Traits Of A Slayers

By SEZELEI

4.3K 463 470

Slayers Series #1 Unfathomable massacre is happening in a university and a group of friends that have consi... More

Author's Note #1
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29

CHAPTER 20

39 10 0
By SEZELEI


A/N: New update! No edit.


6:12 PM


Jessilyn:
I am so sorry... please can we talk??

6:30 PM

Jessilyn:
Please talk to me... :((
Don't be mad at me pls??

9:34 PM

Jessilyn:
I know, what I did was wrong, hindi sasabihin at gagawin ng isang kaibigan 'yon. Pero Jia pwede bang mag-usap tayo..

dali na?..

11:13 PM

Jessilyn:

I can't sleep. Can I go to your room? :))

Ilang sandali kong binabalik balikan ang mga message niya sa akin. Jessilyn maybe feel sorry but hindi pa ko ready makipag-usap sakanya.

Paikot ikot ako sa kama habang hawak ang phone ko. Scroll up lang ako nang scroll up sa sa mga social media, lutang ako habang ginagawa iyon. Tanging laman ng isipan ko ang naganap sa aming dalawa.

Napagisipan kong patayin ang phone ko at bumangon. Imbis na matulog dahil tapos na akong manalangin heto ako ngayon napagpasyahang mag online games nalang sa computer ko. Nawawala ang stress ko kapag ginagawa ito. Kapag may mga bagay na ayaw kong isipin ito lagi ang ginagawa ko kahit noon pa.

Ilang sandali lang sa paglalaro nang biglang may kumatok sa pintuan. Madali kong hinubad ang headphone na suot at napalingon sa pintuan.

I don't want to, jess. Not now.

Muli siyang kumatok pero hindi ko siya pinagbuksan at pinagpatuloy ang pag lalaro ng roblox.  Isang oras ang lumipas nang mapagpasyahan kong itigil ang ginagawa. Maliban sa masyadong tutok na ang mga mata ko sa PC dinadalaw na rin ako ng antok.

Bumalik ako sa pagkakahiga at tinigan ang mga ibang messages.

Cole:

Kita ulit tayo bukas 😅😅

Napangiwi ako sa message niya. Ang jejemon rin pala mag message ng isang 'to. Baka pwede siyang isali sa jejemon trio ng Lothare University. Hindi ko pa rin alam kung anong mission naming dalawa. Siguro bukas ay malalaman na namin.

Anak ni kuring

Paisley:

I heard from dex about what happened. Sana magkabati na kayo.
Always remember that I'm always here for the both of you. I miss our bond together. Love you guys!

Tinignan ko ang message niya nang ilang minuto katulad ng ginawa ko sa message ni Jess kanina paulit ulit ko 'tong binasa hanggang sa magsawa ako. Hindi ko alam ang irereply ko sakanya kaya nag react nalang ako ng okay sa chat niya.

Miss ko na rin ang bonding naming tatlo, Paisley is always like that. Siya ang laging nag-iiwan ng advice kapag may nangyayaring away sa pagitan namin ni Jess. Sana lang ay hindi siya mabagot sa amin.

Nilipat ko ulit ang convo namin ni Jess.

Diyesabel na mukhang shokoy

You:

👍


Sana tulog na siya nang bukas na niya mabasa ang reply ko. Itinabi ko na ang cellphone ko sa small table sa tabi ng higaan at ipinikit na ang mga mata.

Nagising nalang ako dahil sa biglang pagdilat ng mga mata ko. Kinusot ko muna ang mga mata bago ayusin ang sarili. Weekends ngayon kaya wala kaming pasok. As if namang importante pang pumasok kung wala naman kaming matututuhan kundi ay kung paano pumatay.

Suot ko ang leather jacket na may white crop top sa loob at naka denim short. Pinusod ko na rin ang buhok ko dahil mainit. Nang makontento sa ayos ay dali dali akong lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina para mag breakfast. Naabutan ko si Jessilyn na nagluluto pero wala ang atensyon niya sa niluluto niya. Nakatingin siya sa bintana. Lutang.

Mukhang hindi maganda ang tulog niya kagabi. Anong nangyari?

Hindi ko na naisipang kumain at kausapin siya. Tuluyan na akong lumabas ng apartment at sumakay sa big bike ko. Ite-text ko nalang siya na umalis ako.

"Good morning Yaya, where's Jian and russel po?"

I see Yaya in the garden. Dinidiligan niya ang halaman nang madtnan ko siya. Yaya really loves plants specially the special tulip flowers that mama keep reminding us.

Yaya was so shocked when she sees me. Agad niyang binitawan ang watering can at sinalubong ako ng yakap na agad ko naman tinanggap.

"Napadalaw ka ulit na miss ka namin." nginitian namin ang isat-isa tsaka niya ko dinaluyan sa pag-pasok sa mansion. Nanghingi ako ng pabor kay manong elis na ipasok ang motorcycle ko sa parking area.

Saktong kakatapos lang nila mag umagahan lahat kaya agad akong nagsandok ng para sa akin at lumamon.

"Inuwi na pala si russel sakanila kasi sabi ng pinsan mo mas maalagaan daw siya ron. Hindi na ko nagpumilit pa at hinayaan nalang sila sa gusto nila. Kahit gusto kong nanatili pa si Russel dito, wala naman akong magagawa." she looked so sad while talking. Siguradong napamahal na rin siya kay russel. Katulad nga ng sabi ko hindi isang katulong ang turing namin kay ate Jane kundi isang grandmother na nag-aalaga sa amin.

"Gusto rin ba niya dito?" tinanguan niya 'ko.

"Hinihintay ka pa ng bata iyon na umuwi bago daw sana siya umalis." nakaramdaman ako ng pagkadismaya sa salitang sinabi niya.

I'm sorry, russel.

"Dadalawin ko nalang siya kapag may time." kahit malayo.

"Si kuya mo naman, busy sa trabaho. May case pa siyang hawak na dapat mapalanuhan nila." sabi niya.

"Case?"

"Hindi na niya sinabi pero ngayon ko lang siya nakitang seryosong seryoso sa kasong hawak niya. Lagi ko pa siyang naabutan na gising kapag madaling araw mukhang desperado sa ginagawa, wala ng tulog ang kuya mo." 

Napaisip ako sa sinabi niya. Maybe family murder case na naman or mas malala pa ron.

Yaya keep asking me kung okay lang ba daw ako at kung ano anong school stuff ang tinatanong niya. Sinasabi ko nalang na okay ang lahat para 'wag na siyang mag-alala. Nabanggit niya rin kung kumusta na ang relasyon ko sa mga kaibigan ko at nagbigay ako ng maikling kwento sa amin bago umoo sa tanong niya.

"Si sir bruke, hindi mo tatanungin? siya kasi ang nandito ngayon." sabi ni ate Jane at ngumiti ng makahulugan.

Kusang huminto ang pag subo ko ng fish fillet sa bunganga dahil sa pangalang binanggit niya.

"Mmm, musta siya?" aniya ko.

"Tulad ng kuya mo, busy rin sa trabaho ng kompanya. Gusto mo tawagin ko siya?" sabi niya pero umiling ako.

"Busy, eh" natawa nalang siya sa sinabi ko. "Ako nalang po pupunta." paalam ko at binilisan ang pagkain.

Para akong hindi nakakain ng isang linggo sa lagay ko.

Sandali pa akong inaasar ni Yaya habang umaakyat ako sa hagdan. She really wants me to talk to him. Ilang buwan na rin kasi kaming hindi nagkikita dahil sa nangyari sa akin. I hope he's not mad at me anymore.

Huminga ako ng malalim bago mapagpasyahang kumatok sa opisina niya. Umabot sa pangatlong katok nang magsalita siya.

"Come in." I heard his voice.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at sinara ito.

Presentable akong umupo sa bakanteng upuan sa likod niya. He's writing something on some papers on his desk. He's wearing glasses kaya hindi ko masyadong makita ang mga mata niya.

"How's work?" bungad ko. Napahinto siya sa ginagawa at nilingon ako.

"Izyl?" tinawag niya ko sa second name ko.

"You thought I was someone?" I slightly smirked.

Kumunot ang noo niya. "Whats brings you here?"

"I'm just returning home."

"You're coming back?"

"No. Ang Ibig kong sabihin– napadalaw lang." pagtatama ko.

"I missed you." medyo nagulat ako sa sinabi niya. He is not the type of person na madaling magsabi ng kung anong nararamdaman. Pero kahit ganoon ay I quickly change my reaction and smiled at him.

"I missed you too."

"What happened to your face?"

"Ha?"

"You look different."

Tumayo siya sa harapan ko at parang pinag-aralan ang buong mukha ko.

"What do you mean different? hindi na ba ko mukhang anak mo?" tinaasan niya ko ng kilay habang napahalukipkip.

"Ikaw pa rin naman, parang mas lalo kang naging mataray at tumigas ang ulo. Pinapabayaan mo ba ang sarili mo, Izyl? iyang porma mo ngayon ay ibang iba kumpara noon." seryoso niyang tanong kaya napalunok ako.

"Nah, I'm good. Don't mind me dad. How's my mom's case, Pa?" sana lang ay hindi niya mahalatang gusto kong ibahin ang usapan.

"I'm still working on it." sagot niya. Parang ayaw niyang alalahanin pa ang bagay na iyon. "There is a thing that I have to tell you." something on his gaze na nagpagulo ng utak ko. Ano naman 'iyon?

Last time ang favor na hinhingi niya sa akin ay bumalik na ako sa mansion pero tinaggi ko ito. And hindi lang isang beses na pinipilit niya kong mapapayag. I think mga 7 times na rin. At ngayon, ano naman kaya?

"I want you to meet Ms. Solace son. She is my friend." as my father continued what he said earlier, I quickly gave him a dead glare.

"Are you setting me for a arrange marriage?"

Sandali siyang nagpakawala ng tawa. "I know you would say that but no."

"So why you want me to meet that?" I asked him.

"Just– you know. Baka kapag nagkakilala kayo magkaroon kayo ng developme—"

"Which is not gonna happend." putol ko sakanya. "Not interested." I fixed my bangs at my forehead dahil medyo natatamaan na ang mata ko sa haba nito. 

"As I expected you say. Give it a try, Izyl, you're turning 18 you should find a boyfriend." I was annoyed of what he said. I just said earlier that I'm not interested!

"Pa, your annoying me. Hindi ko kailangan ang bagay na hindi naman kailangan." madiin kong sabi. Bumalik siya sa pagkakaupo sa mamahalin niyang upuan at binalik ang hawak doon sa papel.

I wonder kung may alam ba siya sa nagaganap sa LU ngayon. Pero sa totoo lang ayokong malaman niya dahil ayokong mag-aalala pa siya at ipapadala niya ko sa ibang bansa.

"Sige sabi mo e, pero gusto ko pa rin kayong magkakilala. " aniya. " August 12, 7:00 Pm at Danderville City, Resentli private restaurant." para siyang isang villain sa isang pelikula kung maka ngiti sa akin. Palibhasa malandi siya noon kay Mama dati.

"No way, dad–"

" Are you busy kaya hindi ka makapunta?"

"I-i.." I pause.

Kapag sinabi ko na oo magtatanong siya kung anong pinagkakaabalahan ko at wala naman akong maisip na palusot na dahilan para pagtakpan ang totoo.

Napabuntong hininga ako."And if I don't come?" mayabang kong sagot. Hindi ako magpapatalo sa tatay kong 'to. Alam kong maiisahan ko siya sa sitwasyon na 'to.

"I will transfer you to other university far from here."

Goddamn.

Mas lalong lumapad ang ngiti niya at ako naman dahan dahang nanlumo ang mukha.

I don't want to admit it but I think he win this time.

Lumabas ako sa opisina niya na masama ang mukha. Papa always asking me a favor and ako lagi ang nanalo sa desisyon Jian and I even called him a mail dad. Pero ngayon... Dapat hindi muna ako bumisita ngayon sa mansion badtrip ako kahapon pati ba naman ngayon.

Mayroon pa siyang sinabi sa akin bago niya ko paalisin sa opisina niya. Sinigurado niyang hindi tuluyang makukuha si Russell sa amin and I thanked him for that. 

I was also thankful na hindi na siya nagtatampo sa akin.  I don't want him or any in the family na magkaron ng damdamin para sa akin. Its hard for me.

"Bakit parang galit ka ata?" bungad ni Yaya pagkababa ko. Hindi ko alam kung balak niya bang pakinggan ang usapan namin dahil kanina pa siya naka abang sa baba ng hagdanan.

"Wala, po." she looked at me like im hiding something kaya napabuntong hininga na naman ako.

Mga matatanda talaga.

"He wants me to meet her friend's son."

Umuwang ng kaunti ang labi niya sa sinabi ko.

"Mabuti naman!" bulaslas niya kaya nagsalubong ang magkabilang kilay ko.

"Bakit?" pagtataka ko.

"Magkakaroon ka na ng manliligaw, noon pa ako nag-hihintay na may pumunta dito." gamit ang dalawang palad niya ay hinawakan niya ang mukha niya at ngumingiting nakatingin sa akin.

Para akong estatwa na nakatingin sa kanya. Ganyan ba ang reaksyon niya kapag kinikilig? bakit naman siya kinikilig? kilala ba niya kung sinong tinutukoy ni Papa?

Ginalaw ko ang labi ko at sinabi ang salitang "Iw" nang walang nilalabas na boses.

"Ito naman! Alam ko naman naming hindi ka pa ready sa ganyan, hindi naman agad agad, iyon, Jia. Process muna. Ganiyan rin si Sir bruke at Ma'am Sazzna noon si Sir grabeng hulog na hulog kay Ma'am natatandaan mo pa ba 'yong nagkakilala sila sa Bar?" huminto siya saglit at hinintay akong tumango. "Jusko, alam mo ba noon tinatawid ni Papa mo ang New zealand hanggang pilipinas—"

"Para ligawan lang si Mama." pagpapatuloy ko sakanya. "Ate Jane, you're being delusional, Hindi kami magkakaroon ng process katulad nilang dalawa dahil mismo sa saktong araw na 'yon ay babastedin ko siya."

Ayon nalang ang sinabi ko. Parang sigurado pa ako na gusto ako ng isang iyon.

Napalit ng walang reaksyon ang kaninang nakangiti niyang mukha.

"Hindi na kita pipilitin, pero darating ba ang araw na magkakaron ka na ng interest sa lalaki?"

We can't say that.

"Ay o baka naman babae?" 'di ko inaasahan na dagdag niya.

Bumikit balikat nalamang ako at nilagpasan siya.

"Bye, Ya. Pasabi nalang kay Jian na pumunta ako!"

"Good luck, Jia on your date!" habol niya nang nasa pintuan na ko palabas ng bahay. 

Mang elis help me sa parking para ilabas ang motor ko. Mang elis been working on our mansion in a past 6 years while Ate Jane is almost 10 years. Hindi ko nga inaasahan na magtatagal si Mang elis dito dahil hirap daw siyang umuwi sa panggasinan at babalik nanaman dito. Kumpara Kay Ate Jane mas tahimik siya at pareho naman silang maalaga.

Cole:

Nasa Mall si Head administer, sinamahan ko huhuhu naiinip na ko, dito nalang tayo magkita? 🙏🙏🙏

You:

Saang mall?

Cole:

Cole sent a location.

Agad kong pinaandar ang big bike tsaka pumunta sa lokasyon na pinadala niya. Halos 40 minutes muna bago ako makarating. Bumungad sa akin ang maraming taong namamasyal sa mall. Di tulad malapit sa lugar namin malinis dito at hindi puro duguan ang paligid.

Napahawak ako sa coat na suot ko bago napagpasyahang pumasok sa loob. Ang sabi ni Cole sa akin ay nasa pamilihan sila ng mga pormal na mga suotin kaya tinahak ng mga paa ko patungo doon.

Nakita ko si Cole na naka pose sa isang malaking salamin sa harap niya. Mukhang kakatapos lang magsukat. Pinabayaan ko muna siya at hinanap ng mga mata ko si Head administer. May mga hawak itong ibat-ibang bag sa kamay at braso niya at pumunta sa cashier. Pupuntahan ko na sana siya kaso may kung sinong naagaw ng pansin ko.

Lalaking gwadrya na nilagpasan ako hanggang sa makalabas ng brand na pinamimilihan nila. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Bakit umalis iyon? dapat nagbabantay siya dito.

"Jia!" narinig ko ang boses ni Cole kaya napalingon na rin si Head administer pati ang mga ibang tao sa loob. Lumapit ako kay Cole kinuha naman niya ang braso ko at dinala kay Ma'am Tabitha.

"Ano bang meron talaga at pinapunta mo ko?" tanong ko at hindi ko alam kung kanino sakanilang dalawa ako titingin.

"For our mission, malamang." wika niya kaya napatitig ako ng matagal.

"Then, what's the mission?" pabulong na balik ko rin. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang patay malisya na reaksyon ni Ma'am Tabitha at muling ibinalik ang tuon sa taong nag ca-cashier kahit halata namang ayaw niya sa taong iyon dahil kanina pa niya tinatarayan. Para siyang mataray na mama ni Peppa pig.

Naramdamaman ko ang paghawak ulit ni Cole sa braso ko at hinatak ako pabalik sa pinanggalingan niya kanina.

"Can you stop grabbing my arms?!" nag peace sign naman siya kaagad.

"Ano ba talaga?"

Napatikom ang bibig niya muna bago sumagot. "To be the new bodyguard of the head administer." Ilang beses akong napapikit bago mapagtanto ang sinabi niya.

Brad, whaaaat?

Continue Reading

You'll Also Like

176K 8.7K 42
After going through a number of disasters I realized that actually I am reborn as the villainess character, more of a brat, Chloe Bourgeois, in a chi...
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
94.8K 2.2K 11
مافيا - حب - قسوه - غيره renad231_5 مرت سنه والقلب ذابحهه الهجر ومرت سنه والهجر عيا يستحي الروايه موجوده في انستا : renad2315
7.3M 303K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...