Atlas Volume 2 [Warriors Batt...

By chrisseaven

3.7K 396 1.5K

Ngayong mga Warrios na sila, mas lalong lumalalim ang kanilang mga tungkolin. Isa sa kanilang kaharaping pags... More

Atlas Volume 2
History
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Author's Note
Just Fun

Chapter 30

70 10 84
By chrisseaven






Chapter 30: Sizeng laban sa Water Ball



Napapahanda na ang ilan sa mga manunuod dahil mukhang sisimulan na nila Atlas at Juan ang matinding laban. Nanatiling nakakros ang tig-dadalawang daliri mula sa dalawang kamay ni Juan, habang nakipagtitigan siya kay Atlas na napakuyom ng mga kamao.

Mayamaya pa'y gagamitin na ni Juan ang kapangyarihan. "Sizeng! S-Dimension!" Taas boses na sambit ni Juan sa tawag ng kaniyang kapangyarihan.

Napapanganga nalang ang ibang mga manunuod nang unti-unting nag-iiba ang sukat ng katawan ni Juan, paliit ito ng paliit. Hanggang sa tuloyan na ngang hindi na nakita ng mga manunuod si Juan, dahil kasing liit na ito ngayon ng langgam na hindi madaling makita.

Napapakunot-noo ang mga manunuod sa labis na pagtataka. "Anong nangyayari? Nasan na ang batang yon?" Sunod-sunod na tanong ng isang manunuod habang pilit niyang pinapalaki ang mga mata para matanaw talaga kung nasaan ang batang si Juan.





Marami sa mga nandito sa Atlanian's Park ang nahihirapang makita si Juan. Dahil si Juan ngayon ay naging maliit na tila isang langgam, siya'y nakatayo sa lupa at tanaw na tanaw niya si Atlas na napapakunot-noo din dahil hindi siya nakikita nito.

Nanatiling nakakros ang tig-dalawang daliri mula sa dalawang kamay ni Juan "Multiplacation!" Pagkatapos niyang sabihin ito ay biglang hindi na siya nag-iisa dahil agad na sumulpot ang apat na katulad niya, kopyang-kopya ang wangis mula sa mukha, mga kamay hanggang sa mga paa, siyang-siya talaga, at maliliit din ang mga ito katulad ng sukat niya ngayon.

Napa ngiti sa labi si Juan bago unti-unting bumabalik ang katawan sa dating sukat na kasing tangkad lang ng kaibigan niyang si Atlas. Kaya nakikita na siya ngayon ng mga manunuod na napapaisip. "San kaya siya galing? Hindi kaya't kapangyarihan niya ang lumiit?" Pagtataka ng isang manunuod.





Seryosong nakipagtitigan si Juan kay Atlas at ngumiti siya sa labi "Little Juans! Ngayon na!" Pagkatapos niyang sabihin ito ay agad na sinunod ng mga Little Juans niya ang utos niyang sugurin si Atlas.

Sa subrang liit ng mga Little Juans ni Juan ay walang kamalay-malay si Atlas na papalapit na pala sa kaniya ang mga ito. Nanlaki nalang ang mga mata ni Atlas nang biglang tumalon papunta sa kaniya ang apat na mga Little Juans.

"Aaahhh...anong gagawin niyo? Anong gagawin niyo?!" Natatarantang tanong ni Atlas nang kumapit sa katawan niya ang apat na Little Juans.

Ang isang Little Juan ay nakakapit sa isang paa ni Atlas, ang isa naman ay nakakapit sa kabila niyang paa, at dalawa pa ay nakakapit sa dalawang  magkabila niyang kamay. Kaya halatang-halata na kabado si Atlas, dahil hindi niya alam kung anong binabalak ng mga maliliit na ito.

Maging ang pagkilos ay hindi nagagawa ni Atlas, at pinipilit niyang ngumiti dahil sa kabila ng kaba ay natutuwa din siya sa kyut na wangis at pangangatawan ng mga Little Juans "Oi ang kyut-kyut niyo naman...Juan bakit ngayon mo lang ako pinakitaan ng mga kyut mong bata...pahingi naman ako isa sa kanila..." natatawang sambit ni Atlas habang ang mga Little Juans nama'y tila galit na galit nakatitig sa kaniya.

Si Juan nama'y pinagpapawisan na dahil sa kakapigil tumawa, at ang ilan naman sa mga manunuod ay napapakamot sa ulo, dahil mukhang babalik na naman sa biroang laban.





Ilang saglit pa'y dahan-dahan na lumakad ang isang Little Juan na nakakapit sa isang kamay ni Atlas, nahihirapan makaakyat ang Little Juan na ito kaya natagalan pa nga bago siya nakapatong sa braso ni Atlas na naka ngiti sa labi siyang pinagmasdan.

Ngunit dahil nanatiling nakatitig ang Little Juan na ito kay Atlas ay hindi namalayan nito ang kaniyang hakbang kaya nahulog nga siya, bagay na ikinagulat naman ni Atlas, pero mabilis naman na ikinilos ng Little Juan na ito ang kamay niya para makakapit sa tela ng damit ni Atlas sa bandang kilikili.

Dahil nakakapit sa may kilikili ni Atlas ang Little Juan ay hindi nga niya napigilang matawa dahil sa dala nitong kiliti "Hahaha huwag diyan may kiliti ako diyan..." tawa ni Atlas at napapapikit pa siya ng mga mata.

Biglang nagsalita ng nahihirapang tuno ng boses ang Little Juan dahil nalalanghap niya ang baho ng kilikili ni Atlas "Hmmm ang baho ng kilikili mo..." ang boses niya'y kasing liit din ng batang sanggol.

Dahil sa hiya ay napalunok si Atlas habang inililibot ang tingin sa mga manunuod "Oi huwag mo naman akong pahiyain, baka mamaya narinig yon ni Sahara nakakahiya...atin-atin lang yan..." mahinahon niyang salita sa Little Juan.

"Aba pumapag-ibig ka pa, hindi ka naman marunong magpabango ng kilikili..." tila pang-aasar ng Little Juan na ito habang sinimulan na niyang kumilos para makaalis dito sa bandang kilikili ni Atlas, at muli siyang umakyat papunta sa braso ni Atlas.

Nang makapatong na sa braso ni Atlas ang isang Little Juan ay nilingon naman ni Atlas ang isa pang Little Juan na nakakapit sa kabila niyang kamay, at inabot niya ang palad dito na para bang hahawakan niya ito "Ikaw, baka gusto mong pumatong dito sa braso ko?" Tanong niya.

Pero sinampal lang ng Little Juan na ito ang palad ni Atlas para mailayo "Huwag mo akong hawakan!" Tila pantataray na sambit ng Little Juan na ito habang masama ang titig niya kay Atlas na napapalunok.





Ilang saglit pa'y napapanganga si Atlas nang makitang naglalabas ang mga Little Juans ng mga hangin mula sa kanilang mga palad, at idinapo ng mga ito ang kanilang mga palad sa katawan niya kung saan malapit sila.

"Oi anong ginagawa niyo?" Natatawang tanong ni Atlas ngunit napapangiwi din siya dahil may nararamdaman siyang hindi niya maipaliwanag.

Naka ngiti sa labi si Juan "Sige Atlas tumawa ka lang...habang hinihigop na ng mga Little Juans ko ang mga enerhiya mo..." sambit ni Juan.

Halos manlaki ang mga mata ni Atlas sa narinig niya kay Juan "Kaya pala nong idinapo ng mga Little Juans ang mga palad nila sa katawan ko ay nakaramdaman ako ng kakaibang nangyayari sa loob ng katawan ko na parang kusang dumadaloy palabas ang mga enerhiya ko, dahil pala hinihigop nila..." mababang tuno ng boses ni Atlas habang kabang-kaba na siya.

'Kailangan kong gumawa ng paraan bago mahuli ang lahat...' sa isip ni Atlas at agad niyang pinapalibutan ng mga tubig ang sarili, kaya tumilapon nga palayo ang apat na Little Juans dahil sa ginawang tila pag-abog sa kanila ng mga tubig ni Atlas.





Pagkabagsak sa lupa ng apat na Little Juans ay naglaho na parang bula ang mga ito, ito'y dahil nakadama sila ng sakit kaya sa madaling salita ay wala na ang mga ito. Pero kung gugustohin ni Juan ay maaari pa rin siyang maglabas ng mga Little Juans na papalit sa mga yon.

Napanganga naman ang tagahukom na si Sinaunang Shadow Andres Waluna "Ang galing din pala ng batang yan...kaya niyang pagsabayin gamitin ang dalawang kapangyarihan na Sizeng at Multiplacation..." sambit niya.

"Sizeng ang pangunahing kapangyarihan ng angkan nilang Luna. Isa ang Sizeng sa mga kapangyarihang kinakailangan ng maraming enerhiya para magawa nilang bagohin ang sukat ng katawan..." saad naman ni Protector Nayde Alanta na isa ding tagahukom.

Muling pinagkros ni Juan ang tig-dalawa niyang daliri mula sa dalawa niyang kamay "Humanda ka Atlas! Dahil hindi pa ako tapos!" Taas boses niya habang nakipagtitigan kay Atlas na hindi na napapalibutan ng mga tubig.

"Multiplacation!" Pagkatapos nitong sabihin ni Juan ay agad na nagkaroon ng dalawang katulad niya ng wangis at katawan, o sa madaling salita ay naglabas siya muli ng dalawa niyang impostor.

Agad na nagtakbohan ng mabilis ang dalawang impostor kasama na rito ang totoong si Juan, magkasama sa iisang dereksyon ang tatlo sa pagtakbo patagilid at papuntang likod ni Atlas, at tuloy-tuloy ang mabilisan nilang takbo habang iniikotan si Atlas na nasa gitna.





Mayamaya pa'y nanlaki ang mga mata ni Atlas nang mabilisang nagpalit-palit ng pwesto ang tatlong Juan, ang Juan na nasa gitna ay tumakbo patagilid para palitan ang nasa gilid, at ang nasa gilid nama'y pumagitna, at nagtuloy-tuloy na ang mabilisang palit-palitan ng tatlo sa pwesto.

Halos sumasakit na ang mga mata ni Atlas kakatingin sa tatlong Juan na walang tigil sa pagtakbo paikot sa kaniya at mabilis na nagpalit-palitan ng pwesto  'Mukhang sinasadya nilang litohin ako kung nasaan ang totoong si Juan...' sa isip ni Atlas.

Napabuntong hininga nalang si Atlas "Sumasakit na ulo ko dito...nahihilo na ako at hindi ko na alam kung nasaan ang totoong si Juan..." sambit niya.

Hanggang sa naghiwalayan ang tatlong Juan, ang isa ay nasa likod ni Atlas, ang isa nama'y nasa harapan at ang isa ay nasa gilid. Sabay na pinagkros ng dalawang Juan na nasa harapan at nasa likod ang kanilang tig-dadalawang daliri mula sa dalawang kamay.

"Sizeng! B-dimension!" Sabay na sambit ng dalawang Juan at unti-unting nagbabago ang sukat ng kanilang katawan, ang dating saktong tangkad at laki ay unti-unting lalong tumatangkad at lumalaki ang kanilang pangangatawan.





Hanggang sa kasing tangkad na ng puno si Juan at maihahantulad na rin ang katawan nito sa dambuhalang higante. Ilang saglit pa'y ang isang Juan na nasa gilid at nanatiling sakto ang katawan ay biglang nawala, kaya ang ibig sabihin lang nito ay nasa dalawang higante lamang ang totoong si Juan.

"Bakit nawala ang isang Bubble ni Juan?" Tanong ni Sinaunang Shadow Andres. Bubble ang tawag sa ipinapalabas na mga impostor o kawangis ng isang may kakayahan ng Multiplacation.

"Sa pagkakaalam ko ay si Juan ang pinaka-bata sa ngayon na membro ng angkang Luna, kaya kinakailangan pa niya ng matinding pagsasanay para maging mas marami ang magagawa niyang S-dimension at B-dimension.

Apat na S-dimension palang ang kaya ni Juan at dalawa sa B-dimension, kaya ang isang Bubble kanina ay naglaho." Sagot ni Nayde sa katanongan ni Andres.

Sumeryoso ang mukha ni Atlas habang naka hangad para makita sa itaas ang higanteng Juan. 'Juan, isa ka talaga sa mga pinakamagaling na nakilala ko. Pero hindi naman ako papayag na matalo. Gagamitin ko na, ang bago kong kapangyarihan.' Sa isip ni Atlas.





Huminga muna ng malalim si Atlas at ipinikit ang mga mata, naging kalmado siya na parang natutulog. Sa ginawa ni Atlas ay dahan-dahan na napapatayo si Andres dahil may duda siya dito, at naiisip niyang iniipon ni Atlas ang mga enerhiya sa loob ng katawan para makagawa ng isang malakas na kapangyarihan.

Ilang saglit pa'y inimulat na ni Atlas ang mga mata niya at kalmado niyang dahan-dahan na inangat ang mga kamay, hanggang sa nasa bandang itaas na ng ulo niya ang dalawa niyang kamay at ikinikilos niya ang dalawa niyang palad na nagkaharap para makapaglabas ng mga tubig sa gitna, at mas lalong dumarami ang mga tubig at pumuporma ito ng bilog.

Palaki ng palaki ang bolang tubig na ito, hanggang sa kasing laki na ito ng buwan at tumigil na sa paglaki. Marami sa mga manunuod ang nagulat at napatayo pa sa kinauupuan "Water Ball? Kailan pa siya nagkaroon niyan?" Katanongan ng mga manunuod.

Napangiti naman sa labi si Atom Dagathan, ang guro ng Team Believe kung saan kabilang si Atlas. 'Magaling Atlas...hindi mo nakalimutan kung paano gamitin ang Water Ball. Naalala ko pang hindi ka rin nahirapang magkaroon niyan, saksi kami ng kasama mo sa Team Believe, pati ang pusang si Araw.' Sa isip ni Atom.

Abot tenga naman ang ngiti ni Sinaunang Shadow Andres na siyang mismo unang nakalikha ng Water Ball 'Kamangha-manghang bata...mabilis niya natutunan ang Water Ball. Samantalang ako, dumaan ako sa maraming pagsubok para lang malikha ang Water Ball...' sa isip ni Andres at tila naluha pa siya sa tuwa.





Ibinababa na ni Atlas ang dalawa niyang kamay at napa ngiti siya nang makita ang resulta ng ginawa niyang Water Ball na nasa gitna ng dalawa niyang palad na magkaharap. "Akala ko hindi ko na magawa...pero dahil sa tiwala, nagawa ko pa rin..." puno ng tuwa niyang sambit dahil nakagawa siya ng Water Ball na mas malaki pa don sa una niyang nagawa.

Ikinilos ng isang B-dimension o higanteng Juan na nasa harap ni Atlas ang malaki niyang paa para sipain si Atlas, kaya napatalon patalikod si Atlas para hindi matamaan habang hawak-hawak ng isa niyang kamay ang Water Ball.

"Hindi ako magpapatalo sayo Juan..." pagkatapos nitong sabihin ni Atlas ay napapalibutan siya ng mga tubig, kaya nagawa niyang tumalon papunta sa itaas.





Lumulutang sa itaas si Atlas at kaharap ang higanteng si Juan, ihahagis na sana ni Atlas ang hawak niyang Water Ball kay Juan, pero naunahan siya ng kamao ni Juan na malapit ng tatama sa kaniya, kaya mabilis siyang lumipad patagilid para makaiwas, at agad niyang nilapitan ang malaking mukha ng higanteng Juan.

"Aaarrghhh!!" Sumigaw pa si Atlas sabay inihagis sa bandang pisngi ng higanteng Juan ang Water Ball.

Dahil sa taglay na lakas ng Water Ball na kaya nitong butasin ang ano mang matitigas na mga bagay ay nagkasugat-sugat na ang mukha lalo na ang pisngi ng higanteng si Juan "AARRRRGGHHH!!" Sigaw ng higanteng Juan.

Ilang saglit pa'y laking gulat ni Atlas nang biglang pumutok na parang bula ang higanteng Juan na ito "Nagkamali ako, isa pala itong Bubble...kung ganun, nasa likod ko ang totoong si Juan..." sambit ni Atlas na napapanganga, at nanlaki ang mga mata niya nang maramdamang aatake sa kaniya ang totoong si Juan.









Continue Reading

You'll Also Like

66.8K 1.8K 48
Sinong mag- aakala na ang isang simpleng babae na katulad ni Yosheena ay may nakatagong mahiwagang nakaraan! Isang nakaraan na sadyang binura para ma...
13.4K 206 24
Death School?Tama ba ang pinapasukan ko?Ano bang dapat kung malaman sa paaralang ito?
176K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...