After the Sorrow 2 ✓

Door ChenlyYen

1.7K 65 5

Book 2 of Tears of Sorrow Dalawang tao na pinaglalaruan ng tadhana. Ang matinding pagsubok ay nalagpasan dahi... Meer

IMPORTANT NOTICE
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 25 - The Wedding Day (Part 1)
Kabanata 26 - The Wedding Day (Part 2)
Kabanata 27 - Reception
Kabanata 28 - Honeymooners
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35 - Warning
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Wakas
ATS

Kabanata 24

16 1 0
Door ChenlyYen

Gail's Point of View

PABAGSAK akong umupo sa sofa.

Attending seminars 6 days in a row were somehow tiring.

Galing ako sa seminar tungkol sa family planning, responsible parenthood at premarital counseling. Hinatid lang ako ni Jetty pauwi rito sa bahay at umalis siya kaagad dahil susunduin niya pa si Mommy Crystal.

“Mommy?!” pasigaw kong tawag.

Umalingawngaw ang boses ko rito sa sala.

“Mom!”

Nakita ko siya na tumatakbong lumabas galing sa kusina. May hawak siyang sandok at naka-apron pa.

Humawak siya sa kaniyang dibdib. “Nandito ka na pala. Bakit? Anong problema? Ba't ka sumigaw? May nangyari ba?” sunod-sunod niyang tanong.

“Wala po, ‘mmy. Gusto kong manghiram ng cellphone mo.”

“Akala ko kung ano na. Makasigaw ka riyan. Kunin mo sa kuwarto namin ng Dad mo. Naroon sa mesa malapit sa kama.” Lumakad siya papunta sa Tv. “Siya nga pala. Kumusta ang seminar niyo? Panghuli niyo ng seminar ngayon, 'di ba?” May tinanggal siyang plug.

“Ayos lang po. Nakakapagod siya sa totoo lang po. Seminar dito. Seminar doon.”

“Ganiyan talaga.” Humarap siya sa akin. “Kumain ka na ba?”

Tumayo ako. “Hindi pa po. Nauuhaw ako at gusto kong kumain at uminom ng malamig. Deserve kong umorder ng maraming milkshake, ice cream, mga gano'n.”

“Walang load ang phone."

“Weeh? Hindi nga? Kailan ka pa naubusan ng load?”

Lumakad siya papunta sa pintuan ng kusina. “Hindi na ako nagpapa-load simula nang nandito na ang Daddy mo.”

Pasalampak akong umupo muli. “Itapon mo na iyang phone, Mom. No use naman iyan eh.” Humiga ako. “Nasaan nga pala si Daddy?”

“Playing golf with Ricardo.” sagot niya at pumasok sa kusina.

Ipinatong ko ang aking mga paa sa armrest. Half day lang ang seminar ngayon. Ngayon ko naisip na ang hirap magpakasal. Sa totoo lang, kung hindi dahil sa tulong ng mga magulang namin ay siguro hindi ko kayanin na asikasuhin ang kasalang ito na kami lang dalawa ni Jetty.

Bumangon ako nang marinig kong biglang bumukas ang pinto. Kaagad nagsalubong ang aking kilay dahil sa pagtataka nang makitang si Jetty ang pumasok.

“Akala ko umuwi ka na? Ba't nandito ka?” tanong ko.

“Bigla akong tinawagan ni Mommy. Ang sabi ay may prenup photoshoot daw tayo.” Umupo siya sa pang-isahang upuan.

“Ngayon na? Katatapos lang natin sa seminar ah.” Humiga akong muli. “Puwede bukas na lang?”

“Ngayon daw ang schedule natin. Marami pa raw clients ang photographer at makeup artist. Kaya hindi puwede bukas. Ngayon na.”

“Mamaya na. Ayos lang ba? Hindi pa ako kumain ng tanghalian.”

Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa bulsa ng suot niyang pantalon. “12:23 pm. Kapag ala-una na ay aalis tayo.” aniya habang nakatingin sa kaniyang phone. “Anyway, humingi ako ng phone number ng kaibigan mo sa pinsan niya siguro iyon. Iyong lalaking pumunta sa shop natin noon.”

“Kailan ka humingi, Jetty? Binigyan ka ba? Kailan kayo nagkikita ni Rickey?”

“Nakaraang araw. Nagkikita kami sa gasoline station. Tarantado iyon, Gaily. Ang dami pang pilitan na nangyari bago ibinigay ang phone number. Akala mo naman gold.”

Bumangon ako at lumapit sa kaniya. “Tawagan natin.” Umupo ako sa armrest ng inuupuan niya.

May pinindot siya sa kaniyang phone at maya-maya ay biglang tumunog.

Naramdaman ko ang kamay niyang umikot sa likod ko at humawak sa aking hita. “Hintayin muna nating sagutin.”

Umakbay ako sa kaniya at tiningnan ang screen ng cellphone na hindi pa rin sinasagot. Gaano ba ka-busy ang Maverick na ito?

“Nandito ka pala, Jett. Magtanghalian na tayo.” biglang sabi ni Mommy.

Nilingon siya ni Jetty. “Sinusundo ko lang si Gaily, Mommy Chessy."

“May lakad ba kayo ngayon?”

“Prenup photoshoot po. Iyon ang sabi ni Mommy sa akin kanina."

“Ah! Oo nga pala! Nakalimutan ko. Ngayong tanghali na pala ang schedule ng photoshoot niyo.”

Kinuha ko kaagad ang cellphone sa kamay ni Jetty nang makitang sinagot na ang tawag.

“Hello, Mavy?” masaya kong bungad.

“Hello. Sino ito?"

Kumunot ang noo ko nang ibang boses ang aking narinig. Hindi ganito ang boses ni Mavy. Mavy's voice was a bit cold and gentle. Habang ang boses na narinig ko ngayon ay mapaglaro. Nagbago ba ang kaniyang boses?

Tumayo ako. “Ako ito. Sa Gail. Gago ka. Naka-abroad ka lang ay nakalimutan mo na ako.” nakalabi kong sabi. Humawak ako sa aking baywang.

“Gail? As in Gail Chamika Braxton?”

“Yeah.”

“Oh my God, Honey. How did you got my number? Are you my stalker?”

Inilayo ko ang cellphone sa aking tainga. Is this Mavy or some alien?

“Hello, Gail? Ikaw ha. Paano mo nakuha ang numero ko? Ipinaimbestigahan mo ba ako?”

Napamaang ako nang makilala ko kung sino itong kausap ko ngayon. Sa uri pa lang ng pagsasalita niya ay alam ko na kung sino. It's Rickey.

“Rickey, did you fooled Jett?" seryoso kong tanong.

“Huh? Hindi. Bakit?”

“Humingi siya ng number ni Mavy sa iyo. Pero ba't number mo ito?”

“Oh that. Asar ako sa lalaking iyan. Ang sabi ko ay bibigyan ko siya ng number ng pinsan ko kung gawin niya akong Best Man. Ang sagot niya ay may Best Man na raw. Tapos sabi ko ay groomsmen na lang. Ang sagot ng gagong iyan ay kumpleto na raw. Aba'y bahala kayo.” parang bata niyang kuwento.

Bumuntong hininga ako. Nakakaasar talaga itong si Rickey.

“Ako ang manghingi ngayon sa iyo. Bibigyan mo ako o bibigyan mo talaga ako?”

Tumawa siya nang bahagya. “Hindi kita bibigyan, Babe, kasi pati ako ay walang numero sa kaniya. Hindi na active ang kaniyang phone number na mayroon ako rito.”

“Sigurado ka?"

“Naman! Kahit ibigay ko pa sa iyo ngayon ang number niya. Tingnan natin kung matawagan niyo ba. Kasi ako, ilang ulit ko ng kinontak ang numero niya pero hindi makontak.”

“Sige. Salamat na lang. Salamat din sa number mo. Hindi mo pa talaga sinabi na hindi makontak si Mavy. Ibinigay mo pa iyang numero mo.”

“Gusto kong maasar din iyang fiancee mo. Naasar ako sa pagmumukhang iyan. Ba't pa may ganiyang mukha.”

Napangisi ako. “Ang guwapo, 'di ba?”

“Pwe!”

Tumawa ako. “Punta ka sa kasal namin. Ibaba ko na ito. Salamat.”

Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita. I ended the call. Malalim akong bumuntong hininga. Wala ng pag-asa na makapunta pa si Mavy sa araw ng kasal ko. Nakakalungkot isipin. Wala ang kaibigan ko.

“I'm jealous.”

Nilingon ko si Jetty nang sabihin niya iyon. Nakasandal ang kaniyang ulo sa sandalan ng upuan habang nakapikit.

“Huh? Selos saan?”

“Ayokong maging plastik sa nararamdaman ko, Gaily. Gusto kong sabihin ang lahat ng nararamdaman ko sa iyo dahil ayokong maglihim.”

Ipinatong ko ang cellphone sa mesa. “Anong ibig mong sabihin?” Hinarap ko siya.

Bumuntong hininga siya at dumilat. Tiningnan niya ako sa mata. “Nagseselos ako, Gaily. Unreasonable man pakinggan pero nagseselos ako sa Mavy-Mavy na iyan. Hindi maipagkakailang masaya ka tuwing banggitin mo ang pangalan niya.”

Umupo ako sa kaniyang kandungan. Hinawakan ko ang kaniyang pisngi. What I love the most about him ay ang pagiging vocal niya sa kaniyang nararamdaman. Hindi ko na kailangang mangangapa at magtatanong kung ano ang gagawin ko at saan ako lulugar ng tama.

“I just saw your two expressions earlier. Happiness and sadness. You were happy when the call was answered. Then you immediately become sad when it was not him. Ganiyan ba siya ka-importante sa buhay mo?”

Masuyo kong hinaplos ang kaniyang pisngi ng hinlalaki ko. Tiningnan ko ang buo niyang mukha.

“I am jealous, Gaily, since before. Kahit noong mga panahon na hindi pa kita naalala ay nagseselos na ako tuwing makikita ko kayo ng lalaking iyon na magkasama." dagdag niya.

Pumikit ako at hinalikan siya sa labi. Humalik din siya pabalik. 

Wala namang dapat ikaselos si Jetty dahil sa kaniya lamang itong puso ko. Noon pa man ay pagmamay-ari na niya ito.

Dahan-dahan kong inilayo ang aking labi sa kaniya. Ngumiti ako. “I love you. Wala kang dapat ikaselos, Jetty. Magkaiba kayo ni Mavy. Sobrang layo ng agwat niyo sa buhay ko.” Hinalikan ko ang kaniyang noo. “Ikaw ang pinakamahal ko. Habang siya ay mahal pero bilang kaibigan lang.” malumanay kong ani.

Hinawakan niya ang ulo ko at ipinahiga sa kaniyang balikat. “I'm sorry. Hindi ko lang maiwasan na hindi magselos.” Niyakap niya ako.

Isiniksik ko ang aking mukha sa kaniyang leeg. “I'm sorry, too, Jetty. Nangungulila lang ako sa kaibigan ko.”

I felt him sniffed my hair. “I know. I know. Hindi kita masisisi.” He kissed my head. “Let's go to the kitchen.”

I stood up. “Saan nga pala gaganapin ang photoshoot, Jetty?”

He stood up and get his phone on the table. “Shop natin.”

“I see.” Umakla ako sa kaniyang braso.

Pumasok kami sa kusina at kumain. Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa shop.

Sa labas ng shop ay may isang kotse ng naka-parked. Since glass wall ang harapan ng shop kaya makikita ang loob. May mga tao na rin na may iba't ibang ginawa.

Magkahawak kamay kaming pumasok ni Jetty sa loob. When these bunch of people saw us, they greeted us with a big smile. I smiled back.

I roamed my eyes. May mga designs na rito. Vintage ang style. Ang ganda.

“Ma'am, Sir, change your clothes po and wear these garments. In a minutes ay magsisimula na tayo.”

Tumingin ako sa babaeng nasa harap namin ngayon na may dalang mga damit. Tinanggap ko ang de-bulaklak na damit.

I went to the comfort room and change. Maxi dress pala ito at hanggang siko ang haba ng sleeves. Lumabas ako at naabutan si Jetty na nakabihis na. He wore a loose caramel trouser, and white polo shirt inserted in his trouser. Nababagay ang kulay ng suot niya ngayon sa suot ko na caramel ang kulay rin ng maxi dress.

Seninyasan ako ng isang babae na paupuin sa upuan na naroon sa harapan niya. Tinungo ko ang kaniyang puwesto at umupo.

“Sa buhok muna tayo tapos makeup na." saad niya.

Tumango ako. Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya sa buhok ko. She rolled my hair. Inabot ko ang maliit na salamin at tiningnan ang aking ulo. There are multiple of chunky buns. Pagkatapos sa buhok ko ay ang mukha ko naman.

This woman is so expert. Ang bilis ng kamay niya. Nagandahan din ako sa ginawa niya sa aking buhok. Pang old hairstyle.

After a minutes ay tapos na kami. We immediately start the photoshoot.

“Closer! Closer! Hands on your partner's shoulder, Ma'am! And hands on your partner's waist, Sir!” sigaw ng photographer.

Sinunod namin ang kaniyang sinabi. Nakasandal ako sa counter habang si Jetty ay nasa harap ko.

“This is so annoying. I don't want us to be photograph, Jetty." bulong ko.

“Just pretend that there's only you and I here.” He smiled brightly. “You're so beautiful. The dress, the hairstyle and the makeup suit you very well. Mukha kang modern 90's binibini.”

I smiled. “Ang guwapo mo rin."

“Bagay talaga tayo."

“Tao tayo, Jetty.”

He laughed slightly.

“Perfect 5 angle shots!”

Huh?

Napatingin ako sa photographer. Kinuhanan na niya kami ng larawan? Hindi man lang nagsabi ng start. Kumusta kaya ang mukha namin doon.

“Next pose!”

Ang daming nagawa naming pose ni Jetty. May nakaupo ako sa counter habang nakatayo si Jetty sa gitna ng mga hita ko tapos parang nagtatawanan kami. May umiinom na kape. May kunwari nagbe-bake siya at nanood ako sa kaniya. May pose rin kami na nakaupo sa sahig na napapalibutan ng disenyo at nakaupo ako sa harap ni Jetty. Sa sobrang dami ay nakalimutan ko na ang ilang pose.

Pagkatapos ng photoshoot ay nagpaalam silang umalis na. Nakapagpalit na rin ako ng damit.

Nag-inat ako at pagod na umungot.

“Tired?” tanong ni Jetty.

I took a glimpse on him. He's sitting on the counter.

“Yeah. Nakakapagod ang araw na ito.”

“I'll make you drinks and foods.” Bumaba siya ng counter.” What do you want?”

Ngumiti ako. “Strawberry milkshake. Cranberry Turkey Wraps. Ice cream sandwich. Ice cream. Milk tea.” Lumapit ako sa counter.

“Malalamig. It will freeze your brain, Gaily."

“Sige lang.” I laughed. “Matutulog muna ako, Jetty.”

“Sure. I'll just wake you up kung tapos na.”

Tumalikod ako. Ipinagdikit ko ang mga mesa at humiga ako sa ibabaw ng mesa.

“And Jetty."

“Hmm?”

Ginawa kong unan ang aking kamay. “I want more." Pumikit ako.

“What is it?”

“I want rolled omelette and fried rice. And fruit salad.”

“Yes, Ma'am.”

I smiled. “I love you, Jetty." I said sweetly.

I heard him laughed. “I don't accept I love you as payment, Sweetheart.”

“Bakit? Ano ba ang bayad?”

“Kiss and hug. More kisses and hugs.”

“Iyon lang? Easy. Babayaran kita mamaya.”

“I'll note that!”

Nakita ko na sa aking isipan ang nakangising mukha ni Jetty.

My Jetty, my personal chef, my fiancee, my enemy, and...

My soon to be husband.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

24.3K 1.3K 25
Paris is an ESCAPIST- tends to avoid problems by running away. Definitely flight over fight.
16.3K 509 49
This is the story of a girl name Shannon that is really persevered to get Johann, her dream guy. She can do everything just for her to get the attent...
2.4K 68 31
Kathleen was surprised when she found out that she is an heiress of the wealthy Don Menandro Zapanta. Mula sa barong barong sa Maynila ay natira si...
27K 764 42
Magnificent Man Series 2 (⚠️Warning!!⚠️:May involve themes not suitable for minors, so read at your own risk. This story is a fiction.)