Until Our Voice Meet Again St...

By yellowbei

6.7K 1.4K 1.4K

COMPLETED|UNEDITED because of voice they meet, it's called destiny or just an accident? do they have happy en... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
ANNOUNCEMENTS!!

CHAPTER 35

127 5 14
By yellowbei

"Maliwanag." Mahina kong turan.

Kadidilat ko palang ng mga mata ko tumama na ang liwanag mula sa itaas. Anong nangyari, ang huli kong naalala. Nasa hospital bed ako at sinisimulan na ang operasyon pero anong nangyayari? nasaan ako? bakit ang liwanang.

"M-Ma!" Parang ang sarap sa pakiramdam at wala akong nararamdamang sakit.

Ang ganda ng paligid puno ng mga bulaklak at ang ihip ng hangin na tumatama sa aking balat.

"May buhok ako?" Nakapa ko ang mahaba kong buhok. Pero hindi ba ay kinalbo ako. Paanong anong nangyayari?

"We are waiting for you." Napatigil ako at napalingon sa paligid. Sino yun? nag echo ang boses niya.

"You need to be back here."

"Ma!" Malakas kong sigaw at nawala ang nasa paligid ko.

"Check the heartbeat." Bumungad sa akin ang ilaw mula sa kisame ng hospital at ang mga doctor na nagmamadaling pumunta sa akin.

Buhay pa ako?

Pero nasaan ako kanina? anong nangyari? paano?

Bago pa masagot ang mga katanungan ko, nawalan na naman ako ng malay.

---

Third person's POV

Nailipat na ng silid ang dalaga pagtapos ng kaniyang operasyon, hindi parin tiyak ng mga doctor kung ano na ang kalagayan niya dahil naging maayos ang bone marrow transplant pero hindi parin tiyak kung gagaling na ang dalaga.

"Gigising na ba ang anak ko?" Pagtatanong ng kaniyang ina sa doctor.

Nandito parin silang lahat at nagbabantay sa dalaga, puno ng pag aalala ang mga muka nila habang pinapanuod ang dalagang nakahiga sa kama at may mga aparato sa buong katawan.

"Hintayin nalang po natin ang pag gising niya, dahil ayos naman ang lagay niya sa ngayon mamaya lang ay ililipat na natin siya ng kwarto para mabantayan niyo siya ng maayos." Mahabang tinuran ng doctor.

"Maraming salamat, nakaya ng Anak ko ang operasyon. Kaya sigurado akong makakaya rin niya makaligtas." Saad ng Ama ng dalaga.

Simula kagabi ay sila na ang nagbabantay sa dalaga sabi ng doctor na baka abutin pa ng ilang araw bago siya magka malay. Mas naging delikado pa ang lagay niya kagabi dahil hindi na talaga siya humihinga at wala ng buhay. Kaya tinitiyak maya maya ng mga doctor na ligtas ang pasyente.

"Kumain po muna kayo, baka po magalit sa akin si Yhonna kapag nalamang nag papagutom kayo." Saad ng binatang si Keijo at inabutan ang nanay ng dalaga.

Bakas rin sa muka nila ang pagod dahil wala parin silang pahinga mabantayan lamang siya.

"Ayos lang ijo, hihintayin ko magising ang anak ko." Pagtanggi niya.

"Yerie..you need to eat for our daughter. Siguradong malulungkot 'yun kapag nalamang hindi kapa kumakain." Inabot ng matanda ang pagkain. "Pwede ka munang magpahinga kami muna ang mag babantay." Dagdag pa niya.

Pero agad na umiling ang ina ng dalaga at nag pumilit manatili.

"She will survive, she promise that." Sambit ng binatang si Zaiker na sinang ayunan nila.

"Matapang si Yhonna, hindi niya tayo iiwan. May utang pa siyang kailangan bayaran." Sambit pa ni Keijo. Ang binatang gagawin ang lahat maging ligtas lang ang babaeng minamahal niya.

---

Yhonna's POV

Masakit, nararamdaman ko na naman ang sakit. Anong nangyari?

Hindi ko mabuksan ang aking mga mata na parang sa bawat pag galaw ko ay may mahapdi. Sobrang sakit parang hinihiwalay ang katawan ko.

Parang ang tagal kong nakahiga sa malabot na kamang 'to, malamig, mainit, masakit, mahirap. Iba iba ang nararamdaman ko.

Kahit pag galaw ng daliri ay hindi ko magawa, ang sakit. Ramdam ko ang mga aparatong naka lagay sa mga parte ng katawan ko.

"Yhonna?, hey." Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko.

Kilalang kilala ko ang boses na 'yun. "K-Keijo..." Nahihirapan kong sambit.

"Sh*t, wait for me." Nawala ang presensya niya ay narinig ko ang pag bukas ng pinto at yapak ng mga paa.

"Anak...jusko po salamat naman, Yhonnanica." Naramdaman ko ang pag halik ni Mama sa noo ko.

"Please leave us alone, hintayin niyo nalang pong papasukin kayo ng mga nurse." Narinig kong sambit ng doctor. At narinig ko ulit ang mga yapak ng paa.

Parang akong bulag. Ni hindi ako makakita ng ni isang liwanag. Ang sakit ng buong katawan ko, parang binugbog.

"Yhonna, open your eyes. You can do it." Kahit na nahihirapan pilit kong sinunod si Doc may mga nilalagay sila sa katawan ko at tinatanggal.

"Maliwanag." Nahihirapang sambit ko. Parang pamilyar.

At kusang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina kung saan wala akong nararamdamang sakit. Parang paraiso ang lugar na 'yun, sobrang presko ng hangin, ang daming bulaklak, at sikat na sikat ang araw. Pati ang lugar na 'yun ay pamilyar.

Parang napuntahan ko na dati.

"We are waiting for you."

"You need to be back here."

Minulat ko ang mata ko kasabay ng pag echo ng boses na narinig ko kanina. Hinihintay nila ako? kailangan ko bumalik?

"Are you ok ija?" Unti unting nilingon ng mga mata ko si Doc.

"You're just fine, but we're not truly sure." Ilang nurse pa ang pumasok para tignan ang lagay ko.

"Nauuhaw...A-Ako." Sambit ko, nakita ko ang pag kuha at abot sa akin ng nurse.

"Dahan dahan Yhonna." Pinunasan ni Ate Cherry ang tubig na natapon sa pisnge ko.

"Tatlong araw kang walang malay kaya siguradong gutom at uhaw ka. But you can eat now Yhonna..we need to check your conditions first." Masakit parin kaya hindi na ako nakasagot sa sinabi ni Doc.

"Sila Mama at Papa po." Tumango naman siya at tinapos nila ang ginagawang pagtingin sa kalagayan ko.

"Y'all can go now." Binuksan nila ang pinto at bumungad si Papa katabi si Tita Elenita, si Mama na naiiyak ang istura, sila Meli, Ellie, Ryona at Chescka at ang huling pumasok na si Zaiker at Keijo.

"A-Anak..." Agad na lumapit si Papa at pinatakan ako ng halik sa noo.

"Yhonna..oh my gash ija. Are you okay?" Lumapit si Tita Elenita.

Inalalayan ako ni Papa para umayos ng higa, hindi na ako medyo nahihirapan dahil binawasan nila ang mga nakaturok sa akin.

"A-Ayos lang po..medyo masakit." May pumayat pa ang istura ko ang layo sa dating ako. Blurred rin ang paningin ko, mas namutla rin ako.

"Nakaya mo Anak, hindi mo iniwan si Mama." Narinig ko ang mga hikbi niya.

"M-Ma wag kana umiyak...nandito pa ako."

Kaya ko bang magtagal?

"Binayaran mo na 'ko." Naramdaman ko ang kamay ni Keijo na nasa muka ko.

"Bayad na ang utang mo Yhonna, salamat at kinaya mo. I'm glad that you're safe now." Dagdag pa niya na mas nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Yhonna!" Kompleto sila ngayon, anong araw ba at wala sila sa school?

"Dapat pumasok kayo." Natatawang sambit ko.

"Gaga ka talaga, sabado ngayon." Narinig ko ang mga tawa nila dahil sa sagot ni Chescka.

"Hindi ko naman alam, parang kasalanan ko pang nakatulog ako ng tatlong araw." Mahina kong sagot na kinatawa ulit nila.

"You did it Yhonna, you survive it." Saad ni Ryona at niyakap nila akong apat.

"W-Wait layo ng konti, masakit." Daing ko dahil sa higpit ng mga yakap nila.

Nagsipag tawanan lang ang mga babae at agad na nilugawan ang yakap.

Ligtas na ba ako?

---

"Ma!" May d-dugo umubo ako at may dugong kasama.

Isang linggo na ang nag daan matapos ang operasyon ko at 'yung nakaligtas ako. Pero ngayon tumindi ulit ang pag ubo ko at ngayon may kasamang dugo.

"Oh bakit Nak?" Lumapit si Mama para tignan ang nangyayari sa akin.

"A-Anak? ayos kalang ba?" Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang dugo. "Anong nangyayari? sumagot ka Anak." Hinawakan pa ni Mama ang balikat ko.

"Ma... masakit dito, dito at dito." Tinuro ko ang ulo, lalamunan at dibdib ko. Ang init ang sakit.

"Sandali tatawag ako ng doctor dito ka lang." Nanginginig si Mama na lumabas.

Habang ako nakatulala at pinagmamasdan ang kamay kong puro dugo.

"Hey Yhonna." Agad na lumapit ang doctor sa akin at mga nurses. They put the Oxygen dahil bumibilis ang pag hinga ko. Ang sakit sa ulo parang hinihiwalay ang mga laman ko.

"Enhale, Exhale...dahan dahan sige." Hindi ko masunod ai Doc dahil may sumasakit ang nararamdaman ko.

"Rest, we will check what happened." May tinurok sila at tuluyan akong nawalan ng malay.

"Maliwanag." Mahinang tinuran ko.

"Come here, we will wait for you."

Dinalat ko ang mga mata ko at ang bumungad sa akin ay ang mga bulaklak. Nag echo ang boses na 'yun.

"Nandito na naman ako." Bakit ako bumalik dito? umihip ang malamig na hangin at nilapad ang puti kong bistida at ang mahaba kong buhok.

"MAMA! PAPA!" Lumakad ako at huminto sa isang bench kung saan makikita ang paglubog ng araw.

Gusto kong bumalik. Bakit ako nandito? may nangyari na naman ba? kung ano ano na namang tumatakbo sa isip ko at iniisip ang buong pangyayari.

"Yhonna!" Huminga ako ng malalim at dinilat ang mata ko.

"1...2...3." May kung anong kuryenteng dumaloy sa katawan ko.

"Ang A-Anak ko!" Narinig ko ang mga pag iyak ni Mama at ang mga doctor na nagtatakbuhan papunta sa akin.

"Revived!" Kung ano ano ang ginawa nila at sinaksakan ako ng mga aparato.

"We are waiting for you." Tumama ang liwanag ng ilaw sa aking mata at naging blangko ang lahat.

---

"P-Pwedeng humingi ng pabor Ma?" Dalawang araw ang lumipas ng nangyari 'yun. Ilang balde na siguro ng luha ang naiyak ko dahil sa sakit. Kung mas masakit nuong una mas sumakit siya ngayon.

May mga oras na hindi ko na kayang lumunok ng pagkain kahit na inumin, nag no-nosebleed ako at ubo na may dugo. Wala naring pumapasok sa isip ko kung ano ba talagang nangyayari. Kung ano ano narin ang ginawa ng mga doctor.

"Basta para sayo Anak." Ngumiti si Mama at tinuloy ang pagpupunas sa katawan kong parang tingting na.

"Gusto ko lumabas Ma, gusto ko ulit pumunta duon kasama siya." Mabilis kong sagot nakita ko ang pagtataka sa muka ni Mama.

"Saan Anak?" Tanong niya pero agad akong umiling.

"Ma... pakitawag si Keijo gusto ko siya makasama ngayon." Ngumiti ako.

"Sige, basta magpapaalam tayo sa doctor. Siguraduhin mo lang na babalik kayo agad. Anak alam mo namang may sakit ka parin." Tumango ako bilang sagot.

"Babalik po ako." Mabilis kong sambit.

"Saan ba kasi kayo pupunta? Ako na mag d-drive." Sambit ni Papa pero agad akong umiling.

Sa wheelchair muna ako nilagay ni Keijo at inayos ang damit ko.

"Sigurado ka ba?" Alalang tanong niya. At agad akong tumango.

"Ingatan mo 'yan Keijo ah." Pa alala sa kaniya ni Papa.

"Ma! Pa! Mahal na mahal ko kayo!" Bago tuluyang sumara ang pinto ngumiti ako ng malawak sa kanila.

Hanggang sa muli. Pasensya na po.

"Bakit naisipan mong pumunta dito?" Tanong niya habang tulak tulak ang wheelchair ko.

"Na miss ko 'to at ang taong kasama kong pumunta dito." Tinuloy niya ang pagtulak.

"Keijo, upo mo ako duon sa bench." Turo ko sa upuang nasa malapit kung saan tanaw ang papalapit na pag lubog ng araw.

"Sandali lang prinsesa ko." Natawa naman ako ng mahina. Dahan dahan niya akong binuhat siguro ang gaan gaan ko na sa timbang ko ngayon.

"Ang ganda." Mahinang sambit ko.

"Dito ako umamin sayo." Natawa kami pareho.

Walang pinagbago. Gantong ganto ang nakita ko duon. Ang ihip ng hangin na tinatangay ang hospital dress ko at tumatama sa balat ko.

"Keijo..." I know it's too late. I'm maybe stupid but ngayon lang ako nalinawan.

"Can you promise me a things." Naramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko.

"Ano po 'yun? basta po ikaw handa kong gawin lahat." Nilingon ko siya at ngumiti.

"Sabihin mo kay Mama may tinago akong box sa ilalim ng kama ko para sa kaniya 'yun. Pakisabi rin kay Papa na matagal ko na siyang napatawad at mahal na mahal ko siya. Pakisabi naman kay Zaiker na masaya akong nakilala siya kahit na sa kaunting panahon. Pakisabi naman kila Meli, Ryona, Ellie at Chescka na wag silang iiyak ayaw ko 'nun." Huminga ako ng malalim. "Ayaw kong may isang iiyak sa inyo kapag nangyari 'yun magtatampo ako. Hindi ko dapat makitang nahihirapan kayo."

Nakita ko ang pagtataka sa istura niya. "W-Why? anong sinasabi mo? babalik pa tayo duon ikaw na ang magsabi." Kaunti pa siyang natawa.

"Sorry Keijo."

"For what Yhonna?" Mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"Sabi mo diba nabayaran ko na ang mga utang ko sayo?" Agad naman siyang tumango.

"Salamat sa lahat." Dagdag ko pa at tinuon ang pansin sa paglubog ng araw.

"Yhonna... please no." May pakiusap sa boses niya.

"I need to breathe." Agad kong tinaggal ang kamay ko sa kamay niya at niyakap siya ng mahigpit.

"I need to breathe and to be with you Keijo." Mahirap. Nakakapagod. Masakit.

Kahit na hindi ko dapat 'tong gawin gustong gusto na sumuko ng katawan ko. Pasensya na hindi ko na kinaya.

"You can breathe Yhonna, you can My love." Humiwalay ako ng pagkakayakap sa kaniya.

"The sunset is beautiful isn't? It's waiting for me." Nakita ko ang pagkabasa ng mga pisnge niya at hinala niya ako.

Ilang minuto kong narinig ang malalakas niyang paghikbi. "N-No Yhonna." Ulit ulit na bigkas niya.

"I love you too." I immediately kiss his lips.

Ang aking una at huling halik sa taong unang nagparamdam sa akin ng pag ibig. Nagtama ang ilong naming dalawa at ramdam ang mga pagtulo ng luha namin.

"You just loved me too early and I loved you too late."

"Let's the rhythm of the music collide us again." I kiss his cheeks.

"Until our voice meet again My love." I close my eyes.

Now I can close my eyes. Forever.








Continue Reading

You'll Also Like

731K 11.3K 62
WARNING!!⚠️ SPG!! ⚠️BAWAL SA MGA MAMBABASA NA ENOSENTE.⚠️ Life is full of surprises, that will make us excited. Ryan Mark Solarte, a very well known...
54.4K 892 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
59.4K 337 119
I just want to recommend some stories that i know you'll going to enjoy *Title *Author *Description (Taglish) Nabasa ko na yung karamihan sa mga stor...
44.7K 3.4K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...