The Love Story Of Moonlight L...

Od littlemsclouddd

5.3K 263 41

Sa isang liblib na lugar nakatira ang dalagang nag ngangalang Elvira Morticia isang babaeng may katigasan ang... Viac

WARNING
BITE:01
BITE:02
BITE:03
BITE:04
BITE:05
BITE:06
BITE:O8
BITE:09
BITE:10
BITE:11
BITE:12
BITE:13
BITE:14
BITE:15
BITE:16
BITE:17

BITE:07

213 13 0
Od littlemsclouddd

Elvira PoV

"Aish! Wag ka ngang umiwas ng tingin lalo akong naiilang sayo eh" Saad ko at sinimangutan siya.

Simula kasi kanina ng magising ako ay umiiwas na siya, sa tuwing magkikita kami ay lilihis siya ng daan o di kaya naman ay pabato niyang ibibigay sakin ang mga hiningi ko.

"Tch, tabi kasi... Hindi ako umiiwas tanga!" Asik niya at itinulak ako gamit ang malaking karton na hawak niya.

"Aray! Baliw ka ah!" Sigaw ko ng makalagpas siya.

Ngumisi lang siya at pumasok sa isang kwarto.

Saan kaya galing ang mga yun, kanina pa siya lagay ng lagay ng mga karton dun sa kwarto.

"Saan galing ang mga yan? Anong laman niyan?" Tanong ko habang nakasilip sa pintoan.

Nilingon niya ako at binuksan yung karton.

"Woi! Totoo ba yan?" Mangha kong tanong at lumapit sa kanya.

Akma ko ng hahawakan ang gintong salamin ng ibalik niya sa karton.

"Pahawak lang eh, Saan galing ang mga yan?" Taka kong tanong.

"Sa kapatid ng Ina ko, ang bawat pamilya sa angkan namin ay nakakatanggap ng ginto buwan buwan" Kasyuwal niyang saad kaya halos malaglag ang panga ko sa gulat.

"Seryoso ka ba riyan? Saan niyo na kinukuha ang ganito kadaming ginto?" Gulat kong tanong.

"Sa malayo, bawal sabihin sayo" Saad niya at itinulak na ako palabas.

Kinandado niya ang pinto at sinigurong hindi na mabubuksan.

"Grabe naman ang yaman ng angkan mo, siguro ay kayo ang pinaka mayaman dito?" Mangha kong tanong.

Nag-isip siya kunwari ay saka tumango.

"Halika may ibibigay ako sayo" Saad niya at pumasok sa isang kwarto.

"Kaninong kwarto ito?" taka kong tanong habang inililibot ang paningin sa paligid.

"Kay Ina" simple niyang sagot. Binuksan niya ang aparador at naglabas ng tatlong mahahabang damit.

"Pumili ka diyan ng gusto mo at suotin mo ito" Saad niya. At iniabot sakin ang kwintas na kulay itim na may pulang buwan.

"Para saan at magsusuot ako ng ganito kagandang damit?" taka kong tanong.

"May pupuntahan tayo, bilisan mong pumili baka mahuli tayo" Saad niya.

Pinili ko ang kulay pulang gown na may paro-parong desinyo. Mahaba at makapal ang tela na labas ang balikat na parang nakahiwalay manggas.

Minadali ko ang pagligo at hirap na hirap akong isuot ang damit dahil bukod sa makapal ay masikip din sakin na nahihirapan na akong huminga.

"Ali!" pag tawag ko kay Ali kahit ayokong humingi ng tulong sa kanya.

Napanganga ako ng makita ang suot at itsura niya. Nagmukha siyang presipe dahil sa itim niyang tuksedo at ang mahaba at bagsak niyang buhok ay nakatali ang kalahati pataas at may kunting buhok na nakalaylay sa gilid ng mukha niya.

"A-a-ag.... patulong sanang ibaba ang damit na ito" napatalikod ako dahil sa ramdam kong namula ang pisnge ko ng makita ang itsura niya.

"Ahhhh" Napakapit ako sa haligi ng pinto ng hilahin niya pababa ang damit.

Iniharap niya ako sa kanya at sinuri ang itsura ko.

Napalunok ako dahil sa paraan ng pagtitig niya.

"Kailangan mong mag ayos ng mukha" Saad niya kaya napangiwi ako.

"Bakit naka baliktad ba ang mukha ko?" inis kong tanong.

Tumawa siya ng mahina bago ako itulak papasok sa loob ng kwarto ko at pinaupo na harapan ng salamin.

"WAHHHH!!" napasigaw ako ng hindi makita ang sarili niya sa salamin.

Ng lingonin ko naman siya ay naroon siya pero sa tuwing titingin ako sa salamin ay wala siya.

"Walang repleksyon ang mga bampira kaya umupo ka na" Saad niya at pinaupo ulit ako.

Lumabas siya saglit at pagbalik ay may dala na siyang mga kolorete.

"Maglagay ka sa mukha mo" Saad niya ng iabot sakin.

"Hindi ako marunong" nakanguso kong saad.

Hindi naman kasi talaga ako marunong maglagay ng kung ano ano sa mukha ko, natural na kasi ang ganda ko kaya hindi ko na kailangan nun.

"Hindi din ako" Laylay ang balikat na saad niya.

Huminga ako bago kunin ang papula sa labi, si Ella ay mahilig sa kolorete at minsan ay nakikita ko siyang maglagay sa mukha ng ganito.

Kaunti lang ang inilagay ko dahil mapula pula naman na ang labi ko. "Ayan, ayos na ba?" Tanong ko sa kanya.

Lumunok siya at umiwas ng tingin. "Pangit ba? Hindi kasi talaga ako marunong maglagay ng ganito, aalisin ko na lang" Saad ko at muling humarap sa salamin.

"Hindi, ayos na iyan" Awat niya kaya hindi ko na inalis.

Siya ang nagtali ng kulot kong buhok pataas. pinaikot niya at nilagyan ako ng pulang laso sa ulo.

"Ang galing" masaya kong saad. Kung siya ay mukhang prinsepe ako naman ay mukhang prinsesa dahil sa ayos at suot ko.

Kinuha niya ang kwintas at isinuot sakin.

"Wag na wag mong tatanggalin ang kwintas na ito, wag mo ding hayaan na maalis to" Bilin niya kaya sunod-sunod akong tumango.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" taka kong tanong habang naglalakad na kami sa pasilyo ng bahay palabas.

"Kaarawan ngayon ng pinsan ko, inimbitahan akong pumunta." Saad niya kaya napatigil ako.

"I-i-ibig mo bang sabihin?" Tanong ko.

"Oo,lahat ng naroon ay bampira kaya nga pinasuot ko sa iyo ang kwintas na iyan para maging proteksyon mo, hindi nila maririnig ang tibok ng puso mo kaya hindi nila malalaman na tao ka" Mahaba niyang paliwanag.

"Pero umaga pa lang, diba bawal ka sa araw" Tanong ko ng nasa pintuan na kami.

"Mundo na namin ito Elvira, kaya hindi na tatalab sakin ang sinag ng araw" Paliwanag niya.

Mga ilang sandali pa ay may dumating na isang karuwahe.

"Diyan ba tayo sasakay?" masayang tanong ko.

Tipid lang siyang tumango at inalalayan akong makasakay.

"Ang ganda, ngayon lang ako nakasakay sa ganito" Tuwa kong saad.

Ngumiti lang siya at umiwas ng tingin.

Nakasilip ako sa bintana habang nakatingin sa mga dinadaanan namin.

Mahabang kakahuyan hanggang sa may nakikita na akong mga kabahayan at mga tao, may mga bata ding nagtatakbuhan.

"Ito ang bayan ng Ruthven" saad niya.

"Lahat ba sila ay bampira?" tanong ko habang nakatanaw sa labas.

"Ano ba sa tingin mo?" tanong niya.

"Ina! Tignan mo may Prinsesa!"

Awtomatiko kong naisara ang bintana.

"Narinig mo ba ang sinabi ng bata na iyon?" gulat at nakangiti kong tanong.

"Tsk, naniwala ka naman" ngisi niyang saad kaya hinampas ko siya.

"Magpapakilala kang kasintahan ko, maliwanag ba?" saad niya kaya nilingon ko siya.

"ha? Bakit?" ilang kong tanong.

"Dahil magtatanong sila" saad niya kaya napatango na lang ako.

Mga ilang minuto pa ay pumasok na kami sa isang malaking tarangkahan.

"Dito na ba yun?" Mangha kong tanong habang nakatingala sa malaking mansyon.

"Tara na" nakangiti niyang inabot ang kamay ko kaya naman kumapit ako sa kanyang braso.

Nasa bukana pa lang ng pintoan ng mansyon ay nilingon na agad kami ng napakaraming tao.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, humigpit ang kapit ko sa braso ni Ali dahil sa sobrang kaba.

"Kalma ka lang" bulong niya kaya ngumiti ako sa kanya.

Pero hindi ko pa din maiwasang hindi kabahan ng mag simulang magsiyuko ang mga tao este bampira sa tuwing dadaan kami.

"Natural bang walang pangit dito?" bulong ko sa kanya ng mapansin na lahat ng naroon ay magaganda at gwapo.

"Wag kang maingay" sita niya sakin kaya tumahimik ako.

Sa dulo ay may mga nakangiting bampira na mukhang hinihintay talaga kami.

Sabay sabay silang yumuko ng tumapat kami sa kanila.

"Hindi ko inaasahan na makakapunta ka, Alessandro" ang isang matanggkad na binatilyo ang unang nagsalita at yumakap kay Ali.

"Maligayang kaarawan Khaled" Seryosong saad ni Alessandro.

Grabe naman hindi manlang ngumingiti.

"Sino itong magandang binibini na kasama mo?" tanong ng isang babaeng maganda.

Sa tingin ko ay kaedad ko lang siya.

"Magandang araw po, Ako po si Elvira" nakayuko kong bati

"Kasintahan ko, Tiya Borah" Saad ni Ali kaya nilingon ko siya.

"Tiya?" bulong kong tanong.

"Aba! Hindi ko alam na nagkaroon ka pa ng kasintahan gayong hindi ka naman lumalabas ng mansyon mo" Biro ng isa pang lalaki na hawig din ni Khaled.

"Psh, baka nakalimutan mong habulin ng babae si Alessandro" Tawa ni Khalid at tumingin sakin.

"Ikinagagalak kong makilala ka Elvira, ako si Khaled" Nakangiti niyang saad.

Kukunin na sana niya ang kamay ko ng pigilan siya ni Ali.

"Ayokong may humahawak na iba sa pag mamay-ari ko" Seryosong saad ni Ali kay Khaled kaya napangisi si Khaled.

"Siguradong mamatay sa selos si Alice niyan" Tawa ni Khaled

Sino naman kaya si Alice at bakit magseselos siya?

To be continued....

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

21.2M 543K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
1.6M 45.3K 58
"I've never been afraid in my entire life and I hate to say this but damn! I'm so fvcking afraid of losing you so please don't leave me." - Azriel Kn...
2K 200 47
Bloodlines Book 2 Started: June 24, 2023 Ended:
8.4M 467K 53
Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other goddesses her age when it comes to power an...