Guilty Pleasure 01: Pain Afte...

By dimples_eyebrow

174K 2.7K 260

Ero-romance | R-18 "A night with the bottle of vodka is where it all started." Inside the peaceful province o... More

Disclaimer
Prologue
Pleasure 01
Pleasure 2
Pleasure 3
Pleasure 4
Pleasure 5
Pleasure 6
Pleasure 7
Pleasure 8
Pleasure 9
Pleasure 10
Pleasure 11
Pleasure 12
Pleasure 13
Pleasure 14
Pleasure 16
Pleasure 17
Pleasure 18
Pleasure 19
Pleasure 20
Pleasure 21
Pleasure 22
Pleasure 23
Pleasure 24
Pleasure 25
Pleasure 26
Pleasure 27
Pleasure 28
Pleasure 29
Pleasure 30
Pleasure 31
Pleasure 32
Pleasure 33
Pleasure 34
Pleasure 35
Pleasure 36
Pleasure 37
Pleasure 38
Pleasure 39
Pleasure 40
Pleasure 41
Pleasure 42

Pleasure 15

3K 40 3
By dimples_eyebrow

Natigil ang pag-uusap naming dalawa ni Arthuro dahil sa pagsulpot ni nanay Ising.

Kumunot ang aking noo dahil sa kanyang bungad na may barangay na naghihintay sa amin sa labas ng aming bahay.

Dalawang segundo kong tinitigan si Nanay Ising dahil sa pagkalito, nang bumalik sa akin ang huwisto ay nagfkatinginan muna kami s amata ni Arthuro bago ako tuluyang tumayo upang magtungo sa labas.

Mabilis kong nilisan ang aming dining area deretso sa labas ng aming bahay, hindi ko na naisipan pang tumingin sa kung saan at ang ginawa ko lang ay ang deretsong tingin sa labas habang dinadama ang malakas na kalabog ng aking dibdib. Alam kong hindi ako matapang lalo na kung ganitong sitwasyon, lalo lamang nitong dinidiin sa aking isipan na mag-isa na lamang ako sa buhay at wala na ang magulang ko.

Humugot ako ng malalim na hininga bago ko buksan ang tarangkahan ng aming malaking pintuan, hindi na namin pa inatubiling buksan ito para sa mga gusting makilamay dahil panigurado kong galit ang buong barangay sa amin dahil sa nangyaring aksedente.

Nararamdaman ko ring pinagdadasal na din nila ako kay satanas na sumunod na sa magulang ko, hindi ko alam kung matutuwa ako sa bagay na iyon o hindi.

Marahan kong pinihit ang kandado ng aming pintuan at doon bumungad sa akin ang dalawang tatga barangay at ang mga nagtatrabaho o nagtrabaho sa amin.

Naasuot ng sombrero ang dalawang taga baranagay at pinatungan nila ang kanilang t-shirt ng itim na vest na kung saan nakalagay roon ang logo ng aming munisipalidad ang ang kanilang pangalan.

I made my face formal while gritting my teeth because of anger. I really can't believe I'm seeing this right now, now that I lost my father who owe them.

"Magandang hapon sa iyo, hija." Pangunang saad noong matabang taga-barangay.

Doon ko lang napagtanto na hapon na pala, hindi ko na namalayan pa ang oras dahil sa dami ng aking iniisip, madaming bumabagabag sa akin na hindi madaling mabigyang kasagutan.

"Good afternoon...po," sabay yuko ko sa aking ulo.

"Pasensya na at hapon na kami dumating, bilang pagrespeto sa pagkawala ng iyong magulang hindi ka na namin iimbitahan pa sa ating barangay hall," sabi noong isa.

Gusto ko matawa at mainis sa pagkakasabi niya.

Respeto sa magulang ko? Tangina, ganyan ba ang may respeto? Ipapabarangay ako habang nakaburol ang magulang ko?

Nagmatigas lamang akong tumitig sa kanila. Sa kanilang likod ang ang aming mga magsasaka na nakasuot pa ng may mahabang manggas at naka-sombrero. Tahimik silang nakatingin sa akin ngunit sa kanilang mga mata ay halata ang galit nila sa akin.

"Narito kami dahil may dumulog sa aming tanggapan at inerereklamo ang pagtangkang panlalason at hindi pagbayad ng tamang danyos dahil sa pinsalang natamo nila dahil sa aksidente," paliwanag nila sa akin.

May ideya na ako kanina kung ano ang irereklamo nila at hindi nga ako nagkamali. Pera, pera ang habol nila sa amin.

"Bilang opesyalis ng ating barangay ay sinasamahan ko sila na kunin ang karampatang danyos na nararapat sa kanila,"

Habang binibigkas niya ang mga katagang iyon ay hindi ko maiwasang ipagsalubong ang aking kilay dahil sa galit. Kinagat ko ang aking labi habang kinokontrol ang malakas na dambol ng aking dibdib dahil pagngingitngit sa galit.

Lumunok ako para ipagtanggol ang aking sarili at aking pamilya.

"Hindi pa ba sapat ang naibigay naming sa perwisyong nagawa? Binigay ng mang Karding ang pera sa inyo harap-harapan, ginawa naming iyon dahil nararapat lang pero ang abusuhin niyo kami ng ganito ay hindi ko matatanggap!"

"Ano pa ba ang kulang? Hindi pa ba sapat na namatayan ako ng magulang para ipasintabi ang inaakusa niyo sa amin na panlalason? At wala sa atin ang may gusto na malugi ang hacienda! Hindi ko ginusto at hindi naming ginusto na mawalan kayo ng trabaho!"

"Ako din nawalan, nawalan ako ng dalawang tao na 'yun lang ang meron ako, tapos ganito pa ang mangyayari?"

"Ayaw kong tanawan niyo kami ng utang na loob pero tinuring naming kayong parang isang pamilya na, hindi naging masa si mama at si papa sa inyo! Wala kayong narinig na masama galing sa mga bunganga nila. Hindi ko kayo maintindihan sa totoo lang! hindi ko maintindihan."

Sunod-sunod kong utas, walang matapang na nagsalita sa kanila habang binibigkas ko ang mga salitang iyon.

Halos hingalin ako dahil sa lakas ng aking pagkasabi dahil gusto kong inuknok sa kanila ang gusto kong maintindihan nila.

"Pero hija, hindi sapat ang dalawang libo para sa kanila."

My lips parted.

"Ano pa ba ang gusto niyo? Pera? Ilan? Dahil hindi ko na maatim na makita kayo dito, hindi niyo na ginalang sila mama at papa!"

"Kalahating milyon para sa lahat ng nagtrabaho sa inyo."

Halos lumuwa ang aking mga mata at malaglag sa sahig ang aking panga sa narinig. Hindi ko alam kung tama ang pagkakarinig ko.

"A-ano?!" hindi makapaniwala kong utas.

"Kalahating milyon para sa lahat ng nagtrabaho sa inyo."

"Kalahating milyon? Tangina! Saan ako kukuha ng ganyang kalaking pera? Ni hindi pa ako nakakita at nakahawak niyan! At masyadong mataas ang kalahating milyon para sa perwisyong nangyari!" ramdam ko ang pagkulo ng aking dugo at pagtaas ng presyon ng aking katawan.

"Kung hindi maibigay ang perang hinihinga, suhewisyon ng mga nagreklamo na kunin ang ekstensyon ng iyong hacienda, kung iyon matatandaan, may biniling lupa ang iyong papa bago sila mamatay."

Napatulala ako at inisip kung ang kanilang tinutukoy.

Ang naalala ko lang ay ang neregalo sa akin na lupain ni papa.

Nag-isip pa ako at natanto na may proyekto pala si Arthuro at si papa. Ang bagong biling lupa.

Pero hindi ko maaring ipagbili 'yon, isa iyon sa mga huling pundar ni mama at papa bago sila mawala.

"Wala po bang palugit? Ni hindi ko alam kung may naiwang ganoong kalaking pera si mama at papa," halos magmakaawa na ako. Humahapdi nadin ang aking mga mata dahil sa nagbabadyang bagong luha.

"Hindi maaari, dahil ang gusto ng mga nagreklamo ay hanggang ngayon nalang." Wika noong taga barangay.

"Sige. Binibigyan ka naming ng palugit hanggang bukas, para magkaroon ka ng oras para kumuha ng pera." Matigas na utas nong isang magsasaka sa likuran ng taga-barangay.

Naningkit ang aking mga mata dahil doon.

"Hindi madaling kumuha ng kalahating milyon! Saan ako kukuha?!" Halos sigawan ko sila pero wala na akong lakas para hiyawan pa sila ng malakas.

Ang alam ko lang ay nag-iinit ang galit sa aking dibdib.

"Kung hindi mo magagawa ay dadalhin ito sa korte lalo pa at madaming napahamak..."

"...mauna na kami." Paalam nalang nila ng basta-basta.

Naiwan akong nakatulala sa kawalan sa aming pintuan kung saan tanaw ang mayayabong na bulaklak ni mama at banda roon pa ay malawak na kalupaan.

Palubog na ang araw at ramdam ko na ang labis na kapaguran dala ng nangyari kahapon at ngayong araw.

Hindi ko namamalayan na tila gripong luha na pala ang umaagos sa aking mga mata. Hindi ko na inabalang punasan ito.

Limang minuto lang akong nakatayo mula roon at nag-isip ng maaring hakbang.

Ang gusto ko lang sa puntong ito ay mawala na ang sakit na aking nararamdaman. Gusto ko ng umalis sa sitwasyon na ito dahil sobrang sakit at hirap na.

nang maramdaman ko ang lamig sa labas ay kaagad na akong pumasok, madilim na sa labas at kailangan ko na din omaksyon dahil hanggang bukas nalang ang natitirang oras.

Mabilis akong nagtungo sa aming sala kung nasaan ang kabaong nila mama at papa, naroon sila mang Karding, Gino, nanay Ising at Arthuro.

Sabay-sabay nilang binaling ang kanilang ulo sa akin habang deretsong naglalakad palapit sa kanila. Mabuti at hindi na sila sumama kanina sa harapan namin ng mga taga-barangay.

Magkatabi si nanay Ising at mang Karding at nang makaharap ako sa kanila ay nagkatinginan sila sa isa't isa.

Alam kong pilit nilang binabasa ang nasa aking isipan pero alam kong hindi nila mahuhulaan.

"Mang Karding, nay," para akong batang nagsusumbong sa aking magulang dahil sa boses ko habang nagpipigil ng muling pag-iyak.

"Pakitawagan po ang punerarya, ililibing na po natin si mama at papa bukas, alas otso ng umaga." Doon muling tumagaktak ang aking luha.

Niyuko ko lamang ang aking ulo at mabilis na tumalikod, alam kong gusto nila ng eksplenasyon pero nasisiguro kong hindi nila maiintindihan.

Nang makatalikod ako ay muli akong nagsalita.

"Aakyat muna ako sa itaas at susubukan kong tawagan ang bangko." At doon ko sinimulang ihakbang ang aking paa upang magtungo sa malaking hagdanan.

Ngunit nahagilap ng dulong bahagi ng aking mata at mabilis na pagtayo ni Arhtuo at Gino upang lumapit sa akin. ngunit nagpatuloy akong maglakas.

"Andra, anong bangko?" si Gino.

"Pag-isipan mo munang mabuti bago ka magdesisyon." Si Arthuro naman.

Napahinto ako sa harapan ng hagdan at lakas loob na hinarap sila.

Matayog silang nakatayo sa aking harap, seryoso ang mukha.

"Nakapagdesisyon na ako at iyon ang desisyon ko, ililibing ko na si mama at papa bukas ng umaga, kung ayaw niyo akong samahan ayos lang."

"Seryoso ka?" hindi makapaniwala ang boses ni Gino at si Arthuro naman ay walang reaksyon.

"Oo." Tipid kong saad.

"Bakit kailangan mo ng bangko? Bayad na ang punerarya." Si Gino muli.

"Kailangan kong bayaran ang naperwisyo naming sa magsasaka." Paliwanag ko.

"Pero bayad na sila ah? Ilan pa ang kailangan nila?" chismosang saad ni Gino.

"Kalahating milyon." Deretsahan kong saad.

"Ano?!" sabay nilang utas dahil hindi makapaniwala sa malaking halagang binitawan ko.

"Masyadong malaki ang kalahating milyong pesos, Andra!"

"We should sue them." Nagsalita si Arthuro.

"Pinal na ang desisyon ko, ibibigay ko sa kanila ang hinihingi nila para mabilis na matapos."

"Pero hindi 'yon tama, Andra."

"I agree." Si Arthuro.

"Iyon ang tama sa akin, ang sakit-sakit na, ang kawalang hiyaang ginagawa nila sa amin, ang pang-iinsulto, mga masasakit na salita at pambibintang nila sa amin, hindi ko na kaya, ni wala silang respeto kay mama at papa na siyang bumuhay sa kanila!"

Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila, tumalikod na ako at sinimulang maglakas sa hagdanan.

Tagaktak ang luha sa aking mata, mga ala-ala ng aking magulang ang tumatakbo sa aking isipan habang tinutungo ang aking silid.

Tahimik ang buong bahay, nakabinging katahimikan.

Binuksan ko ang aking silid, ngunit sa pagtapak ko sa loob ay mas lalo lamang akong binabalot ng kalungkutan. Tila madilim ang paligid, walang sigla, tila walang oras at nakatigil lamang ang mundo.

Kahit pa ganoon ay kinuha ko na ang aking cellphone upang bumabang muli upang pumasok sa silid nila mama at papa.

Natatakot akong pumasok, natatakot ako na tuluyan na akong lumunin ng lungkot, natatakot ako na baka hindi ko na mabawing muli ang dating ako.

Hindi ko namalayan na nasa harapan na pala ako ng kanilang pintuan, sa unang palapag iyon dahil hindi na sila puwedeng umakyat pa sa itaas dahil masakit na ang kanilang tuhod.

Humugot ako ng malalim na hininga bago pinihit ang kandado ng pintuan.

Kagaya ng iniisip ko, tumambad sa akin ang maayos at mabangong silid nila, ang amoy ng silid ay mas lalong naglugmok sa aking nararamdaman, ang bawat silid na aking nakikita ay pinapahiwatig ng kanilang presenya.

Pinilit kong pinagsawalang bahala iyon at nagtungo ako sa cabinet kung saan nakatago ang mga papeles.

Natatandaan kong nagbukas sila ng bangko noon ngunit wala akong ideya kung nilalagyan nila ito ng laman.

Ilang minuto rin akong naghalughog ng gamit roon bago ko nakita ang hinahanap ko.

Ang bangko.

Mabilis kong binasa ang papel at nakasaad roon ang pangalan ko bilang beneficiary.

Hinanap ko ang numero ng bangko at tinawagan ito.

Ilang minuto rin nagtagal ang usapan naming bago niya sagutin ang katanungan ko.

Ang sabi ay benteng-libo na lang ang natitira at makikita raw na naglabas ito ng malaking pera.

Tinanong ko kung kailan at napagtagpi-tagpi ko na ito ay buwan ng Hunyo noong isang taon kung saan buwan ng pagtatanim at buwan kung saan bumili ng lupa si papa.

Nanlumo ako sa narinig. Wala na akong ibang maisip kundi ibenta ang lupang ipinundar nila. Kailangan ko na bukas at alam kong walang bibili ng saktong presyo kung mabilisan ang pagbili.

Ayaw ko ring umutang dahil mas lalo lang akong malulubog sa utang. Lalo pa at hindi ko alam ang magpatakbo ng hacienda.

Tila patay akong naglalakas papunta sa aming sala kung saan nakaburol ang aking magulang. Malalim na ang gabi at ilang oras na lamang ang natitira bago ko sila makasama.

Apat na lamang kami sa silid, si mang Karding, Gino, at nanay Ising, lumabas daw si Arthuro.

Sa gabing iyon ay wala na akong ginawa kundi hintayin ang umaga. Hindi ko na inabala pang umiyak, isinantabi ko na muna iyon ngunit sa loob-loob ko ay labis na pangungulila sa aking magulang.

Tulala lamang ako ng ilang oras sa dalawang kabaong na nasa harapan ko. Magdamag akong nakaupo sa kanilang tabi habang walang malay na nakatulala.

Bumalik lamang ang aking ulirat nang may kumalabit sa akin.

"Hija, tara na?" si nanay Ising.

Hindi ko namalayan na wala na pala sa aking harapan ang aking magulang, nilagay na nila ito sa sasakyan at handa na itong ilagay sa sementeryo.

Maagap akong tumayo na tila walang malay sa nangyayari. Inaalalayan lamang ako ng kung sino sa aking tabi habang pinagmamasdan sa aking harapan ang dalawang kabaong.

May malapit na sementeryo sa amin at tiyak kong doon namin ililibing si mama at papa.

Walang butil ng luha ang lumabas sa aking mata, ngunit pilit akong binabayo ng madaming emosyon sa aking katawan na pilit kong isinasantabi.

Sa dalawang oras namin sa sementeryo kasama ang paglalakad at kaunting misa hanggang sa harapan ng dalawang puntod sa aking harapan ay patuloy parin akong nakatulala.

Hanggang sa hindi ko na nakita pa ang dalawang kabaong sa aking harapan, natakpan na ito ng lupa.

Tulala ako ngunit naramdaman ko ang tumakas na dalawang butil na luha mula sa aking mata.

Isang tawag mula sa aking bulsa ang nagpabalik sa aking huwisto.

Binibili ang lupang pinundar ni mama at papa, ang dugtong ng aming hacienda, hindi ko alam kung kanino nila ito nalaman na pinagbibili ko na.



---------

wanna read your thoughts for this  chapter and your expectations, please sige naaaaa hahahahaha luv u all. ingat palagi!

Continue Reading

You'll Also Like

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...