~

23 0 0
                                    

Hindi pa rin kita malimutan.
Kahit sa panaginip ay naroon ka.
Nangungulila na ako sa iyong presensiya.
Alam kong hindi ka na babalik.
Alam kong kahit kailan hindi na kita mahahagkan.
Hindi ko na muli pang maririnig ang iyong tawa
o masilayan man lang ang ang maaliwalas mong ngiti.
Ngunit hindi kita mawaglit sa aking puso't isipan.
Hindi man kita muling makakasama,
natatanaw naman kita sa mga tala.

dedikasyon para kina Nanay at Tatay na nasa ibang paraiso na. i miss you nay, tay

LagaslasWhere stories live. Discover now