The Psychiatrist's Insanity

By thatpaintedmind

790K 12.6K 5K

Warning: Mature Content Men from Hell Series No. 3 Dark Aris Vergara's story - Trigger Warning: mentions of s... More

Teaser
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII

Kabanata VIII

41.9K 797 229
By thatpaintedmind

A/N: Sorry for waiting. It's been such a hell week in SLU rn. I'll try to update faster next time :} Enjoy reading!

-

DAYS went by quick. Although for me, everything felt so slow. Walang oras na hindi pumasok sa isip ko ang huling nangyari sa Olongapo. At tuwing naaalala ko 'yon, bigla-bigla na lang akong natutulala. It's something I can't control.

Nakakapansin na nga sina Annika. Maging ang mga kaibigan ko sa school, akala nila ay sadyang palagi lang akong sabog. When in fact, that's not a normal thing for me to do.

Sadyang hindi ko mapigilan. Walang sawang umuulit-ulit sa utak ko ang mga salitang binitawan nila. Hindi ko mapigilang umiyak tuwing gabi, tuwing tahimik na ang kwarto at ang tanging naririnig ko na lang ay ang utak kong punong-puno ng paninisi nila.

Kaya minsan ay nagpapalipas na lang ako ng gabi sa iba't-ibang lugar, para kahit papaano ay ma-distract ang utak ko. Minsan ay naglalakad-lakad lang ako sa session road. Somehow, it helps calming my mind.

I admit, suicidal thoughts often visit me. Lalo na tuwing pakiramdam ko ay hindi ko na kaya. Pero tuwing nangyayari 'yon, kusang umaalingangaw sa utak ko ang mga sinabi ng lalakeng tumulong sa akin. Kusa ring sumusulpot ang batang-ako sa aking harapan. They both served as my motivations to keep going. That's why I'm still here, trying to continue existing.

"Saan ka pupunta? Sisimba ka?" Dinaluhan ako ni Bree sa umagahan. Hihikab-hikab pa siya habang suot ang kanyang pajamas.

Alas otso pa lang ng umaga. Nakakahayok sanang matulog pa dahil sa lamig, pero hindi pwede.

Kasalukuyan na akong nagkakape, bihis na para sa lakad ko.

"Anong magsisimba? Sabado pa lang." Wika ko saka humigop sa aking tasa.

Ah, ang sarap talaga ng mainit na kape sa malamig na umaga. Lalo na't hangin pa ng Baguio ang dadapo sa'yo. Kahit papaano ay nakakaganang mabuhay.

"Ah, sabado pa lang ba." Tila sabog niya pang pahayag.

Bahagya akong natawa. "Bakit ba bumangon ka na? Maaga pa ah."

"Ikaw nga ang aga-aga bihis na bihis na. Saan lakad mo?"

Ngumiti lang ako. I don't want ro reveal that I'm attending clinical therapies. Panigurado ay seseryosohin na nila ang mga suicidal jokes ko. 'Yon pa naman ang main humor ko.

"Sa Burnham lang, magjo-jogging."

"Magjo-jogging kang naka-crop top?" Poker face niyang tanong. "Teh, nasa Baguio ka. Baka maka-sampung kilometro ka na hindi ka pa rin pagpawisan."

"Magja-jacket naman ako mamaya."

Umismid siya, natawa na lang ako.

"Mag-jacket ka na ngayon, jusko, baka kabagin ka pa."

"Opo na, boss."

Para matahimik na ang utak niya ay sinuot ko na ang jacket na kanina'y nakapatong lang sa mesa. Inubos ko na rin ang kape nang mapansing malapit nang mag-alas nuwebe.

Ang lamig na nga ng kape, kumurap ka lang, pagtingin mo malamig na ang kaninang mainit mong kape. Cons of living in Baguio. Kailangan ko na talagang bumili ng insulated tumbler.

"Una na ako," paalam ko sa kanya matapos kong hugasan ang pinag-inuman kong tasa.

"Taray naman ng jogging outfit mo, naka-boots ka pa. Parampa ka bang tumakbo?" Usisa ni Bree mamataan niya ang suot kong sapatos.

Tumawa na lang ako. Alam kong pansin niya nang hindi talaga jogging ang lakad ko. Sinasakyan niya na lang ang kasinungalingan ko.

Kinindatan ko na lang siya bago ako tuluyang lumabas. Pagkalabas na pagkalabas ko ng pinto ay kusang bumagsak ang ngiti ko. My mood instantly changed. Nawala ang maskarang suot ko ngayong wala nang ibang tao.

Everything is just a font. Nagpapanggap na lang akong masaya tuwing may kasama akong ibang tao. I wear a mask so they don't see how miserable I actually am. I feel like a puppet, and I'm the puppeteer myself.

Napabuntong-hininga na lang ako, sa sobrang lalim ay umangat pa ang magkabilang balikat ko.

Hindi naman na bago sa akin ang pagpapanggap. Why should I dwell on it?

Pagkalabas ko ng building ay bahagya pang tahimik ang kalsada, hindi katulad tuwing weekdays kung saan palaging traffic ng ganitong oras.

I glanced at my watch. May 30 minutes pa ako, lalakarin ko na lang siguro ang daan. I need to clear my mind.

Sa totoo lang ay hindi pa ako sigurado kung paano mago-open up mamaya sa psychiatrist ko. Dati ay unti-unti ko nang nagagamay, pero ngayong may panibago na namang akong dapat ikwento--ang nararamdaman ko sa hindi pagkakulong ni uncle--hindi ko na alam kung paano iyon sisimulan. Back to zero na naman ang paghilom ko. All my progress went down the drain.

Sumagap ako ng hangin pagkatanaw ko sa clinic na kaharap ko na ngayon. Hindi ako sigurado kung magagawa kong makapag-open up kahit kanino ngayon, I know for sure I would easily breakdown.

I sighed. I guess I'll just cross the bridge when I get there.

Pumasok na ako ng building. Just like what they instructed, dumiretso ako sa front desk. The same front desk girl greeted me with enthusiasm.

"Good morning, madame! Ms. Mojica, tama po ba?"

Tumango ako at ngumiti. "I have an appointment with a psychiatrist, 9:30AM."

Agad niyang chineck ang monitor na kaharap, napatango-tango naman siya bago bumalik ang kanyang tingin sa akin. Suot pa rin niya ang kanyang maaliwalas na ngiti.

"Your psychiatrist would be Dr. Kier Adelman. He's already waiting for you. His office is on 2nd floor, room number 206—-" natigil siya sa pagsasalita nang biglang nag-ring ang kanyang katabing telepono. Bumagsak ang tingin niya ro'n. Suddenly, her expression became troubled, probably torn between assisting me or answering the phone.

"Okay lang, I can wait." Pinangunahan ko na siya.

Apologetic niya naman akong nginitian. "I'm sorry, just a minute, ma'am."

Nginitian ko na lang din siya as a go signal that it's okay. She eventually picked up the phone. Inabala ko na lang ang sarili sa pagmamasid sa paligid.

"Hello, this is Seeking Light's--oh, yes, sir?--" I tried to look for a distraction as she talk with the person on the other line. Ang kintab naman ng sahig dito. "Uh... you mean Ms.--yes, sir, she's already here--" Napatingin ako sa kanya nang mapansing sumulyap siya sa akin. Kaagad din naman siyang umiwas ng tingin. "Okay, sir. Copy." Binaba niya na ang tawag.

Tumingin muli siya sa akin at muling ngumiti, pero ngayon, kapansin-pansin na nawala na ang pagkaaliwalas ng kanyang ngiti. Sa likod ng kanyang ngiti ay parang may nakakubling pagkabalisa.

"Aplogies, ma'am—-"

"Hindi, ano ka ba, okay lang talaga." Putol ko sa kanya. Baka ang paghintay ko ang dahilan ng pagkabalisa niya samantalang maliit na bagay lang naman 'yon. I hate making people bad.

Umiling naman ito. Nangunot ang noo ko ro'n. "It's not about that, ma'am. A sudden change was just recently announced." She forced a smile. "Anyway, just proceed to 3rd floor, room number 310. Your psychiatrist awaits there."

Napakurap ako.

Room 310? Hindi ba sinabi niya lang kanina, room 206?

Napakamot ako sa aking braso. Iyon ba ang sinasabi niyang sudden change? I'm guessing my psychiatrist changed rooms?

Gusto kong magtanong sa pagtataka, pero dinidikta naman ng utak ko na hayaan ko na lang.

Sa huli ay hindi na ako nag-usisa pa. I don't want to make a big deal out of it. Nginitian ko na lang muli ang babae bago nagpasalamat.

Dumiretso na ako sa elevator. I immediately pressed the 3rd floor.

Napayakap ako sa sarili habang nagsisimula nang umakyat ang elevator. Nilalamig ako sa kaba, lalo na ang mga kamay ko, para akong may hinawakan na yelo sa lamig ng mga 'yon. I'm feeling anxious.

Nang tumunog ang elevator ay nagdalawang-isip pa ako kung lalabas na ako. Mariin akong pumikit at malalim na bumuntong-hininga. Nagtatalo ang isip ko. Alam kong hindi pa ako handa. Pero nandito na ako. Ngayon pa ba ako aatras?

I tried to empty my mind. Nang dumilat ako ay tuloy-tuloy na akong lumabas. Isinantabi ko lahat ng pagtutol sa aking utak at dire-diretso nang naglakad.

Tumingin ako sa silver plate ng unang pinto, 301. Kung gano'n ay ang pinakadulo ang 310.

Tinahak ko na ang pasilyo. Tahimik ang paligid, ako pa lamang kasi ang tao. My heart is still beating faster than normal, I just tried to brush it off.

Nang maabot ko ang dulo kung nasaan ang huling pinto ay napatigil ako sa paglalakad. Kakaiba ang pintong ito, kung ang ibang pinto ay nasa kaliwa at kanan, ang pintong ito ay nasa gitna. Ito rin ang natatanging double-door, hinala ko tuloy ay ito ang pinakamalaking silid.

Inayos ko ang sarili at ilang beses na pinakalma ang sarili. Nang makuntento na ako sa ayos ko ay inangat ko na ang kamay at kumatok.

I looked at the time. 9:35. Gagi, late na pala ako. Bakit hindi ko man lang napansin--

Sa hindi inaasahan ay biglang bumukas ang pinto. Halos mapatalon ako sa gulat! Ang inaasahan ko lang ay isang senyales na maaari na akong pumasok, hindi ko inaasahang bubukas ang pinto!

Gulat akong napatingin sa taong lumabas.

"Ay ne, pasensya na, ikaw ba ang unang pasyente ni sir?" Tanong ng matandang lalakeng nagbukas ng pinto. May hawak itong mop, mukhang kalilinis lang nito sa loob ng silid.

Tumikhim naman upang ayusin ang sarili bago ako tumango. "Ah, opo. Nandyan po ba siya?"

"Panigurado parating pa lang 'yon. Ang alam ko nga ay wala siyang trabaho ngayong umaga kaya ngayon ako naglinis." Tuluyan na itong lumabas, iniwan niyang nakabukas ang pinto. "Sige, pasok ka na. Hintayin mo na lang siya."

Tumango naman ako saka bahagyang yumuko. "Salamat po."

"Walang anuman."

Umalis na ito. Ako naman ay napakamot sa batok. Wala pa pala ang psychiatrist ko. Buti na lang, akala ko late na ako. Buti na lang mas late siya.

Pumasok na ako sa loob. Sinara ko ang pinto habang iniikot ang tingin sa paligid.

Tama nga ako, the room is big. Much bigger than the room where I was interviewed the last time. Mukhang lounge ang silid. Kakaibang-kakaiba ang interior dito sa loob kumpara sa labas na puro puti. This room is filled with wooden materials, it feels cozy here. It doesn't look like an office. Mayroon pang mga halaman sa iba't-ibang sulok ng silid. It complimented the wooden interior well.

Nagtungo ako sa brown leather couch na nasa gitna para maupo ro'n. Nakatalikod ako sa pinto dahil sa inupuan kong posisyon. I like this sit better, natatanaw ko mula rito ang malaking glass window. Mabuti na lang at hindi mataas ang sikat ng araw.

Gayunpaman ay unti-unti ko nang nararamdaman ang init dahil sa suot na jacket. Hinubad ko na lang muna ang suot na jacket para maibsan ang nararamdaman. Hindi naman mainit, sadyang naaalinsangan lang ako sa jacket na suot. Para akong nasa impyerno--

Nagitla ako nang biglang nagbukas ang pinto. Muntik pa akong mapamura sa gulat!

Taranta kong nilapag ang jacket sa katabing upuan bago ako tumayo. Muling nanumbalik ang kaba sa dibdib ko.

"My apologies for being late." A familiar voice spoke.

In an instant, my finger started fidgeting. Napayuko ako. Ito na nga ang kinatatakutan ko. Ngayon ko talaga nakumpirmang hindi pa ako ready mag-open up! Baka pwede pang mag-back out? Maybe I should tell this concern to my psychiatrist? Maiintindihan niya naman, diba?

Natigil ako sa pag-iisip nang may kamay ang lumahad sa aking harapan. He's initiating a handshake.

Napalunok naman ako bago tinanggap ang kanyang kamay.

"F-Fayven Leone..." I introduced myself while letting him shake my hand.

To my surprise, he gently squeezed my hand. Dahil doon ay awtomatikong umangat ang tingin ko sa kanya.

Our eyes met, and I almost lost my balance upon seeing those familiar eyes.

Awtomatikong tumigil ang aking paghinga, pati yata pagtibok ng puso ko maging pagdaloy ng dugo ko ay tumigil.

Marahil sa oras na 'to, tinakasan na ng dugo ang aking mukha.

"I'm Dr. Dark Aris Vergara, I'll be your psychiatrist and your therapist for the rest of our professional relationship."

Natanga ako sa kanyang harapan. Bagsak ang aking panga habang tila sirang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kanya.

Tama ba ang nakikita ko? Baka naman namamalikmata lang ako? Baka sa sobrang pag-iisip ko sa taong 'yon ay ang mukha niya ang nakikita ko ngayon?

Pero hindi... malinaw pa sa malinaw. 'Yong lalakeng nagligtas sa akin mula sa pagpapakamatay ang siyang nasa harapan ko ngayon!

Maagap kong binawi ang kamay mula sa kanya. Hindi ako nakapagsalita. Nablanko ang utak ko.

"Hey, are you alright?"

Confirmed... It really is him. I know that soothing voice well.

Paulit-ulit akong napalunok.

Don't panic. Don't panic. Don't panic.

"T-There might be a mistake. Sabi sa front desk kanina, Kier Adelman ang pangalan ng psychiatrist ko." Wika ko nang sa wakas ay bumalik ang katinuan sa utak ko. "A-Ano ulit ang pangalan mo?"

I'm pretty sure hindi Kier Adelman ang sinabi niya kanina.

He stared at me. Napaiwas ako ng tingin, pero parang nakamagnet ang mga mata ko sa kanya na kahit anong iwas ang gawin ko, kusa ring bumabalik ang mga mata ko sa kanya.

Shit. Seeing him in a dark long sleeves polo is already intimidating enough, but seeing him in a white laboratory gown? That's something else. Hindi ko alam na mas may ikaka-intimida pa pala siya. He's even wearing thin glasses that suited his face well.

"Dark Aris..." He repeated in a monotone voice before adjusting his glasses. "I don't know why they told you that Dr. Kier will be your psychiatrist, but I'm pretty sure you're mine."

Napakurap ako. Tumalikod siya sa akin para magtungo sa kanyang desk. May kinuha siyang papeles doon bago bumalik sa aking harapan. Inangat niya sa aking harapan ang hawak na brown envelope.

"I have your test results here. Is this enough proof?"

Napatitig ako sa brown envelope na 'yon.

He knows... He knows everything about me.

Iyon din marahil ang sagot kung bakit hindi siya nasurpresang makita ako. He was probably already expecting that I'll be his client.

Para akong mauubusan ng hininga nang bumalik ang tingin ko sa kanya. I am still in a state of shock.

"I'll be elaborating these results to you... Fayven Leone."

Tila yata sumikdo ang puso ko nang banggitin niya ang aking pangalan.

He looked at me before adjusting his glasses once again. "Shall we begin?"

Napalunok ako. Sa huli ay wala sa sarili na lang akong napatango.

Isa namang maliit na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. "Good."

His smile was harmless, but for an unknown reason, my heart started racing.

Mariin akong napalunok. Hindi ako relihiyosong tao, pero sa isang ngiti niya lang, awtomatiko akong napadasal ng The Apostle's Creed.












Continue Reading

You'll Also Like

851K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...