The Psychiatrist's Insanity

By thatpaintedmind

792K 12.6K 5K

Warning: Mature Content Men from Hell Series No. 3 Dark Aris Vergara's story - Trigger Warning: mentions of s... More

Teaser
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII

Kabanata IX

42.4K 801 422
By thatpaintedmind

I THOUGHT I already heard the most shocking news I could possibly hear, until this day came, at nalaman kong ang lalaking nagligtas sa akin noon ay siya rin palang magiging psychiatrist ko.

Hindi ko tuloy alam ang dapat maramdaman. Halo-halong emosyon at reaksyon ang namamayani sa dibdib ko. Should I be happy that I saw him again? Or should I fret knowing that he happens to be my psychiatrist?

Sa pagkakaalala ko pa naman ay personal siyang kilala ni mama. Shit. Oo nga pala! Muntik ko nang makalimutan 'yon! Paano kung sabihin niya sa magulang ko na tinangka kong magpakamatay?

Oo, confidential dapat ang pinag-uusapan ng mental health professional at ng kanyang kliyente, pero kapag nagpakita o nagsabi ng suicidal intentions ang kliyente sa psychologist niya, pwedeng magsalita at ialarma ng propesyonal ang magulang ng kliyente.

Mariin akong napalunok. Pakshet! Hindi pwedeng malaman ng magulang ko na tinangka ko ulit kunin ang buhay ko! Panigurado ay pababalikin nila ako sa Olongapo!

"Make yourself comfortable." Naupo siya sa kaharap kong pwesto. Naupo na rin naman ako sa kanina kong kinauupuan pero hindi ko kayang gawin ang sinabi niyang maging komportable. I was back at fidgeting again. "How are you feeling?"

Napatingin ako sa kanya, hinihintay niya ang sagot ko. Napalunok naman ako.

"Mixed emotions..." Pagsasabi ko ng totoo.

Napatango siya. "I understand where you're coming from. This might have been so surprising for you."

For me? Does that mean this isn't surprising to him at all?

I looked at him suspiciously. Sa kanyang sinabi ay hindi ko na talaga napigilang magtanong. "Matagal mo na bang alam?"

Napatingin siya sa akin, inosente ang mga mata niyang tila umamo. Napalunok tuloy ako sa tingin niyang 'yon.

"Ang alin?" Tanong niya.

Hindi ako kaagad nakasagot. Tiim-bagang lang akong napatitig sa kanya.

Noon, alam kong dala ng kabutihan ang ginawa niyang pagtulong sa akin, pero ngayong nalaman kong psychiatrist ko pala siya, hindi ko na alam. Paano kung lahat pala ng pinakita niya nung gabing 'yon ay purong propesyonalismo lang pala? Paano kung pawang tawag lang ng responsibilidad ang lahat ng pinakita niya noon?

Malalim akong napabuntong-hininga. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit tila importante ko pa iyong malaman. Siguro dahil ayoko lang isiping dala lang ng propesyonalismo ang pinakita niyang pagpapahalaga sa buhay ko ng gabing 'yon.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya bago nagsalita. "Ang ibig kong sabihin... Nung gabing pinigilan mo ako sa balak kong pagpapakamatay, kilala mo na ba ako bilang kliente mo?"

I gripped on the hem of my shirt as I wait for his answer.

Please say no. Please say no.

"No." diretso niyang pahayag. Para naman akong nabunutan ng tinik sa kanyang sagot. That was enough for me. "Nakatalikod ka sa akin ng mga oras na 'yon bago kita lapitan, how would I recognize you?"

Tila naman naudlot ang pagluwag ng dibdib ko sa sinabi niya. Nangunot ang noo ko. "Recognize me?"

Tama ba ang pagkakaintindi ko? O sadyang mali lang ang term na ginamit niya? How would he recognize me when that was the first time he saw me?

"Yes, while I was trying to convince you, never did I recognize you in any way. Namukhaan lang kita nang naroon na tayo sa penthouse."

Mas lalo tuloy akong naguluhan. Hindi naman kami magkakilala, paano niya ako namukhaan?

"I'm sorry—- what? Hindi naman tayo magkakilala." Gulong-gulo kong pahayag. Have I hit my head in any way? Wala naman akong maalalang nagkita na kami!

Hindi naman siya kaagad nakasagot, he just remained staring at me.

"I'm pretty sure you were that girl." Aniya habang titig na titig pa rin sa akin.

Halos naman magbuhol-buhol na ang kilay ko sa pagkakakunot.

"That girl? Ako?"

"Yeah, the one on the elevator," nanatiling nakakunot ang noo ko. Elevator? "talking to a person named Angelli."

Sa pagbanggit niya sa pangalan ng pinsan ko ay kusang naging patag ang kaninang kunot kong noo, kasabay no'n ang pamimilog ng aking mga mata at ang pagbagsak ng panga ko.

Punyawa.

Siya 'yon?! Iyong doctor na nakasabay ko sa elevator?! Iyong nakarinig ng mga kabalbalang pinagsasasabi ko?!

"Hindi ko na dapat balak sabihin, but since you insisted..." Napatikhim siya. "I'm sorry, it wasn't my intention to overhear your conversation."

Nanatili akong nakatitig sa kanya, hindi pa rin makapaniwala. Nag-iinit ang mukha ko, nag-iindikang pulang-pula na ako sa hiya.

Parang gusto ko na biglang tumayo at tumakbo paalis. Pero kung gagawin ko 'yon ay madadagdagan lang ang kahihiyan ko.

Think rational, Fayven. Think rational! Don't make it a big deal.

"O-Okay lang, wala ka namang kasalanan." Ang may kasalanan ay ang eskandalosa kong bibig at ang utak kong hindi nag-iisip bago magsalita.

"Are you feeling better? We'll start once you're fully comfortable." Aniya.

Muntik naman akong masamid sa sinabi niya kahit wala akong subo. Nagpapatawa ba siya?! Gusto ko na ngang tumalon sa bintanang nasa likod niya! I don't think I'll ever be comfortable with him!

"I'm good..." Pagsisinungaling ko na lang. "Pwede na tayong magsimula."

"Are you sure, Ms. Fayven?"

Muntik ko na siyang ismidan. Really? Ms. Fayven? Masyado siyang formal.

Eh ano bang inaasahan mo, Fayven? Of course he must be professional! Psychiatrists and their clients are not allowed to be friends.

"Oo, komportable naman ako." I'm not. Gusto ko na lang talagang matapos na ang lahat sa lalong madaling panahon. Pakiramdam ko kahit malawak ang paligid ay limitado lang ang hangin kapag kasama ko siya.

"Very well," tipid siyang ngumiti. "I have here your psychological assessment report."

Inabot niya sa akin 'yong isang brown envelope na hawak niya. Dalawa iyon, tig-isa kami.

Kaagad ko naman iyong inabot at binuksan para kunin ang papeles na nilalaman no'n.

Sa unang pahina ng papel ay naroon ang personal information ko, naroon din ang dahilan ng pagpunta (Reason for Referral), kasama ang ilang na-obserba sa akin ng test facilitator (Assessment Proper).

Sa reason for referral, nakasaad lahat ng traumang sinabi ko at ang ilang na-obserbahang masasamang epekto ng mga iyon sa akin.

Napalunok ako.

He already knows majority of my traumas... ang hindi niya na lamang alam ay ang pinakadahilan kung bakit tinangka kong magpakamatay ng gabing 'yon—which is ang hindi pagkakakulong ng abuser ko.

Kung kailan niya iyon malalaman? Hindi ko alam. It'll probably take me time before I gain enough courage to say that.

"So, you took Mini-Mental State Examination, Stanford Binet Intelligence Test 5th Edition, and NEO Five Factor Inventory 3. Do you remember taking those tests?" He asked, his voice depicts nothing but professionalism.

"Yes, I remember." sagot ko.

"For clarification, MMSE is used for detecting cognitive impairment, assessing severity, and monitoring cognitive changes over time." Tinignan niya ang papel na hawak. "As you can see here, your score in MMSE appears to be in the higher range. A score falling within this range means that you are well aware of your general orientation and surroundings. No cognitive disparity was observed during the entire MMSE proper."

Tumango lang ako. Pero ang totoo, habang nagpapaliwanag siya ay hindi ko maiwasang mapasulyap-sulyap sa kanya.

Ibang-iba ang dating niya ngayon kumpara noong nakasama ko siya sa penthouse niya. Mas nakakaintimida siya, lalo na ang mga tingin niya. Hindi pa nakatulong ang kanyang salaming mas nakadagdag lang sa ma-awtoridad niyang awra.

"Here you can see the table of your SB5 test results. You obtained a Full-Scale IQ score of 96, wherein your current overall intelligence is classified as Average. Based from these results, you have no developmental or intellectual deficiencies, which is good. From there, we can proceed to the test result of your NEO Five Factor Inventory 3. The result of this test is intended to give me a general idea of what your personality is like."

Patango-tango lang naman ako habang sinusundan sa papel ang kanyang sinasabi. Nakasaad do'n ang mga report na sinasabi niya.

"There are 5 scales being measured here, your Extraversion, Neuroticism, Conscientiousness, Openness, and Agreeableness. You garnered a very low score under extraversion. Don't worry that's not negative, that just shows that you are considered as an introvert who prefer to be alone or to be with a few close friends rather than hanging out with a large pool of people." Tumingin siya sa akin. "With this, you may be seen as independent rather than as submissive." Tumagilid ang kanyang ulo kasabay ng pagtaas ng isang kilay niya sa akin. "Are you?"

Napapakurap naman akong napatingin sa kanya. "A-Anong are you?" Napaayos ako bigla ng upo at napalunok. "Are you asking if I'm... submissive?"

Sandali siyang napatitig sa akin. Maya-maya ay inayos niya ang suot na salamin bago sumagot.

"No, I'm asking if you're independent."

Ay pota. Hindi kasi nililinaw.

Napatikhim ako. "I guess yes, I really do prefer to be alone all the time."

"Is that your preference?"

"Kind of, yea, I find it hard to interact with other people. I feel like I don't belong with any social groups."

"And that's because?"

Napaisip naman ako. He's encouraging me to dig deeper.

"I'm an old soul. Bata pa lang ako ay nasasabihan na akong masyadong seryoso mag-isip, iyon siguro ang dahilan kung bakit iba ang interes ko kumpara sa ibang bata, dahilan para mahirapan akong makihalubilo sa iba. Hanggang sa nadala ko na 'yon sa paglaki ko."

"Are you really an old soul or were you just traumatized at such a young age, hence, forcing you to be mature despite being a child so you could face your problems instead of actually enjoying your childhood?"

Napakurap ako sa kanyang walang pakandungang tanong. Bahagya pang umawang ang aking labi sa tindi ng naging epekto ng sinabi niya sa akin. Hindi ako nakasagot.

Nanatili naman siyang nakatitig sa akin, hinihintay ang sagot ko, o mas tamang, pinapanuod ang magiging reaksyon ko.

"Most of the time, being matured at an early age is not the child's choice, oftentimes it's a trauma response, a result from having to face their problems alone or without proper support from their guardians."

Nakagat ko ang loob ng pisngi dahil sa kanyang sinabi. I really did label myself as an old soul long ago because people used to tell me I was too mature for my age. Hindi ko man lang napagtantong napilitan lang akong maging matured dala ng mga problemang hinaharap ko noon sa murang edad.

I wasn't an old soul. I was just traumatized.

"Anyway, moving on to openness." He proceeded. "You've yielded a very high score in this scale, which depicts your openness to new experiences, your broad interests, and your active imagination. This makes your life experientially richer since you're willing to try on new things and entertain innovative ideas."

I kept my mouth shut. Baka ma-realtalk na naman ako nito, eh.

Nang napansin niya ang pananahimik ko ay tumingin siya sa akin.

"What can you say about that?" Tanong niya. His eyes are looking for answers.

Naging isang linya tuloy ang labi ko. Sabi ko nga required ako sumagot.

"Uh, I guess yes, flexible naman ako."

"Oh. Are you?" Tanong niya.

Nanlaki naman ang mata ko.

Alam kong binabalik niya lang sa akin ang tanong para pahabain ko ang sagot, that's one of the techniques counselors do to make us share more, pero iba ang naging dating ng tanong niya sa akin! Pakshet!

I mean, kasalanan ko rin naman. Sa dami ng term, flexible pa talaga ang naisip ko.

Tumikhim ako. "Tingin ko naman oo, hindi man ako mahilig makihalubilo sa iba, kaya ko namang tumuklas ng mga bagay-bagay nang mag-isa. I believe I'm fit for different adventures in life." Litanya ko.

"I see..." napapatangong aniya. "Well, what can I say? Being flexible could really be an advantage at times."

Juskong mahabagin.

Alam kong walang halong ibang meaning ang kanyang sinabi, sadya lang talagang polluted ang utak ko!

Napaiwas na lang ako ng tingin at awkward na natawa.

"Moving on to neuroticism... You obtained a very high score in neuroticism which means that you are more likely to be sensitive, emotional, and susceptible to a variety of negative emotions."

My lips pursed together. Well, iyan totoong-totoo talaga.

"Uhh, people really do call me too sensitive. Totoo naman." Napakamot ako sa braso. "Maliit na bagay lang nasasaktan na ako kaagad." Tipid akong ngumiti para ipakita sa kanyang tanggap ko naman iyon at wala na akong magagawa ro'n. I just have to live with it.

Napatingin naman siya sa akin, seryoso lang ang kanyang mukha. "Are you really "too" sensitive or are you just carrying loads of repressed emotions, therefore making even the tiniest issue contribute to the pain you're feeling?"

Grabe namang mang-realtalk ang isang 'to. Pangalawa na 'yan ha!

Pero hindi ko maipagkakailang may punto naman lahat ng sinasabi niya. Kaya siguro ganito na lang ang reaksyon ko sa mga tanong niya.

Totoo ngang marami akong nakakubling emosyon, partikular galit at hinagpis. I couldn't express those emotions because I was afraid of the consequences, especially of being invalidated.

"Every individual has different capacity of pain. What may be small for them may be big for you. Stop gaslighting yourself. Your feelings are valid." He emphasized.

Napakagat naman ako sa loob ng aking pisngi. I didn't even realize that I was already gaslighting myself by calling myself too sensitive. Iyon kasi ang sinasabi sa akin ng mga magulang ko kapag sinasabi ko sa kanila ang tunay kong nararamdaman. They always make me feel like I'm not allowed to be hurt.

Malalim na lang akong napahugot nang hininga. "Salamat." Mahina kong pahayag.

So this is what it feels like for your feelings to be validated, huh? It felt foreign.

Tumingin ako sa kanya, nahuli ko ang pagtitig niya sa mga daliri kong hindi pa rin mapirmi sa paglikot. Kaagad tuloy akong napatigil sa paglikot sa mga 'yon.

Bumalik ang tingin niya sa mga mata ko. Kaagad naman akong umiwas ng tingin.

He's fucking reading my behavior.

"Moving on to conscientiousness where you garnered an average score. This result shows your likelihood to be dependable and moderately well-organized. You may have clear goals, but you can still easily set your tasks aside if you choose to."

"Well that's surprising," agad na komento ko. "Duda ako sa well-organized na 'yan. Mas madalas kaya akong tamad. I prefer not to do anything."

"Since when?" He asked.

Napaisip naman ako. "Since, uh, I guess last last year? I mean, I used to have a lot of hobbies when I was little. I just lost interest from a lot of things since I was..." Natigilan ako nang may mapagtanto. Since I was abused...

I was fazed by that sudden realization.

"You see, that too, could be a trauma response." He commented. "Tamad ka nga ba talaga o sadyang nawalan ka lang ng gana sa mga bagay na dating nagpapasaya sayo dala ng mga hindi maiiwasang problema?"

Yung totoo? Eviction night ba, 'to? Pakiramdam ko nasa PBB ako at ini-interrogate na ako ng hosts kung dapat ba akong manatili sa bahay ni kuya.

Kung gano'n ay bibigyan ko po ng 3 points si Dr. Vergara, porque gwapo ay sobra po siya kung mang-realtalk. Dr. Dark Aris Vergara. Ang plantitong psychiatrist ng Baguio City.

"Siguro," tipid ko na lang na sagot para tapos na kaagad ang usapan.

"Moving forward to agreeableness. It appears that you obtained a very high score here, which shows that you are sympathetic, warm, and cooperative. You manifest great concern for the welfare of others, which may sometimes even cause you to choose others over yourself."

"Duda rin ako dyan," agad kong sagot. "Selfish akong tao." Diretsong sagot ko.

Nangunot naman ang noo niya.

Wow, iyon ang pinakaunang reaksyong pinakita niya ngayong araw. Dapat na ba akong magpamisa?

"How do you say so?"

Madiin namang nagdikit ang mga labi ko.

"Nabasa mo naman sa report, pinakulong ko ang tito ko." Tipid kong sagot.

"You mean, your abuser?" Kunot-noo niyang tanong. Tipid lang akong tumango. Mas lalo namang nangunot ang noo niya. "You're not selfish for choosing the right thing, for choosing yourself."

"Alam ko, but by choosing myself, I neglected the feelings of my family and my relatives." Nakagat ko ang aking labi. "Which just shows how selfish I am."

Hindi siya nakapagsalita. Nanatili siyang nakatitig sa akin. Hindi naman ako makatingin sa kanya. I'm afraid he could read me, which I know he could.

"Ms. Fayven—" I cut him off.

"I don't wanna hear it." Matigas kong pahayag.

Kusang nagtagis ang bagang ko habang ang mga kamay ko ay mahigpit nang nakakapit sa aking magkabilang tuhod.

Alam kong mayroon na naman siyang itatanong manggugulo sa utak ko, at ayoko na no'n.

He remained staring at me for a second. Napaiwas na lang ako ng tingin. Bahala na siya kung gusto niya akong basahin. I don't care.

"Well... that's actually all for today. We'll continue the following on our next session."

Halos mapa-hallelujah naman ako nang marinig 'yon. Finally. Hindi ko alam kung matatagalan ko pa ba rito.

"How are you feeling?" Tanong niya.

He removed his glasses and leaned against the chair, his eyes still not leaving mine.

Napaiwas ako ng tingin. "Fine," tipid kong sagot kahit ang totoo ay kabaliktaran no'n ang nararamdaman ko.

"Have I offended you in any way?" He questioned.

"No." Mabilis kong sagot. Hindi naman talaga niya ako na-offend sa kahit anong paraan. Sadya lang talaga sigurong hindi pa ako handang marinig ang ibang posibleng dahilan kung bakit ako nagkaganito.

"You're free to react however you want to, Ms. Fayven. This is a safe space. May it be anger, frustrations, or sadness, I encourage you to just project it all to me."

Bumagsak ang tingin ko sa aking mga daliri.

The thing is, I can't communicate my feelings well. Hindi ko alam kung paano isalita ang mga nararamdaman ko. Nasanay na rin naman kasi akong binabalewala ng mga tao ang opinyon at nararamdaman ko, kaya mas madali sa akin ang manahimik na lang.

"Don't worry, I won't pressure you. We'll sort this out at your own pace."

Binaba niya na ang papel na hawak. Tumayo na siya kaya tumayo na rin ako sa kinauupuan ko. Sinuksok ko na rin pabalik ang papel sa kaninang brown envelope na pinaglalagyan no'n.

"Here's my contact information. Don't hesitate to contact me if you experience any life-threatening thoughts, or even if you just feel the need to." Inabot niya sa akin ang isang card.

Life-threatening thoughts? Pinaganda niya pa. Suicide din naman ibig-sabihin no'n.

Tinanggap ko na lang 'yong card, though I doubt that I'll be contacting him.

"Huwag kang mag-alala, wala pa akong balak ituloy ang plano kong pagpapakamatay." Sabi ko saka siya nginitian.

Sandali naman siyang napatitig sa akin. Nilabanan ko ang titig niya para ipaalam na hindi ako nagbibiro.

Hindi nagtagal ay umayos siya ng tayo saka isinuksok ang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. Dahil doon ay nahawi ang kanyang suot na lab gown dahilan para lumantad ang kanyang suot na gray long-sleeves na fit na fit sa kanyang dibdib.

Napalunok ako bago pilit binalik ang tingin sa mukha niya. Focus sa goal, Fayven!

"I know." Aniya.

Napakurap naman ako. Huh?

"Well... you haven't reached your goal yet so I'm pretty sure you won't be commiting suicide anytime soon."

He grinned. Sa ngisi niyang iyon ay doon lang nag-sink in sa akin ang ibig niyang sabihin.

Bumagsak ang panga ko.

He's pertaining to my goal na wala akong balak mamatay na virgin! Which is narinig niya sa conversation namin ni Angelli! Pakshet!

"K-Kalimutan mo na 'yon!" Namumula kong singhal sa kanya.

Mahina naman siyang natawa. Halos makiliti pa ako sa malalim na timbre ng tawa niya!

"I'm sorry." Paghingi niya ng tawad pero 'yung ngisi niya hindi pa rin mabura-bura.

Inis na nangunot ang noo ko. "Ikaw kanina ka pa ah! Report kaya kita?" Tinaasan ko siya ng kilay.

He looked at me, amuzed. "Kanino?"

"Sa kinauukulan! Sa may-ari ng clinic na 'to!"

Imbis na matakot ay mas lumaki lang ngisi niya. "Okay," unbothered niyang sagot.

Napairap na lang ako muli sa inis.

"Alis na 'ko. Salamat sa time... Doc." Pilit ko siyang nginitian bago ako tumalikod at magdiretso sa pinto.

Baka biglang umiral ang pagiging emotional-driven ko. Madalas ko pa namang hindi makontrol ang emosyon ko. Kapag inis ako ay inis ako, kapag galit ako ay galit ako. Iyon ang iniiwasan kong mangyari, ayokong umiral ang emosyon ko. Mas nakakataas pa naman siya sa akin kaya nararapat lang na respetuhin ko pa rin siya.

Malalim na lang akong napabuntong-hininga. Akmang itutuloy ko na ang pagpihit ng doorknob nang magsalita ulit siya.

"See you next time... Ms. Fayven."

Napatigil ako sa kinatatayuan. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay mabilis na kumabog ang dibdib ko.

Next time? Hindi nga ako sigurado kung nais ko pang bumalik.

Marahas na lang akong napailing bago ako nagdire-diretso palabas. Narinig ko pa ang kusang pagsara ng pinto habang patuloy ako sa paglalakad sa pasilyo. Doon lang ako tuluyang nakahinga nang maluwag. Pakiramdam ko ay lumuwag ang baga ko maging ang paligid. Gano'n ako ka-tense kapag kasama ko siya.

Gayunpaman ay malakas pa rin ang pagkabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay magkaka-panic attack ako.

Calm down, Fayven. Malapit ka na sa elevator. Makakaalis ka na rin ng building na 'to—-

Muntik na akong mapasigaw nang biglang bumukas ang pintong pinakamalapit sa akin! Halos mapalundag ako sa gulat!

Dala ng matinding pagkabigla ay awtomatiko akong napatingin sa pintong nagbukas na nasa kanan ko lang. Lumabas mula sa pintong iyon ang isang lalake. Base pa lang sa suot nitong lab gown ay nahihinuha ko nang psychiatrist din ito rito.

"Oh hi, are you new here?"

Nabigla ako nang kausapin niya ako.

Sabagay, paanong hindi niya ako mapapansin eh tumigil ako sa mismong harap niya?

Napapakamot na lang ako sa brasong napatingin sa kanya.

Ay shet, pogi. Chinito ang lalaki. Maaliwalas ang awra, ang ngiti ay umaabot hanggang sa mga mata niya. At grabe ang pilikmata, ang haba! Baby face na sana siya kung hindi lang prominente ang kanyang panga. That made him look manly.

"Ah, oo," sagot ko saka sinuklian ang kanyang ngiti.

Nagsimula siyang maglakad kaya kusa akong napasunod, mukhang parehas kaming sa elevator ang tungo.

Sabagay, lunch break na rin.

"I see... Whose client are you?" Tanong niya matapos pindutin ang down button sa labas ng elevator.

"Uhm, Dr. Dark Aris Vergara." sagot ko matapos isipin ang buong pangalan ng lalake.

Napatingin naman siya sa akin, bahagyang nakakunot ang noo.

"Wait," Mukhang nakuha ko ang buong atensyon niya dahil humarap ang buong katawan niya sa direksyon ko. "Are you, by any chance, Ms. Fayven Mojica?"

Tumabingi naman ang ulo ko sa pagtataka. Kilala niya ako?

"Oo, ako nga."

Mula sa pagtataka ay nagliwanag ang mukha niya. "Oh!"

Kasabay no'n ang pagbukas ng elevator sa harap namin. Sabay naman kaming pumasok do'n.

Bakit mukhang kilala niya ako?

"Do you personally know him?" Tanong niya saka pinindot ang button para sa ground floor.

"Uh, Dr. Vergara?" Taka kong tanong. Tumango siya. "Uh, I don't."

"Is that so?" Napakunot ang noo niya bago diretsong tumingin sa harap. "I wonder why he volunteered to handle you." Mahinang bulong niya.

Napakurap ako nang marinig 'yon. "Ha?"

Muli siyang tumingin sa akin.

"You know, you were supposed to be my client, but for an unknown reason, Dr. Vergara insisted to handle you instead."

Gulat akong napatingin sa kanya. Doon lang tila nag-click sa utak ko ang lahat.

He's Dr. Kier Adelman, iyong binanggit ng babae kanina sa front desk na psychiatrist ko dapat.

Akala ko general changes lang ang nangyaring pag-iba ng psychiatrist ko. Pero ayon sa kanya, Dark Vergara himself volunteered to handle me?

"B-Bakit naman?" Nalilito kong tanong.

He just shrugged his shoulders. "I have no idea. Maybe he finds your situation interesting. Who knows."

Bumukas na ang metal na pinto. Bago siya lumabas ay tumingin siya sa akin at ngumiti. "Don't worry, Dr. Vergara is great at his job. I'm pretty sure he'll be able to serve you well."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nauna na siyang naglakad, habang ako ay naiwang napako sa kinatatayuan ko.

Litong-lito ako. Kung si Dr. Adelman talaga ang dapat kong psychiatrist, then that means... siya iyong tinutukoy nila mama noon at hindi si Dr. Vergara? Ang personal na kilala nila mama... ay si Dr. Adelman?

What?

Kung hindi naman pala ako kilala ni Dr. Vergara, then... what was his reason for volunteering?




Continue Reading

You'll Also Like

855K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...