Craye
Mas pinili kong mapag-isa, napadpad lang ako sa garden ng school. May mga tao din naman pero hindi karamihan dahil ineenjoy nila ang Univ. Week.
Almost one hour akong andito, gusto ko munang huminga. Masyadong masakit para sakin yung realization na minanipula nila ako kasama ang feelings ko.
15 minutes before 3pm, hindi pa ko nag lulunch. Nakakawalang gana din naman kasi.
"Gotcha!" Sigaw nang isang student na bigla na lang akong hinawakan.
Nagulat ako sa ginawa nya, parang ewan.
"Why na naman ba?" Tanong ko kasi may nanghuhuli na naman sakin.
Potek! Hindi pa ko tapos magmukmok ganito na agad? Letcheng Univ. Week na to.
"Sorry Miss pero kailangan mo nang pumunta sa jail booth, hindi mo ba narinig yung announcement na lahat nang naka white printed shirt ay huhulihin." Paliwanag nung Crim. Student sakin, booth kasi nila ang jail booth.
Hay! Buhay nga naman. Sumama na lang ako para tapos na.
Pagpasok ko sa jail booth ay kokonti ang nandon, wala pang 20 person.
Umupo na lang muna ako sa upuan na limited lang na nasa loob, yung iba kasi ay agad ding tinutubos ng mga friends nila so dahil wala namang may alam na nahuli ako ay mukang matatagalan ako dito. Hindi ko na lang din muna itetext si Mon para tubusin ako, dito na lang din siguro muna ako.
"Hoy Carlo, teka lang naman. Bakit mo ko hinuli?" Reklamo nung isang student na kakapasok lang dito sa booth.
"Gusto ko, bakit masama bang makasama ka dito?" Sabi nung Carlo daw, wow dito pa sila talaga nag landian.
"Bwiset ka! Palabasin mo ko dito." Reklamo nung babae
"Mamaya na, kakapasok mo lang ihh." Sagot ni Carlo
Kahit papano ay natawa ako sa dalawa, muka silang 1st year student lang din at talagang pinopormahan nung Carlo si ate girl.
Nakita kong pumasok si Justine sa jail booth, medyo malaki naman itong booth kaya hindi ko na lang sya papansinin. Ayoko, naiinis pa din ako.
Hindi pa man ay agad na syang napalingon sa gawi ko. Wari ko ay lalapitan nya ko dito.
"Why are you here Craye?" Tanong nya sakin tyaka sya umupo sa tabi ko
"White printed shirt." Yun na lang ang naisagot ko
"Next time wag kang magsusuot ng karaniwang color shirt, Ikaw din magiging suki ka dito." Natatawa nyang sabi sakin
Hindi na ko sumagot, pero napansin ko na may kinukuha sya sa loob ng bag nya.
"Nagmiryenda ka na ba?" Tanong nya sa akin.
Bigla naman akong trinaydor ng sikmura ko dahil sa pagkalam nito. Ang totoo ay hindi pa din ako nagla-lunch.
"Sabi ko nga hindi pa." Sabi nya lang at bigla nyang inabot sakin yung isang paper bag "it's white chocolate cookies, try mo masarap yan at bake yan ni Mama." Pagko-convince nya sakin na kainin ko ang dala nya
"Thank you." Yun na lang ang sinabi ko at kinuha ko na yung cookies sa paper bar. Hummm muka naman syang masarap.
"Kamusta nga pala yung date nyo ni Kylie? Muka namang okay, pero bakit andito ka? Hindi nya ba alam na nahuli ka?" Tanong nya sakin
Nilunok ko muna yung cookie na kinakain ko bago ko sya sinagot.
"Okay naman, hummm nasa garden ako mag isa nung nahuli ako." Sagot ko naman sa kanya
"Ahh kaya naman pala." Tatango tango na sagot ni Justine
Marami akong gustong itanong sa kanya ngunit pinanghihinaan ako ng loob, paano ba ako mag uumpisa. Gusto ko kasing masagot yung mga questions sa utak ko, kaya lang minsan ay hindi nila naiintindihan kung bakit o sadyang ako yung hindi makaintindi sa kanila.
Alam ko na ang sagot nang gusto kong unang itanong pero gusto kong sa kanya manggagaling.
"Bakit ka naginom kagabi?" Tanong ko ulit sa kanya
"Craye, usapan na natin yan kanina. Ano ba ang gusto mong isagot ko?" After nya sabihin yan ay humarap sya sa akin
"Naguguluhan lang kasi ako, nasabi kasi ni Maice na umiiyak ka raw kagabi gawa ko." Binanggit ko na dahil yun naman talaga ang kwento ni Maice kanina
"Yeah! Ayoko kasing nagagalit ka, ayoko kasing meron akong kaibigan na tampo sa akin." Sincere na pagkakasabi ni Justine sa akin tyaka sya kumuha ng cookie sa garapon at kinagatan ito
So totoo nga, anu pang aasahan ko dito kung kaibigan lang din pala ang tingin nya sakin, ako lang pala talaga ang assumera.
"Kaya ba ginawa mong~" Hindi pa ko tapos magsalita ay may biglang sumigaw na crim student mula sa gate ng jail booth
"Miss Craye Vergara, maaari na po kayong lumabas tinutubos na po kayo nung may Crush sa inyo, Kylie po ang name." Kinikilig na pahayag nung tumawag sakin
"Yieeee! Ikaw Craye ha, update mo ko pag sinagot mo na si Kylie ha." Nakangiting sabi ni Justine at tinusok pa ko sa tagliran.
"Ikaw? Hindi ka pa ba lalabas? Gusto mo tubusin kita paglabas ko dito." Offer ko kay Justine
"No, it's okay. Gusto ko pang mag stay dito. Dito na lang muna ako, lakad na inaantay kana ni Kylie sa labas." Pagkasabi nya non ay kinagatan nyang muli yung cookie na hawak nya at inayos nyang muli yung salamin nyang suot.
"Bye Justine." Pagkasabi ko nun ay humakbang na ko palayo sa kanya, bago ako makalabas ng jail booth ay muli ko syang tiningnan, nakatingin sya sa taas pero agad din yumuko at tinanggal ang salamin nyang suot.
-------------
"Nakakain kana ba? Kanina pa kita hinahanap pero hindi kita makita, mabuti na lang tinext ako ni Justine na nasa jail booth ka at tubusin nga daw kita." Paliwanag ni Kylie sa akin after ko makalabas sa jail booth.
Si Justine na naman.
Kung kaya akong ipamigay ni Justine, baka nga tama na pwede ko nang pag-aralan na papasukin si Kylie sa buhay ko.
"Binigyan ako ng cookies ni Justine, nasa loob din sya." Paliwanag ko kay Kylie
"Bakit sya nasa loob? Exempted kaming mga ssc sa jail booth." Nagtatakang sabi ni Kylie
Kahit ako ay nag taka din, bakit andun sya?
Hindi na lang ako sumagot, dapat ay sanay na ko. Palagi naman syang ganon, may mga gagawin sya na sya lang din ang makakaintindi.
"Tara na, nagyayaya sina Mon na mag arcade daw tayo sa mall. Maaga pa naman kaya naisip nila na mag laro dun, kulit no? Pwede naman dito pero doon talaga nila gusto sa mall." Yaya ni Kylie sa akin tyaka nya ko hinigit papunta sa parking lot.
Gusto kong mag sorry sa ginawa ko kanina na pag walk-out sa kanila, hindi nila deserve yun dahil wala naman silang alam sa nararamdaman ko.
Alam kong gusto din ni Kylie nang kasagutan patungkol doon, sino ba naman ang hindi diba?
"Ky, sorry nga pala kanina at bigla akong nag walk-out. Medyo naguluhan lang ako pero wag mo nang kaisipin yon." Paghingi ko nang sorry kay Kylie at paliwanag na din
"It's okay Craye, kaya kong intindihin ka palagi at palagi." Sabi ni Kylie tyaka nya ko nginitian.
Pagdating namin sa parking lot ay andun na sina Sally, Gianne, Sandy, Mon, Angel ngunit wala pa si Maice and for sure wala si Justine.
"Grabe ang tagal nyo ha! Tyaka saan kaba nagsususuot ha Craye?" Badtrip na bungad sakin ni Mon
"Sorry na, miss mo ko no?" Pagkasabi ko nun ay yumakap ako sa kanya, finally I'm home. Si Mon ang kailangan ko ngayon, yung best friend ko.
"Nag lunch kaba? Nag miryenda ka? Ikaw kasi bakit hindi ka nag papakita kanina. Sabay sabay kaming nag lunch lahat ikaw lang ang wala." Paliwanag ni Mon sa akin at napansin ko na may kinukuha ito sa bag nya.
"Hindi yan nag lunch, pero nasabi nya na nag miryenda daw sya. Binigyan syang cookies ni Justine kanina." Explain naman ni Kylie kay Mon
"Ohh here, habang inaantay natin sina Maice at Justine kainin mo na muna to." Inabot sakin ni Mon ang isang pack lunch.
"Bakit may ganito ka? Seryoso Mon para to sakin?" Taka kong tanong sa kanya
"Habang nakain kami kanina sa canteen ng lunch, naisip ni Justine na bilihan ka. Sabi ko nga wag na kasi hindi ka naman pabayang tao para hindi kumain ng lunch kaso ininsist nya yan." Explain ni Mon sa akin
Si Justine, again.
"Paano ba magkaroon ng kaibigan na kagaya ni Justine? Sobrang sweet nya talaga." Komento naman ni Kylie
"Kakainin ko na nga yan dapat kanina kasi alam ko naman na kakain ka talaga sa tamang oras pero pinagalitan ako ni Justine kasi para sayo daw talaga yan." Singit naman ni Gianne
"Lakas mo talaga kay Justine no?" Singit din ni Sally
"Guilty lang yon kahapon kaya ganon." Singit din ni Sandy sa usapan at umirap pa sa amin
"Ohhh anong problema mo? Bakit ka nangiirap?" Natatawang sabi ni Mon kay Sandy
"Excuse ha, kainin ko lang to. Gutom na talaga ko ehh." Singit ko sa kanila
Wala akong choice kasi gutom na talaga ko, hindi ko na muna iisipin si Justine at kakainin ko na din muna itong bigay nyang pack lunch.
"Okay, bilisan mo ha at pagdating nila Maice at Justine aalis na tayo." Pahabol na sabi ni Sally sa akin
"Wait, kumpleto nga pala yan. Binilhan ka din nya ng bottled water at cream brulee kasi favorite mo daw yon." Sabay abot ni Mon sa akin
"Thanks". Yun na lang nasabi ko
"Minsan nagtataka na din ako, bakit alam ni Justine ang mga favorite mo. Favorite friend kaba nya?" Takang tanong ni Mon sa akin pero nginitian ko na lang sya