Kalmado (A Stand-alone Novel)

By isipatsalita

17.5K 2.8K 1K

Puro lang, walang halong kemikal. © 2022 isipatsalita More

Mensahe
Pasilip
Relaks 1
Relaks 3
Relaks 4
Relaks 5
Relaks 6
Relaks 7
Relaks 8
Relaks 9
Relaks 10
Relaks 11
Relaks 12
Relaks 13
Relaks 14
Relaks 15
Relaks 16
Relaks 17
Relaks 18
Relaks 19
Relaks 20
Relaks 21
Relaks 22
Relaks 23
Huling Relaks

Relaks 2

892 131 44
By isipatsalita

"Hindi ka talaga pang-Wattpad," sabi niya sa akin kanina habang nagkukuwentuhan na naman kami.

Minsan nagtatanong lang si Adria sa akin pero kasama na roon ang ita-type niya para rito sa libro. Madalas naman niya akong i-flex pero kapag nakikita ko ang ibang ipinagsususulat niya tungkol sa akin, para bang gusto kong umalma.

Puro kalokohan ko lang kasi ang nafi-feature. Hindi naman niya nasasabi roon kung gaano ako ka-maginoo.

Isipin n'yo nga. Noong unang beses kaming nag-face to face sa parking lot ng campus namin, Distancia Amigo ako.

Ang kyut kasi, mga p're. Parang ayaw kong lapitan at baka sunggaban ko.

Ang hinahon pa ng boses ko, parang tanga. Hindi ko nga nakilala sarili ko, eh.

Siguro nasa instinct ko nang kailangan kong gawin iyon kasi nga nasanay ako noon kay Jane na kailangang prim and proper kahit gusto nang mag-alpasan ng mga dimunyu sa sistema ko.

Napa-ingles pa ako, "Are you okay? Comfortable ka bang sumama sa 'kin?"

Ang ganda pa ng pagkaka-pronounce ko ng comfortable!

Ngumiti lang siya sa akin tapos nag-aprub. Mukha rin siyang nahihiya. Kahit siguro naman sino, kapag unang beses pa lang nagkasama, makararamdam nang kaunting hiya.

Kaunti lang naman.

Ipinakilala ko muna siyempre 'yong oto kong si Kenji sa kaniya.

Kita ko kung paano magbago ekspresyon sa kaniyang mukha. Umikot pa siya para sipat-sipatin 'yong oto kong bagong car wash.

Diyahe naman kasi kung dugyot, eh may chicabebot akong isasakay na sasakyan ko rin kinalaunan. Ow right!

"Ano'ng makina nito, Kuya?" tanong sa akin ni chinitang Neneng B (magagalit na naman iyon sa akin kasi tinawag ko siyang Neneng B dito).

Ay, utang na labas-pasok!

Tumawa ako no'n. Kinamot ko pa ilong ko kahit hindi makati. "Kuya ba kamo?"

Totoo naman din kasi dalawang taon ang lamang ko sa kaniya.

Lalong nawala iyong mga mata niya sa pagtawa niya. Imbis na ma-turn off nga ako kasi abot hanggang kabilang kanto ang tawang iyon, mas naging komportable sa pakiramdam n'on.

"B16A. Stock," simple kong sagot. Nakiramdam pa ako sa magiging reaksyon niya.

Eh tama nga ako. Umarte siyang kinikilig. Umikot pa siya sa may driver's side para buksan ang pinto at umupo roon. Hinimas-himas pa iyong manibela.

Aruy, may paghimas doon. Ako kaya kailan?

Biro lang. Wholesome ako no'n. Ni hindi nga ako nag-attention pagkakita ko sa kaniya, eh.

"Oh, em, gee! Ang lakas nito for sure. Nasubukan mo nang kumarera?" wika niya sa maliit at medyo matinis na boses. "Hala, paandarin mo na. Testingin na natin 'to, p're!"

Natawa na lang din ako. From Kuya to P're real quickie na quickie.

Hinagis ko sa kaniya 'yong susing nakasabit sa may sinturunan ng pantalon ko. Nasalo naman niya agad. Naastigan ako sa simpleng astahan niyang iyon. Ewan din kung bakit.

Ako naman, todo sipat din sa itsura niya.

Kung siya, manghang-mangha kay Kenji. Ako naman, sa kaniya.

Simple lang ng datingan, mga erp. Naka-as long as sleeve pa nga siyang kulay itim no'n na medyo hapit sa katawan niya tapos itinerno lang niya sa denim pants at Keds sneakers.

Tipong nagbalot talaga siya ng katawan para siguro hindi ko siya mamanyak.

"Paandarin mo na," nakangiti kong utos sa kaniya.

Check ko lang kung marunong ngang magmaneho. Baka pine-peyk news lang niya ako, eh.

Aba, napaandar. Nirebolusyon pa ang makina nang dalawang beses.

Puwede!

Plus points siya sa akin no'n. Si Jane kasi, ni hindi nga marunong kumambyo. Sa akin niya lang nagagawa iyon pero kay Kenji... Kuw! Hindi ko nga maipagkatiwala sa kaniya ang susi ko noon.

"Puwede kong iikot dito lang?" paalam ni Adria sa akin. Nakangiti pa parang pusa.

Tumango-tango ako. "Balik ka, ah? Alam ko buong pangalan pati address mo (kahit hindi naman talaga)."

Baka mamaya magandang binibini nga pero modus pala.

Tawa siya nang tawa. Hindi naman ako bumabanat talaga pero natatawa na siya. Hindi ko rin minsan alam kung mababaw lang talaga ang kaligayahan niya o talagang katawa-tawa ako para sa kaniya.

Isinara na niya ang pinto. Pinagkrus ko pa ang mga braso ko habang hinimas-himas ko 'yong baba kong bagong shave. Gusto ko kasi malinis akong tingnan bago humarap sa kaniya.

Nag-Master pa ako. Facial wash kasi iyon. Huwag kayong green.

Ang lupet ni Kenji pakinggan. Kisig pa ng tindigan. Pero mas pumogi pa iyon dahil minamaneho na iyon ni Adria.

May isa ngang tropahan ng mga lalaki ang napatingin sa oto ko pati na rin siguro sa drayber habang marahang binabaybay ni Adria ang kalsada.

Pero mas ikinalaki ng mga mata ko ay ang pag-re-rev niya sa makina bago bumitaw nang isang birit.

Narinig kong napasigaw ng, "Oww!" 'yong mga ulupong sa paligid. Kung kasama ko tropa ko no'n, malamang sa malamang naghiyawan na rin kami.

Magiging akin iyan, mga ungas.

Kung mase-seksihan ako sa isang babae, sa palagay ko hindi na dahil sa malaking dede o puwet kung 'di dahil marunong iyon magpatakbo ng oto.

At seksing-seksi ako sa kaniya no'n. Sexy tapos ang astig sa paningin ko.

Nakangisi na lang ako noong pabalik na siya sa may kinatatayuan ko. Wala kasing tint ang mga bintana ng oto ko kaya kitang-kita ko pagmumukha niya.

Ngiting pusa siya, eh. Halatang nag-enjoy.

Hindi pa kami nagde-date no'n, ha? Partida, meeting the kotse and owner pa lang ang nagagawa niya.

Nang maiparada niya nang maayos si Kenji, agad siyang lumapit sa akin para ibalik ang susi.

Ipinuyod pa niya ang buhok niya paitaas kaya napatitig ako sa kaniya.

Lintek na leeg iyan, parang ang bango.

"Ayos ba?" tanong ko na lang habang pinagmamasdan ko pa rin ang kilos niya.

"Oo. Gusto ko rin nang ganiyan. VTEC kicked in yo! ako kanina, eh. Napadikit ako sa upuan ko. Ang lakas ng makina mo. Tinesting mo nang ikarera iyan?"

Tipid akong tumango. "Illegal. Sa may Eton. Depende kung saan malawak ang kalsada at walang parak."

Nagkuwentuhan na tuloy kami tungkol doon. Ang dami niyang tanong kaya todo sagot naman ako. Para kaming magkatropang nag-uusap tungkol sa oto.

Nagulat nga ako kasi alam niyang may D15B, D16A pang makina at may pa-SOHC at DOHC turbo na rin siyang nalalaman.

Axe, puwedeng-puwede!

"May yosi ka?" tanong niyang ikinagulat ko na naman.

Hindi ako makapaniwala. Hindi niya nabanggit na nagyoyosi siya no'n. Hindi ko rin naman kasi naitanong kasi wala sa itsura niya ang may bisyo.

Napabunot tuloy ako sa bulsa ko n'ong natira kong pakete ng Marlboro Red. Inabot ko pa sa kaniya 'yong lighter ko.

Utang na labas. Ayaw ko sa babaeng smoker pero ng mga sandaling iyon, ginusto ko na.

Ilang minuto rin kaming steady chill doon sa parking lot bago naming napagdesisyunang umalis paakyat ng Tagaytay.

Pero imbis na sa Tagaytay kami napadpad, napunta kami sa Los Baños. Mayroon siyang nabanggit na cozy café roon. Ang kaso, pagdating namin, closed pala amputa.

Sayang naman ang oras kung aalis ulit kami kaya sinulit na lang namin ang pagpunta roon. Tamang tambay kami sa Freedom Park kasi ang peaceful doon. Halatang hindi bagay sa pagkatao ko.

Puro green nakikita ko roon. Daming broccoli, bruh.

Nakapunta na naman ako roon noong bata pa ako pero pagkatapos no'n, hindi na ulit. Kaya nagmukha akong pers taymer doon kasama si Adria.

Paupo na sana siya sa bench doon nang bigla ko siyang pinigilan. Pinagpagan ko muna 'yong uupuan niya kasi ang alikabok. Marurumihan ang pantalon niya kapag nagkataon.

Tinanong ko rin siya kung ano'ng gusto niyang kainin. Puwede namang ako pero siyempre hindi ko sasabihin iyon kung ayaw kong mabigwasan ako.

Na-spot-an namin 'yong 7-Eleven malapit doon kaya roon na lang ako bumili ng pantawid gutom namin. Pakakainin ko na lang siya sa maayos na restawran sa dinner.

Nabusog na naman siya sa mga kuwento ko kaya puwede na iyon.

Para lang talaga kaming magkaibigan no'n. Hindi kami magkadikit sa upuan. Nakabukaka pa nga siya habang kumakain ng hakdog at umiinom ng Slurpee. Ako naman, siopao ang binili.

Sinusuntok pa nga niya nang mahina ang braso ko kapag natatawa siya sa mga sinasabi ko. Medyo nalamog nga ako pero ayos lang.

Masaya naman.

Aminado akong masaya rin talaga ako. Hindi ako naramdaman ng pagkailang sa kaniya. Hindi ako naburyong o naartehan.

Walah... Puro magaganda lang yata ang nakikita ko sa kaniya. Ultimo pag-burp niya nang malakas, ayos na ayos lang.

Umutot din naman ako nang hindi niya yata napansin, eh.

"Ano'ng pangarap mong maging?" tanong niya sa akin habang nakatingin kami sa paligid.

Noong mga oras na iyon, alam kong sigurado ako sa gusto ko—maging professional race car driver.

Hindi ko pinangarap maging engineer, doktor, nurse, architect, abogado (abogago puwede pa) at kung ano-ano pang propesyon na gagamitan talaga ng dibdibang pag-aaral.

Hindi ako iyon, eh. Hindi ko imahe iyon.

Basta ang gusto ko bukod sa magkaroon ng maraming negosyo para marami rin akong pera, ay ang maging racing drayber kahit 1% lang ang tsansang matupad iyon.

Saka maging tatay na rin.

Solong magkapatid lang kasi ako. 'de, solong anak kasi ako nina Mamme at Dadde.

Plano pa nilang magkaroon ako ng kapatid pero hindi na kinaya ng nanay ko. Sa akin pa lang, hirap na hirap na siya.

Kaya gusto kong magkaroon ng maraming anak para maranasan ko naman iyong maligalig na pamilya.

Kahit kasing siraulo ko pa iyon, tatanggapin ko kasi wala naman akong no choice.

Tapos nalaman kong gusto ni Adria na magkaroon din ng sariling negosyo. Kahit hindi raw siya mayamang-mayaman, basta above average man lang.

Hindi niya pa pangarap ang maging writer noon. Hindi pa raw niya nararamdaman ang urge na magsulat no'n at gawin 'yong career.

Basta sa madaling salita, ang simple lang no'ng una naming pagsasama.

Hindi nga talaga mala-Wattpad. Hindi katulad ng mga nababasa niya ngayong istorya na dinala sa isang isla iyong babae para lang doon i-date ng bidang lalaki.

Hindi ko rin siya kinidnap para sabihing, "Fuck, you're mine."

Hindi rin ako naka-Lamborghini pagsundo sa kaniya kasi maka-Honda talaga ako. Hindi rin ako mapanga at hindi rin nagkukulay blue o green ang mga mata ko.

Hindi rin ako macho guwapito tulad ng mga kinalolokohan niya sa Wattpad. Sakto lang. Panabay lang din sa kaniya. Pasok din naman sa standard niya.

Angat-angat ko na rin ang bangko ko, siyempre.

Hindi rin ako inglesero kapag hindi naman kailangan. Alangang mag-ingles ako kapag kasama ko mga katropa ko saka mga tambay sa kanto? Magmumukha akong mahangin at tanga n'on.

Inilulugar ko lang din. Sapat na iyong pa-How are you? Are you okay? Ebribadi okey!

Wala, normal na lalaki lang ako. Madalas abnormal pero name-maintain ko naman ang pagiging marespeto kong lalaki kay Adria noon.

Hindi ko ipinaramdam sa kaniyang may dapat siyang ikahiya o ikatakot sa akin. Open lang din ako sa pagkukuwento.

Kung kagaguhan at kagaguhan lang din naman, marami na akong naikuwento sa kaniya tungkol sa mga pangit kong pag-uugali at mga siraulong nagawa ko simula pagkabata.

Hindi ako hugas-kamay para sabihing ang good boy good boy ko kahit hindi naman talaga.

Whatchu see is whatchu get, beaches!

Ramdam kong ganoon din siya sa akin dati. Hindi mapagpanggap na babae.

With feelings pa nga kapag nagkukuwento. Saka kitang-kita sa pagmumukha niya kapag natutuwa, naiinis, naiirita, nalulungkot at nagagalit siya.

Kaya siguro ang dali ko siyang basahin. Tipong kahit isang araw pa lang kaming nagkakausap, para bang limang taon na ang katumbas n'on.

Magkasundo kami sa maraming bagay. Pero siyempre, kakikilala lang namin sa bawat isa kaya nag-aamuyan pa lang kami.

Balak ko rin naman siyang amuyin pa sa ibang paraan pero hindi umatake ang pagiging manyak ko sa kaniya no'n.

Hindi kasi siya 'yong babaeng kakausapin ko lang dahil gusto kong ikama. Hindi ganoon, eh.

Kinakausap ko siya kasi ang gaan sa pakiramdam. Dinaig ko pang naka-weeds sa sobrang high ko no'n. Chill lang ba.

Iyong para akong nakakuha ng katropang babae, kapatid na rin, minsan parang nanay pa ngang magsalita at alam ko sa sariling kapag nagkaroon ulit ako ng gerlpren... dapat siya na.

Ganoon kasi ang mindset ko. Hindi ako collect nang collect bago select.

Pumili muna ako bago ako mangolekta ng mga bagong memories kasama ang babaeng iyon.

Tingin ko kasi no'n, oo, mukhang masaya kapag maraming chicks kapag titingnan mo kasi parang ang pogi-pogi mong kupal ka kapag ganoon, 'di ba?

Pero ang totoo, hindi. Masahol ka pa sa pangit kapag sinubukan mo.

Iba pa rin 'yong kuntento kang kausap o kasama ang iisang tao. Iyong hindi mo na nakikita sarili mo sa iba.

Na para bang hindi ka mapatae kapag hindi napasa 'yo ang kinalolokohan mong babae/lalaki.

Nagkaganoon ako kay Adria.

Palagi niyang sinasabing hindi naman kasi siya sexy para habol-habulin ko siya.

Hindi nga siguro malaki ang hinaharap at likuran niya, pero masasabi kong malaki ang hinaharap naming dalawa. Iyong kinabukasan namin.

Kaya utang na labas, kung iniisip ninyong nadaan lang naman sa sex kaya ako nagtagal sa kaniyamedyo lang.

Sex is good, but the labing-labing in between is what makes it... putangina, basta solid siya!

Continue Reading

You'll Also Like

7.5K 545 20
Zoe meets Nori in an unexpected event where he saves Nori from trouble. But becoming friends with her wasn't part of his plan. He's supposed to be fo...
323K 18.2K 82
(Finished) Aya Rodriguez was partying with her college friends when she met Jace Ordoveza, a dentistry student. She knew she felt sparks the first ti...
6.5K 377 33
Misfits Series #3: Your Eyes Tell (Published under Grenierielly Publishing) Living with misery and indifference, Keres had a difficulty in blending i...
66.6K 3.4K 94
Drayden Escanilla, a popular grade 12 student. A typical heartthrob teen who seems lost and confused with everything that's happening in his life. Wi...