Hidden Princess

By DianeSolis766

3.7K 232 21

She believes that hiding her true identity is better than to be killed. More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 14

145 9 1
By DianeSolis766

Yna POV

"Mauna na ako sa inyo, tapos na naman ang oras ng trabaho ko. Marami pa akong kailangan gawin sa bahay." Paalam ko sa mga katrabaho ko dito sa cafe.

"Hatid na kita." Sabi ni Grin.

"Wag na. Malapit lang naman dito ang bahay ko."

"Nako girl! Magpahatid ka na, madami pa namang masasamang tao dito. Bago ka pa naman dito." Singit ni Riana.

Umiling ako. "Hindi na talaga. Kaya ko naman ang sarili ko. Sige na. Alis na ako." Naglakad na agad ako palabas ng cafe para para hindi na sila makatanggi pa.

"Magiingat ka, beautiful!" Sigaw ni Grin.

Bahagya nalang akong natawa sa tinawag nya sa akin. Sanay na ako sa kaniya. Yan na ang tawag nya sa akin simula ng dumating ako dito.

Naglalakad na ako pauwi nang maramdaman ko na may nakasunod sa akin. Tumingin ako sa likod pero wala na sya don, o mas dapat sabihing wala na sila don.

Muli akong nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa maramdaman kong muli na nasa likod ko sila, ilang metro ang layo pero sa pagkakataon na ito ay hindi ako lumingon.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa may nadaanan akong isang eskenita kaya agad akong pumunta don. Sinigurado ko na walang bahayan bago ako humarap sa kanila.

Hindi ako nagkamali ng hinala nang makita ko sila. Alam na alam ko ang mga presensya nila at kahit na magtago pa sila ay hindi nila ako malilinlang.

"Kahit saan talaga ako pumunta ay nagagawa nyo akong sundan. Hanggang dito ba naman sa mundong ito ay guguluhin nyo ang buhay ko." Sabi ko sa kanila.

"Yna." Sabi ng isa sa kanila.

Napangisi ako. "Dapat ba kitang purihin at palakpakan dahil alam mo ang pangalan ko?"

Unti unti silang lumapit sa akin. "Sumama ka sa amin." Sabi nito.

Inilagay ko sa bulsa ko ang isa kong kamay at hinawakan ang bagay na iyon. "Tingin nyo mapapasunod nyo ako? Wala kayong karapatan na utusan ako."

Inilabas ko ang kamay ko habang hawak ang holen ko. "Invoco la mia spada!" I summon my sword!

Agad silang naghanda ng makita ang aking espada. "Mamamatay muna ako bago nyo ako mapasama sa inyo!"

Agad kong sinugod ang pinakamalapit na dark holder sa akin. Agad din na naglapitan ang iba sa akin at sinubukan akong patumbahin pero hindi ko sila hahayaan na gawin iyon.

Agad kong sinaksak ang isa sa tiyan bago sinalag ang espada na muntik na tumama sa aking mukha.

"Piste kang itim na impakto ka! Ang dami mong pwedeng tamaan pero mukha ko pa talaga ang sinubukan mong puntiryahin!" Sigaw ko sa kanya.

Agad akong lumapit sa kanya at isinaksak ang espada ko sa puso nya! Sigurado ako na yan ang pinakamasakit na heartbreak na naranasan nya! Literal na nawasak ang puso nya!

Hindi kagaya ng iba diyan na iniwan lang ng kasintahan nila ay nawasak na daw ang puso nila!

May lima pang buhay na nakatayo sa harapan ko. "Ganon ba talaga katakot sa akin ang pinuno nyo para magpadala ng pitong kukuha sa akin? Magisa lang ako oh!" Inis na tanong ko sa kanila.

"Sumama ka nalang sa amin!" Sigaw ng isa sa kanila.

Tumawa ako ng malakas. "Ano ako tanga? Kapag sumama ako sa inyo edi namatay ako kahit hindi ko pa oras. Where's your brain dude?"

"Ayaw mo talaga? May pagkakataon ka pa!" Sigaw nyang muli.

"Ano ba ang kailangan nyo sa akin? I'm just a healer dude! There's nothing special about my ability."

"Huwag kang magmaang-maangan dahil alam naman nating lahat na ikaw lang naman ang may hawak ng light gem."

Ramdam ko ang pagkawala ng emosyon ko kasunod non ay ang pagngisi ko. "Magaling." Inilabas ko ang light gem ko na iilang tao palang ang nakakakita. "Ito ang gusto nyo diba?"

Napaurong sila. Kitang kita ang takot sa mga mukha nila pero hindi pa yon sapat para maging masaya ako. Itinutok ko sa kanila ang gem at naglabas ng enerhiya don na tumama sa kanila na naging sanhi ng pagtalsik nila at pagkamatay.

"Kung umalis lang sana kayo kanina edi sana buhay pa kayong lahat." Bulong ko sabay talikod.

"Nandito na ako sa mundong ito pero hindi mo parin talaga ako tinatantanan. Piste ka."

Nagpatuloy ako sa paglalakad pauwi sa bahay at agad akong sumalampak sa higaan ko.

Darating ang panahon na hindi ko na maitatago ito sa kanila. Kakailanganin kong bumalik sa mundong iyon.

Ilang araw na nagpaulit ulit ang gawain kong iyon. Gigising ng maaga, papasok at uuwi ng bahay. Walang pinagbago. Nakakapagod pero wala akong karapatan na magreklamo.

Hanggang sa muling dumating ang araw ng linggo at naisipan ko na pumunta sa pamilihan upang bumili ng aking makakain sa susunod na isang linggo.

"Magkano po ito?" Tanong ko sa tindera ng sitaw.

Sa lampas tatlong buwan kong nandito ay nakabisa ko na ang mga tinda dito. Namangha pa ako nung una dahil wala non sa mundo na kinalakihan ko.

"Bente lang isang tali, ineng." Sagot nito.

Agad akong namili ng magandang sitaw at inabot sa kanya. Pinili ko rin yung marami na sa isang tali para sulit ang bente ko.

Nagbayad na rin ako sa kanya at saka umalis sa tindahan nya para maghanap ng iba pang mabibili pero agad akong napatigil ng makita ang mga nilalang na hindi ko inaasahang makikita ko dito.

Naglalakad sila papunta sa direksyon ko. Nakatingin lang ako sa kanila hanggang sa mapatingin ang isa sa kanila sa akin.

"Yna." Bakas ang pagkagulat sa mukha nya ng makita ako. Ginawa ko ang pinakamagandang ideya na pumasok sa utak ko.

Tumalikod ako at mabilis na naglakad palayo sa kanila. Nasisiguro kong sila iyon kahit na nagiba ang kulay ng mga buhok at mata nila. Hindi ko makakalimutan ang itsyura nila. Nakakaagaw parin sila ng pansin kahit nagbago ang mga mata at buhok nila.

Mabilis akong naglakad, hindi ko sinubukan na lumingon sa likod dahil alam ko na sinusundan nila ako. Hindi nila ako pwedeng malapitan.

"Hey Yna!" Sigaw ng isa pang peste.

Bakit ngayon pa? Ano ba! Papasalubong sya sa akin pero agad akong lumiko para hindi sya masalubong. Mas mapapahamak ako kapag napalapit ako sa kanya ngayon.

"YNA INTAYIN MO AKO!" Sigaw nya.

Kung pwede ko lang talaga syang busalan para hindi nya mabanggit ang aking pangalan edi sana ginawa ko na.

Wala na akong choice kundi tumakbo dahil nararamdaman ko na ang presensya nila palapit sa akin. Bakit kasi ang linaw ng mata ni Megan eh?!

Kung saan saan ako sumuot para lang mailigaw sila. Pero napahinto ako ng sabay sabay silang lumitaw sa harapan ko. Agad akong tumingin sa paligid ko para makita kung may nakakita ba sa ginawa nila. Nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makitang tao dito.

"Yna." Sabi ni Travis.

Masama ko silang tiningnan isa isa hanggang sa huminto ang tingin ko kay Travis. "Anong kailangan nyo? Bakit kayo nandito?" Tanong ko sa kanila.

Biglang lumapit sa akin si Megan at niyakap ako pero agad ko rin iyong binaklas. "Huwag mo akong hawakan." Sabi ko.

Bahagya akong umatras palayo sa kanila. "Yna, sorry." Sabi nito.

Bahagya akong natawa sa tinuran nito. "May magagawa pa ba ang sorry mo sa nangyari sa akin ngayon? Pinaalis na ako sa mundong kinalakihan ko. Itinuturing na akong kaaway dahil sa inyo tapos ngayon hihingi ka ng sorry na parang wala lang ang ginawa nyo? Nagpapatawa ka ba?" Tanong ko sa kanila.

"Sumusunod lang kami sa batas Yna." Sabi ni Mady.

Lumipat ang tingin ko sa kanya. "Anong batas? Ang palayasin sa academy at ituring na kaaway ang holder na manakit sa inyo? Anong klaseng batas yan? Kapag ang ibang studyante ang nanakit at halos pumatay na ng kakampi nyang holder ay pinaparusahan nyo lamang ng ilang araw pero ako na walang nasaktan kahit isa sa inyo ay pinalayas sa academy at itinuring na kaaway ng mga nagaaral sa paaralan na iyon."

Masama ang loob ko sa kanila. Galit ako at ipapakita ko iyon. Wala kami sa mundong kinalakihan namin kung saan sila dapat igalang. Nandito kami sa mundo ng tao kung saan ang posisyon nila ay walang halaga.

"Tinutukan mo ng kutsilyo si Travis kaya namin nagawa iyon." Paliwanag ni Laine.

"Oo, tinutukan ko ng kutsilyo ang prinsipeng ito!" Itinuro ko pa si Travis na walang kibo habang nakatingin lang sa akin. "Pero hindi sapat na dahilan iyon para palayasin nyo ako. Hindi nga lumapat ang kutsilyo sa balat nya! Alam nyong hindi ko kayang manakit ng kung sino lang. Ang tagal ko na sa academy pero wala pa naman nabalita na nanakit ako ng walang kasalanan sa akin. Kilala nyo ako eh pero wala kayong tiwala sa akin."

Natahimik silang lahat. Walang nagbalak na kumibo sa kanila. Tumulo ang luha ko na pinipigilan kong tumulo. "Pinalayas nyo ako sa akademiya na naging tahanan ko simula pagkabata ko. Pinalayas nyo ako sa mundo kung saan dapat ako nakatira at namumuhay ng maligaya. Tapos ngayon na nandito na ako sa mundong ito kung saan natuto na akong mamuhay magisa, kung saan walang gulo at wala kayo saka pa kayo darating para guluhin ang buhay ko."

"YNA!" Napatingin agad ako sa likod ko dahil sa boses na iyon.

Tumatakbo sya palapit sa akin hanggang sa tumigil sya sa harapan ko at agad na kumunot ang noo nya ng makita ang mukha ko.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong nya. Agad kong pinunasan ang luha ko. Tumingin sya sa likod ko. "Kayo ba ang nagpaiyak sa kanya?" Halata ang inis sa boses nya.

Hinawakan ko sya sa braso nya para pigilan sya sa paglapit sa kanila. Muli akong humarap kila Travis na nakatingin naman sa kamay kong nakahawak sa braso ni Samuel.

"Umalis na kayo. Gawin nyo nalang ang kailangan nyong gawin dito at umalis na kayo. Huwag na kayong magpapakita sa akin dahil ayoko ng makita pa kayo."

Hinila ko palayo sa kanila si Samuel pero napatigil ako ng marinig ko ang boses nya. "Yna."

Muli akong lumingon sa kanya. "Ano pa ang kailangan mo Travis? Sabihin mo na para makauwi na ako sa bahay dahil gusto ko ng magpahinga."

Lumapit sya sa akin at hinawakan ang pulsuhan ko at hinila iyon dahilan para mabitawan ko ang braso ni Samuel. "Sumama ka na sa amin pabalik." Sabi nito.

Sinubukan kong alisin ang pagkakahawak nya sa braso ko pero hindi ko nagawang kalasin dahil mahigpit ang hawak nya don pero hindi sapat para masaktan ako.

"Hindi ako sasama sa inyo pabalik sa lugar na iyon kaya umalis na kayo dito."

Pumagitna sa amin si Samuel. "Bitawan mo sya." Sinubukan nyang tanggalin ang pagkakahawak sa akin ni Travis pero masyadong malakas si Travis.

Lumapit si Gino, Tristan at Cavin sa amin at hinawakan nila si Samuel para hilahin palayo sa amin.

"Pare, wag kang sisingit sa usapan nila kung ayaw mong silaban ka nya ng buhay." Sabi ni Gino.

"Bitawan nyo ako!" Sigaw ni Samuel na pilit na kumakawala sa kanila.

"Bitawan nyo sya Gino. Huwag nyong sagadin ang pasensya ko." Banta ko sa kanila.

Tumingin sila kay Travis pero umiling ito kaya hindi sila nakinig sa akin. Masama akong tumingin kay Travis. "Utusan mo silang bitawan si Samuel." Utos ko sa kanya.

"Sumama ka sa amin pabalik. Inaantay ka nila Desserie at ng mga kagrupo mo." Natigilan ako sa binanggit nya. Ang mga kaibigan ko.

"Gusto ka na nilang makita. Sumama ka sa amin pabalik."

Agad kong tinanggal ang munting emosyon sa utak ko. Hindi ako pwedeng magpadala sa mga sinasabi nya. "Bitawan mo ako!" Inis na sabi ko.

"Bitawan nyo nga ako. Sino ba kayo ha?! Lumayo nga kayo sa akin!" Sigaw din ni Samuel.

Buti nalang talaga at walang tao dito kundi makakagawa kami ng gulo dito. Hindi kami pwedeng manggulo sa mundong hindi naman namin pagaari.

"Umalis na kayo dito." Sabi ko sa kanila.

"Hindi kami pwedeng umalis dito, Yna. May misyon kami dito na inutos ni Headmaster." Sagot ni Megan.

"Gawin nyo nalang ang misyon nyo at umalis na kayo dito. Lumayo kayo sa akin at wag na kayong magpapakita pa!"

"Hindi madali ang misyon na pinapagawa sa amin Yna. Hindi madaling hanapin ang prinsesa." Sagot ni Mady.

Natigilan ako dahil doon.

Continue Reading

You'll Also Like

216K 1.1K 199
Mature content
34.4K 2.3K 56
𝐭𝐡𝐞 𝟐𝐧𝐝 𝐛𝐨𝐨𝐤 𝐨𝐟 𝐬𝐡𝐨𝐫𝐭 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐚𝐛𝐨𝐮𝐭 𝐨𝐥𝐢𝐯𝐢𝐚 𝐫𝐨𝐝𝐫𝐢𝐠𝐨 𝐚𝐧𝐝 𝐲/𝐧'𝐬 𝐦𝐞𝐞𝐭-𝐜𝐮𝐭𝐞𝐬/𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐢�...
327K 19K 41
You live in a different time zone Think I know what this is It's just the time's wrong
158K 6K 12
2 tom dylogii ,,Agony"