Ang Mutya ng Section E (Book...

By eatmore2behappy

60.2M 2.3M 3.3M

Ready to say goodbye? More

eatmore2behappy
Chapter 261
Chapter 262
Chapter 263
Chapter 264
Chapter 265
Chapter 266
Chapter 267
Chapter 268
Chapter 269
Chapter 270
Chapter 271
Chapter 272
Chapter 273
Chapter 274
Chapter 275
Chapter 276
Chapter 277
Chapter 278
Chapter 279
Chapter 280
Chapter 281
Chapter 282
Chapter 283
Chapter 284
Chapter 285
Chapter 286
Chapter 287
Chapter 288
Chapter 289
Chapter 290
Chapter 291
Chapter 292
Chapter 293
Chapter 294
Chapter 295
Chapter 296
Chapter 297
Chapter 298
Chapter 299
Chapter 300
Chapter 301
Chapter 302
Chapter 303
Chapter 304
Chapter 305
Chapter 306
Chapter 307
Chapter 308
Chapter 309
Chapter 310
Chapter 311
Chapter 312
Chapter 313
Chapter 314
Chapter 315
Chapter 316
Chapter 317
Chapter 318
Chapter 319
Chapter 320
Chapter 321
Chapter 322
Chapter 323
Chapter 324
Chapter 325
Chapter 326
Chapter 327
Chapter 328
Chapter 329
Chapter 330
Chapter 331
Chapter 332
Chapter 333
Chapter 334
Chapter 335
Chapter 336
Chapter 337
Chapter 338
Chapter 339
Chapter 340
Chapter 341
Chapter 342
Chapter 343
Chapter 344
Chapter 345
Chapter 346
Chapter 347
Chapter 348
Chapter 349
Chapter 350
Chapter 351
Chapter 352
Chapter 353
Chapter 354
Chapter 355
Chapter 356
Chapter 357
Chapter 358
Chapter 359
Chapter 360
Chapter 361
Chapter 362
Chapter 364
Chapter 365
Chapter 366
Chapter 367
Chapter 368
Chapter 369
Chapter 370
Chapter 371
Chapter 372
Chapter 373
Chapter 374
Chapter 375
Chapter 376
Chapter 377
Chapter 378
Chapter 379
Chapter 380
Chapter 381
Chapter 382
Chapter 383
Chapter 384
Chapter 385
Chapter 386

Chapter 363

249K 11.6K 17K
By eatmore2behappy

A/N: Goodnight, haha.

By the way, Congratulations:

Kyla Marie Geronimo
Reynalyn Monteza
Ivy Claire Guillermo

Nakapasok sila sa 1st Sem wth honors.
🥳🎊🎉



Drunken Glue

Jay-Jay's POV

"Kumusta?" bati sa'kin ni Dr. Claudia.

Hindi ako umaalis sa kinatatayuan ko. Nakatitig ako kay Kuya na para bang trinaydor niya ako.

"Maupo ka muna bata," utos ni Tiger.

Sinubukan kong tumalikod para lumapit sa pinto pero mabilis na nakalapit si Tiger at hinarangan ako. Nagpilit siya ng ngiti na para bang humihingi siya ng tawad dahil wala siyang pagpipilian.

Napaigtad ako ng may maramdamang kamay sa balikat ko . Tinignan ko agad kung sino 'yon at ang seryosong muka ni Kuya ang humarap sa'kin.

"Maupo ka Jay," utos niya at bahagya akong hinatak.

Kahit labag sa loob ko sumunod ako sa kanya. Kagat ko ang ibabang labi ko habang nakayuko at nakatitig sa sahig. Umupo ako sa harap ng Doctor. Kahit hindi ko siya tignan alam kong awang-awa siya sa'kin.

Nakapatong ang dalawang kamay ko sa mga hita ko. Nanginginig 'yon kaya ikinuyom ko para itago at para na rin ma-kontrol ang nagbabadyang luha dahil sa bigat ng nararamdaman ko.

Bakit pakiramdam ko dinaya ako?

Wala akong laban. Wala akong magawa. Walang paraan para makalusot. Wala ring pwedeng magtanggol sa'kin kay Kuya. Hindi ko naisip na gagawin niya 'to. Akala ko naiintindihan niya ang nararamdaman ko kaya inilayo niya ko.

Naiinis ako sa sarili ko. Ayokong gawin 'to, pero alam kong pipilitin niya ko at wala man lang akong maisip na pwedeng palusot. Hindi ko man lang mapaglaban ang gusto ko.

Anong gagawin ko?

"Angelo, we really shouldn't be doing this," sabi ng Doctor kay Kuya.

"She manage to remember something from her past. Ano naman kung subukan niya ulit?" pagpipilit ni Kuya sa kanya.

"Natatakot ang bata."

"She's always afraid. Pero kailangan niyang gawin."

Tuluyan na kong napaiyak. Hindi ko mapigilan dahil wala akong ibang magawa sa sitwasyon ko. Para akong manika na kinokontrol ng naglalaro sa'kin. Nasasakal ako.

Matapos kong maalala ang ginawa ko kay Aries hindi ko na gugustuhin pang maalala ang iba. Paano kung mas matindi pa do'n ang nagawa ko? Paano kung meron akong natuluyan? Baka hindi ko na kayanin. Baka tuluyan na kong mabaliw.

"A-Ayoko po," bulong ko na halos ako lang ang nakarinig.

Pero alam kong narinig din ako ng Doctor. Hinawakan niya ko sa kamay kaya sandali akong napatingin sa kanya. Ngumiti siya sa'kin na para bang sinasabi niyang magtiwala ako sa kanya.

Paano? Hindi rin naman siya maka-kontra kay Kuya?

"Angelo..." tawag niya sa pinsan ko. "Mas mabuti kung bibigyan niyo kami ng space at katahimikan."

Tinitigan siya ni Kuya Angelo, parang sinusuri kung meron siyang balak. Mabuti na lang at alam ng Doctor kung ano ang dapat gawin para mapaniwala ang pinsan ko. Hindi siya humiwalay ng titig.

"Parte 'to ng consultation," dagdag ng doctor at do'n lang umiwas ng tingin si Kuya bago ituro ang kwarto kung saan ako natulog.

Hinawakan ni Dr. Claudia ang kamay ko at inaya akong pumasok sa kwarto. Sumunod naman ako. Pagpasok sa loob napansin ko agad ang pagsunod ni Kuya pero mabilis nasara ang pinto kaya wala siya nagawa.

"Maupo ka," malumanay na utos ng Doctor sa'kin habang nakaturo sa gilid ng kama.

Ginawa ko naman at naupo siya sa tabi ko na para bang magkaibigan kami sa loob ng kwartong 'to.

"Hindi natin gagawin ang gusto ni Angelo. Don't worry, hindi kita pipilitin na makaalala." Ngumiti siya sa'kin. "Sabihin mo lang kung ano ang gusto mo sabihin."

Napatitig ako sa kanya. Balak ko sanang ubusin ang oras sa pagtikom lang ng bibig ko pero sa hindi ko maintindihan na dahilan, bigla na lang umagos ang mga luha ko at napaiyak ako. Agad niya kong niyakap.

Ayoko nitong nararamdaman ko.

"It's okay to cry."

Pero hindi ako okay. Hanggang kailan ako magiging ganito? Gusto ko lang naman ng normal na buhay, kahit ngayon lang. Gusto ko pa ring ma-enjoy ang highschool life ko. Kahit sandali lang. Kahit ngayong taon lang. Gusto kong maging malaya mula sa nakaraan ko. Sa kasinungalingan sa paligid ko. Sa pag-kontrol sa'kin.

Gusto kong huminga ng walang dinadalang problema.

Pero bakit pinagkakait sa'kin 'yon? Bakit?

"Pagod na po ako,"

Mas humigpit ang yakap niya sa'kin. "Sasabihin ko sa'yo 'to, hindi bilang Doctor kundi bilang kaibigan at kapwa mo may pinagdadaanan." malalim siyang huminga. "Normal lang mapagod lalo na kapag walang nagbabago sa ginagawa mo. Normal lang maramdaman 'yan kapag paulit-ulit ang nangyayari. Normal lang 'yan. May karapatan kang maramdaman 'yan."

Humiwalay ako sa kanya at hinarap siya. "Ang hirap po magpatuloy ng hindi ko alam ang kinakaharap ko. Nakakapagod. Okay na ko na hindi ko naaalala ang nakaraan ko, bakit kailangan pa bumalik sa'kin?"

Pinunasan niya ang mga luha ko. "Maganda sa pakiramdam na hindi mo naalala ang sakit nang nakaraan pero paano ka matututo mula do'n."

Hindi ko maintindihan.

Anong dapat kong matutunan sa mga nangyari sa'kin? Sa ginawa ko kay Aries? Sa nakakatakot na ala-alang 'yon? Pagka-guilty lang ang naramdaman ko at ngayon walang sawang pag-iwas ang kailangan kong gawin dahil ayoko ng makasakit.

Paano pa kaya ang ibang hindi ko maalala? Anong ituturo non sa'kin.

Mukang nakuha naman niya ang iniisip ko. Ngumiti siya sa'kin at inayos ang ilang takas ng hibla ng buhok sa muka ko.

"Ang bata mo pa para maranasan ang mga 'to. Pero kasi hindi naman tayo basta pinahihirapan lang ng buhay. We are meant to be hurt not only to feel pain but also to learn from it."

Napailing ako. Parang lalo pa kong nahirapan sa gusto niyang iparating.

"Hindi mo naman naiintindihan."

"Eh ikaw? Do you completely understand yourself?"

Para akong sinampal sa tanong niya. Katahimikan ang naging sagot ko.

Naiintindihan ko nga ba ang sarili ko?

Aminado ako na hindi ko din naiintindihan. Basta ang alam ko lang, nahihirapan ako. At mga ala-ala ng nakaraan ko ang nagpapahirap sa'kin. Ang gusto ko lang ay mawala ang mga 'yon. Mawala lahat ng sakit mula do'n.

"Hindi mo naiintindihan ang sarili mo dahil aminado kang hindi mo alam ang kinakaharap mo. 'Yun ay dahil pinipilit mong itago ang nakaraan mo sa pag-aakalang mas mabuti 'yon pero hindi. Kahit kailan hindi naging mabuti ang takasan ang problema."

Alam ko kung anong ginagawa niya. Kinukumbinsi niya kong gawin ang gusto ni Kuya. Akala ko kakampi ko siya pero mukang pareho lang sila ni Kuya. Inuunti-unti lang nila ako.

"You can move forward from you past. Pero magagawa mo lang 'yon kung makakabitaw ka sa nakaraan mo. At minsan para makabitaw kailangan mong hanapin ang simula ng pagkakatali mo. Ang dulo kung saan nagsimula ang lahat at do'n mo rin malalaman kung ano ba talaga ang kinakaharap mo."

'Yun lang ba ang paraan? Wala na bang iba? Kailangan ko talagang balikan ang lahat? Kailangan ko ba talagang harapin ang iniiwasan ko?

"Natatakot ako." halos bulong kong sabi pero narinig pa rin niya.

"Takot din ang patuloy na magpapahirap sa'yo." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "If you really can't do it, it's okay but believe me, mas mahihirapan ka lalo na't unti-unti ng bumabalik ang ala-ala mo. Mas mabuti kung handa ka."

Napakagat ako sa ibabang labi ko pero hindi no'n napigilan ang pagiyak ko. Niyakap ulit niya ko at sa pagkakataon na to yumakap din ako sa kanya. May kakaiba sa paghaplos niya sa'kin. Pakiramdam ko pareho kami ng nararamdaman. Ganito siguro ang mga Psychiatrist, ipaparamdam na hindi naiiba ang mga pasyente nila.

Pero mas malalim sa pagiging Doctor at pasyente ang mga kilos niya. Para ko siyang kaibigan na lagi kong masasandalan kahit ngayon lang kami nagka-usap ng matino. Hindi niya ko binitawan hanggang sa masabi niyang okay na ko.

Tinulungan niya kong ayusin ang sarili ko. Sinuklayan din niya ko ng buhok. Bigla kong naramdaman na meron akong nakatatandang kapatid.

Ganito pala feeling ng may Ate.

"Pwede po magtanong?"

"Ano 'yun?"

"Magka-ano-ano kayo ni Ci-N Peralta?" tanong ko at narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Kaklase mo siya tama?" mahina akong tumango bilang sagot. "Magpinsan kami."

"Sabi ko na. Lahat ba ng Peralta related sa isa't-isa?"

"I think hindi pero mabilis naman malalaman kung part ng family ang isang Peralta. Kapag nasa medical field, automatic kamag-anak namin. Nasa lahi din kasi," paliwag niya at hindi ko maiwasang mamangha.

Talagang buong angkan nila Ci-N ang nasa iisang field. Bigla kong naalala na gusto nga pala niyang mag-pilot. Paano niya gagawin 'yon kung buong lahi niya ang nagsasabi na dapat sumunod siya sa yapak nila?

"Walang naiba ng profession sa inyo?" tanong ko. Nagbabakasakali na hindi nag-iisa si Ci-N sa pamilya niya.

Malay natin di ba?

"Meron, yung Dad ko. Naging businessman siya pero hindi naging maganda ang kinalabasan." sagot niya at ramdam ko ang lungkot sa boses niya.

Mukang mali na inungkat ko ang ganong bagay sa pamilya nila.

"Close po kayo ni Ci-N?" pagiiba ko sa usapan.

Bahagya siyang tumawa. "Hindi masyado pero natutuwa ako sa kanya. Sulit na sulit kasi niya ang childhood niya."

Bahagya din ako tumawa. Sunod-sunod pa ang naging tanong ko sa kanya tungkol kay Ci-N. Magiliw naman niyang sinagot ang mga 'yon. Minsan niyang nabanggit ang mga kapatid ng Batang Kumag pero mabilis din niyang binabawi. Mukang pati siya hindi rin natutuwa sa kanila.

Nakailang oras pa kami ng kwentuhan. Pati kung paano sila nagkakilala ni Kuya Angelo nabanggit din niya. Naging batchmate sila at naging kaklase niya si Ma'am Cindy. Hindi nga lang siya nagbigay pa ng maraming detalye dahil parang meron siyang iniiwasan na mabanggit.

Natigil ang usapan namin dahil sa pagkatok ni Kuya Angelo sa pinto. Napilitan siyang lumabas na ng kwarto at iwan ako para makapagpahinga. Kinuha ko naman ang pagkakataon para makapagbihis ng pambahay.

Paglabas ko ng kwarto, nagpaalam na si Dr Claudia at Tiger sa'kin. Kailangan na daw nila umalis. Sinundan ko sila hanggang pintuan pero dahil galit ako kay Kuya naisipan kong lumabas din. Pinanood lang naman ako ng pinsan ko sa pag-aakalang ihahatid ko lang ang mga bisita sa elevator at babalik din ako agad.

Bahala ka dyan.

Kumaway pa ko kay Dr. Claudia at Tiger bago tuluyang magsara ang pinto ng elevator. Medyo nakakapagtaka lang na kasama talaga si PPAP dito. Muka din siyang seryoso, malayo sa nakakaloko niyang ngiti kapag nasa Kingsground. Hindi pa rin naman nababago ang ayos niya. Kulang na lang magpatugtog ako ng 'I have a pen... I have an apple' song.

Naglakad ako pabalik ng mawala na sila sa paningin ko pero hindi sa unit ni Kuya ang punta ko. Sa unit ng Hari ng mga Ulupong. Sana may pagkain sila.

Sunod-sunod kong pinindot ang doorbell ng pinto. Hindi ko alam ang password ng keypad lack kaya kailangan ko pang maghintay ng magbubukas ng pinto nila para sa'kin. Mabuti na lang at sandali lang akong naghintay dahil bumukas 'yon at bumungad sa'kin ang muka ni Keigan na basag pa ang isang lense ng salamin.

Anyare?

Taka siyang nakatingin sa'kin na para bang naghihintay ng sasabihin ko.

"H-Hi, pwede kay Keifer?" tanong ko at tinitigan niya ko mula ulo hanggang paa.

Medyo nahiya ako dahil naka-short at tshirt lang ako. Pambahay na pambahay ang suot ko.

"Lumabas siya. Bumili pagkain," sagot niya. "Pwede mo siya hintayin dito sa loob kung gusto mo."

Mabilis naman akong tumango. 'Yun talaga ang gagawin ko. Hindi ako babalik sa unit ni Kuya Angelo. Hayaan ko siyang maghintay o maghanap sa wala.

Goodluck sa paghahanap. Akala mo...

Hinayaan niya kong pumasok at tinuro niya ang mamahaling sofa para paupin ako. Malaki ang pinagkaiba ng unit nila sa unit ni Kuya. Hindi ko alam kung sa disenyo ba o sa pwesto ng mga appliances. Madilim ang kulay ng mga design. Unlike kay Kuya na kahit puro panlalaki ang dating ng kulay meron pa ring buhay.

Naupo ako habang nakatingin sa paligid. Napansin ko ang baso at kaunting kalat sa lamesa sa dining table nila. Mukang merong kumain habang nagbabasa o nagpupunit ng papel.

"Do you want anything to drink?" tanong niya sa'kin.

Hindi pa ko nakakasagot pero nakalakad na siya papuntang kusina. Hindi na ko nagreklamo dahil baka gusto lang talaga niya kong bigyan ng maiinom habang naghihintay sa kapatid niya.

Sa totoo lang hindi ko maiwasang pagtakhan ang kilos niya. Ibang-iba kasi sa kaninang umagang inaasta niya sa'kin. Naalala ko na naman ang mga salitang binitawan niya. Na-conscious ako bigla sa sarili ko dahil do'n.

Pinagmasdan ko siya mula sa kinauupuan ko. Ako kaya talaga ang kundisyon niya. Sabi ni Keifer may pagkakahawig ang kalagayan namin. Posible kaya na parehong-pareho kami? Posible kaya na meron din siyang naranasan sa nakaraan niya at hindi na niya maalala? Nagbabago din kaya siya kapag nakakakita ng dugo?

Anong bang kalagayan naming dalawa?

Agad akong umiwas ng tingin ng bigla siyang lumingon sa'kin. Ayokong isipin niya na binabantayan ko siya. Ang creepy naman ng dating ko no'n.

Ilang sandali lang at natapos na siya. Lumapit siya sa'kin at ibinaba ang baso ng juice sa sa harap ko bago maupo sa katapat kong sofa.

"Baka pauwi na rin si Kuya. Uminom ka muna."

Tumango naman ako at nagpasalamat. Sandali kong tinignan ang juice dahil parang may napansin ako pero mabilis ko ding binaliwala dahil nakatingin sa'kin ang nagtimpla. Ayokong isipin niya na maselan ako.

Kung ano man 'yon laman tyan din 'yon.

Ininom ko 'yon at wala naman akong napansin maliban sa kakaibang lasa. Alam kong grape juice ang iniinom ko pero may something na hindi ko mapaliwanag. Kaunti lang ang nainom ko dahil do'n.

"You don't like it?" tanong niya at bakas ang lungkot sa tinig niya.

Nakonsensya naman ako dahil do'n kaya agad kong binalik sa bibig ko ang baso para ubusin ang juice. Kahit hindi na ko sigurado sa lasa inubos ko pa rin para lang hindi masayang ang effort niya.

Bahagya pa kong dumighay ng maubos ko na ang laman ng baso. Matamis siyang ngumiti sa'kin bago tumayo at nagpaalam na magliligpit lang ng dining table. Tumango ako para hayaan siya.

Ilang minuto pa ang lumipas ng magsimula akong makaramdam ng kakaiba sa tyan ko. Humihilab 'yon mula sa loob. Pinakiramdaman kong mabuti kung bakit. Alam kong hindi ako nagugutom o nadudumi.

Masama bang uminom ng juice kapag walang miryenda?

Ilang minuto pa at mas lalong tumindi ang hilab. Pasimple kong hinimas 'yon sa pagbabakasakaling mawala ang sakit. Pero sa bawat minutong nadadagdag sa oras mas lalong sumasakit ang tyan ko. Nagsisimula na rin akong pagpawisan.

Sandali kong nilingon si Keigan pero nakatalikod siya sa'kin at parang meron siyang sinusulat.

Kusa akong napahiga sa sofa dahil sa sakit. Nanlalambot na rin ako at bumibigat ang paghinga. Para rin akong nasusuka. May mali sa sakit ng tyan na nararamdaman ko. Hindi to ordinaryo.

Kailangan kong bumalik sa unit ni Kuya. Nakakahiya kung dito ako maglulumpasay dahil sa sakit. Sa susunod ko na lang pagtataguan si Kuya Angelo.

Sinubukan kong tumayo pero agad akong napaupo ulit dahil mas lalong sumakit ang tyan ko. Lambot na lambot ako kaya kahit simpleng pag-upo ng maayos hindi ko magawa. Nakakahiya man pero mukang kailangan kong humingi ng tulong.

"K-Keigan," tawag ko sa kapatid ni Keifer. "Pwede mo ba kong tulungan?"

Wala akong narinig na sagot pero nakita ko siyang naglakad palapit sa harap ko. Hawak ang notebook na may iilang tilas na piraso ng papel.

"Pwedeng paki-tawagan ang pinsan ko? Nasa kabilang unit lang siya."

Itinaas niya ang notebook at nagsulat. "Mas mabilis ang epekto kapag mas marami ang nilagay," sabi niya at nagsulat.

Nilagay saan?

Kusa akong napatingin sa basong pinag-inuman ko. Anaknang... Sinasabi ko na! Kaya pala parang may iba akong nalalasahan sa inumin na 'yon.

"Anong... nilagay mo?" Mahina akong napaungol dahil sa sakit ng tyan ko.

"Glue," kaswal niyang sagot.

Ano? Muka ba kong papel na kailangang lagyan ng glue?

Dalawang kamay at braso ko na ang gamit ko para lang subukang pigilan ang sakit ng tyan ko. Ang mahinang ungol ay unti-unting napapalitan ng mahinang sigaw. Mas lalong tumitindi ang sakit at hindi ko na mapigilan pang mamalipit.

Gusto kong magalit sa kanya pero kahit mga salita hindi ko magawang bitawan dahil nauunahan ng sakit. Gustong-gusto ko na ring sumuka pero wala namang lumalabas sa lalamunan ko.

Hindi ko alam kung kanino hihingi ng tulong. Baka kung anong mangyari sa'kin kung hihintayin ko pang mawala ang sakit ng tyan ko. Kailangan kong tulungan ang sarili ko. Nagpatihulog ako mula sa sofa. Hindi ko kayang tumayo kaya mapipilitan akong gumapang.

Bago pa man ako makausad narinig kong bumukas ang pinto ng isang kwarto. Nilingon ko 'yon at ang umiiyak na Keiren ang bumungad sa'kin. Hawak din niya ang tyan niya at wala pang tatlong hakbang kusa na lang siyang bumagsak.

"Kuya... My stomach hurts!" umiiyak na sabi niya.

Tinignan ko si Keigan sa pagbabaka-sakali na tutulungan ang kapatid niya pero nagsulat lang ulit siya sa papel.

"Ngayon lang umipekto," sabi pa niya.

Pati kapatid niya?

Nanlaki ang mga mata ko. Anong problema niya at pati sariling kapatid niya pinainom din niya ng glue? Meron ba siyang balak sa'min?

Mas naging malakas ang pagiyak ni Keiren. Binalot ako ng pag-aalala. Baka hindi kayanin ng murang katawan niya ang sakit. Kung ako na mas matanda sa kanya nanghihina na paano pa kaya siya.

"Kuya!" pagsusumamo niya.

Kahit hinang-hina, pinilit ko ang sarili ko makagapang palapit sa kanya. Kusa akong napaiyak dahil bawat galaw ko mas lalong tumitindi ang sakit. Napapasigaw na rin ako pero mas kailangan kong masiguro ang kalagayan ni Keiren.

Pero dahil sa panhihinga kahit dulo ng daliri niya hindi ko magawang abutin. Wala akong magawa kundi sabayan ang pagiyak niya. Tahimik akong nagdasal na sana may dumating para makita ang kalagayan namin.

Keifer, please dumating ka na!

Literal akong hindi na gumagalaw. Maging paghinga ko nagiging sanhi din ng sakit ng tyan ko. Hindi ko na rin masyado marinig si Keiren na mas kinatakot ko. Kung magtatagal pa to baka kung ano na mangyari sa kanya.

Nabawasan lang ang pangamba ko ng marinig ko ang pagbukas ng pinto at marinig ang boses ni Keifer.

"What happened?" tarantang tanong niya.

Kita ko ang pagkalito niya sa kung sino ang unang lalapitan. Nagkusa na kong ituro ang kapatid niya dahil na rin sa pag-aalala ko.

"Si Keiren...tignan mo siya," umiiyak na utos ko.

Ginawa naman niya at dinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ng kapatid. Kagaya niya wala rin akong marinig na sagot. Wag naman sana siyang nawalan ng malay.

Binuhat ni Keifer ang kapatid at lumapit sa'kin.

"Hold on to me Jay. Dadalin ko kayo sa ospital," sabi niya bakas ang takot at pag-aalala.

Hindi na ko makagalaw pero ayokong maging pahirap sa kanya. Gustuhin ko mang magpaiwan alam kong hindi siya papayag. Inipon ko ng natitirang lakas ko. Kumapit ako sa kanya at pinilit tumayo. Napaiyak ako kasunod ng pagsigaw dahil sa sakit.

Sinabayan ko ang paghakbang niya palapit sa pinto at palabas. Sandali niya kong binitawan para buksan ang pinto. Mahigpit ang kapit ko sa kanya at mas lalong humihigpit bawat hakbang namin. Ayokong magpahuli at maging abala pero kusa akong napabitaw dahil sa panghihina.

Kahit kaunting lakas lang.

Kasunod kong bumagsak si Keifer habang hawak ang kapatid. Kita ko ang pagkataranta niya sa kung sino samin ang unang tutulungan.

Napahagulgol na ko hindi dahil sa sakit kundi dahil sa galit. Wala akong magawa sa sitwasyon namin. Ayokong maging pabigat. Ayoko siyang pahirapan. Kailangan din niyang dalin ang kapatid niya at hindi ako pwedeng makisabay.

"S-Sorry." umiiyak na sabi ko.

"No. No. Don't apologize." sabi niya at lumapit sa'kin bago tumalikod. "Papasanin kita."

Kinuha niya ang kamay ko at pilit akong hinatak pasakay sa likod niya. Ginawa ko ang makakaya ko para makasakay ng maayos. Sunod niyang nilapitan ang kapatid para buhatin ulit. Kumapit ako kahit lambot na lambot na ko.

Nagawa niya kaming buhatin hanggang sa loob ng elevator. Ibinaba niya lang kami sandali para makapagpahinga. Kinuha din niya ang cellphone para mag-dial ng number pero hindi ko na narinig ng maayos ang mga sinasabi niya. Mukang tumatawag siya ng ambulansya.

"Masyadong matagal!" sigaw niya at sandali akong napatingin sa kanya.

"U-Unahin mo si Keiren," bulong ko pero narinig pa rin niya.

"No. Wala akong uunahin o ihuhuli. Sabay ko kayong dadalhin sa ospital."

Ang kulit.

Naiinggit ako sa kanya. Para sa'kin nakakainggit ang lakas at diterminasyon niya. Lahat gagawin niya para sa'min. Wala siyang pipiliin sa kung sino dapat mauna niyang aasikasuhin.

Kung sana malakas din ako para matulungan ko siya. Kung sana meron lang akong pwedeng gawin para mabawasan ang paghihirap niya. Kung sana pwede akong mag-abot ng tulong.

Narinig ko ang pagtunog ng bell ng elevator. Ipapasan sana ulit ako ni Keifer pero bumukas ang pinto at ang malutong na mura ni Kuya Angelo ang sumalubong sa'min. Binuhat niya ko at inilabas ng elevator.

Mukang nasagot ang dasal ko.

Continue Reading

You'll Also Like

22.9M 587K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
691K 24.2K 44
Limang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito at tinuon na lang ang pansin sa ibang bab...
28.9K 1.5K 22
Mighty Jocks Series Book # 01
523K 19.3K 43
Si Crizel ay mahigit isang dekada ng bwisit na bwisit kay Kester Belleza. Mahigit isang dekada na nya itong sinusumpa. Kulang na lang ay ipakulam nya...