Tapos na kaming maghapunan at nanonood kami ngayun ng tv sa sala. Bukas nalang daw kami uuwi sabi ni Thaigo.
"thank you po" sabi ko sa kasambahay ng binigay niya ang dalawang piraso ng Siopao "ah, manang" tawag ko nang may maalala
"Ano po 'yon, Ma'am?"
"Yung.... sandwich po kaninang umaga, may natira pa po ba?" nakangisi kong tanong. Naramdaman kong tumigil si Thaigo sa ginagawa niya sa kanyang laptop at napabaling sa akin
"Naubos na Ma'am, pero pwede ko naman po kayong gawan nang bago" nakangiti nitong wika
"Sige po! Salamat" sabi ko at bumalik siya sa kusina
Agad ko namang kinuha ang siopao at kinain ito
"You're eating too much" napabaling ako kay Thaigo na nasa tabi ko
"nagugutom ako eh" sabi ko at humarap sa tv
Maya maya ay dumating na si manang na may dalang sandwich
"eto na po Ma'am"
"Thank you po" sabi ko at agad na binilisan ang pagkain sa Siopao. Napabaling ulit si Thaigo sa akin
"Gusto mo?" sabi ko at kinuha ang isang sandwich. Umiling siya at kumuha ng tissue sa may mesa.
Napatigil ako sa pag nguya nang nilapit niya ang kamay niyang may tissue sa gilid ng labi ko.
"You're eating like a child" he said while dabbing the tissue on the corner of my mouth.
I let out a chuckle "gutom lang" sabi ko
Nilagay niya ang tissue sa mesa at hinawakan ang tiyan ko "Is he already asleep?"
"h-huh?... pano ko malalaman 'yon?"
"well...wait," sabay kaming nagkatinginan nang maramdaman namin.pareho ang paggalaw niya sa loob ng tiyan ko.
"G-Gumalaw siya" namamanghang wika ni Thaigo habang nakahawak sa aking tiyan.
Tumango ako at ngumiti.
"Maybe he heard us," mas lalo siyang lumapit sa tiyan ko "hey son, you should be sleeping by now, it's already late" bulong nito sa tiyan ko.
Hindi ko naman mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ko siya.
"Matulog ka na, maaga tayo aalis bukas at may klase ka pa hindi ba?" Sabi niya nang lumayo sa tiyan ko.
"hapon pa ang klase ko bukas"
tumango naman siya.
"Alright, pero maaga parin tayo aalis"
"Hindi ka pa ba matutulog?" tanong ko
"Mamaya pa" sabi niya at kinuha ang kanyang laptop " mauna ka na, susunod ako" sabi niya habang nakaharap sa kanyang laptop
Tumango naman ako at inubos ang pagkain ko bago tumayo
"Ihahatid na kita" bigla siyang tumayo
"Kaya ko naman. Tapusin mo nalang 'yan" I said and smiled to assure him
"Are you sure?" tanong niya. Tumango lang ako at naglakad patungo sa hagdanan, paakyat sa kwarto namin.
Mula nung kinasal na kasi kami, nasa iisang kwarto na kami natutulog pati sa mansyon. Ideya iyon ni tita Andrea.
Ilang minuto palang akong humiga ay nakaramdam na agad ako ng antok.
Mahimbing akong natutulog nang maramdaman kong may humiga sa tabi ko. Naramdaman kong pinatay niya ang ilaw at lumapit sa akin.
Ewan ko ba kung guni guni ko lang iyon...pero parang naramdaman kong may humalik sa ulo ko bago dumilim ang buong silid.
Nagising ako dahil sa tunog ng ulan at kidlat
One of my greatest fear
Bumangon ako at umupo sa kama. Bumaling ako sa gilid ko kahit na wala akong makita dahil madilim ang paligid.
Wala na akong katabi
Biglang kumidat nang malakas kaya napatakip ako sa aking tenga
"Thaigo..." mahina kong sabi
Natatakot akong lumabas nang kwarto
"Thaigo-" napasigaw ako ng kumidlat ulit nang malakas
Nasaan siya???
Napaiyak na ako sa dahil sa takot at dahil wala na si Thaigo sa tabi ko.
Iniwan ba niya ako?
Bumalik ba siya sa mansyon?
Ba't hindi siya nagpaalam sa akin?
Napatigil ako sa paghikbi nang may marinig ako mula sa sofa. Kahit madilim ay nakita kong parang may gumalaw. Dahil narin siguro sa liwanag nagalit sa kidlat mula sa labas .
"Why are you crying?" He asked using his hoarse and sleepy voice
Nang bigla ulit kumidlat ay napayakap na ako sa kanya, kasabay nun ang pagliwanag kaya naman nakita ko ang tattoo sa katawan niya.
It's him!
Pero ba't siya sa sofa natulog?
"Samahan mo ako dito, please..." Sabi ko habang yakap yakap siya " natatakot ako"
I felt him stiffened for a moment
"o-okay..." sabi niya at tumabi sa akin
Pagkahiga niya ay agad akong sumiksik sa kanya at niyakap siya
"Are you...okay?" wika niya
Napansin niya siguro ang higpit nang pagkakayakap ko sa kanya
Tumango lang ako at napapikit nang muling kumidlat
"Dito ka lang" mahina kong sabi
I can feel his heavy breathing as he touched my shoulder, he's stroking it gently
"okay, hindi ako aalis"
____
Kinabukasan
Agad akong napangiti nang maramdaman ang braso ni Thaigo na nakapalupot sa tiyan ko.
Ngayun niya lang ako niyakap habang natutulog kami
Gumalaw ako para tingnan siya
"Good mor-" hindi natapos ang sasabihin ko at nagtaka sa lalaking katabi ko "Sino ka?!" malakas kong sabi at lumayo sa kanya
Naalimpungatan siya sa pagsigaw ko at unti unting minulat ang kanyang mga mata. Marami din siyang tattoo katulad kay Thaigo at halos parehas sila ng pangangatawan!
Ngumisi siya nang magtama ang mga mata namin
"Good morning" wika niya
Babangon na sana ako pero hindi niya parin inaalis ang braso niya sa bewang ko
"lumayo-"
Napatigil ako sa pagsasalita nang biglang bumukas ang pinto. Sabay kaming napatingin sa gulat na mukha ni Thaigo
"what the..." mahina nitong sabi habang papalit palit ang tingin niya sa aming dalawa
"Oh! you're here!" maligaya nitong sabi at sa wakas ay lumayo na sa akin
Nakita ko ang pagkuyom nang kanyang mga palad at nilapitan ang lalaki
"What the hell are you doing here?!"
tumayo naman ako at lumapit sa kanila kahit na naguguluhan
"T-Thaigo, sino siya?"
Bumaling sa akin si Thaigo pero inunahan siya nitong magsalita
"I'm Enzo, Thaigo's brother" then he smirked at Thaigo
What?!
May kapatid pala si Thaigo??? kaya pala medyo hawig sila!
"Tell me, what are you doing here?! and why the hell are you sleeping with her?!" Nagngingitngit na wika ni Thaigo. Nakita ko ang pagtaas baba nang dibdib niya at ang paglitaw nang ugat sa kanyang leeg nung sumigaw siya.
Enzo chuckled " chill, man. I didn't do anything stupid to her"
"Did he fvcking touch you while you were sleeping?"
"uh..."
While I was sleeping??? Paano ko malalaman iyon kung tulog ako?? Ano bang klaseng tanong 'yan, Thaigo!
"trust me, wala nga akong ginawang masama sa kanya, maliban sa..."
Nakita kong gumalaw ang panga ni Thaigo at nilapitan ang kapatid niya
"Maliban sa ano?" naghahamong sabi ni Thaigo
"Iyong...nakita mo kanina. I just hugged her because she was scared last night,"
"I know you Bryce Enzo" he said, scrutinizing his brother's face
Enzo almost rolled his eyes "fine, I just...smelled her hair. She smells so good, I got to admit that that's why..." sumulyap siya sa akin "I couldn't help myself to smell her while she's sleeping"
Nakita ko ang pag igting nang panga ni Thaigo habang nagsasalita ang kapatid niya
"You know, enough with this" he said and scratch the back of his neck " aren't you surprised that I'm here?"
Thaigo sneered "of course I am" at may dinukot siya mula sa bulsa niya
Napasinghap nalang ako nang napaupo si Enzo sa sahig nang bigla siyang suntukin ni Thaigo
"shit!" mura ni Enzo at hinawakan ang dumugo niyang labi
"Suprise your ass" wika ni Thaigo at hinawakan ang kamay ko
"What was that for?!" gulat na wika ni Enzo nang tumayo siya
Thaigo smirked "That's for sleeping with my wife, doofus!" at hinila niya ako palabas sa kwarto
____
Kung hindi papalarin sa kuya, sa bunso nalang haha
Pls don't forget to vote!
Ps: ok lang ba if hindi to happy ending? like, kunware mamamatay si T- *train passes by*