Craye
"Muka kang zombie today, sis." Agaw pansin na sabi ni Sandy sa akin habang andito kami ngayon sa labas ng faculty dahil iniintay namin si Angel at Gianne.
Sino ba naman kasing hindi magiging zombie diba? After nya kong ikiss iiwan nya na lang ako basta ng walang paliwanag. Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa ginawa nya.
"Para kang si Mon, lahat na lang pinansin." Sagot ko kay Sandy
"Wait! Teka lang. Sis, nakikita mo ba ang nakikita ko?" Kalabit sakin ni Sandy sabay nguso sa papalabas na dalawang tao na nanggaling sa Registrar office.
Kinabahan akong bigla nang nasilayan na si Justine ang isa, yung kasama nyang lalaki ay hindi ko kilala.
"Si Justine?" Questionable kong sabi kay Sandy
"May tama ka! Pero yung kasama nya kilala mo ba?" Tanong naman ni Sandy sakin
Gagi din no? Edi sana sinabi ko na kanina kung kilala ko.
"Wait wait!" Nagmamadaling kinuha ni Sandy ang phone nya, sinilip ko ito at nakita ko na pumunta sya sa GC namin.
----------GC
Aba Teka! Justine magpaliwanag ka! -Mabuhangin
Ano Yan ha? -Leonardo da Vinci
Ang kaibigan nating Bibe kasama lang naman si Lance. Eto nga at magkasama silang lumabas ng registrar office. -Mabuhangin
May hindi ka sinasabi! - 3 blind Maice
--------------GC end
Binuksan ko lang ang GC namin at siniseen ko lang, gusto kong sa kanila na manggagaling kung sino ba talaga si Lance kay Justine.
-------------GC
Gagi! Si Lance, blockmate ko yun diba? -Justine Bibe
Blockmate mo nga, archery varsity player naman at yung pinaka magaling pa ha! -Kerubin
Mamaya Ikaw ang mapana nyan. Yieeee! Kilig yarn? -Silly Sally
Alam mo Justine, umamin ka na lang okay lang naman samin ihhh. -Gianne Apuli
Mga Loko! Hindi nga, wala lang to. Bahala kayo mag isip jan. -Justine Bibe
Magkukwento ka samin mamaya. -Mabuhangin
Ayan na naman si Craye, paseen seen lang. -Leonardo da Vinci
Anung gusto mong sabihin ko? -Craye-yons
Ang aminin ang feelings mo. -Leonardo da Vinci
Sabog kana Mon! -Craye-yons
Hahahaha. Everyday Yan. -Mabuhangin
Chruuuu! -Kerubin
Bahala kayo, gulo nyo. -3 blind Maice
-------------GC end
Kinabahan ako sa reply ni Mon, hindi ko lang pinahalata kay Sandy dahil katabi ko sya
"Aminin mo na daw." Biglang Banat ni Sandy
Nagulat ako! Halata ba ko masyado. Halos hindi ko nga iparamdam sa kanila na gusto ko si Justine
"Uiii kabado bente." Pang ttrip ni Sandy sakin kaya natawa na lang ako
Relieved!
"Guy's sorry ha, napatagal kami ni Gianne sa loob. " Hinging dispensa ni Angel samin, Hindi na din namin namalayan na lumabas na pala sila
"Wow! Ehh chumika pa nga kayong dalawa sa GC natin, akala ko nga hanggang bukas pa kayo doon ehh." Pang aasar ni Sandy sa dalawa
"Sya Tara na, ang arte nito." Sabay hatak ni Gianne kay Sandy para makapunta na kami sa court dahil andun si Maice, may practice ang Volleyball varsity player ngayon. Actually may 15 minutes pa bago mag start.
Sumunod na lang kami ni Angel dahil andon na din naman si Sally at Mon.
Maraming pumipigil sa akin pero gusto ko talagang malaman.
"Manonood ba si Justine?" Pasimpleng tanong ko
"Ewan ko, sabi ni Sandy nakita nya kanina ehh kayo ang magkasama ni Sandy, hindi nyo pa tinanong." -sabad naman ni Gianne
"Hindi siguro yun dzai, kita mo naman kasama nya si Lance. Jusq! Muka pa namang bagay sila." Kinikilig na komento si Sandy tyaka nito hinampas si Gianne sa braso.
Gusto ko nang banatan si Sandy sa mga sinasabi nya, sana aware sya na ang sakit nang sinabi nya diba? Potek na yan.
"Gagi! Bakit ka nang hahampas? Kinilig ka lang ha." Nakatikim din nang hampas si Sandy kay Gianne
Natawa ako ng light, good job Gianne.
"Parang mga bata." Parinig na lang ni Angel sa dalawa
-----------------
"Bakit nga pala may practice sila Maice?" Tanong ni Angel
"Balita ko lang na may friendly game na gaganapin sa university week, mga aspiring volleyball player dito at team nila Maice, parang hahatiin na lang para pair and square." Paliwanag naman ni Sally
"Craye, call mo nga si Justine kung manonood sya." Nabigla ako sa sinabi ni Gianne
"Oo nga at baka hindi nya alam na best friend nya ang may practice." Singit ni Mon tyaka ito tumingin sakin
Ang totoo ay ayokong tawagan si Justine, bukod sa nahihiya ako ay hindi naman talaga kami ganon kaclose. I mean close pero para tawagan sya. Never!
"Aba tawagan mo na at mag uumpisa na." Pagpupumilit ni Mon sa akin
"Eto na nga diba?" Sabi ko na lang para matapos na
Kinakabahan man ay tinawagan ko na.
"Hello, who's this?" Tanong ni Justine sa kabilang linya
Seryoso sya? Hindi nya alam na ako ang natawag sa kanya? Ano to? Kaya chineck ko ulit kung tama ang dial ko pero tama naman.
"Justine?" Tanong ko sa kabilang linya
"Busy ako so please, sino nga to?" Medyo irita na ang boses ni Justine this time
Halos gusto ko nang patayin ang linya, papaanong hindi nakasave ang number ko sa kanya? Nagtetext nga sya sakin, kay Mama tapos hindi nya ko kilala
Narinig kong medyo natawa sya.
"Joke lang Craye! Ito naman laging seryoso. Bakit ba? Napatawag ka? Yieee! Miss mo ko no? Wag kang mag alala I miss you too, three, four, forever." Pag bibiro ni Justine sa akin
Halos himatayin ako sa kilig dahil sa sinabi nya, I miss you more than I do, Justine. Gusto ko sanang sabihin pero pinigilan ko.
"Gagi! Hindi kasi hinahanap ka nila kung manonood ka daw ng practice nina Maice." Sagot ko na lang sa kanya
"Pero hindi mo talaga ko namiss? Sige okay lang, sanay na naman na ko." Himig tampong sabi ni Justine
Fine! FINE!
"Okay, I miss you." Mahinahon kong pahayag sa kanya
"Anong I miss you? Itigil nyo ang paglandi! Justine pumunta kana dito." Banat naman ni Sandy samin dalawa ni Justine dahil sya ang nakarinig ng I miss you na sinabi ko
Bwiset din talaga tong si Sandy ehh!
"Is it Sands? Hahaha. I miss you Mabuhangin! Yeah, otw na ko jan." Sabi ni Justine sa kabilang linya
"Bilis bilisan mo at baka masapak kita sa kalandian mo." Itinapat pa ni Sandy ang bibig nya sa phone ko
"Ang init ng ulo mo, kiss kita later, bye! See you." Sabi ni Justine at pinatay na nito ang kabilang linya
Ilang minuto lang ay dumating na si Justine, ngunit may kasama itong lalake na sa palagay ko ito na yung Lance.
"Hi Guy's." Bati saming lahat ni Justine at nag wave pa
"Ang sabi namin ikwento mo, hindi namin sinabing isama mo." Banat ni Gianne kay Justine
"Hoy, grabe ka. Joke lang yung sinabi ni Gianne. Hi Lance upo na kayo ni Justine." Singit naman ni Angel
"Dito na lang kami sa baba nyo, but guy's si Lance nga pala blockmate ko at partner ko din sa chem. subject." Pakilala ni Justine kay Lance sa amin
Kumamay sina Sandy, Mon at Angel ngunit nag wave na lang kami nina Gianne at Sally.
Umupo na sina Justine at Lance sa harapan ko, yes po sa harapan ko po. Nasa bleacher kasi kami at medyo occupied na din sa part namin.
Ngayon eto I'm wondering, kanina naman close pa kaming magkausap ni Justine sa phone pero bakit nung dumating sya ay parang hindi naman nya ko napansin manlang.
Hays! Bakit nga ba ako aasa? Yung taong gusto mo, sinasampal ka ng katotohanang kaibigan lang ang tingin sayo.
Sa papaanong paraan ko ba sya hindi magugustuhan kung kagusto gusto naman sya. Sweet sya sa friends, maalaga sya, pag need mo nang tulong lagi lang syang anjan, one call away.
Hindi naman talaga mali na magustuhan sya diba? Baka ang totoong mali ay yung aasa ako sa kanya pero wala naman talagang pag-asa. Masakit, kaso na fall na ko. Akala ko nung una ay namangha lang ako kasi grabe yung personality nya, halos nito ko lang nadiscover na gusto ko na pala talaga sya. Walang duda.
*Prrrrtttttttt*
Nagulat ako, umpisa na pala nang laro. Lately lagi na lang akong natutulala gawa nya.
Hinanap ng mata ko si Maice sa court at agad ding lumingon kay Justine, how lucky Maice are, right?
"Go Maice!" Sigaw ni Justine at napatayo nung nakapuntos si Maice
But luckily, tumingin muna sya sakin at ngumiti.
"Craye, you okay?" Tanong nya pa
Nag thumbs-up na lang ako bilang sagot.
"Sure ba? Here ohh, tabi ka sakin kasi tingnan mo naman yang kaibigan natin akala mo finals ang pinanonood sa sobrang ingay." Alok nya pa sa akin
Napatingin ako sa mga katabi ko, oo nga naman tama si Justine. Nasa dulo kasi ako nang upuan at medyo tahimik pa ako pero kailangan kong tanggihan ang alok nya dahil nakakahiya naman kay Lance kung makiki-eksena pa ko sa kanilang dalawa.
"No Just, it's okay. Hehehe. Sanay na ko sa kanila." Final na desisyon ko kaya ngumiti na lang sakin si Justine ulit bago nya ko talikuran at naupo na ding muli sa upuan nya.
Ps: kung isa kang bloom, vote mo naman tong chapter na to. Hahaha. Follow mo na din ako sa Twitter user name ko @HiddenBloooom then follow back kita. thanks.