The Love Story Of Moonlight L...

By littlemsclouddd

5.3K 263 41

Sa isang liblib na lugar nakatira ang dalagang nag ngangalang Elvira Morticia isang babaeng may katigasan ang... More

WARNING
BITE:01
BITE:02
BITE:03
BITE:04
BITE:05
BITE:06
BITE:07
BITE:09
BITE:10
BITE:11
BITE:12
BITE:13
BITE:14
BITE:15
BITE:16
BITE:17

BITE:O8

208 14 2
By littlemsclouddd

Das PoV

"Hindi pa din ba nahahanap si Elvira?" tanong ko kay Ella ng makasalubong ko siya sa daan.

Malungkot siyang tumango"Araw araw pumupunta si Ama sa gubat pero hindi niya pa din nakikita si Ate, sila Mang Ato nga at ang iba pa ay tumutulong din sa paghahanap" Malungkot niyang sagot.

"Das! Das!" Sabay kaming lumingon ni Ella kay Vane na hinihingal na huminto sa harapan namin.

"Bakit?" taka kong tanong, tumingin muna siya kay Ella bago sumagot."May natagpuan daw na babae sa sapa malapit kung saan nawala si Elvira, andun na din ang Ina at Ama mo" Pagbabalita niya kaya sabay sabay kaming tumakbo papuntang sapa.

Nang makarating kami doon ay marami ng kupol ng tao na nakiki-isyusyo.

Sumiksik kami para makapunta sa unahan.

"Hindi siya si Elvira" Sagot ko.

Agnas na ang katawan at payat na payat ang babae, Hindi na din makilala ang mukha dahil sobrang itim.

"Bakit ganyan kung nalunod siya?" Takang bulong ni Ella.

Kahit ako ay nagtaka din, parang naubos ang dugo niya dahil sobrang payat na tuyo ang katawan.

"Magsi-alis na kayo! Wag na kayong makigulo dito!" Sigaw ng ni kagawad.

Nagsialisan na ang iba at tanging kami na lang ang naiwan dahil lumapit kami kila Tiyo Elfred.

"Sigurado ho ba kayong hindi siya ang nawawala niyong anak?" Tanong ni Kagawad kay Tiyo Elfred.

"Oho, kagawad... Mas matangkad kumpara riyan si Elvira" Sagot ni Tiyo Elfred.

"Kunin niyo na ang bangkay para masuri sa bayan,... Mauuna na ho kami" Paalam ni Kagawad at umalis na dala ang  bangkay.

Naiwan kami lima. Napatingin ako kay Tiyo Elfred ng mapansin na alis-is siya. Patingin tingin siya sa paligid.

Kumalma lang siya ng hawakan siya sa braso ni Tiya Edna.

Tumingin siya sa amin saka tumikhim. "Magsi-uwi na kayo, huwag na huwag na kayong lalabas pag kumagat na ang dilim at wag na din kayong dadaan sa kalye malapit sa gubat" Makahulugang bilin ni Tiyo Elfred kaya kinilabutan ako.

"Bakit naman po Tiyo?" tanong ni Vane.

"Wag na kayong magtanong, gawin niyo na lang... Ang babaeng iyon ay hindi namatay sa pagkalunod kundi dahil sa bam—   "Elfred wag mong takutin ang mga bata" Suway ni Tiya Edna.

"Magsi uwi na kayo, Tara na Ella" Saad ni Tiya Edna at umalis na sila.

"Kakilabot naman si Tiyo Elfred, simula ng mawala si Elvira ay naging ganyan na siya, si Ella nga ay ayaw ng paalisin ng hindi siya kasama, lagi na ding sarado ang dati nilang magsilang tahanan" Naawang sabi ni Vane.

"Sa tingin mo nasan na kaya si Elvira ngayon?" Tanong ko sa kanya.

"Isa lang ang alam kung pwedeng puntahan ni Elvira" Saad niya at nakatingin sakin ng seryoso.

"Saan?" Pagtatanong ko.

"Sa Mansyon ng ginto" Nakangiti niyang sagot kaya binatukan ko siya.

"Aray! Bakit ba? Isipin mo naman bilog ang buwan nung nangahoy sila tapos bigla na lang nawala si Elvira" Sagot niya kaya nakatikim na naman siya sakin ng batok.

"Tanga ka! Sa sobrang hilig mong magbasa ng mga pantasiya pati sa totoong buhay dinadala mo, bobo!" Asik ko at iniwanan na siya.

Kung ano ano ang tumatakbo sa utak niya kaya walang makuhang matinong sagot sa kanya eh.

Pero kung nasan man talaga si Elvira sana ayos lang siya, sana nasa mabuti siyang kalagayan.

"Nawala ka na lang bigla ng hindi manlang nagpapaalam"

Elvira PoV

Nagsimula na ang kasiyahan, sa isang mahabang lamesa ay nakaupo kami kasama ang iba pang kamag-anak ni Ali. Habang ang ilang bisita nila ay nasa kanya kanya ding bilog na lamesa nila na nagsasaya.

Dumating pa ang ilan nilang kamag anak at itong babae na ito ay hindi inaalis ang tingin sakin at tanong ng tanong ng kung ano ano.

"Drusilla, tigilan mo nga ang kakatanong kay Elvira, tignan mo naiilang na siya sayo" Saad ni Dusk ang isang pinsan ni Ali na kapatid ni Drusilla.

Ang masasabi ko lang sa angkan niya ay sobrang dami at sa lahat ng nagpakilala sakin ay iilan lang ang natandaan ko.

Ang Ina ni Ali ay may talong kapatid, sa tatay naman niya ay may Apat na kapatid tapos may mga anak anak sila syempre kaya ang dami.

"Elvira, anong paboritong lasa ng dugo ang gusto mo?" Tanong na naman ni Drusilla.

Lasa ng dugo? Kalawang ang pakilasa ko sa dugo eh.

"Ha? Ahmm ano yung kay Ali" Sagot ko.

Napalingon ako ng masamid si Ali at tumahimik silang lahat na nasa lamesa.

"B-b-bakit? Ma-may nasabi ba a-akong masama?" Kinakabahan kong tanong.

Hinawakan ni Ali ang tuhod ko sa ilalim ng lamesa.

Whaaaaahhh!! Ano bang maling nasabi ko? Nakakatakot silang tumingin parang ano mang oras ay sisipsipin nila ang dugo ko.

"Ang ibig niyang sabihin ay gaya ng iniinom kong dugo" Pagpapaliwanag ni Ali.

Medyo gumaan naman ang presensiya nila kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Ang akala ko naman ay dugo na ni Alessandro ang iniinom mo hahaha, Ibig sabihin pala nun ay nag isa na kayo" Tawa ni Drusilla na wala akong naintindahan.

"Kumain ka na lang ng kumain Drusilla" Saad ni Ali, si Drusilla naman ay pangisi-ngisi.

Sabay sabay kaming tumingin sa pinto ng may mga dumating.

"Naku, andyan na si Alice" Saad ni Drusilla.

Gaya nung kami ay yumuko din ang mga dinadaanan nila.

Dalawang babae at dalawang lalaki, isa rin siguro sila sa pamilya ni Ali dahil rinig ko ay kulang pa sila.

Hindi naalis ang tingin ko sa babaeng nakasuot ng kulay itim na gown, ang tindig at lakad niya ay parang prinsesa, namumula ang pisnge at ang ganda ng hugis ng labi. Masasabi kong sa lahat ng maganda ay siya ang pinaka maganda.

"Siya si Alice, wag mo siyang tignan ng ganyan" bulong ni Drusilla kaya napaiwas ako ng tingin ng tignan ako nung Alice.

"Maligayang pagdating sa inyo Reyna Celeste" Bati ni Tiya Borah at nakiyuko din ako ng yumuko sila.

Mala pantasiya pala ang lugar na ito, may Hari at Reyna. Ibig sabihin pala ay sila ang namumuno dito?.

"Sino itong bagong mukha sa paningin ko?" Seryoso at makapang yarihan na tanong ni Celeste.

Nang mag-angat ako ng tingin ay sakin siya nakatingin maging si Alice at dalawa pang lalaki ay sakin din nakatingin kaya napayuko agad ako.

"Siya si Elvira, Reyna Celeste... Kasintahan ni Alessandro" Si Khaled ang sumagot.

Hindi ko nakikita ang ekspresyon ng mukha nila pero todo todo ang kaba ko.

"Kasintahan?" Ang boses ni Alice ay napaka amo at malambing.

"Sa dami ng magagandang babae sa Ruthven bakit ganyang itsura pa ang pinili mo Alessandro?" Tanong niya.

Ang g+g- nang bunganga ng babae na to ah, binabawi ko na yung sinabi kong malambing at maamo ang boses niya.

"Ayoko man ho itong sabihin pero, pasmado ho yata ang madumi niyong bunganga" Seryoso kong saad at tinignan siya ng deristo sa mata.

Gulat at inis ang mababasa sa reaksyon niya,at lahat ay nagulat sa sinabi ko.

"Pasensya na po" Yumuko ako matapos sabihin iyon.

Wala akong pake kung sila pa ang namumuno dito ang sakin lang ayosin niya pananalita niya sakin dahil baka hindi ko siya matantya.

"Ano't may lakas ka ng loob na sabihan yan sa anak—  "Unang nang insulto si Alice, Celeste... gumanti lamang si Elvira" Seryosong sagot ni Ali.

Lumingon ako sa kanya, mas balasubas pa siya sakin eh..

"Kaarawan ko po ngayon, Sana naman ay wag nating idamay ang isyu ng pamilya natin dito" Nakangiting saad ni Khaled at tumingin sakin.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya sa ginawa ko.

Bumalik na sa pagkakaupo kaming lahat at katapat ko pa talaga yung Alice na hindi inaalis ang masamang tingin sakin.

"Gusto mo bang sumayaw?" bulong sakin ni Ali.

"Hindi ako marunong" bulong ko pabalik,pero gusto ko na talagang malayo dito sa lamesa kasi pakiramdam ko pinapatay na ako ni Alice sa isip niya.

Tumayo si Ali at inabot ang kamay ko. Ngumiti siya sakin kaya nakangiti ko ding tinanggap ang kamay niya.

Hindi ko alam pero sa tuwing nakikita ko ang ngiti niya gumagaan ang loob ko, kahit natatakot ako dahil ako lang ang isang tao dito pag nasa tabi ko siya pakiramdam ko ligtas ako at walang dapat ikatakot.

"Kasing ganda ng buwan ang kagandahan mo, nag iisa at walang katulad" nakangiti niyang usal habang sumasayaw kami.

To be continued....

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 150K 54
Anna Merliz Callista is a wizard from Fevia Attero. To be born into a prominent wizarding clan should have made her happy, but as someone who was bor...
3.2M 272K 54
Jewella Leticia is willing to face the biggest war to rewrite the conflicted past of Nemetio Spiran- a world she thought she would only need to see f...
13.4M 641K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
8.4M 467K 53
Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other goddesses her age when it comes to power an...