The Guy Who Fell In Love

Av -PITAPOPA-

9.7K 452 98

This is just story of a guy who fell in love to a gay. Mer

TGWFIL
PROLOGUE
The Art Of Knowing
Marley
The Woman In A White Dress
Ashton
The Night Is Young
11:11 PM
Kaloy
Mistress
Mirasol
The Playboy's Poison
Ely's List of Rules
Let's Talk About Cigarette
Gatton
Love In The Rain
Katnis
Finding A Stranger
Efren
His Saving Grace
Gay Panic
Mr. Friendship
Butterflies, Rainbows, And Unicorns
Encounter
Friendship Over

Two Birds In A Wire

250 13 3
Av -PITAPOPA-

Napatingin ako kay Ely na mahimbing nang nakatulog sa kabilang kama. Ang payapa niyang nakahiga parang maamong tuta lang ito. Tumayo ako at kinumutan siya ng maayos dahil nasa gilid na nito ang binigay kung kumot kanina. Malamig ang panahon at hindi pa rin tumitila ang ulan. Gumalaw ito at nagtama ang mga mukha namin dahil nakayoko ako. Napatingin lang ako sa kanya kahit may benda ang mukha niya hindi parin naalis ang ganda sa kanya. Hindi ko namalayan na hinawakan ko na pala ang dulo ng kanyang ilong.

"No!" I scream in horror at the the back of my head when I did that. Hindi dapat ko ginawa iyon baka magising pa siya. Makakaabala pa ako.

Tumayo ako para balikan ang ginagawa ko but I was stopped when Ely grab my hand. Nang tignan ko siya ay nakapikit pa rin ang mata niya. 

"Tama na," mahinang daing nito at ramdam ko ang pagpisil ng kamay niya sa akin. I saw the pain on his face. I immediately bend down and caress his cheek. I feel pity at the moment because I can see what trauma looks like on him. Biglang nakaramdam ulit ako ng galit sa kung sino man ang gumawa sa kanya nito dapat mamatay na lang siya.

"Shhh. It's okay," I said in whisper and it calm him down. Binitawan na rin niya ang kamay ko at mukhang bumalik na ulit siya sa mahimbing nitong pagtulog. "Sleep tight."

Binalikan ko na ang binabasa ko at natulog na rin ako pagkatapos.

I was waked up because of the smell that entering my nostril and it was delicious. Parang may nagluluto ng makakain at pagbukas ko ng mata ko ay nakita ko siyan na nagluluto. He was now completely fine because he looks good on what he was doing in the kitchen. Also, the mini-dance that he was doing while humming. He looks energize this morning. Tumayo ako sa pagkakahiga at tumingin siya sa akin.

"Gising ka na pala. Pinakielaman ko na tung kusina mo ha!" he said in his high pitch. I think he finally recover. "Pasensya na pala kahapon. Nakaabala pa ako sa'yo. Bilang peace offering ipagluluto kita," he looked at me a plastered his smile. This time I can finally see his beautiful smile. The smile that reaches his eyes.

"No worries," ani ko at tumayo ako. Kinuha ko ang towel ko na nakasabit sa may bintana at maghihilamos muna ako ng mukha. Bago pa ako pumasok ay kita kung may inaabot si Ely sa itaas na 'di niya makuha. Since he was short and he cannot reach it, lumapit ako at kinuha ang inaabot niya.

"Huy! Gideon!" he screamed at me and it rattled me up. Bigla na lang kasi siyang sumigaw ng nasa likod na niya ako.

"Bakit!?" gulat kung sabi sa kanya at nalaman ko lang iyon dahil nakadikit ang pagitan ko sa kanyang pwetan. Wala pa akong suot ng brief dahil mostly I'm more on boxer.  

"Ang halay naman nito," puna niya at agad akong umalis sa likod niya.

"Sorry. Inabot ko lang naman ito oh," ani ko sabay pakita ang kinukuha niya sa taas pero si Ely ngumisi lang siya ng nakakaloko.

"Ikaw ha pasimple ka," inis niya sabay kuha ng inabot niyang pancake mix sa taas ng cabinet. Napailing na lang ako at iniwan siya.

When I went to the bathroom, I just do my morning routine and also do some skin care. Paglabas ko ay naghahain na si Ely ng makakain. Biglang tumunog ang tyan ko dahil mukhang masarap ang mga niluto niya. Magaling pala siya mag-luto.

"Kain na," ani nito. Sinabit ko lang ang ginamit kung twalya at binuksan ang tv para sa morning news. I always want to know what was happening in the country and it was a habit for me already that every morning I always watch the news. Also, to have a background noise.

Umupo na lang ako at nilagyan ni Ely ng plato ang pwesto ko while I was watching the news. Hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya at umupo na rin siya sa tabi ko. We uttered our prayer and then we ate peacefully.

"Shuta!" gulat nitong sabi at nahulog ang kutsara niya kaya yumuko ito para pulutin. Hinarang ko ang kamay ko sa kanto ng lamesa baka kasi mauntog pa siya roon. Matulis pa naman ang dulo nito. Nang aahon na siya at nakaayos ay tinanggal ko na ang kamay ko.

Nagsalin na rin ako ng makakain at nakita ko siyang nanonood din ng news. Sinalinan ko na rin ng juice ang baso niya dahil mukhang hindi niya ito na lagyan.

"Oh my god! Bakit pa nila iboboto ang isang 'yan," reaksyon nito habang may kanin pa sa bibig. I look at the tv and it was about a political campaign.

"'Di ba?" ani ko rin. "People should vote a leader who has a clean track record and has a concrete platform. Hindi lang dahil feeling nila kaya niya at hindi lang dahil sa pamilya nito," reaksyon ko rito.

"'E sabi nga nila, uunlad daw ang pilipinas kapag sila na ang umupo. Patawa sila," he said while poiting at the TV.

"The Philippines already suffered from the hand of many corrupt officials. I think we haven't learned our lesson. Pakitaan lang ng kunting nagawa feeling nila umangat na lahat. They didn't look on wider spectrum. They neglect to hear what the real problem is. Panandaliang solusyon lang ang kaya nilang gawin. They are blind of the unheard cries of the oppress," I was carried away because politics really boiled my blood and people always vote who are not eligible for the job. Nagulat na lang ako ng biglang pumalakpak sa akin si Ely.

"Kaya gusto kita 'e. I love you papa Gideon!" I just rolled my eyes to him and smiled a little. "Hindi ako magtataka balang araw ay magiging presidente ka ng pilipinas," asar pa nito.

"Hindi. I never dream to be on the senate or in the politics in general. I just want to be a lawyer." ani ko rito dahil kailan man hindi ko nakita ang sarili kung nakaupo sa senado.

"Malay mo naman 'di ba. Kaya mo 'yan. Ngayon nga bilib na ako sayo," tumango-tango lang ako sa sinabi niya. Malay natin balang araw ngunit sa ngayon wala pa sa plano ko. Ayaw ko naman mag-salita ng tapos. Also, Ely was the person who really appreciated me a lot. He really knows how to compliment someone. 

Pinagpatuloy na lang namin ang pagkain at pagkatapos ay ako na ang nagpresenta na maghugas ng pinagkainan namin habang si Ely ay pumasok sa banyo para tumae raw.

Matapos kung hugasan ang pinggan at tumunog ang phone ko. Pagkuha ko rito ay nakita ko ang numero ni Mommy. Why she was calling early this morning?

"Ma, napatawag ka?" sagot ko rito.

"Good morning Gideon. Nandito kami sa baba ng dorm mo and I'm with your father," tila nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni Mommy. Biglang na-stuck ako at natulala. Anong ginagawa nila rito? Napatingin ako sa CR. Shit! ang alam ni Mommy mag-isa lang ako rito.

"Hello Gideon paakyat na kami," napasapo na lang ako sa noo ko. Paano na si Ely?

"S-sige ma," kanda utal kung sagot dito at pinatay na niya ang tawag.

Eksaktong paglabas ni Ely ay hinila ko siya. Nagulat ito.

"Bakit?" takang tanong nito sa akin.

"Nandito ngayon ang parents ko. Ang alam nila mag-isa lang ako rito sa dorm. Dito ka muna sa closet please. I'm sorry," kahit naguguluhan si Ely ay pumasok siya sa closet. Naguguilty ako pero wala akong choice. I hope he can understand my situation.

Pagsara ko ng pinto ng closet ay eksaktong may kumatok sa main door. Huminga muna ako at lumapit sa pinto para buksan. Pagbukas ko ay sumalubong sila Mommy at Dad. Seryosong nakatingin lang ang tatay ko samantalang si Mommy ay nakangisi.

"My unico hijo," halik ni Mommy sa pisnge ko. Nerbyosong napangiti lang ako sa kanya. Maybe I will look like constipated because of nervous.

"Pasok kayo," ani ko at pumasok sila. Nilibot nila ang paningin nila sa dorm at napatingin ako sa hinigaan ni Ely. Halatadong may natulog doon. Dumaloy ang kaba sa akin baka kasi mapansin pa nila.

"How are you naman dito? Are you okay?" my mom asked and sit on the sofa together with my Dad who is very silent. 

"Okay naman ako rito Mommy. Bakit pala kayo nandito?" umupo ako sa katabing sofa. "Ito kasing Dad mo pinilit akong pumunta rito may sasabihin daw."

Tumingin ako kay Dad dahil sa sinabi ni Mommy. Medyo kinabahan ako dahil request iyon ni Dad minsan lang siya bumisita sa akin or madalang pa sa madalang siya pumunta rito.

"Come on Florence. Just say what you want to say," pag-udyok ni Mommy kay Dad. Umubo muna ito ng bahagya at inayos ang nectk tie niya. He look at me directly to my eyes. I can sense danger from the way he stares at me.

"Shift to another course now, Gideon. You don't have future in law. Mas maganda kung kukuha ka ng business course. I can send you right away to Harvard or Yale kung business ang kinuha mo," walang paligoy-ligoy na sabi nito sa akin. Hindi man lang siya nautal sa sinabi niya. Hindi ko alam kung naglolokohan ba kami. I was in my third year already and one more year I already finish my degree in Political Science then I will go straight to law school. Kala ko ba okay na kami?

"Florence!" sita ni Mommy kay Dad. Hindi rin expect ni Mommy na ganon ang sasabihin niya sa akin.

"No," maiksi kung sabi pero may diin. I will never put my efforts to waste.

Tumingin ako kay Dad direkta sa mata para sabihing hindi ako mag-shishift ng course.

"I already make my self clear to you Dad that I will take law because that is my dream. I want to be a lawyer," with all my conviction I stand firm on what I take.

"Really, a lawyer!? What can law do to you, huh? Mapapakain ka ba niyan!" sigaw nito sa akin. "Magiging sunod-sunuran ka lang nila. You will lie just to earn money!" duro nito sa akin.

Napakuyom na lang ang kamao ko at hindi makatingin ng direkta sa kanila. Ayaw kung mapaaway pa sa kaniya dahil kahit papaano tatay ko pa rin siya. Nirerespeto ko pa rin siya.

"Florence! Shut up! We already talk about this! Kala ko ba okay na tayo!" pagtatanggol ni Mommy sa akin. 

"No Velma! He must be insane!" ani nito sa akin. "This is not an option but an order Gideon. Take a business course," may diing sabi nito at naglakad palabas si Dad sa dorm.

"Florence!" tawag ni Mommy dito pero hindi man lang siya huminto o lumingon man lang. "I'm so sorry son. I will talk to your dad, okay. Don't worry mommy got your back," hinawakan lang nito ang kamay ko at agad rin na sinundan si Dad. Napabuntong hininga na lang ako at napahawak sa buhok ko.

Narining ko ang pagbukas ng closet at hindi ko na naisip si Ely na nandito pa pala siya. Ramdam kung umupo siya sa katabing sofa at hindi ko magawang makatingin sa kanya dahil nahihiya ako. Nahihiya ako dahil nasaksihan pa niya kung paano kami magaway-away.

"I'm sorry that you have to witness this," ani ko rito. Nakayoko pa rin sa kanya. Narinig ko ang buntong hininga nito at ang tingin niya sa akin. Ramdam ko iyon. Hindi ko lang alam kung naawa ba siya o hindi.

"Tara shot puno!" napatingin ako kay Ely dahil sa sinabi niya bumungad sa akin ang ngiti niya. "Wala ka namang kasalanan para mag-sorry ka tsaka ang galing mo kanina. Lawyer na lawyer. May paninindigan," saludo nito sa akin, and a little smile escape from my lips. 

"Thank you," ani ko rito kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.

"Besides, may sari-sarili tayong desisyon sa buhay. Hindi naman pwedeng diktahan lang ito ng iba, 'di ba? Maiksi lang ang buhay kaya piliin mo ang mga gusto mo," pangaral nito sa akin. Lumapit siya saka pinisil ang pisnge ko na lagi niyang ginagawa. Tumingin siya sa akin. "Kaya hindi kasalanan at pagpili mo ng gusto mung course."

"Tara. Marunong kang mag-drive naman 'di ba?" hila niya sa kamay ko at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam ako ng kuryente sa paghawak niya sa akin na dumirekta papunta sa aking puso. Kumakahog ito sa 'di malamang dahilan.

"Saan?" taka kung tanong para isawalang bahala ang nararamdaman ko.

"May children's program kasi akong pupuntahan. Tara at isasama kita," ani nito sa akin. Tumango na lang ako at hinayaan si Ely sa gusto niya. Gusto ko ring umalis kahit papaano para hindi ko isipin ang nangyare kanina.

"Bago yan pahiram ulit ng damit," napatawa na lang ako sa sinabi niya at tumango.

"Sige."

Napahinto kami sa isang Children's Shelter na pag-aari ng mga pari at madre at pagpasok namin sa kumbento ay sinalubong agad kami ng mga ngiti ng mga bata. Nakatingin lang ako kay Ely na todo yakap sa mga bata na sumalubong sa amin. I can tell that he was known here because they know his name. He was also fond of kids and the kids really like him a lot. Nakangiti lang ako dahil nagbibiruan sila. Tila nawala ang mga iniisip ko sa oras na 'yun.

"Bago ka rito hijo?" napatingin ako sa madre na lumapit sa akin. Nag-bless lang ako, to give some respect.

"Kaawaan ka ng Diyos," wika nito and I think she was in her 50's already.

"Opo, bago lang po ako rito. Kasama ko po si Ely," sagot ko sa tanong niya. 

"Ah, Ikaw siguro 'yun kinuwento niya sa akin na nakilala niya sa bar," ani ni mother at nagulat ako sa sinabi niya. Si Ely ikukuwento ako sa iba.

"Baka po," nahihiya kung sabi rito. Tumingin si mother sa akin at ngumiti. 

"Tama nga siya. Ang guwapo mo sa personal," pag-puri nito sa akin at baka kung ano na naman ang pinagsasabi ni Ely tungkol sa akin.

"Ah, salamat po."

"Alam mo mabait yan si Ely. Parating tumutulong rito yang batang iyan. Gustong-guston rin siya ng mga bata rito dahil palaging nagpapatawa at nakangiti," paglalahad nito sa akin. Nung una ko siyang nakita akala ko basagulero ang isang ito pero hindi. I just misjudge his existence.

"Halata nga po 'e," pagsang-ayon ko sa sinabi niya saka tumingin kay Ely na nakikipaglaro sa mga bata. Tumingin siya sa akin at kumaway lang ako.

"Ako pala si Sister Evelyn," pagpapakilala niya.

"Nice to meet you po."

Tumayo si Ely at iniwan ang mga bata na naglalaro para lumapit sa amin.

"Mother ano na naman sinasabi mo kay Gideon," wika nito ng makalapit.

"Wala, hala at tumulong na tayo roon," ani nito at hinila ako ni Ely sa may venue ng program at tumulong kami sa pagkabit ng mga palamuti at pagprepare ng makakain.

Nang matapos na kami ay sinimulan na ang program nasa likod lang kami habang pinapanood na nag-eenjoy sa mga pagames at kung ano-ano pang pakulo. Napapatawa rin ako dahil sa kakulitan nila at sobra silang inosente. I wish I was a kid because those are the times I have less problem but looking at them at the young age they were put here in this Children's Shelter that it supposed to be they are in a household together with their parents.

 Tinulak pa ako ni Ely dahil sasama daw kami sa mga pagames. Wala naman kaming choice kaya umoo na lang ako. Pero mukhang ako naman ang nag-enjoy. Nandyan nung binuhat ko pa si Ely sa likod ko at nakipag-agawan rin ako sa mga bata. Sobrang nakakaenjoy silang kalaro para akong bumalik ulit ang pagiging-bata ko.

Nung kainan na ay nag-serve lang kami ng makakain. Nag-order na rin ako ng pizza at cake bilang dagdag sa makakain at eksaktong dumating naman.

"Nag-enjoy ka ba?" tanong nito sa akin habang nakaupo kami sa swing. Katatapos lang ng program at gabi na. Pinatulog na rin ang mga bata. 

"Sobra," ani ko dahil sobrang sobra akong nag-enjoy parang hindi ako napagod buong araw.

"Buti naman kahit papaano nakatulong," ani nito at pinaduyan ang swing sa hangin. Pinapanood ko lang siya hanggang sa sinabayan ko na ang pagduyan niya. Bumilis ang pagduyan namin at hindi ko akalain na sabay pa kami tatalon sa damuhan. Tawa kami ng tawa dahil sa ginawa namin.

"Loko-loko ka rin pala gaya ko," wika ni Ely habang nakahiga kami sa damuhan. Tumatawa.

"Ang ganda ng langit," komento nito kaya tumingin ako. Tama nga siya ang daming mga bituin na kumikinang 'di gaya nung nasa garden kami na halos wala kaming makita man lang. Pagtingin ko kay Ely nakita ko kung paano sumilay ang liwanag sa mata niya. His eyes is sparkling and it's damn beautiful to see.

"Ang ganda," wala sa huwisyo kung sabi at napatingin siya sa akin. Ang lapit namin sa isa't isa.

Ilang inches lang ang pagitan ng mukha namin. I was captivated on his beauty again and again. Hindi ko alam pero may kung anong enerhiya na nagtutulak sa akin na idikit ko ang mukha ko sa kanya. Pagtingin ko sa labi niya para gusto kung halikan ang mga ito.

Pero bago pa mangyare yun ay naputol kami dahil sa boses na narinig namin.

"Mga hijo tarat at magdinner na tayo," tawag sa amin ni mother at napaiwas na lang kami sa isa't isa. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at napamura na lang ako sa aking isipan. Tumayo ako at inabot ko ang kamay ko para tulungan siyang tumayo. Tumungo na kami sa kusina at hindi na namin binanggit pa ang nangyare dahil wala namang nangyare talaga. Marahil gutom lang ito.

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...