Havocs' Serenity

By belladonnaax

704K 20.4K 2.3K

Serenity being so pure and kind while Havoc being a cold-hearted guy, they immediately have a liking towards... More

Havocs' Serenity
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
23
24
25
26
27
28
29
30
epilogue
H
A
V
O
C
special chapter

22

14.5K 539 81
By belladonnaax

ASK help to Havoc. Easier said than being done. Tori has a point, kaya lang hindi naman kadali ang lahat ng iyon. At kung magkikita man sila ulit ng lalaki, hindi niya alam kung ano ang una niyang sasabihin dito. At isa pa, ano na lang ang sasabihin nito sa kanya? Matapos niya ito iwan nang walang paalam, bigla siyang magpapakita makalipas ng ilang taon na parang wala lang?

Pero inaalala naman niya ang company nila. Inaalala niya ang dad niya, pati na rin ang libo-libong empleyado na nagtatrabaho at umaasa sa kompanya nila. Kung hindi siya gagawa agad ng paraan, tuluyang mawawala sa kanila ang kompanya nila. She will dissapoint her father, at maraming tao ang pwedeng mawawalan ng trabaho.

Serenity heave a deep sigh.

"Ang lalim naman nang buntong-hininga na iyon, hija," saad ni Manang Saling, inilapag nito sa mesa ang isang tasa ng hot chocolate, "Nagdala si Allan ng tablea galing sa Cebu kaya ginawa ko nang hot chocolate, inumin mo muna iyan at baka pa lumamig."

"Thank you po, Manang." kinuha niya ang tasa at sumimsim ng tsokolate.

"Mukhang malalim ang iniisip mo, hija." saad pa ng matanda nang mapansin nito na natutulala na naman siya.

"Nag-iisip ho kasi ako ng paraan para maiahon ulit yung kompanya at hindi ho tuluyang...ma-bankrupt."

"Nasabi nga sa akin ng mommy at daddy mo ang tungkol sa bagay na 'yan. Sana nga rin at mahuli na yung dating empleyado sa kompanya niyo na nagnakaw ng pera sa inyo," naupo ito sa harap niya, "Pero napansin ko na may iba pang gumugulo sa isip mo."

Ibinaba niya ang mug ng hot chocolate sa mesa, "Ang totoo ho kasi niyan Manang...n-nagkita ho ulit kami ni Tori, nabanggit ko ho sa kanya yung problema ng kompanya, she suggested po na lumapit ako kay....Havoc para humingi ng tulong."

"Magandang ideya nga 'yun hija, saka may pinagsamahan naman kayo dati, baka matulungan ka nga niya. Mahal na mahal ka ng binatang iyon dati, hindi ko nga alam kung bakit kayo naghiwalay."

She awkwardly smiled to the old lady. Hindi naman niya ito masisisi, hindi naman kasi nito alam ang dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay noon kay Havoc.

"Parang dati lang noong naghiwalay kayo bago ka maaksidente, palagi iyong nagpupunta dito sa bahay niyo. Lasing at hinahanap ka. Kaya nga nang pansamantalang pinauwi kami ng mga magulang mo doon sa Cebu nang nagdesisyon sila na dalhin ka sa Texas, nakiusap din sila na kung sakaling hanapin ka ulit ni Havoc, huwag daw namin sabihin kung ano talaga ang nangyari sayo at nasaan ka."

"I-Iyon ho kasi ang bilin ko sa kanila manang bago ako maaksidente. At para rin ho iyon sa ikabubuti ni Havoc."

"Nakabuti nga ba talaga?"

"Oo naman ho, nabalitaan ko na successful businessman na siya ngayon, kung siguro ho na hindi ako nakipaghiwalay sa kanya noon, magiging distraction lang ako at hindi niya maaabot ang bagay na mayroon siya ngayon."

Lumambong ang mga mata ng matanda, sumilay ang mapait na ngiti sa labi nito, "Hindi ko lang alam hija, nang minsang mapanood ko kasi siya sa TV, parang, para bang nag-iba ang aura ng batang iyon. Mukha na siyang suplado dati pero parang mas lumala ngayon. Tinawag nga rin siyang—teka ano ba sa ingles ang salitang iyon?—Ah, ruthless, iyon nga."

"R-ruthless?"

Tumango ang matanda, "Tama. Kaya kung hihingi ka ng tulong sa kanya, pag-isipan mo rin ng mabuti. Pero halos magli-limang taon na rin ang lumipas, sigurado ako na kailangan niyo na rin magkausap ng maayos."

Nagpaalam na rin si Manang Saling na tatapusin lang nito ang pagliligpit ng ilang gamit sa komedor bago siya iwan sa library ng bahay nila. Malalim pa rin ang iniisip ni Serenity hanggang sa makaalis ang matanda.

Natagpuan na lang niya ang sarili na idina-dial ang numero ng main office ng company ni Havoc na na-search niya sa internet. Sekretarya ni Havoc ang sumagot ng tawag at nagpa-appointment na lang siya.

Dumating ang araw ng appointment niya kay Havoc. Ilang beses huminga nang malalim si Serenity bago siya tuluyang pumasok sa company building ni Havoc.

Halo-halo ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon, natatakot siya na kinakabahan at excited rin siyang makita ulit si Havoc. Dumiretso siya sa elevator matapos sabihin sa receptionist ang appointment niya.

"Miss Linuel?" salubong ng isang babae sa kanya nang makalabas siya ng elevator nang makarating siya sa top floor ng building kung nasaan ang private office ni Havoc.

"Y-yes, ako nga po."

"I'm sorry but you only have ten minutes, Ms. Linuel, Mr. Knight were so busy this week." salubong sa kanya ng nagpakilalang secretary ni Havoc.

Shiloh Linuel din ang ginamit niyang pagpapakilala nang makausap niya ito sa telepono, Even though, Shiloh is her second name while Linuel is her middle name. Natatakot din kasi siya na baka hindi siya harapin ni Havoc kapag totoong pangalan niya ang ibinigay niya.

"That's okay, miss. It means a lot to me. Thank you."

Ngumiti ang babae sa kanya at pinasunod siya papunta sa office ni Havoc. Huminto ito sa desk nito sa labas ng isang pinto saka nagsalita sa intercom, "Miss Linuel's already here, sir."

Inakay siya nang babae papalapit sa isang isang pinto, iyon siguro ang private office ni Havoc. Nagpasalamat siya sa babae matapos siya nito pagbuksan ng pinto. Isinara ng babae ang pintuan at iniwan silang dalawa ni Havoc sa loob.

"So Miss Linuel—" parehas pa silang natigilan ni Havoc nang magsalubong ang mga mata nila. It feels like the world stops right that moment when she saw again Havoc after so many years. Napansin niya ang pagdaan ng gulat sa mga mata nito pero sandali lang iyon, his gray eyes went cold. Parang nawalan ng buhay ang mga iyon.

Naka-clean cut ang buhok nito, he's still handsome as always. Mas lumaki rin ang katawan ng lalaki, nag-mature rin ang itsura nito. How old is he again? Twenty-eight? Mukhang totoo nga rin ang sinabi sa kanya ni Manang Saling, mukhang sobrang laki nga ng ipinagbago ni Havoc.

"Have a sit, Miss Moran. I don't want to waste my time." malamig na saad nito.

Kinakabahang naupo naman siya sa upuan sa harap ng table nito. Mabilis siyang sinulyapan ni Havoc bago ulit nito itinuon ang tingin sa mga papeles na nasa mesa nito.

"What brings you here?" bakas ang kawalan ng interes sa boses ng lalaki.

She cleared her throat, "H-havoc—"

"It's Mr. Knight for you, Miss Moran. Please, be professional and civil to each other."

Parang ilang libong karayom ang tumusok sa puso niya ng mga oras na iyon, she admit, nasaktan siya sa pagtrato nito sa kanya, but she can't blame him, siya naman ang nang-iwan basta dito.

"I-I'm sorry, it's about our company. G-gusto ko sanang humingi ng t-tulong sayo."

"What kind of help?"

"P-please l-lend us some m-money. K-kapag nakabagon ang company namin, magbabayad agad kami ng utang sayo, kahit lagyan mo pa ng interes." napaangat ng tingin sa kanya si Havoc.

Binitawan nito ang mga papeles na hawak at patamad na sumandal sa backrest ng swivel chair nito, "I feel sorry about what happened to your father's company, Miss Moran but I think mali ka ng taong nilapitan, because the last time I checked, my Empire was not a lending company."

She tried not to cry. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi para pigilan ang sariling mapaiyak.

"I-I know..It's just..I thought m-maybe you could h-help us."

"And Miss Moran, malapit nang ma-bankrupt ang company ng daddy mo, what makes you think na makakabawi kayo agad at mababaran niyo agad ang utang mong pera kung sakali?"

Napababa si Serenity ng tingin sa kandungan niya. A silence filled between them.

"But I think there's another option." saad ng binata. Naguguluhan naman siyang tumingin dito.

"W-what is it?"

"Sell it to me, your father's company."

Mapait siyang napangiti sa binata, "I think this conversation is now over, Mister Knight. Thank you for your time." tumayo siya mula sa pagkakaupo. Mag-iisip at maghahanap na lang siguro siya ng ibang paraan para isalba ang kompanya nila pero hinding-hindi niya iyon ibebenta.

Nag-unahang pumatak ang mga luha mula sa mga mata niya nang makalabas siya sa office ng binata. Nahihiyang nginitian niya ang sekretarya ni Havoc bago siya diretsong naglakad papasok sa elevator.

Tuluyan na siyang napahagulgol ng iyak nang tuluyang magsara ang elevator. He's mad at her, she can feel it. But again, wala siyang karapatang mag-complain dahil siya ang nang-iwan. Siya ang unang nanakit dito.

Hindi alam ni Serenity kung paano pa siya nakarating ng maayos sa company ng dad niya, dumiretso agad siya sa private office.

"Are you alright, Miss Moran?"

Napaangat siya ng tingin sa secretary ng dad niya, kimi siyang ngumiti dito, "I'm okay po, Mrs. Suen," lumipat siya sa working table ng dad niya at tinignan ang ilang files doon, "Ahm, can I have a request po?"

"Anything, Miss Moran."

"Pwede po ba akong makahingi ng complete copy ng mga investors nitong company?"

"Sure hija, sandali lang at hahanapin ko lang sa files ko." nagpasalamat siya sa babae bago ito lumabas sa office ng dad niya. Ilang sandali pa, matapos ang tatlong katok sa pinto, pumasok ulit ang babae at iniabot sa kanya ang isang folder.

"Kompleto na lahat 'yan. Naka-note na rin dyan pati na ang mga investors na umalis dito sa company, pati na ang mga board members na ibinenta ang shares nila."

"Thank you, Mrs. Suen."

"You're welcome hija, just tell me anything I can help you with. Maiwan na muna kita."

Binasa niya ang mga nilalaman ng files. Her plan A doesn't work so kailangan niya nang gawin ang plan B niya. Saka na lang niya siguro iintindihin ang heartaches niya kapag ayos na ang lahat sa company nila.

She make herself busy that day. Pinilit niyang kinalimutan ang heartaches niya at pangungulila kay Havoc. She call some former investors sa kompanya ng dad niya. Maswerte na nga lang siya at nakakuha siya agad ng appointment sa ilan.

Dahil siguro sa sobrang busy niya, hindi na niya namalayan kung anong oras na. Kung hindi pa siya kinatok ni Mrs. Suen, hindi pa niya malalaman na alas singko na pala ng hapon.

"Are you sure you will be alright, Miss Moran? Pwede naman ako mag-overtime para masamahan ka rito." concern evident on her voice. Ngumiti siya sa babae.

"No need, Mrs. Suen. Kaya ko na po ito. Maya-maya rin uuwi na po ako, tatapusin ko na lang po itong ginagawa ko." pagbibigay assurance niya dito. Matapos nito magpaalam sa kanya, umalis na ang babae.

She continue what she's doing.

Nang matapos siya, pabagsak siyang sumandal sa backrest ng swivel chair na inuupuan niya. Nag-inat na rin siya nang maramdaman ang pangangalay ng balikat at braso niya.

Nang mapatingin siya sa digital clock na nasa gilid ng table, doon niya nalaman na mag-a-alas-otso na pala ng gabi. Nagligpit na siya ng mga gamit.

"Ma'am gusto niyo po itatawag ko na kayo ng taxi?" tanong ng isa sa mga guard sa kanya bago siya makalabas sa building.

"Hindi na po, manong. Salamat po." ngumiti at kumaway siya sa mga ito bago siya umalis. Naupo siya sa waiting shed sa gilid at naghintay ng masasakyan na taxi. Magko-commute lang siya pauwi.

Hindi na kasi siya pinayagan ng parents niya na mag-drive pa ulit matapos ang nangyaring aksidente sa kanya years ago. Mukhang nagkaroon na ang mga ito ng trauma kapag nagda-drive siya.

Habang naghihintay ng masasakyan, she turned-on her phone. Sumalubong ang ilang messages mula sa parents niya. Nag-reply siya sa mga ito bago niya naisipan mag-surf sa internet. Napa-diretso siya nang upo nang makita ang ilang articles tungkol kay Havoc.

She can't help but to smile while reading his achievements. Sobrang layo na nga ng narating nito. She's beyond proud of him.

Kung anong saya niya kapag nababasa ang mga achievements nito as a successful businessman, para namang may dumagan na kung anong mabigat na bagay sa dibdib niya nang mabasa ng ilang articles sa mga babaeng na-li-link kay Havoc.

She suddenly startled when she heard a honk, napaangat siya ng tingin. Her mouth went ajar when she saw Havoc. Lumabas sa kotse nito ang lalaki at lumapit sa kanya. Huminto ito sa harap niya.

"Get in, ihahatid na kita pauwi." he coldly said.

"H-ha? Ahm, No—"

"I won't take no for answer." tumalikod ito at naglakad papalapit sa kotse nito, saka binuksan ang shotgun seat. Nakipaglaban pa ng tingin sa kanya ang lalaki.

At the end, Serenity found herself getting inside his car.

-

blldnnx.

Continue Reading

You'll Also Like

25.5M 907K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
27.7M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
212K 6.8K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
598K 41.3K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...