MY HUSBAND IS A GANGSTER ( RA...

Av Fatty_Vanilla

10.9K 653 58

REVISING Date started: January 06, 2022 Date ended: December 31, 2022 Mer

MY HUSBAND IS A GANGSTER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32

CHAPTER 24

173 19 1
Av Fatty_Vanilla

"Sinabi ng hintayin mo ako, eh!" awtomatiko itong umakbay nang makalapit sa 'kin.

Ngunit mabilis ko ring inalis ang braso niyang nakapalibot sa balikat ko at masama siyang tiningnan. As in! 'Yung makakakatay ng tao!

Nandito kami ngayon sa mall upang kumain. Yeah, hindi natuloy ang pagkain namin sa penthouse niya dahil nag-yaya siyang mag ice cream.

He knew that ice cream—vanilla flavor is my comfort food. He wants to comfort me because he knows that I'm longing for our parents.

Hindi niya rin naman ako masisi dahil 3 years na ang nakalipas simula nung muli ko silang makasama.

Hindi lang siya nagsasalita pero alam kong ramdam niya 'ko. Ramdam niya ang pangungulila ko sa mga magulang namin. But, now is not the right time para makipagkita sakanila.

"Sino ka?" nagugulat at tila naguguluhan kong tanong dito. Dahilan para taasan niya ako ng kilay. "Did I know you, Mr?" 

"Sige, ganyanin mo 'ko! Wala kang libre sa 'kin!" pananakot niya. Like, duh? Hindi na ako 'yung five year old na Gianna-ng palagi niyang natatakot sa kahit anong bagay.

Nginisihan ko siya, "edi wala! Kaya ko bumili—" 

"O, sige! Malalaman naman ni Kuya na nag ditch class ka—"

"Absent kasi!" naiinis kong pagpuputol sakaniya. Panay siya ditch class e, mag h-hapon na!

"Edi absent! Ditch class at absent—mapapagalitan ka pa rin!" pinanlisikan niya ako ng mata.

Naiinis akong napakamot sa ulo at pinadyak ang isang paa na parang bata. Napipilitan akong lumapit sakaniya upang makumbinsi siyang h'wag mag sabi kay Demon.

Alam ko namang kahit malayo ako sakanila, hindi siya nawalan ng mata sa 'kin. Dama ko 'yon, dahil sa t'wing lalabas ako ay parang may nanonood sa bawat kilos ko.

I also knew that he's aware of the plans that I made. Hindi siya tatawaging Demon na maraming mata kung hindi. Alam ko ring simula pa lang, alam na nito kung saan ako mahahanap pero hindi niya 'ko pinupuntahan.

'Yon ang pinagtataka ko.

Kaya niya akong puntahan at bawiin kina Mrs. Sunga, pero hindi niya ginawa. Bakit?

"Lumayo ka sa 'kin," tinulak niya ako sa mukha at tumatawang umiwas sa mga hampas ko.

Pashnea siya! Mas lalo akong nagmumukhang maliit dahil sa ginagawa niya! 

"Bitiwan mo 'ko!" singhal ko sakaniya habang pilit siyang inaabot. 

Ang hirap pala kapag sobrang pinagpala sa height ang mga nakakasama mo, manliliit ka kahit matangkad ka rin naman!

"Pandak!" 

"Hindi ako pandak!" sinubukan ko siyang sipain ngunit nabigo ako. Hindi ko maabot! 

"Sus!" umingos siya, "hindi mo nga ako maabot!" 

Napanguso ako, nangingilid na ang mga luha habang parang batang nakatingin sakaniya. 

"Hindi mo na ako mahal?" hindi ako makapaniwala habang tinitingnan siya. Muli na naman sana akong magsasalita nang matigilan dahil sa narinig na mga tilian.

"Ang sweet!"

"Agreed! Bagay sila, beh!"

"No! Hindi yata sila in relationship! Tingnan niyo, may pagkakahawig sila!"

Napakgat-labi ako at tumingin sakaniya. Ngunit pasiring din 'yon inalis dahil hindi ko matanggap ang huling salita na narinig mula sa mga nakikinig sa 'min!

Duh? Malabo ba ang mata niya? Kung oo, pwes, dadalhin ko siya sa EO!

"Trot! Ang cute pa ng height nila! Sana hindi na lang sila mag kapatid! Bagay sila, e!" 

Inis muli akong napatingin sakaniya nang humalakhak siya. Sapo-sapo pa nito ang tiyan habang pinangingiliran na ng luha! Tuwang-tuwang binubully ang height ko!

Bago pa ako makarinig nang kung ano ano ro'n ay padarag ko na siyang hinila at dinala sa favorite naming fast food chain.

"Libre mo 'ko!" sabi ko habang tinulak tulak siya upang pumila. 

"Oo na!" tumatawa niya pa ring sabi. 

"Kabagin ka sana!" inis ko siyang inirapan. Iginala ko ang paningin upang makahanap ng mauupuan namin. "Bilhan mo ako marami, ha?!" 

Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at dali-daling lumapit sa p'westong nakita ko. 

Habang hinihintay siya, nilibang ko ang sarili sa pag c-cellphone. Alam kong matatagalan siya sa pag o-order kaya mababagot lang ako kung hindi ko pa lilibangin ang sarili ko.

Wala sana akong balak na buksan 'to dahil pinatay ko kanina upang hindi nila ako ma-contact, kaso, nakalimutan kong hiramin ang kaniya!

Pero kahit na gano'n, hindi ko pa rin tiningnan ang mga texts at calls nila. Maski chats sa IG, telegram, at messenger ay meron! Lahat ng social media ko ay tina-try nilang i-reach out, pero hindi ko mas'yadong pinagtutuonan nang pansin.

Kapag may tumatawag sakanila habang nanonood ay hindi ko sinasagot o pinapatay man lang; hinahayaan ko lang hanggang sa kusa itong mawala.

"Baka nag-aalala 'yang mga 'yan, wala ka ba talagang balak na kausapin sila?" bigla itong sumulpot sa harapan ko, dahilan upang mabitawan ko ang hawak dahil sa gulat.

Imbes na makakuha ng sagot sa 'kin, masamang tingin ang binigay ko sakaniya. Kailangan niya ba talagang manggulat?! Required ba lagi 'yon?!


"Wala namang masamang mangyayari sa 'kin, at alam kong hindi mo hahayaang mangyari 'yon." mayabang akong ngumisi sakaniya dahilan para makakuha ako ng pitik sa noo.

"Tss." inirapan niya ako pero pansin ko ang pagpipigil nitong mapangiti. Kinilig na siya ro'n? "Oh, kamusta pala? May sugat kaba?" 

Kumunot ang noo ko habang masamang nakatingin sakaniya. Sakit nun, ah!

"Bakit naman ako magkakasugat, aber?!"

Napapabuntong-hininga siyang tumingin sa akin. Tila nauubusan na nang pasensya at pilit na lamang hinahabaan.

"Sabi mo muntikan kana mamatay?" tanong niya at tumango naman ako, "oh? Ba't hindi natuloy—"

"Eh, kung sample-an kaya kita?!"

"Hindi na, baka ikaw pa tumalsik kapag binangga mo 'ko ng motor—"

"Kanina ka pa, ah?!" kunot-noong asik ko. Napipikon na.

"Ano nga kasi! Meron ba?!"

"Galos lang sa siko!" sagot ko, ginaya ang tono ng pananalita niya kanina. Pinakita ko pa sakaniya ang siko kong may konting galos.

"Masakit?" tanong niya pa ng nakangisi. Kung tingnan niya pa ako'y parang sinasabi niyang ako na ang pinaka-tanga sa mundo.

Kasalanan ko ba kasi?! 

Malay malay ko bang may humaharurot na motor, e nung lilipat na dapat ako, sinigurado kong walang dumaraan. Ni hindi ko nga alam kung saan nanggaling 'yung pesteng rider na 'yon!

"Mahapdi."

"Dasurb! Maldita ka kasi!" sarkastiko siyang tumawa.

"Nyenyenye!"

Kapag siya na talaga ang kasama ko, hindi p'wedeng hindi ako mapikon! Mukha niya palang, naaasar na ako! Kuhang kuha niya talaga ang inis ko!

Bakit pa kasi siya pinanganak?! P'wede naman siyang i-putok nalang sa kumot!

"Mag-uusap tayo, teka lang. Hintayin mo ako." aniya bago tumayo at kinuha ang mga order niya.

Pinanood ko lang siyang magpabalik-balik sa counter habang isa-isang kinukuha ang mga order niya. Sa t'wing sasamaan niya naman ako nang tingin, ngumingiti ako nang matamis. Wala naman siyang nagagawa kun 'di umiling at sabihing 'pasalamat ka, malakas ka sa 'kin', with matching irap effect pa.

Napanguso ako sa dami ng inorder niya. Kinailangan pang dugtungan ng isa pang mesa ang lamesa namin dahil hindi kasya! Lahat yata ng nasa menu, inorder niya! Hindi naman namin mauubos 'to!

"Hoy, dami naman?" pinagmasdan ko siyang ayusin ang mga pagkain sa harapan namin.

"Wag ka ng maraming sinasabi at kumain kana lang," anito habang hindi niya ako tinatapunan nang tingin.  "Mauubos 'to, 'wag kang mag-alala."

"Paano kung hindi?"

"Edi papa-take out natin," balewalang sabi niya. "Pamimigay natin sa mga bata sa labas."

Agad akong napangiti sa narinig. "Thank you!"

"For what?" He curiously looked at me. Mas lalong lumalim ang gatla sa noo niya ng makitang nakangiti ako. "What's with that face?"

"Nothing." umiling ako.

Kumuha na ako ng makakain ko at hindi na siya pinansin pa. 

"Namiss ko 'to, aahh! Heaven!"

Napailing ako at hindi na siya sinita. Minsan lang naman 'to, dapat sinusulit ko na. Hindi ko alam kung kailan ulit kami magkikita.

Kung dati lagi siyang nagpapakita sa 'kin, nitong mga nakaraang linggo ay madalang nalang. Hindi ko naman siya tinatanong dahil gusto ko siyang magkusa.

"How's Van?" out of nowhere ay tanong niya.

Kahit naguguluhan sa biglaang pagtatanong niya ay sumagot pa rin ako.

"Okay naman siya, bakit?"

"Mmm.. good." tumango-tangong aniya. Napakunot ang noo ko habang naghihintay pa sa susunod niyang sasabihin. "Kamusta pagiging asawa niya sa 'yo?"

"Maayos naman,"

"Hindi ka ba niya sinasaktan?" kumunot ang noo ko ng mag dilim ang mukha niya.

Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya. 

Napaisip ako.

Wala akong maalala na pinagbuhatan niya ako ng kamay, wala rin akong maalala na may sinabi siyang masasakit na salita sa 'kin.

"Hmm... hindi naman," umiling pa ako. Habang patuloy pa rin sa pag-iisip kung may ginawa na ba siya sa 'kin physically.

"You sure?" naninigurado ang tinig niya.

"Yep." I answered popping the 'p'. "Hindi niya pa ako sinaktan physical, at emotional. Pero napagtataasan niya ako ng boses kapag nasasagad ko ang pasensya niya." inosente akong ngumiti sakaniya.

"Hindi kataka-takang maubos pasensya niya sa 'yo," ngumisi siya sa 'kin. "Tigas ba naman niyang ulo mo."

"May malambot bang ulo?" sarkastiko kong tanong.

Mabilis akong umiwas sakaniya ng asta na naman siyang pipitikin ang noo ko.

Marami pa kaming napag-usapan dahil hindi siya tumigil sa kakatanong. Katapos ng isa, may isa na naman. Kapag hindi ako sasagot, mamimingot! Kaya wala akong choice kun 'di mag kwento na sakaniya. Ganun din naman, kaysa isa-isa siyang magtatanong, nababanas ako!

"Masamang pinaglalaruan ang pagkain!" sita niya habang pinanlakihan ako ng mata. 

"Oo na! Hindi mo na kailangang palakihin 'yang mata mo! Mukha kang panda!" 

Kung ano ano na namang nak'wento ko sakaniya matapos niyang mag bukas ng panibagong pag-uusapan. Talagang hindi matatapos ang pagkain na 'to ng hindi niya pinapairal ang kadaldalan niya! 

Iba pa rin talaga kapag may napagsasabihan, 'no? Though, wala naman ako mas'yadong kinikimkim na sama ng loob pero gumaan talaga ang pakiramdam ko.

"H'wag kang mag-alala.."

Napatingin ako sakaniya at tumaas ang kilay ng mapansing seryoso siya.

"Ako ang bahala." malademonyo siyang ngumisi.

"Kuya.." may pagbabanta kong tawag sa pangalan niya.

Napabuntong hininga naman siya at hinawakan ang kamay ko. "Pagbigyan mo na si Kuya.. kahit ngayon lang."

"Pero—"

"Hindi ako papayag na ganon-ganunin ka lang nila! Ni kurutin ka nga ay hindi namin magawa, tapos sasaktan ka lang nila ng gano'n?! Hindi, Gianna, hindi ako papayag."

Nakalabi ko siyang tiningnan.

Nabuklat na naman kasi ang topic tungkol kina Mr. and Mrs. Sunga, ngayon lang siya nag react kung kailan nasa labas kami! Madilim ang mukha nito at parang ilang segundo lang ay makakapagpatumba ng isang daang tao.

"Kahit na pag bawalan mo ako, tutuloy ko ang gagawin ko." mariing wika niya kaya napabuntong hininga ako't nag-aalala siyang tiningnan.

"Basta walang papatay." pinakatitigan ko siya. "Promise?"

"Promise," sinsereo siyang ngumiti kaya kaya napangiti rin ako.

Mabilis siyang nag tawag ng waiter at pinatake-out ang mga hindi namin nagalaw na pagkain. And truth to his words, pagkalabas namin sa mall ay binigyan niya ang mga batang nakita namin na namamalimos sa daan.

Hinayaan ko siyang gawin 'yon, nasa likuran niya lamang ako at nakangiti siyang pinapanood na isa-isang abutan ng pagkain ang mga bata.

Pagkatapos naman no'n ay bumalik na kami sa penthouse niya. Masiyado kaming na carried the way sa drama ng naging buhay ko at hindi namin namalayang mag gagabi na ng makalabas kami sa mall. Mabuti nga at hindi kami sinita at pinalayas nung mga crew sa Jollibee.

"Baka hinahanap kana no'n," nagpamaywang siya sa harapan ko.

"Bukas nalang ako uuwi..."

"Gianna, may asawa kang uuwian.. baka mabaliw 'yun kakahanap sa 'yo."

"Ngayon lang naman, e!" nagpapadyak ako sa sahig at salubong ang kilay na tumingin sakaniya.

"Baka mag sumplong kay Kuya 'yon, parehas tayong malalagot!" pinanlakihan niya ako ng mata.

Tumaas ang kilay ko, "nag-uusap sila?"

"Oo, hindi mo alam?" hindi siya makapaniwalang tumingin sa 'kin.

Kunot-noo akong umiling sakaniya. Hindi nabanggit sa 'kin 'yon ni Van.

"Umuwi kana sainyo, malalagot talaga tayo kapag nagkataon!" napahilamos siya sa mukha.

"Hindi 'yan! Hindi ka naman niya nakita kanina!" paniniguro ko sakaniya.

"Aba, kahit na! Paniguradong sasabihin no'n kay Kuya na umalis—" natigil siya sa pagsasalita ng mag-ingay ang doorbell niya.

Nagkatinginan kaming dalawa at matunog na napalunok.

Dahan dahan akong tumayo at lumapit sa pinto, sinilip ko kung sino ang nasa labas at gano'n nalang ang panginginig ng kamay ko ng makita siya sa labas.

Kunot na kunot ang makapal nitong kilay at bakas na bakas ang pagiging strikto sa mukha. Para pa siyang namromroblema kaya mas lalo akong kinabahan!

Natataranta akong tumingin sakaniya, sinenyas ko ang glass door niya at pabulong na nagsalita. "S-Si satanas.. nasa labas!"

Sunod sunod siyang napamura at hindi malaman kung ano ang gagawin.

"Sinabi ko na kasi sa 'yong umuwi kana sainyo! Napakatigas din ng ulo mo, eh!" pabulong niyang singhal at problemadong tumingin sa 'kin.

"Ano gagawin natin?" naiiyak kong tanong sakaniya, "mukha siyang mangangain ng buhay, Kuya..." 



- fatty _ vanilla 🌷

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

216K 4.3K 95
If they're both mafia bosses, how will they get along? Haelynn Spayn Serin. The leader of the Group Lethals. She will prove that woman can lead to...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...
258K 14.2K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.