Once in a lifetime

By supersaira

71.6K 1.8K 645

JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun g... More

Characters
PROLOGUE
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Epilogue
Bonus Chapter
New Story

Kabanata XX

1.1K 32 9
By supersaira

Craye

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mata ko. Napabalikwas ako dahil wala si Justine sa tabi ko.

9:12am

Agad ko syang tinawag ngunit walang nasagot, tumayo ako para hanapin sya sa buong kabahayan ngunit agad ko din namang nakita ang isang sticky note katabi ng susi ng kotse ko na nakapatong sa table at may nakasulat.

Craye,

Sorry kung iniwan kita, maaga akong sinundo dito ni Maice. Hindi na kita ginising pa dahil baka magtalo lang kayong dalawa. Thank you sa kagabi, I love you always.

Justine

Napa-face palm ako!

Nag-ayos na ko para makauwi na din, siguradong pag uwi ko hindi ako palalampasin ni Maice.

After ko mag-ayos ay iniwan ko na lang din yung rest house na tinuluyan namin. Nilock ko na lang ang pinto.

-------------------

Pagdating ko sa bahay ay wala pa si Mama, si Papa kasi ay isang Engineer sa ibang Bansa, then si Kuya ewan ko kung nasaan pero weekend naman.

Nagulat ako kay Mon sa biglang pagsulpot nya galing kusina, may dala syang ice cream na nasa cone.

"Kumuha na ko sa ref nyo, kakaalis lang ni tita. Expected ko na ang dating mo hapon pa or bukas pa nga ehh, bakit ang aga? Kamusta naman ang honeymoon nyo? Wait, Craye aminin mo masarap ba kumiss si Justine? Yieeee!" Panunukso pa sakin ni Mon

Hindi ko sya sinagot at nilampasan na lang, dumarecho akong kusina para uminom nang tubig. Wala ako sa mood kumain kahit na gutom ako.

"Hoy Craye! Anong attitude yan? Hindi kaba naka first base?" Dagdag pa ni Mon

Nakakainis! I love Mon, I really do pero f*cking sh*t diba? Hindi ba sya marunong makiramdam?

"Mon, first walang ganong nangyari, second natulog lang talaga kami doon, third iniwan ako ni Justine doon ng mag isa dahil maaga syang sinundo ni Maice at nagising na nga lang ako ng wala sya. At sigurado akong pag nagkita kami ni Maice, may gulo." Paliwanag ko kay Mon, napanga-nga sya sa sinabi ko

After ko sabihin yun ay umakyat na ko pero napansin kong sinundan ako ni Mon.

"Craye, aminin mo nga itinakas mo si Justine?" Tanong ni Mon sakin

"Hindi! Feeling mo gagawin ko yun? Si Justine pa nga ang nagyaya sakin doon." Sagot ko

"Ehh bakit magagalit si Maice?" Tanong nyang muli

"Sa tingin ko akala nya tinatake advantage ko yung best friend nya porke mahal nga ako ni Justine, ehh bakit mahal ko din naman si Justine. Hindi ko lang talaga naaayos pa yung samin ni Kylie. Si Maice kasi ang nagmakaawa sakin na ayusin ko muna ang lahat bago ko angkinin si Justine, tapos ngayon malalaman nya na magkasama kami." Paliwanag ko pa

"Bakit sayo sya magagalit? Bakit hindi kay Justine?"

"Mon, sa palagay mo magagalit yon kay Justine? Sige sabihin na natin na magagalit yon, pero mas magagalit yun sakin. Baka nga mas magalit yon pag nalaman nya na nagmakaawa si Justine sa akin."

"Hindi naman talaga malaki ang problema mo Craye, Ikaw lang ang nag papalaki nito." Seryosong sabi ni Mon sakin "i-reject mo na si Kylie para tapos na, yun lang din naman yung gusto ni Maice. Ayaw nya lang siguro na yung best friend nya natatanga na sayo pero hanggang ngayon tinatago mo. Imagine, gaano kasarap ipagmalaki si Justine? Lahat ng kaibigan natin hindi naman tututol sayo."

Tumingin lang ako kay Mon

"Look Craye, nakita ko kayo kahapon ni Kylie na nagdidikit sa bulletin. Hindi na lang ako nakialam pa, pero si Justine ang kasama mo nung umaga pa lang. Hindi na din kita tinanong kung anong nangyari, pero isa lang ang sure ko don. Nasaktan mo na naman si Justine for sure, tapos mababalitaan ko kasama mo sya kagabi sa isang rest house? Kung ako ang best friend ni Justine, tama nga mali ako ng analysis. Dapat lang na magalit sayo si Maice. Gusto pa kita ipagtanggol pero mali kana nga."

"Mabait kasi si Kylie." Nasabi ko na lang

"Hindi ba mabait si Justine? Mahal ka non, mabait yun, kaibigan natin yun, one call away yun pero bakit kayang kaya mong saktan." Tanong sakin ni Mon

Sasagutin ko na sana si Mon nang biglang tumunog ang phone ko.

Tiningnan ko kung sino yung nagtext, and it's Maice

"Sino Yan?" Tanong ni Mon

"Si Maice." Sagot ko tyaka ko binuksan ang message

[Hi Craye, Can I talk to you right now? Magkita tayo sa café kung saan tayo natambay ng mga kaibigan natin.] -Maice

"Anong sabi?" -Mon

"Gusto makipag usap sakin ngayon."

"Lakad, ayusin mo. Balitaan mo ko ha, masasapak ko yang si Maice pag hindi ka binalik sakin nyan ng buo." Sabi sakin ni Mon tyaka nya ko tinapik sa balikat at bumaba na ng hagdan

-----------------

Nag shower muna ako bago ko pupuntahan si Maice, after ko mag shower ay kumain na muna ako tyaka ako nag ayos.

Nagmadali na ko dahil nakakahiya din naman kay Maice na matagal ko syang pinagiintay.

Habang nasa biyahe ay sobrang kaba ko, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Maice pero sana maging ayos naman ang pag-uusap namin mamaya.

Pagdating ko ay pinark ko agad ang kotse ko at nakita ko si Maice na nakaupo sa pangdalawahan lang na tao.

Pagpasok ko ay agad ding lumingon si Maice dahil sa pagtunog ng windchime na nasa pinto kaya kumaway sya sakin, indicating na dun ako magtungo.

"Hi Craye." Bati agad ni Maice "upo ka, wag kang mag alala, hindi ako para mag wala dito." Nakangiting sabi ni Maice sakin

Wait! Hindi sya galit? Bakit sabi ni Justine baka magkagulo daw kami kung gising ako.

Ang gulo! Kinabahan pa naman ako.

Inabot nya sakin yung frappe at cake na inorder nya para sakin, napansin ko kasi na may bawas na din yung kanya

"Craye, hindi na ko mag papaligoy ligoy pa. Justine, ask me a favor na wag daw ako magalit sayo pero yung totoo galit ako. Pero Craye please, kung nag makaawa man si Justine sayo, kung nanglilimos na si Justine nang pagmamahal galing sayo, kung kinakaya pa ni Justine masaktan para lang sayo. Eto lang yung kaya kong gawin para sa kanya. Craye this time, I'm begging you. Layuan mo sya, hindi nya deserve na masaktan mo, hindi nya deserve na itago lang, hindi nya deserve ang lahat ng to. Kung hindi mo na kayang i-reject si Kylie, i-reject mo na si Justine kasi hanggat lumalapit ka sa kanya, patuloy lang syang aasa sayo. Napaka unfair naman na makita ka na kasama si Kylie sa buong university at pinagmamalaki ka tapos yung kaibigan ko itatago mo lang. Palibhasa kasi ganon katanga si Justine sayo kaya nilulubos mo." Mahabang litanya ni Maice para sa akin

Halos hindi ko matanggap ang mga sinabi nya at gusto nyang mangyari, layuan si Justine? Paano? I-reject si Justine? Hindi ko kaya. Pero ang pati si Maice ay mag makaawa sa akin para sa best friend nya.

Ganon na ba ako kasama para mag makaawa sakin si Justine lalo na si Maice para lang hindi na masaktan si Justine.

"Maice, aayusin ko naman to pero humahanap lang ako ng tyempo. Ayoko din naman nung nangyayari samin ni Justine." Sagot ko, may gusto pa akong idagdag ngunit nagsalita na din sya agad

"Kailan Craye? Kung kelang pinatagal mo na? Alam mo ba kung gaano kasakit makita si Justine na pinapanood ka nya habang hinaharana ka ni Kylie sa university? Kung gaano kasakit marinig nya na lahat ng student kinikilig sa inyo, gaano kasakit makita sya na nakangiti pero alam mong hindi naman masaya? Sana alam mo yung feeling." Tumayo si Craye indikasyon na gusto nya nang umalis

"Maice, ako naman yung hihiling. Bigyan mo pa ko nang konting panahon pa, Hindi ko kayang gawin ang gusto mo." Pagkapit ko sa wrist nya

"Sorry Craye, kontrabida na pero ilalayo ko muna sya sayo." Winaski nya ang kamay nya para mabitawan ko sya tyaka sya tuluyang umalis at lumabas

Gosh! Hindi ko na namalayang tumulo na pala yung luha ko. Ang isiping ilalayo nya sakin si Justine ay parang hindi ko kayang tagalan

Putang*na Craye! Isa lang yung gagawin mo pero duwag na duwag kang gawin yon. Sabi ko na lang sa sarili ko

Isa lang naman ang dahilan kung bakit ako naghohold at ayokong i-reject si Kylie.

Sana alam nyo yung pakiramdam kung paano ka i-reject, mahal na mahal mo yung taong yun pero gagawin ka lang na parang basura.

Kaya ako hirap na hirap na gawin yun kay Kylie dahil gawa ni Kuya, ng kapatid ko.

Alam na alam ko kung paano sya naging miserable noon dahil lang sa taong sobrang mahal nya, pinaasa sya pero sa huli ay ganon na lang sya itinapon na parang basura.

Ayokong gawin kay Kylie yon dahil alam ko na ang pakiramdam, nakikita ko si Kuya Nico. Isa ako sa naging sandalan ni Kuya nung mga panahon na yon, sa kung paano ko sya tinulungan na makaget over hanggang sa makamove on.

Tapos ako gagawin ko yun sa isang tao na katulad nang ginawa sa Kuya Nico ko? Paano?

Kaya gustong gusto kong magpatulong kay Mon dahil hindi ko yun magagawa. Ang totoo ay nasabi ko pa noon sa sarili ko na never kong gagawin yun sa isang tao.

----------
Okay na tayo kaya hindi kaya ni Craye gawin yon? 😂😂😂



Continue Reading

You'll Also Like

6.4K 157 67
THIS IS A MIKAIAH STORY HOPE YOU ALL LIKE IT! this is a fanfiction only!!!!
49.1K 2.3K 36
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
3.7K 240 49
Eternidad- time that never ends or that has no limits.
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...