Kalmado (A Stand-alone Novel)

Od isipatsalita

17.5K 2.8K 1K

Puro lang, walang halong kemikal. © 2022 isipatsalita Více

Mensahe
Pasilip
Relaks 1
Relaks 2
Relaks 3
Relaks 4
Relaks 5
Relaks 6
Relaks 7
Relaks 8
Relaks 9
Relaks 10
Relaks 11
Relaks 12
Relaks 13
Relaks 14
Relaks 15
Relaks 16
Relaks 17
Relaks 18
Relaks 20
Relaks 21
Relaks 22
Relaks 23
Huling Relaks

Relaks 19

352 84 45
Od isipatsalita

Hindi ba't sabi kong gusto kong planado ang mga bagay-bagay?

No'ng oras na iyon, wala akong disenteng proposal sa bata. Wala rin akong singsing na nailagay sa daliri niya. Literal na walang kaplano-plano.

Hindi ko rin kasi akalaing mapapa-propose ako habang nagrarambulan kaming dalawa sa banyo roon sa Villa Ibarra.

Sinabi ko naman sa kaniyang babawi ako sa kaniya sa susunod pero imbis na mapangiti, iyak siya nang iyak.

Bakit daw nakahubo kami no'ng sinabi ko iyon? Paano raw niya maipopost sa Peysbuk ang moment na iyon kung para kaming sina Eba at Adan?

Hindi ko rin alam. Para bang sinabi ng anghel sa kaliwang tainga ko na, "Sige na, Axe. Ikasa mo na. Huwag mo nang pakawalan pa."

Pero sabi rin ng demonyo sa kanang tainga ko, "Puwede ka pang umatras kasi wala ka pa namang pruweba na nag-propose ka."

Alam n'yo naman siguro kung gaano ako kaseryoso sa kaniya.

Alam ko ring dati pa lang, ulol na ulol na ako sa kaniya.

Nadadagdagan pa nga taun-taon kaya nga siguro ganito ang naging epekto sa akin.

Basta kapag kasama ko si Adria, parang gumagaan ang lahat.

Oo, dumarating 'yong mga hindi magagandang araw at pangyayari, pero hindi na iyon gaanong mabigat dahil magkasama kaming hinaharap at nireresolba iyon.

Masasabi kong may improvement lalo na nang sinubukan naming sumama sa isang Christian community sa may Sta. Rosa, Laguna.

Huwag ninyo akong tawanan. Legit 'to.

Ayaw ko pa nga no'ng umpisa dahil puro mga seryoso ang tao roon at pakiramdam ko'y maa-out of place ako.

Hindi ako sanay sa ganoong environment at baka lagnatin ako pag-uwi pero naisip kong wala namang masamang subukan.

Isa pa'y gusto ko rin Siyang makilala nang mas mabuti.

Hindi kasi ako palabasa ng bibliya. Matagal na rin akong tumigil magsimba sa Catholic church. Kahit naman nag-aral ako sa isang Catholic school noong high school, hindi pa rin sapat ang kaalaman ko.

Lilinawin ko lang na open ako sa kahit anong relihiyon. Basta kung saan ko Siya mas makikilala, roon ako. Kung saan ako mas mapabubuti, eh 'di sige lang.

Ilang buwan din kaming tuwing Linggo pumupunta roon. Medyo pormal pa nga ang suotan doon. Hindi pupuwedeng white t-shirt lang tapos maong pants.

Kailangan kagalang-galang ang itsura mo.

Na-culture shock pa nga ako no'ng una kasi kinailangan kong kumanta at sumayaw tulad ng ibang naroon. Hindi ko pa man din alam ang lyrics kasi bagong salta ako kaya nakipalakpak na lang muna ako habang pinagmamasdan ang mga taong naroon.

Hindi kasi ganoon ang nakasanayan ko kaya sorry naman.

Tinatawag din akong "Brother" ng mga nakasasalamuha namin. Mga katropa ko lang naman ang tumatawag nang ganoon sa akin pero sa kupal pang paraan.

Doon, ang gagalang talaga ng mga tao.

Nagulat ako. Parang nahihiya pa ako kasi isa akong malaking kasalanan pero nandoon akonakikibagay sa mga taong mukhang respetado at marami nang alam sa salita ni Lord.

Hanggang sa nakapag-adjust na rin ako. Kahit ang lalim mag-ingles ng Pastor doon, naiintindihan ko, men. (Grabe kayo sa akin).

Lahat ng mga preachings doon ay tumatagos sa buong sistema ko. Nabigyang linaw ang mga bagay-bagay sa akin.

At malaki ang pasasalamat namin ni Adria sa isang kaibigan naming nag-inbayt sa amin doon.

Hindi pa rin naman ako tumino nang matindi no'n pero nabawasan iyong mga inirereklamo ko sa buhay.

Doon ko sinimulang tanggapin ang pagkawala ng ermats ko (pero miss na miss ko pa rin), ang mga desisyon ng tatay ko, mas kinilala ko na rin si Tita Louise (kinakasama ni Dadde), mas natuto kong yakapin ang mga flaws ni Adria at mas makuntento sa buhay na mayroon ako.

Sa totoo lang, mas nahulma ang pagkatao ko no'n.

Naks, lalim, ano? Kahit ako'y hindi ko rin akalaing magsasalita ako nang ganito, eh.

Hindi na nga lang naging consistent ang pagpunta namin doon dahil sa trabaho at iba pang errands pero alam Niyang hindi ako nakalilimot sa Kaniya.

Hindi kami nakalilimot na idulog sa Kaniya ang mga bagay-bagay. Masaya man o malungkot. Madali man o mahirap. Paksyet man o sobrang paksyet.

Maraming tao ang nanghuhusga sa amin na nabubuhay daw kami sa kasalanan.

May mga kamag-anak pa nga kami (lalo na side ni Adria) na kapag may pangit na nangyayari sa kaniya-kaniya naming buhay o bilang mag-"live-in partners", palagi nilang sinasabing kulang kami sa pananampalataya.

Akala ko gulay ang ampalaya pero inuugali rin talaga ng iba, ano?

Noong naaksidente kami no'ng 2016 na tumaob talaga 'yong kotseng gamit namin, aba, mayroon pa rin talagang ibang tao na sinabing kulang daw kami sa pagdarasal kaya nangyari iyon sa amin.

Mawalang-galang na ho, ano ho?

Eh kaya nga siguro kami nabuhay at nailigtas kasi malakas ang kapit namin kay Lord at hindi pa talaga kami welcome sa heaven pero siyempre, hindi na kami nagpaliwanag pa sa mga ganoong tao dahil wala kaming panahon para sa negative shit.

Aruuu, juskupu. Minsan talaga ayaw na lang naming magsalita.

Kami kasing dalawa'y aminadong makasalanan. Hindi namin itinatanggi iyon.

Sino ba ang hindi? Sino ba ang mga walang buntot at sungay dito? May exempted ba rito?

Pero ganito kasi iyon, eh. Minsan kailangan na lang nating manahimik kapag may napapansin tayong mali o masama sa kapwa natin.

Itago na lang natin sa mga isipan natin hangga't maaari kaysa ipagkalat ang tsismis na hindi naman natin ikayayaman, 'di ba?

Hindi naman sa lahat ng oras ay kailangan ng ibang tao ang opinyon natin. Hindi naman sa lahat ng oras ay tayo ang tama at sila ang mali. Vice versa.

Magbibigay na lang din ako ng example.

Hindi nating puwedeng sabihing, "Ay, kaya magpapakasal ang mga iyan kasi nabuntis na lang ang babae."

O 'di kaya naman, "Ah, kaya iniwan ng babae 'yong lalaki kasi mukha naman 'yong babaero."

Aktwali, wala namang masama sa opinyon, eh. Nirerespeto iyan kasi magkakaiba tayo ng pananaw pero ang punto rito ay kung paano at saan mo gagamitin ang "opinyon" na iyan.

Kung gagamitin mo ba itong panira sa kapwa? O para ikaangat ng imahe mo sa iba? O para ipakitang ikaw ang walang bahid ng kahit anong kasalanan?

At iyon ang madalas naming maranasan ni Adria sa ilang taon naming pagsasama. Na kahit wala naman kaming inaagrabyadong iba, mayroon at mayroon pa ring sumusubok sa pasensya namin.

Tingin ko nga'y hinihintay lang nilang pumatol kami para mapatunayan nilang, "O, ayan. Ang sasama naman pala talaga ng ugali."

Kaya pinabayaan namin ang mga mapanghusgang nilalang. Iniisip na lang namin na baka bored sila sa mga buhay nila kaya 'yong buhay namin ang napagdidiskitahan.

Hindi naman kami artista pero ginagawan ng isyu. Aruy naman.

Iniiyakan na lang minsan ni Adria iyon. May oras kasi na nauubos din ang pasensya niya kaya idinadaan na lang sa iyak. Ako nama'y magbibiro na lang hanggang sa bumalik na ulit ang wisyo niya.

Ang mahalaga nama'y magkasama kami. Kasama rin namin Siya.

Kaya nga ang maganda roon sa mga kahol nang kahol, pakahulin n'yo lang hanggang sa mapagod. Huwag ninyong hayaang kayo ang lamunin ng stress kung 'di sila dapat ang makaramdam no'n.

Kaya no'ng ikapitong taon namin, napansin naming gumanda-ganda ang takbo ng buhay namin.

Hindi na kasi nakapokus sa "stress". Doon na lang palagi sa makabubuti sa katawang lupa namin.

Para bang hindi na namin pinalalaki ang mga maliliit lang sanang bagay. At mas itinutuon namin ang atensyon sa mga biyayang natatanggap.

Katulad no'ng nabalitaan naming buntis ang kinakasama ni Dadde at natuwa kaming lahat nang malamang babae ang ipinagdadala nito.

Pangarap kasi nina Mamme at Dadde noon na magkaroon ng babaeng anak para raw may kapatid ako kaso hindi na nga nila kinaya.

Hindi man naibigay ng nanay ko iyon sa tatay ko, si Tita Louise naman ang tumupad sa pangarap na iyon.

At sa maniwala man kayo o hindi, magkapareho pa nga ng Bortdi sina Mamme at Tita Louise.

Ewan ko ba. Para bang itinuro ng nanay ko si Dadde sa tamang babae.

Paano ko nasabing tama? Kasi nakikita kong masaya ang ama ko rito at naaalagaan siya nang maayos. Kaya hangad ko'y ganoon din ang maramdaman ni Tita sa relasyon nila.

Parang ako kay Adria. Masasabi kong nasa tamang babae na ako. At bali-baliktarin man ang mundo (taena, nakahihilo iyon), siya lang ang malakas sa akin, mga tsongs.

Sa kaniya pa rin babagsak.

Kaya nga kahit hindi pa kami kasal, ipinakikilala ko na siyang misis sa iba. Alam niya iyon.

Ganoon na kasi ang turing ko sa kaniya, eh. Hindi man legal sa papel o sa paningin ng mga maderpakers, para sa akinasawa ko na siya.

Dami ngang nagsasabi dati na mag-ingat daw kami sa seven-year itch. May mga kakilala kasi kaming naniniwala sa ganoon.

Hindi naman uso sa amin iyon. Naghiwalay nga kami no'ng ikatlo at ikalimang taon, eh. Putanginang iyan. Isusumpa ko talaga ang nagpauso niyan kung sakaling nangyari ulit iyon.

Pero applicable naman din sa amin ang seven-year itch na iyan kasing kating-kati talaga ako sa kaniya no'n.

Para bang mas dumoble ang lambingan namin, mga erp.

Mas naging adbentyurus pati kami. Hindi ko na idedetalye pero sa tingin namin eh mas naging solid kami pagkatapos no'n. Seryoso.

Doon na namin napagsasabay ang rough sex at lovemaking. 

Natuto na rin akong maging vocal pagdating sa mga iniisip at nararamdaman ko. Mas naging open talaga ako.

Kapag nagtatampo ako, nasasabi ko na iyon nang diretsahan. Kapag masaya ako, puta, bigay-todo naman, ah?

Sa sobrang open na, nahihirapan na tuloy siyang patahimikin ako.

Utang na labas. Kung character development lang din naman ang pag-uusapanhinog na hinog na, mga p're!

Ganoon din ang tingin ko kay Adria.

Nakikita ko ang mga magagandang pagbabago sa kaniya. Palagi na nga niyang itinatanong kung ano'ng nararamdaman ko.

Na kapag may iniinda raw ako, huwag daw akong matakot magsabi sa kaniya kasi iintindihin daw niya iyon. "Partners" daw kami, eh. Ganoon din daw siya sa akin.

At nakiusap siyang huwag ko nang uulitin 'yong dating pinauwi ko siya sa kanila kasi super ouchy daw iyon.

"Mukha lang akong kitty but ayaw ko namang paalisin mo lang ako basta here kapag ayaw mo na sa akin or kapag hindi mo na ako need." (non-verbatim, pero ganiyan magsalita iyon)

Ang kyut, eh. Siya talaga 'yong mature mag-isip pero kayang-kayang magpa-baby sa akin.

Kapag ako ang kausap niya, grabeng mag-baby talk iyan. Basta parang bata talaga lalo na kapag nagpapalambing.

Pero kapag nag-uumpisa nang mainis, nako, tiklop na lang ako.

Third rule sa bahay: Huwag sabayan ang init ng ulo ng bawat isa.

Pero kung init ng katawan ang pag-uusapan, 'yown, puwede talagang magsabay.

May usapan din kami na kapag nagkakainisan na kami sa maliliit na bagay, patawanin ko raw siya para maagapan ang namumuong sama ng panahon.

Palagi ko raw siyang banatan ng mga nakatatawa para malihis ang inis niya sa akin.

Ang unfair, 'di ba? Patatawanin ko siya kapag inis na siya. Paano naman kapag ako ang buwisit na?

Siyempre, may sagot na siya sa ganiyan. Daanin sa sex si Palakol.

Alam niya kasing kapag mabilis akong mapatatahimik kapag... Alam niya kasing kapag mabilis akong mapatatahimik kapag... too much impormeysyon.

Sa madaling salita, mas nahahawakan na namin nang mabuti ang relasyon namin. Pinagbubuti rin namin ang mga trabaho/negosyo namin sa paraang kaya namin at higit sa lahat ay maganda na ang relasyon namin sa kaniya-kaniyang pamilya.

1. Ako, Dadde, Tita Louise + Peppa Pig na baby

2. Siya, Mama, Ate, Kuya + pamangkin

Hindi ko nga akalaing magma-mature ako nang ganoon. Tipong wala na akong sama ng loob talaga sa tatay ko lalo na no'ng nagkaiyakan kami sa bahay nila no'n.

Sabog uhog ko nang humingi siya ng pasensya sa akin, ah? Humingi siya ng sorry sa lahat ng mga pagkukulang at pagkakamali niya sa akin.

Pinuri pa ako! Na masuwerte raw siya dahil ako ang anak niya. Na hindi ko siya binigyan ng sakit ng ulo simula bata pa ako hanggang sa tumanda na ako.

Ngali-ngali kong itanong, "Syur na iyan? Hindi talaga ako naging sakit ng ulo?"

Pero na-gets ko naman ang ipinupunto niya. Hindi naman talaga kami dumating sa punto na gusto na niya akong palayasin dahil ako'y adik o dahil palagi akong napato-trobol at alam naman niyang hindi ko sila binastos ni Mamme.

Nag-sorry rin ako lalo na no'ng mga panahong pabalang ko siyang nasagot dahil nga may saltik ako sa ulo't masama na ang loob ko sa kaniya.

Niyakap ako ni Dadde, ah? Dinagukan pa ako. Ang lakas ng pagtapik niya sa likod ko, p're.

Humingi na rin ako ng pera pambili ko sana ng mags pero minura niya ako.

Dyowk lang naman iyon, eh. Naglalambing lang naman ako. Hindi pala nakalusot. Nyahaha!

Natutuwa rin ako sa improvement ng tatay ko. Mas naging palatawa na rin siya kaysa dati na akala mo'y palaging may kaaway. Nabibisita na rin namin nang sabay ang puntod ni Mamme.

Dati kasi, kami lang ni Adria ang pumupunta roon. Isa pa iyon sa mga dahilan kung bakit sAd Bhoii ako. Pero goods na kami no'n ng erpats ko.

Itinuring din niyang anak si Adria.

Father figure kasi ang kulang sa bata kaya kita ko kung paano siya kiligin at matuwa sa tuwing binibigyan siya ng flowers at cake ng tatay ko lalo na kapag may okasyon.

May oras ding nadadatnan ko silang magkausap kapag bumibisita kami roon sa bahay nila. Tapos pagagalitan ko ang ama ko kasi binubugahan ba naman ng usok ang bata sa mukha. Hanggang sa magkakatawanan na lang kami.

Nakakatakot nga kapag masyadong masaya ang mga nangyayari sa buhay ninyo.

Kasi alam naman nating kapag may masaya, may kaakibat na paksyet iyon, hindi ba?

Kaya no'ng ikawalong taon namin, usaping pera naman ang naging problema ko.

Isang malaki at mahabang PUTANGINAAAAA ulit, mga motherpakas.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

6.5K 377 33
Misfits Series #3: Your Eyes Tell (Published under Grenierielly Publishing) Living with misery and indifference, Keres had a difficulty in blending i...
66.6K 3.4K 94
Drayden Escanilla, a popular grade 12 student. A typical heartthrob teen who seems lost and confused with everything that's happening in his life. Wi...
1.1K 106 25
If there's anything that Beatrize Garcia wants in life is to accomplish her goals. Living in a poor life lets her realize how hard work and efforts w...