Kalmado (A Stand-alone Novel)

By isipatsalita

18.3K 2.9K 1K

Puro lang, walang halong kemikal. © 2022 isipatsalita More

Mensahe
Pasilip
Relaks 1
Relaks 2
Relaks 3
Relaks 4
Relaks 5
Relaks 6
Relaks 7
Relaks 8
Relaks 9
Relaks 10
Relaks 11
Relaks 12
Relaks 13
Relaks 14
Relaks 16
Relaks 17
Relaks 18
Relaks 19
Relaks 20
Relaks 21
Relaks 22
Relaks 23
Huling Relaks

Relaks 15

402 98 26
By isipatsalita

Ang pinakamahirap sa lahat ay ang magba-badyet ka nang wala ka namang iba-badyet.

Kapag usaping pera talaga, aktibong-aktibo ako pati si Adria. Hindi naman kami mabubuhay nang maayos kung wala iyon, eh.

Hindi bale kung nakatira kami sa liblib na bahagi ng bundok. Puwedeng hindi na kailanganin doon ang pera. Puwera na lang may kailangang bilhin sa bayan o kung saan man.

Kaso we need to feed ourselves and we have to pay the bills.

Ay, huwaw, napa-ingles bigla.

Iyong lifestyle na mayroon kami, kinakailangan talaga nang sobrang pera (extra ba). Iyong sobra kaysa roon sa kinikita namin para magkaroon naman kami ng ipon.

Iyon ang main goal, eh. SAVINGS.

Iyong kinikita naman kasi ng erpats ko mula sa mga tenants ng apartment namin ay sa kaniya napupunta at hindi naman rekta sa akin. Pati 'yong sa negosyo niya, labas na ako roon.

Hindi rin naman ako humihingi ng pera kasi kumikita naman ako nang akin. Pero nagbibigay pa rin naman siya ng weekly allowance ko bilang pambawi sa pag-iwan niya sa unico hijo sa bahay.

Hindi na gaanong mabigat ang loob ko sa erpats ko no'n kasi si Adria, palaging ipinaliliwanag sa aking walang magandang idudulot iyon sa akin.

At hindi rin naman talaga ako maramdamin. Oo, madidismaya siguro ako pero hindi ko rin namang maiaalis ang katotohanang wala namang awesome na awesome na nilalang.

Ako nga'y may mga nasabing hindi maganda kay Adria no'n kaya nga umalis siya, eh. Pero pinagbigyan pa rin ako, kaya ano'ng karapatan ko para hindi palipasin ang mga ginagawa ng tatay ko?

Baka paraan din niya iyon para makalimot panandalian sa sakit na nararamdaman niya. O pantapal doon sa butas na iniwan ni Mamme no'ng sumakabilang buhay na ito.

Minsan baluktot talaga mga dahilan at pamamaraan natin.

Sa kagustuhan nating huwag masaktan o umiwas sa mga paksyet sa mundo, napipili natin iyong mga medyo hindi maayos na desisyon.

Pero uulitin ko lang ang sinabi ni Devin Francisco sa librong Pagsinta, "Who am I to judge if I'm not a judger?"

Lahat tayo'y sumasablay sa kahit ano pang paraan. Mayroon at mayroon tayong madidismayang tao dahil hindi naman lahat ay sumasang-ayon sa atin. Mayroon at mayroon tayong makikitang "mali" sa sarili at sa ibang tao.

Isa lang naman ang tama palagi para sa akin at si Adria iyon.

Palagi siyang tama kasi kailan ba siya naging mali?

Dyowk lang. Marunong mag-sorry ang bata, baka akala ninyo!

Ang arte pa ngang mag-sorry sa akin lalo na kapag nahahalata na niyang medyo naiinis na ako. May oras kasi na clumsy talaga siyang kumilos.

Iyon ang madalas kong ireklamo sa kaniya pero sa maayos na paraan naman. Idinadaan ko na lang sa biro para hindi magtampo.

Madalas siyang makabasag ng mga gamit na pinakainiingatan ko noon. Nauuntog siya sa akin nang walang kadahi-dahilan. Bigla na lang niya akong nabebetlugan.

Basta maraming ganoong eksena na minsan ay nakakainis para sa akin lalo na kapag may regla ako.

'de, seryoso. Hindi lang naman kayong mga babae ang may mood swings. Kami ring mga bayag.

Hindi lang halata sa akin pero pumipitik din talaga ang oyots ko lalo na kapag pagod galing trabaho. Mahirap talaga kapag adultery.

Ang pinagkaiba nga lang, mas mabilis ko nang mabawi ang wisyo ko kasi naku-kyut-an talaga ako sa bata. Imbis na mabuwisit, natatawa na lang ako.

Ngumunguso pa iyon at iparirinig sa akin ang peymus line niyang, "Hmp! Hindi mo na ako lab! Galit ka na sa akin forever!"

Imagine-in ninyo 'yong boses, ha? Tapos tatalikod pa iyon sa akin nang magka-krus ang mga braso.

Utang na labas! Aliw na aliw ako kapag ganoon na siya.

Ending, ako ang naglalambing tapos magbe-baby talk pa iyon at maglalabas kuno ng feelings niyang valid naman palagi para sa akin.

Hindi ko siya tinatanong, "Bakit ka ba ganiyan?"

Hindi tamang itanong iyon sa isang tao dahil parang ini-invalidate mo ang nararamdaman niya. Ang pagkatao niya.

Pinili nating pakisamahan o mahalin ang isang tao kaya wala tayong karapatang magreklamo kung bakit ganoon siya.

Sa amin ni Adria, aminado akong marami rin akong pag-uugali o ginagawang hindi naaayon sa kagustuhan niya. Siyempre, magkaibang tae kami, eh.

Una sa lahat, madalas akong magbiro.

Aliw na aliw naman siya sa mga patutsada ko pero naiinis din iyon kapag hindi ko naseseryoso o sineseryoso ang ibang bagay kasi palagi ko raw idinadaan sa ka-kengkoy-an.

Ang immature daw ng mga galawan ko minsan. Ang laki-laki ko raw na tao pero parang timang naman. Hindi ako na-o-offend doon kasi sanay na ako sa mga side comments niya. Tinatawanan ko nga palagi.

Eh kupal ako. Matigas din ang ulo ko. Kaya ayon, sa kabilang kuwarto ako natutulog minsan. At least hindi sa labas ng bahay. 

Pangalawa, masyado siyang mabusisi sa mga gamit kong nakakalat pero kapag iyong gamit niya ang nadadatnan ko kung saan-saan, wala naman siyang naririnig sa akin.

May oras na iirapan ako n'on tapos sasabihing, "Ginagawa mo naman akong katutels here. Ayusin mo rin kaya mga fings mo."

Katutels = katulong

Fings = things

Ganiyan talaga siya magsalita sa totoong buhay, mga p're. May sarili kaming diksyunaryo sa loob ng bahay.

Todo sunod naman ako kasi ayaw kong nanlalaki ang mga butas ng ilong ni Kumander.

Para rin siyang si Mamme—maasikaso sa akin at sa bahay.

Sa umaga, mas nauuna siyang magising. Maghahanda siya ng pagkain namin. Kape at pandesal lang, katalo na.

Pero may oras na nagsasangag siya n'ong natirang kanin o 'di kaya magsasaing nang panibago tapos magpiprito ng itlog, hakdog o kung ano mang abeylabol. Minsan kinakain na lang din namin ang bawat isa before werk.

Pagkaligo ko, makikita ko na lang na nakalatag na sa kama iyong mga isusuot kong damit. Alam na alam na niya ang pormahan ko pati paborito kong kulay ng brip at boxers (itim o gray lang naman palagi).

Minsan nga matatawa pa iyon at aasarin ako. Mukha raw kasing paulit-ulit ang damit ko.

Aba'y masisisi niya ba ako kung puro earth colors ang makikita sa kabinet ko?

Kung hindi putiitim, gray, dark blue, dark blue na medyo kupas, dark green na parang lumot, dark na dark na green, maroon, dark na dark na maroon, basta puro dark.

Kung may striped man o printed, sobrang bihira ko lang bumili at magsuot no'n. Bilang lang sa kamay.

Mukha na rin daw akong model ng Tide kasi palaging puti ang naiisipan kong isuot.

Bakit ba? Iyon ang presko, eh. Saka para mukhang good boy.

Kupal na nga ang itsura ko, pati pormahan kupal din? Huwag ganoon.

Araw-araw nagwawalis din iyon, nagpupunas at nag-a-arrange ng mga gamit kahit hindi naman sobrang gulo kahit bago kami pumasok sa opisina.

Nagrereklamo pa iyon minsan kasi nakapapagod daw linisin ang buong bahay kahit nasa ground floor lang naman kami kasi nga apartment ang nasa second floor at third floor.

Ang dami raw kasing mababasagin sa loob ng bahay namin.

Hindi ko naman siya inuutusang gawin iyon kasi ako naman talaga ang gumagawa n'on noong hindi pa kami nagsasama. Pero gusto niya rin daw ang ginagawa niya kasi praktis na rin daw iyon para sa pyutur.

Ginawa niyang training ground ang bahay.

Natuto na rin siyang magluto ng mga lutong bahay. Mga pritong bubong, ginisang alulod, ginataang sahig.

Proud na proud kaya ako sa batang iyon. Kaya kapag Linggo at pareho naming off sa trabaho, talagang hindi ako pumapalyang ilabas siya para makapagpahinga naman.

Hindi lang kami aalis kapag may isa sa amin ang may sakit o may kailangang asikasuhing importante.

Paraan ko na rin iyon para mabawasan din ang stress niya kasi buong linggo kaming nagtatrabaho tapos kami pa ang kumikilos sa loob ng bahay.

Mahirap? Oo. Masarap? Ow yeah.

Iba talaga kapag may katuwang sa buhay lalo na kapag nadadagdagan na ang edad mo. Lalo na kapag pareho na kayong adulteries.

'de, adult kasi. Baka may pumatol, eh.

Kapag estudyante ka pa, puwede ka pang pumetiks kahit kaunti. Pagka-graduate mo, ah puta, the struggle is tunay na tunay!

Hindi ka nga nag-aaral at nagbabasa ng mga libro pero kailangan mo namang maging wais sa maraming bagay. Utak at diskarte ang kailangan.

Minsan, sapat na rin ang may diskarte ka lang.

Hindi sa lahat ng oras, uubra ang matalino lang sa academics. Hindi pupuwedeng puro utak lang tapos wala naman tayong aksyon at diskarte.

Kami kasi ni Adria, average lang ang IQ namin. Hindi kulelat pero hindi rin Oh my gas!

Ibinagsak ko nga ang Calculus dati ng mga tatlong beses noong kolehiyo pa ako. Siya naman sa Algebra.

Putangina talaga, men. Hindi naman naa-apply iyon sa buhay habang tumatanda na kami ni Adria.

Iyong pag-a-account sa pera ang medyo na-apply niya kasi siya ang pinagma-manage ko ng finances namin.

Ay, sheeeet. Akala mo naman may i-a-akawnt talaga.

Kapag pera, sa kaniya iyon. Siya ang in charge doon. Kasi nadedemonyo rin ako minsan kapag may malaki akong hawak na halaga ng pera.

Napupunta iyon minsan doon sa oto ko. Iyon kasi ang luho ko. Palit ng mags, upgrade nang ganito, nang ganiyan, nang ganoon. Palit ng bucket seat.

Lahat halos ng luho ko ay pang-karera.

Pa-tune up ako nang pa-tune up ng makina tapos magpapalit ako ng mga aftermarket parts kapag may inirekomenda ang mga kakilala kong mahihilig din sa oto.

Nakakasira ng ulo, sa totoo lang.

Pero suportado ako ni Adria sa mga trip ko. Mas mabuti na raw na iyon ang pinagkakagastusan ko kaysa nambababae ako't nagsusugal.

Kapag may oto, may babae. Pero sa sistema ko, siya lang ang babae ko. Wantusawa pa ako.

Siya naman ay walang luho pagdating sa mga pambabaeng gamit. Ewan ko ba. Basta alam ko lang eh mahilig siyang kumain. Ang lupet nga kasi hindi siya tumataba kahit ang takaw niya.

Hindi siya mahilig sa damit, sapatos, bag kasi trip niya rin ang mga gusto ko.

Binibihisan niya rin ang oto niya gaya ng ginagawa ko.

Goals iyon para sa akin, mga tsongs.

Kasi kung sa ibang babae iyon, hindi maiintindihan ang passion ko sa mga ginagawa ko. Hindi lahat ay masasakyan ang pagiging car enthusiast ko.

Kaya marami talagang dahilan kung bakit hindi ko mapakawalan ang bata. Wala rin naman akong balak, isip-isip ko no'n.

Hanggang ngayon din naman.

Ang seryoso nitong kabanatang 'to kasi hindi naman sa lahat ng oras ay tarantado ako. Kapag dibdiban, dibdiban talaga.

Iyong ika-apat na taon na iyon, naging suwabe lang talaga para sa aming dalawa.

Umuuwi kami tuwing Sabado ng gabi sa kanila para maka-bonding naman si Mama (hindi pa rin nito alam na nagsasama kami kasi ayaw pang aminin ng bata). Minsan doon kami nagsi-sleep over.

Tapos kapag Linggo, naisasabay na namin ang paggo-grocery sa may SM o minsan sa talipapa na lang kami bumibili kapag tinatamad kami.

Bahay-bahayan talaga kami no'n. Napagkakamalan nga kaming mag-asawa ng iba pero ngiting aso naman ako. Pabor!

Hindi pa naman namin napag-uusapan no'n ang tungkol sa kasalan kasi ayaw naming ma-pressure ang isa't isa.

May mga gusto pa kasi siyang gawin nang hindi namin basta magagawa kapag ikinasal na kami at nagkaroon agad ng anak. Kaklaruhin ko langopinyon namin 'to at hindi ko sinasabing ganito rin dapat ang iba. Kaniya-kaniyang pananaw lang iyan.

Gusto niyang mag-travel. Local at overseas. Ganoon din ang gusto ko.

Gusto kong maranasan iyong mga nararanasan ng mga kupol na nag-e-enjoy sa buhay nang hindi pa talaga natatali sa bawat isa.

Iyong couple kami pero single pa rin ang status. Kuha ninyo?

Kasi para sa amin no'n, hindi dapat minamadali ang pagpapakasal just because you are madly in love with each other.

Wapaw! English iyon, 'di ko kinaya. Nyahaha!

Kasi hindi lang naman para sa "in love" ang kasal. Malaki kasing commitment ang pagpapakasal. Hindi iyon basta-bastang pinapasok dahil lang sa trip n'yo lang o dahil iyon ang DAPAT.

Uulitin ko lang, opinyon namin 'to. Hindi applicable sa iba 'to.

Hindi lang "wedding" ang pinaghahandaan, kung 'di iyong life after marriage.

At no'ng mga panahong nagsasama kami ni Adria, alam ko sa sariling sa kaniya ko na nakikita 'yong hinaharap ko.

Pero pareho kami ng gustoang mas lumalim pa ang pagkakakilala namin sa bawat isa bago kami ikasal.

Marami kaming naririnig na ang bilis nagpakasal pero naghiwalay din agad kasi ganito, ganiyan, basta hindi naging successful ang marriage.

Pero may mga mag-asawa kaming kakilalang ilang taon munang nagsama bago sila nagdesisyong humarap sa altar.

Mayroon din naman kaming kakilalang nag-umpisa sa one-night stand pero matatag ang kanilang buhay mag-asawa ngayon.

Sa madaling salita, kaniya-kaniyang buhay talaga iyan, eh. Kaniya-kaniyang desisyon.

Iyong desisyon namin, puwedeng hindi pabor para sa iba. Puwedeng hindi umubra para sa nakararami.

Vice versa. Posibleng hindi rin applicable sa amin ang nakasanayan at payo ng iba sa amin.

Ano ulit ang kailangan nating gawin? Rumespeto at huwag pangunahan ang mga tao.

Iba-iba tayong nilalang na may iba-iba ring pag-iisip. Hindi natin puwedeng masabing mali sila o mali kami. Depende na lang talaga iyon sa kung paano natin titingnan ang isang bagay o sitwasyon.

At sa kaso namin, pinahahalagahan namin ang pagkakaibigan namin kaysa sa kilig na posible naming maramdaman.

Kasi napag-usapan namin dati na paano kapag hindi na kami nakararamdam ng excitement o kilig sa relasyon, ano'ng mangyayari sa amin?

Kaya pinagtibay muna namin ang pagiging magkaibigan bago sa pagiging magka-ibigan.

Magkasama kami sa iisang bubong. Yes, we do premarital sex. Ang dami naming trip na hindi mauunawaan ng iba.

Eh ano naman, 'di ba?

Sila ba ang pakakasalan namin? Sila ba ang bubuhay sa amin? Sila ba ang malalapitan namin kung sakaling magkaroon kami nang matinding problema?

Hindi.

So ano'ng ipinupunto ko rito?

Wala lang. Pakyu lang talaga sa lahat ng mga maraming side comments pero hindi rin naman pala magawang ayusin ang mga sarili nila.

Lalo na 'yong mga sita nang sita pero fucked up din pala sa totoong buhay.

Kaya bago tayo manita at magkomento sa buhay ng iba, manalamin muna tayo. Self-assessment ba.

Baka sa kapupuna natin sa ibang tao, tayo na pala ang umiilalim. Tayo na pala ang bumabaon sa sarili nating hukay.

Lalim, 'no? 'di n'yo ulit kinaya. Nyahaha!

Continue Reading

You'll Also Like

27.1K 849 110
Starry Nañez, an Archi student in UP, had a crush on the ace and captain ball of Growling Tigers, Franco Calix Lanchez 6 months ago. But what happens...
31.4K 13.8K 59
Being a perfectionist, Adrien liked how his life was going. Everything was under his control. He didn't worry about any of his plans going wrong. But...
20.3K 1.7K 31
Kai's life was close to perfection but due to his inability to hear, the loss of communication became a hindrance to having a normal life. Despite ha...