Once in a lifetime

By supersaira

46.7K 1.4K 552

JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun g... More

Characters
PROLOGUE
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Epilogue
Bonus Chapter
New Story

Kabanata XVI

757 27 0
By supersaira

Craye

Andito ako kina Mon, actually gabi na din. Naisipan ko lang tumambay sa kanila dito, gusto kong magpahangin at tumambay sa tree house nila.

Nagdala na din ako ng midnight snack namin just in case na mas tumagal kami.

"Craye, saglit lang at magtitimpla lang ako. Which do you prefer? Coffee or tea?" Tanong ni Mon sa akin na nasa ibaba ng tree house

"Coffee with creamer." Sigaw ko mula sa taas

"Okay." Sagot ni Mon

Honestly, hindi ko alam kung paano ko aayusin yung pinasok ko. Masyado nang nahuhulog sakin si Kylie, maraming time na din ang nabibigay nya. Ako na rin yung priority nya. Makakayanan ko pa bang saktan yung kagaya nya? Justine is begging me, which is yun yung ayokong gawin nya sa akin.

Ang malaman na mahal ako nang taong mahal ko ay lubos na kong maswerte, pero sa nangyayari, bakit hindi sya mapapunta sakin na ganon lang kadali at ganon din ako sa kanya.

Kasama ba talaga sa buhay na masasaktan ka muna bago ka magiging masaya?

Hindi ba pwedeng masaya na lang kami ni Justine? Hayaan na lang ng tadhana na kami ang bumuo nang sarili naming kaligayahan.

"Eto na ang kape natin. Bakit parang malalim ata ang iniisip mo, seryoso ka." Tanong sakin ni Mon tyaka nya pinatong sa table yung dala nyang kape

"Mon, I have something to ask." Pagoopen ko

"Go, ano ba iyon?" Mahinahong tanong ni Mon tyaka sya nag sip sa kape nya.

"What do you think about Justine?" Lakas loob na tanong ko sa kanya

"Hayyyy nako Craye, finally!" Sabi ni Mon tyaka nya binaba yung iniinom nya "Matagal ko nang alam na gusto mo sya, ahh No! Matagal ka nang inlove sa kanya." Pagtatama nya sa sinabi nya

Tumingin ako sa kanya nang may pagtatanong

"Ikaw lang yung iniintay kong mag open sakin about jan, bakit? Bakit ayaw mong panindigan yung feelings mo?" Tanong sakin ni Mon

"At first, I'm scared na baka hindi naman nya ko gusto. Second, baka layuan nya ko. Third, baka may mahal syang iba pero alam mo Mon, inamin nya saking mahal nya ko, sobra and she's begging kasi si Kylie. Natatakot syang mapunta ako kay Kylie." Buong lakas na pag amin ko sa best friend ko

"Minsan gusto kitang sapakin pero madalas mas gusto kitang asarin, alam mo ba kung bakit lagi kong pinakikita na boto ako kay Kylie? Kasi gusto ko nang dumating yung araw na aamin ka sakin na si Justine ang gusto mo, pero grabe ang tatag mo. Pinatagal mo pa, ngayon anong gagawin mo?" Tanong ni Mon sa akin

Umayos ako ng upo at nag indian seat paharap kay Mon, nakaupo kasi kami sa lapag ng Kubo nila.

"Mon, ayokong nakikitang nasasaktan si Justine pero ako yung gumagawa ng dahilan kung bakit sya nasasaktan." Pigil na pagiyak ko

Sabi ko sa sarili ko, mamahalin ko si Justine nang sobra pa sa deserve nya pero sa nangyayari ngayon, nakikita kong hindi nya ko deserve.

"I guess, her heart is broken into a million pieces. Pagisipan mo kung paano mo ulit yun bubuoin, ipakita mo na deserve ka nya. Sabi mo diba she's begging? Craye, alam mong hindi dapat ganon. Hindi ganong Justine ang pinangarap mong makuha." Sincere na pagkakasabi ni Mon sa akin, tumayo sya at lumipat sya sa tabi ko "Craye, matalino ka alam mo kung anong dapat mong gawin, yan kasi ang hirap sayo. Learn to say NO! Walang mali doon." Dagdag nya pa.

Tumulo na lang yung luha ko sa isiping nasasaktan ko nang sobra si Justine, dumating sya sa puntong nag mamakaawa sa akin. Never in my wildest dream na mangyayari yun, ako pa yung dapat na mag beg sa kanya hindi dapat sya.

"Mon, tulungan mo ko. Gulong gulo na ko, anong sasabihin ko kay Kylie?" Tanong ko kay Mon tyaka ko pinunasan yung mga luha na pumapatak sa mga mata ko.

"Reject her, as simple as that." Sagot ni Mon "Ano? Iisipin mo na naman na masasaktan mo sya kasi nag invest na sya ng feelings sayo, nag effort, ikaw yung priority? Look, bakit mo iisipin ang feelings nya? Yung feelings ba ni Justine inisip mo? Yung feelings mo, okay lang ba sayo?"

"Masasaktan ko sya." Sagot ko kay Mon

"Ehhh ano kung masaktan mo sya? Kasama yon sa buhay nang tao. Potek, Craye. Si Justine or si Kylie?" Pagtatanong ni Mon sa akin

"Si Justine, si Justine palagi at palagi." Sagot ko

"Yun naman pala ehhh, anong problema mo? Kaya mainit lagi ulo sayo ni Maice, akala mo hindi ko napapansin yon? Best friend kita at best friend yun ni Justine, natural poprotektahan non si Justine sayo kasi sinasaktan mo yung kaibigan nya." Nahahalata ko na ang inis ni Mon sa akin

Natigil ang usapan namin ni Mon nang biglang tumunog yung phone ko, tumatawag si Kylie.

"What? Sasagutin mo? Sige lakad nang tuluyang mawala sayo si Justine." Asar na sabi ni Mon sa akin

"Well kung sabagay at kung wala kang awa kay Justine, sagutin mo. She's begging you nga pala. Pero Craye tandaan mo, wag kang iiyak sakin habang tinatanggap na ni Justine na mawala ka na sa sistema nya. Na isang araw wala kanang bilang para sa kanya."

Natakot ako sa sinabi ni Mon, na what if one day wala na nga akong bilang para sa kanya, wala na syang pakialam sakin.

But how to reject, Kylie? Akala ba ni Mon ay ganon lang kadali yon?

Hinayaan ko na lang na tumigil yung call kesa sagutin or patayin ko

"Craye, Ewan ko sayo. Sa pag call lang hindi mo na kayang patayan ng tawag, sa pangrereject mo pa kaya ng harapan? Alam mo kung ano pa yung nakakainis, wala kang sinasabi, lagi ka lang tahimik. Hanggang kailan ka ganyan?" Tatayo na si Mon para walkaoutan ako pero pinigilan ko

"Sana katulad mo ko, kaya gawin yung lahat nang mga sinabi mo. Mon, diba kilala mo naman ako? Sa lahat ayoko nung nakakasakit ako nang tao, tulungan mo ko. Napilitan lang din naman talaga ako doon kasi nagigipit na ko ng mga kaibigan natin, gusto talaga na mag yes ako." Now, I'm begging Mon. Hindi ko kayang mag isa na lutasin yung pinasok ko

"Gusto ba talaga nila o gusto mo din? Umamin ka nga! Kasi kilala mo naman sila diba, bakit hindi mo sinabi doon pa lang na gusto mo si Justine? Talagang sya pa ang unang umamin sayo? Siguro nga gagawin nya yon, kasi sobra sobra syang nasaktan sa ginawa mo. Craye, nung araw na yun, yun din yung araw na pwede mong sabihin saming lahat na si Justine ang gusto mo. Bakit nga ba hindi mo yun nadesisyunan agad?" Tanong ni Mon sakin

"Ewan ko, basta natatakot ako tyaka si Lance. Baka yun ang gusto ni Justine, ayokong marinig na marereject ako ni Justine kasi diba parang gusto nya din naman na mag yes ako, tyaka alam mo ba Mon, ang sakit din naman nung ginawa sakin ni Justine, kasi parati nyang pinararamdam sakin na para ako kay Kylie." Explain ko

"Ngayong alam mong mahal na mahal ka ni Justine, hahayaan mo na lang bang mawala sya dahil kay Kylie? Pakiramdam ko tuloy ngayon, yung napanood ni Justine kahapon sa quadrangle halos madurog ang puso non. Kaya Craye, ayusin mo to, sige tutulungan kita pero sana naman wag mo nang isipin ang feelings ni Kylie, pati ako nasasaktan na din sa ginagawa nyo kay Justine ehh. Kaibigan ko yun kesa kay Kylie." Sabi ni Mon sa akin tyaka nya ko niyakap

"Wag kang mag alala, best friend kita kaya kahit ganyan ka tutulungan kita. Pangarap ko rin naman na maging masaya ka, yun lang yung gusto ko para sayo." Natawa si Mon ng light "Craye, penny of your thoughts? Ikaw yung may problema pero ako yung maraming sinasabi kaya akala tuloy nila okay sayo lahat lagi." Tyaka sya uminom ulit ng kape

Ngumiti lang ako sa kanya

"Ayan." At tinuro nya ko. "Ngiti lang lagi sagot mo, minsan magreklamo ka din, mag salita ka din, depensahan mo din yung sarili mo, mag explain ka. Wag mo kong niyayamot." Tatawa tawang sabi sakin ni Mon

"I love you." Nasabi ko na lang kay Mon

"To the moon and back ba yan?" Pagka-clarify nya pa

"Kaya nga best friend kita." Sagot ko

"Ehhh may problema ka lang kaya mo ko nakikita." Himig tampong sabi ni Mon

"Mahal ko si Justine, sobra pero hindi ko kayang wala ka."

"Nuxx! Nasasabi mo na talaga yan ngayon? Wait nga ulit, gaano mo kamahal si Bibe?" Natatawang pang aasar sakin ni Mon

"She's not Bibe, she's my Baby, duhhh!" Sakay ko sa usapan namin

"Gago ka! Anong Baby? Yucks!" -Mon

"Anong gusto mong itawag ko sa kanya? Mahal?" Tanong ko

"Craye tumigil ka nga. Nakakairita ha." Reklamo ni Mon

"How about babe? What do you think, Mon?" Pang aasar ko pa

"Tumigil ka! Ayusin mo muna yang problema mo baka sapakin ko nguso mo." Tumayo si Mon at kinuha yung mga food na nasa table

"Wala ka lang love life ehhh."

"Ang haba kasi ng buhok mo, leche ka!" Tyaka sya bumalik nang upo sa tabi ko

"Kasalanan ko bang ang ganda ng best friend mo?"

"Wow! Kanina naiyak tapos ngayon nagbubuhat na ng sariling bangko? Aba iba ka."

"Ang arte naman nito, pero anung magandang tawagan namin? Baby? Mahal? Babe?"

"Nakakadiri ka ang landi mo, Justine ang itawag mo, Justine. Hindi baby, Hindi mahal, Hindi babe."

Natatawa na lang ako sa reaksyon ni Mon, pag ganito naman yung best friend mo.




Continue Reading

You'll Also Like

3.4K 102 25
One school. Two groups. Eight students. With different personalities. Attitudes. And hidden feelings. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanf...
85.4K 2.8K 34
Exes. Two people who already have chosen different paths but because of an incident needed to cross paths again.
21.7M 705K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
224K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...