Kalmado (A Stand-alone Novel)

By isipatsalita

17.5K 2.8K 1K

Puro lang, walang halong kemikal. © 2022 isipatsalita More

Mensahe
Pasilip
Relaks 1
Relaks 2
Relaks 3
Relaks 4
Relaks 5
Relaks 6
Relaks 7
Relaks 8
Relaks 9
Relaks 10
Relaks 11
Relaks 12
Relaks 13
Relaks 14
Relaks 15
Relaks 16
Relaks 17
Relaks 18
Relaks 19
Relaks 20
Relaks 21
Relaks 23
Huling Relaks

Relaks 22

338 88 25
By isipatsalita

Naging maganda naman ang simula ng 2021 para sa amin. Nagpaputok lang ako tapos nagkainan kami no'ng January 1 hanggang sa mismong kaarawan ni Adria.

Kung ano-ano na namang tumatakbo sa isipan ninyo. One month celebration kasi iyon. Pero ayon nga, wala namang kakaibang nangyari sa unang apat na buwan ng taon.

Medyo nauurat na nga kaming dalawa kasi gustong-gusto na naming gumala at mag-out of town pero hindi naman puwede kasi todo ingat nga kami sa COVID.

Mahirap pa rin ang galawan lalo na sa sitwasyon kong kailangan kong mag-report sa opisina kahit once a week lang sa may Taguig. Required kasi iyon sa trabaho ko tapos work from home na ulit ako sa ibang araw.

May oras ngang naabutan pa ako ng lockdown kaya dalawang linggo akong hindi nakauwi sa kaniya.

Mabuti na lang kasi may pinsan akong nakatira malapit doon sa pinagtatrabahuhan ko.

Long distance na iyon para sa amin ni Adria, mga p're. Ka-bidyo call ko na nga lang siya minsan para hindi naman ako mangulila.

Sa araw-araw kasing magkasama kami noon, parang hindi na ako sanay na hindi siya kasama o hindi ko man lang katabi sa pagtulog.

Hindi ako sanay na walang sumisipa sa akin tuwing madaling-araw.

Dyowk lang. Hindi naman siya malikot matulog pero naninipa at nanununtok iyon kapag nananaginip nang masama.

Nang makauwi na ako sa kaniya, todo asikaso naman siya sa akin. Ganoon din ako. Nag-a-attend lang din naman ako sa mga pangangailangan niya bilang babae bago ako ulit magtrabaho para sa kinabukasan namin. Orayts.

Napag-alaman ko ring isinabak na niya sa Wattpad ang isang niluluto niyang istorya.

Wala naman akong ideya kung ano 'yang Wattpad na iyan kaya nagtanong ako. Ipinaliwanag naman niyang isang platform iyon para sa mga aspiring writers at mada-download nga raw iyon sa Play Store o App Store.

Dahil naiinip siya't wala pa raw feedback mula sa mga in-apply-an niyang kumpanya, ginawa niyang pampalipas oras ang pagta-type. Type naman ang ginagawa niya at hindi sulat, eh.

May punto naman ako, 'di ba?

'de, si Adria kasi ay matagal nang nagsusulat. Naikuwento niya sa akin na taong 2009 pa lang, ginagawa na niya iyon kapag bored siya.

Hanggang sa naging mag-boypren at gerlpren na kami, naging pampalipas oras na niya iyon.

Kahit no'ng nagsimula na kaming magsama, palagi siyang nakaharap sa cellphone at laptop niya. Kapag tinatanong ko naman kung ano ang isinusulat niya, itinutulak niya ako palayo.

Nahihiya raw siyang mabasa ko iyon kasi lalaki ako.

Aba'y ano naman kung may itlog ako? May rule bang bawal magbasa ang lalaki nang ganoon?

Romance daw kasi ang genre ng mga istorya niya.

O, eh ano naman? Wala naman akong reklamo kahit pa "It's not you, it's me" ang mabasa ko roon. Pero ayaw niya talagang ipabasa sa akin kaya hinayaan ko na lang.

Naisip ko ngang baka ginawa niya akong kontrabida sa mga istorya niya o kaya 'yong gagong bidang lalaki para makaganti sa mga pang-aasar ko sa kaniya.

Tatawanan lang ako no'n tapos sasabihin pang, "Secret."

Eh 'di malamang ganoon nga ang isinulat niya.

Basta ba roon siya masaya at nakahihinga, susuportahan ko siya. Mas gusto ko na 'yong nakatutok siya sa laptop niya kaysa nakikipag-inuman sa mga kaibigan palagi.

Ayon naman ang isang bagay na ikinatutuwa ko sa bata. Hindi siya mahilig maki-party at makisalamuha kung kani-kanino.

Mas gugustuhin niyang manatali sa bahay kaysa makipagbulatehan sa ibang tao.

Wala rin siyang solid na katropang lalaki pagkatapos niyang g-um-raduate ng college kaya wala rin talaga akong ipag-iisip. At kahit mayroon mang kaclose na lalaki, malaki ang tiwala ko sa kaniya.

Hindi niya talaga pinasakit ang ulo ko sa ganoong bagay. Iyong hindi ako mag-aalala na baka may mambastos sa kaniya o ano mang negatibong puwedeng mangyari.

Mas gugustuhin niya ang sumama sa mga lakad ko kaysa umalis siya na iba ang kasama niya.

Pero marunong din siyang magbigay sa akin ng oras kasama ang mga katropa ko. Kapag inuman at all boys lang, pinapayagan niya ako.

Marunong naman kasi akong magpaalam at mag-update sa kaniya.

Kilala rin niya ang mga sinasamahan ko kasi palagi akong nagkukuwento tungkol sa mga kumag at madalas ko na rin siyang isama sa lakad ng tropa.

Hindi siya mahigpit sa akin. Alam naman niya kasing responsable ako kahit pa kunwari'y nakainom ako.

Alam niyang hindi ako pakawalang lalaki.

May oras nga lang na kapag late na akong nakauuwi, aamuyin ako bigla no'n tapos sasabihing, "Walang sexy gorls doon?"

Ang kyut ngang magselos, ah, ah. Makikita ko na lang rumorolyo ang mga mata tapos mapang-asar ang ngiti sa akin. Saka sasamahan pa no'ng peymus line niyang, "Hmp! Hindi mo na ako lab!"

Pinagseselosan lang naman niya minsan ang mga nagha-heart react na babae sa mga posts ko lalo na kapag hindi niya kilala.

Nagtatanong lang iyon ng isang beses tapos hindi na uulitin. Hindi rin niya pinakikialamanan ang cellphone ko puwera na lang ako ang mag-utos no'n.

Nakabuyangyang lang din naman ang cellphone ko sa bahay. Naka-loud pa nga palagi. Wala naman kasi akong itatago.

Minsan nga ako pa ang nakalilimot kung saan ko ipinatong o inilagay iyon.

Nasanay na kasi akong kasama siya kaya hindi ko na kakailangan ng cellphone puwera na lang may mga kliyente at buyer akong kausap.

Aktwali, iyon na nga lang ang nagpapatunog sa cellphone ko pati 'yong group chat naming magkakatropa.

Ganoon din naman siya. Kapag may nagse-send nga ng friend request sa kaniyang lalaki, 'matik iyon, isusumbong sa akin. Lalo na kapag may message pang, Hello po.

Utang na labas. Natatawa na lang talaga ako, eh.

Seryoso ba sila? Iyon na 'yon? Wala man lang ka-thrill-thrill.

Ni hindi nga ako pagpapawisan.

Marami pang ganoong eksena si Adria sa akin. Tapos biglang magtatanong iyon kung bakit hindi ako nagseselos?

Gusto raw niyang maranasan iyong nagtutunog husky raw ang boses ko tapos bigla ko raw siyang ikukulong sa kuwarto para sabihing, "Akin ka lang, Adria."

Putanginaaaaa. Laptrip. Tambling, Palakol!

Nito ko lang nalalamang galing pala sa Wattpad lahat ng mga itinatanong niya sa aking weirdo. Pero dati nga kasi, idinadaan ko na lang sa tawa.

Kinilabutan ako, eh. Ni hindi ko nga ma-imagine ang sarili kong nagsasalita ng mga ganoon sa kaniya.

Saka paano ko naman sasabihin iyon, aber? Eh palagi siyang nakadikit sa akin. Patay na patay pa nga. Saka tamad ngang makipag-usap at makipagkita sa mga babaeng kaibigan niya, paano pa sa lalaki?

Tapos tatawa na lang iyon sa akin, men. Paranas naman daw 'yong umiigting ang panga ko.

Utang na labas, iba ang umiigting sa akin. At umiigting lang iyon kapag nanggigigil ako sa kaniya.

Gumawa na nga ako ng Wattpad account para lang suportahan siya sa mga kinalolokohan niya. Iyong bidang lalaki na nga ang bukambibig niya. Proud na proud siya roon.

Sinabi pang hinubog niya raw ang karakter n'on sa pagkatao ko.

Huwaw, nahiya naman ako.

Inatake ako ng kuryosidad kaya binasa ko ang ilang kabanata. Ang tiyaga ko, boy. Ang hirap-hirap at nakatatamad magbasa ng mga mahahabang paragraph pero binasa ko talaga.

Pinagtawanan pa nga niya ako nang makita niyang binabasa ko iyon.

Ang pula ng mukha, ah? Hiyang-hiya siya sa lagay na iyon.

Sinabi pang hindi raw bagay sa aking nagbabasa ng Romance story. Hindi naman daw pati ako makararamdam ng kilig sa ganoon.

Baka raw laitin ko pa ang mga karakter niya.

Woy, kailan ako naging ganoon? Hindi ko nga pinansin 'yong "Hi. How is you? You look family." niya!

Isipin n'yo nga. Kapag may nakabasa n'on at sinabi niyang hinulma iyon sa akin, eh 'di iisipin ng mga taong nakabasa n'on na ang bobo-bobo ko sa ingles?

Aruuu. Makukurot ko talaga ang bata sa singit, eh.

There's no proven and tested, guys. Don't jads me.

Pero sige lang, suportado ko siya.

Gusto raw niya ng light story parang sa amin kaya sinabi kong gawin lang niya ang gusto niyang gawin basta masaya siya.

Mahirap kaya ang ginagawa niya, isip-isip ko no'n. Nakakatanga kayang mag-isip ng mga tamang salita para magmukhang kaengga-engganyo iyon sa mambabasa.

Nagbigay lang ako sa kaniya ng mga payo noon kahit hindi ako writer at wala akong alam sa ganoon.

Sinabi kong huwag niyang lalagyan ng mga kakila-kilabot na linyahan na tipong hindi na maniniwala ang mga tao.

Minsan kasi iyong Fiction, kailangan ding haluan nang kaunting reality nang sa ganoon ay maraming maka-relate na readers.

Sobra ang dedikasyon niya no'n.

Minsan nga'y hindi ko na makausap nang matino kasi naguguluhan daw siya kapag nagta-type tapos sasabayan ko raw ng salita. Eh 'di nag-sign language ako.

Kapag nakikita ko namang abala pa rin siya tapos ako naman ang natetengga, ako na ang nagluluto para sa aming dalawa.

Tinutulungan ko siya sa mga gawaing bahay kasi alam kong kailangan niya ring mag-concentrate sa isinusulat niya.

Kapag tapos na siya sa mga chapters na iyon, bigla na siyang maglalambing sa akin. Ako raw ang inspirasyon niya sa pagbuo no'n.

Eh 'di binigyan ko rin siya ng inspirasyon para may maisulat siyang labing-labing scene. Ow right.

Goods naman kami sa mga pinaggagagawa namin sa buhay. May oras na babad din ako sa laptop lalo na kapag marami akong artworks na kailangang i-submit.

Mayroon pa akong ibang pinagkakakitaan para naman mapabilis ang pag-iipon ko para sa kasal naming dalawa at para na rin makabili na ako no'ng mga trip kong bilhin para sa oto ko.

Hanggang sa isang umaga, sumigaw na lang siya sa may banyo.

Nang maalimpungatan, kumaripas ako ng takbo pababa kasi kakaiba ang sigaw niyang iyon.

Paulit-ulit lang niyang sinasabi ang pangalan ko habang umiiyak, "Axe... Axe..."

Puro pula ang nakikita ko sa kamay niya pati na rin sa pagitan ng mga hita niya.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Ni hindi ko siya malapitan. Para akong natanga. Nawala ang presence of mind ko.

"Ano'ng nangyari?" sabi ko na lang habang nakasabunot ang mga kamay ko sa buhok ko.

Parang hindi maproseso ng utak ko ang mga nakikita ko. Dumoble pa ang kaba ko kasi iyak siya nang iyak at hindi ko ginusto ang tono no'n na parang nagmamakaawa sa akin.

"Axe, sorry," nanginginig niyang salita sa akin no'n.

Tandang-tanda ko pa kung paano ko siya niyakap no'n. Ramdam ko ang panginginig niya ng katawan niya. Siya ang unang kumalas at lumakas pa lalo ang pag-iyak niya nang mapagmasdan ang dugo sa kamay niya.

May kapiraso pang...

Putangina.

Bakit hindi ko alam? Bakit hindi ko na-monitor? Bakit wala naman siyang nababanggit tungkol doon?

Wala akong ibang narinig kung 'di ang hagulgol niya. Wala rin akong nagawa kung 'di paupuin siya sa may bowl para malinisan ko ang dugo sa kamay at hita niya.

Nanginginig din ako. Alam kong hindi iyon normal na menstruation.

Nagtanong na ako, "Alam mo ba 'yong tungkol dito?"

Ilang beses kong narinig ang paghingi niya ng sorry. Susurpresahin niya raw sana ako sa mismong Birthday celebration ng kaniyang Mama.

No'ng nakaraang linggo pa raw niya nalaman no'ng nasa Taguig ako't napa-timing na inabutan na naman ako ng lockdown doon kaya hindi ako nakauwi sa kaniya.

Eight weeks, putangina.

Napaupo ako sa tiles no'n. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Napabilang pa ako sa isipan ko. Napamura ako nang maalalang nag-inuman pa kami no'ng mga nakaraang buwan sa bahay.

Ang sakit ng sikmura ko. Parang may kung ano'ng namimilipit sa loob ko pati 'yong dibdib ko'y sobrang bigat na rin.

Lalong dumoble ang pag-iyak niya. Idinikit ko na lang ang noo ko sa may tuhod niya habang mahigpit ang kapit ko sa isa niyang binti.

Inaya ko siyang pumunta sa ospital pero umayaw siya. Natatakot daw siya. Hindi raw niya alam ang gagawin niya.

Mas lalo pang bumigat nang marinig ko mismo sa kaniyang, "Wala na si baby. Wala na."

Akala ko'y wala nang mas lulupit pa sa tadhana. Akala ko'y naranasan ko na ang pinakamasakit na maaaring maranasan ng isang lalaking katulad ko.

Hindi pa ba sapat na kinuha na si Mamme? Bakit kailangan pati si baby?

Bakit kailangan pang mangyari sa magiging asawa ko iyon?

Hindi naman akong gagong lalaki. Pananagutan ko naman. Mamahalin ko. Aalagaan ko sila. Mahilig naman ako sa bata. Hindi naman ako babaero. Wala akong ibang ginusto kung 'di mapaayos ang mga buhay namin.

Bakit?

Ano na naman ba ang kasalanan kong malala? Bakit may ganoong klaseng parusa?

Buhay iyon, eh. Buhay na iyon sa loob ng tiyan niya. Magkakaroon na sana kami ng anak na pareho naming ginusto.

Hindi naman kasi nagkabiglaan lang. Naplano na namin iyon. Kahit putanginang hindi pa kami kasal, gusto kong mangyari iyon.

At kung ganoon na iyon kabigat para sa akin, paano pa kaya siya na nanggaling mismo iyon sa loob ng tiyan niya?

Hindi ko alam kung paano pagagaanin ang loob niya kasi kahit ako'y lumong-lumo no'ng sandaling iyon.

Naiintindihan ko namang kailangan niyang itago muna ang tungkol doon kasi nga susurpresahin niya sana ako pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kailangan niyang maranasan iyon?

Gusto ko na namang manguwestiyon pero pilit ko na lang ipinapasok sa kukote kong may mabigat na dahilan kung bakit binawi agad sa amin ang isang napakalaking biyaya.

Kahit hindi katanggap-tanggap ang dahilang iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.3K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
697K 31K 45
Masarap talaga ang bawal. Lalo na kung araw-araw kang sinusubok ng tadhana. The more forbidden it is, the greater the urge to have it yourself. Kay d...
7.6K 392 34
Marcus Cho loved Joanne once in his life. Mas mahalaga pa ito kaysa sa pangarap niya. But she hurt him big-time. He vowed to himself he would never f...