Once in a lifetime

By supersaira

46.7K 1.4K 552

JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun g... More

Characters
PROLOGUE
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Epilogue
Bonus Chapter
New Story

Kabanata XXI

730 28 7
By supersaira

Craye

Monday

Pag parada ko pa lang ng kotse ko sa parking lot ay nakita ko na agad si Kylie na nakasandal sa kotse nya, feeling ko ay ako ang inaabangan nya dahil nakatingin sya sa kotse ko.

Lumabas na ko at tama nga, paglabas ko ay agad syang nag lakad papunta sakin ngunit may dala syang cup of coffee.

"Good morning Craye, hot white chocolate for you." Sabi nya sakin tyaka nya inabot

Kinuha ko ito, may nakadikit pang sticky note.

"Smile for me."

I don't know, pero pagkabasa ko pa lang ay kusa nang nag form sa smile ang labi ko.

"May nakapag sabi lang na favorite mo daw yan." Sabi ni Kylie sakin tyaka sya nag wink.

"Yeah! Thank you." Pag-amin ko

"Anung oras ang class mo? Tara sa garden, alam ko kasi masarap ang fresh air dun pag mga ganitong oras." Yaya sakin ni Kylie pero hindi pa man ako nakakasagot ay hinila nya na ko papunta dun

Binabaybay namin ang parking lot nang makita ko si Justine, she's not looking at me. May inaayos ata sya sa kotse nya or may kinukuha, not sure kasi nasa labas sya pero ginagalaw nya yung car wiper nya.

"Hi Justine, something wrong?" Biglang tanong ni Kylie, nakita nya din pala si Justine

"Ahhh no, nothing." Sagot nya at tumingin sya sakin pero tumingin ulit sya kay Kylie. "May nag iwan lang nito sa car ko." Dagdag nya tyaka nya pinakita yung white piece of paper na nakatupi

"Ohhh nice, secret admirer?" Balik tanong ni Kylie

"I don't know yet." Sagot nya tyaka sya ngumiti

"Sige Justine, see you around." Sabi ni Kylie "pahiram muna nang kaibigan mo ha." Dagdag nya pa tyaka nya ko hinila ulit

Tumingin ako kay Justine pero hindi sya nakatingin sa akin.

I'm still hoping pero baka sinabihan na din sya si Maice na layuan ako.

But then, I'm curious kung anu ba yung papel na hawak nya kanina, kasi nung nakita ko yun ay bigla akong kinabahan.

Pagdating namin sa garden ay naupo lang kami sa isa sa mga bench na nandon.

"Craye, next week sumama kana sa aerobics ha. Wala ka daw kasi sa inyo nung Saturday morning." Pagbubukas ni Kylie nang usapan

"Yeah! Oo naman, sasama na ko." Pagpayag ko na lang

"Saan ka nga ba galing nun at umagang umaga wala ka, I mean sabi pa nga ni Tita na hindi ka daw umuwi." Tanong sakin ni Kylie

Sa Lugar kung saan ako masaya. Yan ang eksaktong salita na gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko sinabi.

"Nakatulog ako sa resto bar nang pinsan ko, wala ehhh hindi ko na nakayanan pang umuwi." Pagsisinungaling ko na lang

"Sabi nga ni Tita ay andun ka nga daw, bakit hindi ka tumawag sakin para naihatid manlang kita pauwi." -Kylie

"Okay lang no, edi naistorbo pa kita non."

"Kaya nga ako nanliligaw sayo ehhh, dagdag points ko kaya yun." Sabi ni Kylie tyaka nya biglang hinawakan ang kamay ko, ang isang kamay ko kasi ay hawak ang bigay nya

Gusto kong bumitaw, gustong gusto ko ngunit paano?

"Omg! Ang sweet naman nyan, umagang umaga ha." Bigla akong nagulat sa pagsulpot ni Sally at ganon din ang bigla ko nang bigla nyang pinicturan yung kamay namin ni Kylie na magkahawak

"Sally!" Natatawang pagtawag ni Kylie

"Ano kaba, wag kang mag alala. Ipapakita ko lang sa GC namin, minsan kasi naghahanap sila ng proof so eto na meron na ko." Nakangiting pahayag ni Sally

"Hoy Sally, wag na no. Burahin mo nga yan, nakakahiya kaya." Reklamo ko

"Jusq naman Craye, sa mga yon nahihiya ka? Eto ngang ginagawa nyo lantaran na." Sagot nya naman sakin

Tama nga naman sya, ngunit natatakot ako sa magiging reaksyon ni Justine.

"Bye love birds." Paalam ni Sally tyaka sya umalis

--------------GC

Guy's, I have something to tell. -Silly Sally

Ang aga namang chismis nyan. -Justine Bibe

Lapag na, may introduction ba dapat.? -Leonardo da Vinci

Siguradong maganda dapat yan ha. -Mabuhangin

Ang kaibigan nating si Craye, anlandi. Aba nakita ko sila ni Kylie na magkaholding hands sa garden habang nagka-kape. -Silly Sally

Leonardo da Vinci left Justine Bibe to the group

Hoi! Bakit mo inalis si Justine? -Kerubin

Gusto ko lang, bawal ba? -Leonardo da Vinci

3 blind Maice added Justine Robles to the group

Hayaan nyong sya ang kusang umalis, hindi yung sya ang tatanggalin nyo. -3 blind Maice

Silly Sally set nickname Justine Robles to Justine Bibe

May something ba sa GC na to? -Gianne Apuli

True! Bakit anlakas ng topak nyo? -Mabuhangin

Bakit hindi nyo tanungin si Craye. -3 blind Maice

Hayaan nyo na nga sya, pati kayo magpapaapekto. Kung gusto nyang sumagot mag chachat yon. -Justine Bibe

May mali ba sa sinabi ko? Sinabi ko lang naman yung nakita ko kanina which is totoo naman, bakit naging ganito ang conversation dito? -Silly Sally

Nakita ko din sila na magkasama kanina, sobrang big deal ba na dapat bawat galaw nila sasabihin dito? -Justine Bibe

Tama! Bigyan nyo naman sila ng privacy, bahala na si Craye at Kylie sa isa't isa. -3 blind Maice

Okay, ayoko na lang mag talk. -Silly Sally

Ang gugulo nyo, Sige na start na class namin. -Kerubin

🥺🥺🥺 -Craye-yons

-------------------- GC end

Dumoble ang takot ko nung nakita ko kung paano na nagkakagulo ang mga kaibigan ko dahil sakin.

Ako na nga lang yung nakisingit sa barkadahan nila ako pa yung naguumpisa nang gulo.

*Kriiiiiiiiiiing*

Isa yung indikasyon na malapit na mag start ang klase this morning

"So paano Craye, kita na lang tayo sa lunch? Wala akong break time mamaya." Paalam ni Kylie sa akin tyaka nya ko bineso

"Yeah! Thank you for this." Sabi ko tyaka ko inangat yung hawak kong cup

Naglakad na ko papunta sa room ko nang biglang sinalubong ako ni Mon

"Mukang gigil na gigil sayo si Maice." Sabi sakin ni Mon and she crossed her arms into her chest

"Ilalayo nya sakin si Justine, Mon." Sabi ko na lang

"I guess, deserve mo." Sagot ni Mon

"Yeah!" Nanghihina kong tugon kay Mon "deserve ko, deserve na deserve ko." Dagdag ko tyaka ko tumingin sa taas para hindi tuluyang tumulo yung luha sa mata ko

Kahit yung kaisa-isang kakampi ko na si Mon ay against na din sakin

"Nakita pa talaga kayo ni Sally, and worst pati ni Justine. Parang nung nakaraang araw lang ang harot nyong dalawa tapos ganito na naman tayo. Craye ano ba talaga ang problema? Ipaintindi mo naman sakin, kasi hindi na din kita maintindihan." Naiinis sakin na sabi ni Mon

"Next time na Mon, may klase pa tayo." Sabi ko na lang para matapos na.

"Hindi! Hindi tayo aattend ng klase at ipaliwanag mo yan sakin." Pagmamatigas ni Mon. "Akala mo ba Ikaw lang ang apektado? Aba Craye pati yung mga kaibigan ko, best friend kita at nagkakagulo sila dahil sayo. Aba bigyan mo naman ako nang kahihiyan."

Sa sinabing yon ni Mon ay tuluyan nang bumagsak ang luha sa mga mata ko, hindi na ako nagdalawang isip pa na tumakbo papalayo sa kanya.

Kahit ang sarili kong best friend na gusto kong tumulong sa akin ay mukang bibitawan na ko. Kasalanan ko ba talaga kung bakit hindi ko kayang i-reject si Kylie? Dapat ko bang isisi ito kay Kuya Nico na syang naging dahilan kung bakit hirap na hirap ako na lusutan ang problema na to?

Kasi once na nireject ko si Kylie nakikita ko si Kuya Nico sa kanya, ayokong dahil sa akin ay baka maging miserable ang buhay nya gaya ng sa kuya ko.

Ineexpect kong susundan ako ni Mon pero hindi, hinayaan nya lang akong lumayo sa kanya.

Hindi tumitigil ang pagiyak ko, Ewan ko pero ang sakit sakit na din naman. Hindi ko alam kung saan ako lulugar.

Tumigil ako sa harapan ng cr ng girls tyaka ako pumasok, nakita ko na may isang girl na nakatingin sakin mula sa salamin, halos kakapasok lang din nya. Kami lang ang tao dito sa loob kasi nga start na ang klase.

Ngumiti sya sakin ng tipid.

"Kung nahihirapan kana, lagi mo lang pipiliin kung saan ka masaya." Pagkasabi nya sa akin non ay inabutan nya ko ng panyo nya

Kinuha ko naman ito ay ipinahid sa luha ko na patuloy lang ang pagbagsak.

"Thank you." Sabi ko na lang sa kanya

"No worries." Pagkasabi nya non ay tinapik nya pa ako sa balikat tyaka sya umalis

Ilalagay ko na sana sa bulsa ko ang panyo na bigay nya ngunit napansin ko pa ang pangalan na nakaburda, it's "Dane" na cursive.

Napatawa ako sa nabasa ko, sinasadya ba ng panahon o plano na naman ba ni Justine ang lahat nang pakanang to? Magbibigay lang sya ng panyo nya yung may pangalan pa.

Inilalayo sya ni Maice pero matigas pa rin ang ulo nya, gumagawa pa rin sya nang paraan para sa akin.

Ganon naman si Justine diba? May ginagawa laging kakaiba.

Justine Dane Robles, I love you, I really do. ❤️❤️

Sa ngayon, sorry kung nasasaktan kita pero gagawa talaga ako nang paraan para sayo.

Wag ka sanang bumitaw kasi ako, hinding hindi ako bibitaw para sayo.

------------------
Vote and Follow po. Thanks!

Continue Reading

You'll Also Like

116K 3.7K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
817K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
19.2K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
11K 398 28
A MikhAiah x MikhaLoi Parallel Universe Maven is deeply inlove to Avery but she's always looking for someone