kakayanin pa sa mga susunod na araw. Tsk! Sayang akala ko may love team na sa barkadahan natin, wala pala." Sabi ni Mon sa akin tyaka sa tumayo at kinuha ang ukelele nya na nakasabit sa wall

"What? Anung gagawin mo?" Tanong ko

"Magjajaming tayo nang malulungkot na songs para sa first day mo. Nuxx! At least kita ko na uusad ka. Kahit best friend ko si Craye, ayoko naman na nagpapakawasak ka sa taong mahal mo." Sabi ni Mon tyaka nya inistram yung ukelele nya





-------------
Sure na ba Justine? 😂😂





Continue Reading

You'll Also Like

3.3K 407 26
A 19 year old girl Adeline grew up in her non biological mother when she gone missing when she was 2 years old. She was a adopted by one of the famou...
3.7K 252 33
Breakups are just their thing. It loops them again, and again, and again.
79.6K 1.7K 44
(MIKHAIAH) an 18+ STORY
6.3K 157 67
THIS IS A MIKAIAH STORY HOPE YOU ALL LIKE IT! this is a fanfiction only!!!!