Embracing Her Lies (THREE KIN...

Od LegendArie

5.5M 150K 132K

Three Kings Series #2 (Blare Yvan Reifler) Viac

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42

Chapter 30

123K 3.4K 2.5K
Od LegendArie

Embracing His Lies

"Vanessa..." Mula sa pagkakahiga sa kama ay nilingon ko si Tita Cielo na kasalukuyang pumapasok sa loob ng kuwarto ko dala ang umuusok na tasa.

Bumangon ako at sumandal sa headboard nang makita siya, pasimple ko pang hinawakan ang puson ko nang lumapit siya sa akin at umupo sa paanan ng kama ko. 

"How are you?" Mahinahon niyang tanong habang inaabot sa akin ang kopitang hawak, ayaw ko sanang tanggapin iyon pero kusa niya itong inilapit sa bibig ko.

"You should drink more of this herbal tea, dear... It's good for your little one." Napapiksi ako nang bigla niyang hinawakan ang tiyan ko dahilan ng pagtapon ng tsaa sa kanya.

"Goodness! Vanessa!" Napasinghap si Tita Cielo at nagmamadaling tumayo dahil sa pagkapaso.

Napalunok ako at agad na umatras sa sulok dahil sa ginawa niyang pagsigaw, hindi naman na ako natatakot sa kanya pero parang naging normal na reaksyon na lang ng katawan ko ang magkaganito sa tuwing naririnig ko ang sigaw niya.

Natigilan si Tita Cielo nang mapansin ang naging reaksyon ko, tinitigan niya muna ako ng mabuti bago lumambot ang ekspresyon niya. "I'm sorry... I'll just get you a new one," paalam niya bago tumalikod at lumabas ng kuwarto.

I sighed deeply and rested my eyes while rubbing my tummy gently. Galing ako sa hospital kanina dahil dinugo ako, labis na takot ang naramdaman ko kaya agad akong bumalik kay Dr. Lewis.

Mahina lang naman ang pagdugo na naranasan ko pero naalarma agad ako kaya kinalma ko ang sarili at minabuting magpatingin agad sa Doktor. Ang sabi naman ni Dr. Lewis ay normal ang magkaroon ng 'spotting' o 'implantation bleeding' sa first trimester kaya kahit paano ay nawala ang kaba ko.

Habang nakasakay ako sa taxi kanina papuntang hospital ay kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan ko tulad na lang ng, 'paano kung mawala sa akin ang anak ko?' I know for sure that I would live a life full of regret if something happens to my child, and worst... my baby's father isn't even aware that he has a child!

Ayaw ko namang dumating sa punto ng buhay ko na pagsisisihan kong hindi sinabi kay Blare ang tungkol sa anak niya. Mahal ko ang baby ko at gusto kong ibigay sa kanya ang karapatan na kilalanin ng ama niya kaya nagdesisyon na akong umuwi sa Pilipinas para ipaalam kay Blare na mayroon na siyang anak— na daddy na siya.

Isang linggo bago operahan si Papa ay nagpasya akong umuwi sa Pilipinas at sabihin kay Blare ang tungkol sa anak namin. I'm nervous yet excited when I finally stepped my feet on the airport ground.

"Van!" Malakas na sigaw ni Bricks ang nagpalingon sa 'kin. Nakasilip siya mula sa likod ng pulang Mustang  convertible at kumakaway sa akin.

Ang three idiots ang tinawagan ko para sumundo sa akin sa airport dahil gusto kong i-surprise si Blare kaya hindi ko sinabi sa kanya na uuwi ako.

"Ang aga mo yatang umuwi, Doc?"  tumalon si Bricks palabas sa convertible nang huminto ang sasakyan sa harapan ko.

"Tangina, Bricks! May pintuan naman pero talon ka nang talon!" Naiinis na reklamo ni Russ kay Bricks pero umamo rin agad ang mukha niya nang mapansing pinapanood ko siya.

"Saan mga gamit mo, Doc Vanilla?" tanong ni Joji pagkababa pa lang sa driver's seat, sinilip pa niya ang likuran ko nang makitang wala akong dalang maleta.

"Eto lang ang gamit ko," itinaas ko ang dalang YSL na duffle bag at Hermes na hand bag. "Babalik din kasi ako agad sa New York, may surprise lang ako kay Blare."

"Naks, ginawa mo namang kabilang baranggay lang ang New York," biro ni Joji at inagaw na sa akin ang lahat ng dala kong gamit para ilagay sa compartment.

Pinagbuksan naman ako ni Russ ng pintuan ng sasakyan. "Barya lang 'yan kay Doc, Reifler naman ang future husband niyan e," he winked at me. "--- right, Doc?"

"Baka bilhan ka pa ni Blare ng sarili mong airport," Bricks joked. Napailing na lang ako sa kanilang tatlo.

"Saang Restobar ba sila may gig?" I asked them when we're already on the road. I'm going to visit Donna first before surprising Blare.

"Malapit lang, sa may BGC lang," si Bricks na katabi ko ang sumagot. Tumango naman ako dinama ang hangin na humahaplos sa balat ko.

Pumihit paharap sa akin si Russ na nakaupo sa passenger seat. "Alam mo, Vanny, kung hindi lang mataas ang pride niyang si Blare baka hindi lang gig ang ginagawa nila, baka nga may concert na ngayon yung banda nila ibang bansa. "

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Russ. "What do you mean?" I asked, confused.

"Isang tawag lang ni tito Blaze sa mga connections niya, may contract agad sila sa mga music labels, kahit sa ibang bansa pa ah! Sila pa ang mamimili!" Halata ang panghihinayang sa tono ni Russ.

"—pero ayaw gamitin ni Blare ang connection ng Daddy niya," singit ni Russ. "Blare wants to work hard for his dreams." Napangiti naman ako sa narinig, ibig sabihin ay hindi lang kasikatan ang habol ni Blare, he's really dedicated on what he's doing.

Pasimple kong hinawakan ang tiyan ko. Narinig mo 'yon, baby? Your dad is a man of his words, a man who wants to stand on his own feet. Proud tayo sa kanya 'di ba, anak?

"Kung pinayagan lang ako ni Blare, ako na papalit sa pwesto ni Mago!" saad ni Russ na nagpamaang kay Joji at Bricks.

Si Mago ang bass ng Alpha King's band pero umalis siya sa banda noong nagkaroon siya ng sariling pamilya at siya ang nagpatakbo ng negosyo na naiwan ng namatay nilang Lola ni Margaux.

Sa ngayon ay si Evren ang pumalit kay Mago kaya lang ay nabanggit sa 'kin ni Blare na hindi pa raw sigurado si Evren kung itutuloy ang pagbabanda dahil kailangan nitong bumalik sa Japan kung nasaan ang ina.

"In your dreams, motherfucker!" pang-asar ni Bricks na ikinasimangot ni Russ.

"Ang talent mo lang naman ay ubusin ang pera ng Papa mo, ulol!" Dagdag pa ni Joji kaya lalong nalukot ang mukha ni Russ at itinaas ang magkabila niyang middle finger para ipakita sa dalawa.

"Gago kayo ah! Magmaneho ka na nga lang ng maayos, Joji. Kapag naaksidente si Van, papatayin ka ni Blare!" Napipikong iniba ni Russ ang usapan na ikinatawa namin.

Nasa entrance pa lang kami ng subdivision ay tanaw na namin ang nagkakagulong mga tao. May mga nagsisigawan na rin na parang may nag-aaway.

"Ano'ng meron?" Sumilip pa si Bricks at halos humaba ang leeg habang tinatanaw kung ano ang kaguluhan.

"Bakit sa 'min mo itatanong, eh magkakasama lang tayo?" sarkastikong sagot ni Joji.

"Ay! Putangina! Si Blade 'yun, gago!" Malakas na sigaw ni Bricks nang makalapit na kami sa tapat ng bahay nila Donna.

Nagmamadaling hininto ni Joji ang sasakyan sa gilid. Agad namang nagtatakbo si Russ patungo kay Blade na para awatin ito.

Agad akong nag-alala, pinilit kong silipin kung nasaan si Donna pero wala siya roon, ang nasa labas ng bahay nila ay ang kuya niyang si Kirby na pilit pinapaalis si Blade na kasalukuyang nagwawala.

Maraming tao ang nanonood sa pag-aaway ng dalawa na taga-rito lang din sa subdivision, ang iba ay kilala ko pa pero mukhang wala namang pakialam si Blade at Kirby, wala man lang nagtangkang awatin sila.

"Umalis ka na, Blade! Ayaw ka na ngang makita ni Donna! Leave my sister alone! She fucking broke up with you, just let her go and fucking leave!" Tinulak ni Kirby si Blade.

Hindi man lang natinag si Blade sa pagtulak ni Kirby. Hindi niya ito pinansin. Sa halip ay tumingala siya sa bintana ng kuwarto ni Donna at doon sumigaw. "Donna ko, mahal! Kausapin mo naman ako oh, sige na? H'wag ganito please?"

Hinarap ni Joji si Bricks. "H'wag ka nang umawat, mahina ka lang naman! Guard our Doc Van or else, Blare would kill you!" Saad niya bago kami tinalikuran at dinaluhan si Russ.

Lalabas na rin sana ako ng sasakyan pero may mga guards ng subdivision na dumating at nilapitan si Kirby at Blade.

"Doc, mamaya ka na lumabas ah? Nagkakagulo pa kasi, baka madamay ka," ani Bricks na nakasilip lamang at halatang gusto nang lapitan si Blade.

Sinubukan kong mag-text kay Donna upang sabihin na nasa labas ako ng bahay nila pero hindi siya sumasagot. Sobra na akong nag-alala para sa kanya kaya hindi ko na natiis, bumaba na ako ng sasakyan at nagtatakbo papasok sa bahay nila kahit na tinatawag ako ni Bricks.

"Si Donna po?" Tanong ko sa katulong nilang nakasilip sa labas at naiiyak habang pinapanood ang nangyayari.

Nagulat pa siya nang makita ako. "Nasa taas po si Ma'am Donna."

Nagmamadali kong tinungo ang kuwarto ni Donna at naabutan ko siyang nakasilip sa bintana kung saan tanaw niya ang nangyayari sa labas ng bahay nila. Hawak niya ang sariling dibdib at malakas na umiiyak.

"Donna!" I hurriedly run towards her and hugged her tightly. Mas lalong lumakas ang iyak niya at gumanti ng yakap nang makita ako.

I stayed the night at Donna's house to comfort her. Hindi ko na muna pinuntahan si Blare dahil mas kailangan ako ng kaibigan ko ngayon, hindi ko rin sinabi sa kanya na nasa Pilipinas na ako, ibinilin ko rin sa three idiots na huwag na huwag babanggitin kay Blare na nandito na ako.

I just need to be with Donna, she was there when I needed her the most that's why I will do the same. Sinabi niya sa akin ang mga nangyari na sobra kong ikinalungkot. She has no other choice than to give him up.

Hapon na nang sunduin ako ng three ids para ihatid sa gig ni Blare. Si Donna ay nanatili pa ring nasa kama kaya nilapitan ko siya at niyakap. "Ayos lang ba talagang iwanan kita?" I asked her.

She gave a small smile. Mugto pa rin ang mga mata. "Go and tell him, Go and fight for your love."

Hinimas ko ang buhok niya. "Paano ka? I don't want to leave you. You need me." I hold her hand.

Umiling siya at nginitian akong muli. "I'm going to be fine, paninindigan ko ang usapan namin ni Mama Amanda kahit na mahina ako pagdating kay Blade. I'm his strength but he's my weakness."

"Donna," huminga ako ng malalim at mas niyakap siya. "Hindi na ako aalis, sasamahan kita. Blare can wai--"

"But your baby--- my inaanak can't wait! Ayos lang ako, kaya ko 'to. Go and tell him!"

Wala akong nagawa kung hindi sundin ang payo niya kahit na ayaw ko pa siyang iwanang mag-isa. Naging panatag lang ako nang tumawag si Margaux at sinabing pupunta siya kay Donna para samahan ito kahit nasa La Union pa siya.

Ang scrapbook lang na ginawa ko ang tanging dala ko nang pumunta kami sa Restobar kung nasaan ang banda ni Blare. Sinamahan ako ni Joji, Russ at Bricks hanggang makapasok sa loob. Wala pa naman masyadong tao dahil medyo maaga pa at sa gabi ang dagsa ng mga tao sa ganitong lugar.

"France!" Tinawag ni Joji si France na nasa gitna ng maliit na stage at inaayos ang electric guitar. Lumapit naman ito kaagad at nagulat pa nang makita ako.

"Van?" His eyes widened while looking at me, binigyan ko lang siya ng maliit na ngiti.

"Bakit parang gulat ka? Nasaan si Blare?" tanong ni Russ sa kabilang gilid ko.

Nagkamot ng batok si France bago magsalita. "He's... he's at the backstage--- with his visitor. Nauna lang ng konti sa inyo yung bisita niya," naglilikot ang mga mata ni France at hindi makatingin sa akin ng maayos.

"Sige, puntahan na lang namin si Blare," ani Joji at iginiya na ako papunta sa backstage pero pinigilan kami ni France.

"Hintayin niyo na lang, lalabas din naman sila," alanganin niyang saad habang pinipigil kami. Naningkit ang mga mata ko habang tinitingnan si France kaya imbes na sundin siya ay tumuloy pa rin ako sa paglalakad patungo sa backstage.

Pipigilan pa sana ako muli ni France pero hinila na siya ng tatlo papunta sa isang table kung nasaan ang kumpulan ng mga nagiinuman. Dumiretso ako sa backstage na tinutukoy niya, mabilis ko naman 'yong nahanap dahil may sign sa labas.

Dahan-dahan akong sumilip sa bahagyang nakabukas na pintuan para hanapin si Blare. Halos walang tao sa loob kaya tuluyan na akong pumasok. Lumaki ang ngiti ko nang makita ang malapad niyang likuran, kahit nakatalikod ay sigurado akong si Blare 'yon!

Lalapitan ko na sana siya pero para akong napako sa kinatatayuan ko nang makitang hindi siya nag-iisa, he's with someone...

And that someone is none other than Valerie.

Magkaharap si Blare at Valerie, lumakas ang kabog ng dibdib ko habang pinagmamasdan ang tingin nila sa isa't isa. Kasabay noon ang  panginginig ng tuhod ko, kahit na gusto ko silang lapitan ay hindi ko magawa.

"You promised my Papa, Blare! You made a deal with him!" Aalis na sana ako ngunit biglang sumigaw si Valerie, nagsimula na rin siyang paluin ang dibdib ni Blare.

"Listen to me, Valerie," kalmado ngunit malakas na saad ni Blare. Hinawakan niya ang pulso ng kapatid ko upang pigilan ito. Parang hinihiwa ang puso ko sa nakikita.

"Listen? How can I listen to you when you can't even do what I want!" Valerie cries while punching Blare's chest endlessly.

May sinabi si Blare sa kanya ngunit hindi ko na 'yon marinig dahil halos bulong lang iyon. Imbes na kumalma ay mas nagwala si Val, pinagtataob niya ang upuan na malapit sa kanya.

"Calm down, Valerie! Pakinggan mo muna ako," Blare clenched his jaw.

"Calm down?" Val sarcastically laugh. "If you really want me to calm down then let's tell the truth to ate Vanessa! Umamin na tayo, Blare!" Nahigit ko ang sariling hininga nang banggitin ni Valerie ang pangalan ko.

Truth? What is the truth that she's talking about?

"Ako ang magsasabi sa kanya, huwag mo akong pangunahan," matigas na sagot ni Blare kaya lalong lumalim ang kunot ng noo ko. Parang sumikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga ng maayos.

Ano ang sasabihin nila sa akin? Ano ang aaminin nila? Maraming gumugulo sa isipan ko at hindi na ako makapag-isip pa ng maayos, kinakain ako ng kaba, selos at sakit.

"Kailan mo pa sasabihin? Kapag hulog na hulog na sa 'yo si Ate?" Hinawakan ni Valerie ang braso ni Blare, nag-iwas ako ng tingin nang makita kong hinawakan din ni Blare ang kamay ni Valerie na nakahawak sa kanya.

"Valerie..." Kalmado ang boses ni Blare nang tawagin niya ang pangalan ng kapatid ko. Parang unti-unti akong nababasag habang pinagmamasdan sila.

"Blare naman!" Nanghihinang napaupo si Valerie sa sahig. "Sabihin mo na kay Ate Vanessa na ako talaga ang mahal mo at nakisama ka lang sa kanya sa loob ng dalawang taon kasi nakiusap sa 'yo si Papa dahil naaawa siya kay ate."

Si Papa? Pati si Papa? And he... of all the people, was behind this?

"Tell her that you keep her unlabeled for two years because you were waiting for me!" she said, almost pleading. "Hinihintay mo lang naman akong makalabas sa rehab, 'di ba? Eto na, magaling na 'ko! We can be together."

I gasped at what I've heard. Para akong ginising mula sa magandang panaginip. Pakiramdam ko ay nagunaw ako nang marinig ko ang mga salitang 'yon mula mismo sa kapatid ko. Hindi ko namalayan na naglalandas na pala ang luha sa buong mukha ko.

Pinunasan ko ang mga luhang patuloy lang sa pagtulo mula sa mga mata ko at pinilit kong umalis doon at iwanan silang dalawa gamit ang nanginginig na mga tuhod at luhaang mga mata. Tumayo na ako at handa nang umalis pero hindi ko sinasadyang mabunggo ang mga nagkalat na upuan kaya gumawa 'yon ng malakas na ingay.

"Ate Van!"

"Vanessa!"

Magkasabay na tawag sa akin ni Blare at Valerie, puno ng luha ang mga mata ko nang lingunin sila... wala akong mabakas na ano mang reaskyon sa mukha ni Valerie ngunit punong-puno ng gulat at takot ang mga mata ni Blare habang nakatingin sa 'kin.

"Vanessa!" Sigaw niyang muli at nagmadali akong nilapitan pero agad akong tumakbo para makalayo sa kanya, hindi ko yata kakayanin kapag naabutan niya ako, mas lalo ko lang mararamdaman ang sakit na dulot ng mga narinig ko.

Nagtatakbo ako patungo sa pintuan pero agad naman akong nabunggo ng mga papasok na kasalubong ko.

"Vanessa? Bakit ka umiiyak?" Si Evren iyon, nasa likuran niya si Russ, Joji at Bricks na nag-aalala ang mukha habang nakatingin sa akin.

"Don't let him near me!" Mahina kong bulong bago sila lagpasan at nagpatuloy sa pagtakbo palabas. Hinihingal akong huminto nang kapusin ako ng hininga, muli akong lumingon para lang makita si Blare na pinipigilan ni Russ, Joji at Bricks.

"Vanessa! Hear me out!" Sigaw niya habang pilit na kumakawala sa tatlo. "Vanessa, please? Let me explain!" Nagsusumamo ang boses niya katulad ng mga mata niyang mababakasan ng takot habang nakamasid sa akin.

"Van! Vanessa, it's not what you think, love! Pakinggan mo naman ako oh? Sige na?" His eyes bleed pain and desperation.

Napahawak ako sa puso ko dahil nagsisimula na itong manikip. Hindi ko na yata kaya pang tumakbo palayo dahil nanghihina na ako, akala ko ay matutumba ako ngunit may mga brasong sumalo sa akin. Tumulo ang luha ko habang nakatingin kay Evren na inaalalayan ako.

"Fuck, let me fucking go, Joji! Tangina naman! Bakit niyo ba ako pinipigilan? I need to talk to my Vanessa!" I heard him protest. His voice is angry, desperate and resisting. "Evren, bring her back to me! Vanessa! Vanessa! Please let me explain!"

Ang nagmamakaawa at galit na sigaw ni Blare ang huling narinig ko bago ako inilayo ni Evren sa lugar na 'yon.

I was a fool to believe that he loves me. I believed him, I gave him everything... but it was all a lie and I...  I am only embracing his lies.

LEGENDARIE

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

1.7M 53.6K 83
Lucent Lotus Amourteirre has everything worth having. Beauty, character, wealth, and even a notorious mafia. But she lost everything when her mafia...
4.6M 191K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
1.4M 55.8K 57
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
42.1K 355 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...