The Psychiatrist's Insanity

By thatpaintedmind

790K 12.6K 5K

Warning: Mature Content Men from Hell Series No. 3 Dark Aris Vergara's story - Trigger Warning: mentions of s... More

Teaser
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata XI
Kabanata XII

Kabanata X

40.9K 793 342
By thatpaintedmind

FRIDAY night. 9:05 PM.

Kung may araw akong pinakapaborito, marahil ay biyernes ang pipiliin ko, partikular tuwing biyernes ng gabi.

There's this certain feeling only Friday night could make me feel. Siguro kasi ito ang oras kung saan maaari ka na muling magpahinga pagkatapos ang isang buong linggo ng pag-aaral. Ang araw kung kailan hindi mo na kailangang problemahin ang susunod na bukas.

Kasalukuyan akong nakikinig sa musika ngayon. May earphones na nakasuksok sa aking tenga habang tamang scroll lang sa social media. Nakahilata lang ako sa kama, madilim pero buti na lang pumapasok sa bintana ang liwanag na dala ng buwan.

Kung may kasama lang ako ngayon sa kwarto ay panigurado kailangang bukas ang ilaw, pero dahil wala pa silang lahat, malaya kong napatay ang ilaw.

Alas nuwebe na ng gabi, panigurado ay dumalo sila sa acquaintance party for freshmen. Kanina pa nagsimula 'yon. Alam ko dahil dinig na dinig mula rito ang ingay ng musika mula sa campus. Kaya nga napagpasyahan kong mag-earphones na lang.

Napatingin ako sa bintana nang iba't-ibang kulay ng ilaw ang magreflect doon. Mula iyon sa campus. Mukhang nagdidisco na sila roon, ah.

Bumangon ako at sumilip sa bintana para alamin ang kaganapan sa labas. Hindi tanaw dito ang loob ng campus, pero tanaw naman ang entrance.

Kitang-kita ang ilang estudyanteng pumapasok sa entrance, meron din namang nakatambay lang, siguro ay inaantay ang kani-kanilang kaibigan.

Napahalumbaba ako. I haven't tried going to a party before. Aside from the fact that I hate going to parties, hindi rin naman kasi ako naiinvite.

Nag-vibrate ang hawak kong phone. Napatingin ako ro'n. I received a message from Steven via Messenger.

Halika na, Fayven! Ang saya dito promise! Mag-eenjoy ka!

Pang-ilang message niya na 'to. Hindi ko na nga pinapansin. Ayaw ko talagang pumunta, but looking at these students right now, medyo nate-tempt na akong pumunta.

Ngayon ay kinokonsidera ko nang pumunta, pero may parte pa rin sa aking pumipigil.

You're heavily introverted Fayven, being in a crowd drains your social battery, remember? Ani ng isang parte ng utak ko.

But you're in Baguio now, Fayven. Learn to get out of your comfort zone sometimes. The other side argued.

Naging isang linya ang labi ko. Right, I need to learn how to leave my shell. There's a world out there waiting for me. Hindi ang mundo ang papasok sa shell at comfort zone ko, ako ang dapat lumabas.

Napahinga ako nang malalim. Bumalik ang tingin ko sa cellphone ko para magtype.

Abangan mo na lang ako sa main gate.

"FAYVEN! I'm so glad you attended!" Sinalubong ako ni Steven ng yakap. Medyo nabigla pa ako sa biglaang pagsulpot niya, hindi ko siya kaagad namataan sa dami ng tao. "Hindi ko inakalang dadating ka! Buti naman at nakapag-isip-isip ka!" Aniya habang malaki ang pagkakangiti.

"Nacurious ako, eh. Sisilip lang naman ako." Sagot ko.

Natawa siya. "Anong sisilip? Hindi pwede! Makihalubilo ka! Tara sa table namin!"

Hindi pa man ako nakakasagot nang hilahin niya na ako. Hindi na ako umangal. Ayoko rin namang mag-stay dito ng mag-isa.

Para kaming nakikipag-patentero ni Steven sa sa dami ng tao. Buti na nga lang at kahit gaano karami ang tao ay hindi gano'n siksikan, malawak naman kasi ang quadrangle ng school kung saan ginaganap ngayon ang kasiyahan.

"Omg Fayven!" Natutuwang tawag ng kaibigan namin nang mamataan akong hila-hila ni Steven.

Namataan ko naman kaagad ang table nila. Magkakasama ang nagsisimulang mabuong friend group ni Steven. I don't consider myself as part of their friend group, or of anyone's. At least not yet.

"'Yun oh! Another one for the team!" Kantyaw ni Khalil. Nginitian ko lang siya.

They warmly welcomed me. Kinuhanan pa ako ng extrang upuan ni Steven para makaupo ako sa kanila.

"Buti at dumating ka! Kanina pa hindi mapakali 'tong si Steven kakadutdut sa cellphone niya para lang mapapunta ka." Nangingising wika ni Kayla na sinundan naman ng kantyaw ng mga kasama nila.

Hindi ko naman alam kung ano ang irereak. Hindi ko kaya ang mapunta sa hot seat. Naiilang ako.

"Ano ba kayo, I'm just encouraging Fayven. Talaga namang beneficial ang pagdalo sa acquaintance party." Kaagad na depensa ni Steven.

Napa "ahh" naman sila pero ang mga ngiti at mata nila ay nang-aasar pa rin. Hindi na lamang ako kumibo.

"Eh yung pagdalo ba sa after-party, beneficial din?" Tanong ni Kayla. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

Tumagilid naman ang ulo ko sa pagtataka. "May after-party?" Tanong ko.

"Aba syempre naman!" Sagot ni Khalil. "Bawal ang alcohol beverages dito sa campus kaya doon tayo sa pwede! Doon tayo sa Easy-scape mamaya!"

Natikom ko ang bibig. Hindi ko pa nga sinasabing sasama ako, mukhang nagdesisyon na sila para sa akin.

Narinig ko na nga ang Easy Escape na 'yan o mas kilala bilang Easy-scape. It's a bar. Minsan na akong naaya ni Annika ro'n ngunit tumanggi ako. Pero ngayon ay mukhang wala na akong kawala.

"Hindi mo kailangang pumunta kung ayaw mo." Napatingin ako kay Steven. Bahagya siyang lumapit sa akin para ibulong 'yon.

Abala na ang mga kasama namin sa kani-kanilang gawain kaya malaya niya na ulit akong nakakausap nang walang pangangantyaw mula sa kanila.

"Ayos lang. Gusto kong pumunta." Giit ko sa pabulong ding paraan. Kalahating katotohanan, kalahating kasinungalingan. Nais ko lang talagang pumunta para kahit papaano maranasan ko ang ganoong klaseng mga gimik. I'm trying to step out of my comfort zone.

"Sigurado ka? Ikaw nagsabi niyan ah, hindi kita pinipilit." Aniya.

"Oo nga, ang kulit mo." Napairap ako.

"Di bale, huwag ka mag-alala, tayo-tayo lang naman ang pupunta, hindi ang buong block." Pag-reassure niya sa akin. "Baka sakaling inaalala mo ang reputation mo, eh."

Nangunot naman ang noo ko ro'n. "Anong reputation?"

Nagkibit-balikat siya. "Your good girl reputation,"

Napasimangot ako. "Tarantado."

Mahina lang siyang natawa habang bahagyang naiiling. Para kaming tangang nagbubulungan. Oo nga, bakit nga ba kami nagbubulungan?

"Oy baka naman gusto niyong mag-share dyan! May sarili ba kayong gc?" Parehas kaming napaayos ng upo nang pansinin kami ng isang kasama namin. Natuon na naman tuloy ang atensyon ng lahat sa aming dalawa.

Umiwas na lang ako ng tingin nang magsimula na naman silang kumantyaw. Hindi ko na lamang sila pinansin. Basta kami ni Steven, chill lang.

KALAHATING oras din siguro ang tinagal namin sa school bago nila napagdesisyong magtungo na sa Easy-scape. Mukhang mas excited pa nga sila ro'n kaysa sa mismong acquaintance party namin. Nakikisabay lang naman ako sa agos nila.

"NOW this is a party!" Malakas na hiyaw ni Khalil pagpasok na pagpasok namin sa bar.

Malakas ang tugtugan. Marami ang nagsasayawan. Iba't-ibang kulay ang kumikislap sa buong lugar. Ang wild ng mga tao.

Ibang-iba nga ang party na 'to kumpara sa school kanina.

Naghanap na kami ng mauupuan. Habang naghahanap ay merong iba sa aming dumiretso na kaagad sa dancefloor para sumayaw, kasama na ro'n si Khalil. Kaya halos kalahati na lang ang bilang namin nang maupo kami sa nahanap na table.

Hindi ko naman sila masisi. Marahil ay kanina pa sila bored sa pag-upo-upo lang kaninang acquaintance party.

"Fayven oh,"

Inabutan ako ni Steven ng isang basong sinalinan niya ng inumin mula sa beer tower.

"Tikman mo muna, hindi naman mataas ang alcohol content niyan." Pangungumbinsi niya nang hindi ko abutin ang baso. Alam niyang hindi ako umiinom dahil mababa ang alcohol tolerance ko.

Inabot ko na lang din ang baso. Marahan ko iyong tinikman. Nang magrehistro sa akin ang lasa no'n ay umaliwalas ang kaninang nag-aalinlangan kong ekspresyon.

In all fairness, masarap nga. Hindi lasa ang alak.

"Oo nga pala, nakahanap na ba kayo ng mai-interview para sa dev psych natin?" Tanong ni Jazmine sa amin.

"Oo nga pala, kailangan ko pang isipin 'yon." Atungal ng isa.

Pati tuloy ako ay nadamay na sa pamomroblema. Muntik ko nang makalimutan 'yon.

Meron kaming individual assignment kung saan kailangan naming mag-interview ng isang mental health professional. Basic interview lang naman, asking why they opted to choose the path of psychology, and more similar questions to that. Ang problema namin, iyong iinterviewhin. Saan kami hahanap ng mental health professional?

Sa tanong na 'yon ay kusang lumitaw sa utak ko ang psychiatrist ko.

Kaagad ko naman iyong binura sa utak ko. I can't include him in my choices.

Siguro ay hahanap na lang ako ng ibang available sa clinic nila. Tama. Tatanungin ko na lang iyong babae sa front desk nila kung sino ang pinakamabait sa kanilang clinic para 'yon ang iinterviewhin ko.

May isang linggo pa naman kami para paghandaan iyon. Hindi rin biro ang maghanap ng propesyonal para interviewhin.

Uminom ako sa basong hawak.

Speaking of my psychiatrist, I received a message from him a few days ago. Pinapa-register lang naman niya ang number niya sa phone ko. Hindi ko nga siya nireplayan.

Hindi ko magawang iregister ang Dr. Vergara sa contact list ko. Ewan ko, I still can't fully accept that he's my psychiatrist.

Because honestly speaking, after he saved me that night, I started wishing to have a friend like him, a friend who could understand me and validate my feelings. I wanted him to be my friend.

Kung sana ay nagkita ulit kami bilang strangers, at hindi bilang client-and-psychiatrist, siguro ay naging magkaibigan pa kami. Pero ngayon? Imposible nang mangyari 'yon. It's under the ethical code of psychology to keep the relationship between the client and the practitioner strictly professional. Kapag may nabuong relasyon, kahit pawang pagkakaibigan, the practitioner must refer their client to other mental health practitioner.

Napabuntong hininga na lang ako bago muling uminom sa basong hawak. Nang maubos ang laman no'n ay sinalinan ko 'yon muli.

Ang mga kasama namin sa table ay nagsisimula na ring magtungo sa dance floor.

"Steven, Fayven! Tara!" Aya nila sa amin.

Nagkatinginan naman kami ni Steven.

"Ikaw na lang," sabi ko sa kanya.

"Okay lang ba sa'yo mag-isa rito?" Nagdadalawang-isip niyang tanong.

Natawa naman ako. "Oo naman, ako pa ba?" Pag reassure ko sa kanya. Napakamot siya sa kilay. Mukhang hindi pa rin siya kumbinsado. Napailing na lang ako. Sa huli ay ako na mismo ang tumutulak sa kanya patayo. "Sige na! Alis na!"

"Sigurado ka ah?" Wala na rin siyang nagawa kundi ang tumayo.

Ayoko naman kasing pigilan niya ang sariling mag-enjoy dahil lang kj ako.

"Oo na! Tsupi!"

Nang masiguro niyang ayos lang talaga sa aking mag-isa ay nakumbinsi ko na rin siyang makisaya kasama ang mga kaibigan niya.

"Dahan-dahan sa pag-inom, ah. Nakakalasing pa rin iyan." Huling paalala niya pa bago tuluyang umalis.

I was left alone at our table. Wala namang kaso iyon sa akin.

Kinuha ko na lang ang cellphone para abalahin ang sarili habang panaka-naka pa ring umiinom. I opened my data to scroll on social media.

I scrolled through Instagram, then Twitter, and lastly FaceBook. I was just busy reacting to random memes when I came across my mother's post.

Natigil ang daliri ko sa pag-scroll. She posted a picture of her together with our relatives. As usual, masaya at nakangiti silang lahat sa picture. Akala mo walang buhay na sinira.

Napatungga ako sa baso ng alak. Great. Nawala na ako sa mood.

Balak ko na sanang i-off ang phone ko nang bigla namang nag-pop up ang chat head ng nanay ko sa Messenger. Speaking about right timing.

Kamusta, anak?

Napatitig ako ro'n. Naka-ilang message na siya sa akin magmula last week pa. Pero ni isang beses ay hindi ako nagreply.

Napatiim-bagang ako bago mabilis na inalis ang chathead niya sa screen. Hindi pa rin ako handang kausapin sila. Hindi pa ako handang madagdagan na naman ang sakit na dinadala ko. Baka hindi ko na talaga kayanin ang lahat.

In-off ko na ang phone. Inabala ko na lang ang sarili sa pag-inom. Nagsisimula na namang lumipad ang utak ko patungo sa mga problema ko sa buhay.

Hindi ba talaga ako magkakaro'n ng araw kung saan hindi ko maaalala kung gaano ka-walang kwenta ang buhay ko?

Tinungga ko ang huling patak ng alak. Hindi ko alam kung nakailang baso na ako, hindi ko na nabilang. Na-distract lang ako sa pag-inom nang maramdamang kailangan kong pumunta ng cr. Naiihi ako.

Binaba ko muna ang baso sa mesa bago walang pakandungang tumayo. Pero pakshet, pagkatayo na pagkatayo ko pa lang bigla nang umikot ang paningin ko!

Muntik na akong matumba, buti at napakapit ako sa upuan!

Napamura ako. Naparami na yata ako inom. I feel lightheaded.

Ilang beses kong iniling ang ulo para kahit papaano ay luminaw ang aking nanlalabong paningin. I need to find the bathroom first. Naiihi na talaga ako.

Nang masigurong kaya ko na ay nagsimula na akong maglakad para hanapin ang cr. It felt weird walking, pakiramdam ko ay bigla na lang akong matutumba.

Nang mahanap ko ang cr ay kagaad akong nagtungo sa isang cubicle para umihi. Napapikit ako, pakiramdam ko ay hindi ko kontrolado ang ulo ko, kusa iyong nahuhulog.

Pakshet. Sabi ko na nga ba. Sana hindi na ako uminom. Kahit gaano kababa ang alcohol percentage ay malalasing at malalasing pa rin talaga ako.

Nang matapos ay lumabas na ako ng cubicle. Kumapit ako sa sink para balansehin ang sarili. I need to go home. Anong oras na ba?

Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa para tignan ang oras. Nahirapan pa akong magbasa ng una kaya pilit kong pinokus ang paningin. At halos magulantang ako nang makitang 11pm na! May curfew pa kami ng 12am! Shit.

Sana nga at totoong 11 ang nakikita ko, baka 1am na talaga at sadyang naduduling lang ako kaya 11 ang nakikita ko. Jusko huwag naman sana.

Nakagat ko ang kuko. I need to make sure. Wala na akong uuwian kapag ala una na ng umaga!

Napalingon ako nang may isang babaeng lumabas sa cubicle, kaagad ko siyang hinarang.

"Miss, anong oras na?" Diretsong tanong ko sa kanya.

Kagaad naman siyang napatingin sa akin bago nagsalubong ang mga kilay.

"Ano ba! Mukha ba akong tanungan ng oras?!" Imbyerna niyang sagot saka ako inis na nilampasan. Napaatras pa ako nang banggain niya 'ko!

Grabe, ang sungit! Nagtatanong lang, eh.

Napasandal na lang ako sa sink at mariing napapikit. Pilit ko pa ring binabalanse ang ulo. Hindi ko talaga iyon makontrol, parang kailangan ko pa iyong pilit na patayuin kundi mahuhulog iyon. Fuck. Lasing na talaga ako.

Muli kong tinignan ang phone ko, baka sakaling nag-iba na ang oras. Pero gano'n pa rin talaga ang nakalagay. Ang nakasisigurado lang ako ay may number 1 sa oras, hindi ako sigurado kung 1 'yon o 11.

"Tang ina naman," inis akong napasabunot sa buhok.

Wala akong mapagtanungin. Ayoko na uli mangharang, baka sungitan pa ako uli.

Napatingin ako sa phone ko. What if I just call someone to help me out? Maybe that would work.

Nakagat ko ang loob ng pisngi ko. I started scrolling through my messages, looking for the right person to call. Pero hayop, wala akong mabasa! Hindi ko mabasa nang maayos ang mga pangalan!

Marahas akong napabuntong-hininga. In the end, I just opted to call a random person from my recent messages. Hindi na ako nag-abalang alamin kung sino 'yon. Hindi rin naman malaki ang pabor na hihingin ko.

Nagsimula nang mag-ring ang kabilang linya. Nakapikit lang ako habang nasa tenga ang cellphone at hinihintay ang pagsagot ng kabilang linya.

Pakiramdam ko ay babagsak na ako. Kung wala lang akong pinagsasandalan ay baka kanina pa ako nasa sahig.

Nawala ang pag-ring sa kabilang linya. Sinagot na ang tawag! Finally!

"Quick question," kaagad kong simula bago pa man makapagsalita ang tao sa kabilang linya. "Anong oras na?"

God, this might appear so confusing to this random person. Sino ba naman ang hindi magtataka kung bigla na lang may tumawa sa'yo para tanungin ang oras?

[What are you talking about?]

Natigilan ako. I almost shivered when I heard a deep voice. Sino 'to?

Tinignan ko ang screen ng phone para subukang basahin ang pangalang naroon, pero nangunot ang noo ko nang makitang unregistered number lang ang nakarehistro ro'n.

"I'm talking about the—time!" Napahinto pa ako nang bigla akong sinukin. "Anong oras na kako?!"

Silence.

Hindi siya sumagot. Pero rinig ko naman ang malalim niyang paghinga sa kabilang linya, nagpapatunay na naroon pa siya.

Nangunot ang noo ko. Ganoon ba kahirap sabihin ang oras?!

"Kung hindi ka sasagot iba na lang ang tatawagan ko—-"

[Where are you?]

Nagsalubong ang kilay ko. Tinatanong niya kung nasaan ako? Really?

"Pake mo? Sino ka ba?"

Nagtatanong lang ako ng oras tapos tatanungin niya na kung nasaan ako? Ang hirap naman nito kausap!

[Are you drunk, Ms. Fayven?]

Napakurap ako.

Ano raw? Ms. Fayven?

Isang tao lang ang tumatawag sa akin no'n.

"Pamilyar ikaw," napapaisip kong wika. "Ikaw ba 'yong plantitong psychiatrist ko na balak kong i-ghost next week?" Walang preno kong tanong.

Napapaisip ako kung siya nga ba iyon. He sounds just like him.

Nakarinig ako ng pagkalabog sa kabilang linya. Para bang bigla siyang napatayo? Hindi ko alam.

[You're not ghosting me.]

Madiin ang kanyang tono.

Tumaas ang isang kilay ko. So siya nga ito?

Napangisi ako. Tignan mo nga naman. Siya pa pala ang natawagan ko.

"Desisyon ka? Eh sa ayoko nang umattend ng therapy! Hanap ka na lang ibang client, yung masokista para willing magpanakit sa'yo."

Narinig ko ang malalim niyang paghugot ng hininga, akala mo ay pilit niyang ikino-compose ang sarili.

[Tell me where you are.]

Tignan mo na, ngayon ay inuutusan niya ako!

"Secret, walang halaman dito, hindi mo magugustuhan."

[Are you in a bar?]

Umikot ang mga mata ko. Panigurado ay narinig niya ang maingay na background music dito. Oh well, wala akong pake.

[Anong ginagawa mo dyan?]

His voice was serious. Well, he's serious all the time, pero ngayon ay parang may halo nang awtoridad ang kanyang boses. It's as if he's already ordering me to tell him the answer.

Umikot ang mga mata ko. Pakialamero talaga 'to. Akala niya mauutusan niya ako?

[Ms. Fayven—]

"Naghahanap ako ng magde-devirginize sa akin dito sa Easy-scape para matuloy ko na 'yong plano kong pagpapakamatay!"

I ended the call right after screaming those words. Napahinga ako nang malalim. Sinasagad niya ang pasensya ko!

Pag dumating talaga ang panahon ng pagkamatay ko, isasama ko siya sa listahan ng mumultuhin ko! Pakialamero.

Inalis ko ang suot na jacket. Nag-iinit ako sa inis, isama pa ang alak sa sistema ko. Idagdag na rin siguro ang factor na nasa cr ako. Right, I need to get out of here.

Lumabas na ako ng cr para bumalik sa table namin. But on my way back, nadaanan ko ang dance floor.

Surprisingly, the dance floor suddenly looked inviting. Ang kaninang ingay na dala ng speakers ay naging musika na sa pandinig ko. Ang mga taong nagsasayawan ay mukha nang masaya sa paningin ko.

Kaya imbis na sa table magtungo, ay sa dancefloor ako dumiretso. Nakipagsiksikan ako sa gitna para makisabay sa agos ng tugtugin. Nung una ay naiilang pa akong sumayaw. But seeing all the people around me minding their own business while dancing, unti-unti na ring nawala ang pagkailang ko.

Eventually, I was already dancing my heart out.

For the first time, I danced as if nobody was watching. For the first time, I didn't give a fuck what people think of me. All that matters is that I'm enjoying my time and my freedom.

"Hi."

Napadilat ako nang marinig iyon.

Bumungad sa akin ang isang lalakeng may ngiti sa labi habang nakatingin sa akin. Katulad ko ay nakikisabay din siya sa musika. Hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha dahil pakislap-kislap lang ang ilaw.

"Hi." Sagot ko pabalik na kailangan ko pang isigaw para lang marinig niya sa lakas ng tugtugin.

"Alone?" Tanong niya. Patuloy lang kami sa pagsayaw sa tugtugin.

Umiling ako. "Kasama ko mga kaibigan ko." I smiled at him. Or rather, the alcohol made me smile at him.

"Iwan mo na sila." Aniya na nagpakunot sa noo ko. Bahagya akong natigilan nang ilapit niya ang mukha sa akin, iyon pala ay may ibubulong siya sa tenga ko. "Mas masaya akong kasama."

Tumaas ang mga balahibo ko sa batok. There's something with the way he said those words.

Muli niyang nilayo ang mukha sa akin bago ako nginitian. "Tara?"

Napakurap ako. "Saan?"

"Basta. G ka ba?"

Napaisip ako sa tanong niya. Tama siya, G nga ang middle initial ko. Paano niya nalaman?

"Uhh, oo, G naman."

Lumaki ang ngiti niya. "Nice,"

Bigla ay hinila niya ako paalis sa kumpol ng mga tao. Para naman akong nahilo sa mabilis niyang paghila kaya hindi na ako nakaalma.

Nakipagsiksikan kami paalis sa kumpol ng mga taong nagsasayawan. Hindi nagtagal ay humina na ang kaninang malakas na musika. Pagtingin ko sa paligid ay lumabas na pala kami ng bar at ngayon ay patungo sa hindi ko alam kung saan.

"Saan tayo pupunta?" Nalilito kong tanong.

"Sa exciting part." 'Yon lang ang sinagot niya habang patuloy akong hinihila.

Bigla tuloy akong na-excite. Ano kaya ang tinutukoy niya? Nakaka-curious naman!

"Ay!" Napatili ako nang biglang may humawak nang mahigpit sa kabila kong braso.

Dahil doon ay parehas kaming napatigil sa paglalakad.

Titingin pa lang ako sa taong humawak sa isa kong braso nang bigla na lang ako nitong hilahin dahilan para mapalapit ako sa kanya at mabitawan ako ng lalake kanina! Muntik pa akong masubsob kung hindi lang niya ako hawak.

"She's going nowhere with you." May diin na saad ng isang malalim na boses.

Nangunot ang noo ko sa pamilyar na boses na iyon. Tumingala ako para alamin ang nagmamay-ari no'n, at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang psychiatrist ko!

Nahulog ang panga ko. Anong ginagawa niya rito?!

"Sino ka ba at nangingialam ka?!" Sigaw ng kaninang lalaking nanghihila sa akin.

Hindi siya sumagot. Tinitigan niya lang ang lalake. Ni wala siyang sinabi pero sapat na ang kanyang titig para mapaatras ang kanyang kausap. Halos pati ako ay mapaatras din.

Napalunok ako habang nakatingin sa kanya. May kalabuan man ang paningin ko sa ngayon, pero malinaw ko pa ring nakikita ang kanyang kasuotan. Kabaliktaran ng mga nagdaang pagkikita namin kung saan pormal ang kanyang dating, taliwas do'n ang ayos niya ngayon.

Tanging kaswal na black t-shirt lang ang suot niya, hapit na hapit iyon sa hubog ng kanyang kanyang katawan, kaparehas ng suot niyang maong jeans na hapit din sa kanyang mga binti. Dahil sa simpleng t-shirt ay lumantad ang kanyang hulmadong braso at likod.

He looked casual, pero tang ina, ang lakas pa rin ng dating niya. O sadyang lasing lang talaga ako kaya ganito siya ka-attractive sa paningin ko ngayon?

Napaiwas ako ng tingin nang bumaling ang seryoso niyang mga mata sa akin. Bigla akong kinabahan.

"We're leaving." Aniya.

Para naman akong nagising nang hablutin niya ang braso ko. Kaagad akong nagpumiglas. Marahas kong binawi ang braso mula sa kanya dahilan para mapatigil siya at kunot-noong mapalingon sa akin.

"Ano ba?! Nakahanap na nga ako ng tutupad sa goal ko eepal ka pa?! Ano, magvo-volunteer ka ba, ha?!"

He sighed. "Ms. Fayven—"

"Huwag mo akong ma-Ms. Fayven Fayven!"

Sumingit sa amin ang lalake kanina. "Bro, I think she doesn't want you—" Nagulantang kami pareho nang bigla siyang sapakin ni Dark!

Halos lumawa pa ang mga mata ko sa gulat nang bigla na lang tumalsik ang lalake! Masyadong mabilis ang pangyayari!

"You don't get to tell me that." Walang ekspresyong pahayag ni Dark pagkatapos umayos ng tayo na tila ba walang nangyari.

Hindi naman ako nakapagreak. Bagsak lang ang panga kong nakatingin sa kanya. Hindi ako makapaniwala. Nablanko bigla ang utak ko.

I can't believe that he, a psychiatrist—who is supposed to be the most understanding, most considerate, and most compassionate person out there—resorted to violence?

Ni wala man lang siyang warning. He literally just punched the man on the face!

Para tuloy biglang nagback to zero ang pagkakakilanlan ko sa kanya. It turns out that I really still have no idea about his true character.

Napaatras ako nang muling bumaling ang tingin niya sa akin. Napalunok ako. I suddenly felt... scared.

"I'm bringing you home." He ordered.

Yes, ordered, not asked nor requested.

Hindi na ako nakaalma nang muli niya akong hilahin. Parang tuod na lamang akong nagpatangay sa kanya.


Continue Reading

You'll Also Like

852K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...