Once in a lifetime

By supersaira

46.9K 1.4K 552

JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun g... More

Characters
PROLOGUE
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Epilogue
Bonus Chapter
New Story

Kabanata VIII

852 26 3
By supersaira

Craye

Nagising ako sa liwanag na sumisilaw sa aking mga mata, agad kong chineck ang phone ko it's 9:27am. Okay namang malate dahil Univ. Week naman. Pag bukas ko ng wifi sa phone ko ay agad nagsulputan ang notifs galing sa GC namin.

--------------
Happy-go-lucky GC
6:14am

Hoy Justine Dane Robles asan ka kagabi?- Silly Sally

Bakit anong nangyari kay Justine?- Gianne Apuli

Bago kami maghiwahiwalay kahapon ay okay pa yang si Justine. -Leonardo da Vinci

Justine Bibe sumagot ka! -Mabuhangin

May nakakita kasi jan kagabi na nasa bar daw, nag iinom mag isa. Nakita lang ng kakilala ko at alam nya nga na kaibigan ko sya kaya sinabi nya sakin. Umaga ko na lang nabasa kasi pass 12mn na nag chat sakin yung kakilala ko. -Silly Sally

Guy's no need to worry, kinaon ko sya dun kagabi. -3 blind Maice

Kamusta na sya? -Kerubin

May hangover lang pero okay na, siguro late na lang kami makakapunta sa Univ. -3 blind Maice

Hay nako, kung mag iinom sya isama nya naman ako. -Mabuhangin

Kaloka ka Sandy, sasama kapa talaga? -Leonardo da Vinci

Kung ganon, dapat tayong lahat. Anu yon sya lang mag-isa ang masaya. -Silly Sally

Nagiinom ng mag isa, masaya ba pag ganon? -Gianne Apuli

Teka, hindi nag siseen si Craye. Tulog pa sya until now? -Leonardo da Vinci

I'm alive Guy's, wag kayong OA. Hahaha. Kita kits later sa Univ. -Justine Bibe

Hoy Justine, anung you're alive you're alive ka jan. Mag explain ka mamaya kung bakit hindi ka nag sama. -Kerubin

May kasama ako kagabi, sino bang nagsabi na wala? Fake news sya. Hahaha. -Justine Bibe

Kung ganon sino kasama mo? -Mabuhangin

Si Lance, sino pa ba? Mapagkakatiwalaan naman yung lalaking yon. -Justine Bibe

Yeah! Sya ang tumawag sakin na sunduin ko na si Just. -3 blind Maice

Tulog pa si Craye? Grabe ha parang sya yung lasing kagabi. -Justine Bibe

@/Craye-yons, sorry kahapon. Usap tayo later sa Univ. okay? -Justine Bibe

Teka nga! Anung nangyayari ba dito? Bakit late kami sa update? -Silly Sally

Baka tulog pa nga sya, hindi naman sya nag siseen ehh. -Leonardo da Vinci

Mababasa naman nya yan mamaya. Hahaha. Craye, kita tayo sa lib ng 10am -Justine Bibe

Sama kami! -Silly Sally

Jusq ka Sally, pati ba naman sa kanila makiki-chika ka. -Mabuhangin

No way! Akin lang muna si Craye. Hahaha. -Justine Bibe

Edi sayo na, pero mamaya lang ha. -Leonardo da Vinci

Oo na, I'm going to shower room na. May hangover pa ehh. Need ko na maligo. Hahaha. See you sa Univ. later. -Justine Bibe

Okay, see you. -Gianne Apuli

Guy's kita kita na lang tayo ng 8am sa parking lot. -Kerubin

6:54am
-------------GC end

Wth!

Hindi ko na nagawa pang mag reply sa GC dahil kailangan kong mag madali, 10am ang sinet ni Justine sa pag uusap namin.

Magulo man para sa akin kung bakit need naming mag usap ay kailangan ko namang harapin sya, kung ano man yung dapat naming pagusapan.

Nagmadali na akong naligo at nagbihis na lang ako ng printed white v-neck shirt, kaki jeans at sneakers.

10:12am na ko nakarating sa Univ. at ganon na lang ang pagmamadali ko dahil sigurado akong nag iintay na sakin si Justine doon. Nakakahiya naman na ako pa ang late.

Pagpasok ko sa library, hindi ko pa sya halos makita kaya pumunta ako sa tagong lugar ngunit wala din sya doon.

Napagpasyahan kong libutin ang mga book shelves, at doon ko nakita si Justine na nakaupo sa sahig habang nag babasa ng libro. Suot pa nito ang kanyang glasses, hindi nya kasi ito malimit na sinusuot.

"Hi." Kabado man ay binati ko sya at agad na umupo ng naka indian seat sa harapan nya.

"Akala ko hindi mo na ko sisiputin." Sabi naman ni Justine at agad ding ngumiti sakin tyaka nya isinara yung book na hawak nya.

"Sorry, nalate ako ng gising ehh. Hindi na din kita nareplyan sa GC. Bakit ba gusto mo kong makausap?" Tanong ko sa kanya.

"Dito na lang ba tayo? Doon tayo sa may table." Yaya ni Justine sa akin pero may inayos sya sa buhok ko bago sya tumingin sa mga mata ko. "Ang gulo pa ng buhok mo, magmamadali ka siguro." Dagdag nya pa. "Ayan pa ohhh, yung lip gloss mo medyo lumapas pa sa labi mo." Naramdaman kong hinawakan nya ang gilid ng labi ko.

Grabe yung kabog ng dibdib ko. As in!

"Ahhh sorry, ako na." Agad kong sabi tyaka ko kinuha ang dala kong bag para kunin yung tissue na dala ko.

"Tsk! Craye, ako na." Pag pupumilit ni Justine kaya itinuloy nya lang yung pag aalis ng excess lip gloss sa labi ko

"Ayan! Okay na." Sabi ni Justine at tyaka ito tumayo. "Craye, Tara!" Yaya nya at inilahad nito ang kamay nya para tulungan akong itayo.

Lord! Kaibigan lang po ba talaga tingin sakin ng magandang babaeng ito na nasa harap ko?

Habang hawak nya ang kamay ko ay patuloy lang naming binabaybay ang loob ng library para makahanap ng magandang pwesto.

"Ayun, Tara dun." Sabi ni Justine habang higit higit ako.

Maliit na table lang sya at good for 2 person lang, sakto para sa amin at medyo tagong lugar din.

Bumitaw na sya sa akin tyaka sya umupo, kaya umupo na din ako sa tapat nya.

Sa huli ay ako na ang magbubukas ng topic dahil may gusto din talaga akong malaman ngunit ang gusto kong unahin ay kung bakit kasama nya si Lance sa bar kagabi.

"Hummm Justine, nabasa ko kasi sa GC kanina na ano. Nasa bar ka kagabi at kasama mo si Lance." Tanong ko sa kanya or I must say na pagka-clarify ko.

Ngumiti sya sa akin pero alam kong hindi iyon umabot sa mga mata nya.

"Ang totoo ay nauna ako dun, then I messaged him na samahan ako." Pagamin ni Justine

Mas na curious pa ako. Why Lance? Bakit hindi si Maice?

Bigla akong kinutuban, baka nga gusto nya si Lance. Gusto nya kasama, kausap, kabonding, sa lahat ay baka nga doon kay Lance sya masaya.

"So bakit mo nga ba ako gustong makausap?" Wala sa mood na tanong ko, gusto ko nang idivert agad ang topic, mali pala ako ng tanong.

Masakit pala para sa akin na iopen ang topic na iyon.

"Nakausap ko kasi si Kylie kahapon, free naman daw sya anytime. Sorry ha, nanghimasok na ko. Baka mag chat yun sayo." Paliwanag ni Justine sakin.

Kaya nya talaga kong ibigay sa iba?

"Bakit mo ginawa yon?" Tanong ko na lang kahit deep inside ay nasasaktan ako sa ginagawa nya

"Diba yun naman yung gusto mo, so gusto ko lang bumawi." Nakangiting Justine ang sumilay sa mga mata ko

Naiinis ako, hindi naman kasi yon yung minimean ko kahapon.

"No need, Just." I'm so speechless

"But I have too, feeling ko kasi nasayang yung mga panahon nyo ni Kylie sa hindi ko pagsabi sayo ng bagay na yon at narealize ko din naman kagabi na baka nga kaya sinabi sakin ni Kylie na crush ka nya ay para maparating ko sayo." Explain ni Justine sa akin

Sa sinabi nyang yon ay may punto sya.

"Hi Guy's, super late na ba ako?" Kilalang kilala ko kung sino yung nagsalita mula sa likod ko, it's Kylie.

So anu to? Frame-up? Nirereto ako ng taong gusto ko sa taong may gusto sakin.

Gusto kong magalit kay Justine! Sobra. Bakit kailangan ganituhin nya ko? Anu pang ilulusot ko dito?

"Ohh Craye, ayan na pala sya. I have to go, so good luck ha. Siguro naman sa ginawa kong ito para sayo fair and square na." Nakangiting pahayag ni Justine sa akin, inayos nya muna ang salamin nya sa mata at kinuha ang bag bago tuluyang umalis.

"Thank you, Justine." Rinig ko pang sabi ni Kylie

"No worries, Kylie. Alagaan mo yang kaibigan ko ha." Narinig ko pang sabi ni Justine bago sya tuluyang umalis

Tiningnan ko na lang sya habang papalayo sa akin.

Ang sakit, ang sakit sakit pala.

"Hi Craye, pwede na siguro akong umupo?" Tanong sakin ni Kylie kaya tumango na lang ako

Putang*na! Wala ako sa mood makipag usap ngayon kaso eto na si Kylie sa harapan ko.

"Hi, ahhh sorry but I'm speechless lang. Hindi ko kasi alam na ganito pala ang plan nya." Nahihiyang pag amin ko kay Kylie

"Hehehe. Awkward ba? Hummm I think, Tara na sa labas let's enjoy Univ. Week." Kylie lighten-up the mood

Tumango na lang ako bilang pag payag.

Hayss! How to learn say NO?

Craye Farrah Vergara pag-aralan mo yan next time.

Napansin kong kinukuha ni Kylie yung bag ko at para bang nagiindicate ito na sya na ang mag dadala.

Once again, ay hinayaan ko na lang ulit sya sa gusto nya.

Hindi ko na alam, naiipit na ako sa sitwasyon na hindi ko nieexpect na ganito ang magiging resulta.

Bakit pakiramdam ko ay unti-unti na naman na mapapalayo sakin si Justine. Sa paglisan nya kanina ay para bang buong buhay nya na akong tatalikuran, mabibigat ang kanyang paghakbang ngunit mas pinili nya na umalis mag isa. Walang lingon-likod din syang umalis, kahit may bye sya sa akin ay wala din akong narinig mula sa kanya.

Ngunit ang pinaka masakit na narinig ko galing sa kanya ay yung hinabilin nya ako kay Kylie.

---------------

"Grabe Craye, the best pala yung ferris wheel no?" Masayang pagbahagi ni Kylie sa akin after namin bumaba sa rides.

Actually ay napakarami na namin natry dito, dalawa lang yung rides pero sinakyan namin pareho at yung isa ay caterpillar.

Marami na din kaming natry na games, niyaya nya din ako sa photo booth kanina para naman daw may remembrance kami ng Univ. Week apat na copy yun at tagdalawa kami, yung isa nga ay inilagay nya pa sa likod ng ID nya.

Masaya kasama si Kylie, sa totoo lang. Hindi ka maboboring pag kasama mo sya, hindi ka din makakareklamo kasi lagi nyang ichecheck kung okay ka ba? Kung pagod kana, kung gutom kana, kung ayaw mo ba sa mga gusto nyang itry. In short Ikaw ang ipa-priority nya bago sya.

"Halos 3 hours na tayong naglilibot dito, tara late lunch na, kanina tinatanong kita sabi mo okay ka pa." Basag ni Kylie ng katahimikan habang naglalakad kami sa campus.

"Tara, kumain na muna tayo." Yakag ko na din sa kanya

Dumarecho kami sa mercado at napansin ko na nandun sina Sally at Maice.

"Hi Craye, Hi Kylie" bati sa amin ni Sally

Nagwave si Kylie sa kanila at ngumiti na lang ako.

"I'm happy for you Craye, grabe mabuti na lang kasama mo si Kylie. Hindi ko na din kasi kayang makita yung best friend ko na umiiyak gawa mo." Nakangiting pahayag sakin ni Maice

What? Umiiyak si Justine gawa ko? Bakit gawa ko?

"Ahh oo, nakwento nga ni Maice sakin kanina. Kaya naman pala nag inom si Justine gawa mo, naguilty sya kasi hindi nya nasabi sayo agad na gusto ka nga ni Kylie." Dagdag na sabi ni Sally

"Kaya pala agad syang nag chat sakin kaninang umaga na kung gusto ko nga daw na makasama ka, so dahil alam mo naman na gusto kita pumayag na ko." Pahayag naman ni Kylie

So ano to? Sila yung magdedesisyon para sa akin? Ako ba tinanong nila kung anong gusto ko? Kung sino yung gusto kong makasama, kung sino yung taong magpapasaya sa akin? Bakit pakiramdam ko para akong robot na minamanipula nilang lahat.

Ewan ko, rude na kung rude pero tumakbo na ko agad palayo sa kanila.

Habang tumatakbo ako ay hindi mapigilan ng mga mata ko ang pag patak ng mga luha nito.

Ang sakit.

Continue Reading

You'll Also Like

137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
817K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
11K 398 28
A MikhAiah x MikhaLoi Parallel Universe Maven is deeply inlove to Avery but she's always looking for someone
19.3K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...