After the Sorrow 2 ✓

By ChenlyYen

1.7K 65 5

Book 2 of Tears of Sorrow Dalawang tao na pinaglalaruan ng tadhana. Ang matinding pagsubok ay nalagpasan dahi... More

IMPORTANT NOTICE
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25 - The Wedding Day (Part 1)
Kabanata 26 - The Wedding Day (Part 2)
Kabanata 27 - Reception
Kabanata 28 - Honeymooners
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35 - Warning
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Wakas
ATS

Kabanata 7

19 1 0
By ChenlyYen

Gail's Point of View

DAHAN-DAHAN kong inalis ang kamay ni Jetty na nakayapos sa aking tiyan.

Bumangon ako at umalis sa kama. Sinalat ko ang kaniyang noo. Hindi na siya mainit. Buti naman.

Biglang may kumatok sa pinto kaya nilapitan ko ito at binuksan. Bumungad sa akin si Tita.

"Hi, Tita. Morning po."

Ngumiti siya. "Morning, Anak. Nagising ba kita?"

"Hindi naman po."

"Nandito na si Gail, Mare." ani Tita sa hawak niyang phone.

May katawagan pala siya.

"Mommy mo, nak, gusto kang makausap." saad ni Tita at inabot sa akin ang phone.

Tinanggap ko ito.

"Balik lang ako sa kusina." paalam ni Tita.

Nakangiti ko siyang tinanguan.

"Hello, 'mmy?"

"Kumusta na si Jett, Gail?" tanong niya.

Sinulyapan ko si Jetty. Tulog na tulog.

"Mukhang maayos na po. Hindi na po siya mainit."

Naglakad ako papunta sa kama habang kinapkap ang aking mga mata upang e-check kung may muta ba.

"Mabuti naman kung gano'n. Pupunta nga pala akong Airport ngayong 9 am."

Umupo ako sa gilid ng kama. "Bakit? Anong gagawin niyo roon?"

"Uuwi ang Daddy mo ngayon. Nakalimutan mo na ba?"

"Ah oo nga pala."

"Oo, tapos dederetso na kami ng Daddy mo riyan."

Biglang may mga kamay na yumapos sa tiyan ko. Nilingon ko si Jetty at hinaplos ang kaniyang ulo. Gising na siya.

"Alam ba ni Daddy na nandito ako sa bahay ni Jetty, 'mmy?" tanong ko.

"Oo. Hinanap ka niya kahapon no'ng tumawag siya kaya sinabi kong nariyan ka sa bahay ng nobyo mo dahil may lagnat."

Naramdaman ko ang isang kamay ni Jetty sa aking tiyan na unti-unting tumaas. Tinampal ko ang kaniyang kamay pero hindi pa rin huminto ang Jetty na ito.

"Nagalit po ba si Dad, 'mmy?"

"Hin---"

"Gaily, pahawak saglit." he huskily said and immediately cupped my left boob.

"Anong pahawak? Anong hahawakan, Gail?" kaagad na tanong ni Mommy.

Kung kaharap ko siguro si Mommy ay tiyak na nakakunot na ang noo nito. At kung makita niya na nakahawak si Jetty sa dibdib ko ay mukhang hahampasin na niya kaming dalawa.

Pumikit ako ng mariin nang pisilin ni Jetty ang didbib ko.

"W-Wala po, 'mmy. Kamay ko po ang hahawakan ni Jetty." pagsisinungaling ko.

Hinawakan ko ang kamay ni Jetty na nakahawak sa aking dibdib at pilit na tinanggal pero mukhang nakadikit na ang palad niya roon dahil hindi ko matanggal. Lagot ka talaga sa akin ngayon, Jetty!

"Sigurado ka?!" pasinghal niyang tanong.

Kinagat ko ang aking ibabang labi. Kausap ko si Mommy tapos bigla na lang nanghahawak at nanlalamas ng dibdib ang damulag na ito!

"O-Opo."

"Ba't nauutal ka riyan? Ba't ang tagal mong makasagot?"

"M-May ginagawa lang po, 'mmy."

"Ano?"

"Mommy, naman."

"Siguraduhin mo lang." nambabanta niyang ani. "Ibaba ko na ang tawag."

"Sige po, 'mmy."

Nang maputol na ang tawag ay kaagad kong kinurot ng sobrang lakas ang kamay ni Jetty na nakahawak sa dibdib ko. Umatungal siya sa sakit at kaagad napabitaw sa pagkakahawak sa aking dibdib.

Tumayo ako at hinarap siya. Kinuha ko ang unan at pinaghahampas ang iba't-ibang parte ng kaniyang katawan.

"Gago ka, Jetty! I was in the phone call with my mom tapos nanghahawak ka na lang bigla! Ang bastos mo! Nangmamanyak ka na naman! Ang manyak mo! Kahit may sakit ka ang manyak mo pa rin!" singhal ko habang patuloy pa rin sa paghampas sa kaniya.

Huminto ako sa paghampas nang mapansin kong hindi siya gumalaw. Tahimik din siya. Ipinatong ko ang aking isang tuhod sa kama at dinukwang siya upang siyasatin kung may nangyari ba sa kaniya. Nakapikit siya.

"Jetty, ayos ka lang ba?"

Sinalat ko ang kaniyang noo pero hindi naman siya mainit. Hindi gaya kahapon na nakakapaso ang init niya. Kagagaling niya lang tapos hinampas ko ng maraming beses. Napasobra kaya ang paghampas ko?

Napahiga ako sa kaniyang ibabaw nang bigla niyang hawakan ang kamay kong nakasalat sa kaniyang noo at hinila ako palapit sa kaniya. Kinulong niya ako sa kaniyang bisig ng sobrang higpit.

"Jetty!" naiinis kong bigkas.

Naloko na naman ako ng lalaking ito!

Pinanggigilan niya akong niyakap. "Good morning, Gaily. I love you."

"Walang good sa morning, Jetty, kung niloloko mo ako ng ganito kaaga!" nakasinghal kong ani.

Tumawa siya at hinalikan ang ulo ko. Napangiti na rin ako. Ang sarap pakinggan ng tawa ng lalaking ito. Nakakawala agad ng inis.

"Sorry. Masaya lang ako na ikaw ang una kong nakita sa pagdilat ng aking mga mata. Matagal ko na itong hinangad na matutulog tayo sa iisang kama. Tapos gigising na ikaw kaagad ang masisilayan ko."

"Magaling ka na nga talaga, Jetty, kasi balik kasweetan at kamanyakan ka na naman." pabiro kong sabi.

He chuckle. "Gagaling ka talaga kung magdamag mong kayakap ang nag-iisang antidote sa buhay mo."

"Ang aga-aga tapos naglalandian na kayo! Lambingan ba ang agahan niyo?"

Napabangon ako kaagad galing sa pagkakahiga sa dibdib ni Jetty nang marinig ko ang nakasigaw na boses ni Tita Crystal.

Tumayo ako at nahihiyang hinarap ang mga magulang ni Jetty. Nandito rin pala si Tito.

Nakita kong ngumisi si Tito at tumingin kay Jetty. "Naglagnat-lagnatan ka ba, Jett, para lang makayakap ng matagal dito kay Gail?"

"Parang gano'n na nga Dad. Lumabas nga kayo. Nakagambala po kayo ng tao."

"Ayus, 'nak, sinasabi mo lang iyan para magkaroon kayo ng solo time ng nobya mo. Soon, kung magkakaanak na kayo ay panigurado hindi na kayo magkakaroon ng solo time." ani Tita.

Naramdaman kong bumangon si Jetty. "At bakit?" tanong niya.

"Aba'y may chikiting na kayo. Ang suwerte mo naman kung ikaw pa ang uunahin kaysa sa anak niyo." sagot ni Tita.

"Natural, Mom, ako ang uunahin. Bago sila dumating ay ako ang naunang dumating sa buhay ng Mama nila."

"Kung darating ang panahon, Gail, ay huwag mong pagbibigyan itong si Jett. Hahahaha." Natatawang baling ni Tita sa akin. "Siya nga pala, bumaba na tayo upang mag-agahan. Ngayon darating ang ama mo, 'nak."

"Nasa daan na ba sila, Mom?" tanong ni Jetty.

"Hindi ko alam. Hindi pa ako tinawagan ni Cheska. Susulpot lang iyon dito sa bahay. Sa ibaba lang kami. Sumunod kayo agad." Bumaling siya ng tingin kay Tito na ngayo'y nakangiting nakatingin sa amin. "Tara na, Gang."

"Maliligo muna kami, Mommy. Susunod kami agad." saad ni Jetty.

Tumango si Tita at tumalikod na sila ni Tito.

Nilingon ko si Jetty. "Sino ang unang maliligo sa atin? Ako o ikaw?" tanong ko.

Ngumiti siya ng nakakaloko. "Puwedeng sabay tayong dalawa." sagot niya habang itinaas baba ang kaniyang dalawang kilay.

Inambahan ko siya ng suntok. "Umayos ka nga!"

He laughed. "Ayaw mo no'n? Makakatipid tayo ng tubig."

Kinuha ko ang isang unan at pinaghahampas siya. "Ang aga-aga, ang manyak mo!"

Mas lalong lumakas ang kaniyang mga tawa habang sinasangga ng kaniyang isang kamay ang mga hampas ko.

"Nanghahampas kasi gusto rin niya. Aminin mo na, Gaily." patuloy niyang panunuya.

Huminto ako sa panghahampas at tumayo. "Aminin mo mukha mo! Bahala ka nga riyan! Huwag kang yayakap, huh?!"

"Ikaw nga ang palaging nangyayakap sa akin eh."

"Kapal ng mukha mo!" Humalukipkip ako. "In love na in love ka nga sa akin." mayabang kong sabi.

He act as if he's about to puke. "Mas makapal pala ang mukha mo, Gaily." Pinaypayan niya ang kaniyang mukha gamit ang kamay niya. "Ganda ka, teh Gail?" Nakairap niyang tanong.

Nameywang ako. "Naman! Sobra! Pinaka! Pinakapakapa!" self-conceited kong sambit.

Umismid siya na tila nandidiri at nayayabangan. Para siyang hater ko kung umasta. So far, itong si Jetty ang pinaka-best enemy ko. He's my favorite enemy.

Itinaas niya ang kaniyang isang kilay at tiningnan ako mula paa hanggang ulo at umismid na naman. Kita mo ito! Kita mo ang lalaking ito! Kung makagano'n ay parang hindi nagagandahan sa akin.

"Paano mo nasabi, Girl?" pagbabaklaan niya. He even changed the tone of his voice into a girl.

"Marami akong manliligaw. Hindi sila manligaw sa akin kung hindi sila nagagandahan." pagmamayabang ko.

Para akong bata na ipinagyayabang ang bagong laruan na mayroon ako sa aking kalaro.

Maarte siyang tumawa na tila nanunuya. "Niligawan ka lang tapos feel na feel mong maganda ka na? You're so full of yourself, Darling."

"Oo. Gusto mo sagutin ko silang lahat?"

Unti-unting nawala ang maaliwalas na ekspresyon na ipinapakita niya kanina.

"Subukan mo." nambabanta niyang tugon.

"Susubukan ko talaga."

Bigla niyang kinuha ang isang unan at pinaghahampas ako.

"Aray! Ba't ka nanghahampas!" Nakasigaw mong daing.

"Sino iyang mga manliligaw mo, huh? Sabihin mo sa akin nang magkaalaman na!" sigaw niya habang patuloy pa rin sa panghahampas sa akin.

"Guwapo! Mayaman! Hot! Sexy! May abs na 8 packs! Broad ang shoulder! Matipuno ang katawan! Mataas! Umiigting ang panga! Makalaglag panty kung ngumiti at tumingin!" sambit ko habang sinasangga ang mga hampas niya.

"Wala iyan sa kalingkingan ko, Gaily! Hindi nga iyan naka-one fourth! Pinakaguwapo ako. Mayaman din. Hot and sexy of course! 8 packs lang ang mayro'n siya habang ako ay 16 packs----"

Tumawa ako nang malakas. "Anong 16 packs? Saan napunta ang utak mo, Jetty? Ilan sa isang araw ka nagwo-work out?" Umupo ako sa sahig dahil halos manakit na ang tiyan ko sa kakatawa. "Alam ko na..." huminto ako at tumawa ulit. Hindi ko mapigilang hindi matawa. "Ang ibang abs mo ay nasa likod, talampakan at binti." Natatawa kong sabi.

Pinunasan ko ang aking mata dahil may tumulong mga luha. Sa kakatawa ko kaya pati luha ay tumulo.

Inis niyang ibinato sa akin ang mga unan kaya mas lalo akong natawa.

"Stop laughing! What's funny, Chamika Gail? Hintayin mong magka-16 abs ako. I'll gonna break the Guinness World Records."

Halos maglumpasay na ako sa sahig sa kakatawa dahil sa sinabi niya. Gaging Jetty. Kung ano-ano na ang pumasok sa kokote.

"Hihinto ka sa kakatawa o bubuntisin kita?"

"Hindi ako pumapatol sa lalaking walang 16 abs." Tumatawa kong sagot.

"Iyang bunganga mo, Chamika Gail. Nakikita ko na ang kampana mo oh."

Hinawakan ko ang aking tiyan at panga dahil sumasakit ito. Humugot ako ng malalim na hininga at tumikhim upang pigilan ang mga tawa ko. Nakakatawa ang Jetty ko.

Pinunasan ko ang aking luha. "You're so funny, Jetty." Tumayo ako. "I love you." Natatawa kong sabi.

"Ewan ko sa iyo kung anong nakakatawa roon. Love you too."

Nawala ang tawa ko dahil sa sagot niya. "Nasaan ang 'I' sa I love you too? Bakit love you too lang?" kunot noong tanong ko.

"Bakit? Big deal pa ba iyon?"

"Natural!" Pinulot ko ang mga unan sa sahig. "Sinasabi ko na sa iyo na ayokong love you too lang!" Ipinagbabato ko sa kaniya ang mga unan. "Kaasar ka! Isang letra lang iyon tapos hindi mo pa isinali!" asar kong singhal.

Noon ko pa sinabi sa kaniya na dapat kumpleto ang I love you. Hindi iyong 'love you too' lang.

"Ba't ngayon mo lang ako sinita? Nagsabi naman ako ng love you too noon, ah? Ba't hindi mo ako pinagalitan noon?"

Asar ko siyang tinalikuran. Nagmartsa ako patungo sa banyo.

"Para kang buntis, Gaily. Ang bilis magbago ng mood mo huh. Anong uring brain cells mayroon ka? Hahahaha."

Siya naman ngayon ang tumawa. Pabagsak kong isinirado ang pinto ng banyo. Buntis niya mukha niya.

"I love you zillion times, Chamika Gail Braxton—Santillan!"

Rinig kong sigaw niya. Hinubad ko ang aking damit.

"I mean, I love you more than zillion times!" ulit niya.

Nakangiti akong umiling at binuksan ang shower. Uso pala take two rito kay Jetty.





++++++++


"Gail anak, may delivery ka." bungad ni Tita pagkababa ko ng hagdan.

"Po? Hindi naman po ako umorder." nagtataka kong sagot.

"Para raw sa iyo iyon. Labasin mo na."

Kahit nagtataka ay nagtungo ako sa pinto. Hindi ako umorder. Kung si Mommy rin ay malabo. Hindi iyon mahilig umorder through online kasi may ibang items na inorder niya noon at nang dumating na ay hindi pareho ang ganda at porma sa nakita niya sa display. So, sino ang nagpapa-deliver sa akin?

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang delivery boy na may hawak na isang palumpon ng pulang rosas.

"Good morning, Ma'am. Flowers delivery for you." saad ng delivery boy.

"Sir, sorry, pero hindi po ako umorder ng bouquet of roses." ani ko.

Ngumiti siya at inabot sa akin ang bouquet. "Para po ito sa inyo, Ma'am. Pinapa-deliver po."

Tinanggap ko ang bouquet. "Huh? Sino po ang nagpapa-deliver?"

"Anonymous po, Ma'am, eh. May card pong nakaipit sa bulaklak. Baka nakasaad po riyan ang pangalan." tugon niya.

"Sige po. Salamat."

Ngumiti siya at tumalikod.

Tiningnan ko ang mga pulang rosas at inamoy. Smells good. My favorite smell. Sino ba ang nagpadala sa akin nito? My admirer? Suitors? Asa. Alam na nilang may Jetty na ako kaya alam kong hindi na sila magtatangka pa.

Kinuha ko ang card na nakaipit sa mga bulaklak.


Hi, Beautiful! One hundred roses for my one and only love. Your love, Jett.


I smile instantly after I read the note and the name of the sender. Kay Jetty pala ito. 100 red roses I received from him early this morning. Kaya pala nakapagtataka na ang pabangong inilagay rito sa rosas ay paborito ko. Ilan lang sa nakakaalam na paborito ko ang pabangong ito. Iyon pala ay si Jetty ang nagpadala.

Pumikit ako at inamoy ang mga rosas. Kinikilig ako. Umagang-umaga pero pinakilig na ako nitong Jetty.

"Did you like it?"

Umangat ang aking tingin sa taong tumayo sa harapan.

"I love these roses. Anong okasyon?" nakangiti kong sambit.

Ngumiti siya. "Wala. Gusto ko lang na bigyan kita." Hinawakan niya ako sa braso. "Payakap nga ng Gaily ko." malambing niyang sabi at hinila ako payakap.

Kaagad kong initaas sa gilid ang bouquet upang hindi mapisa. Naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko.

"I missed your first surprised. Iyon pa lang ay ang laki na ng kasalanan ko. I'm sorry, Gaily." bulong niya.

"Wala iyon. Ang importante ay walang masamang nangyari sa iyo sa daan."

Inilayo niya ang kaniyang ulo sa akin. Tiningnan niya ang mukha ko.

"I love you. Kumpleto na iyan ah. May 'I' na."

Napatawa ako nang bahagya. "Iyan dapat. Mag-isa na nga lang ang letrang iyan tapos hindi mo pa isali."

Ikiniskis niya ang kaniyang ilong sa pisngi ko. "Oo na. Tatandaan ko iyan."

"Kararating ko pa lang tapos ito kaagad ang bungad sa akin?" biglang tanong ng isang baritonong boses.

Dahan-dahan kong nilingon ang lalaking nagsalita sa likuran ko.

"Dad!" I exclaimed.

Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Jetty at dali-daling lumapit kay Daddy. Niyakap ko siya kaagad ng sobrang higpit. I miss my Dad so much. Sobra akong nangungulila sa kaniya.

"I miss you, Princess." sambit niya at hinalikan ang tuktok ng aking ulo.

"I miss you so much, Dad." naiiyak kong tugon.

"Huwag kang iiyak diyan. Nandito tayo sa bahay ng nobyo mo. His parents are looking at us. Mamaya na tayo mag-iyakan kapag nakauwi na tayo, Princess." Natatawang sabi ni Daddy.

Natawa ako at bumitaw sa pagkakayakap sa kaniya.

"Tito." sambit ni Jetty at nagmano.

"Boy! Sinaktan mo ba ang anak ko?" tanong ni Dad.

"Ang anak niyo po ang nanakit sa akin, Tito." Nakangiting tugon ni Jetty.

Inakbayan ako ni Daddy. "Gano'n ba? Very good, Princess."

"Very good ka riyan. Kinawawa nga itong mamanugangin mo." sita ni Mommy.

Napalabi ako. Saang parte na kinawawa ko si Jetty?

"Pare!"

Napatingin ako kay Tito. Nakakawit sa kaniyang braso si Tita. Bumitaw si Daddy sa pagkakaakbay sa akin at lumapit kay Tito at Tita.

Nilingon ko si Jetty nang marinig ko ang malalim niyang paghugot ng hininga at marahas itong ibinuga.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko.

Humawak siya sa kaniyang dibdib at tiningnan ako. "Kinakabahan ako, Gaily. Kanina pa ako nagpipigil ng hininga."

Lumapit ako sa kaniya. "Bakit naman?"

"Kinakabahan ako kay Tito. Ngayon lang ako nakahinga ng maayos nang lumayo na ang Daddy mo." sagot niya.

Ngumiti ako. "Relax ka nga. Baka atakihin ka riyan. Hindi naman nangangagat si Daddy."

"Can't help."

Inikot ko ang aking isang kamay sa baywang niya. "Lapitan natin sila."

Tumango siya. Lumakad kami papunta sa upuan kung saan nakaupo ang mga magulang namin. Inilagay ko ang bouquet sa mesa na nasa gitna. Magkatabi kaming umupo ni Jetty sa double couch.

"Kailan ka ba manatili na lang dito sa atin, Pare?" tanong ni Tito.

Hinawakan ni Jetty ang kamay ko at ipinagsalikop ang mga daliri naming dalawa.

"Kung may apo na ako." sagot ni Dad.

"Speaking of apo." Biglang lumingon si Tito sa amin. "Kailan kayo magpapakasal?" tanong niya.

"Oo nga. Wala ba kayong planong magpatali, mga Anak?" segunda ni Daddy. "Ikaw, Princess? Hindi ka pa ba tinanong nitong nobyo mo tungkol sa kasal?" baling niya sa akin.

Nagkatinginan kami ni Jetty. Tuwing tatanungin kami ng ibang tao tungkol sa kasal ay sobrang hirap ng sagutin. How much more kung pamilya na at ang dalawang hari pa ng pamilyang Braxton at Santillan.

"Ano kasi, Tito at Daddy, pinag-usapan na po namin ni Jetty ang tungkol diyan." sagot ko.

"Mabuti kung gano'n. Jett anak, nandito na ang ama ni Gail. Kumpleto na tayo. It's time to take a move. Ask her parents hands." ani Tito.

Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Jetty sa kamay ko.

"Dad...uhm." nauutal na sambit ni Jetty.

Naramdaman ko ang kamay niyang biglang pumawis. I know he's nervous. Inabot ko ang kaniyang kamay na nakasalikop sa aking kamay gamit ang isa ko pang kamay at pinisil ito. I am trying to send him a message that I got this.

Ganito si Jetty palagi. Kinakabahan siya na parang may pinipigilan sa kaniyang sarili. Siguro, para sa akin ay mukhang ayaw niyang pangunahan ako when it comes to marriage. Maybe he thinks that I'm not yet ready to marry him. Which is not true.

"May plano pa po kasi kami, Tito." ani ko.

Dumating si Tita at Mommy na may dalang tray na naglalaman ng mga pagkain at inumin.

"What plan?" tanong ni Dad.

Hinaplos ko ang likod ng kamay ni Jetty. Pati ako ay kinakabahan eh. Ang seryoso nila. Our family is complete and they are seriously looking at us as if we are criminals.

"Plano po kasi namin na mag-ipon muna ng pera bago magpakasal. Plano namin na magpatayo ng bahay at maging financially stable muna." sagot ko.

"Iyon ang dahilan kaya hindi pa kayo nagpakasal?" tanong ni Tito.

Tumango ako. Nilingon ko si Jetty. Lumingon din siya sa akin. Nginitian ko siya at ngumiti siya pabalik.

"Tatanungin ko itong anak ko. Ang tahimik nito. Jett iho, may tanong ako sa iyo."

Nilingon namin si Tito.

"Ano po iyon, Dad?"

"Gusto mo na bang magpatali o hindi?" seryosong tanong ni Tito.

Sinulyapan ko si Daddy, Mommy at Tita. Tahimik at seryoso rin silang nakatingin kay Jetty.

"Gustong-gusto, Dad. Sobra." sagot ni Jetty.

"Bakit hindi ka pa rin gumalaw? Kung iyang plano niyo na magpatayo muna ng bahay bago magpakasal ay kayang-kaya naman natin iyan. Makapagpapatayo naman tayo ng bahay niyong dalawa. At kung gusto niya namang maging financially stable, aba'y may shop naman kayo. Habang wala pa kayong anak ay makakaipon pa kayo." ani Tito.

"May punto ka, Pare." Komento ni Dad."So what makes you withhold?" tanong niya kay Jetty.

"Iniisip ko po kasi si Gail, Tito. She has still lot of dreams to achieve. Ayokong maging hadlang sa mga pangarap niya. I want to support her in everything."

I knew it. My instincts wasn't wrong. Naghihintay lang si Jetty sa akin. I touch her forearm. Nakakaantig sa puso.

"Gail, nag-iisa kitang anak at babae pa. Ako mismo ang magtatanong sa iyo. Gusto kong sagutin mo ang tanong ko ng buong katapatan. Gusto mo bang magpakasal o hindi?"

"Gusto, Dad."

Nakita ko sa gilid ng aking mata na napalingon si Jetty sa akin.

"No lies?" tanong ni Daddy.

"Opo. Nagsasabi po ako ng totoo. Hinihintay ko lang po si Jetty. I am open to marriage, Dad, when it comes to Jetty. May pangarap ako pero makakamit ko naman ang mga iyon kahit kasal na kami." buong katapatan kong sabi.

Matunog na ipinagdikit ni Tito ang kaniyang mga palad.

"Parang naghihintayan lang kayo? Gano'n?"

"Parang gano'n nga, Pre." tugon ni Dad.

"Kung gano'n edi magpakasal na kayo. Wala naman akong nakikitang problema riyan." saad ni Tito.

"Tama. Kayo lang ang nag-iisang pag-asa namin upang dumami ang pamilya natin." komento ni Tita.

"I totally agree with you, Mare. Para naman officially family na tayo." ani Mommy.

Nagkatinginan kami ni Jetty at nagngitian. Ito lang naman ang tanging hinihintay namin eh. Dinala niya ang kamay ko sa kaniyang labi at hinalikan ito.

"Thank you so much and I love you." bulong ni Jetty.

"Love you too." bulong ko pabalik.

"Ikaw na ngayon ang bumigkas ng hindi kumpleto. Nasaan na ang 'I', Gaily? Akala ko ba hindi kakalimutan?"

"Nasa iyo" Itinuro ko ang kaniyang sarili. "na ang" Itinuro ko rin ang aking sarili. "'I'." pagpapatuloy ko na siyang nagpalawak ng kaniyang ngiti sa labi.

"Matagal ka ng akin." tugon niya.

"Ako na ang bahalang magpatayo sa bahay niyo."

Sabay kami ni Jetty na napalingon kay Tito Ricardo.

"Po?"

"Sigurado ka, Dad?"

"Yeah. Bukas ay kokontakin ko na ang kakilala kong engineer at architect para masimulan na ang pagpapagawa ng bahay niyo. Mas mabuti kung maaga." sagot ni Tito.

"At ako na ang bahala sa lahat ng gagastusin sa kasal niyong dalawa. Dapat engrande dahil nag-iisa lang kayong anak namin." ani Daddy.

"Kami na rin ni Mareng Cheska ang bahala para sa pag-organize ng lahat." saad ni Tita.

"Huwag niyo ng problemahin ang kasal niyo. Kami na ang bahala sa lahat. Ang gagawin niyo lang ay ang lumakad papunta sa altar at magsabi ng I do." sambit ni Mommy.

Niyakap ko ang braso ni Jetty.

Gosh. My heart is so full and soft right now. Our families are very supportive to us. They wish nothing but for us to get married already.

At iyon din ang matagal na naming pangarap ni Jetty ang maikasal.

Mukhang matutupad na nga ang pangarap na iyon dahil sa tulong ng mga magulang namin.

Continue Reading

You'll Also Like

24.3K 1.3K 25
Paris is an ESCAPIST- tends to avoid problems by running away. Definitely flight over fight.
4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
2.5K 202 29
A collaboration with Raven Sanz and c U'around D'corner Book 4 of Mantovani Maids Series Will be available in August in a physical book set; stalk my...
27K 764 42
Magnificent Man Series 2 (⚠️Warning!!⚠️:May involve themes not suitable for minors, so read at your own risk. This story is a fiction.)