My Everything In His Past (2n...

Od VR_Athena

60.7K 5.6K 2.2K

"I wish I realized much sooner how important you are, my wife, my president, my everything." Viac

Mood Board
Prologue
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Author's Note
Chapter 19
Artwork
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Author's Note
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Author's Note
Chapter 57
Chapter 58
Author's Note
Chapter 59
Chapter 60
Wattpad Filipino Block Party: 2022
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Past Life (WarLyn's Special Chapter)
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Teaser for "My Sin In His Past" (Pedro)
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Author's Note
Chapter 74
Teaser for "My Sin In His Past" (Victoria)
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Author's Note
Author's Note
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Update Question
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Character Inspiration
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
ON-HOLD
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Epilogue
Special Chapter 1: WarLyn's Teaser
Special Chapter 2
Story Playlist

Chapter 38

380 41 10
Od VR_Athena

"Ma'am . . . I-I can't understand po. Akala ko po ba kukunin niyo na ako after graduation?" Gustong mapaiyak ni Apple Pie habang kausap ang manager ng restaurant na pinag-oOJThan niya. Ma'am Mikay suddenly called her to say that they won't take her in anymore. Nangako ito sa kaniya noon na after graduation ay ia-absorb na siya ng restaurant na mina-manage nito. She even commended her cooking skills and told her that they were very impressed with her.

"Apple Pie . . ." tila nahihirapang tawag ng ginang sa kaniya. Sa iilang buwan na nagkakilala sila ay naging close na rin naman sila. Ma'am Mikay has been nothing but good to her. She had been a mentor to her already at naging inspiration niya ang ginang. "You know how much I like you, right? Alam mong gustong-gusto kitang kunin na empleyado ngunit ang boss ko na mismo ang nagsabi na hindi ka daw pwedeng i-hire namin. I tried convincing him but he won't budge. Hindi ko alam kung bakit ba biglaan na lamang ang desisyon na iyon."

"Ma'am . . . please po," pauna niyang sabi ngunit pinahinto na siya kaagad ni Ma'am Mikay.

"I'm really sorry, Apple Pie." Iyon lamang ang minutawi nito bago siya binabaan ng tawag. 

Siya naman ay nanghihinang napaupo sa sofa bago unti-unting nilapag ang phone sa table na nasa sala nila. Napalingon siya sa upuan kung saan nakaupo si Kuya Zy kanina at natandaan kung ano ang sinabi nito sa kaniya.

"My father would never hurt you physically, but he would do everything to make your life a living hell."

Kwento ni Kuya Zy na iyon daw ang ginawa ng Dad nito kay Louisa at sa pamilya nito. His father took everything from them, ordered people to bully Louisa because of her being a gay boy and made sure that no one would help their family. Wala daw kaalam-alam si Kuya Zy sa nangyari dahil sinadya itong i-distract ng Dad nito. He said that his Dad started training him for the company so he wasn't able to contact Louisa. Huli na daw nang mabalitaan nitong nag-suicide si Louisa upang lubayan ng tatay nito ang pamilya niya.

From their conversation earlier, she was able to see that Kuya Zy has been blaming himself for what happened. Para bang sa isip-isip nito na hindi mamamatay ang taong nagpatibok ng puso nito kung hindi dahil sa sarili.

She started biting her nails while thinking about the problem that just came. Alam niyang hindi lamang iyon ang dadating na problema sa kanila ni Yohan. May paparating pa. Ramdam niya iyon.

Kaysa panghinaang ng loob ay pinunasan na lamang niya ang mga luha at determinadong tinawagan si Gwyneth.

"Gwyneth? Hi! Uhmm . . . may alam ka bang vacancy ng trabaho? Kahit na ano lang, oks ako." Nagbabakasakali siyang makahanap ng ibang trabaho. Wala na siyang pakialam kung hinindian siya ng restaurant na pinag-OJThan niya. Marami pa namang trabaho diyan. Sila ang dapat magsisi dahil pinakawalan siya ng mga ito. 

Sinabi ng kaibigan na kokontakin na lamang daw siya nito kung may alam itong vacancy bago sila nagpaalam sa isa't-isa. Hindi lamang si Gwyneth ang tinawagan at tinanungan niya. Lahat ng mga kilala niya ay kinontak niya para mabilis siyang makahanap ng trabaho.

All throughout the day ay sinubukan niyang i-cheer up ang sarili. Ayaw niyang ipaapekto ang sarili sa ginagawa ng Dad ni Yohan. Lalaban sila. Kakayanin nila.

Iyon ang akala niya . . .

Akala niya kakayanin nila ngunit nang umuwi si Yohan mula sa trabaho nito ay alam niyang may panibago na namang problema na dumating.

"Yohan?" nag-aalala niyang salubong sa lalake. Nagulat siya dahil magtatanghali pa lamang ngunit umuwi na ito. Sanay siyang gabi na itong umuuwi dahil sa rami ng trabaho nito. Yohan wanted to make a good impression to his superiors and she understood that. "May problema ba?" tanong niya habang sinusundan itong maglakad papunta sa kwarto nila. Pabalibag nitong hinagis ang bag sa may sahig bago inis na umupo sa kama nila. "Yohan?" nag-aalangan niyang tawag dito, nang hindi ito sumagot ay unti-unti siyang naglakad papalapit at umupo katabi nito. "Anong problema, Yohan?"

Frustrated na bumuntung-hininga ito bago siya sinagot. "They fired me. I don't fucking understand! I . . . I did my best! Halos ako na nga ang gumagawa ng lahat ng trabaho. All the tasks that they gave me was done in accordance to their standards! Pinuri pa nga ako ng boss ko kahapon lang tapos putang-ina! Ngayon tinanggal nila ako?! I . . . I just can't understand . . ." Una ay sumisigaw ito dahil na rin sa frustration ngunit paunti-unti ay humina ng humina ang boses nito na para bang gusto nitong mapaiyak. "I did my best . . . Anong ginawa kong mali?"

She heard his voice crack so she immediately hugged him and placed his head in her neck. "Shh . . . Alam kong ginawa mo ang best mo. Sila ang nawalan. Hindi ikaw," pag-aalo niya dito habang hinahagod ang likod nito. They stayed like that for a few minutes before Yohan finally calmed down.

After awhile ay hinarap siya ng lalake at hinawakan ang kaniyang pisngi. Kitang-kita pa niya ang namamasa nitong mga mata habang nagwiwika, "Don't worry. I'll find another job tomorrow."

She smiled at him after he said that but days passed and those days turned to weeks. Parehas silang dalawang hindi makahanap ng trabaho. Lahat ng pinag-a-applyan nila ay rejected sila kaagad. Para bang may malaking ekis sa mukha nila tuwing ini-interview sila.

Sa bawat araw na lumipas ay nasasaid na ang ipon nila ni Yohan. Pinagpaliban pa nga muna nila ang kanilang kasal at nagdesisyong magpapa-schedule na lang ulit kapag nagkatrabaho na silang ulit. Kumain na nga lang sila sa Jollibee noong graduation niya dahil walang-wala na talaga sila.

Dahil sa problemang nangyayari ay unti-unti niyang na-realize kung gaano kaimportante ang pera sa isang relasyon. People may say that love is enough, but truth be told, maraming taong nakakalimutan ang kanilang pagmamahalan dahil sa money problems. Unti-unti ay napapadalas ang away nila ni Yohan. May mga bagay na hindi sila nagkakasundo. 

Tinitipid na kasi niya ang lahat at iyon ang ayaw ni Yohan. Alam niyang gustong-gusto siyang i-spoil ng lalake ngunit iba na ang sitwasyon nila ngayon. Wala silang pinagkukuhanan ng pera. Hindi nila pinupulot iyon. Kahit nga ang ipon nilang pera na nasa bangko ay bigla daw nawala at ika ng management ay sosolusyunan ng mga ito iyon ngunit alam niyang ang Dad ni Yohan ang may dahilan ng pagkawala ng pera nila. It would be a miracle if they get it back.

Alam naman niyang mas paranoid siya kaysa kay Yohan dahil siya lamang ang nakakaalam sa kanilang dalawa tungkol sa ginagawa ng Dad nito. Yohan thought it was just a rough road in their relationship kaya nagkakaiba ang pananaw nila patungkol sa pera. Para sa kaniya, kung may paraan para matipid niya ang piso ay gagawin niya talaga habang ito naman ay hindi gaanong nag-aalala tungkol doon.

Minsan umaabot ang away nila sa point na nagreklamo na ang katabing apartment nila dahil sa ingay nila. That was when she contacted Kuya Zy again and asked him for help. Mataas ang pride niya pero walang-wala na sila ni Yohan. Wala na silang pangbayad sa renta ng apartment pati na rin bayad sa kanilang mga bills. Gipit na gipit na sila kaya naman lumapit na naman siya kay Kuya Zy upang mangutang. Ang problema nga lang ay bantay-sarado ng Dad ni Kuya Zy ang bank account nito kaya naman ang pinagkukuhanan ng pangtulong ni Kuya Zy sa kanila ay mula sa allowance ni Xavier. Sabi ni Kuya ay para daw hindi mahalata ng Dad nito ang kinukuhang pera.

Noong unang nagbigay ng tulong si Kuya Zy ay agad niyang naramdaman ang pagdududa ni Yohan. Naiintindihan niya iyon dahil wala rin siyang trabaho at nasaid na ang kaniyang ipon ngunit may pera siyang nagamit para sa mga bills nila. The second time na tumulong si Kuya Zy ay kinompronta na siya ni Yohan. He wanted to know where she was getting the money but she can't say it to him. Ang hindi niya pagsagot dito ay nagresulta na naman ng away nila. Hindi sila nagpansinan ni Yohan for one week ngunit matapos iyon ay ito naman ang unang umalo sa kaniya.

Ang sunod na big fight nila ay noong bigla siyang tinawagan ni Kuya Zy at si Yohan ang mas malapit sa phone niya. She was already on edge all day and when she saw him touch her phone, she immediately yelled at him.

"Why are you so angry at me? Iaabot ko lang naman sa iyo?" naguguluhang tanong sa kaniya ni Yohan. Rinig at ramdam niya ang hinanakit sa boses nito habang tinatanong siya.

"Huwag ka kasing mangialam ng gamit ko!" Hindi niya maiwasang pagtaasan ng boses ang lalake at mukhang iyon ang nag-trigger para mas maghinala ito sa kaniya.

"Are you hiding something from me?" nanghihinalang tanong nito sa kaniya habang pilit na inaabot ang phone niya.

"Stop it, Yohan!" inis niyang sigaw habang lumalayo sa lalake. Bawal nitong makita ang phone niya at baka magtaka pa ito kung bakit lagi niyang kausap ang kuya nito.

"I swear to God Apple Pie, makakapatay ako ng tao kung malaman kong nagpapakaputa ka para lang magkapera tayo!" galit na sigaw sa kaniya ni Yohan habang masamang nakatingin sa kaniyang phone. Doon na niya na-realize na mukhang iniisip ni Yohan na may kinikita siyang ibang lalake para lang sa pera. 

"Putang-ina naman Yohan! Kahit ngayon lang naman sana lunukin mo ang pride mo bilang lalake! Naghahanap ako ng solusyon para sa problema natin tapos ako pa pagbibintangan mo?!" galit rin niyang sigaw dito. Nasasaktan siya dahil naisip talaga nito na kaya niyang gawin iyon. 

She loves him very much. She knew that he knew that. Kaya naman sana magtiwala rin ito na hindi niya magagawang magtaksil dito.

Dahil sa inis at galit ay padabog siyang lumabas ng apartment nila at iniwan ang lalake doon. Habang naglalakad sa kalsada ay binuksan niya ang cellphone at plano na sanang tawagan si Kuya Zy dahil hindi niya nasagot ang tawag nito kanina. Agad naman siyang nagulat nang may bumusina sa may gilid niya. Nilingon niya ito at nakita ang pamilyar na sasakyan ni Kuya Zy. It wasn't his usual luxurious sports car but it was still a very pricey one. Sabi ni Kuya Zy ay kailangan daw nitong bumili ng ibang sasakyan upang hindi ito mapaghinalaan ng Dad nito tuwing nagkikita sila. Doon kasi laging inaabot ni Kuya Zy ang pera na tulong nito sa kanila.

Hindi na siya nagdalawang-isip at sumakay doon. Ni hindi man lang niya napansin na sumunod pala si Yohan sa kaniya at nakita ang pagsakay niya roon. 

He didn't saw his brother, only the silhouette of a man in the driver's seat. The only thing in his mind was that he was slowly losing her because he can't give her the luxury that he promised.

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...
3.2M 166K 37
"I'm sorry, I love you." Married to a man who hates her family to death, Agnes Romero Salazar is in vain as she discovered her husband's secret affai...
Socorro Od Binibining Mia

Historická beletria

1.1M 69.7K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...
1.8M 7.5K 11
Anyone can do anything for the sake of love. But how far can a person go in order to surpass all the dares in love? How about you? Can you dare for...