Lagaslas

By wishfulnym

2.1K 11 1

Lagaslas. ~ tunog ng umaapaw na tinta mula sa mga batis ng mga salita patungo sa karagatan ng tugma. More

Lagaslas
Akalang Tadhana
Permanent Marker
Pamantayan
Igop
Sa Bakuran ni Tadhana
Ina
Walang Hanggang Pag-ibig
Hindi Ako Romantikang Tao
Pag-ibig
___
___
___
Karayom
Friend zone ano'ng konek no'n?
Dambana
Sana
balak 01
balak 02
balak 03
balak 04
what if
Insomia
Salamat, Ginoo
-
Pagnilayan.
Ano Ba Talaga, Pa?
...
~
~
~
~
~
Tattoed Misery
Bisan Pa
sawakas!

Ang Tusong Kalaban

82 2 0
By wishfulnym

Ang Tusong Kalaban

Kung minsan may mga gabing mailap sa akin ang antok.
Kung kaya't marami ang mga salita na nananamantala at pilit pumapasok sa aking isipan.
Kaya't aking pinagbigyan.

Ngunit ng sila'y aking hayaan na manahan sa aking isipan ay nilamon na ako ng labis na pagaalala.
Natatakot na ako sa mga bagay na hindi pa naman nangyayari.
Kinakain ako ng lungkot,ng kaba at ng takot.

Hanggang sa hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang luha.
Nakabibingi ang pintig ng puso.
Binubulabog nito ang tahimik kong sistema.

Mga hikbi na siyang nagiging kumot ko sa gabi.
At mga hagulhol na tanging ako lang ang nakaaalam;
Kung ano ang aking mga pinagdadaanan at mga nararamdaman.
Tanging ako lang.

Mas pinili kong huwag na lang sabihin at ibahagi ang mga suliranin at pasanin kasi hindi naman sila makikinig.
Hindi nila ako pakikinggan at ang tanging magagawa lang nila ay ang ako ay husgahan.

"Wala 'yan sus,kaartehan lang 'yan."

Hindi ito kaartehan para sa inyong kaalaman.
Hindi ni'yo kasi alam ang pakiramdam.
Kaya't labis ang aking pagsisi.
Sana hindi ko hinayaang makapasok sa aking utak ang mga matatalas nilang salita na siyang nagwasak sa aking puso at nagdurog sa aking pagkatao.

Continue Reading

You'll Also Like

43.8K 5.4K 43
【 TAGALOG w/ ENGLISH STORY 】 Sa isang paaralan kung saan niya makikita ang kanyang tunay na pagkatao. Sa isang paaralan kung saan niya makikita ang m...
595 85 27
Tulang aking ginawa at alay sa mga mambabasa. Tulang hindi man tama ang tugma ngunit nasa tamang paksa. Limampung tula o higit pa
92.9K 4.4K 36
Y/n- please don't beat me I will never try to run away i promise please Jimin- no no no why are you crying don't cry.this is your punishment take it...
4K 262 25
This is just a collection of random poems ,some random thoughts.