The Game Changer ~COMPLETE~

By IsulatModatCom

364K 4.6K 144

Zane Mikel Ayala is the most sought-after bachelor today. He's handsome, on top of his career, he is famous a... More

Prologue
The Game Changer Chapter 1
The Game Changer Chapter 2
The Game Changer Chapter 3
The Game Changer Chapter 4
The Game Changer Chapter 5
The Game Changer Chapter 6
The Game Changer Chapter 7
The Game Changer Chapter 8
The Game Changer Chapter 9
The Game Changer Chapter 10
The Game Changer Chapter 11
The Game Changer Chapter 12
The Game Changer Chapter 13
The Game Changer Chapter 14
The Game Changer Chapter 15
The Game Changer Chapter 16
The Game Changer Chapter 17
The Game Changer Chapter 18
The Game Changer Chapter 19
The Game Changer Chapter 20
The Game Changer Chapter 21
The Game Changer Chapter 22
The Game Changer Chapter 23
The Game Changer Chapter 24
The Game Changer Chapter 26
The Game Changer Chapter 27
The Game Changer Chapter 28
The Game Changer Chapter 29
The Game Changer Chapter 30 - FINAL Chapter
Author's NOTE

The Game Changer Chapter 25

7.7K 97 3
By IsulatModatCom

GC 25

<Chelsea's POV> 

Nagmadali akong pumunta sa coffee shop kung san kami magkikita ni Bridget. Hindi naman ako masyadong kinakabahan pero kinakabahan pa rin. Pag si Bridget kasi malamang masamang balita ang sasabihin nito. Alam ko kasing kaligayahan na talaga niya ang makitang malungkot ako. Hindi ko talaga alam kung bakit niya to ginagawa pero nakakainis.

Pagdating ko sa coffee shop na yun ay agad akong pumunta sa table na kinaroroonan niya. Ngumiti ito nung nakita ako pero sobrang plastic, ang sarap na nga niyang sindihan para matunaw na siya.

"Take a sit." sabi nito at umayos ng upo.

"Mag order na tayo..?" masayang sabi nito. 

Tiningnan ko siya. 

"Bridget.. alam kong hindi pakikipagkwentuhan ang dahilan kaya ka nakipagkita saken kaya diretsahin mo na ako at nang makaalis na ako dito." nakasimangot na sabi ko.

She smiled at me. "Masyado ka namang atat Sis.. plano ko pa namang idahan dahan to dahil ayokong mabigla ka sa sasabihin ko."  

Nag iinit na ang ulo ko sa babaeng to. 

"Wag ka ng magpa ligoy2x pa Bridget.. spit it out or else aalis ako dito ngayon. Ayokong magsayang ng oras para sa mga walang kwentang bagay na sasabihin mo." diretsong tanong ko. Nagiging dragon talaga pag siya ang kaharap ko kasi naman, alam kong palaging masama ang intensyon niya. 

"Okay Dear Sister..gusto mong madaliin ang lahat puwes i'll throw the bomb. You're boyfriend a.k.a Mr. Perfect is back in his game." nakangising sabi nito.  

"What are you trying to say?" nakakunot ang noong tanong ko.  

Back in the game?  

"Im just trying to tell that the Ultimate Playboy is back. Niloloko ka ng boyfriend mo. AGain." patuyang sabi nito. Tumaas ang kilay.  

"Really?" i smirked at her. Why would i belive her? Napakasinungaling niyang tao. 

"Haay. I am trying to help you here Chelsea. Niloloko ka ni Zane. Habang nasa apartment ka at natutulog mag isa, si Zane ay nasa bar at nakikipaglampungan sa ibang babae. And you know what, that girl is my friend."  

Biglang parang bombang sumabog sa utak ko ang mga salitang yun? Ibang babae? Hindi yun gagawin ni Zane saken.  

"Oh..ano pa bang maiexpect ko?? Friend mo nga diba? Malamang ganun talaga ang ginagawa. And i promised myself Bridget na hinding hindi na ako maniniwala sa sasabihin mo. Nagsinungaling ka na sakin dati.. bakit maniniwala ako sayo ngayon?" matigas na sabi ko sa kanya kahit na parang tinatambol na ang dibdib ko.

No. I trust Zane.  

"I have Proof Chelsea.. Here.. take a look at these pictures. Wag kang magtanga tangahan." binigay niya saken ang cellphone niya.

Tiningnan ko muna ang cellphone bago ko kinuha.  

Titingnan ko ba? Pano kung totoo? Kaya ko ba kung ano ang makikita ko dito?? Anong mangyayari samin??  

Lumunok muna ako at tiningnan ko ang pictures.

Parang binagsakan ako ng 5 storey building at parang may bombang sumabog sa likuran ko pagkakita ko ng pictures.

Si Zane na may kahalikang babae.  

Ito ang suot niya nung Bachelor party ni Drew. May isa pang picture na naghalikan sila nung babae na hindi ko kilala.. parang Multi shots to kaya sunod sunod, may pictures na hawak ni Zane yung babae sa braso at hinila kung saan at ang pinakahuling picture ay nakatalikod na yung babae.  

Huminga ako ng malalim.  

"Im really sorry Chelsea.. i don't want you to see these pero dapat eh kasi niloloko ka niya." painosenteng sabi ni Bridget saken. Palagay ko sasabog ang dibdib ko ngayon ko ngayon at kumukulo ang dugo ko na hindi ko maintindihan.  

Niloko ako ni Zane. Dapat ba sumama ako nung gabing yun?? siguro hindi nangyari to kung sumama ako.  

"Well.. thanks for the concern Bridget.. I appreciate it." sarkastikong sabi ko sa kanya.  

"Alam mo kasi Chelsea, ang mga lalaking tulad ni Zane...hindi yan nagpipirma sa iisang babae. Kaya wag ka nang mag ambisyon na titino siya sayo." maarteng uminom ng kape.  

"Pagkatapos nga pala nung nangyari diyan ay tinanong namin si Nancy kung anong nangyari.. sabi niya, tinapos lang raw nila ang hindi nila natapos ni Zane dati." dagdag nito . 

Gusto niya talaga akong nasasaktan.  

"I told you before Chelsea.. never ever think about flirting with Mark again.. dahil kaya kong ulitin ang mga ginawa ko dati."

What is she talking about?  

Napakunot ang noo ko.  

"Give me a break Chelsea. Alam kong pinuntahan mo si Mark para makipagbalikan sa kanya nung kabibreak pa lang namin." matigas na sabi nito. 

"What??" di makapaniwalang sabi ko.  

"Grabe ka.. painosente effect na naman..? wag kang mag drama dito Chelsea, wala ang Daddy mo kaya tama na ang acting. Kabago bago palang namin naghiwalay ni Mark nun ay nangati ka agad? Bitch!!" she hissed. Okay! 

"Come on Bridget.. Sino nagsabi niyan sayo?" tanong ko sa kanya. 

"S-Si Mark.." I smiled at her. 

"Talaga? Sinabi niya yan.. well, for your information Bridget, si Mark ang pumunta saken at not the other way around. Siya ang pumunta sa coffee shop at parang timang na nagmakaawa na balikan ko. Siya ang halos lumuhod na sa harapan ko para balikan ko siya and you know what he said to me... hiniwalayan ka raw niya para saken dahil hindi siya masaya." She was taken aback from what i said. 

"Why would i believe you?? sinasabi mo lang dahil naiinis ka at galit ka dahil sa nalaman mong panloloko ni Zane sayo." parang naiiyak na sabi nito.  

Mukhang hindi ako ang weak saming dalawa ah.  

"Why am i telling you this?? Because believe it or not... i want to save you from where you are right now Bridget.. sinasabi mong tanga ako? Bakit nandiyan ka ngayon sa dating kinalalagyan ko?? Im telling you all these things para mabuksan mo ang mga mata mo. Mark is not worth it Bridget, he's not worth your effort and your love. He's selfish, self centered and a big liar. Wag kang mag tanga tangahan. " Tumayo na ako para lumabas. 

"Thanks for the pictures anyway.. mukhang pare pareho nga silang lahat." umalis na ako at iniwan ko siyang tulala.

Pagpasok ko sa loob ng kotse ko ay nag drive na ako papunta sa apartment. Blanko ang isip ko at hindi ko alam kung anong gagawin o anong iisipin. Pagkapasok ko sa apartment ay umupo ako at pinikit ko ang mata ko na tila ba pagod na pagod ako.

Napalingon ako sa divider kung san nakadisplay ang mga libro ko. Nakita ko ang librong binili ni Zane, yung librong naging dahilan kaya binigyan ko siya ng chance para ligawan ako.. yung librong naging dahilan kaya binigyan ko siya ng chance na saktan ako.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Humihikbi na ako at parang hindi ko alam kung paano ko to pahihintuin.

Zane? Bakit mo to nagawa? AKala ko ba iba ka? Akala ko ba hindi ka magpapaagaw?

Yung mga site visits niya? May kasama rin kaya siyang babae nun? Nung nasa Baguio ako? May kasama rin siguro siyang babae nun.  Boys are boys. Tama nga. Siguro ang dahilan lang kung bakit hindi pa siya umaalis ay dahil wala pang nangyayari sa amin sa kama. Pag nakuha na niya ang gusto nya, siguro dun niya pa ako iiwan. 

Tsss.

I never saw it coming.  

Bakit nung handa ako dati ay hindi nangyari to? Bakit ngayon? Bakit ngayon na mahal ko na siya? Manloloko ka rin pala. Wala rin siyang pinagkaiba kay Mark at sa ibang lalaki.

Biglang nagring ang cellphone ko, tiningnan ko yun at para gusto nang itapon ang cellphone ko nung nakita kong tumatawag si Zane. Hinayaan ko lang ang cellphone ko na mag ring ng mag ring. Ayaw ko siyang makausap, ni ayaw kong makita ang pagmumukha niya. Laro laro lang talaga sa kanya ang lahat. Laro laro lang at ngayon panalong panalo siya.

Nag ring ulit ang cellphone ko pero hindi ko sinagot at pumasok ako sa kwarto para humiga, ang bigat ng paa ko at ng buong katawan ko, parang bingbog na kung ano na hindi ko maintindihan. Humiga ako sa kama ko, hindi pa rin talaga tumitigil ang luha ko sa kakatulo. Nakakainis! gusto kong sumigaw pero parang walang lalabas na boses mula sa lalamunan ko. Naririnig ko pa rin ang cellphone ko na nagriring pa rin.

Hindi ba siya hihinto??!!  

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakahiga sa kama at ilang minuto na rin ba akong umiiyak??

Bumangon ako at hinubad ko ang doll shoes ko na hindi ko man lang nagawang hubarin kanina. Kinuha ko ang robe ko at tuwalya, dapat magbabad ako sa tubig ngayon para mawala ang bigat ng nararamdaman ko tapos kakanta ako ng rock songs. Ganun siguro.

Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko ang cellphone ko, 15 missed calls and 2 messages.

From: My Playboy

Why are you not answering my calls? Lagot ka saken. :-p Miss you already.

Napaiyak ako. Miss me??? Tell that to the Marines. 

From: My Playboy

Chili? Papunta na ako diyan.

Oh God! Papunta siya dito. Kaya ko ba siyang harapin?? Kaya ko ba siyang tingnan sa mata?? Kaya ko ba siyang kausapin ng hindi ako umiiyak? Tumutulo na naman ang lecheng luha ko. Ano ba??? Makisama ka naman.

Naghilamos ako para hindi naman masyadong halata ang mata ko. ShiX!! Teka?? Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Galit ako diba? Hindi ko alam anong sasabihin. Ano ba??

Alam ko naman ang gagawin. Sana lang hindi ako traydorin ng katawan ko? At ng puso ko? Tsss. Umupo ako sa sofa, pupunta siya dito?

Okay. Bahala siya.

Ilang sandali pa ay may kumakatok sa pinto, ang bilis ng tibok ng puso ko at nahihirapan akong huminga pero alam kong kaya ko to.

"Chili.." tawag ni Zane mula sa labas. Tumayo ako at pumunta sa pinto. Hinga Chelsea.

At binuksan ko yun, nakatayo lang siya at nag aalala ang mukha.

"Bakit di mo sinasagot ang tawag ko??" sabi nito at agad akong niyakap at hinalikan ang noo ko.

Pinipigilan ko ang luha ko sa pagtulo at tumayo lang ako dun at tumingin sa kanya.

Napuno ng pagtataka ang mukha niya. Hinaplos nito ang mukha ko.

"Chili..what's wrong??? umiiyak ka ba? anong nangyari? May masakit ba sayo? Tell me."  

Oo. Masakit ang puso ko. Grrr. 

I smiled sarcastically at him.  

"What's wrong? Nothing's wrong Zane. Everything's fine actually.. everything's falling into place."  

Kumunot ang noo nito.  

"Hey hey.. Anong sinasabi mo?" 

"Come one Zane..!! Just stop that okay??? Tapos na. It's Game over for me. Panalo ka na, talo ako kaya tama na."  

Parang naguguluhan ang mukha nito.  

"Chili? Ano ba yang sinasabi mo? Game over? Ano?"

"Let's just stop this CRAP!! and stop acting like you don't know what im talking about Zane!! Maghiwalay na tayo!! Please lang... Maawa ka naman saken Zane, please.. tama na. Panalo ka na okay?" umiiyak na ako dahil sobrang sakit na talaga ng nararamdaman ko pero mas masakit sabihin na hiwalay na kami, na pagkatapos nito WALA na.

Mawawala na siya sa buhay ko.  Lahat ng ginawa niya saken? It was for one reason.. madala ako sa kama and makuha nag gusto niya. 

Hahawakan niya sana ako pero umatras lang ako. 

"No.. just don't. WAg na..Tama na. Magsaya ka kasi panalo ka na. Just go!! Celebrate. " 

"Is this a prank or something??? Just stop this Chili.. it's not funny." naguguluhang sabi nito at tumingin sa paligid na parang naghahanap ng camera o ano. Ano ba feeling niya?? Nasa gag show siya??  

"Umalis ka na lang Zane. Ayaw na kitang makita o makausap. Tama na." Isasara ko na ang pinto pero pinigilan nito.  

"Chili..no. Ano ba to?? Makikipaghiwalay ka saken?? Bakit?? May nagawa ba akong masama? May nagawa ba akong kasalanan?? Tell me! Please... just don't be like this. Please.." nagmamakaawang sabi nito, tumingin ako sa mata niya, gusto kong maniwalang hindi niya alam o mali ang nakita ko pero ayoko na talaga. PAgod na akong makinig ng isa pang kasinungalingan galing sa kanya.

"Just Tell me what's happening Chili... para alam ko, magpapaliwanag ako kung ano man yun. Just tell me please."  

"No!! Zane!! Ayoko na! Naiintindihan mo?? Ayoko na!!! Pagod na ako! Ayokong makinig sayo, ang dami ko nang narinig na kasinungalingan, pagod na pagod na ako. Just Go! Leave Please." Tumingin siya saken na parang maiiyak o ano. Magaling talagang umarte, pwede siyang maging artista.  

"I don't want to.. chili.. diba sabi ko sayo kahit ipagtabuyan moko hinding hindi ako bibitaw? I will not leave you.. just tell me what's happening please.." nanginginig na ang boses nito.  

Hindi ko gusto ang nakikita ko, para siyang batang inagawan ng laruin. Parang gusto niy akong lapitan pero natatakot siya.  

"You know what's this all about Zane... alam ko na.. alam ko ng niloloko mo lang ako. Alam ko ng may babae ka. Alam ko na. Kaya, umalis ka na. PLease.. just go." mahinahong sabi ko pero umiiyak pa rin ako. Pinapahid ko ang luha pero may tumutulo pa rin.  

Ginulo ni Zane ang buhok nito na parang gulong gulo sa pangyayari, nakatingin siya saken.  

"Just go.." sabi ko sa kanya hindi ko kayang tingnan ang mga mata niya.  

"I'll go for now pero mag uusap tayo... pag uusapan natin to Chelsea." sabi nito pero sinara ko na ang pinto. Tumayo lang ako sa likod ng pinto at umiiyak, ilang sandali pa ay narinig kong umalis siya at narinig kong umandar ang sasakyan nito.

Ito na yun. Ito na yung sinasabi ko dati, akala ko hindi napaghandaan ko to. Akala ko hindi ako masasaktan pero mali ako. 

Akala ko rin totoo na lahat yun, akala ko magiging masaya na ako pero mali ako.

Maling mali.

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 144K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
623K 22.5K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
2.1K 265 55
Angela Dianne Lucero and Thorn Lonier Flores has a complicated relationship since the start.. Would their status change from It's Complicated to It's...