Kalmado (A Stand-alone Novel)

By isipatsalita

17.4K 2.8K 1K

Puro lang, walang halong kemikal. © 2022 isipatsalita More

Mensahe
Pasilip
Relaks 1
Relaks 2
Relaks 3
Relaks 4
Relaks 5
Relaks 6
Relaks 7
Relaks 8
Relaks 9
Relaks 10
Relaks 11
Relaks 12
Relaks 13
Relaks 15
Relaks 16
Relaks 17
Relaks 18
Relaks 19
Relaks 20
Relaks 21
Relaks 22
Relaks 23
Huling Relaks

Relaks 14

372 97 36
By isipatsalita

Ang good boy ko, ah?

Mabuti na lang din at pumorma ako no'n kasi hindi ko rin akalaing mapapasabak pala ako sa meeting the whole pemily.

Nabigla ako, mga tsonggos!

Hindi ko lang ipinahalata kay Adria kasi ang diyahe naman. Kahihiwalay lang namin tatlong linggo lang ang nakalilipas tapos bigla ba naman akong ipakikilala sa nanay at ate niya, kasama pa ang asawa nito at ang anak nilang ipinaglihi kay Peppa Pig sa sobrang kyut. Nandoon din ang pinsan niyang lalaki na kasing edaran ko lang.

Sabi na, eh. Pinsan lang. Muntik ko pang mapag-isipan nang kung ano-ano. 

Sinundan ko sila hanggang sa makarating sila sa Vikings sa may Mall of Asia. Akalain mo nga namang doon din nila naisipang pumunta?

Hindi umubra ang pagiging kupal ko no'ng mga oras na iyon.

Inilabas ko lahat ng "po" at "opo" ko sa sistema ko. Ipinakita ko rin ang charming charming ko kahit may itinatago akong sakit.

Sakit no'ng iniwan ako ng anak ninyo, Mama.

'de, seryosong usapan. Iyong bigat ng dibdib ko dahil sa mga nangyari ng mga nakaraang buwan, parang medyo umalwan.

Wala namang sinabi si Adria na boypren niya ako o ex na pero ramdam ko 'yong sigla sa boses niya no'ng ipinakilala niya ako isa-isa sa pamilya niya.

Graduation niya pero siya pa ang may surpresa sa akin.

Hindi ko naisipang bumili ng kahit ano para sa kaniya. Hindi ako nakaisip ng pakulo. Hindi ko rin kasi inaakalang magkakausap kami at magkakausap pa.

Nakangiti naman ang nanay niya pero parang tagusan sa kaluluwa ko ang tingin nito. Para bang ginugutay-gutay na ang pagkatao ko sa isipan.

Nagsimula na rin ang interbyu sa akin. Na-hot seat talaga ako.

Hindi lang ako ginisa kung 'di pinakuluan pa. Ang daming itinanong ng nanay niya lalo na ang ate niyang medyo spokening dolyar. Napasabak din tuloy ako sa inglesan.

Tahimik lang si Adria sa tabi ko. Pinabayaan niya akong sumagot sa lahat. Minsan tumatawa o ngumingiti siya pero utang na labas, hindi man lang ako b-in-uild up.

Pero papayag ba naman akong maging taong halaman? Siyempre, hindi. Binabato ko rin sila ng mga katanungan para matantiya ko rin sila. Para makilala ko rin kahit papaano.

Nagpakitang gilas din ako. Hindi ako papayag na hindi ko maiangat ang bangko ko sa hindi mayabang na paraan.

Sinabi ko rin na kamamatay lang ng nanay ko at mag-isa na lang ako sa bahay. Real talk naman iyon. Hindi ako nagpapaawa. Kailangan kong sabihin sa kanila iyon kung gusto nilang kilalanin ang magiging bagong miyembro ng pamilya nila.

Ow right.

Hindi ko nga lang sinabing nagsama kami ni Adria ng mga ilang buwan doon kasi siguradong ekis na ako sa pamilya niya. Tapos maba-bad shot pa ang bata kung sakali.

Eh nagtanong na 'yong asawa ng ate niya kung boypren na ako ni Adria.

Napatingin ako sa bata. Hinayaan kong siya ang sumagot doon. Kasi kung ako ang tatanungin, wala namang nagbago.

Naghiwalay lang pero wala naman akong sinabing pumayag akong makipagkalas.

"Nililigawan pa lang ako niyan," natatawa niyang salita bago tinusok 'yong California Maki niya sa pinggan.

Napangisi ako. Napatango-tango na lang ako. At least hindi "ex" ang sinabi kasi sasabunutan ko talaga siya, sizt! Sa kama nga lang.

Hindi na naman nagtanong ang ermats niya. Naging kaswal na lang ang usapan namin. Natutuwa nga ako roon sa asawa ng ate niya kasi mahilig din pala sa mga oto iyon. Ang dami ring alam.

Nagyoyosi rin kaya nakasabayan ko pang humipak sa labas pagkatapos naming kumain.

Nakita nga ako ng nanay niya sa 'di kalayuan habang bumubuga ng usok. Nang magtama ang tingin namin, ngumiti ako at kumaway.

Nginitian ako pabalik. Hindi ko alam kung legit iyon o nagpapakatao lang sa harap ko. Hindi ko mawari noon kung gusto niya ako para sa bunso niya o baka isinusumpa na pala ako sa isipan nang hindi ko alam.

Nagpaalam din muna si Kuya sa akin na magbabanyo raw muna siya.

Lumapit naman sa akin si Adria pero agad kong itinapon ang stick ng sigarilyo ko. Nakatingin kasi no'n ang nanay niya sa amin.

Hinay-hinay, Axe. Hindi mo puwedeng sunggaban at may bantay.

Kinumusta ko siya. Normal na usapan lang na parang magkaibigan lang. Hindi ko ipinaramdam na may dapat siyang ikailang sa akin kahit pa hindi maganda 'yong mga nakaraang linggo para sa amin.

Kinumusta niya rin ako. Siyempre, feeling strong amputa. Nagkuwento lang ako sa mga madalas kong gawin sa araw-araw na ginawa ni Lord.

Tapos nabanggit kong nandoon pa rin ang iba niyang mga gamit. Sinabi ko pa ngang puwede ko namang ihatid sa kaniya kung sakaling kailangan niya iyon.

Tumawa siya. Iyong tawang hinahanap-hanap ng mga tainga ko.

Huwag ko na raw alisin doon sa bahay. Remembrance na raw iyon.

Nakitawa na lang din ako. Remembrance ang walah. Papayag ba naman ako no'n?

Napatitig lang ako sa kaniya. Wala, ang ganda talaga no'ng araw na iyon. Hindi ko lang masabi-sabi at baka sabihan akong bolero. Basta iba talaga ang dating niya sa akin no'n.

Nang makabalik ang asawa ng ate niya, nagpaalam na rin siya sa akin. Nagpasalamat siya sa pag-attend ko sa Graduation ceremony niya.

Gusto ko sanang umalma. Nakulangan pa ako sa pag-uusap namin. Para bang may mga gusto akong itanong o sabihin pero wala akong tsansa kasi nga kasama niya ang pamilya niya.

Hinatid ko na lang siya sa puwesto ng pamilya niya para makapagpaalam din ako nang maayos. Nagpasalamat din ako kasi isinama nila ako sa celebration.

Pero nagkaroon ng part two ang gulat ko.

Inaya ako ni Mama na pumunta sa kanila. Nagpakipot muna ako no'ng umpisa pero nagsalita ang ate niya, "Sumama ka na. Minsan lang naman. Mag-inuman kayo nito (itinuro ang asawa)."

Tumingin ako kay Adria. Nakangiti na naman sa akin.

Kapag nakangiti na ang bata, tiklop na ako. Eh 'di magka-convoy kami hanggang makauwi sa kanila.

Iyong mga demonyo sa katawan ko, nagsilabasan. Sa wakas, makatutungtong din sa loob ng pamamahay nila!

Hindi na ako illegal, mga motherpakas.

Medyo yumabang ako sa parteng iyon dahil mukhang nakuha ko na nang kaunti ang loob ng Mama, Ate at mga Kuya niya. Pati ng cute niyang pamangkin na paminsan-minsan ay lumalapit para magpakarga sa akin.

Malapit talaga ang loob ko sa mga bata. Kaya kung sakali mang mabuntis ko nang maaga si Adria, alam kong mapaninindigan ko talaga.

Alam kong gugustuhin ko ang ideyang iyon pero hindi ko muna gagawin kasi "manliligaw" pa lang ako.

Plano ko rin naman talagang manuyo ulit. Napangunahan na nga lang niya ako.

Masaya ring kasama ang pamilya niya. Medyo naririnig ko na nga ang panenermon ng Mama niya sa kaniya kapag may hindi nagagawa nang maayos sa kusina habang kami ng Ate at Kuya niya'y nasa sala, nagkukuwentuhan.

Ipinakita pa nga ng ate niya ang mga photo album na naroon sa isang malaking istante.

Nakita ko tuloy ang mga kyut na baby pictures ni Adria. Inisa-isa ko talaga iyon. P-in-iktyuran ko pa nga ang iba para may kopya ako sa cellphone ko.

Pati wacky pictures, hindi ko pinalagpas. Pang-blackmail kapag iniwan niya ulit ako.

Mukha naman silang komportable sa presensya ko. Ramdam ko base sa pananalita at kilos nila.

Pinakain pa nila ako ng tinapay na kakaiba. May pa-kape at biskwit pa.

Akala ko ba inuman? Taragis, lamay ko na ba iyon?

Tumabi si Adria sa akin no'n. Medyo may distansya nga lang pero ngiting aso naman ako. Nahuhuli ko pa ngang tumitingin sa akin si Mama. Binabantayan siguro ang bawat kilos ko.

Ewan ko pero parang may pumipisil sa puso ko no'n, mga p're. Seryoso.

Parang may nadagdag sa pagkatao ko. Kuha ninyo? Para bang nawala sa akin si Mamme, si Dadde medyo lumayo na rin ang loob sa akin pero may magandang bawi naman si Lord sa akin.

Bagong pamilya.

Siyempre, hindi pa ako close sa pamilya niya dahil kakikilala lang nila sa akin pero ramdam kong hindi ako naiiba sa kanila.

Kasi kung hindi nila ako gusto kahit 2% lang, malamang hindi na ako aayain pang pumunta sa bahay nila.

At kung wala na akong pag-asa kay Adria, hindi na niya ako para kausapin pa.

Hanga ako sa kaniya, sa totoo lang. Hindi ko akalaing ganoong kabuti ang puso niya para pagbigyan akong muli. Puwera biro, ganoon talaga ang iniisip ko sa kaniya dati.

Nasaktan ko siya sa mga salitaan ko. Nabalewala ko siya. Naging tanga nga ako, 'di ba? Pero kahit literal na umalis siya, nandoon pa rin pala ang bata para sa akin.

At isang malaking hakbang 'yong meeting the pemily para sa aming dalawa. Isang matinding improvement iyon.

Hindi kami nagkaroon ng tsansang mag-usap tungkol sa aming dalawa pero matapos ang gabing iyon, mas naging maayos ang turingan namin sa bawat isa.

Kitang-kita ko ang pagbabago sa kaniya, ganoon din ako sa sarili.

Mas naging mature ba.

Madalas na rin akong nasa bahay nila kasi hinahanap na raw ako palagi ng nanay niya. Mas mainam na rin daw na roon ako nagpupunta kaysa kung saan-saan pa raw ako kumakain ng hapunan.

Dinadalaw-dalaw din niya ako kapag Sabado at Linggo sa bahay at tinutulungan niya akong maglinis at maglaba kahit hindi ko naman hinihiling iyon.

Hayaan ko lang daw siyang gawin iyon. Eh 'di hinayaan ko nga.

Kahit pa no'ng natanggap na siya sa isang BPO company na inapplyan niya, palagi pa rin niyang sinisigurong ayos lang ako.

Hanggang sa nakakuha na ako ng tiyempo para makapag-usap kami nang masinsinan. Nilinaw ko ang mga bagay-bagay.

Mahal daw niya ako. Hindi raw tumigil iyon. Hindi rin nabawasan. Nadagdan pa nga.

Ay, putanginaaaaa. Ang lupet, 'no? 'di n'yo kinaya! Nyahaha!

Pero seryoso ako no'ng sinabi niya iyon, siyempre. May naghiwa na naman ng maraming sibuyas noon. Sabog uhog ko, eh.

Nailabas ko ang pagiging artista ko no'n. Wala namang script na ibinigay si Direk pero ang dami kong sinabi.

Mga salitang hindi ninyo aakalaing lalabas sa bibig ko. Hanggang sa jamming na kami sa paghagulgol. Nagyakapan pa kami, naghalikan and the rest is Hickory Dickory Dock. 

Iyon ang pinakamasarap sa pakiramdam. Iyong lambingan pagkatapos ninyong mag-inarte at maghiwalay. 'de, siyempre, hindi lang iyon ang masarap.

Solid pa rin kapag alam ninyong wala na kayong hindi kakayanin pa kasi napag-uusapan ninyo nang mabuti ang mga bagay-bagay.

Kasi kung hindi namin naresolba ang maliliit na isyu sa bawat isa, paano kapag malaking isyu na, 'di ba?

Ang kyut nga nitong si Adria.

Nag-aral siyang magluto roon sa kusina namin ng mga basic na putahe. Hindi niya raw magagawa iyon sa kusina nila kasi mapagagalitan daw siya ng nanay niya kapag may mali siyang ginawa o may nasayang na pagkain.

Nasaktan daw kasi siya no'ng sinabihan ko siyang hindi niya ako magawang ipagluto man lang kaya inaral niya talaga kung paano magluto.

Para raw hindi na ako maghanap ng ibang babae.

Tawa naman ako nang tawa no'n. Hindi naman porke hindi niya ako naipagluluto eh hahanapin ko na sa ibang babae iyon.

Todo sorry na naman ako sa tuwing nauungkat niya ang tungkol sa hiwalayan namin. Alam ko namang walang valid na dahilan para sa mga sinabi ko noon pero bumabawi naman ako.

Hindi ko na inulit. Hindi na ako basta-basta nagbibitaw ng mga salitang makaaapekto sa kaniya o sa aming dalawa.

Idinadaan ko na lang minsan sa biro kapag may napapansin akong hindi tama sa ginagawa niya. Ganoon din siya sa akin lalo na kapag hindi ko nashu-shoot 'yong brip at boxers ko sa marumihan (dati lang iyon, oy).

Saka kapag hindi ko agad nalilinis ang loob ng ref ko dahil pagod nga ako palagi sa trabaho. Tapos marami pa akong sideline no'n.

Hindi pa kasi frost free ang pridyider namin no'n (hindi ako binilhan ni erpats ng malupet-lupet na ref) kaya palagi niya akong inaasar na nandoon na raw sina Rose at Jack. Titanic nga kasi.

Imbis na magka-badtrip-an kami, tawa na lang kami nang tawa.

Iyong ikatlong taon namin, naging suwabe lang ulit. Lalo na no'ng ika-apat na taon dahil pinili niyang tumira ulit sa bahay kasama ako.

Medyo sinungaling nga lang ang bata no'n kasi sinabi niya kay Mama na sa Alabang na siya magtatrabaho kaya kailangan niyang mag-apartment pero ang totoo nama'y nasa Sta. Rosa, Laguna lang siya at doon na siya umuuwi sa akin.

Hindi ko na siya pinigilan sa mga desisyon niya kasi malaki na siya. Alam na niya kung ano'ng makabubuti sa kaniya o hindi.

At nasisiguro ko namang hindi ako magiging pabaya katulad no'ng nangyari dati.

Alam naming hindi papabor ang mga nakatatanda at mga tsismosong kapitbahay ko na nagsasama kami nang hindi pa kasal pero hindi na namin ininda iyon.

Hindi na isyu iyon para sa amin. Kasi kahit naman nagsasama kami, hindi naman kami umaasa sa ibang tao para sa kinakain namin araw-araw. Hindi kami humihingi ng tulong sa iba.

Buntot namin, hila namin. Buntot ko, hila-hila rin palagi ng bata. Playmates pa nga sila.

Saka bakit ba?

Tatay ko nga, hindi nangingialam sa amin kahit alam niyang magka-live in na kami ni Adria, ibang tao pa kaya?

Pabor pa nga sa amin kasi mas nagkakakilala kami nang maigi. Mas natututo kaming mag-badyet, mas alam namin kung ano'ng pangit sa isa't isa... basta nakikita namin halos lahat.

Kung immoral iyon para sa iba, wala kaming pake.

Kung makasalanan kami, eh 'di pare-pareho lang tayo. Walang magmamalinis kung dirty naman talaga.

Hindi rin naman kami pumapatol sa mga makikitid ang utak. Doon lang kami sa mga nakabubuti para sa aming isipan at buhay.

Walang puwang ang mga walang ambag sa relasyon namin. Walang makapagdidikta kung ano ang tama o mali sa amin kasi maniwala man kayo o hindi, naiisip na rin namin iyan.

Napagdidiskusyunan na namin iyan bago pa kayo mag-isip nang kung ano-ano tungkol sa amin.

At 'yong pagbabahay-bahayan namin dati ay nasisiguro naming hindi mauuwi sa wala. Dahil isa lang naman din ang goal ko. Namin.

Ang mauwi ito sa kasalan at ang maging legal kami, hindi sa paningin ng mga tao, kung 'di sa paningin Niya.

Dahil Siya lang naman ang kailangan namin. Siya lang.

Continue Reading

You'll Also Like

933K 37.5K 53
ELYU SERIES #1 In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a quiet life with no desire to rule the wav...
20.6K 993 34
ARCHER SERIES 2 Cashcade Lyle Montage, a girl who's afraid of taking risks and commitments after a great heartbreak from JH never expected to meet so...
887K 44.4K 43
Taking risk is never easy. The guarantee we get by staying inside our comfort zone is both addicting and tricky. Minsan akala mo matapang ka na dahil...