Once in a lifetime

By supersaira

47K 1.4K 552

JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun g... More

Characters
PROLOGUE
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Epilogue
Bonus Chapter
New Story

Kabanata XII

798 26 2
By supersaira

Craye

Sobrang naenjoy ko yung pagpunta kina Justine kahapon, dun na ko nag lunch kasi kailangan ko daw maging favorite yung pork spareribs na favorite nya.

"Hoy Craye, Ikaw namumuro kana sakin. Bakit hindi ka nag long quiz tapos mababalitaan ko nakina Justine ka lang." Pagsugod sakin ni Mon dahil mukang inabangan nya talaga ako Ngayon

"Kukuha naman ako ng special quiz kay Sir, nakausap ko na sya kahapon at pumayag naman sya." Explain ko kay Mon

"Ehh anung napala mo kina Justine? Wala naman diba? Nakikain ka lang." Reklamo pa din ni Mon

Jusq! Kung alam mo lang Mon na sobra sobra yung napala ko, okay lang na ipagpalit ko yung long quiz ko.

"Grabe ka! Hindi naman sa ganon." Yan na lang ang sinabi ko at baka humaba pa

"Sya Tara na, outdated kana naman. Andun na silang lahat sa garden, may pa breakfast si Sally. Magbubukas ka nga ng socmed mo pagkagising mo ha." Reklamo ni Mon sakin tyaka nya ko hinila papunta sa garden

Nakita kong andun na nga silang lahat, nakaupo sa blanket at nakabilog.

"Hi Craye." Bati sakin ni Justine na nakangiti, ngumiti na lang din ako.

Hayssss! Bakit ba inaraw-araw nya nang maganda sya?

"Umupo kana dito, Ikaw na lang yung inaantay." Singit ni Angel

"Anu ba yang pasabog mo Sally at may pabreakfast ka?" Tanong ni Mon kay Sally tyaka sya umupo sa tabi nito at umupo na din ako.

"Alam nyo ba Guy's na nakapasa ako sa audition sa singing contest." Masayang pagbahagi ni Sally

"Aba mabuti nakapasa ka." Pang aasar naman ni Sandy

"Maganda naman ang boses nyan ni Sally, Ewan ko nga jan kung bakit ayaw sumali sa org. namin, sumali kana kaya." Suggestion naman ni Mon

"Hello mic check, good morning." Rinig naming lahat sa buong campus, may announcement.

"Shiiiii, pakinggan muna natin to at baka importante." Sabat ni Gianne

"Hi, ahhh good morning po, I'm Kylie Fernandez ng BS Com. Sci. Sa mga students and Prof. na naiistorbo ko po ay inihihingi ko na po agad ng sorry sa pang iistorbo. To my Craye, Hi Craye Farrah Vergara kinakabahan man ay kailangan ko na tong sabihin sayo, sa may bulletin board ng Archi. Dept may nakalagay doon na 'yes' or 'no' and now you can pick one after ko itanong sayo ito, yun ang basihan ng magiging sagot mo. Craye, can I court you?" Mahabang litanya ni Kylie

Hindi ako agad nakaimik, walang nakaimik sa aming lahat.

Nakarinig ako ng mga 'ayieee', 'sana all', "Miss Craye, pick yes' at iba pa sa mga students na nakarinig at mga malapit sa amin

Tiningnan ko silang lahat, silang mga kasama ko, isa isa sila. Matagal akong napako ng tingin kay Justine

"Krayolaaaaa! Pick yes na." Banat ni Sandy

"Oo nga Craye, sobrang bait kaya ni Kylie." Singit naman ni Gianne

"Wala kanang hahanapin pa, ang cool nya pa. Parang lahat ata kaya non ibigay para sayo." Pagco-convince ni Sally

"Look! Concern din sya sa mga kaibigan natin, like Justine diba binigyan nya pa ng bottled water." Sabi ni Mon at kinulbit kulbit pa ko

Kahit yung best friend ko boto na kay Kylie

"Ako na kukuha ng yes na yan sa bulletin, bagalan mo pa Craye." Sabat ni Angel

"Payag ka Craye?" Tanong ni Maice sa akin "Pag kinuha mo ang yes dun, isa lang ibig sabihin non na napayag ka at dahil napayag ka isa lang din yon, gusto mo na din sya." Dagdag pa nya

"Tama ka Maice, once na pumayag ka gusto mo na din si Kylie, Craye." Singit ni Justine

Sino ba kasing nagsabing payag na ko? Sino ba kasing may sabing gusto ko sya? Wala ba akong karapatan na tumanggi?

"Alam no tara na, kunin na natin yung yes dun. Bilang best friend mo ang gusto ko lang maging masaya ka." Sabi ni Mon at tumayo na ito "Deserve mo si Kylie, mamahalin ka non nang higit pa sa deserve mo. Wala syang pinakitang panget sayo, sa amin ay wala din." Dagdag nya pa

"Sure ka Mon?" Tanong ko kay Mon tyaka ako tumingin kay Justine, pero si Justine nakita ko na inaayos lang nito yung mga food na dala ni Sally

"Tara Sally, tayo na ang mag decide para sa kaibigan natin." Yakag ni Sandy kay Sally tyaka sila tumayong dalawa

"Hindi ito para samin Craye, para sayo to." Sabi naman ni Sally tyaka akmang aalis na silang dalawa para kunin yung 'yes' sa bulletin board

"Teka!" Pigil ko sa kanila. "Paano kung ayoko? Paano kung may iba na pala akong gusto?" Balik tanong ko sa kanila

"Ang tanong ko jan ay gusto ka ba? Kasi kung hindi din naman ay wag mo nang sugalan, dito Kay Kylie sure na sure kana tyaka hindi naman ibigsabihin na pag naligawan ka nya ay kayo na." Paliwanag ni Sandy sa akin

"Wag nyo naman sanang madaliin si Craye." Komento ni Justine

Napalingon akong muli sa kanya, nakatingin lang sya sa akin, walang emosyon.

"Bakit Justine, pinigilan kaba ni Craye kay Lance?" Sabat naman ni Mon "Nung pinakilala mo sya samin, nung nabalitaan namin na kinasal kayo sa marriage booth, nung kasama mo syang mag-inom mag isa. Hindi ka naman nya pinakalman sa mga gusto mo." Dagdag ni Mon

Ang totoo ay may point sya pero si Justine yung kausap nya.

Hindi ako nakaimik, ganon din si Justine.

"Hayaan mo na Justine, wala naman pala talagang pakialam sayo si Craye, lakad na kunin mo na yung yes dun sa bulletin board, Craye." Pagtatapos ni Maice sa usapan

"Yes Craye, mukang doon ka din naman sasaya kasi nung nakita ko kayo nung Univ. Week masaya ka, masaya ako palagi pag nakikita kitang masaya." Dagdag ni Justine

"Alam nyo, kunin nyo na para pagkakuha nyo kumain na tayo. Kanina pa natin pinagtatalunan yan ehh." Singit ni Gianne sa amin

"Hi Craye, may nakapag sabi lang sakin na andito daw kayo." Nagulat ako sa pagdating ni Kylie

"Totoo ba yon Kylie? Seryoso ka sa best friend ko? Kasi kung lolokohin mo lang to mag-aaway tayo." Sabat ni Mon

"Upo ka, Kylie sabay kana din saming kumain. Kukunin na dapat sa bulletin board yung 'yes' pero dumating ka." Si Sandy naman yung sumabat

"So ibigsabihin pumapayag kana? Seryoso ako Craye." Nakangiting si Kylie ang nasilayan ko at umupo sya sa tabi ko

I'm doomed!

Wala na akong nagawa, andito na si Kylie tapos yung mga kaibigan ko botong boto pa sa kanya.

Pakiramdam ko ay si Maice at Justine lang yung ayaw akong madaliin ngunit sa sinabi ni Mon na wala akong pakialam kay Lance para kay Justine? yun ang hindi nya alam, halos mabaliw ako kakaisip kung masaya ba si Justine pag magkasama sila tapos babanatan pa nila ako ng kung gusto daw ba ko ng gusto ko? kasi kung hindi ay wag ko nang sugalan.

Hindi ko na alam, sobrang litong lito na ko.

Gusto ba talaga ko ni Justine o si Lance talaga yung gusto nya? Pero bakit ganon sya kahapon? Bakit pakiramdam ko may pag-asa ako sa kanya.

Yung mga favorite nya nga gusto nyang maging favorite ko pa, masaya ako kahapon. Sobrang saya bakit Ngayon naman ay masyadong komplikado.

Tapos ngayon din, ano pang sasabihin ko kay Kylie kung pinangunahan na ko ng mga kaibigan ko. Alangan namang sabihin kong ayoko kasi may iba na kong gusto.

Pero ito namang si Justine, after kahapon pinamimigay na naman ako sa iba.

Pero sa lahat, kay Maice ako nalilito sa mga sinasabi nya.

"Wag nating pine-pressure si Craye pero alam ko naman na yes na isasagot nyan." Nakangiting sabi ni Sandy kay Kylie

"Miss Kylie, eto na po yung order nyo pinaabot lang po ng grab food at lalamove." Napalingon kaming lahat sa nagsalita, yung guard sa Univ. namin at may dala itong paper bag at bouquet.

"Thank you po Kuya." Sabi ni Kylie at umalis na din yung guard.

"So this is for you, Craye." Inabot nya sakin ang bouquet "and itong food, para sa atin. Nag order na ko ng favorite ni Craye, okay lang naman sa inyo diba?" Nahihiyang pahayag ni Kylie sa mga kaibigan ko

Napatingin ako kay Justine, nakatingin lang sya sa bouquet na hawak ko, pagbaling ko kay Maice ay nakatingin lang sya sa akin pero walang reaksyon. The rest, lahat sila masaya para sakin.

"Nako nag abala kapa, Kylie. Pero hulaan ko isa sa favorite kasi ni Craye pag breakfast bukod sa rice meal ay cinnamon roll. Minsan nga kahit hindi mag breakfast yan basta may cinnamon roll okay na. Hehehe. Sweet tooth kasi si Craye." Pagse-share ni Mon ng mga gusto ko

"Sabi ko na, hindi ako nagkamali nang pinanghingan nang info. thank you Angel." Sabi ni Kylie

"You're always welcome, para naman yan sa kaibigan ko." Sagot ni Angel kay Kylie

"Sige na, okay na. Kainin na natin itong dala ni Sally at dala ni Kylie. Maya-maya ay may klase na ulit." Singit naman ni Gianne

"Sorry Guy's but I need to leave na, kunin ko na lang tong parte ko kay Sally ha. Hehehe. Need ko pa palang asikasuhin yung papers about Univ. Week." Excuse ni Justine sa amin

"Dalhin mo na din to, Justine." Singit ni Kylie at inabot nito yung isang cinnamon roll.

"Thanks Ky, Guy's see you sa lunch break and Maice kaunin mo ko sa Lab later bago mag lunch ha. Enjoy kayo jan." Paalam ni Justine sa amin

"Okay Just!" Pahabol ni Sandy

Pinagmamasdan ko ang pagalis nya, kahit na sulyap ay hindi nya na nagawang lumingon pa sa amin.

Hindi ko alam pero parang kailangan ko syang habulin, bahala na.

Continue Reading

You'll Also Like

85.4K 2.8K 34
Exes. Two people who already have chosen different paths but because of an incident needed to cross paths again.
817K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
4K 109 31
One school. Two groups. Eight students. With different personalities. Attitudes. And hidden feelings. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanf...
224K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...