The Love Story Of Moonlight L...

By littlemsclouddd

5.3K 263 41

Sa isang liblib na lugar nakatira ang dalagang nag ngangalang Elvira Morticia isang babaeng may katigasan ang... More

WARNING
BITE:01
BITE:02
BITE:03
BITE:04
BITE:05
BITE:07
BITE:O8
BITE:09
BITE:10
BITE:11
BITE:12
BITE:13
BITE:14
BITE:15
BITE:16
BITE:17

BITE:06

236 15 0
By littlemsclouddd


Elvira PoV

Bumuntong hininga ako nang sumulpot siya bigla sa tabi ko. Gabi na ngayon at liwanag lang nang buwan ang nagsisilbing ilaw sa buong bakuran niya.

"Hindi ko pa nga pala natatanong ang pangalan mo" Saad ko sa kanya, tumingin siya sakin at ngumiti.

"Alessandro" Pakilala niya.

"Ang haba naman ng pangalan mo, pwede bang Ali na lang?" tanong ko.

Ngumisi siya at nagsalita, "Kahit Mahal pa ang itawag mo" Nakangiti niyang saad.

Napangiwi ako at inismiran siya. "Elvira ang pangalan ko" Saad ko.

Hindi niya ako nilingon at tumingin lang sa buwan.

"Ilang taon ka na pala? At bakit wala kang kasama dito?" Pang-uusisa ko.

"102, wala na ang mga magulang ko" Sagot niya, gulat akong tumingin.

"Ano? 102? Wag mo nga akong niloloko. Eh mas mukha pang matanda sayo kaibigan ko eh" Malakas kong saad.

"Isa sa abilidad naming mga bampira ang mapanatili ang batang mukha, Hindi gaya n'yong mga tao na mabilis tumanda" Saad niya ,napatango na lang ako sa sinabi niya.

"hmm... Lumalalim na ang gabi matulog ka na" Saad niya sakin.

Humikab ako ng makaramdam ng pagkaantok. "Sige, mauna na ako sayo" Nakangiti kong saad at tinalikuran na siya.

Isinara ko ang pinto ng makapasok ako sa kwarto.

"Hyst...talaga bang makakulong na ako dito?" Malungkot kong saad. Gusto ko nang umuwi.

Gusto ko nang makasama sila Mama,Papa at Ella. Yung malakas na bunganga ni Mama sa tuwing umaga,... Malakas na tawa ni Papa at ang mapang asar na mukha ni Ella, namimiss ko na sila.

Si Das din na walang ginawang tama namimiss ko na din, sigurado akong hinahahanap na nila ako at nag aalala sakin.

Hinawi ko ang kurtina at tumanaw sa baba. Napakunot ako ng noo ng makita ko si Ali na nasa labas.

"Ano kaya ang ginagawa niya?" Tanong ko sa sarili ko, mukhang may hinuhukay siya na kung ano.

May bote siyang kinuha sa lupang nakuha niya, Hindi ko lang masyadong makita kung ano ang laman.

Mabilis kong naisara ang kurtina ng tumingin siya sa gawi ko.

Puno ng tanong ang isip kong humiga sa kama. "Ano kaya ang laman ng bote na yun?" taka kong tanong sa sarili ko bago magpalamon sa antok.

SA KABILANG BANDA.....

Elfred PoV

"Anong kapabayaan ba ang ginawa mo Elfred!!" Yumuko ako at hindi makapagsalita.

Hindi ko magawang salubungin ang tingin ni Mang Tarong.

"Huli na ang lahat, nagsara na ang lagusan" Seryoso netong saad na ikinaiyak ni Elana.

"Jusko... A-ang panganay natin Elfred" iyak ni Elana, niyakap ko siya para damayan.

"Di sana ay ipinagpaliban niyo muna ang pagkuha ng kahoy! Yaan tuloy ang nangyare.... Hindi ba't sinabi ko na sa inyong may atraso ang ama ninyo!" Sigaw pa ulit ni Mang Tarong.

"Hindi ko naman ho inaasahan na mangyayare yun... Kaya nga ho si Elvira ang sinama ko dahil si Ella ang bibilin ni Ama na ingata— "BAKIT! HINDI MO BA ANAK SI ELVIRA? UNA PA LANG AY ALAM MO NA ANG TAGLAY NG ANAK MO!!" Natigilan ako at napayuko..

Naluluha ako sa katangahan at kapabayaan na nagawa ko.

"Ngayon ay kailangan mong maghintay ng dalawang taon bago sumapit ang buwan ng dugo.... At kung makakabalik pa si Elvira" Seryoso at makahulugang saad ni Mang Tarong.

"Ngunit alalahanin mo, maaari pa ring mawala ang isa sa mga anak mo" Saad pa ni Mang Tarong.

Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Elana. Kung hindi lang din sa kapabayaan ni Ama, hindi sana mangyayare sa pamilya ko ito.

Elvira's PoV

Sampong milyong hikab....

"Hmmm" nakanguso akong bumangon, gulo gulo pa ang buhok ko na lumabas ng kwarto.

"Ay... G*g—" Naka nguso kong sinulyapan ang gulat na mukha ni Ali.

"Wag mo nga akong minumura!" Sighal ko sa kanya. Nanlaki ang mata niya at pinitik ang noo ko.

"A-aray... Huuwaaaaaaaaa!!" malakas kong iyak dahil sa sakit ng pitik niya.

"Huy! Ano ba mahina lang yun!" sigaw niya sakin. Tumigil ako at saka siya sinapok.

"Aray! Huy baka nakakalimutan mo nasa bahay kita! Wag mo akong pinagbubuhatan ng kam— "utot mo dilaw!" Singhal ko sa kanya at mabilis siyang tinakbuhan.

Haha bahala siya diyan, Hindi ko matagalan ang presensiya niya.

"Tch! Ang takaw mo" Asik niya ng makita ako kung paano kumain.

"May itatanong nga pala ako sayo" Saad ko matapos malunok ang kanin sa bunganga ko.

"Mamaya na, kumakain pa tayo" Seryoso niyang saad kaya napanguso na lang ako.

Magkalayo pa din kaming kumain kaya kung magsalita ako ay pasigaw pa din.

Nagmadali akong kumain dahil kating kati na ang bunganga ko na tanongin siya.

"Ano ng itatanong mo?" Tanong niya habang hinuhugasan ang pinagkainan namin.

Kumamot ako sa ulo ko at hindi alam kung paano itatanong ng maayos."Uhmm.. Pano ba to" Alinlangan kong saad.

"Tanongin mo na ako dahil pagtapos neto ay lalabas ako" Inip niyang saad na hindi ko manlang napansin na tapos na siyang maghugas.

"Ahm.. Ano kasi kagabi aksidente kitang nakita na may hinuhukay sa labas... Huy wag mong isipin na chismosa ako ha" Madali kong saad.

Hindi ko inaasahan na ang magiging reaksyon niya ay puno ng pagtataka.

"Anong chismosa?" taka niyang tanong at para bang nahihiwagaan sa salitang yun.

Napangiwi ako. "Chismosa, gaya ng pakielamera, pala desisyon, nang huhusga ganon ba" Paliwanag ko. Tatango tango siya at ngumiti sakin.

"Chismosa ka nga,haha" Tawa niya na halos hindi na kita ang mata.

Napalunok ako ng maisip na ang gwapo niya lalo sa tuwing tumatawa siya.

"Tsk, Hindi nga ako chismosa, Sagutin mo na tanong ko" Pag-iiba ko.

Lumakad siya kaya naman sumunod ako, binuksan niya ang isang aparador...

"Wahh~ Ano yan?" takang tanong ko.

"Mga dugo yan, iniimbak ko para hindi ako palabas labas" Paliwanag niya.

Lumapit ako sa garapon at inamoy. "UUAAAKKK!!" Napatakip ako ng ilong dahil sa langsa ng amoy.

"Sira na ata yan,Ali" Saad ko at nasusuka pa din, inamoy niya din at mukhang bangong bango siya.

"hmm ahh.. Ang sarap" nakapikit niyang ungol matapos uminom.

May tumulo pang dugo sa gilid ng labi niya na pinunasan niya gamit ang dila niya.

Hay*p!! Bakit ang lakas ng dating niya banda dun? Aish! Elvira umayos ka nga! Hindi ka malandi! Hindi ka malisosya!"

"Kung isa ka ding bampira ay magigibg mabango sayo ang dugo lalo na kung matamis hindi ka magsasawang tikman" Nakangisi niyang saad kaya napangiwi ako.

"Malansa ang dugo at ikaw lang ang nasasarapan dun" Saad ko.

"Syempre bampira ako eh, dugo mo ang ay sobrang bango sa pang amoy ko" seryoso niyang saad at lumunok bago nag iwas ng tingin.

Napatakip ako sa dibdib ko ng makaramdam ng lamig.

"Manyakis ka!!" Sigaw ko at nagtatakbo pabalik sa kwarto ko.

Habol ang hininga na umupo ako sa kama at tinignan ang loob ng damit ko.

"Tanga ka talaga Elvira! Argh! Bobo! Bobo! Bobo!" halos ibaon ko ang mukha ko sa unan dahil sa hiya.

Ang tagal na naming magka-usap at magkasama bakit hindi niya manlang sinabi.

Nanlaki ang mata ko ng maiisip na gusto niya ding makita ang hinaharap ko kaya hindi niya sinasabi sakin.

"Nakabalandra na naman yang pader mo!"

"Bakat na yang munggo mo"

"Argh! King*na mo Das!!" Namura ko pa si Das ng wala sa oras ng maalala ang lagi niyang sinasabi sa tuwing makikitang nakataas ang damit ko.

Bakit nga ba ako namomroblema eh mas pantay pa sa papel ang harap at likod ko.

"Aish! Kahit na nakakahiya pa din! Huhuhu" Atungal ko dahil sa kahihiyang nagawa ko...

Nakakababa ng dignidad ang makitaan ng pantay na likod....

To be continued....

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 151K 54
Anna Merliz Callista is a wizard from Fevia Attero. To be born into a prominent wizarding clan should have made her happy, but as someone who was bor...
3M 123K 50
(Bloodstone Legacy #2) "Sometimes, it takes a pure and innocent beauty to tame the beast of a demon." Every girl wishes to be a princess. To live in...
3.8M 135K 36
The day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na s...
13.4M 641K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...