Kalmado (A Stand-alone Novel)

Von isipatsalita

17.5K 2.8K 1K

Puro lang, walang halong kemikal. © 2022 isipatsalita Mehr

Mensahe
Pasilip
Relaks 1
Relaks 2
Relaks 3
Relaks 4
Relaks 5
Relaks 6
Relaks 7
Relaks 8
Relaks 9
Relaks 10
Relaks 11
Relaks 12
Relaks 13
Relaks 14
Relaks 15
Relaks 16
Relaks 18
Relaks 19
Relaks 20
Relaks 21
Relaks 22
Relaks 23
Huling Relaks

Relaks 17

325 95 16
Von isipatsalita

Relaks. Bakit kayo nagagalit sa akin?

Kung mababasa siguro ito ng mga taong hindi kami kakilala o hindi aware sa sitwasyon namin ngayon, malamang sa malamang huhusgahan na nila ako.

Kuwento ko na lang din kung ano'ng nangyari kinaumagahan no'n.

Paggising ko, wala na siya sa tabi ko. Wala na siya roon kasi nasa loob siya ng banyo. Narinig ko pa nga ang lagaslas ng tubig kaya alam kong naliligo siya.

Napansin kong wala na rin pala sina Dadde at 'yong babae. Pagtingin ko sa oras, doon ko lang napagtantong na-late pala ako ng gising.

May trabaho ako no'ng araw na iyon pero hindi ko na ininda. Wala rin naman akong ganang pumasok no'n.

Sunod kong nakita sa may sala ang isang maleta at iba pang mga bag ni Adria. Napahinga na lang ako nang malalim.

Mabuti na rin iyon, isip-isip ko.

Pero pagpunta ko sa may kusina, parang nanlata na lang ako. May iniluto siya para sa akin. Nakahanda na rin 'yong personalized kong tasa, pinggan at kubyertos na iniregalo niya sa akin dati.

Dahil wala akong kagana-gana, bumalik na lang ako sa kuwarto. Balak ko na lang matulog ulit bago pa siya umalis dahil ayaw kong marinig ang kotse niyang papalayo roon sa bahay.

Nagtaklob ako ng unan sa mukha ko nang marinig kong nagbukas ang pinto.

Ilang beses niyang tinapik ang paa ko. At nang mairita ako, bumangon na ako.

Kalmado lang ang boses ko, "Bakit?"

Nakatapis lang siya ng tuwalya. Kitang-kita ko rin ang namumugto niyang mga mata.

"Fours days na akong delayed. Regular naman dumating ang mens ko pero ilang araw na pala akong hindi dinadatnan." (non-verbatim)

Humingi pa siya ng sorry. Hindi raw niya masabi sa akin no'ng mga nakaraang araw kasi alam niyang marami akong iniisip.

Nakiusap din siya kung puwede ko raw siyang samahang bumili ng pregnancy test sa pharmacy. Samahan ko lang daw siya roon tapos didiretso na raw siya pauwi sa kanila.

Wala akong sabi-sabing tumayo para kuhanin ang susi ng oto ko sa kabilang side table.

Wala pa akong hilamos no'n. Wala pang kape. Wala pang kahit ano. Ang gulo pa ng itsura ko.

Pinagbihis ko muna siya at doon na ako sa garahe naghintay. Napasandal na lang ako sa headrest ng upuan ko.

Parang doon ko lang na-absorb ang mga sinabi niya. Delayed? Apat na araw na?

Alam ko namang regular ang buwanang dalaw niya kasi ako pa nga mismo ang nagsasabing malapit na siya ulit toyoin at kailangan ko nang magpaka-good boy ulit.

Iritado kasi siya kapag mayroon, saka maraming cravings.

Inalam ko rin talaga para alam ko kung kailan ang bakasyon ko sa lambingan.

Putangina, mura ko no'n sa isipan.

Napamura ako hindi dahil ayaw ko sa ideyang baka buntis siya kung 'di dahil wala akong kaalam-alam at hindi ko na siya na-monitor no'ng mga nakaraang araw.

Pinasama ko pa ang loob no'ng gabi.

Nagkabuhol-buhol na naman ang mga iniisip ko no'n, mga tsongs. Hindi ako makaramdam ng excitement pero hindi rin ako dismayado.

Bumalik lang ako sa ulirat nang sumakay siya sa passenger seat. Binuhay ko na rin ang makina pati ang air con. Tanda ko pang itinutok ko ang mga aircon vent sa kaniya.

Nagtanong muna ako kung kumain na siya at uminom ng baytamin. Umiling siya. Hindi na ako nagsalita pagkatapos. Balak ko na lang sabayan kapag nakauwi na kami.

Tahimik lang kami sa biyahe. Pagkarating sa pharmacy, sinamahan ko lang din siyang bumili ng tatlong PT tapos umuwi na rin kami agad.

Pagkarating sa bahay, pinapunta ko na siya sa may banyo.

Ayaw pa nga niya no'ng una. Natatakot daw siya. Paano raw siya haharap sa Mama niya kung sakaling buntis siya tapos malalaman nitong hiwalay na kami?

Sinabi ko na lang na ako nang bahala. Kumpirmahin muna niya kung buntis siya o hindi.

Kasi kung buntis nga, doon lang siya sa akin. Hindi ko siya pauuwiin sa kanila.

Hindi ako ganoong kagago para ibalik siya sa Mama niya kung alam kong dala-dala na rin niya ang anak namin.

Medyo napa-fast forward pa nga ang mga iniisip ko. Iniisip ko na agad ang mga gagastusin sa ospital kung sakaling ma-Caesarean siya. Inisip ko na agad kung sino ang mga kakilala kong puwede akong bigyan ng tips kung paano maging tatay.

Kasi putangina, wala akong ideya. Wala akong nakababatang kapatid. Wala pa akong naaalagaang sanggol sa buong buhay ko.

Si Squishy pa lang. Pusa pa iyon. Kahit naman mahulog iyon, nakatayo pa rin iyon babagsak sa sahig.

Kabado ako. Naghihintay ako sa sasabihin niya sa akin.

Pero nang lumabas siya't sinabing negative lahat, hindi ko alam ang mararamdaman ko.

Baka stressed lang daw siya no'ng mga nakaraang buwan kaya ganoon. Hihintayin na lang niyang datnan siya. Uuwi na lang daw siya at marami pa siyang sinabing hindi ko na gaanong madetalye.

Sumagot ako. Sabi ko na lang na sabayan na muna niya akong kumain ng mga iniluto niya bago siya umalis.

Ang lalim ng bawat paghinga ko no'n. Literal. Para bang ang bigat-bigat ng nakapatong sa akin.

Hindi ko alam kung ano sa dalawang bagay ang mas nagpabigat doonang pag-uwi niya sa kanila o ang katotohanang hindi naman pala siya buntis.

May isa siyang itinanong sa akin habang pinipilit kong ubusin ang pagkaing nasa pinggan ko.

"May iba na bang babae?" tanong niya sa akin nang hindi makatingin nang diretso sa akin.

Umiling ako. Wala. Walang kahit sinong babae ang makakukuha ng atensyon ko pero hindi ko na iyon sinabi sa kaniya. Wala akong lakas magpaliwanag.

Umalis nga siya pagkatapos naming kumain at maglipit. Walang yakap, walang halik.

Ako na lang ulit mag-isa (kasama pala ang impaktang si Squishy).

Kasama ko pa rin naman ang tatay ko saka 'yong babae niya tuwing gabi sa loob ng bahay na iyon pero parang naging tenant na lang ako roon.

Ni hindi nga niya ako makumusta. Nagtaka lang siya nang mapagtantong wala na si Adria sa bahay.

Ano raw ginawa kong kalokohan? Nambabae raw ba ako? At sinabi pa niyang, "Nagsawa na sa iyo, ano?"

Simula no'n, palagi na akong nag-aaya sa mga katropa't pinsan kong uminom. Kung saan-saan ako nagpapalipas ng oras pagkatapos ng shift ko sa trabaho tapos uuwi na lang ako sa bahay nang lasing.

Wala akong pinagsasabihan ng mga problema ko. Walang nakaaalam na hindi kami ayos ng erpats ko pati na rin ni Adria.

Pero nahahalata na ng mga tao kasi palagi nilang hinahanap ang bata sa akin.

Ramdam nilang may mali sa akin. Alam nilang may nagbago.

Muntik na naman akong mag-deactivate sa Peysbuk—sa lahat.

Pero nang makita kong hindi niya ako in-unfriend o b-in-lock, para bang nakahinga ako nang maluwag.

Ayos na iyon kaysa wala akong balita tungkol sa kaniya. Palagi kong iniisip na, "May pinagsamahan kayong dalawa, gago."

Alam ko sa sariling hindi siya basta-basta mawawala sa akin. Kahit dumating sa puntong hindi ako gandang-ganda sa kaniya bilang tao.

Kasi hindi naman porke mahal mo ang isang tao, likeable pa rin siya palagi.

May oras na parang ayaw mo sa kaniya o hindi ka na na-e-excite sa kaniya. Pero hindi ibig sabihin no'n eh hindi mo na mahal.

Hindi ibig sabihin no'n ay ipagpapalit ko na siya sa ibang babae.

Kasi no'ng umalis siya, wala akong ibang inatupag kung 'di ang sarili ko. Nagpaka-single talaga ako, puta.

YOLO lifestyle talaga ako no'n.

Subsob ako sa trabaho mula umaga hanggang hapon. Pagkatapos no'n, walwal naman sa gabi. Literal. Naranasan ko pang pumasok sa opisina ng lasing.

Hanggang sa 'yong tatay ko, nagtataka na. Nagtanong na rin, "Ano'ng nangyayari sa 'yo?"

Alam niyang basag ako, eh. Hindi ko rin naman aaminin sa kaniya kasi wala rin namang mangyayari kahit maglabas ako ng hinanaing sa kaniya.

Sasabihin lang no'n, "Para iyan lang, nagkakaganiyan ka na?"

Kaya mabuti nang manahimik ako at sarilihin ang lahat kaysa magsabi ako ng sama ng loob ko na maaaring hindi ko magustuhan ang sasabihin sa akin pabalik.

May oras ngang natutukso na akong mag-message kay Adria. Kahit Kumusta lang. Kahit hindi siya mag-reply. Pero hindi ko ginawa.

Wala akong binura sa Peysbuk account ko no'n. Kahit mga pictures niya sa cellphone ko, nasa akin pa rin. Nasa laptop ko pa nga ang iba. Kahit 'yong mga gamit niya sa bahay, hindi ko inalis.

Wala na siya sa bahay. Wala na siya sa akin pero nasa kaniya pa rin ako.

Ang pinagkaiba nga lang, hindi na kami nag-uusap. Ni ha, ni ho, wala.

Parang tanga nga kasi nadadatnan ko na lang ang sarili ko minsan sa labas ng bahay nila. Bumubusina pa ako ng mga dalawang beses kahit alam kong hindi naman siya sisilip o lalabas.

Iniisip ko nga na baka sobrang galit ang nanay niya sa akin. Nasaktan ko ang anak niya, eh.

Sino bang magulang ang nanaising masaktan nang ganoon ang sariling anak?

Isang buwan na wala si Adria, durog ako. Putangina, durog talaga ang pakiramdam ko no'n.

Ikalawang buwan, nakahinga ako nang kaunti. Mabigat pa rin pero sinubukan kong ayusin ang mga desisyon ko sa buhay.

Hindi na ako gaanong umiinom sa labas. Sa loob na lang ng bahay. Pampatulog ko na lang ang alak no'n.

Tinadtad ko rin ng unan 'yong puwang sa kama ko. Para hindi masyadong malaki para sa akin. Para hindi all by myself ang kuwento ng buhay ko.

Nag-dobleng kayod ako no'ng ikatlong buwan. Ang ginawa kong motivation ay ang makaalis sa puder ng tatay ko dahil hindi ko na kinakayang manatali sa bahay na iyon.

Gusto ko nang bumukod. At kapag ginusto ko, alam kong kakayanin ko.

Ibinenta ko na muna ang oto ko at nagpalit ako nang mas mababang modelo at mura kaysa roon sa dati. Ibinenta ko lahat ng mga puwedeng ibenta para may ipang-down ako sa bahay na gugustuhin ko kung sakali.

Nagdadalawang isip pa kasi ako no'n. Baka hindi ko kayaning bumili ng lupa kaya townhouse na lang muna o kaya rent-to-own na bahay.

May oras nga lang na napapaisip ako.

Pinaplano ko nang mag-acquire ng property pero wala naman akong kasama roon.

Kasi sa totoo lang, si Adria lang naman ang babaeng gugustuhin kong makasama sa bahay. Bukod sa subok ko na siya, alam kong siya pa rin ang hahanap-hanapin ko.

Alam n'yo bang kung kani-kanino ako nireto ng mga kupal no'ng wala na ang bata? Magaganda naman, p're. Kung itsura ang batayan, marami namang pupuwede.

Pero hindi na kasi ako ganoon, eh. Hindi itsura ang kailangan ko. Hindi trophy girl. Putangina, ipapahamak lang ako ng mga babaeng iyan, sa loob-loob ko.

Kaya no'ng mga oras na hindi ko na alam ang dapat gawin, umakyat ako ng Baguio.

Hindi pa in good condition ang bagong bili kong kotse no'n pero isinabak ko agad sa long drive. Soul-searching ang puta.

Baka kasi sakaling malamigan ang utak ko no'n at malaman ko na kung ano talaga ang gusto kong mangyari.

Nag-check in lang ako sa isang apordabol na hotel sa Baguio.

Two nights at three days lang naman ang balak ko. Gusto ko lang lumibot doon sa mga lugar na hindi ko pa napuntahan noong bata pa ako (kasama sina Mamme at Dadde).

Naghanap lang ako ng mga makakainang solid doon. Tapos naghanap ako nang magagandang bar para roon ako tatambay sa gabi. Pati ukay nga roon, pinatos ko na rin.

Puro hoodie ang tiningnan ko kahit ang init-init naman sa baba.

Nagpunta ako ng SM at ang isa ko pang pinuntahan doon ay simbahan.

Sabi kasi ni Mamme, kapag bagong dayo ka sa isang lugar, bumisita ka sa simbahang naroon at matutupad daw ang mga hihilingin mo.

Ginawa ko nga.

Ang init na naman ng pakiramdam ko pagpasok ko roon sa Baguio Cathedral. Naka-jacket kasi ako, huwag kayong ano.

Inalis ko muna ang jacket na suot ko no'n bago ako lumuhod doon sa pinakaharap na bahagi ng simbahan.

Nasa kalagitnaan na ako ng dasal nang biglang tumunog nang malakas ang cellphone ko kaya dali-dali akong lumabas para sagutin ang tawag ng dimunyu.

Tatay ko pala ang tumawag. Dimunyu nga.

Dyowk lang.

At inutusan pa nga akong gumawa ng quotation para sa kliyente niya. Sabi ko na lang, "Wala ako sa bahay."

Sumagot ba naman, "Alam ko. Pero pagawa ako ng quotation na 'to. Nasaan ka ba?"

Eh 'di sinabi kong nasa Baguio ako. Tumawa nang malakas ang tatay ko't minura pa ako. Ang lakas daw ng trip ko. Hanggang sa sinabi niyang nag-text daw sa kaniya si Adria.

Ang sabi raw doon sa text sa kaniya'y kailangan ko raw ng tatay. Kailangan ko raw ng makakausap. At sana raw ay magkaayos na kaming mag-ama.

Hindi ko akalaing gagawin ng bata iyon para sa akin. Kung tutuusin, dapat wala na siyang pakialam sa akin kasing tatlong buwan na rin naman kaming walang koneksyon sa bawat isa.

Tatlong buwan na rin naman para makausad siya sa amin.

Pinauwi ako ng ama ko't sinabing mag-usap daw kami nang lalaki sa lalaki.

Umuwi nga ako kinabukasan. Laking pasasalamat ko pa nga kasi nakauwi ako nang matiwasay. Pina-check ko kasi sa pinsan kong mekaniko ang oto ko't nagulat siya dahil kaunti-kaunti na lang ay may makakalas na sa pang-ilalim ng oto ko at delikado iyon.

Ang lakas daw ng loob kong ibiyahe pa-Norte ang oto kong hindi ko pa nache-check nang maayos.

Marami pa siyang ikinuwento pero isa lang ang nakakuha ng atensyon ko.

May pumoporma raw na pinsan ng asawa niya kay Adria. Half-Japanese daw ang lalaki. Kasing edaran daw ng bata. Sinabi pa ang pangalan sa akin.

Utang na labas, hindi ko ginusto ang balitang iyon.

Pinuntahan ko agad ang Peysbuk account niya at napansin kong naka-like nga ang lalaki roon sa mga bago niyang post na quotes tungkol sa buhay.

Magpapatalo ba ako? Siyempre, hindi.

Tinawagan ko si Adria sa Messenger. Ilang beses iyong nag-ring pero hindi niya sinasagot kaya nag-iwan na ako ng mensahe.

Tawag ako. Mag-usap tayo.

Nag-seen siya. At pagkatawag ko, sinagot na niya iyon. Doon na ulit nagsimula ang harutan ng mga pabebe pipol.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

316K 6.9K 200
Viktor Alfred Ferrer and Carilley Manalili Viktor and Carilley are friends. They secretly inlove each other, but they can't be together because of Ha...
66.4K 1.2K 33
Daffney Levanidez wasn't interested in dating guys not until the night she met Darlin Francisco, the guy that would turn out to be her first love. DU...
7.6K 392 34
Marcus Cho loved Joanne once in his life. Mas mahalaga pa ito kaysa sa pangarap niya. But she hurt him big-time. He vowed to himself he would never f...
37.3K 5.2K 37
Masarap lalo na kapag mainit. © 2022 isipatsalita.